Tuesday, May 24, 2016

LET'S SPARK A NEW FLAME



MABUHAY SA GUSTO AT PAAPOYIN ANG LAKAS
Hay! Natapos din ang isang madamdaming ‘whole week’, wala naman, dinamdam ko kasi eh. Atlis nairaos ko din ang paulit ulit na ‘trabaho uwi, trabaho uwi’. Kauway kaya. Pero ngayon naman, may something na kaakit-akit. Ito ang araw ng Sunday na palaging naming routine ni Angel dito sa bahay na gigising kami ng 9 or 10am. Basta mauuna akong gumising, pusta ko yan. Magkasama kasi kami palagi ng Saturday Night at dito siya natutulog sa amin. Ito yung pinakamasarap na feeling ng life ko. Mantakin niyo yung katabi ko pa matulog siya at hindi ako mag-a-alarm ng phone ko para gumising, engsyerep dahil gigising ako sa oras ng pagmulat ng mga mata ko, yung mismong katawang lupa ko na ang gigising sa akin. Ang sarap. Hindi ito kulang. Hindi ito sobrang tulog. Katamtamanan lang. . (Kala niyo talaga ang dami naming ginagawa sa trabaho, parang pagod na pagod eh) Anyway, kapag nakatayo na ako galing sa kama, mag iinit muna ako ng tubig. At habang nag iinit ako ng tubig sa dispenser. Bubuksan ko naman ang laptop upang magpatugtog para magising naman si Angel sa ingay ko na dulot ng nonstop songs ni Mariah Carey. At kapag tumayo na siya. Siya naman ang maglilinis ng bahay. Trip niya yung nagkakape siya habang naglilinis ng kwarto, gusto niya inumin yung kape ng maligamgam habang ako pasilip silip sa labas ng bintana or nagkukumpuni. At kadalasan kapag may nakaimbak na  ‘Nescafe 3 in 1 at Milo’ sa bahay. Yan ang bonding naming dalawa sa sahig, chikahan. Ang cheesy naming dalawa kapag nagku-kwentuhan kami ng Sunday morning tungkol sa opisina or kung kani kanino.

Sa init ng panahon ngayon, mainit din ang paglalambingan namin ng mga oras na iyon. Kahit na medyo gutom dahil walang breaky kasi tanghali na gumising, basta may magkapares na Milo ako at may kape siya, kalmado na ang buong araw ng sunday naming dalawa. At kapag tapos na ang gawain sa bahay. Gagala naman kami. Dalawa lang naman ang pinupuntahan namin kapag kakain kami ng tanghalian. Kung hindi Harrison plaza o Mall of Asia. Yan lang ang palaging choices namen na Malls. Sa payapa naming pag iisip habang nilalakbay ang mall, nakakapagharutan pa kami sa tricycle. Ang tibay naming nagawa pa naming iyon. Masaya yung ganun ah. Haha

At hindi naman bago samin ang bibili kami sa SM sa may cashier area at kukulitin kami ng mga babae kung gusto ba namin mag avail ng ‘advantage card’ nila. Ang sagot namin palagi ay “Hindi”. Nung araw na iyon, scarf lang naman ang gusto kong bilhin ate, yun lang, wala na pong avail avail pa.  Ganyan din sa mga ibang convenience store. May magtatanong kung may gusto pa ba akong bilhin, ang sagot ko ulit ay “Wala na”.

Kung bibigyan ko lang ng magarbong explanation ang kanilang pag aalok sa akin. Well, hahaba  to, itotodo ko promise, di ko naman sila mina-masama. Ang sa akin lang, paminsan minsan, yan kasi ang nagpapahamak sakin eh. Yan ganyang pag aalok style. Di ko naman sila sinisisi, naikukumpara ko lang. Naihahalintulad ko lang yan sa mga nakahain sa lamesa ko. Anong pag aalok ang sinasabi ko? Ganire, noon, ang dami kong gustong mangyari sa buhay ko. Nagbunga ito dahil sa inggit at opinyon ng ibang tao. Kaya ngayon lagi kong sinasabi na mags-stick nalang ako sa isang goal. Di din madali yung may isang goal lang para sa akin. Napaka-multi tasker ko kaya. Joke! Dati kung ano lang ang sabihin sa akin ng iba tao, follow lang ako. But now, buo na sa aking isipan ang gusto kong maganap. Detalyado na ang lahat ng sitwasyon. Saan lugar ko gustong magtrabaho. Paano ang ginagawa ko. Bakit ko ginagawa iyon. Ano ang dapat kong gawin para madagdagan pa ang skills ko para dun. Lahat ng iyan, na-visualized ko na yan, araw-araw.  Binuo ko mag isa. Di na tulad ng dati na gaya gaya nalang ako sa iba. Atlis ngayon, hindi man ganun na ganun na-macky pulido ang maging output na inisip ko, ang importante naging creator ako.

Hindi ko kinakalimutan ang personal at professional na pangarap ko sa buhay. Ang pinakamasakit kasi para sa akin ay yung hindi ko pa nabubuo sa isipan ko ang gusto kong mangyari, ang kina-kalabasan tuloy, ang ibang tao ang nakikinabang sa mga nasimulan ko (ayoko ng banggitin).  Kapag hinayaan ko minsan na kainin ako ng problema ng ibang tao o kahit kaninong tao sa paligid ko, nawawala na ako sa direksyon. Mahina talaga ako sa ganyan. Affected much ako. Buti nalang, unti unti ko rin nade-develop kung paano buuin sa isipan ko ang bagay na gusto ko. Sa ganun paraan, nakakamove forward ako. Isa lang ang natutunan ko tungkol dito. Wala pa akong nakitang na-develop ng ‘overnight na pangarap’.  Aabutin talaga ito ng taon at mahabang panahon na dapat igugol sa pagbuo ng image sa ating isip. Kailangan nito ng masusing paglalaan ng oras para sa sarili na kung saan nire-reflect o ini-evaluate ko ang mga nangyari sa nakalipas na days para doon ako matututo. Kailangan lang nating i-cultivate ang bawat vision at perspektibo sa buhay. Syempre may kalakip din ito na logic at paghahanda. Di mawawala yan. Kaya kadalasan wag tayong papalinlang sa iba na diktahan tayo kung ano ang gusto natin mangyari sa buhay. Yan ang pinakamahalaga. Ang mabuhay na gawin ang gusto natin.

Tanong ko sa sarli ko? Ano ba talaga ang gusto ko? Ang sagot ko. Ang maging masaya lang. Kaya kung sa akin lang na mas ina-allow ko ang sarili ko na mas maexplore ko ang pinakamalalim na nararamdaman na kaligayahan ko. Maging totoo ako sa sarili ko. Ang lalim ba? Mas mahalaga kasi na i-remind ko ang sarili ko palagi na ang masayang buhay ay binubuo ng maganda at tamang pagdedesenyo.  Anong pagdedesenyo? Parehas lang din yan ng pagpa-plano. Sa pagdedesenyo kong ito, hindi pa rin ako nakakalimot na mahalagang magtayo ng magandang pundasyon para sa pamilya ko, kaibigan ko, trabaho ko, kalusugan ko at syempre ang balanseng pamumuhay. At hindi syempre mawawala ang  pinaka pinagkukuhanan ko na lakas na ispiritwal ng buhay ko at ang sariling kong ‘Paglago’. Medyo seryoso yung mga nabanggit ko pero ano man ang mangyari. Pipilitin ko pa rin maging magsaya at maging masaya. So, kilos pa.

Punyeta kasi yung sa SM eh.Dami ko tuloy nasabi.  Sige, tuloy na natin.

Nasabi ko na rin kanina kung paano ako mabubuhay sa gusto ko. Damay ko na rin pati yung apoy na bumubuhay sa akin.

Naalala ko pa nung mga panahong nagbabaga yung apoy na hawak. Yung moment na umaayon ang lahat dahil dedikadong dedikado ako sa ginagawa ko. Hard work kung hard work. Ngayon. Na-waley na. Samakatuwid, unti unti kong binabalik. Hawak ko lang ang apoy na dating hinipan ng iba ngunit ngayon sinisindihan ko ulit, pinapaapoy ko ulit. Hindi ako pinaghinaan ng loob. Mas nagiging creative ako humanap ng solusyon sa mga balakid na nakaharang sa akin. Mas kino-consider ko na ngayon ang mga posibilidad na noon ay hindi ko maisip isip na posible pala. Binibigyan ko pa ang sarili ko mangarap pa ng sobra sobra. Mas nagfocus ako sa sarili kong ‘Kinang’, King inang yan.

At mapapatanong ulit ako sa sarili ko. Nag-explore ako ng mga tanong. Mga tanong na, ano ba ang mahalaga para sa buhay ko? Ano pa ang mas idadagdag ko pa? Kung walang pera, ano ang igo-Go ko na kagad gawin? Tinupad ko ba yung sikretong gusto ko, tinago ko dahil alam kong may magnanakaw nito.  Ano pa ang mas nakakapagpasaya sa akin? Ano ba ang pinangarap kong relasyon sa ibang tao? Ano pa pwede kong i-develop? Anong ‘Mabuting Balita’ ang mas dapat ko pang pagtuunan ng pansin? Mayroon ba akong natatapos? Ano ang iiwan ko sa lahat?

Tanggap ko na wala naman talagang formula sa pagkamit ko ng lahat ng ito. Kung ano ang ibibigay ng ating Diyos, tatanggapin ko ng maluwag at isusunod ko lang ang gusto ko. Kung matagal kumilos ang mga stars para sa akin, gagawa ako ng paraan para mapansin ako nila dito sa lupa at senyasan nalang nila ako para sa akin. Sabay kaming magce-celebrate. Tinatanggap ko rin ang daan na ibinibigay ng MayKapal. Tagal naman kasi mag-align ng mga stars sa akin. Kaya sa mga naachieved ko, inunahan ko na ang mga bituin kumilos. Marami akong pitfall na nagawa pero hindi yun sapat na dahilan para matigil ako. Ano mang setback, hindi ako nagpatinag. Ang pinakapagkakamali ko sa buhay ay hinanap ko ang sarili ko sa simbahan o sa iba noon na nalaman kong nasa loob ko lang pala ang hinahanap ko.

Kung iniisip niyo. Kumikilos din ako. Hindi ako puro salita.

Kaya, pagkakatiwalaan ko pa ang sarili ko. Nakikinig na ko ngayon sa ‘Calling’ ko. Hi-nang ko lang saglit ang call, di ako nawala sa line. Palaging magbababad ako sa mga nangyayari ngayon. Ito na ang ‘Big Change’ ko. Ayoko ng humalik pa sa pwet ng ibang tao. Mabubuhay ako sa gusto ko. Uulitin ko. Pagkakatiwalan ko ang sarili ko, lalo na kung sino ako. Mahalaga talaga na nakikinig palagi ako sa inner voice ko. Tang inang bulong yan eh. Careless whisper. At sa pagkakaalam ko, hindi ako ang isip ko kundi ako ang taong nagpe-perform sa mga iniisip ko. Yan ang nadiskobre ko ng husto. At gusto kong mabuhay sa Pag ibig. Kahit na ang demonyo kong pag iisip ang naglalaro ngunit  mayroon namangg pusong anghel ako. Gusto pa rin magmahal.  

Puro lang ba ako salita? Hindi. Nagsisimula palang kasi ako.

Ako ang driver ng buhay ko. Minsan aminado akong ang daming ko pang sinasakyan, nalilito tuloy ako. Kung tatanungin ko ang aking sarili kung ang ginagawa ko ngayon ay ito ba ang buhay na pinangarap ko? ang sagot ko ay nakacapslock na ‘HINDI’. Kailangan kong lunukin ang pride ko para sa pamilya ko. Kahit na may kupal akong amo. Papasok nalang ako sa trabaho.

Napagtanto ko, na ang buhay ay parang madikit na sapot ng gagamba. Hindi ako makakaalis sa sapot na iyon kapag lalo lang akong nagpumilit kaya pag aaralan ko nalang ng maigi na makakawala dito. Bubuksan ko na ulit  ang big door para sa mga bagong pagkakataon. Minsan kasi sarado eh. Minsan naming tamad lang. Pagbukas ko ng pinto, itutuon ko ang aking mga mata at isipan ko sa mundong gusto kong buuin. Payapang buhay at sakto lang na sistema ng mundo, okay na sa akin iyon.  Oops nakakalimutan ko pa. Paglabas ko ng pinto na iyon. Nakakalimutan ko palang bilangin ang mga blessings ko. Ang dami pala nila. Sa mga sumusuporta sa akin. Thanks senyo. Mas mag build pa ako ng magandang relasyon sa mga taong mas umiintindi sa akin. Ipinipikit ko ang aking mga mata at pinipintahan ang magandang buhay na aking nais. Mas pinapalakas ko pa yung kalakasan ko. May rhyme yan, wag ka. Mahalaga sa kin ang work hard. Play hard. Gaya ng ginagawa ko tuwing Sunday. Papatunayan ko sa lahat na ang lahat ng iyan ay kaya ko.

At muntikan ko ng makalimutan ang takot ko. Magready ka lang. Itutumba rin kita. Haha Yan mga pinapangarap ko. Parti lang din yan ng pangarap ng lahat. Paano ko nasabi.? Pangkalahatan ang purpose natin dito sa lupa. Balak yan lahat ni Lord. Naks! Haha Kaya ikikilos ko yung mga naisip kong ideya. Yun ang challenge dun eh. Yung hindi ko kagad makuha ang gusto ko. Nahihirapan ako. Worth iyon para sa akin. Gaya nalang ng mga activity na bumubuhay sa mga dugo ko sa ginagawa ko. Humina man ang apoy ko. Kukulubin ko to ng kamay ko at papaapoyin muli.

Hayst, Si ateng cashier talaga ng SM, kung ano ano tuloy ang nasabi ko. Haha

Sabi sa mga di mapagkakatiwalaang tao: Don’t just create your dreams, stand back and be happy when you’ve achieved them – you deserve it! haha


No comments:

Post a Comment