Mga nagdaang araw. May isang halimaw sa utak ko na ang kulit
kulit masyado sa kaka-kuda. Actually, mataba siya eh, kaya medyo mabibigat ang
mga binibitawang salita niya. Mahilo hilo ako sa bigat niya. Bulong ng bulong
siya sa akin maya’t maya. Naiintindihan ko naman siya sa mga pinagsa-sasabi
niya sakin kaso nga lang habang nagtatrabaho ako patuloy na ginugulo niya ako.
Nasisira ang trabaho ko, syete siya, fucker siya. Ang kanyang mga sinabi sa
akin ay tungkol sa mga pinagsususulat ko. Sabi ko tuloy sa sarili ko (Eh anong
pake mo ba!?) haha. Kaya nakabuo ako ngayon ng mga prediksyon sa writings ko. Actually,
may naisulat na ako sa journal ko na isang istorya, ayaw ko lang talaga i-publish
dito sa blog ko kasi natatakot ako. Alam kong may tao akong kakilala na
matatamaan ang pagkatao niya, kaya nagdesisyon akong idelay ko muna. Natatakot
akong masayang din ‘to dahil maganda siyang pang-surprise sa lahat. At isa pang
kinakatakutan ko ay baka mawala din tong istorya ko kaya inaalagaan ko ng
husto. May kapupulutan din ng matinding aral to. Ah basta, gusto ko sabay-
sabay nilang mabasa lahat ng ito. Alam niyo naman ako pabitin ako ng climax eh.
Pero ito muna ang ibibigay ko senyo. Ang mga prediksyon ko.
1.
Prediction
1: Babayaran ako ng mga Pilipino sa
sulat kong original.
Poporma ang mga bituin sa akin. Milyon ang
ibabayad nila sa akin. Oh sige, sabihin na nating wala pa kayong ‘most viewed’
na nabasa sa blog ko para sa buong Pilipino. At konti palang ang visitor sa
blog ko. At konti palang nakaka-alam ng pangalan ko sa industry ng pagsusulat
ko. Pero sabi ko nga, prediksyon ko lang naman lahat ng ito, malakas lang ang
kutob kong mangyayari lahat ng ito. Alam ko kasi sa sarili ko na kapag gumana
ang utak ko, parang isang kumpanya ang isip ko. Maraming nagta-trabaho sa loob
nito. Ang prediksyon kong tinutukoy ay sulit ang ibabayad ng mga tao sa akin sa
lahat ng mga katha at istorya na magagawa ko. Tanaw na tanaw sa sarili kong
telescope ang makulay na bukas para sa akin. Wala pa ako sa aking pupuntahan pero
ipinag-didiwang ko na ngayon ang paparating na event.
2.
Prediction
2: Mabibigyan pa ako ng maraming
oras para makapagsulat.
Ngayon ngang onti palang oras kong
nailalaan sa journal at blog ko at maikli lang ang mga pages nun, nakakapagsulat
pa rin ako ng great things. Naibibigay ko ang ‘last write’ ko. Mga oras na
parang wala na akong bukas sa pagsusulat. Paano pa kaya kapag nandun na ako sa ‘work’ na
ganun. Edi mas matindi pa. “Oras” ang pinakamahalaga para sa akin. Ang
prediksyon ko dito, makakagawa ako ng sarili kong oras. Yang 24 na yan, gagawin
ko yang 72.
3.
Prediction
3: Mapagsasabay ko ang “Fashion
Videography at Photography” sa sulat ko.
Gamit ang larangan ito. Maipapakita ko sa
lahat na may beauty ang tao na nakatago sa atin, walang konsepto ng taong panget.
Siguro hindi lang nila makita ang ganung bagay pero ako nakikita ko yan. Kaya,
ako ang magsisilbing finder ng ganda ng lahat. Tutulungan ko silang makita ang
kagandahang nakatago gamit ang camera ko at ang tunay na mata ko.
4.
Prediction
4: Mas huhusay pa ako sa pagsulat ng
script.
Malakas na malakas ang metro ng tibok ng
puso ko sa pagpredict na huhusay pa ako sa paglikha ng script. Kahit nga hindi
ako makuha ni “Ricky Lee sa workshop” na sinalihan ko sa kanya. Wala akong pake
eh. Ang itinutukoy ko dito, ang prediksyon ko sa script na ito. Sa akin ang
magandang style. Sulat ko iyon. Magagawa ko iyon. Mailalakad ko iyon.
5.
Prediction
5: Nakakapagtawa na ako sa mga
personal na tao, mas magiging libo pa ang mapapasaya ko.
Sigurado ako diyan. Magiging totoo yan.
6.
Prediction
6: Madadala ko si Mama sa ibang
bansa. Matutupad ang kasal ko at papalakihin ko ang mga anak ko ng may
magandang buhay.
Prediksyon ko ito na parang goal ko na din
na gusto kong makamit. I’m action is needed.
7.
Prediction
7: Gigising na ako sa oras na gusto
ko.
Yung pagka-boss sa trabaho, yan ang
pangarap ko eh. Malakas ang prediksyon kong mas magiging ‘limitless’ pa ako.
Walang makakapigil sa akin sa trabahong gusto ko.
8.
Prediction
8: Makakapasok ako sa pelikula.
Sa katunayan, gusto ko to. Pangarap ko din
malaman “lang” ang mundo ng pelikula, magtrabaho lang saglit. Kasi, kung ako
nga, hilig ko pa naman manood ng pelikula. Binabago niya ang buhay ko sa tuwing
nakakapanood ako ng bagong istorya. Alam ko rin kapag pinasok ko tong larangan
na to, mas makakapagproduce pa ako ng isang maliit na film na nakapagpasaya ako
sa maraming tao. Kaya ang prediksyon ko sa mga susunod pang mga araw. Istorya
ko ang pinaka maganda at pinakabastos sa lahat. Thanks in advance for my
upcoming film job.
9. Prediction 9: Makakalimbag ako ng pinakamahusay na libro sa kasaysayan.
Sa tuwing nagsusulat ako. Seryoso ko tong
sinasabi senyo na parang ang taas taas ng tingin ko sa sarili ko kapag nagsusulat ako. That
moment na parang isa na akong hari sa pagsusulat. Well, wala pa naman nagsasabi
sa akin niyan, pero bakit ganun, ang lakas ng power ko na magsulat at sabihin
na ako ang pinakamagaling na manunulat sa Pilipinas. Sabihin na nating self-proclaim
ako masyadong nilalang. Kaso nga lang, wala namang ibang tao na nag udyok sa
akin sabihin ito. Kusang may bumubulong sakin na makakagawa ako ng sulat na
babago sa kamalayan ng tao. Kaya ang prediksyon ko ngayon. Pag uusapan ng
marami ang obra kong sulat. Masaya ako ngayon na nakikita ko ang future na may
isang “Ben” na nakakapagpasaya sa kanila gamit ang aking pagka-henyo.
10.
Prediction
10: Mas lalakas pa ang kahinaan ko.
Unti unti ko ng tina-trabaho ang weaknesses
ko. Natutunan ko ito sa buhay na para ‘di ako makaramdam ng kakulangan sa buhay’.
Yung feeling na wala na akong hahangarin pa kundi okay na ako dito sa ganito
kasi parang perfect na ang lahat kapag naitatama at naisasaayos ko ang dapat
kong gawin sa mga weaknesses ko. Mga kahinaan ko na bumubuhay ng mga espirito
ko kasi kala ko noon may iba pang tao sa sarili ko na makakapagpabago, yun pala
pwede ko pang ire-create lang ang bagong ako sa pagpapalakas ng kahinaan ko. Kaya
ang prediksyon ko sa mga susunod pang mga araw, darating sa point na wala na
akong hihinilingin pa in above, dahil almost okay na. Sa puntong iyon. Malakas
na malakas na ako. Kontento na ako.
Mailalabas ko din ang tinatago kong magandang
istorya, pramis. At hindi mangyayari lahat ng ito kung di rin ako kikilos.