Meron akong
gagawing ‘kilos protesta’ laban sa sarili ko. Ito ay isang malawakang protesta
laban sa masama kong konsensya. Mag u-URCC battle ang sarili kong mga konsensya.
Kasi pagod ako. Pagod na pagod ako. Mahal ko ang konsensya ko, pero bibigwasan
ko na siya. Isa lang.
Ang laki na
ng natapyas sa pagkatao ko nung sinabi niyang wala akong kwentang tao. Sabi
niya iyon. Tang ina ni konsensya. Naturingan ng konsensya ko siya tapos ganun
siya sa akin. Ang sakit.
Nitong nagdaang mga araw, ito ang mga bagay na nagsasawa na akong
gawin, talagang sawang sawa na ko:
1.
Tipirin ang pera ko. Ayoko na magtipid.( Payat
na payat napo ko.)
2.
Magdahilan nang magdahilan. (Di na ko totoo sa
sarili ko.)
3.
Maging empleyadong 8-to-5-ers. (Hirap gumising.
Hirap matulog. Shet!)
4.
Di ko maibigay ang dapat kong ibalik sa pamilya ko.
(napakasuwail ko na)
5.
Kinakapos na ko ngayon. Urgh. (Di na ko makahinga. Charot.)
Ito ay mga kaganapang makatindig balahibo para ulit ulit
pang muli. Ayoko na. Pilit ko nalang ipinipikit
ang aking mga mata at iniiwan ang realidad na to. Nang sa gayon sa pangyayari
na ito, atlis may nagkumot ng lungkot ko. May nagpayong sa maulang na kinatatayuan
ko. May yumakap sa damdamin ko. Doon nalang sa imagination na iyon ako
sumasabit. Ang konsensya ko kasi ang nagsasabi na tumigil na ko.
Sa sarili ko. Kapag alam kong nasa mali ako, ayun ang tama.
Nagtatalo ang konsensya ko ngayon. Hindi naman ako natatakot. Sadyang may ‘nega’
things lang nainom ako sa baso kanina. haha
Tulad nalang ng sabi ng aking
Exhibit A.
Masamang Konsensya: “May kapalit
ang lahat ng kaligayahang mayroon ka ngayon. Sige, pakasaya ka pa.”
Mabuting Konsensya: Ulul. Wala na akong pake kung anong mangyari saken ‘ngayon
o bukas’. Ang mahalaga natatamasa ko ang hagikgikan na tawanan, everyday. Hindi
ordinary iyon, tsong. Alam mo yun. Sa ginawa ng ating Diyos araw-araw, anumang
bagay o pagkakataon, natatawanan ko na talaga ang mga nasa paligid ko. Mukha na
akong sira. As in. Let me clear of this.
Pero di ako nang iinsulto. Siguro kasi, sobra ang taas at halaga ng tingin ko
sa sarili ko. At lahat naman talaga ay dapat mayroong mataas na halaga sa bawat
isa. Alam ko kasing ‘ups and down’ naman
ang life ko, syempre kayo din. Eh pwede naman tumatawa ako habang nasa baba at
lalo na kapag nasa taas na ko. Nagawa ko nga ang lahat kahit di ako sagana,
paano pa kaya kapag sagana na. Kaya tigilan mo nako Masamang konsensya. Please!
Exhibit B.
Masamang Konsensya: “Wag ka masyadong masaya, baka mamatay
ka kagad niyan.”
Mabuting Konsensya: Masaya
para sa akin ang ganitong buhay. Feeling ko nga eh. Masasabi ko ng kakambal ko
ang ligaya. Nasa dinuguan ko na ang pagiging masaya. Alam ko kasing marami pang
darating na problema sa buhay ko na kailangan kong maging matatag. Saka balita
ko, nakaka-gwapo at nakakabata ang palaging nakangiti at nakatawa. Kamatayan?
Galing na ko diyan. Laig akong deadas. May pagkakataon bawal talaga tumawa,
halimbawa may nadisgrasya o anumang aksidente, ang sagwa naman tignan kung
tatawanan ko yung mga bagay na iyon. Pero ang stand ko naman diyan, halimbawa
mangyari sa akin na mahulog ako sa kanal. Talagang matatawa ako. Matatawa na
rin sila. Magtawanan tayong lahat.
Saka tumatawa lang palagi, matetegi agad?
Exhibit C.
Masamang Konsensya: “Marunong
kang magpasaya ng ibang tao pero di mo makakain iyan. Di ka mabubuhay diyan “
Mabuting Konsensya: Tama ka.
Pero eto na ko eh. Ako, gusto ko kahit nasa libing na ako (wag po muna),
nagtatawanan sila. Di nakakainsulto para sakin iyon na nakikita ko sila at
kaluluwa na ko, nagtatawanan sila sakin. Ang para sa kin dun, alam kong mami-miss
nila ako na may isang ‘Ben’ na nakapagpatawa sa kanila. Maalala niya ang mga ‘sample’
ko. Kaya aalagaan ko pa ang sarili ko, kasi kapag namatay ako, papalitan lang ako
sa trabaho. Di ako takot mamatay. So
magpakasaya pa ako. Mahaba pa ang buhay ko. Masaya lang ang maging maligaya. Busog
na busog ako sa ginagawa ko. Parang nakakain ko naman.
Exhibit D.
Masamang Konsensya: “Hoy. Wala
ka pang napapatunayan.”
Mabuting Konsensya: Maka-hoy
ah. Edi ako na puro peke. Wala pala napatunayan eh. Saka hindi rin. Siguro kung
1.
Nandito ang tatay ko ngayon sa feeling ko, hindi
ako magsisikap.
2.
Nakagraduate ako ngayon sa arki, playing safe na
ako sa buhay. Kilala ko sarili ko eh.
Sa madaling salita, wala man akong napapatunayan pa. May nasimulan na
naman ako. At alam kong ‘ako ito’.
Papunta na ko sa destinasyon ko.
Buti nalang hindi ako iniiwan ng aking kaligayahan.
Exhibit E.
Masamang Konsensya: “Di ka na
nakatakas sa problema na yan ah. Kawawa ka naman.”
Mabuting Konsensya: Nung
nagroller blades ako sa CCP nung monday, hiniling ko nalang na sana maging
patag ang mundo para di ako nadudulas o natatapilok sa mga lubak na nadadaanan
ko. Pero imposible pala. Imposible palang walang problema sa mundong ito. Imposibleng walang setbacks. Imposibleng maging patag ang mundo.
Kaya ngayon alam mo na.!?
At kahit na, walang habas maminsala sa buhay ko ang
pagsubok. Hindi pa rin ako susuko.
Exhibit F.
Masamang Konsensya: Pero di
ka naman ‘well compensated’ di mo
natatamasa ang tamang pagpapasahod.
Mabuting Konsensya: Okay lang atlis malinis ang binibigay
ko sa pamilya ko.
Tama na. tama na.
Sa kabuuan ng lahat ng ito. Pagsubok lang lahat ng ito na
malalapasan ko. Mabigat man ang karga karga ko ngayon. Gagaan din yan at
mababawasan paglipas ng panahon. Kung ang mga guro nga sa eskwelahan, kapag
nagpapa-exam sa mga estudyante nila, tahimik lang. Ganun din ang Diyos sakin
ngayon. Tahimik lang yan. Di niya sasabihin ang sagot . Kasi dinicuss niya na
to dati saken. Ako na ang magdidiskubre.
Kaya masaya pa rin. Hello sa magandang buhay.
MAKONSENSYA KA KONSENSYA
No comments:
Post a Comment