Monday, October 31, 2016

FROM BEN WITH LOVE

Bukas aapak na sa lupa ang paa ng Nobyembre, parang bagyo yan eh na may dalang pag asa. At ang tradisyon ng bansa syempre, walang pasok sa lahat pati ang mga workers dahil all saint’s day nga diba. But shit! di yun ang point ko, tang ina lang kasi ang bilis diba. Sobrang bilis ng mga kaganapan sa nagdaang mga months pero hindi naman ako nagmadali kumilos. Reklamo ako ng reklamo. Gago at kalahating ulupong din talaga ako eh. Haha Gusto ko ng mabilisan pero di ako nakipagmabilisan. Ano ba talagang nangyayari? Haha Di ko din alam. Haha

Kaya ikaw na nagbabasa nito, kung minamasama mo ang sinabi ko dahil gusto mo ng bumilis ang araw para magdecember na at magkapera at bonus ka na, bahala ka sa buhay mo, buhay mo yan, actually mahalaga naman sa akin ang paggunita sa araw ng patay. Isang araw lang naman to diba. Yun nga lang, mas mahalaga sa akin gunitain at pahalagahan ang taong buhay. Yan mga buhay na tao na nasa paligid natin, mga pamilya natin, kamag anak natin at mga kaibigan, kadalasan kailangan nila tayo, di lang sila nagsasalita. Kailangan nila ng time natin.  Ang precious time natin. Kaya ang sulat na to ay tungkol lahat ng to sa pamilya ko. Ipagpepray ko nalang ang lola ko dito sa bahay pati ang nanay ni Angeline. So parang staycation muna ako. Sa mga taong biktim naman ng criminal sa mundo, ipagppray ko din po kayo. Alam kong sariwa pa po ang sakit sa puso niyo.

Last, last week,  

Simula ng sinabi kong sisimulan ko na  ang malaking pagbabago sa buhay ko ay biglang dagsaan naman ang mga recent distractions sa akin. Kumpulan sila bumisita sa akin na parang nakarinig sila ng inuman sa kapitbahay nila. Marami sila na kadalasan ay dating ugali ko na. Kaya ayun. Back to zero ako. Mahirap ang umpisa, grabe. Totoo talaga yan. Mahirap ang palaging umpisa lang. Umpisa nalang palagi ng umpisa. Umpisa nalang palagi ng umpisa. Umpisa nalang palagi ng umpisa. Sakit diba. Haha Ay sorry inulit ko lang. haha Puro intro at panimula.  Masakit man pero ang katotohanan, ang pagbabago naman na ito ay base sa kung ano ang ipapalit ko para dun. Ano ba ang pinupunto ko? Siguro nga, kailangan ko ng matinding concentration para makuha lahat ng ito. Isa-sacrifice ko ang ka-ingayan ko, pwede na siguro iyon. Kailangan may ite-trade ako para sa goal. At kanino mapupunta? bahala na kung sino dadampot ng bibitawan ko. Or baka walang dumampot.  Sorry nalang.

Ang katotohanan kasi diyan,  

Nandito na ako sa stage na tinuturo at dinuduro ako ng tadhana na maglaan ng malaking sakripisyo to my entire life. Sa totoo lang, wala pa naman kaming malaking unos na dumating at dumadating sa pamilya o baka paparating palang siya, nagkikilayis life  palang siya, o siguro nga ako lang talaga yung tipo ng lalaking naghahanda na sa traydor na rainy days. Well siguro, hlahat naman talaga tatamaan. Ang araw na ito na hindi inaasahan pero alam nating uulan at alam nating susubok ng matindi sa atin.

Ayokong sa pamilya ko, ibang tao ang mag-ma-manage sa mga decision para ikabubuti ng lahat. Wala na nga yung tatay ko para gumabay sa amin noon pa man tapos magpapabaya pa ako ngayon sa kasalukuyan. Masakit naman ata iyon kung iisipin. Sino nalang ang kikilos? Si batman o si superman? Si aida, si lorna o si fe? Ayokong dumating sa punto na kapag may narinig kami sa ibang tao tungkol sa kung ano mang gulo na magaganap (kung sakali), saka lang kami aalma. Saka lang kami mag aadjust. Mas maganda ng entradahan ang lahat ng magandang simula galing sa sariling sikap. At hindi hinigi sa ibang tao.

Nalulungkot man ako dahil matatapos na tong taon na to na naubos ang oras ko at panahon sa trabahong hindi ko gusto buong taon. Para lang sa pera ay ginawa ko lahat ng ito. Masheket.
Anu pa man. Walang ibang dapat gawin kundi baguhin ang kapalaran.  Baguhin ang mindset. Ang lahat also.

Ito yung mga tipong,
Umuuwi ako ng bahay na lupaypay na sa pagod ng trabaho at matagal na biyahe dulot ng traffic, na magbubunga ng hindi ko na nagawa ang gusto ko at dapat kong gawin pag uwi ng bahay. Gusto kong nahihirapan pero hindi ganitong klase.
Tapos sa susunod na araw, papayag na naman ako na ulitin ko yung routine na iyon. Hay, nakakasawa na bes. Mali na talaga.

Hinahabol ko ang malaking sahod para sa pag alis ko dito para kumpleto ako ng kagamitan sa paglakbay pero habang tumatagal ang ikot ng relo ay nare-rereliaze ko na mali na ang ginagawa ko. Hindi na ata ito ang buhay na pinangarap ko. Hindi na ata ito ang totoo kong plano.

Gusto kong mapag-isa  kahit 3days lang pero di ko alam kung saan ako pupunta. Gastos lang siguro yang naisip ko. Takte. Ang bagsak ng lahat ng ito, minarapat ko nalang na isulat sa blog ko tong nararamdaman ko. Walang pupuntahang lugar eh.
So yun na nga,  
Di ako papayag na ganito nalang ako.(Magkapatayan na tayo. Haha) Di ako papayag na hindi ko mai-angat sa kahirapan ang pamilya ko. Hindi kami mahirap ah. Hindi rin kami mayaman. Surviving siguro ang tawag sa amin. Ayoko ding pumunta kami sa taas at sa baba. Saktong marangya lang. Ang klase ng buhay na walang sakit at may sariling bahay. Ganun lang. Nasa akin ang baraha ng mga susunod pang kaganapan. Kung nasa kanila din ang card, it’s good for them.  Nakakatawa nga lang, ang kalaban ko naman ang sarili ko, ang sariling kong distractions. (Nakakatawa man ang metaphor na iyan, totoo naman). Wala eh, ano pa nga ba, lalaruin ko to ng maganda at bibigyan ko to ng magandang ending tong pagsubok na to. Lahat ng itatapon kong baraha, dapat walang butaw. Naguluhan ka bas a sinasabi ko? Basta gagalingan ko to.  

Ngayon napatunayan ko na, na mahalaga ang pangarap ko, dahil kung hindi dahil sa mga balakid na humarang sa daan ko, di ko malalalaman kung gaano ko kagusto makamit ito. Nilagay lahat ng to upang subukan ang dedikasyon ko na ipagpatuloy.

Hindi madali ang pangarap ko. As in. Hindi lang doble ang pagod, pawis , oras at sakit ang mararamdaman ko sa pagkamit nito sa hinaharap. Kundi limang doble nito panigurado ang sasalubong sa akin. Kaya ano pa nga ba ang dapat kong gawin. Ito lang ang mga naisip ko. Palakasin ang isip ko. Manatiling matatag sa bwat hamon. Kumapit sa mga plano ko, na  minsan ako’y iniwan at ang panghuli, tuparin ang lahat ng ito ng hindi ako nababalisa. Balisain ako kapag di ko kagad maabot eh.huhu

Bibitawan ko na talaga ang magbigat kong dala dala. Susubukan ko naman maging olympics sa pagkilos sa mga pangarap ko. Hataw na.
Kailangan ko ng bumitaw. Bitawan ang mga walang kwentang bagay na di makakatulong sa akin. Kailangan pagmulat ko palang ng mga mata ko sa kama, uminom ng tubig at magpalano. Pagtapos kong maligo dito sa bahay. Bago ako umalis ng bahay, dapat alam ko na ang nag iisang plano ko sa buong araw. Pagdating ko sa opisina. Paghawak ko ng computer sa opisina. Paggamit ko ng internet ng boss ko. Dapat alam ko na ang nag iisa kong plano kahit may ibang trabahong gagawin. Tutuparin ko ang nag iisang ito. Pag uwi ko sa trabaho. Isa lang ang iisip kong goal ko. Papalibutan ko ang mundo ko ng gma imahe ng gusto kong mundo. Labanan nang mundo to. Taena. haha  

Aalagaan ko ang sarili ko habang tinutupad tong goal ko. Di ako magiging sakitin. Datapwat mas lalakas pa ako. Bago ako matulog, sisikapin ko makaabot sa kalahati ng goal ko. At bago ko ipikit ang aking mga mata, ihahanda ko naman ang sarili ko para sa susunod na hakbang ko sa mga goal ko.
At kung ano ang goal ko? Makapasok ako sa kumpanya ng pagsusulat.
Lahat ng meron ako ngayon ay pinagpapasalamat ko, hiling ko na nga lang sa Maykapal na turuan akong ihandle lahat ng meron ako. Hindi biro to. Pramis.


1 comment:

  1. Looking for the Best Dating Website? Create an account to find your perfect match.

    ReplyDelete