Wednesday, June 29, 2016

MAGTANIM.


I’m sorry for the truth. But nothing but the truth.
Magpapakatotoo lang po ko ngayon Actually, almost lahat ng blog ko, ang tapat tapat ko sa mga sinusulat ko dito sa website ko eh. Ngayon, magko-confess lang ako ngayon sa blog ko. Pagpasensyahan niyo na po. Masanay na po kayo. At witness po kayo ngayon kahit wala kayong paki. Joke! Sasabihin ko to ng wala ng format format pa or wala ng suspense ang kwentong susulat ko. Basta tuloy-tuloy lang. Bahala na. haha
Wala naman. Ngayon lang araw naman na to, dagsaan ngayon ang balita ng pagkapasa sa arkitekto ng mga classmate ko nung college. Huhu Totoo po. Aaminin ko senyo. Naiinggit ako sa kanila. Ayoko ng balikan pa kung bakit di ako natuloy sa arki noon. Naalala ko lang yung mga panahong binitawan ko tong kursong to. Actually ganito iyon, hindi ko rin naman talaga siya gusto na kurso. Buong puso ko yan sinasabi senyo. Napilitan lang naman ako noon dahil masarap kapitan ang ganung titulo kung sakaling makagraduate ako. 
Aminado akong siniksik ko lang talaga ang sarili ko noon. Naiinggit ako dahil siguro, nasa kritikal na kalagayan ako ngayon. Medyo lang naman. Hindi ko naman sinasabing kapag may titulo ka na, “safe ka na sa buhay. Magagawa mo na lahat ng gusto mo”. Ang sakin lang, atlis sila may napatunayan na. Parang ako wala pa. Feeling ko lang. haha Ang nega ko lang ata. Haha May nasimulan na naman ako, ang problema nga lang habang tumatagal mas lalong nagiging malabo ang mga kaganapan. Parang nagiging hopeless ako. Siguro, itong bagay na nararamdaman ko ay may mabuting balita para na rin sa lahat. Siguro, gusto ko lang talaga magdrama ngayon pero alam ko naman  sa sarili ko kung ano ang takbo ng buhay ko ngayon.
Ito ang ilan sa mga kinakapitan kong nakakapagpa-motivate sa akin. 
1. Siguro masyado akong nakatingin sa halaman ng ibang tao, kaya nakakalimutan ko ng diligan ang sarili kong halaman
2. May nasimulan na naman ako sa mga plano ko, siguro nga, kailangan ko pa ng doble or tripleng kayod.
3. Oo na. Kulang ako sa focus. 
4. Matuto akong magbunyi sa tagumpay ng ibang tao. (Congrats senyong lahat pala.)
5. Balikan ko kung ano ang nasimulan ko na. Yung ang pinakamahalaga.
6. Mahalin ko ang sarili ko. Nakakalimutan ko na ata ang halaga ko. Alm ko, ,mabigat ako.
7. Kailangan ko na may isakripisyo ako sa mission ko. Lahat nagawa ko na. Ang magsakripisyo nalang ang hindi.
8. Ngiti pa rin. Smile pa more. Alam kong malaki ang pangarap ko. Maabot ko to.
9. Influence pa rin sa iba ang mahalaga. Sumunod na mahalaga naman ay ang legacy.
10. Sila ang gagamitin kong inspirasyon para mas lalo pa akong magsumikap sa buhay. Silang mga magagaling.
11. Alalahanin ko kung ano ang meron ako ngayon, sapat na to para maka-move forward ako.
12. Hindi pa rin mawawala sa puso’t isipan ko na makaambag ako ng malaki sa mundong to. Seryoso yan.
13. Diba, ayaw ko naman talaga ng nakatambay sa opisina, so gagawa ako ng paraan para mangyari nga iyon. Tutuparin ko iyon.
14. Kayang kaya ko to. Ako pa, magaling akong tao. May tiwala ako sa sarili ko.
15. Ang utak ko lang talaga ang sumisira sakin. Ang shunga ko lang talaga mag isip kanina. Hindi dapat ganun. 
16. Gagamitin ko tong pain na to for good. Mas gagalingan ko pa. Mas lalakasan ko pa. 
17. Mas pipiliin kong maging positibo pa rin sa buhay. 
18. Just always see the good thing in everything.
19. Magpasalamat ako sa mga bagay na meron ako ngayon.

Anyway, congrats sa mga Arkitekto.


Wednesday, June 22, 2016

JOY ANG ITAWAG MO SA AKIN.


Meron akong gagawing ‘kilos protesta’ laban sa sarili ko. Ito ay isang malawakang protesta laban sa masama kong konsensya. Mag u-URCC battle ang sarili kong mga konsensya. Kasi pagod ako. Pagod na pagod ako. Mahal ko ang konsensya ko, pero bibigwasan ko na siya. Isa lang.
Ang laki na ng natapyas sa pagkatao ko nung sinabi niyang wala akong kwentang tao. Sabi niya iyon. Tang ina ni konsensya. Naturingan ng konsensya ko siya tapos ganun siya sa akin. Ang sakit.
Nitong nagdaang mga araw, ito ang mga bagay na nagsasawa na akong gawin, talagang sawang sawa na ko:
1.       Tipirin ang pera ko. Ayoko na magtipid.( Payat na payat napo  ko.)
2.       Magdahilan nang magdahilan. (Di na ko totoo sa sarili ko.)
3.       Maging empleyadong 8-to-5-ers. (Hirap gumising. Hirap matulog.  Shet!)
4.       Di ko maibigay ang dapat kong ibalik sa pamilya ko. (napakasuwail ko na)
5.       Kinakapos na ko ngayon.  Urgh. (Di na ko makahinga. Charot.)
Ito ay mga kaganapang makatindig balahibo para ulit ulit pang muli. Ayoko na.  Pilit ko nalang ipinipikit ang aking mga mata at iniiwan ang realidad na to. Nang sa gayon sa pangyayari na ito, atlis may nagkumot ng lungkot ko. May nagpayong sa maulang na kinatatayuan ko. May yumakap sa damdamin ko. Doon nalang sa imagination na iyon ako sumasabit. Ang konsensya ko kasi ang nagsasabi na tumigil na ko.
Sa sarili ko. Kapag alam kong nasa mali ako, ayun ang tama. Nagtatalo ang konsensya ko ngayon. Hindi naman ako natatakot. Sadyang may ‘nega’ things lang nainom ako sa baso kanina.  haha
Tulad nalang ng sabi ng aking
Exhibit A.
Masamang Konsensya: “May kapalit ang lahat ng kaligayahang mayroon ka ngayon. Sige, pakasaya ka pa.”
Mabuting Konsensya: Ulul. Wala na akong pake kung anong mangyari saken ‘ngayon o bukas’. Ang mahalaga natatamasa ko ang hagikgikan na tawanan, everyday. Hindi ordinary iyon, tsong. Alam mo yun. Sa ginawa ng ating Diyos araw-araw, anumang bagay o pagkakataon, natatawanan ko na talaga ang mga nasa paligid ko. Mukha na akong sira. As in. Let me clear of  this. Pero di ako nang iinsulto. Siguro kasi, sobra ang taas at halaga ng tingin ko sa sarili ko. At lahat naman talaga ay dapat mayroong mataas na halaga sa bawat isa.  Alam ko kasing ‘ups and down’ naman ang life ko, syempre kayo din. Eh pwede naman tumatawa ako habang nasa baba at lalo na kapag nasa taas na ko. Nagawa ko nga ang lahat kahit di ako sagana, paano pa kaya kapag sagana na. Kaya tigilan mo nako Masamang konsensya. Please!
Exhibit B.
Masamang Konsensya:  “Wag ka masyadong masaya, baka mamatay ka kagad niyan.”
Mabuting Konsensya: Masaya para sa akin ang ganitong buhay. Feeling ko nga eh. Masasabi ko ng kakambal ko ang ligaya. Nasa dinuguan ko na ang pagiging masaya. Alam ko kasing marami pang darating na problema sa buhay ko na kailangan kong maging matatag. Saka balita ko, nakaka-gwapo at nakakabata ang palaging nakangiti at nakatawa. Kamatayan? Galing na ko diyan. Laig akong deadas. May pagkakataon bawal talaga tumawa, halimbawa may nadisgrasya o anumang aksidente, ang sagwa naman tignan kung tatawanan ko yung mga bagay na iyon. Pero ang stand ko naman diyan, halimbawa mangyari sa akin na mahulog ako sa kanal. Talagang matatawa ako. Matatawa na rin sila. Magtawanan tayong lahat.
Saka tumatawa lang palagi, matetegi agad?
Exhibit C.
Masamang Konsensya: “Marunong kang magpasaya ng ibang tao pero di mo makakain iyan. Di ka mabubuhay diyan “
Mabuting Konsensya: Tama ka. Pero eto na ko eh. Ako, gusto ko kahit nasa libing na ako (wag po muna), nagtatawanan sila. Di nakakainsulto para sakin iyon na nakikita ko sila at kaluluwa na ko, nagtatawanan sila sakin. Ang para sa kin dun, alam kong mami-miss nila ako na may isang ‘Ben’ na nakapagpatawa sa kanila. Maalala niya ang mga ‘sample’ ko. Kaya aalagaan ko pa ang sarili ko, kasi kapag namatay ako, papalitan lang ako sa trabaho.  Di ako takot mamatay. So magpakasaya pa ako. Mahaba pa ang buhay ko. Masaya lang ang maging maligaya. Busog na busog ako sa ginagawa ko. Parang nakakain ko naman.
Exhibit D.
Masamang Konsensya: “Hoy. Wala ka pang napapatunayan.”
Mabuting Konsensya: Maka-hoy ah. Edi ako na puro peke. Wala pala napatunayan eh. Saka hindi rin. Siguro kung
1.       Nandito ang tatay ko ngayon sa feeling ko, hindi ako magsisikap.
2.       Nakagraduate ako ngayon sa arki, playing safe na ako sa buhay. Kilala ko sarili ko eh.
Sa madaling salita, wala man akong napapatunayan pa. May nasimulan na naman ako.  At alam kong ‘ako ito’. Papunta na ko sa destinasyon ko.
Buti nalang hindi ako iniiwan ng aking kaligayahan.
Exhibit E.
Masamang Konsensya: “Di ka na nakatakas sa problema na yan ah. Kawawa ka naman.”
Mabuting Konsensya: Nung nagroller blades ako sa CCP nung monday, hiniling ko nalang na sana maging patag ang mundo para di ako nadudulas o natatapilok sa mga lubak na nadadaanan ko. Pero imposible pala. Imposible palang walang problema sa mundong ito.  Imposibleng walang setbacks.  Imposibleng maging patag ang mundo.
Kaya ngayon alam mo na.!?
At kahit na, walang habas maminsala sa buhay ko ang pagsubok. Hindi pa rin ako susuko.
Exhibit F.
Masamang Konsensya: Pero di ka naman ‘well compensated’  di mo natatamasa ang tamang pagpapasahod.
Mabuting Konsensya: Okay lang atlis malinis ang binibigay ko sa pamilya ko.

Tama na. tama na.
Sa kabuuan ng lahat ng ito. Pagsubok lang lahat ng ito na malalapasan ko. Mabigat man ang karga karga ko ngayon. Gagaan din yan at mababawasan paglipas ng panahon. Kung ang mga guro nga sa eskwelahan, kapag nagpapa-exam sa mga estudyante nila, tahimik lang. Ganun din ang Diyos sakin ngayon. Tahimik lang yan. Di niya sasabihin ang sagot . Kasi dinicuss niya na to dati saken. Ako na ang magdidiskubre.
Kaya masaya pa rin. Hello sa magandang buhay.

MAKONSENSYA KA KONSENSYA




Tuesday, June 7, 2016

JUST THE "3" OF ME



Masyadong condescending 'tong ibabalita ko sainyo. Nayabangan lang siguro ako ng husto sa “Number 3”. Haha Kwento ko. Alalahanin ko lang, remember niyo pa ba ang basketball player na same ko ng name na si ‘Ben Wallace’ kung nanonood kayo ng NBA, siya yung  may number 3 sa kanyang jersey. Naging number din yan ni ‘Allen Iverson’ nung  nasa Philadelphia 76ers, nag-number 3 din siya. Napanood ko yan. Maniwala kayo.

The number three has become such a staple in our daily routines.

At tinuturing naman itong malas na numero sa magkasintahan. Pati na rin sa kolehiyo, ewan ko lang kung di kumunot ang noo mo sa ‘gradong tres’. Ang bobo bobo ko tignan nung nakatanggap ako niyan. Pulido ako noon ng grade na Uno eh. Joke.

At sa panghuling bilang na  ‘tatlo’, kung di niyo pa nagagawa to sa buong buhay niyo, ang jologs niyo, ito ang ‘go signal’ na dapat ka ng tumakbo, tumalon, tumambling, kasi ito ay  senyas na 1,2,THRIIIIIII takbo na sa dyiiiiiiip. Wala ng bayad bayad.  haha

Many moons ago, kapag bored ako sa school, minsan naido-drawing ko ang 3 na kapag binaligktad ay parang itlog ng lalaki. Haha Natutuwa ako. Lalaki naman ako pero bakit.

And,  I do not forget  ang ‘3 moves’ ko sa chess. Naglaro ako sa school. Ang galing galing ko kapag may nagogogoyo ako sa tactics ko na to. Pinagmamalaki ko yung moves na iyon noon. Kahit gasgas na. Sana alam niyo rin. In 3 moves, mapipikon ka. Haha

Sa mainit na balita naman ngayon,

Namatay si Muhammad ali kamakailan lang, sumunod naman ngayon si Kimbo Slice ng UFC, siya yung parang character sa street fighter na balbas sarado, ang hula ko ngayon, sino ang atletang susunod? Sino ang pangatlo? Wag naman si Floyd Mayweather. Wag. Wag, SANA!. Charot. Bakit ko nabanggit yang mga yan kahit di naman ako sports fantatic? Kasi ang topic ko ngayon ay tungkol sa tatlo. Yes. It’s three. Not tree. Yes Bitch! Nasabi ko na diba.

Wala naman talagang nakakapagtaka noong bata palang ako na ang isang araw ay binubuo ko lang ng laro sa umaga, kain sa tanghali at matutulog nalang sa gabi. Basta yun na iyon, given na naman iyon para saken. That’s my three special things in my life. And then, pumasok naman ako sa eskwelahan noon na ituro na kagad saken na ang bansang kinabibilangan ko ay mayroong tatlong isla na Luzon, Visayas at Mindanao. Tatlo din yan. Sumunod naman na natutunan ko, nung highschool ako, favorite ko idrawing ang suot na damit ng “Ang tatlong paring martir o kilala sa tawag na Gomburza na ang alam ko lang sa kanila ay binitay sila sa paraang pag gagarote. Ayun lang. Tatlo din yan.  Tapos sumunod din yung ‘Ang tatlong hambog’ na ang tanging ideya ko sa kanila, nakakatawa daw tong palabas na to, saka ko lang napanood sa youtube, lately lang din. Habang lumilipas ang panahon, nakikinig na ako ng mga videoke ng mga matatanda sa amin, I still remember  ang kantang “si aida si lorna o si fe”, di ko alam kung sino ang kumanta niyan pero kung di ako nagkakamali, ganito yung lyrics niya “la la la lalalala. Tulungan mo 'ko, pare, Si Aida, o si Lorna o si Fe? Hahaha. Tatlong babae din ang na-link sa kanya.

Pero ano ba ang tinutukoy ko, di niyo ba napansin kung gaano kahalaga ang tatlong bagay o tatlong tao satin. Sinadya ba na swerte minsan ang tatlo kundi bakit di nalang apat para sure. Haha  Nga pala, di ko pa nababanggit ang tatlong bibe na nakakalibang din pakinggan. San ba nanggaling yan. Punyeta.

Malas din ba na kapag tatlo kayo sa picture, mamamatay ang nasa gitna? Tingin ko hindi naman. Dami ng gumawa niyan eh.

Gaano ba ka-importante ang tatlo o 3 na bagay sa buhay ng isang tao? Kung mayroong naimbentong The father, the son, and the holy spirit. Kailangan mayroon din tayo niyan. Kung sumikat ng husto ang ‘The three stooges’. Dapat mayroon ka ring kulit na nasa bilang ng tatlo. Kung hanggang ngayon ay bilib na bilib ka pa rin sa katanyagan ng ‘Tito, Vic and Joey’,  dapat mayroon ka ring dapat pagsikapan na tatlong bagay.  Eh syempre, mahilig ata ang Diyos natin sa tatlo eh. Magtatlo ka na rin. Sobra akong naniniwala kung gaano kahalaga ang numerong tres.

Nakakatuwa kung gaano ka-magical ang numerong “tres” sa buhay ng tao. Bigyan ko kayo ng sample. Kung ngayong araw na to, may goal akong (1) kumanta sa loob ng kalahating oras sa banyo, (2) kumuha ng mga litrato sa mga street pag pasok ko ng opisina at sa pag-uwi na kumunsumo ng 1 hour at (3) pagdating ng bahay, magsusulat ako ng mga kanta sa loob ng isang oras lalo pa kung ginaganahan ako. Samakatuwid, lumalabas na kung sa buong isang week ko to ginawa. Ang total niya ay,

1. Nakabuo ako ng 210 na minuto in one week sa pagkanta sa loob ng banyo. Malamang praktisado ko na ng konti ang kantang iyon.
2. Nakabuo ako ng 7 hour in one week sa pagkuha ko ng mga litrato sa mga street. Siguro medyo perfect ko na ang mga shots ko, at may mga questions na akong mabubuo about photography. Trial and error. Kaya may nasimulan na ko.
3. Nakabuo ako ng 7 hour in one week sa pagsusulat ko ng mga kanta. Sa isang linggo, instant poet na ako.

Hindi na masama kung tutuusin, diba!. Hindi na mabigat ang tatlong bagay na gagawin ko sa isang araw hanggang sa buong linggo.

Paano pa kung nasanay ako na sa tuwing linggo, ayun ang ginagawa ko. Syempre, hindi ko na namamalayan, umabot na pala ako ng isang buwan.

Ang saya nun kung iyon talaga ang goal ko. Example lang naman yan.
Yan ang halaga ng “three” sa lahat. Garantisado.

Kahit siguro di ko na isipin ang isang linggo o buwan na dapat kong tapusin na goal pero kung ngayon araw naman na to, ay yung tatlong bagay na gusto kong tapusin, eh nagagawa ko ng maganda at mas nag iimproved pa ko, nakikita ko na ang progress ko. All good. Pwede na akong mag celebrate. Sisiw na sakin ang kalahating taon, feeling ko lang, kapag nabuo ko ito.
Nakakapressure kasi isipin na dapat ma-achieve ko ang goal ko sa isang taon, kaya minsan di pa natutupad. Ito ang biyaya ng tatlo. Napaka-magical talaga kung sa isang araw ko gagawin tong goal ko at bukas gagawin ko ulit. Talagang improving ang lahat at upgraded.  

Ikaw!?

Anong feeling kaya kung na-achieved mo ang goal mo sa loob ng isang taon. Tulad ng mga nabanggit. Ang sarap uminom siguro ng alak nun sa bar, magbakasyon, manlibre, magpacanton, magpamassage, magbakasyon sa Thailand basta lahat ng bagay na masaya icelebrate. Magagawa mo na. Done ka na eh.
Kung nakikita mo ang sarili mo na ginagawa mo ang goal mo araw araw with these 3 things at nagawa mo nga ito, umabot ka pa ng tatlong taon.

Para ka na sigurong juan 4 all, all 4 juan sa pagta-trabaho. Doble kayod everyday. Nagiging habit mo na ang mga goals mo. Baka siguro, nabura na ang sinulat mong mga goals pero nasanay ka na sa tatlong bagay na ginagawa mo araw araw. Wala ng saysay ang sulat. Ikaw na mismo  ang mga sinulat mo. Ikaw na iyon.

Malamang sa alamang. Sisiw na sayo ang isang dekada sa tatlong bagay na iyon.

Sarap diba!

At dahil nga matunog ang bago nating presidente. Anyway, congrats po muna po Mr. President. Ito ang dagdag trivia. Alam niyo ba ang ang Davao City ay  tatlong sukat na ng Metro manila yan. Malaki din diba ang Davao na naayos ni Duterte kung iisipin.

At maiba naman tayo. Kala ko noon, nung bata ako ah, ang pinakamasarap sa sex ay yung  ‘Threesome’. Hindi pala. Mali pala iyon. Ayon din yan sa survey. Kadiri daw yan. Joke!

Ngayon, gets ko na kung bakit sikat na sikat ang “The Three Musketeers, The Marx Brothers, The Three Little Pigs, The Magi. Damay na natin sina Cleopatra, Julius Caesar, and Mark Antony. Syempre di mawawala ang Destiny’s Child. Say my name, say my name ang peg. Kung di pa kayo kumbinsido sa tatlo ko, banggitin ko na rin ang words na talagang di malilimutan, ito ay ang “Go,glow and grow sa pagkain, Stop look and listen, tapos Faith, hope, and charity sa Bible.  Sino ba naman ang di matututo sa lessons ng tatlong salitang ‘All is well, ‘Believe. Achieve. Receive,’ Winners never quit at siyempre ang ‘Seize the day’. Mga tatlong words yan na super important.

Gusto ko pa sanang isama ang Newton's Laws of Motion. Kaso, masyado ng kumplido para sa topic ko na tatlo. Basta wag kayong mawawala na ang laws nay an ay kapatid nina  length, width and depth. Joke. Diba tatlo din yun. Hahaha Pero sige. Sakto pang maalala ko ang pythagorean theorem na may three sides.  Third year high school ako na na-enjoy kong pag aralan ito. At kung kanina, hindi niyo pa napansin, ang letrang  “A F H K N Y at Z” ay binubuo ng tatlong linya. Bilangin niyo.

Ngayon, ano ang tatlong goal mo sa buhay, today? Simulan mo na.
Ngayon alam niyo na kung bakit napaka-Gamitin ng number 3.

Monday, June 6, 2016

TOTONG PAGHIHIRAP

Ngayon palang ako magkakaroon ng reaction paper sa blog ko. And take note, ang ire-review ko ay yung ‘romantic drama’ pa, hindi comedy. Tumatak talaga kasi sakin to. Tong movie na to. Kahit na umiikot ang kwento sa tatlong tao. Minsan kapag sumobra na kasi sa dalawang bida, naguguluhan na ako eh. Hahaha Kahapon ng sunday, naisipan kong magdownload sa internet ng movie. Pasensya na ho sa pinirata.

Eh wala akong magagawa,  natapos ko lang naman ang “DIY camera slider” na ginawa ko. Sobra ang galak ko nung natapos kong gawin ito. Hindi pa naman to tapos, pipinturahan ko pa siya at lalagyan ng stand. Anyways,

At ayun na nga, kala ko aantukin ako sa mga oras na iyon, kadalasan kasi tuwing hapon ng Sunday bandang 1pm to 3pm inaantok ako minsan sa mga putang inang oras na iyan lalo na kapag wala akong ginagawa sa bahay at sobrang init pa. So, himala na di ako inantok kaya nanood nalang ako ng movie.

Pero bago ang lahat, bumili muna ako ng gulaman sa eskinita samin at biskwit. Baka gutumin ako, at maudlot lang ang pinapanood ko. Pinorma ko na ang mga paa ko at sinimulan ko ng manood. Yeeeaah! Play it.



Ang kwento ng movie na “The Words” ay umiikot sa tatlong writer. 2012 pa ito naipalabas. Kaya medyo luma na. Apat na taon ng nakakalipas.

Ang unang writer ay si “Clay Hammond” na kung saan binabasa niya ang kanyang excerpts sa bagong niyang libro na “The Words” sa isang conference ata iyon. Siya ay may nakilalang magandang babae sa lugar na iyon at ito ay si Daniella, itong babae na ito ay naging tagahanga ni Clay noon pa man. Isang gabi sila at nagmeet. Kala ko nga mag se-sex sila eh. Sayang, ang romantic pa naman ng pwestuhan nila sa parang condo ni Clay. Ikinukwento niya ng may intense ang book niya. Pero infairness,walang sex na naganap.

Ang pangawalang writer naman ay si Rory Jansen. Siya yung bida sa “Limitless” na movie.  Sa istoryang ito, ang baguhang writer na ito ay gustong sumikat sa larangan ng pagsusulat. Isinasalaysay ni Clay ang istorya ni Rory at ng matandang writer. Mamaya malalaman niyo yung matandang writer na ito.  Kasama naman ni Rory ang kanyang may-bahay na si Dora. Napaka-supportive ng asawa niyang ito sa kanyang karera sa pagsusulat. Nakatira silang dalawa sa New York. Marami na ring nasusulat na nobela si Rory ngunit nare-reject siya  kasi sabi ng publisher ay masyadong non-commercial ang mga gawa niya. Para kumita ng pera, pumasok siya bilang clerk sa isang publishing hous.  At para pakasalan na rin si Dora. Ang sweet nga nung moment na naghoneymoon sila sa Paris. Gusto ko iyon. Gumala din sila dun. May pinuntahan silang parang secret compartment at may nakita si Rory na kakaibang briefcase doon. Sinuri niya to ng maigi. Nahuli siya ng kanyang asawa. Kaya ayun, bilang gift, ibinili sa kanya iyong briefcase. Sa pag uwi nila, may napansin si Rory sa loob ng briefcase na may isang rim ng papel. Naka-typewriter pa ang mga sulat. Binasa ito ni Rory hanggang sa dulo ng nilalaman nito. Na-amazed siya sa kakaibang kwento kaya sinubukan niyang gawan ng libro ng wala man lang binago kahit konti sa mga text nito. At aksidenteng nabasa ito ng kanyang asawa, nagulat at natuwa din si Dora sa kanyang nabasa dahil kakaibang kwento ang nilalaman nito. Tinanong niya ang kanyang asawa, kung sa tagalog isasalin ang isnabi, “ikaw ba ang nagsulat nito? Sabi niya kay Rory. Umamin si Rory na siya nga daw ang nagsulat ng kwentong ito. Ipi-nush ni Dora na ituloy ang ginagawang nobela at siguradong sisikat ito. Nai-publish ang libro at tama nga ang hinala, sumikat ito ng sobra. Naging best seller din. Ang title nito ay “The Windows Tales” na napulot nga ang kwento sa loob ng briefcase.




At ang pangatlo namang writer ay ang matandang nagsulat talaga ng librong pinublish ni Rory. Ang matandang ito ay isang American soldier sa Paris noong WWII. Noon binata pa ito, mayroon siyang ka-sundalo na inudyukan na siya sa mundo ng literatura. Pero keme lang sa kanya. Ngunit, nagkaroon siya ng personal na problema noon at ang kanyang asawa, ito ang naging dahilan kaya nakapagsulat siya ng isang nobela. Nang pinabasa niya ito sa kanyang asawa, Katanga naman na  naiwan ng asawa niya yung sinulat niya sa isang tren. Hinanap naman niya ito sa tren ngunit wala na silang naabutan na kahit na anumang briefcase. Ito ay naganap nung binata pa ang matandang writer.

Lumipas ang ilang taon. Dahil nga sa hilig magbasa ng libro ng matandang tinutukoy ko, nabasa niya nga ang librong “The Windows Tales” ni Rory Ransen. Ito ang kanyang nobelang nawawala. Hinanap niya naman ang writer na ito at ninais niyang magpa-autograph dito. Nagkatagpo sila sa isang park dahil sinundan niya si Rory, nakapag pa autograph  naman ang matanda at pinilit niya din maikwento ang gusto niyang ikwento sa taong ito. Natawa nga ko sa scene na pipirma na si Rory sa libro na inaalok ng matanda ngunit wala siyang dalang ballpen at ang sabi ng matanda sa kanya “A writer without a pen? Patanong yan. Imposible talagang tawaging kang writer na walang kang lapis o ballpen na dala palagi. Hindi makapaniwala si Rory na ang kausap niya ay ang tunay na writer ng librong inilimbag niya. Sinabi ng matanda hindi direkta na siya ang sumulat ng libro, patama ang ibang salaysay. Nagkwento ang matanda tungkol sa pagkawala at sakit ng nakalipas. Sa pagsasalaysay ng matanda, gusto niya lang naman sabihin ang tunay na istorya sa likod ng mga nawawalang sulat na iyon.

Nasaktan si Rory sa nalaman niya. Isang malaking sampal para sa kanya ito.
Wala ng nagawa si Rory kundi magpakalasing sa sakit na naramdaman niya sa lahat ng sinabi ng matanda. Parang nawala ang pagkatao niya. Umuwi siya sa kanyang bahay. Inamin nalang niya sa kanyang asawa na hindi siya talaga ang sumulat ng librong ito. Nasaktan din si Dora ngunit kalaunan natanggap din nila ang pagkakamaling iyon. Inamin din niya ito sa publisher na hindi talaga siya ang sumulat ng librong ito. At bilang ganti, isinoli nalang ni Rory ang pera sa matanda ngunit hindi naman tinanggap ito ng matanda. Ang matandang ito ay may isang payo para sa batang writer na ito, ang sabi niya “We all make our choices in life, the hard thing to do is live with them.” Gaya nga ng ginawa ni rory, mahirap pangatawanan ang pinili niyang landas.

At mabalik naman tayo sa unang writer na si Clay Hammond, ang sumulat ng lahat ng kwento na ito, ang sabi niya sa babaeng kausap niya na si Daniella tungkol sa isinalaysay niyang kwento sa libro na ito “At some point, you have to choose between life and fiction. The two are very close, but they never actually touch.” Romantic pa rin sila sa condo. Ang gandang convo neto. Ang cute nito, na parang puso at isipan na magkadikit pero di magkasundo. 




Kaya ang lesson dito, wag kang mang gagaya ng gawa ng iba. Kung di sayo, wag mong angkinin. Maging mas creative nalang. Sabi nga sa isang quote, “A writer at the peak of his literary success discovers the steep price he must pay for stealing another man's work.” Oh hindi yan akin ah.

Minsan inaamin ko, may nagagaya akong sulat ng iba, pero gumagawa pa rin naman ako ng paraan para masabing nakalikha ako ng bago. Pinipilit ko parin maging manlilikha.