Sunday, September 25, 2016

ANG ARAL SA MGA TAONG MAPANG-PINTAS

“Sus. Wala naman kwenta yang ginawa mo eh”. sabi ni boss.
Syento-porsyento sa pagkaka-alam ko ay nakatanggap na rin kayo ng panglalait o pang-i-insulto sa tala ng buhay niyo. Yah! siguradong sigurado ako dyan. Baka malay niyo galing sa akin yang pangbu-bwisit na yan. Di niyo na namamalayan. Hahaha De joke.

Alam kong naranasan niyo na din na makatanggap ng pintas galing sa ibang tao, tama ba!? Lalo na ako, madalas  din akong makatanggap niyan kung saan saan. Minsan nga nagmula ang mga salitang ito sa mga ka-trabaho natin, kaibigan, kamag-anak, sa mga hindi natin kilalang tao o di kaya, galing mismo sa mga boss nating kups. Hinding-hindi mawawala ang mga taong tatapakan ang pagkatao natin sa tuwing nakakagawa tayo ng mabuti o nakagawa tayo ng something na kamangha-mangha para sa atin. Or aminin na nating nakagawa tayo ng mali at kung makapagsalita ang iba satin ay kala nila ay  naka-patay tayo ng tao sa maling ginawa natin. O sa di inaasahang pagkakataon, kahit wala kang ginagawa ay may comment pa din sila ng negative. Hindi naman lingid sa ating malayang pag-iisip na hindi mauubos sa mundong ito ang mga taong mapanakit ng damdamin hanggat umiikot ang mundong ito, may mga tao paring humahatak sa atin pababa na susubok sa ating emosyonal na lakas kasama na rin pati ang pisikal na pagkatao natin. Alam ko na alam niyo rin na ngayon ay ang tanging mauubos lang ay ang mga adik daw sabi ng ating mahal na Pangulo. Sabi niya yan.

Ako minsan, aminado ako na nakakapagsalita ako ng di maganda sa kapwa ko ngunit may mas malalim naman akong rason sa mga deeds ko. Nakakapanlait ako kadalasan. Nakakapag-joke ako minsan ng foul sa iba. Nakakapagbitaw ako ng salitang alanganin. Pero sabi ko nga, aahm basta maya explain ko. Hayaan niyo mga kapatid, maya-maya sa dulo ng sulat kong ito ay maipaliwanag ko rin sa inyo  kung bakit.

At yun na nga, alam naman natin na hindi magsasawa ang mga taong ida-down tayo sa mga ginagawa natin. Marami talaga ang taong mapanakit ng damdamin kaysa mapagmahal. Kadalasan, sila yung mga haters gonna hate kumbaga. Yung mga tipo ng taong “Ano ba yan? (at turo sa ginagawa natin) ang tanga tanga mo naman” (patungkol sa ginagawa natin). Mga salitang kala mo Diyos sila kung makapag-salita sila sa atin. Kala mo sila, kung makapagsalita ay perfect na sila masyado, parang may perfume at sobrang bango bango ng tae nila. Alam ko na damang dama mo din yan sa buhay mo. Yung mga taong yuyurak sa dignidad natin. Magbibigay ng comment ng hindi maganda laban satin. Mambu-bwisit lang sa comment section ng facebook. Minsan aminado akong kasali ako diyan. Mga taong sobra, ubod, talamak ang yabang. Mapangmata. Sobrang presko sa sarili. Sasaktan ka sa salita hanggang sa maubos na ang pasensya mo.

Kaya heto, may ibig sabihin din ako kung bakit kailangan natin lahat itong pagpipintas na ito galing sa iba, ipapaliwanag ko senyo ang kahalagahan nito.

Sabi nga sa quotes: “Remember: when people tell you something’s wrong or doesn’t work for them, they are almost always right. When they tell you exactly what they think is wrong and how to fix it, they are almost always wrong.”
May mabuting epekto rin ito sa tao. Eto, bigyan kita ng lima. Mayroon ako ditong nakareserba.
1.       Kapag nakatanggap ka ng kapintasan galing sa ibang tao,para sa akin,  tinuturuan ka nito maging hindi kapante sa buhay. Paano ko nasabi? Ganito lang yan, kung nilait ka niya, halimbawa lang ah, yun talagang sobrang sakit niya magsalita sayo, hinalintulad ka niya sa mababang uri ng bagay dito sa mundo dahil sa ginawa mong kababalaghan. Ngunit, hindi mo ba naisip na sa tuwing gagawin niya sayo yun, mas matututo kang mas mag improve. Dalawang salitang “mas” ang ginamit ko diyan sa last paragraph. Ibig sabihin, mas magkakaroon ka ng progress dahil alam mo sa sarili mo kapag nagtamad tamad ka lang sa buhay, lalaitin ka lang niya ulit, halimbawa lang. Ang mga negative words ng ibang tao ay magsisilbing ‘wake up call’ sayo na mas umunlad ka dahil alam mo na may mga taong mapanakit na kapag nanatili ka lang sa kinalalagyan mo, pupulutin ka talaga sa kangkungan, mas lalaitin ka pa nila lalo. kaya ang payo ko sayo, harapin mo ang nagpapahina sa sayo, wag mo silang  talikuran.
2.       Kapag nakatanggap ka ng panlalait mula sa iba, susi yan sa tagumpay mo sa buhay. Totoo to para sa akin. Patunay lang talaga ito na  mas umuunlad ka kapag may mga nagagalit sayo. May mga taong ayaw ng gawa mo dahil hindi nila kaya iyon. May mga taong nakakapanakit dahil alam nilang mahina ka at kapag lumaban ka, dun ka mas titibay. At malalaman din nila na hindi ka pala karapat dapat na pabagsakin dahil matibay ka.
3.       Kapag may nag-criticize sayo, lesson to para matuto kang makinig. Medyo nagulat ka ba kung bakit mas kailangan makinig?. Siyempre imaginin mo nalang kung walang pake na sayo ang boss mo, halimbawa lang yan, malamang siguro wala ka talagang kwenta sa opisina niyo, baka lang. Ang ibig sabihin lang nito, tinuturan kang makinig ng pangpipintas ng iba dahil kailangan mong malaman na sa ibang tao rin ang tunay na aral ng buhay. Sa kanila ka rin matututo kung ano ang dapat mong ikilos. Sila rin ang halimbawa na di dapat tularan. Kaya palaging makinig. Buksan ang diwa at tenga. Palaging may aral sa iba, hindi lamang sa mundong ginagalawan mo.
4.       Masasakit na salita ang dahilan para maging matibay ka sa buhay. Totoong totoo yan. Yan ang magba-balanse ng buhay mo. Hindi ka magiging malakas ngayon kung hindi ka naging mahina noon. Kung puro papuri at kaplastikan lang ang maririnig mo sa iba para lang hindi ka masaktan. Mananatili kang ganyan lang na takot harapin ang katotohanan.
5.       Matututunan mong tanggapin na walang perpekto sa lahat at lahat ng tao ay may kapintasan. Ganun lang diba. kasi kapag inisip mong ikaw lang ang kaisa isang taong nakagawa ng karumal dumal na gawain at pinintasan ka nila. Isang malaking kalokohan iyon. Hindi lang ikaw ang nagkakamali sa mundo. Tandaan na hindi lang ang pagkakamali mo ang pinakamatinding mistakes sa lahat. Mayroon pang mas matindi kaysa sayo, kaya chillax. 
6.        
Kaya ngayon, inaamin ko na, mapanglait ako palagi. Bakit ko to ginagawa? SImple lang. To test his/her strength. Kung matibay ba siya o malambot. Kung malambot, di ko na siya susubukan pa. Galing din kasi ako diyan dati. Sinusubok ko kung kaya ba niyang makipagsabayan sa akin o ibig kong sabihin upang malaman ko kung anong estado ng tibay niya sa buhay. Ganun din kasi, may mga taong susubok din sa akin, kung parehas kami ng nagsubukan sa isat isa, aba same feather flocks together na yun. Kung minsan kaya ko iyon ginagawa ay para may ma-challenge din siya sa buhay ko. Ganun lang kasimple.
Kaya kapag may mga taong nanlalait sayo. Ganito gawin mo.

1.       Unang isipin mo, para sa akin lang to ah, tanong mo sarili mo kung sasagot hahaha tanong mo “Ano ba ang matututunan ko sa ginagawa niya sa akin?”. Sa ginagawa niyang pagwawasak sayo, may mahihita ka ba? Itanong mo! Siguro kapag tinablan ka kagad ng galit, di mo na maiisip kung may maganda bang epekto sayo iyon. Syempre, galit ka na eh.
2.       Sa ganitong sitwasyon, wag kakalimutang “Kalma lang”, magreact tayo kung ano ang binigay niyang suggestion, wag tayo pa-galit magreact. Maaaring totoo o mali ang sinasabi niya sayo. Maaaring ginagalit ka lang  nila. Hindi natin alam.
3.       Tandaan na: Hindi lang papuri ang pinapahalagahan sa buhay, pati ang pagpipintas ng iba. Pero kung mali ang sinasabi nila, wag kang maniniwala dun. Common sense nalang diba.
4.       At ito naman na lagi kong sinasabi sa blog ko, wag mong personalin masyado ang sinasabi ng iba sayo. Kahit siya mismo na sa lahat ng mga sinasabi niya laban sayo, hindi din galing sa puso niya iyon, galing sa galit niya lahat ng iyon.
5.       Wag mo nalang patulan ang maling kritisismo. Bagkus itanim sa isip na magaling ka pa rin anumang mangyari.
6.       Magreact mindfully. Wag masyado mapusok. Wag masyadong pabigla bigla. Easy lang ulit.
7.       Ngitian mo lang at fuckyuhan mo sila.

Kaya lahat ng criticism, mahalaga.

No comments:

Post a Comment