Ngayon palang ako magkakaroon ng reaction paper sa blog ko. And
take note, ang ire-review ko ay yung ‘romantic drama’ pa, hindi comedy. Tumatak
talaga kasi sakin to. Tong movie na to. Kahit na umiikot ang kwento sa tatlong
tao. Minsan kapag sumobra na kasi sa dalawang bida, naguguluhan na ako eh. Hahaha
Kahapon ng sunday, naisipan kong magdownload sa internet ng movie. Pasensya na ho
sa pinirata.
Eh wala akong magagawa,
natapos ko lang naman ang “DIY camera slider” na ginawa ko. Sobra ang
galak ko nung natapos kong gawin ito. Hindi pa naman to tapos, pipinturahan ko
pa siya at lalagyan ng stand. Anyways,
At ayun na nga, kala ko aantukin ako sa mga oras na iyon,
kadalasan kasi tuwing hapon ng Sunday bandang 1pm to 3pm inaantok ako minsan sa
mga putang inang oras na iyan lalo na kapag wala akong ginagawa sa bahay at
sobrang init pa. So, himala na di ako inantok kaya nanood nalang ako ng movie.
Pero bago ang lahat, bumili muna ako ng gulaman sa eskinita
samin at biskwit. Baka gutumin ako, at maudlot lang ang pinapanood ko. Pinorma
ko na ang mga paa ko at sinimulan ko ng manood. Yeeeaah! Play it.
Ang kwento ng movie na “The Words” ay umiikot sa tatlong
writer. 2012 pa ito naipalabas. Kaya medyo luma na. Apat na taon ng
nakakalipas.
Ang unang writer ay si “Clay Hammond” na kung saan binabasa
niya ang kanyang excerpts sa bagong niyang libro na “The Words” sa isang
conference ata iyon. Siya ay may nakilalang magandang babae sa lugar na iyon at
ito ay si Daniella, itong babae na ito ay naging tagahanga ni Clay noon pa man.
Isang gabi sila at nagmeet. Kala ko nga mag se-sex sila eh. Sayang, ang
romantic pa naman ng pwestuhan nila sa parang condo ni Clay. Ikinukwento niya
ng may intense ang book niya. Pero infairness,walang sex na naganap.
Ang pangawalang writer naman ay si Rory Jansen. Siya yung
bida sa “Limitless” na movie. Sa
istoryang ito, ang baguhang writer na ito ay gustong sumikat sa larangan ng pagsusulat.
Isinasalaysay ni Clay ang istorya ni Rory at ng matandang writer. Mamaya
malalaman niyo yung matandang writer na ito. Kasama naman ni Rory ang kanyang may-bahay na
si Dora. Napaka-supportive ng asawa niyang ito sa kanyang karera sa pagsusulat.
Nakatira silang dalawa sa New York. Marami na ring nasusulat na nobela si Rory
ngunit nare-reject siya kasi sabi ng
publisher ay masyadong non-commercial ang mga gawa niya. Para kumita ng pera, pumasok
siya bilang clerk sa isang publishing hous.
At para pakasalan na rin si Dora. Ang sweet nga nung moment na naghoneymoon
sila sa Paris. Gusto ko iyon. Gumala din sila dun. May pinuntahan silang parang
secret compartment at may nakita si Rory na kakaibang briefcase doon. Sinuri
niya to ng maigi. Nahuli siya ng kanyang asawa. Kaya ayun, bilang gift, ibinili
sa kanya iyong briefcase. Sa pag uwi nila, may napansin si Rory sa loob ng
briefcase na may isang rim ng papel. Naka-typewriter pa ang mga sulat. Binasa
ito ni Rory hanggang sa dulo ng nilalaman nito. Na-amazed siya sa kakaibang
kwento kaya sinubukan niyang gawan ng libro ng wala man lang binago kahit konti
sa mga text nito. At aksidenteng nabasa ito ng kanyang asawa, nagulat at natuwa
din si Dora sa kanyang nabasa dahil kakaibang kwento ang nilalaman nito.
Tinanong niya ang kanyang asawa, kung sa tagalog isasalin ang isnabi, “ikaw ba ang
nagsulat nito? Sabi niya kay Rory. Umamin si Rory na siya nga daw ang nagsulat
ng kwentong ito. Ipi-nush ni Dora na ituloy ang ginagawang nobela at siguradong
sisikat ito. Nai-publish ang libro at tama nga ang hinala, sumikat ito ng sobra.
Naging best seller din. Ang title nito ay “The Windows Tales” na napulot nga ang
kwento sa loob ng briefcase.
At ang pangatlo namang writer ay ang matandang nagsulat
talaga ng librong pinublish ni Rory. Ang matandang ito ay isang American
soldier sa Paris noong WWII. Noon binata pa ito, mayroon siyang ka-sundalo na
inudyukan na siya sa mundo ng literatura. Pero keme lang sa kanya. Ngunit, nagkaroon
siya ng personal na problema noon at ang kanyang asawa, ito ang naging dahilan
kaya nakapagsulat siya ng isang nobela. Nang pinabasa niya ito sa kanyang asawa,
Katanga naman na naiwan ng asawa niya
yung sinulat niya sa isang tren. Hinanap naman niya ito sa tren ngunit wala na
silang naabutan na kahit na anumang briefcase. Ito ay naganap nung binata pa
ang matandang writer.
Lumipas ang ilang taon. Dahil nga sa hilig magbasa ng libro
ng matandang tinutukoy ko, nabasa niya nga ang librong “The Windows Tales” ni
Rory Ransen. Ito ang kanyang nobelang nawawala. Hinanap niya naman ang writer
na ito at ninais niyang magpa-autograph dito. Nagkatagpo sila sa isang park
dahil sinundan niya si Rory, nakapag pa autograph naman ang matanda at pinilit niya din maikwento
ang gusto niyang ikwento sa taong ito. Natawa nga ko sa scene na pipirma na si
Rory sa libro na inaalok ng matanda ngunit wala siyang dalang ballpen at ang
sabi ng matanda sa kanya “A writer without a pen? Patanong yan. Imposible
talagang tawaging kang writer na walang kang lapis o ballpen na dala palagi. Hindi
makapaniwala si Rory na ang kausap niya ay ang tunay na writer ng librong inilimbag
niya. Sinabi ng matanda hindi direkta na siya ang sumulat ng libro, patama ang ibang
salaysay. Nagkwento ang matanda tungkol sa pagkawala at sakit ng nakalipas. Sa
pagsasalaysay ng matanda, gusto niya lang naman sabihin ang tunay na istorya sa
likod ng mga nawawalang sulat na iyon.
Nasaktan si Rory sa nalaman niya. Isang malaking sampal para
sa kanya ito.
Wala ng nagawa si Rory kundi magpakalasing sa sakit na
naramdaman niya sa lahat ng sinabi ng matanda. Parang nawala ang pagkatao niya.
Umuwi siya sa kanyang bahay. Inamin nalang niya sa kanyang asawa na hindi siya
talaga ang sumulat ng librong ito. Nasaktan din si Dora ngunit kalaunan
natanggap din nila ang pagkakamaling iyon. Inamin din niya ito sa publisher na
hindi talaga siya ang sumulat ng librong ito. At bilang ganti, isinoli nalang
ni Rory ang pera sa matanda ngunit hindi naman tinanggap ito ng matanda. Ang
matandang ito ay may isang payo para sa batang writer na ito, ang sabi niya “We
all make our choices in life, the hard thing to do is live with them.” Gaya nga
ng ginawa ni rory, mahirap pangatawanan ang pinili niyang landas.
At mabalik naman tayo sa unang writer na si Clay Hammond,
ang sumulat ng lahat ng kwento na ito, ang sabi niya sa babaeng kausap niya na
si Daniella tungkol sa isinalaysay niyang kwento sa libro na ito “At some
point, you have to choose between life and fiction. The two are very close, but
they never actually touch.” Romantic pa rin sila sa condo. Ang gandang convo
neto. Ang cute nito, na parang puso at isipan na magkadikit pero di
magkasundo.
Kaya ang lesson dito, wag kang mang gagaya ng gawa ng iba. Kung
di sayo, wag mong angkinin. Maging mas creative nalang. Sabi nga sa isang
quote, “A writer at the peak of his literary success discovers the steep price
he must pay for stealing another man's work.” Oh hindi yan akin ah.
Minsan inaamin ko, may nagagaya akong sulat ng iba, pero
gumagawa pa rin naman ako ng paraan para masabing nakalikha ako ng bago. Pinipilit
ko parin maging manlilikha.
Papanoorin ko ito. Haha. Salamat sa pagbabalik blog. Minsan ka nga lang magblog spoiler pa.
ReplyDeletematagal ng movie yan.. HAHA Uy nacheck ko pala yung blog mo. Ganda siya.. Astig. haha gusto kita ma-meet in person. Nahihiwagaan ako sayo dre..Malupit..pra may kapartner naman ako sa blog..hehhee
ReplyDelete