Friday, September 2, 2016

HINDI PA HULI ANG LAHAT.


NKKLK. Sobrang daming nangyari sa buhay ko sa mga nagdaang linggo at buwan ng hindi ko man lang naisulat o nai-type sa blog ko ang mga saloobin ko, nararamdaman at tunay na opinion ko sa sanlibutan. Inamag na ang blog ko. Mas pinili ko pa ang maglikes at mag-edit sa facebook ng mga photos kaysa sa tunay na buhay ko o ang pagsusulat ko. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Gusto ko siyang dyombagin. Nagkamali ako ng diskarte. Syete talaga. Di ko alam kung naligaw ba ako o ewan, o basta. Ang naging siste kasi, maraming sulat na puro simula pero wala namang natatapos, naiiwan lang sa external hardrive ko ang mga ‘word file’  na di nafinalize, palaging bitin. Kaasar. Napabayaan ko ng ‘tong blog ko talaga. Tinuring ko pa naman na parang supling ko ito. Para ko naring bibliya to. Oo nga, pramis. Kaya ganito nalang ako kung magreact. Ito ang sandalan ko. Humina talaga ang kapit ko sa kanya.  Sobrang dami nangyari, masaya, malungkot, nakakairita at iba pa.  Tang ina kasi din nung naging katabi ko dito sa trabaho, kung hindi dahil sa kanya, hindi malilipat ang upuan ko. Fuck you talaga siya. haha Buti wala na siya dito. Lakas pa niya mangain ng internet. Sa sobrang galing sa computer, lahat ng internet connection sa pc niya lang napupunta eh. Kaya ang nangyari, nakikita na tuloy ng boss ko lahat ng trabaho ko sa computer na kaysa noon malaya kong nagagawa ang gusto ko. Kaya adjust tuloy. haha

Pero tapos na yun. Harapin na natin ang kasalukuyan. Simulan na natin ang September na to ng puro blog post. Hahaha Handa kong tuparin yan. Hanggang hindi pa huli ang lahat. Uunahan ko na. Ooops, speaking of “hindi pa huli ang lahat”. May gusto lang akong banggitin na mahalaga para sa akin, ewan ko lang senyo kung mahalaga ito. Bahala kayo sa buhay niyo.

Habang hindi pa huli ang lahat gagawin ko na ang gusto kong gawin, wala ng patumpik tumpik pa. Wala ng accept challenge pa sa facebook. Dapat kong i-remind ang sarili ko ulit na kailangan kong makapunta sa lugar na dapat kong puntahan. Wala ng dapat na galaan pang ibang lugar. Wala ng pasikot sikot pa. Hanggat wala pa akong malaking responsibilidad sa buhay at wala pa akong nabubuong Hepi Pemily. Uunahin ko muna ang pinakamahirap gawin. Nasabi ko na to noon, ipapa-alala ko lang ulit sa sarili ko na dapat kong unahin ang dapat unahin. First things first kumbaga. Habang hindi pa huli ang lahat. Ibibigay ko ang buong tulong ko sa pamilya ko. Buong suporta ko. Sana matupad ko ang pangarap ko na madala ko ang family ko sa ibang bansa. Or kahit ang nanay ko nalang. Syempre kasama dun ang gf ko. I think, that is the best decision ever in my life. Ibibigay ko ang oras ko kay mama sa paraang hindi kame nag aaway. Habang hindi pa huli ang lahat, ipaparamdam ko sa mga pamangkin ko kung gaano ko sila kamahal pati na sa mga kapatid ko. Habang hindi pa huli ang lahat, aalagaan ko ng husto ang katawan ko. Kakain ako ng tama, gulay at prutas. Iiwasan ko na ang mga pagkaing baboy at mga makakarne na pagkain. Iiwas na rin ako sa mga toyo at sili. Ayoko magkaroon ng kidney stone dahil sa maaalat. At sa sili naman baka madali ulit ang tumbong ko. Habang hindi pa huli ang lahat, iinom ako ng maraming tubig, maraming maraming tubig, nako! kapag naging constipated na naman ako. Paktay na naman ako neto. Bloody Mary na naman ang pwet ko. Mas papatibayin ko pa ang katawan ko laban sa kahit na anong uri ng sakit, hindi to kontra iligal na droga. Iba po yun. Habang hindi pa huli ang lahat, gagawa na ako ng paraan para mahanap ko ang trabahong gusto ko. Ang magsulat. Magpasaya. Magkuha ng litrato at video ng mga mahahalagang bagay. Yan ang gusto ko. Habang hindi pa huli ang lahat. Magsusulat ako ng mga naging experience ko. Kasi kapag huli na ang lahat at nakalimutan ko na ang naisip ko. Wala na. Huli na ang lahat talaga. Burado na. Habang hindi pa huli ang lahat, magsisikap pa ako ng husto. Bibilisan ko pa. Habang hindi pa huli ang lahat, papalakasin ko pa ang katawan ko. Habang hindi pa huli ang lahat, magta-travel ako sa iabt ibang lugar na gusto kong puntahan. Habang hindi pa huli ang lahat, magsosorry ako sa mga taong nasaktan ko. Habang hindi pa huli ang lahat, mag iipon na ako ng pera para sa kinabukasan ko. Habang hindi pa huli ang lahat, magbabago na ako, sisimulan ko sa maliit na bagay. Mag iinvest ako hindi lamang sa material na bagay kundi sa sarili ko.

Ngayon napagtanto ko na mahirap talaga ang buhay na to.
Mahirap din pala tong pinasok ko, hindi biro ang malaking pangarap. Nagkamali ako na ginawa kong paunti unti ang bawat hakbang ko. Hindi ko sinagad ng todo. Hindi ko alam kung tama ba o mali ang naging desisiyon ko sa buhay ko. Kung aalalahanin ko kasi, nagdesisyon naman ako ng tama sa mga oras na iyon. Hindi naman ako lasing. Hindi naman ako nakadroga nung mga panahon na iyon. Ang hindi ko lang sigusro kinunsider ay ang dating kong style or strategy sa pagpaplano. Kala ko noon, basta gusto ko, makukuha ko ng basta basta na lamang. Kala ko noon, basta tama, may patutunguhan. Hindi lang pala ganun kadali lahat ng iyon. Naging ilusyon lang ang lahat.

Kaya masasabi ko ngayon na team work ang pagdedesisyon sa buhay. Paano ko nasabing teamwork? Una, naisip ko sa tuwing nagpaplano ako sa ng mga goals ko, wala naman akong wiling na i-give up. Wala naman akong binibitawang bagay upang sa paglalakad ko. Maidirecho ko ang mga paa ko sa paglalakad. Ang akala ko kaya kong dalhin ang lahat. Kung tutuusin, nahihirapan din ako itapon lahat. Natatakot akong kapag nawala lahat ng iyon sa akin ay hindi na ako magiging masaya. Nagkamali ako. Pangalawa naman, ginagawa kong ‘drawing ng bahay’ ang plano ko sa buhay. Minsan ang nangyayari kasi sa sobrang perpekto ng mga plano ko, nauuwi lang sa wala. Naging drawing nalang talaga. Ang akala ko kapag maganda ang plano, maganda din ang resulta. Hindi ko naisip na lahat ng nangyayari sa akin ay binuo ng simpleng pagpaplano at matinding pagkilos. At ang pangatlo naman, kala ko kapag may kotse or drive na ako, makakarating ako kung saan saan at lalo na sa gusto kong patunguhan. Mali pala. Hindi pala sa lahat ng panahon kailangan natin ng motivation. Sapat na minsan mayroon tayong hindi nagsasawang burning desire.Yes, that true. Feeling ko kasi, mas nahihigitan pa nito ang kilalang kilalang super quotes ng bayan. Mas nadaigan pa ng desire ang mga quotes sa mundo. Makakagawa pa ako ng bagong quotes sa na-witness kong experience. Nasabi ko tuloy na kahit sa sarili ko, kung may gasolina ako. Kaya ko rin patakbuhin ang sarili ko. Ang mga motivations na yan ay may posibilidad na mawala. And ang ang apat, nakailimutan kong sumangguni sa mga hero o idol ko. Nakalimutan kong tignan sila na maging halimbawa sa dadaanan ko. Akala ko kapag malungkot ang daan hanggang dulo malungkot din. Hindi pala.

Katulad nalang ngayon, sa status ko. Parang nandito ulit ako sa pinaglalaban ko. Nandito ulit ako kaharap ang computer at nagpapanggap na totoo ang lahat ng ito. Nandito ulit ako kung saan naglalakad ako sa umiikot na bilog sa isang lugar lamang.

Sabi ko nga sa sarili ko, kaya ko naman palang bitawan ang lahat. Lahat ng meron ako sobra sobra na lahat ng ito. Kung iiwan ko naman ng saglit. Siguro naman hindi mawawala to. Wag lang masusunog bigla. Ang tinutukoy ko dito ay yung mga bagay na temporary nakapapagpasaya sa akin like Social media
At matapos naman sa sarili ko, punta naman tayo sa lipunang ating ginagalawan.
Naaawa na ko ng husto sa kababayan natin ngayon. Siguro hula ko, kapag nadamay na ng burberry light yung mga taong di naman sangkot sa krimen. Maraming aalma. Dun lang nila malalaman ang adhikain at mga plano ng ating pangulo ay totoong madugo.

Tanong ko sa sarili ko, Nasan na ba ako? Kahit na ang dami ko ng nagawa pero parang hindi pa rin ako kuntento. Hindi pa rin ako mabuo buo. Sa bawat hakbang ko, laging madadamay ang finansyal na problema. Guguluhin niya ko at sasabihing “kulang ang pera ko at wala na akong pwedeng gawin”. Mahirap ang kapos sap era. Ngunit mas mahirap kung kapos ang pag iisip natin.
Ang mahalaga bumabalik ako kung ano talaga ang gusto ko. Tunay na mahirap ang ganitong desisyon. Mahirap.

Maisingit ko lang,
Sa linggo nga pala ang screening ng workshop ko sa #TripToQuaipoKinse ni Ricky Lee. Sana sa interview makapasa ako. Mapasaya ko sila sa gagawin ko.



5 comments:

  1. Hindi ko alam kung ano yung kay Ricky Lee, pero good luck sa iyong mga endeavours in life.

    Hindi ka nagiisang nag dream SuPeR BIG para sa sarli at nga mahal sa buhay. Kaya hindi ka rin nagiisang nagmumunimuni kung tama ba at may patutunguhan ba ang mga ginagawa no sa buhay, pero derecho lang, eye on the goal :)

    Naniniwala akong matutupad natin at ibibigau Nya ang mga pangarap ng mga taong naniniwala Sa Kanya.

    Push lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat yccos. Khit d ko naoopen yung blog mo. Thank u so much sa buomg suporta. Hinahangaan po kita.

      Delete
  2. Hi Ben! �� anyare sa katabi mo sa trabaho?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha nilipat yung pwesto namen. Nakikita na ni sir edwin yung computer ko. Haha pero balik na siya ulit. Asar nga eh. Haha thanks cris. Dito nlang tau magrereplayan

      Delete
  3. Quantum Binary Signals

    Professional trading signals delivered to your cell phone daily.

    Start following our signals NOW & make up to 270% daily.

    ReplyDelete