Wednesday, October 5, 2016

SA UPUAN NA TO.


“Sawang sawa na ako kakapatong sayo” sigaw ng namamaga kong pwet sa aking inuupuan.

Sa upuan na ‘to nabuo ang apat na taong pagta-trabaho ko sa industriya ng mekanikal at elekrikal sa  engineering construction and until now. Sa loob ng apat na taon na to, iba’t ibang posisyon ng pwet ko ang lumatag sa upuan na ito. Kaya wag niyong sasabihing nagpaka-sitting pretty lang ako dito. Kung tutuusin nga, ang pag-upo ko na to ay para siyang burger na maraming position palagi, palaging kinakaen ng pwet ko ang upuan. Awang awa na ako talaga sa butt ko. Literal na butthurt na siya.
Sa mahabang panahon, buti naman hindi humiwalay ang pwet ko sakin, kung mangyari nga, bayag ko ang sasalo ng lahat. Simula nung pumasok ako ng eskwelahan mula nung bata ako hanggang ngayon. Ito ang mga na-experience kong klase ng upo. May upong “semi lang” kasi wala naman masyadong ginagawa. May upong kumportable kahit maraming ginagawa o wala. May upo na pasimpleng dadakot ng etits. May upong hindi tumatagal ng 10 to 20 mins at mag ccr kagad. Yan ang signs na stress na stress ako sa trabaho o sa ibang bagay na kahit anong inom ko ng tubig, hindi magtatagal sa katawan ko at iihi ko lang lahat ng ininum ko. May upon a nalilibugan. May upong pa-simple kung umutot. Igigilid ko lang ang katawan ko sabay papasabugin ang mala-dragon na amoy. May upong may hangover dahil sa kagabing inuman, nakapa-lumbaba lang ako nun. May upong napapaindak pa ako dahil sa kilig at saya na nabasa ko sa computer or sa cellphone. Karamihan sa oras na ginugol ko sa upuan na to ay sama ng loob sa panenermon ni amo. At minsan, ito rin ang dahilan kung bakit ako nagkasugat sa pwet. Hindi lang kasi 8hours na upo kundi umaabot pa ako minsan ng 10 to 15hours na maghapon nakaupo at wala na akong ganang kumain. Kamot lang ng ilong ang pahinga.  Sa upuan na to minsan ako’y nagmuni muni. Nag-iisip ng pangarap ko, nagsusulat sa blog, nag-uupdate ng facebook, download ng files at bumubuo ng mga masasayang bagay. Dahil alam ko sa pagkakataon na iyon, dun lang ako sasaya.

Isa lang naman ang pinupunto ko, ayokong magtagal sa upuan na to. Suko na ako. Hinihintay ko nalang talaga ang bonus at lalayas na ako. Ramdam ko eh, katawan ko na rin ang nagsasabi na kailangan magki-kilos ng mala-Gardo versoza kong katawan. Minsan nangangawit kagad ang mga paa ko sa pag uupo, kaya minsan pinapadyak ko ito habang nakaupo. ‘Pag pagod na talaga, ipapahaba ko ang aking dalawang mga paa. Malakas tong katawan ko eh. Adik ang  katawan ko sa hataw na galaw na mala-garyV. I don’t want to grow old in this kind of chair. Baka ito pa ang dahilan kung bakit hindi ako magkaanak. Ayoko naman ng ganun. Feeling ko kasi sa kakaupo ko, parang nababasag na ang inaalagaan kong itlog. Parang nagiging pussy na siya sa pagkakaipit. Ayoko talagang tumagal sa upuan na to. 

Gusto kong gumawa ng sarili kong thinking chair or working chair. At sarili kong kumpanya iyon, trono ko iyon. Sa totoo lang, tutubuan na ako ng kabute, balbas, bigote, gubat, sungay, pakpak at  mapapanot ako sa upuan na to. Sukang suka na ako sa upuan na to kaya sa oras na din na to gagawa ako ng paraan upang maka-alis dito sa lugar na to. Mabisa ang whisper sa gilid ko. Oo, totoo! I believed in that. May mahinang boses na bumubulong sa akin, sabi niya sa akin “Mahahanap mo yan Ben, hanapin mo pa, maiisip mo yan”. Yes, naniniwala ako diyan. Tatrabahuin ko pa ang pinangako kong ‘the best version of myself’. Mas magiging courageous pa ako. Akin ang larong ito. Ipang-hahampas ko pa saa pader na nakaharang ang upuan kong gamit ko. Kung ano meron ako, yan ang gagamitin ko.  Ito ang positibong inspirasyon ko sa buhay.


No comments:

Post a Comment