Friday, September 16, 2016

AND DALAW NG ENGKANDYOSA NG RADYO: NICOLEHYALA



Mainit init pang balita. Kanina lang pagsakay na pagsakay ko ng bus sa terminal ng Jac Liner habang kumakain ako ng masarap na kutchinta (sarap ng niyog beh) ng biglang sulpot naman ng idol ko sa radio na sina Christuper at nicolehyala. Kung di niyo naitatanong, sila ang kilalang dj personality sa love radio, para sa akin. Kasama nila ang back up na babae na si Tanya Chinita. Dj din siya alam ko. May kagandahan si Tanya pero di niya nakuha agad-agad ang loob ko. Di ko na masyadong napansin ang kilos at galaw nilang tatlo dahil suot ko ang shades ko na Vans, kaya medyo malabo ang paningin ko, well malabo naman talaga mata ko, ibig sabihin lang nito na madilim ang paningin ko pero tuloy pa rin ang pagrampa sa kalye. Nauntog untog pa nga ako sa bus sa kakamadali kong umupo. At tanging naririnig ko nalang galing sa malayo ay ang kanilang mga boses na nagbibigay sila ng mga pa-promo sa mga pasahero. Gulat ako eh, habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng bus at minamasdan ang sweet na magjowa ng biglang napalingon ako sa harapan ng bus, sabi ko “Parang familiar sakin yung boses na yun ah”. Kilala ko kapag boses manok na tandang, panigurado si Christuper yun eh. Tapos kapag medyo sabog na boses na sirena, di ako magkakamali, si nicolehyala yun. Di ako nagkakamali. Sila nga. Kala ko nagbebenta lang ng mani. Kala ko nagbibigay ng sobre tapos kakanta. Kala ko oplan tokhang na ang bus eh. At dahil napukaw na nga nila ang atensyon ko, nakakatuwa yung banat ni Ms. Nicolehyala na bibigyan niya daw ng P200 kung sino ang makakapagsabi o naniniwala na maganda siya. Bagay na mababaw pero nakakatuwa.Okay den yun,yung sapilitang tanong. May tinuro siyang matanda na sabi niya, yun daw ang sumagot na maganda siya. Kaya binigyan na niya iyon ng premyo. Fan ako ni Nicolehyala dahil nakakabilib nga naman sa isang babae na bumanat ng hard punch line sa radyo na kadalasang maririnig lang natin ang mga linyang ganun sa mga lalaking makakapal ang mukha. Samakatuwid, makapal talaga ang mukha ni Ms. Nicole. Sa kanya ko naririnig lahat ng iyon, yung ganung stategy ng pagpapatawa. Elementary palang ako nasa puso ko na ang Love radio. Hangang hanga ako noon sa mga matatalinong dj ng love radio especially Papa Jack. Aaminin ko na, crush ko si Ms. Nicolehyala. Gusto ko siyang i-kiss kanina, kaso napanghinaan ako ng loob. Tatanungin ako syempre ng iba kung bakit siya pa ang crush ko, ehkasi sobrang witty niya. Nakakaganda yun. 

Pero may isa lang akong pinagtataka at malaking ‘question mark’ sa akin kung bakit nila ginagawa iyon. Hindi ko naman kinuwestyon kung bakit hindi sila dinumog ng maraming tao. Lakompake dun. Ang sakin lang, baka siguro antok pa ang mga tao sa loob ng bus or di sila masyadong kilala kaya onti lang yung nagreact or baka sa ibang bus na pinuntahan nila ay maganda ang pagtanggap ng tao sa kanila. Kung susumahin, siguro karamihan sa bus ay mga empleyado na palaging nakakapanood nalang ng 'Ang probinsyano' kaya sa gabi na umuuwi, wala ng time sa radyo. (Oy maganda yang palabas na yan, gusto ko si onyok).

Una kong napuna na sigurado ako na utos lahat ng ito ng boss nila. Pakana ng boss nila iyon dahil mahina ang internet sa opisina nila kaya pinaalis lahat ng tao para lumakas ang net. Joke. Saka ko naman naisip sa seryosong paraan, bakit naman kaya iuutos ng boss nila iyon? Ano? Mababa ba ang rating nila, kaya ganun nalang? Eh palagi naman nilang sinasabi sa radio na number 1 sila pero halos kung papansinin ganun din naman ang sinasabi ng ibang istasyon ng radio or dj na number 1 din sila. Baka nga lahat ng radio ay pwedeng maging number 1 kasi iba-iba ang panlasa ng tao at iba din ang gusto nilang humor. Oo na. hinusgahan ko na sila na kagagawan ito ng boss nito. Theory lang naman iyon.

Tanggapin na nating lahat na kapag sinabing radio, isa sa pangunahing pinakikinggan ng tao, kung hindi drama ay kwela or patawa yan malamang. Gusto ko sanang magpa-papicture kay Nicolehyala imbes na kiss kaso sinabi niyang “Makinig kayo ng love radio kung hindi blah blah blah” Alam ko na kasunod nun kahit di ko narinig. Ang kasunod nun ay joke. Ganun pa man, crush ko pa rin si Ms. Nicolehyala. Sana sinabi niya nalang na  "Salamat po sa lahat ng nakikinig ng Love Radio". Kung hindi sila nakikinif. Oh e di sorry. Hay, Ang hirap pala ng work nila noh. Kailangan talaga nilang bumaba sa tao para mas makilala ang istasyon nila. Wala namang masama dun. Just give the benefit of the doubt, baka trip trip lang nila iyon, na-bored lang sila sa istasyon kaya gusto na nilang kumausap at mangulit ng tao face to face, hininga sa hininga, ako kasi gusto ko ganun eh. Saka sikat sila alam ng lahat yan. Nakakabilib nga yung ginawa nilang yun. Baka siguro ganun ang gusto nilang iparating, ang makasama lang ang tao. Kaso nga lang, bakit sa istasyon ng bus? Eh alam naman ng lahat na maraming tao sa bus. Di nalang sa PICC or Vito Cruz. At today ay Saturday. Baka parehas tayo ng iniisip na marami nga namang uuwi sa kani kanilang buhay sa probinsya. Magtatravel. Gagala. At iba pa. Kuha niyo na siguro ang point ko na gusto nilang tumarget sa mga mararaming tao. Ok gets na. Pinaikot ikot ko pa. Iyon lang din pala ang tutumbukin ko. Gusto nila makamkam ang tao or gusto lang nila magpapremyo. Actually solid na sila eh. Minahal na sila ng tao lalo na ako. Baka nga siguro mas masaya ang interaksyon sa tao kesa sa radyo.

Napakamabenta ng love radiyo sa masa. Napakagaling ng setup nila sa mga dj dahil halos lahat ng karakter ng isang Pilipino ay kumpleto na sila doon. Mawawala talaga ang problema mo kung sakaling mapanood mo sila. Walang tapon sa lahat ng mga DJ nila. May kapupulutan ng aral lahat ng sinasabi. May impact sa tao. Mga charismatic sila, numero uno ang charima ni Ms. Nicolehyala kahit malaki ang bibig niya. Kapag kumiss siya, pati pisngi ng kapartner niya ay basang basa.

Pero may gusto lang akong i-suggest. Bakit di nila ako itry. Haha Bakit di nila subukan ang talas ng boses at talas ng isip ko. Bakit di sila magpa-audition ng bagong disk jockey sa love radio family. Baka kailangan nila ng bagong taste ng tao at magkaroon sila ng baby dun. Ako pa naman, lagi akong sumasakay ng bus, nakaka-engkwentro ako ng ibat ibang amoy ng tao, mabaho at mabango. Lagi akong nakakalanghap ng gas ng jeep, na parang mamamatay na ako dahil sobrang tindi ng tapang ng amoy ng gas ng Moa. Nakatira ako sa Pasay na kung saan hindi mawawala ang gulo, asaran, gaguhan at iba’t ibang klase ng buhay kalye. Ano ba gusto kong sabihin? Alam ko ang diwa ng kalye. Alam ko ang dugo ng mahihirap. Dama ko ang kiliti ng simbahan (may value at ethics naman ako kasi). Nakikita ko ang makabagong mundo ng mga kabataan. Yakap ko ang katawan ng mga abnormal na tao.

Kaya ngayon. Binebenta ko na ang sarili ko sa inyo. Try lang naman. Handa akong maglingkod sa mundo na binudburan ng kwela at patawa.
Gusto ko talaga. Gustong gusto ko talaga mapabilang sa kanila. Malay lang natin.

May preno naman ako sa pagsasalita kung sakaling maging DJ ako. Nga pala di ko pa nabanggit, nung pumunta si Papa Jack sa University namin noon nung taong  2012, isa ako sa nagtanong sa kanya kung qualified ba akong maging DJ? Ang sabi niya, pwede naman daw. Kahit ineechos ko lang siya. haha Alam ko namang di siya magsasabi ng negative eh. Gusto ko rin naman talagang maging DJ balang araw. Alam ko magsalita sa informal at formal words na dapat gamitin in right time. Alam ko ang pulso ng masa, nakikinig palagi ako ng musika. Hindi lang basta pakikinig ng musika kundi alam ko pang pagtugma tugmain ang mga magkakatunog na kanta katulad nalang ng kanta ni Bruno mars na Just the way you are at ni Alicia keys na doesn’t mean anything (magkatunog yan, pakinggan niyo, haha). Kabisado ko ang mga pinoy songs lalo na ni Renz Verano at Rey Valera. Lagi akong nakabantay sa mga bagong musika. Magaling din ako magpayo. Hindi lang basta payo. Nagbubukas din ako ng pinto sa bagong opportunity ng tao. Motivational blog ang ginagawa ko eh. Maganda daw ang boses ko sabi ng nanay ko sa tuwing kumakanta ako sa CR. Ang ganda daw ng pagka-echo at di siya nagsisinungaling. Ang ganda daw ng boses ko sabi ng girlfriend ko kapag nagtatrabaho daw ako. Kayo na bahala umintindi ng sinabi ko. Kung si Maine Mendoza nga nakapasok ng Eat Bulaga ng dudsmash at ngayon host na. Eh bakit ako hindi. Well, Di naman ako bulol. Magaling ako gumawa ng mga istorya. I mean gumawa ng totoong istorya. Lumikha ng magandang salaysay. Magaling ako magpresenta ng kung anu ano. Gusto mo iexplain ko sayo ang toothpick para mapabili ka sa inilalako kong toothpick. Magaling ako magpromote ng mga kilalang tao. Ahm ano pa ba? Breakdancer ako noon. I can break things. Kaya kong i-broadcast ang katotohanan sa buong sanlibutan gamit ang talino ko. Nakapagtapos naman ako ng isang kurso sa Technological University of the Philippines na Graphic Technology at tinuloy ko naman ng Bachelor of Science in Architecture kaso nga lang di ko natapos. Malandi kasi ako eh. Nakikita kong maganda ang personalidad ko para sa isang radio station. Marunong akong mag-entertain. Anong klase gusto niyo? Matino or wild? Sa katunayan nga kapag may bisita sa bahay, ako na bumoboka eh. Kapag may bagong tao sa opisina, pilit kong kinakausap para makilala ko ng lubos. Magaling din ako sa timing, sabayan ng mga background music ang mga nagsasalita, kasi isa akong videographer eh. Alam ko ang pulso ng taong nanonood at nakikinig. Hilig ko pa naman mag interview ng mga tao. Lalo na yung mga sikat. At challenging sakin yung mga ordinaryong tao na kilalanin. Mas natututo ako sa kanila, narerealize ko na marami pa pala akong di natututunan.

Kaya try niyo po ako.
Naniniwala akong naghahanap ang mga Pilipino ng bagong DJ at ako yun. Ang bagong aabangan ninyo tuwing umaga. 

No comments:

Post a Comment