Wednesday, June 29, 2016

MAGTANIM.


I’m sorry for the truth. But nothing but the truth.
Magpapakatotoo lang po ko ngayon Actually, almost lahat ng blog ko, ang tapat tapat ko sa mga sinusulat ko dito sa website ko eh. Ngayon, magko-confess lang ako ngayon sa blog ko. Pagpasensyahan niyo na po. Masanay na po kayo. At witness po kayo ngayon kahit wala kayong paki. Joke! Sasabihin ko to ng wala ng format format pa or wala ng suspense ang kwentong susulat ko. Basta tuloy-tuloy lang. Bahala na. haha
Wala naman. Ngayon lang araw naman na to, dagsaan ngayon ang balita ng pagkapasa sa arkitekto ng mga classmate ko nung college. Huhu Totoo po. Aaminin ko senyo. Naiinggit ako sa kanila. Ayoko ng balikan pa kung bakit di ako natuloy sa arki noon. Naalala ko lang yung mga panahong binitawan ko tong kursong to. Actually ganito iyon, hindi ko rin naman talaga siya gusto na kurso. Buong puso ko yan sinasabi senyo. Napilitan lang naman ako noon dahil masarap kapitan ang ganung titulo kung sakaling makagraduate ako. 
Aminado akong siniksik ko lang talaga ang sarili ko noon. Naiinggit ako dahil siguro, nasa kritikal na kalagayan ako ngayon. Medyo lang naman. Hindi ko naman sinasabing kapag may titulo ka na, “safe ka na sa buhay. Magagawa mo na lahat ng gusto mo”. Ang sakin lang, atlis sila may napatunayan na. Parang ako wala pa. Feeling ko lang. haha Ang nega ko lang ata. Haha May nasimulan na naman ako, ang problema nga lang habang tumatagal mas lalong nagiging malabo ang mga kaganapan. Parang nagiging hopeless ako. Siguro, itong bagay na nararamdaman ko ay may mabuting balita para na rin sa lahat. Siguro, gusto ko lang talaga magdrama ngayon pero alam ko naman  sa sarili ko kung ano ang takbo ng buhay ko ngayon.
Ito ang ilan sa mga kinakapitan kong nakakapagpa-motivate sa akin. 
1. Siguro masyado akong nakatingin sa halaman ng ibang tao, kaya nakakalimutan ko ng diligan ang sarili kong halaman
2. May nasimulan na naman ako sa mga plano ko, siguro nga, kailangan ko pa ng doble or tripleng kayod.
3. Oo na. Kulang ako sa focus. 
4. Matuto akong magbunyi sa tagumpay ng ibang tao. (Congrats senyong lahat pala.)
5. Balikan ko kung ano ang nasimulan ko na. Yung ang pinakamahalaga.
6. Mahalin ko ang sarili ko. Nakakalimutan ko na ata ang halaga ko. Alm ko, ,mabigat ako.
7. Kailangan ko na may isakripisyo ako sa mission ko. Lahat nagawa ko na. Ang magsakripisyo nalang ang hindi.
8. Ngiti pa rin. Smile pa more. Alam kong malaki ang pangarap ko. Maabot ko to.
9. Influence pa rin sa iba ang mahalaga. Sumunod na mahalaga naman ay ang legacy.
10. Sila ang gagamitin kong inspirasyon para mas lalo pa akong magsumikap sa buhay. Silang mga magagaling.
11. Alalahanin ko kung ano ang meron ako ngayon, sapat na to para maka-move forward ako.
12. Hindi pa rin mawawala sa puso’t isipan ko na makaambag ako ng malaki sa mundong to. Seryoso yan.
13. Diba, ayaw ko naman talaga ng nakatambay sa opisina, so gagawa ako ng paraan para mangyari nga iyon. Tutuparin ko iyon.
14. Kayang kaya ko to. Ako pa, magaling akong tao. May tiwala ako sa sarili ko.
15. Ang utak ko lang talaga ang sumisira sakin. Ang shunga ko lang talaga mag isip kanina. Hindi dapat ganun. 
16. Gagamitin ko tong pain na to for good. Mas gagalingan ko pa. Mas lalakasan ko pa. 
17. Mas pipiliin kong maging positibo pa rin sa buhay. 
18. Just always see the good thing in everything.
19. Magpasalamat ako sa mga bagay na meron ako ngayon.

Anyway, congrats sa mga Arkitekto.


2 comments:

  1. Lahat naman dumadaan sa ganyang tagpo; yung parang kinukumpara mo ang kung anong meron ka sa iba.
    Isa sa mga na-realize ko, yung mga taong nagiging successful, ginagawa lang talaga ang gusto nila, and then, without them knowing, nagkakaroon na pala ng bunga ang kanilang mga gawa. Kaya tama ang title ng blogpost mo "Magtanim" :) Good luck sa iyong mga adhikain; I hope you'll make it!

    Lakas maka-feeling mentor ng komento ko hahaha :)

    ReplyDelete
  2. Di naman sir jep. Gusto ko nga yung mga comment mo eh. Tinatamaan talga ako. Maraming salamat sa pagbisita..hehe Godbless write more

    ReplyDelete