Bukas aapak na sa lupa ang paa ng Nobyembre, parang bagyo
yan eh na may dalang pag asa. At ang tradisyon ng bansa syempre, walang pasok
sa lahat pati ang mga workers dahil all saint’s day nga diba. But shit! di yun
ang point ko, tang ina lang kasi ang bilis diba. Sobrang bilis ng mga kaganapan
sa nagdaang mga months pero hindi naman ako nagmadali kumilos. Reklamo ako ng
reklamo. Gago at kalahating ulupong din talaga ako eh. Haha Gusto ko ng
mabilisan pero di ako nakipagmabilisan. Ano ba talagang nangyayari? Haha Di ko
din alam. Haha
Kaya ikaw na nagbabasa nito, kung minamasama mo ang sinabi
ko dahil gusto mo ng bumilis ang araw para magdecember na at magkapera at bonus
ka na, bahala ka sa buhay mo, buhay mo yan, actually mahalaga naman sa akin ang
paggunita sa araw ng patay. Isang araw lang naman to diba. Yun nga lang, mas
mahalaga sa akin gunitain at pahalagahan ang taong buhay. Yan mga buhay na tao
na nasa paligid natin, mga pamilya natin, kamag anak natin at mga kaibigan, kadalasan
kailangan nila tayo, di lang sila nagsasalita. Kailangan nila ng time natin. Ang precious time natin. Kaya ang sulat na to
ay tungkol lahat ng to sa pamilya ko. Ipagpepray ko nalang ang lola ko dito sa
bahay pati ang nanay ni Angeline. So parang staycation muna ako. Sa mga taong
biktim naman ng criminal sa mundo, ipagppray ko din po kayo. Alam kong sariwa
pa po ang sakit sa puso niyo.
Last, last week,
Simula ng sinabi kong sisimulan ko na ang malaking pagbabago sa buhay ko ay biglang
dagsaan naman ang mga recent distractions sa akin. Kumpulan sila bumisita sa
akin na parang nakarinig sila ng inuman sa kapitbahay nila. Marami sila na
kadalasan ay dating ugali ko na. Kaya ayun. Back to zero ako. Mahirap ang
umpisa, grabe. Totoo talaga yan. Mahirap ang palaging umpisa lang. Umpisa
nalang palagi ng umpisa. Umpisa nalang palagi ng umpisa. Umpisa nalang palagi
ng umpisa. Sakit diba. Haha Ay sorry inulit ko lang. haha Puro intro at
panimula. Masakit man pero ang
katotohanan, ang pagbabago naman na ito ay base sa kung ano ang ipapalit ko
para dun. Ano ba ang pinupunto ko? Siguro nga, kailangan ko ng matinding
concentration para makuha lahat ng ito. Isa-sacrifice ko ang ka-ingayan ko,
pwede na siguro iyon. Kailangan may ite-trade ako para sa goal. At kanino
mapupunta? bahala na kung sino dadampot ng bibitawan ko. Or baka walang
dumampot. Sorry nalang.
Ang katotohanan kasi diyan,
Nandito na ako sa stage na tinuturo at dinuduro ako ng
tadhana na maglaan ng malaking sakripisyo to my entire life. Sa totoo lang,
wala pa naman kaming malaking unos na dumating at dumadating sa pamilya o baka
paparating palang siya, nagkikilayis life palang siya, o siguro nga ako lang talaga yung
tipo ng lalaking naghahanda na sa traydor na rainy days. Well siguro, hlahat
naman talaga tatamaan. Ang araw na ito na hindi inaasahan pero alam nating
uulan at alam nating susubok ng matindi sa atin.
Ayokong sa pamilya ko, ibang tao ang mag-ma-manage sa mga
decision para ikabubuti ng lahat. Wala na nga yung tatay ko para gumabay sa amin
noon pa man tapos magpapabaya pa ako ngayon sa kasalukuyan. Masakit naman ata
iyon kung iisipin. Sino nalang ang kikilos? Si batman o si superman? Si aida,
si lorna o si fe? Ayokong dumating sa punto na kapag may narinig kami sa ibang
tao tungkol sa kung ano mang gulo na magaganap (kung sakali), saka lang kami
aalma. Saka lang kami mag aadjust. Mas maganda ng entradahan ang lahat ng magandang
simula galing sa sariling sikap. At hindi hinigi sa ibang tao.
Nalulungkot man ako dahil matatapos na tong taon na to na
naubos ang oras ko at panahon sa trabahong hindi ko gusto buong taon. Para lang
sa pera ay ginawa ko lahat ng ito. Masheket.
Anu pa man. Walang ibang dapat gawin kundi baguhin ang
kapalaran. Baguhin ang mindset. Ang
lahat also.
Ito yung mga tipong,
Umuuwi ako ng bahay na lupaypay na sa pagod ng trabaho at matagal
na biyahe dulot ng traffic, na magbubunga ng hindi ko na nagawa ang gusto ko at
dapat kong gawin pag uwi ng bahay. Gusto kong nahihirapan pero hindi ganitong
klase.
Tapos sa susunod na araw, papayag na naman ako na ulitin ko
yung routine na iyon. Hay, nakakasawa na bes. Mali na talaga.
Hinahabol ko ang malaking sahod para sa pag alis ko dito para
kumpleto ako ng kagamitan sa paglakbay pero habang tumatagal ang ikot ng relo
ay nare-rereliaze ko na mali na ang ginagawa ko. Hindi na ata ito ang buhay na
pinangarap ko. Hindi na ata ito ang totoo kong plano.
Gusto kong mapag-isa kahit 3days lang pero di ko alam kung saan ako
pupunta. Gastos lang siguro yang naisip ko. Takte. Ang bagsak ng lahat ng ito, minarapat
ko nalang na isulat sa blog ko tong nararamdaman ko. Walang pupuntahang lugar eh.
So yun na nga,
Di ako papayag na ganito nalang ako.(Magkapatayan na tayo. Haha)
Di ako papayag na hindi ko mai-angat sa kahirapan ang pamilya ko. Hindi kami
mahirap ah. Hindi rin kami mayaman. Surviving siguro ang tawag sa amin. Ayoko
ding pumunta kami sa taas at sa baba. Saktong marangya lang. Ang klase ng buhay
na walang sakit at may sariling bahay. Ganun lang. Nasa akin ang baraha ng mga
susunod pang kaganapan. Kung nasa kanila din ang card, it’s good for them. Nakakatawa nga lang, ang kalaban ko naman ang
sarili ko, ang sariling kong distractions. (Nakakatawa man ang metaphor na iyan,
totoo naman). Wala eh, ano pa nga ba, lalaruin ko to ng maganda at bibigyan ko
to ng magandang ending tong pagsubok na to. Lahat ng itatapon kong baraha,
dapat walang butaw. Naguluhan ka bas a sinasabi ko? Basta gagalingan ko to.
Ngayon napatunayan ko na, na mahalaga ang pangarap ko, dahil
kung hindi dahil sa mga balakid na humarang sa daan ko, di ko malalalaman kung
gaano ko kagusto makamit ito. Nilagay lahat ng to upang subukan ang dedikasyon
ko na ipagpatuloy.
Hindi madali ang pangarap ko. As in. Hindi lang doble ang
pagod, pawis , oras at sakit ang mararamdaman ko sa pagkamit nito sa hinaharap.
Kundi limang doble nito panigurado ang sasalubong sa akin. Kaya ano pa nga ba
ang dapat kong gawin. Ito lang ang mga naisip ko. Palakasin ang isip ko.
Manatiling matatag sa bwat hamon. Kumapit sa mga plano ko, na minsan ako’y iniwan at ang panghuli, tuparin
ang lahat ng ito ng hindi ako nababalisa. Balisain ako kapag di ko kagad maabot
eh.huhu
Bibitawan ko na talaga ang magbigat kong dala dala.
Susubukan ko naman maging olympics sa pagkilos sa mga pangarap ko. Hataw na.
Kailangan ko ng bumitaw. Bitawan ang mga walang kwentang
bagay na di makakatulong sa akin. Kailangan pagmulat ko palang ng mga mata ko
sa kama, uminom ng tubig at magpalano. Pagtapos kong maligo dito sa bahay. Bago
ako umalis ng bahay, dapat alam ko na ang nag iisang plano ko sa buong araw.
Pagdating ko sa opisina. Paghawak ko ng computer sa opisina. Paggamit ko ng
internet ng boss ko. Dapat alam ko na ang nag iisa kong plano kahit may ibang
trabahong gagawin. Tutuparin ko ang nag iisang ito. Pag uwi ko sa trabaho. Isa
lang ang iisip kong goal ko. Papalibutan ko ang mundo ko ng gma imahe ng gusto
kong mundo. Labanan nang mundo to. Taena. haha
Aalagaan ko ang sarili ko habang tinutupad tong goal ko. Di
ako magiging sakitin. Datapwat mas lalakas pa ako. Bago ako matulog, sisikapin
ko makaabot sa kalahati ng goal ko. At bago ko ipikit ang aking mga mata,
ihahanda ko naman ang sarili ko para sa susunod na hakbang ko sa mga goal ko.
At kung ano ang goal ko? Makapasok ako sa kumpanya ng
pagsusulat.
Lahat ng meron ako ngayon ay pinagpapasalamat ko, hiling ko
na nga lang sa Maykapal na turuan akong ihandle lahat ng meron ako. Hindi biro
to. Pramis.