Thursday, October 27, 2016

HULING HIRIT

Ooooy mga bes! Nanganga-musta lang. Kamusta na po kayo? haha Ano pong lagay natin ngayon? Kamusta ang buhay-buhay natin diyan? Ako’y nagbabalik ng may mabuting balita sa inyo. Nais kong ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangakooo. Tenenenen.

Taenang yan. hahaha

Nakaligtaan ko na ng husto ang magsulat dito sa blog ko. Nasisira na routine ko sa pahina ko, sa sarili kong kwaderno, di ko pa nalilipat sa susunod na page ang buhay ko. Ganito ata kapag ang dami ng responsiblidad sa buhay. Ang hirap i-balance ng love life, life goal at pagpapayaman ….sa pag ibig. haha

hahaha De siguro.  Dami ko ding iniisip this past couple of weeks pero di ko naman sinusulat ang mga events na iyon. Nasanay ako sa facebook mag imbak at pumoste. Kasalanan ko din talaga. Kaya ayun.  Asar na talaga. hahaha Kung saan saan napupunta tong malanding kamay ko. Lumilipad na rin ang isip ko. Sheeeeet.

Haist. tingini. Alam niyo ba!? syempre hindi pa diba!? tingini tiligi.
Feeling ko,  kutob ko lang ah, tumataba na ako. Oo nga. hahahahaha baka lang naman. Sana.
(Ang Lakas ko magfeeling, ano ba yaaaan)
Ay nga pala. Kweto ko senyo.  Seryoso na. (linisin ang lalamunan)

Ganito yun.
Wag kayong mabibigla ah.
Wag kayong mabibigla……(bugtong hininga) Patay na ang chismosa niyong kapitbahay. De joke.

Ahm..
Mga nagdaan nitong araw, hinahanda ko na ang sarili ko. (Lapida, kabaong at puntod, hahaha joke). Just insert nalang ng maalaala mo kaya theme song ni ate charo ang babaeng humayok, oo hayok. Hinde. Nagprepare na ko ng husto para sa totoong battle ko sa buhay. Digmaan na to tsong kung maituturing. Hanggang ngayon, naghahanda na ako. Buong nerve ko pati apdo, nakaready na at nakaprotein shake pa, buong isip ko pumorma na, kaluluwa ko naka ‘istand by’ lang, lahat ng parte ng katawan ko papalo na, nakahanda na  sa lahat na pwedeng mangyari. Talagang pwedeng mangyari. Claim it. Makukuha ko na to.
Whatever it takes, ilalaban ko tong goal ko. Alam niyo na kung ano yun. Kumbaga, kung may nakataob na sampung baso sa lamesa, siguradong siguro na ako sa ititihaya kong isang baso, nandun ang hinahanap ko. Di na kailangan pa ng trial ang error. Let’s battle na tol.
Akin to. Binigyan pa ako ng dalawang buwan. Hindi ko sasayangin to. Bwakanang ina. Isha-shut down ko muna lahat ng koneksyon ko sa ibang tao at bagay. Makuha ko lang ang nag iisang ito. Seseryosohin ko to ng husto.
Kupal man ang tadhana sakin na palagi akong jinojorpets at ako din minsan patola din sa kapaligiran. Kakayanin pa rin.
Walang susuko. Walang hihinto.
Totoong maraming distractions sa mundong ating ginagawalan na gumugulo sa akin. Kaya nagdesisyon ako na ito ang dapat kong tutukan sa buong araw, ang strategy na kung paano ko babaliwalain muna ang mga events, at kung ano ano pang bagay di makakatulong sa goal ko. Isang tingin lang sa target. Peng! Peng! Peng!
Kung tutuusin nga mga bes, kung babasahin mo tong blog ko, yayamanan ka dito hahaha (sana basahin mo naman please) kung binabasa mo to, alam mong matagal ko ng ginustong umalis dito. tang ina. Buti nga wala pang nagku-comment sa blog ko na “O bakit nandyan ka pa, bakit di ka pa umaalis? Ang dami mo ding reklamo, nandyan ka naman”  hahaha
Sorna. Bumubwela pa ulit. Ulit na naman. hahaha
Kaya buong pwersang kong sinasabi: Handang handa na ako. Wala akong paki sa iba. Turning point ko na to. At turn ko na to. (pasok mo ang background music na o-o-o-o-o-o-o men ni sam smith) para mas lalo akong ganahan.
Masaya ang biyahe ng buhay ko. Alam mo yan. deba? Gwapo ako. Matalino ako. Lalo na kung titignan  sa facebook photo ko at status. hahaah Oo, pinagmamalaki ko. Pake mo! ooooy biro lang po.
Anumang problema. Di ko dinadamdam. Masaya pa din. King inang yan. Smile and silence lang ang gamit ko. Shepet ne.
Ang lakas nga ng kutob ko eh, uma-align na ang mga bituin sa akin. Sumasayaw din ang mga stars sa akin with choreography and fetty wap. (Tuloy natin ang music ni sam smith ,pakanta lang ako saglit:
My miiiiind would rule my heart. I didn't pay attention to the light in the dark. Iiiiiit left me torn apart. But now I see your tears are an omeeeeeen
Oh-oh-oh-oh. Oh-oh-oh-omen. Oh-oh-oh-oh Oh-oh-oh-omen.
Break the scratch Dj. Balik tayo ulit.
Kabisado ko na ang kilos ng mga nasa paligid ko. Kaya alam ko na kung paano makipagdeal sa mga haharang na unos. (oo nga maniwala ka). Well, ganun pa man, kahit na nandun pa rin ako, nagkakamali pa rin paminsan minsan pero di naman gaano malala na severe pero atlis ngayon medyo natututo na ako. May ritmo pa rin akong sinusunod. Ibang klase kapag ritmo na ang pinag uusapan. Ibang level yan.
Natututo na akong mag ”Say No” sa lahat ng walang ka-kwenta kwentang bagay.
Di na ko naiistress. Di na dumudugo ang pwet ko. hahaha
Bukas ulit. Susulat ako.

No comments:

Post a Comment