Thursday, August 24, 2017

SAKIT NG MGA SERYOSO THAT I USED TO KNOW



“Life is too short to be taken seriously. “ Yan ang sabi ni Oscar Wilde.

Neto neto lang last Sunday. Ilang beses na akong nakarinig ng reklamo gaya ng  

“Ano gusto mong gawin ko pare, tawanan ko lang mga nangyayari  sa’ken ngayon, ganun nalang ‘yun?”

At isa pa

“Ano, magwawalang bahala nalang ako at magpapakasaya, di biro ang problema ko, bro.”

Di ko nalang papangalan kung sino. Pero sa mga kaibigan ko galing yun. haha

Honestly, may punto naman sila sa kanilang ipinaglalaban, ang problema nga lang, kung ikukumpara naman ang pinagdadaanan nila sa mga taong marunong magdala. Tiyak mare-realize nila na simple lang pala ang problema.

Tama naman eh. Bawal naman talagang magpaka-kampante sa buhay. Bawal yung sobrang wala ka ng pake sa nangyayari at puro katatawanan at goodtime nalang ang inaatupag mo. Kaso nga lang, sa problemang pasan-pasan mo ngayon. Bugbog ka na nga ng suliranin, sisimangot ka pa. Pangit ka na nga, problemado ka pa. Ano nalang matitira sayo, friend. Gusto mo ba yun? haha Aucona.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na araw araw, tatambakan tayo ng tadhana ng di natin inaasahang unos na magpapaseryoso at magpapapikon saten. Tulad nalang ng pangangaliwa ng asawa mo, nalugi mong negosyo, mabagal na internet  o di kaya naman mapapamura ka sa bwisit sa  mataas maningil na taxi driver at sila pa ang galit. Actually, very huge pa ang ka-shitan dito sa Pilipinas.

Kaya sumulat ako sayo my friend,  para ipaunawa sayo na dapat di sineseryoso ang buhay.

‘Tong putang inang buhay na ‘to.

Share ko sayo ah.

Ganito yan. Walang mapapala kung magpapakaseryoso ka pa. Dahil kung tutuusin, may alternatibong paraan naman. Nakakalusog naman sa isip at buong katawan ang “Pagtawa” kasabay ng pinagdadaanan mo ngayon. Try mo to, tropa.

Minsan pansinin mo, sa anumang talk, seminar or meeting, basta nagjoke ang speaker sa intro palang niya at natawa ang karamihang nakikinig. Panigurado, makukuha na niya ang  loob ng mga nakikinig sa kanya. So napakalaki ng impluwensya ng pagtawa sa tao. Sa katunayan,  laughter can increase your overall sense of well-being. Sabi ng mga doktor na ang mga taong may positibong pananaw sa buhay ay siyang malakas sa bawat hamon ng kapalaran.  

Kahit saang lugar, may nakakatawang bagay. Pansinin mo lahat ng mga nakikita mo. Pati mukha nila.

Natawa nga ako nung kailan lang, ang ganda ng gising ko shet, parehas kame ng girlfriend ko. Mga ilang minutes,  nagulat nalang ako maya-maya biglang nag-iba ang mood niya saken. ‘Tas tinanong ko siya kung bakit nagkaganun, ang tanong niya saken, sino daw ang napanaginipan niyang babae na kasama ko sa panaginip niya. (Hala siya. Diba ang labo. )

Relasyon man o kasal. May nakakatawa din dyan. Sabi sa nabasa ko,

Ang susi daw sa matagumpay na relasyon ay dapat maayos ang kumunikasyon niyo palagi at iniintindi mo ang kapareha mo.

Natawa nga ako eh. Intindihin ang partner? Eh paano? Kahit sino naman di mo maiintinidhan ang karelasyon mo. haha Totoo yan. Napatunayan ko na yan.  

Ang kailangan mong intindihin sa girlfriend mo na maraming bagay ang hindi mo maiintindihan tungkol sa kanya. Kung naiintindihan mo ako, ibig sabihin, naiintindihan mo na may topak side ang karelasyon natin. haha So, naiintindihan mo na ako?

Kaya my friend. Ipapaunawa ko sayo na tuldok ka lang sa mundong ito. Ikaw, ako lahat tayong nilalang. Ang universe ay binubuo ng mga galaxies, solar system, moon, planets at kung anu ano pa. Isipin mo yun. Maliit ka lang kung titignan sa taas pero kung mamroblema ka ngayon wagas. Kala mo ikaw lang ang may problema dito sa planet earth. Act normal lang bes.

Enjoy mo kaya ang buhay.

The fact na mamatay ka sa mundong ‘to na gaya ng isang maliit na jolen.  Ang katotohanan pa diyan, matetegi  ka at iiwan ‘tong mundo na to na kakarampot lang ang malalaman mo.

Kung si lolo dolphy nga, parang kulang pa ang nagawa niya eh. 

Itigil ang pagkaseryoso ngayon. Isipin mo nalang na mas magulo ang mundo kaysa sa iniisip mo ngayon. Kaya wag ka ng dumagdag pa. Please. Sa una palang talaga magulo na talaga ang lahat.

Hindi lang naman ang bansa natin ang magulo diba? Buong mundo.  Maraming magulo ang  jutak. Magulo ang desisyon. Magulo ang kwento. Pekeng balita. Kumplikadong relasyon. Di maintindihang mga plano.

Kung kaya mong tawanan lahat ng yan, mananalo ka sa laro.

Saka isa pa. Imbes na magseryoso ka. Marami ka namang kaibigan. Importante pa rin ang relasyon sa tao kaysa sa problema.

Sandamakmak man ang pera mo sa bangko at mayroon kang  mamahaling gadgets at kotse, may swimming pool kayo sa bahay  at lahat ng masasayang bagay ay nandun na. Eh aanhin mo naman yun kung wala ka namang pamilyang kasama dun at mga tunay na kaibigan. Malungkot din. For sure kung ganun nga ang sistema mo, seseryosohin mo nga talaga ang buhay.

Kung priority natin ang kasiyahan, walang wala ang dami ng pera. Korek?

Sa nakalipas kong limang taon sa pagta-trabaho sa construction engineering, ang pinaka naalala ko lang  ay yung mga kulitan namen ng mga matatalik kong kaibigan at masasayang bonding namen. Saka syempre ang mga lugar na napuntahan ko, happiness ko na yun. Pati na rin ang  family bonding and birthday celebration, Sabi nga nila diba,

“Prioritize people over your career.”

At tandaan natin kung seseryoshin natin ‘tong buhay na ‘to.Wag nating kakalimutang na ang mga mayayamang tao gaya nila Henry Sy,  John Gokongwei, Jr. or tito Enrique Razon, Jr.  ay sila ang hindi masasayang tao ngayon. Kahit di kame close sa isat isa, pero alam na alam kong maliit pa rin ang mundo nila. Kasi nga mayaman sila, I’m sure may banta din sa buhay nila. Maraming gustong mag-angkin ng kayamanan nila. At isa na ako dun.  haha

Additional, ikaw ba naman mag isip ng napakalaking negosyo. Minsan nalulugi yan. Minsan lumalago yan. Malamang magiging seryoso ka talaga sa buhay. Sila yung mga laging inaasikaso ang kanilang malaking kumpanya. Transaksyon palagi ang iniisip.

Kaya para sa akin, hindi ang sobra sobrang pera ang magpapasaya sayo kundi kung ilan ang taong natulungan ng pera mo. And that’s really true.

Kung marami din silang natulungan (yung mga nabanggit kong milyonaryo). Maaaring masaya sila pero hindi ganun kasaya gaya ng mga normal na mamamayan.

Tapos isa pa diyan,  kung nakaugalian mo ng mag alala ng todo todo sa buhay buhay. Nakow! Siguradong di ka masaya. Ikaw yung tipo ng tao na inaalala at pilit na kinokontrol ang isang bagay kahit di naman talaga kaya.

So mahirap man tanggapin pero kailangan mong baguhin ang perspective mo. Di tama ang pagiging “worriedera”, teh. Take a step back and laugh at yourself. Walang ibang solusyon para makamove on sa bawat problema, kung di mo tatawanan iyon, mananatili ka lang biktima.

Saka tandaan natin na maikli lang ang buhay, any moment, pwede kang mabagsakan  ng Concrete Mixer  Truck or maitumba ng mga Pulis. (Knock on woord). Example lang naman po. Wala akong pinapatamaan. Swerte ka na kung umabot ka ng 90 or 100 years of age. Ayos yun. meron ka pang more than 900,000 hours. Kaso kung ang serious mo naman, para saan naman yun?  Nakow! 

Hanapin mo yung bumubuhay sayo. Bitawan mo yung pumapatay sayo.

And another thing. Kahit gustuhin pa nating maging kaaya aya sa paningin ng iba. Meron at meron parin tayong kapintasan sa katawan. Ako nga kahit ubod na ko ng gwapo na may mala-adonis na mukha, pero meron pa ring ikinukutya sa akin ang madlang pipol. Payat daw ako. Edi lakompake. Ganun talaga eh. Walang perpekto. Walang tamang-tama. Eh ikaw naman, seryoso ka sa sasabihin ng iba. Wag.

Kaya uulitin ko. Bawal ang seryoso sa buhay.

Oo. Alam ko, lahat tayo may pangarap. Lahat gusto maging matagumpay sa buhay. Gusto maging atleta, kumita ng malaking halaga, maging  arkitekto, maging negosyante, artista, doktor, pulitiko, makilala sa buong mundo at iba pa.  Lahat gusto may marating.  Makukuha mo lahat ng yan kung paghihirapan mo.

Find your purpose.  Pero wag namang seryoso masyado. Wag matakot magtanong sa iba. Lumalaki ang mundo mo kung magtatanong ka tungkol sa mga gusto mo. May karamay ka.

Then be courageous. Kagatin mo lahat ng maliliit na hakbang sa mga goal mo. At wag ulit maging seryoso.

And last, believe in your dreams will come true. Easy lang pare ko. Pag pinagsabay ang plano at matinding aksyon. Syento pursyento, buhay na buhay ang pangarap mo.

Umasta ka ngayon sa gusto mong marating then eventually sa mga susunod na araw, iyon na ang trabaho mo.

I repeat. Don’t be serious.

Yung pagiging makulit minsan, ay nangangahulugan na ikaw ay tao lang .

Kung tinatago mo lang sa iba ang di maganda sa sarili mo, mauuwi ka lang sa kalungkutan. Minsan talaga, dapat mong tawanan ang sarili mo. Tawanan ang diperensya sa katawan mo.  Mga panahong  mahina at down ka, smile lang, yan ang tiket sa malaking kasiyahan sa buhay. Ipakita mo ang tunay at kung sino ka. Mayroon mang masama at maganda. Wala naman perpekto. Basta magpakatotoo oohh... oohh... Gabay at pagmamahal ang hanap mo. Magbibigay ng halaga sa iyo. Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga. (Oh chorus na ah).

Pinoooy ikaw ay pinoooy. Ipakita sa mundooo. Kung ano ang kaya mooo. Ibang-iba ang pinoooy.

 Ang ganda ng kanta ng “Orange and Lemons” noh?

Anyway.

Sana naman kahit papaano, may nahita ka saken, ano po?. Wag ka na malungkot.  Feel na feel mo ang pagiging Sir yoso eh.

Alam mo.

Meron pa akong gustong sabihin sayo. Kasi mahal kita. Aaay!

De.

Base sa naging karanasan ko.

Mas napansin kong nakakatawa ang buhay mo kung di mo sineseryoso yan. Oo promise.

Ikaw nga di ka sineseryoso ng mismong buhay sa lahat ng wish at prayer mo eh. hahaha Kasi  kapag sineryoso mo ang lahat ng to, mais-stress ka lang, mabo-borred at magkakasakit ka lang. Sakit agad? Pero pwede diba!?

Ang buhay nga hindi seryoso sayo eh. Ikaw pa kaya. So, anong ginagawa mo ngayon? Gumagawa ka ng sariling mundo? Ganern? Ang iba 100 tula para kay stella. Ikaw 100 tulala sa buhay.

Saka isipin mo nalang, hindi mahalaga yang pinoproblema mo. hahaha

Ayaw mo maniwala? May kakayahan kang baguhin ang mundo, ang buhay ay maikli lang at ang problema ay maliit lang. Ikaw lang naman ang nagpapalaki niyan. Sa isip mo lang yun.

Tignan mo nalang ang mga bituin sa kalangitan. Sila ba may pake sayo? hahaha

Ayon sa survey, 99% of what we think as of problems aren’t even real problems anyway, just situations the mind’s made into some big and unnecessary drama. Oh english yan.

Maaaring may malubha kang karamdamang dinadala ngayon, pero may malaking natitira pa rin sayo na  “pagngiti at pagtawa”.

Ang buhay dapat ine-enjoy.

May oras para maging seryoso pero hindi palagi.

Basta chillax ka lang. Tawanan mo lang ang stress. Tawanan mo nalang ang 3-6 months na matatapos ang Kampanya Kontra Droga. Tawanan mo lang si Jake Zyrus, mantakin mo yun iniwan niya si Charice.

Ngitian mo lang ang  mga big time na pulitikong hindi maparusahan kahit huling huli na. Ngiti ka lang sa mga tren ng MRT kahit nakakasira na ng make-up mo. Saka mga moment na uulan lang, traffic na kagad sa maynila na wala namang baha. Dedmahin mo lang ang matagal na inaayos na kalsada. Nale-late ka tuloy sa trabaho. Tawanan mo lang ang pangakong libreng Tuition fee. Mapapangiti ka nalang talaga.

Simulan mong gumawa ng sariling religion. Tipo ba na ikaw ang nasusunod. Batas mo ang pinaiiral. Paniwalaan mo ang sarili mo.

Ikaw ang magpapatakbo ng pelikula mo. Ikaw si empoy dito.  Ikaw ang bida dito na may halong komedyante.  

Kung seseyosohin mo ang buhay. Di ka mabubuhay.


Isipin mo, kakaiba ka. Ikaw lang ang emotional samantalang ang iba, cool lang. Relax lang. Patawa tawa lang sa problema kahit ang sakit sakit na. Ikaw kala mo, wala ng solusyon sa problema mo. Feeling mo nag-iisa ka.

Hindi ka tunay na Pinoy kung di ka palangiti.

Paano nalang kung walang Panchito, Dolphy, Rene Requestas at Tito, Vic and  Joey. Kung di nila ipinakita ang kasiyahan at pagharap sa tunay na buhay sa mga pelikula, malamang mababansagan ang mga Pinoy na malungkutin. Feeling ko lang.

Saka isa pa. Last na to.  

Marami diyan sa gilid na gusto kang sumablay sa buhay. Gusto ka nilang madapa. Ipakita mo sa kanila na di matutupad ang pangarap nila. Hanggang dun lang sila. Wag ka ng makipag away pa. Parang awa mo na. haha

Lahat tayo mabaho ang utot. Tandaan mo yan. Tayong lahat ay Humor Being. Biniyayaan tayo ng Universe na tumawa. Oh paano ko nasabi? Bigyan kita sample, ano ba naiisip mo kapag sinabi kong

"Ano kaya, pag diniligan  natin yan, lalaki kaya yan?" Ano naisip mo? hahaha

Mas nakakatawa yun after 2 hours. hahaha

Meron pa akong isa.

Anong pagkapareho ng Mayonaise at Sperm cell. Alam mo ba ang sagot?

Its “Ladies Choice”. hahahahha. Ayos den. ACHICHECHE.

Basta yun na yun. Bawal seryoso. Kanina ko pa sinasabi.

Ang tanging rekado ay ngiti at tawa lang sa pagharap sa tunay na hamon, hindi naman mananakaw sayo yang ngiti at tawa. Libre nga yan kung tutuusin eh.

Kung di kita makumbinsi sa mga sinabi ko. Kung di ka matawa. Oras na siguro para humanap ka ng ibang kausap. haha

Hindi. Ibig kong sabihin. Magpasalamat ka nalang ngayon. Pasalamat ka nga, nakakahinga ka ng maayos kahit napakasama ng ugali mo, yung iba nga may hika eh. Wag seryoso tsong, magpasalamat ka na may nakakain ka kahit papaano. Buo ang katawan mo. Yung iba, buo ang katawan pero wala namang utak. Joke. Saka nakakapagsalita ka pa. Mayroon ka ding hindi nauubos na opportunity sa paligid. Nakakapag isip ka ng tama at maayos. Pagpasalamat mo na nagkakamali ka pa rin para  sa self improvement mo. May data ka sa phone mo for facebook, yung iba wala. May talento kang pwedeng i-share sa buong mundo o di kaya sa kaibigan mo. Sinisikatan ka pa ng araw. Nakakakita ka ng mga puno at halaman. Nakakarinig ka ng musika. Nakakainom ng malinis na tubig. Hay nakakasawa. Sobrang dami diba. So, ‘bat ka magseseryoso?

Sabay lang sa agos ng buhay.

Tuparin ang pangarap. Kagatin ang bawat opportunity.

Ano ba ang malalim na rason kung ‘bat ka nandito sa earth? Naks.

Wala naman talagang MMK sa buhay natin eh, kung marunong ka lang hanapan ng humor o nakakatawang bagay ang problema mo, wala ka ng hahanapin pa.

Magkaibang magkaiba ang realidad at kung paano mo titignan ang nangyayari sa buhay mo. Tama?

Ang daming bullshit sa mundo lalo na sa Metro Manila. Talagang maraming nakakapikon sa bawat araw.  Sobrang dami ng irereklamo. Kulang pa ang mga nabanggit ko. Meron pang bills. Pulitika. Traffic. Kupal na amo. Problema sa Pamilya. Sakit. Manloloko mong jowawa. At marami pang iba.

Nasa sayo kung paano mo tatanggapin ‘to. Pag gising mo, ipredict mo na kagad kung ano ang magbibigay sayo ng stress sa buong maghapon, i-ready mo na ang sarili mo na hanapan ng humor yun.

Ngumiti ka sa harap ng salamin. Kumanta ka ng kumanta. Tularan mo si Anne Curtis.

Gamitin ang imahinasyon. Pansinin mo yung mga bata. Sila yung mga masasayang tao sa mundo.  laro lang. Obserbahan mo sila kung paano lumaki.

Basta lahat ng nagpapasaya sayo sa buong araw. Wag mong bitawan. Hanggang gabi.

At tapos na ako.

But for all I know, I may be speaking mostly to no one but myself. Thank you.

Friday, July 28, 2017

FEEL MO?


Tag-ulan na talaga. Bilis ng panahon ‘noh. mag-o-August na kagad. Tapos magse-september na, sunod niyan October, saglit lang yan at susunod na ang november at tapos december. Ayan na naman. Bonus na naman. haha So, ano na? Anyare? Kaya pa ba?

Bagong pakikibaka na tayo ulit. So, let’s get the show on the road na ulit.

Kumusta ang mga feelings nyo, mga kabayan?

May tanong lang ako.

Kailan mo huling na-feel ang kakaibang feelings para sa  paparating na events sa buhay mo? Ang ibig kong sabihin, katulad ng birthday ni ganito o ni ganyan, I’m sure exciting ang pakiramdam nun, diba!? Eh paano yung mga deadlines ng pasahan ng project sa school niyo na dapat ipasa bukas or request ng client sa trabaho na dapat tapusin. Anong feeling ‘nun? nakakabaliw ba? Eh paano naman ang  final exam sa school na di ka nakapagreview o ang mas matindi pa diyan ang first time mo sa  job interview? Do you remember? Kaloka? Naalala mo pa ba ang pakiramdam ‘nun? O wala kang pakiramdam? haha Naalala mo pa ba ang mga oras at minuto na ibang klase ang moment na meron ka ng mga oras na iyon? Yung tipong pawis na pawis ka on that moment. Nine-nerbyos ka sa takot. Excited na excited ka. Hindi ka mapakali. Kung naramdaman mo na yan, malamang di mo makakalimutan ang mga sandaling iyon?

Kailan ang huling moment na hinanap mo ang sarili mo at the crossroads? Naks. Parang Bone Thugs lang eh noh. O di kaya, yung feelings na pinatalsik o tinanggal ka sa trabaho? Meron ka bang ganung ganap? Yung pakiramdam na bumalot sayo ang buong kamalasan. Mga panahon kailangan mo gumawa ng matinding desisyon sa buhay. Kailan?

Kung di mo na maalala. Edi wag na.

Well. Bakit nga ba ako nangangamusta ng mga feelings at emosyon niyo?

Kasi napakahalaga ng feelings. Ako, sa sarili ko, alam kong maraming may feelings sa akin. Charot. hahaha

Ang mabuting balita ko ngayon. Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sayong di mo makukuha ang isang bagay kasi di mo talaga feel ‘iyon. It sounds cliché pero may makabuluhan akong ibabahagi sayo. Madali mo lang makukuha ang hinahangad mo. Makukuha mo ang gusto mo na palagi mong iniisip. Try mo lang i-feel. Hinto muna tayo saglit. Gawin mo to. Gamitin mo ang five senses mo. Visualize and do it. Subukan mo lang damhin ang energy ng gusto mong ma-achieve. Sige lang. Subukan mo.

Nagawa mo ba yung inutos ko kahit sa loob lang ng 5seconds? Kung oo, intro palang yan. Alam kong may idea ka na sa content ko ngayon. So, let’s proceed sa susunod kong kwento.

May sense ba ‘tong sinasabi ko? Weeeh? Walang echos? Edi go.

Paano ko ba nasabi ‘to?

Wala naman. Na-experience ko lang kanina. Bago ako pumasok ng trabaho. Na-feel ko sa sarili ko na maganda ‘tong araw na ‘to. (pero minsan nga diba kabaliktaran ang mga nangyayari sa atin, kadalasan negative kahit na ang ganda ng gising natin). Pero iba to ngayon, basta sinabi ko nalang sa sarili ko na anuman ang mangyari saken ngayon, susuportahan ko lang. Go lang ako. Wag lang sa delubyo. haha

Kasi ganito.

Sumakay ako ng bus. Nakita kong iisa lang ang bakanteng seat tapos sa may bandang dulo pa. Magiging choosy pa ba ako!? Syempre hindi na, ayoko tumayo. Pag-upo na pag-upo ko. Medyo inaantok pa ako at groggy pa. Gusto ko pang bumawi ng borlog. Pero may maingay sa gilid ko na babaeng dwende. May nakita ako na isang babae na namumutla sa gilid. Katabi ko siya. Malakas ang ulan nung mga oras na iyon. ‘Tas  nagyeyelo pa sa lamig ang bus. Siguro dahil na rin nabasa ako ng burberry light sa labas. Tapos putik-putik pa ang sapatos ko at medyo basa ako ng ulan. So, malamig talaga sa pakiramdam.

Mga ilang minuto pa.

May kakaibang bumabalot na espirito sa katabi ko dahil parang di siya mapakali sa ginagalawan niya.

Nilingon ko siya ng kaunti.

Napansin ko na mukha siyang lupaypay na parang nalugi sa negosyo. ‘Tas nakahawak pa siya sa panga niya. Di ko alam kung ginulpi siya or what. Mga ilang minuto pa, may narinig akong tinig galing sa kanya,

Siya: AAAAAaaaaaah. (Sounds ng nasasaktan, hindi nasasarapan)

Lumaki ang mata ko, pero di ako tumingin sa kanya. “Tang ina” sabi ko sa sarili ko: “Mukhang may sumusundot kay ate ng hindi ko nakikita ah.” Ganun ang sinabi ng bubbles sa taas ng ulo ko. Di ko nalang pinansin. Ako ang may itchura dapat dedma lang ako sa mga ganyang bagay. Pero umulit pa ang boses niya ng mas mahaba pa, mga nasa volume 12 na.

Siya: AAAaaaaaaoooaaah. (nasasaktan na talaga ata si ate sa posisyon niya). Yung sa kabilang seat, napatingin din. Ngumiti lang ako.

Di nalang ako tumingin baka kalabitin niya ako at hawakan niya ako. ‘Tas ayain niya akong magjoin sa kanya. Pero mukhang tolerable naman ang sitwasyon ni ate. Arte niya lang ata yun. Mukhang kaya niya pa naman tiisin ang masakit sa kanya. Di pa naman siya namimilipit eh. hahaha

Sobrang lamig pa naman sa bus. At malakas ang buhos ng ulan. Ayoko naman magpakajeje na katulad sa social media na maliit na bagay, vinivideohan. Kawawa naman si ate.

Then, naririnig ko siya na sinisipsip niya yung ngipin niya na parang may tinga sa lalamunan niya. Tinignan ko na siya. Tumingin din siya sa akin.Tapos dun na siya nagdeklara ng holdap. De joke.

Ang sabi niya “Ang sakit ng ngipin ko, parang mamamatay na ako”. Pabulong na banggit at nakahawak pa rin sa panga, siguro pahiwatig niya yun para malaman ko na matino siyang tao. At hindi ako mangamba sa movement niya. Sa isip ko “Edi okay”.

Nagulat ako at naawa syempre. Yun pala ang iniinda niya. Sa loob loob ko: “Tangina te, oooouch, I feel you sis. I’ve been there. Masaket yan. Sumakit din ang ngipin ko sa kalagitnaan ng biyahe noon. Yung mga moment na yun na halos gusto ko nang kagatin ang lahat ng upuan sa bus para matanggal yung teeth o di kaya ipahatak sa katabi ko yung ngipin ko sa sobrang sakit. Wala akong ibang ginawa ‘ nunkundi ipikit ang aking mga mata. At pilitin matulog kahit mahirap. Pero fuck, masakit talaga ang perwisyuhin ng ngipin lalo na’t sa malamig na panahon.

At ayun na nga. Nalulungkot na ang katabi ko. Kakaskasin ko sana yung kutchara at tinidor ko sa bag e. Kaso wag nalang, baka mas lalong sumakit yun.

Sinubukan kong tumulong. Kahit mukha akong masamang tao, pero dapat pa rin akong tumulong. hahaha

Buti nalang naalala ko, nung last last week bumili ako ng Ponstan Mefenamic kasi sumakit din ang ngipin ko gawa ng pudpod at bulok na daw sabi ng dentista at sa may bagang ang location nun.  Pero napabunot ko na yun  nung last week pa. Sakto. May naipit ako na gamot sa wallet ko. ‘Yun yung gamot na yun. Aay ang swerte ni ate. Ibigay ko nalang sa kanya.

Shinare ko nalang sa kanya ang meron ako. Ang problema nalang niya ay tubig. So, siya na bahala dun.

Nilunok niya nalang ang gamot. haha Nginitian ko na siya. Galing ni ate, parang si darna lumunok. haha

Umabot pa muna ng mga 20mins bago humilom ang toothache niya.

Sana naman makaidlip na ako ah. Isa pang ingay mo ate, papalabasin kita ng bus. haha

Ang dami kong natutulungan sa bus. Ang dami ko ding moment sa bus. Nakakatawa.

Etong moment na ‘to na masaya akong tumulong. Kasi naranasan ko din ang hirap ng sakit ng ngipin. Tama ang feelings ko kanina.Tama ako na may something na mangyayaring maganda. may natulungan akong tao. May naligtas akong tao. Yung iba pwede ng magbigti sa sobrang sakit ng ngipin, pero isipin mo naman kung paano ko nailigtas ang babae sa pain. Tama ang feelings ko.

Well, anyway.

Napaka-importante ng emosyon natin sa lahat ng aspeto ng bagay. Mga negative emotion na dapat kontrolin. Mga emosyon na sumisira sa atin. O di kaya naman, mga emosyon na nagpapagaan ng kalooban natin or nakakadagdag ng positive vibrations. Ganun.

Para saan ba ang feelings na hinahanash ko kanina pa? hahaha

Gusto mong ma-reach ang goal mo?

Kailangan natin ma-cultivate ang feelings na gusto nating ma-attract. ‘Tas pwede rin nating ulit-ulitin sa isip natin ang inspirasyon at motibasyon na nasa puso’t isipan natin.

Papatunayan ko yan.

Milyon milyong tao ang naghahanap ng rason. Naghahanap ng dahilan para mabuhay.

Minsan wala sa paligid ang sagot, diba. Minsan wala sa libro, sa internet, o sa katabi mo kundi nasa sa’yo mismo. Meron tayong “Inner Guidance” kasi. Ano ba ang inner guidance na yan, saan ko ba nakuha yan? Well, ang inner guidance ay nabasa ko yan sa isang article. Sa lahat ng nabasa kong bagay o tao na dapat nating kapitan at pagkatiwalaan, malapit sa hinahanap kong tanong sa buhay ay ang “Inner Guidance”. Tinatawag din ng iba yan na Spiritual Guidance.

Inner, meaning inside,  it’s within the essence of our being on some spiritual level at  ang guidance syempre gabay natin. Anong klaseng gabay? It guide us to  agree to be with us for some portion or all of our lifetime here on the Earth. Medyo magulo ba? Basta mafe-feel mo yan. Mararamdaman mo nalang na parang may tumutulong sayo.

Paano tanggapin ang ating Inner guidance na sinasabi ko? Simple lang. Pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo at open ka lang sa lahat ng posibilidad na mangyari sayo. ‘Yun na ‘yun. Minsan kasi, eto yung nagpapakita sa atin kung ano ang next step eh.

Ang positive feelings at Inner guidance ay iisa.

So, kung ready ka na ma-manifest ang pagbabago. Simulan mo sa feelings. Kasabay ng isip.  

I’m very very sure. Yung katawan natin ang magsasabi kung di natin feel ang pagiging kuntento. At hindi tayo magiging kuntento.  Tama ba?

Walang tao ang makakapagsabi na dapat muna tayong kumita ng malaki bago tayo kumilos. Feel it muna.

At ang feelings at perpective ay magkakaugnay din.

Anuman ang pinagdadaanan ng lahat. Naniniwala pa rin naman ako ng lahat ng nilalang sa mundo. May kanya kanyang kayamanan na taglay. May iba mayaman sa kaalamanan. May iba naman, mayaman sa pera. May iba, mayaman sa pagmamahal. May iba diyan, mayaman sa pakikipagkaibigan. Kaya iba-iba ang kayamanan ng tao.

May challenge ako senyo.

Na naging challenge ko din sa sarili ko.

Try nyo tignan lahat ng nasa paligid niyo na mayaman din sila. Wag kayong magfocus dahil mahirap ang Pilipinas kaya puro traffic sa Metro Manila. Wag kayong magfocus sa mga nakikita niyong pulubi sa daan. Try niyong baguhin. Tignan niyo naman sila na kumportable at kontento din gaya niyo. And then, i-feel niyo talagang maraming wealthy things sa mundo, amuyin mo sa palagid ang bango ng kalsado, hawakan mo ang mga makakasalubong mo sa daan na  sila’y pinagpalang tao, lasahan mo ang bawat pagkain na iyun ang pinakabiyayang pagkain sa lahat, at tignan mo ang paligid na gumagawalaw dahil masasaya ang mga tao.

How can I prove it?

Tignan mo ang mga yagit at pulubi sa daan,? Nakakaramdam kaya sila ng stress sa buong maghapon. Kumpara naman sayo na empleyado na may kinikita ka ngang malaking halaga sa kumpanya pero puro stress naman ang inaabot mo sa bawat problema na binibigay sayo ng trabaho at ng amo mo. Example lang. So sino ang mas mayaman senyo ng “Haligi ng mga lupa”? Sila(pulubi) na hindi nais-stress sa buong maghapon at ililiyad lang nila ang kanilang mga kamay at may magbibigay na sa kanila ng pera o ikaw na nagiging losyang na sa trabaho, maraming bayaring bills at obligasyon sa buhay.

Naisip din kaya nila na mahirap talaga sila(pulubi)? Tingin ko hindi.

Kaya friend, kung titignan natin ang mga “kalabasang naiiwan ang bunga” na sila’y mahihirap at wala ng pag-asang umunlad. Baka nga siguro,mahirap nga din tayo. Sa sarili magsisimula. Kung tignan ang lahat.

Sa tototo lang, wala akong malaking halaga ng pera ngayon. Di ako mayaman.  Pero nung tnry ko tong experiment na ‘to sa sarili ko. Effective siya. Di ako nauubusan ng pera sa pitaka. Sakto lang para sa lahat ng gastusin. Nakakakaen ako ng tatlo hanggang limang beses sa isang araw. kasama na prutas dun. Paano lahat nangyari saken yun? Kasi tinignan ko lahat ng mga taong nasa paligid ko na abundant. Wala akong taong nakikitang nagugutom kundi nakikita ko sila bilang “Pinagpalang tao”.

Kaya lagi kong sinasabi, palaging may kayamanan sa ginagalawan natin. Hindi lang natin napapansin at pinapansin.

Gaya ng sabi ko kanina, feel it. Dapat mong maramdamang okay ang lahat para maging okay ang lahat.

Di natin kailangan ng malaking halaga ng pera sa bangko bago natin ma-feel na pinagpala tayo. Meron na tayong lahat nun.

Siguro ang hula ko dyan kaya hindi natin makita ang kayamanan sa paligid, kasi namulat tayo sa paniniwalang may konsepto ng mahirap at mayaman. Naturuan din tayo ng paniniwalang wag tignan ang materyal na bagay. Or ayaw talaga natin tignan ang kayamanan.

Isipin natin na buong pwersa ng Universe makikiisa satin sa lahat ng hangarin natin sa buhay. Atlis ang kalawakan, nakikita natin.

Kung titignan mo ang lahat ng bagay na supportive sayo, mangyayari nga yan.

Kagaya ko din kayo. Hindi kayo nag iisa. Pina-practice ko din ang lahat. Namulat ako ng may sariling pananaw sa buhay.

Lahat ng to ay Self-discover ko lang. At napatunayan ko . Saka di ako naniniwala sa konsepto ng mali at tama.

Kagaya ko din kayo. Tanungin niyo din ang sarili sa positibong paraan. Kung palagi nyong tinatanong sa sarili kung

“Ano ba ang mali sa buhay ko?

Alam niyo kasunod nun, lahat ng mali sa buhay niyo, lilitaw kasi ang tanong mo mali eh. 

Is your self-talk creating a thriving body, or is it sabotaging your physical ability?

Are your thoughts those of a healthy, beautiful, strong, energetic person? Or are they thoughts of a critical, tired, out of shape person?

Dapat nating ma-feel muna ang lahat. ‘Tas sundan na kagad ng kilos at aksyon. Dapat ang isip natin ay nagtutugma sa kinikilos natin. Dahil yun ang mahalaga. Damhin ang tagumpay. At baguhin ang perspectibo sa buhay.



Saturday, July 8, 2017

ADIK SA TRABAHO


“Tang ina, gustong-gusto ko yun.”
Yan ang kadalasan kong bukambibig sa tuwing nananabik ako at lulong na lulong ako na makuha ang gusto ko.

Napadaan ako nung nakaraang Sabado sa National Bookstore sa Mall of Asia, gusto ko lang sanang bumili ng bagong libro. Wala naman, nais ko lang namang magbasa ng bago. Di ko feel talaga magbasa sa computer o sa digital eh. Kaso, parang wala pang bagong published ngayong buwan ng July. Isang section lang naman ang pinupuntahan ko dun palagi, self-help book lang.

Kaya, bumili nalang ako ng glue gun, naalala ko kasi na may ididikit pala akong warak na shades ko sa bahay. Actually, matagal ko ng balak bilhin yun, ang dami daw kasing use ng glue gun sa DIY projects sabi ng page na “Bright Side”. Kaya na-enganyo akong bumili.

‘Tas nung nasa bahay na ako, saka ko naisipan gumawa ng notebook kasi naalala ko pala na puno na ng laman ang journal kong ginagamit. Eh sakto may glue gun na ako.

Ayoko talaga bumili ng notebook eh, mas gusto ko na ako yung mismong nagde-design ng kwaderno ko atlis nalalaman ko kung gaano ka-enjoy gumawa nito at nako-compute ko na kagad kung ilan ang uubusin kong sheets dito. Eh nung bumili ako ng glue gun, di ko naisip na wala pala akong papel na gagamitin sa notebook, so balik ulit ako sa National para bumili. haha May kamahalan din pala ang isang bind ng papel, umabot siya ng P189.

And then, nung natapos ko na siyang gawin, saka ko na kinoveran siya ng gift wrap. Ayun. Ang saya niyang tignan. Ang cute. Meron din siyang lalagyan ng ballpen sa likod. Hihi

Nakakatuwa. Nakakaadik at nakakahumaling pala gumawa ng sariling notebook. Gusto ko na ulit gumawa ng isa pa. haha

Naisip ko nga eh, paano ko kaya nagawa yun? I mean, nasa mood lang kayo ako nung mga time na yun? Trip ko lang ba talaga yun? Naenjoy ko eh. Nahumaling lang ba talaga ako sa mga oras na yun? First time ko gumawa nun ah. Natutuwa kasi ako sa tuwing naaalala ko gumawa ng notebook eh, di ko na namamalayan na umabot na pala ako ng 2hours sa paggawa ko nun. O makupad lang talaga ako kumilos kaya dalawang oras ang nagugol ko. haha Naadik talaga ako gumawa nun. Gusto kong ulit-ulitin ng maraming marami pa. Nakakatanggal siya ng stress. Lalo na magpatuyo ng glue, nakakaaliw. haha Ambabaw ko.

Ang tanong ko lang, maganda ba ang dulot ng obsession o pagkahumaling? Kasi para saken, okay siya  eh. Natapos ko ang notebook ko ng walang distractions. Ang sarap maadik sa maliliit na bagay. Para akong highschool muli. Promise.

Prediksyon ko talaga, makakagawa talaga ako ng libro na babasahin ng maraming pilipino. At magugustuhan at mamahalin nila. Feeling ko lang. haha

Para saken, (to the tone of Kuya Kim) may kanya-kanya tayong klase ng obsession sa sarili. Mayroon sa paraang di tama at may paraan na tama pero mali sa iba.  

Sure ako, naranasan niyo na din yung times na baliw na baliw kayo sa isang tao o bagay. Adik na adik kayo sa agenda niyo. May iba na babae o lalaki diyan na patay na patay sa jowa nila. Gusto oras-oras magkausap sila at di na makapagfocus sa kanilang pag-aaral. May iba naman, praning na praning sa pangongolekta ng mga toy o anumang bagay kahit matanda na. Meron nun ah. Iba-iba talaga ang enthusiasm ng tao.

May iba naman din diyan na ayaw tantanan yung pangangaliwa sa asawa. May iba na hyper sa pambababae. May iba naman ang addiction ay nasa paninira ng ibang tao ang kinahuhumalingan. O kaya, may mas malupit diyan na tinitira ang cough syrup, mabangis yun kaadikan kung iisipin. Haha (wala lang, napanood ko lang yan)  May iba din diyan na nasa musmos na kaisipan palang, nakatikim na ng  droga o marijuana. Yun na kagad ang kanilang minahal ng todo. Yung tipong nakalanghap siya ng usok na parang nasa alapaap at wala nang usok na nakawala sa pagsinghot niya. Na tuluyan ng napariwara ang kanyang buhay. Bakit ko ba alam yan? haha Syempre napapanood ko. haha (Di po ako adik sa bawal na gamot ah). Haha

Ang iba naman sa Mobile Legend na game sa phone ang kinapa-praning hanggang sa madaling araw. ‘Tas may iba naman ay nahuhumaling sa success para sa improvement at progress nila. Sobrang dami ng obsession at burning desire na ginagawa naten.

Minsan kapag babad tayo sa ginagawa natin, hindi malabong sabihan tayo ng iba na adik. Tama di ba? Yan na ang naging lenggwahe. Minsan nadudulas din ako diyan.

“Adik na adik ka diyan ah”. Yan ang kanilang biro.

Ang tingin kasi ng iba kapag nao-obsessed ka sa isang bagay o tao, negative kagad ang naiisip nila. O ang mismong salitang obsessed, ang iba iniisip nasisiraan na ng bait ang taong iyon. Karaniwan pa naman sa nasasabihan ng adik o lulong, wala ng pag asa sa buhay na makarecover. Ouch.

Alam kong magkaiba ang obsessed at addict. May similarities nga lang sila.

Well anyway.

Mahirap mahumaling sa droga. Kaya ‘wag iyon, guys. Mahirap yan. Masisira ang buhay mo diyan. Mga gumagamit niyan, sila ang mga tinatawag na salot ng lipunan. (Salot agad?) haha Walang pakinabang kumbaga. Patapon daw ang buhay nila. Hindi yan magandang obsession. Maadik na kayo sa pagkapanalo at tagumpay, ‘wag lang sa droga. Pero meron naman kasing healthy obsession na para sating purpose of living, diba. Marami sa populasyon ng tao ay naghahanap ng passion at kung ano ba talaga ang purpose nila sa kanilang buhay, kaya malaking tulong ang pagkahumaling para mahanap to. Papatunayan ko yan.

Talagang hindi mabilang sa daliri ang obsession ng tao dito sa mundo. Ano po!

Saan ba pwedeng gamitin ang tamang obsession sa isang bagay o tao?

Halimbawa, gusto mong pumayat?

Hanap ka ng healthy or sexy na picture. Pwede mong palitan yung mukha nun ‘tas ilagay mo yung picture ng mukha mo. Kung ang visualization mo ay ang “Pagpapapayat”. Maaari kang ma-obsess kung palagi mong nakikita ang picture sa pader or ginawa mong screensaver sa telepono mo. Tama diba? Mas nakikita mo kasi  ang possibility, mas gaganahan kang mag-exercise at magpapayat. Nakikita mo ang big picture na pwede mong isipin buong maghapon.

Kasi kung ako ang tatanungin, share ko lang senyo na everything I have ever achieved in my life is because I imagined achieving my goals before it happened, nakuha ko din yun kasi gustong gusto ko yun na may clear vision ako dun at obsessed na obsessed ako sa goal ko.

Yan ang “isa” sa pinakamabisang paraan na alam ko, ang magcut ng pictures. Isang daan porsyento, magiging isa kang self-made champion sa sarili mo kapag baliw na baliw ka na ma-achieve yun.

Saka pa.

Sa kapangyarihan ng ating isip, pwede nating baguhin ang tingin natin sa lahat ng bagay.  Example nalang sa upuan, kotse, kalsada at iba pa. Sa dami ba naman ng blog na nagawa ko tungkol sa Mind, palagi ko naman binabanggit na mahalaga palagi ang laman ng ating isip. Hindi ng ating bulsa o kung ano pa ang ibinibigay saten ng iba.

Pero, ang mas mahalaga pa d’yan ay kung paano ang ating isipan na maka-experience differently. Kung paano natin titignan ang mundo in a new perspective at kung paano natin ilalagay ang obsession sa ginagawa natin ay ang tanging susi na alam ko para sa minimithi nating tagumpay. Because, I know that becoming a very strict and obsessed with our goal is the great skills.

Sa mga nasaksihan ko sa henerasyon na’ to, tayong mga batang 2k, maraming talento ang hindi tinatrabaho ng husto at pinagpapawisan ng todo. Isa sa mga dahilan na nakita ko ay siguro kulang lang ang iba ng obsession sa ginagawa nila. Sigurado ako d’yan. Yan ang kailangan nating rekado sa tagumpay. Obsession.

Ang talentong dapat di tayo magigiba ng iba kung mayroon tayong “gigil at hataw” sa ginagawa natin at di na umaalis sa isipan natin ang ginagawa natin sa buong maghapon.

Nabanggit ko din dito sa blog ko noon na base sa quotes ni Malcolm Gladwell, kailangan natin ng 10,000 hours para ma-master ang passion natin. Pero kung ako ang tatanungin, (malamang blog ko to eh, alanganamang tanungin pa natin ang iba!?) haha

May dapat pang dagdagan sa panukala na yan. Dahil kulang pa pala yan. Saken, mapapabilis ang mastery kung obsess tayo sa ginagawa natin kada araw, siyete bente kwatro.

Ang nakikita ko.

Kailangan nating humanap ng bagay na baliw na baliw tayong gawin yun para sa ikata-tagumpay natin. Ang lahat ng attraction na ikasasaya natin, gawin na natin. Kapag nahumaling tayo ng extreme sa passion na gusto natin, walang dahilan para hindi tayo magtagumpay at manalo sa larong to.

Malaking tulong na hanapin natin yung lugar na gusto nating mag-ubos ng productive at meaningful hours. Kung maaari, magprint tayo ng image or isulat sa papel gaya ng sinabi ko kanina para makita natin ang tina-target nating goals tulad ng weight goal ko kanina. Pwedeng pwede yun.

Kapag nahanap na natin ang bagay na passionate tayo dun at gawin natin yun na priority sa buhay, mas lalo nating maiintindihan kung ano nga ba ang nangyayari sa atin at magiging malinaw ang tinatahak natin.

Ano ba ang mabuting bisyo? Alam mo yung moment na dinadagdagan natin ng  konting repetition ang passion natin na nag e-extend pa tayo ng oras para dito  at  syempre ang pinakamahalaga ay ang forced focus sa trabaho. Mahalaga na inlove na inlove tayo sa trabaho natin. Then, we will enjoy almost every second of it. We need to work harder for this. We need to put all our energy toward this one outcome, this one idea, and somehow it returns to us. We can design the reality that we perceive every day.

So, I decided to become obsessed with success. Mga nagdaang nitong taon at buwan. I became obsessed with my health at sa lahat ng kinakaen ko. Sabi nga nila “the key in all endeavors are energy and good health plus the old saying goes “health is wealth”. And I became obsessed with my own happiness. Gusto ko palaging masaya at masaya ako sa ginagawa ko. I became obsessed with leaving this world better with my purpose. I became obsessed with money and generating an income and having a financial freedom. I became obsessed with writing. When I focus on it so hard that I eliminate all distractions in pursuit of my goals. Ang pagkahumaling sa ginagawa ko is in short, can lead me to greatness and it is a powerful and potentially positive mental state.

So, paano ko lahat nagawa to? May katuturan ba talaga ang ‘love and affection’ na ginagawa ko sa trabahong gustong gusto ko? Meron po. At ilan sa mga dahilan ay ang mga ito:

Itinodo ko ang pagkahumaling sa ginagawa ko araw-araw.
Naranasan niyo na ba sa umaga, kapag mahal na mahal at pursigido kayo sa ginagawa niyo, ni di niyo na namamalayan na tanghalian na pala dahil talagang dedikado kayo sa ginagawa niyo. Tutok kung tutok. Minsan, nakakalimutan niyo ng  tumingin at mag-update ng  facebook dahil alam niyo sa sarili niyo na mahalaga na tapusin ang work niyo kaysa sa social media thingy. Ito ang moment na baliw na baliw at busyng busy kayo sa ginagawa niyo dahil iyon talaga ang napili niyong mahalagang activity sa buhay niyo. Ang sarap mag-ubos ng oras diba kapag ganun.

At sa akin naman,
  
Bago ako pumasok ng  trabaho, talagang sobrang full of energy ako, as in, todo isip akong makakadiskarte ako ng paraan kung paano ko mababago ang buhay ko sa bawat araw. Oo, seryoso. Epektibo naman siya. Pero minsan habang tumatagal ang panahon, hindi ko na namamalayan na naliligaw at nalilito na pala ako sa ginagawa ko. Mukhang nahahalata ko na kasi na ipinapaubaya ko nalang parati sa salamin ang mga pangarap ko, pero nakakalimutan kong umaksyon ng super duper. Sa umaga lang ako hataw pero malamya na ang katawan ko kapag papunta na ang mga paa ko sa lugar na di ko gusto ko. Nawala na ang obsession.

Another lesson sa ‘kin.

Di pu-pwedeng sa una lang ako pursigido at obsessed. Totoo yan. Hindi pwedeng puro nalang ako “nigas kugon”. Di pwedeng naliligaw mismo ang focus ko. Di pwedeng sa araw ng lunes lang ako dedicated sa goals ko pero pagdating ng wednesday at thursday hanggang sabado, wala na. Tuluyan nang nawala ang mga naka-set kong plans. Tinangay na ng hangin.

Kaya binago ko na.

Mas naging obsessed pa ako maging mahusay ngayon. Ibinibigay ko palagi ang the best ko kahit pa may natitirang 15 minutes nalang ako sa gabi. Dinagdagan ko pa ng konting pagkalulong sa ginagawa ko, kasi kapag na-harness na ako sa ganito, yung mga dagdag enerhiya, drive, determinasyon, and resiliency obsession will bring a highly improvement to me.

Ginawa ko na kagad.
Nung dumating na ako sa puntong nakikita ko na ang katotohanan at realidad na dapat na akong magseryoso sa mga gusto kong abutin, mas lalo pa akong nagpursigi at nagsikap. Nakikita ko din kasi na magaganda ang mga pangarap na nasimulan ko kaya hindi ko dapat bitawan to. (Ako na!) haha Wala akong choice kundi ginawa ko na kagad ang dapat kong gawin para masolusyonan ang pangarap ko. At masasabi ko na malaking tulong sakin ang pagkakahumaling sa ginagawa (na kanina ko pa hi-nahash).

Wala akong masusulat ngayon kung hindi ako obsessed.

Naalala ko yung panahong kinalimutan ko lahat ng ibang schedule ko para matapos ko lang ang pinag aaralan kong writing style. Kahit papaano naman, naia-apply ko din naman ang natutunan ko dun kahit konti. Di ako makakapagsulat ngayon kung hindi ko napag-aralan iyon. Masayang masaya ako ‘nun. Di ko tinantanan ang ginawa ko na yun.

Kung di ko kasi sisimulan kagad, may tendency kasi talagang bitawan ko nalang ‘yun. Ang obsession kasi sa ‘kin makes me feel potent, capable, and purposeful.

Ang motivation ko?

Lagi ko nalang iniisip na kailangan kong magtagumpay dahil gusto ko pang tulungan ang nanay ko, magkaroon ng magandang kinabukasan ang magiging pamilya ko at makapagpasaya ako ng maraming tao. Yey.

Naghanap pa ako ng matinding lakas para mabuo ko ang nakatagong talento ko.
Isa pang natutunan ko. Dapat ko palang gamitin pa ang lakas ko at galingan ng maigi ang ginagawa ko. Upuan talaga maghapon. Wag lang akong magfocus kung ano ang wala. Minsan nga ang kakarampot na skills na meron ako ay siyang nagpapalakas sa akin para matapos ko ang bawat sinusulat ko eh.

Pagtapos niyan. Praktice lang ako ng practice.

Walang kaduda dudang may mapapala ako sa pag eensayo. I’m very sure.

Halimbawa naman d’yan, hindi porket pinanganak akong matangkad, ako na ang pinakamagaling magbasketball sa barangay namen. Walang ganun. Kung di ako magpa-practice gaya ni Kyrie Erving, magiging bano ako talaga ako sa basketball.

Kaya dapat.

Pag ibayuhin ko pa ang paglaan ng maraming oras para sa pagpa-practice hanggang sa magtagumpay ako.

Di ko na pinapaako sa iba ang tagumpay ko.
Ang katotohanan, magkakaroon lang ako ng coach sa journey ko pero sa buong laban, ako mismo ang nasa ring.

Walang shortcut sa magiging tagumpay ko.

Ang tagumpay na alam naman ng lahat na dapat pinagsisikapan, pinagta-trabahuhan at pinaglalaanan ng mahabang panahon. Tipong buong maghapon tayong babad sa ginagawa natin kasi mahal na mahal at baliw na baliw tayo sa passion ko. Ganun na ganun.

Nalulungkot ako minsan kasi naiisip ko na bakit wala pa din ako sa lugar na gusto ko. Mukhang wala pa ata akong ginagawang hakbang para sa mga pangarap ko ah.  Pero naisip ko, negative thoughts ko lang yun, marami na akong nagawa. Siguro nga’y hati-hati pa ang mga plano ko kaya hindi ko maibigay ng buo ang oras ko para sa pangarap ko. At dahil sa obsession, nababawasan ang stress ko at nadadagdagan naman ang pag asa ko.

Di ko dinamdam. Direcho lang ang tingin ko.
Di ko sinabing naging manhid ako. Ang ibig kong sabihin dito sa payo ko na kalimutan natin ang feeling natin na nalulungkot tayo ngayon na parang walang pumapansin sa talento natin, tanggalin natin sa katawan natin ang feeling na di tayo magtatagumpay, yung feeling na kala natin, tayo ang pinakamalas sa mundo dahil sa dami ng tinamo nating rejection sa bawat kumpanyang inapplayan natin. Sample ko lang yan. Pero kung ganun nga ang inyong iniisip, tama rin naman, feeling niyo lang yun. Feeling niyo lang magkakatotoo yun.

Sa tagumpay, tanggapin natin na ang katotohanan na anuman ang nararamdaman nating hindi maganda, hindi yan ang sagot para umusad tayo sa buhay. Gamitin natin palagi ang ating isip at logic.

Push pa. Paangat tayo dapat ng paangat. Kapag nagfocus naman talaga tayo, mare-realize natin na ang bawat bagay ay nag-iiba dahil may intensyon tayong baguhin iyon. Tama ba?

Inisip ko lang na lahat ng ‘to. Tinutulungan ako ng lahat ng ‘to.
Kung gusto nating mapalapit sa lahat ng pangarap natin sa buhay, isipin natin palagi na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay makakatulong para makadikit tayo sa malaking picture ng pangarap natin.

As in, lahat.

Wala ng maraming dada.
Tandaan natin na walang may pake sa nirereklamo natin, tayo ang may hawak ng potensyal natin. Minsan nga gusto ko ng sumuko, pero lagi ko nalang iniisip na malapit na ako. Sinasabi ko na “I feel it coming, I feel it coming babe”. Kasi kung palagi kong iisip na malas ang buhay ko, mamalasin nga talaga ako kasi yun ang palagi kong binubuong imahe sa isip ko e.

Magsisimula ang positive sa sarili natin.

Gawin nating positive ang isip natin. Gawin nating positive ang kilos natin. Gawin nating positive ang pagsasalita natin. Matatabunan ang negative vibes ng positive.

Think and feel.
Isa sa natutunan ko naa pwede kong maibahagi ay dapat buo na sa kokote natin kung ano ang gusto nating mangyari sa buhay natin. Isipin natin maghapon yan. Dapat high definition ang vision natin.

Kung inaakala natin na yung paunti unti nating iniisip ang mga pangarap natin at MINSAN lang  natin ginagawa yun, tapos maya maya social media na tayo kagad. Panigurado ako, matagal pa bago tayo makapunta sa pupuntahan natin.

Lahat ng sinasabi ko ay tungkol sa kung paano mag improve sa bawat goals natin na may kasamang obsession.

Walang masama kung bago at pagtapos natin kumaen, baliw na baliw pa rin tayo sa kakaisip ng mga magagandang plano natin sa buhay. Wag lang darating sa tipong mais-stress na  tayo. Hindi na good yun. Yung moment na minsan natutulala na tayo dahil nagpe play sa isip natin ang magandang bukas na hinahangad natin, promotion man yan, setting money goals, or family planning. Basta ako  naniniwala akong palagi mo lang buuin sa isipan mo yan. Makukuha mo yan. Napatunayan ko yan at mangyayari sayo yan. Minsan magtanong ka kung paano mo makukuha ang bagay na iyon, walang kaduda duda, papalapit ka na sa gusto mo. Magkakaroon ng sagot sa tanong mo. ‘Yan tanong na yan ang magsisilbi ‘ding clue mo.

Habang nasa working table ka sa opisina, ‘tas lagi mo paring iniisip ang goal mo. Ay potek, sure na sure akong makukuha mo yan, Neng.  Basta ‘wag lang mawala sa routine ang practice at execution.

Isipin mong maigi kung paano ka hahasa sa larangan mo. Araw araw itatak mo sa isipin mo na dapat may ipanalo kang goals kada araw. Ganun.

Lagi kong chine-check ang progress ko.
Simple lang ang formula ko kapag alam ko sa sarili kong di ako umuusad, alam ko kapag walang bago, ganun lang.

Kaya ang share ko sayo.

Isulat mo lang ang goals mo. Kung gusto mong magbawas ng timbang, dapat ang numero, pababa ng pababa. Kung gusto mong yumaman at kumita ng malaki, dapat ang numero ng pera mo pataas ng pataas. Yan ang pag-usad. Gigil na gigil ka sa mahabang proseso.

Sipag at humaling lang talaga.
Walang makakapantay sa galing ng sipag.  Kahit na meron kang talento pero di mo naman ginagamit, wa epek. Husayan mo ang pagsisikap. Ako nga kahit nandito ako sa work na di ko gusto pero ginagawa ko pa din ang kaya ko. Ginagawa ko to kasi hindi para sa kanila na nakatingin saken kundi para sa sarili ko. Ayaw ko rin kasi ng walang ginagawa. Saka dagdag din sa reputasyon ko to at lakas ng loob para harapin ang susunod na trabahong gusto ko. Yung work na pinapangarap ko.

Iniisip ko nalang na nag aasikaso lang ako ngayon ng papeles sa paglipad ko. Ganun nalang iniisip ko. Atlis habang wala pa ako dun. Ngayon palang, wino workout ko na ng  husto.

Kaya, kung nagawa ko yan. Magagawa mo din yan, kaibigan.

Ako nga eh.

Mas pinaigi ko pa ang ugali ng sipag at diskarte. Wala naman kasi akong ibang paraan para magmove-forward eh. Wala na rin akong panahon para umarte pa. Kahit konting oras nalang natitira sa akin dito sa bahay para magpractice ng writing. Tinotodo ko pa rin.

Naniniwala ako na kung commited tayo, obsessed tayo sa ginagawa naten, walang dahilan para hindi tayo umunlad. Magmomove tayo talaga kung gumagalaw talaga tayo.




Tuesday, June 27, 2017

HAKBANG SA TAGUMPAY NA NAKAKALIGTAAN



Nangangalahati na ang year Tutawsan Sebentin pero ni-isa sa mga goals mo ba ay wala pang natutupad? Hhmm.

Di ka nag-iisa, my friend. Marami tayo. hahaha May natitira pang 6 months na sasayangin tayo este pag-asa pala tayo. haha

But wait, may ibabahagi ako sa’yo na mga naging experiences ko na di ko namalayan, umabot na pala ako sa tugatog, as in winning moment siya para sa ‘kin at syempre kasama na rin sa mga ishe-share ko ang mga wrong beliefs ko noon na naging dahilan ng pagkabagsak ko.

Nae-excite ka na ba kung ano ‘yun? Oy hindi ‘to sexytime. Hindi din Magic Ben. Beshte!

Dahil ngayon, ibang iba na ako. At masaya akong hahawahan ko kayo ng kahusayan ko. hihi Charing.

Lezgo!

Kung di mo pa alam. Dapat alamin mo na kung ano ang pinaniniwalaan mong tama sa iyong buhay, maaaring ‘yun ang tama.  

Kaso nga lang, ang hindi mo pa alam na hindi lahat ng pinaniniwalaan mo ay “tama”. Magulo ba?

Kung para sayo ay nakakagaling sa sakit ng tao ang dahon ng Marijuana, nasa paniniwala mo ‘yun. Pwedeng tama o pwede ding mali. Kung isa kang smoker at sa tingin mo ang sigarilyo na ‘yan ang magpapahaba ng buhay mo, ang sabi ko nga diba, nasa paniniwala mo ‘yun. Kung ang Tinder ang magbibigay sa ‘yo ng buong ningning na kaligayahan. It’s up to you. At kung naniniwala kang ang masamang damo ay matagal mamatay sa mundong ibabaw, sige gumawa ka pa ng masama. Tuloy mo pa. Hayup ka eh. Gigil mo si aquo eh.  hahaha

Uulitin ko ulit. Nasa sa ’yo ang paniniwala.

Di naman lingid sa ating kaalaman na ang isip ng tao ay ang pinakadahilan upang ang mga pangarap natin sa buhay ay magkatotoo, diba!?

Kung wala kang utak. Malamang, wala ka ding pangarap, parang ganun.

Ngunit.

Ngayon 2017, buwan ng Hunyo na, nasabi mo ba sa sarili mo na  

“Oops, di na ata ‘to ang buhay na pinangarap ko ah.”

o di kaya

“Tangina, wala pa akong nagagawa sa mga goals ko hanggang ngayon eh kalahati na ng taon”

Sa tingin mo, kung isa diyan sa dalawang nabanggit ko ay tumpak para sayo. May idea ka na ba kung saan ka nagkamali? sa isip, sa paniniwala o sa gawa? What do you think?

Halika besh. Bibigyan kita ng Mabuting Balita. Ito ay hango sa aking sariling karanasan.

Sobrang tutok sa goal. Masakit sa mata yan.
Familiar ka ba sa quote ni Ninong Abraham Lincoln na

"Give me six hours to chop down a tree and I will spend the first four  sharpening the axe.".

In short, bigyan mo ako ng budget na 6hours sa hotel at kaya kong mambuntis ng 30 minutes lang. hahahaha Charot. De joke lang po.

Kahit tanong mo pa sa lahat ng boksingero, basketbolista o atleta ng  Pilipinas, kahit gusto mong manalo sa isang patimpalak pero kung ang preparation mo para makuha ‘yun ay “Sablay”. Talagang magiging palpak ang resulta at magiging olats ka sa laro.

Ang gusto kong puntuhin at tumbukin na gaya ng ‘four hour sharpening the axe’ na yan ay mahalaga ang tinatawag na “Sermonya o ritwal”. Napakahalaga ng practice, preparation at syempre ang execution.

Karamihan kasi sa iba(kasama na ako), ay nakafocus lang sa magiging magandang resulta pero nakakaligtaan na ang ritwal, preparation at steps para makuha ang hinahangad nila. Kaya ang nangyayari, sa sobrang bigat ng tinatarget nila(kasama na ako), nauuwi lang sa pagbagsak or failure.

So, dapat ng baguhin ang paniniwala sa mga goals naten, mga repa.

Tulad ko, kapag gusto kong magsulat, di ko na iniisip ang magandang artikol na kakalabasan, nagsusulat nalang ako basta. Sulat lang ako ng sulat. (Edi ako na magaling). haha

Check niyo din ang last blog ko. Di man ako famous pero marami akong nagagawa, marami din akong output. (Edi ako na magaling). haha

Bali, ang payo ko sayo kumare, kung may goal ko sa buhay at di mo pa nagagawa iyon kasi nood ka ng nood ng Kdrama, imbes na isipin mong maigi ang steps sa goal mo, ngayon baguhin mo naman teh, try mo naman na gawin lang mismo ang nararapat na hakbang para makuha yun ‘tas eventually di mo na namamalayan na nandun ka na mismo sa mga goals mo. Sarap pakinggan diba.

Kung natatabaan ka na sa katawan mo, pwede mo ng simulan mag-exercise or di kaya wag ka ng tumingin pa sa salamin. Masasaktan ka lang.




Di palaging kailangan malakas ang loob para umusad.
Kung sa first advice ko ay nasabi ko na wag magfocus sa end result lang at tumuon palagi sa preparations o steps, dito naman sa pangalawa kong tip ay na-experience ko naman ‘to na maaaring magkapatid sila sa unang tip ko.

Sa paniniwala ko noon, ang akala ko na kapag okay sa akin ang isang bagay or ‘di mukhang kumplikado’ ang gagagawin ko, sureball akong maganda ang kalalabasan ng gagawin ko, kapag tinapos ko yun. Halimbawa nalang na gagawa ako ng ‘DIY Basurahan’. Madali lang yan syempre haha. Kaya sure akong magagawa ko ng maayos yan.

Ngunit minsan, kapag di ko naman sigurado ang isang bagay at natatakot akong magkamali. Ang nangyayari, kumukuha muna ako ng lakas ng loob para i-solve ang problema ko. Ganun naman diba lahat.  O ako lang ganun? Baka nga ako lang yung ganun kahinang tao. huhu

Ang problema nga lang, sa tagal ng kakahintay kong maging buo ang aking loob, minsan nauuwi ako sa katamaran at hindi ko na itinutuloy ang susunod na hakbang ko. Di na nafi-finish ang sinimulan ko.

Kasi akala ko lahat ng bagay dapat maging sigurado muna ako bago magstart.

But after all, I’ve learned na di naman talaga kailangan palaging buo ang loob ko. Yan ang natutunan ko. Kailangan lang ng lakas ng loob habang nagpe-perform na.

Eh what if kung ngayong araw na to, gumising ako na okay na okay ang pakiramdam ko, ang lakas lakas ko, so kailangan ko pa ba ng lakas ng loob para sa mga goals ko? Ang sagot ko ay OO naman.

Eh paano naman kung ang paggising ko ngayon ay di maganda, tipong di kumpleto ang tulog ko dahil may nagvideoke na salot na kapitbahay kagabi kaya parang 2hours lang ang tulog ko, for sure ang hirap kumuha ng lakas niyan para sa maghapong trabaho, diba.

Na kung tutuusin naman talaga, pwede akong kumilos na kagad sa ginagawa ko ngayon kahit wala pa akong tibay ng loob para mas magkaroon pa ako ng tapang para dun. Kahit gumising pa ako na kulang ang tulog ko, di ko na kailangan pang maging handa para kumilos. Saka, pwede din habang ginagawa ko ang nararapat for my goals, mas nadadagdagan naman talaga ang lakas ng loob ko nun, diba.

Kaya, kapag napansin ko ang sarili kong naghihitay na naman ako ng lakas ng loob bago umusad, inaalala ko muli na pwede akong kumilos na kagad at susunod nalang ang confident sa ‘kin hanggang sa tumatagal mas nadadagdagan ng husto ang confidence ko.

Kaya friend.

Paunti unti lang. Makukuha mo din yan.

Magdesisyon ka na at kumilos ka na kagad kung wala ka pang nagagawa.

Kahit sino ka pa. Dapat mong matutunang magsimula na kagad bago ka maging handa.

Saka mo na mare-realize  kung paano magtagumpay kasi humakbang ka na eh. So, just do it. Step by step lang.

Sabihin mo sa sarili mo na ngayon ang pinakamahalagang araw para gawin ang dapat mong gawin.

Di pa huli ang lahat, pwede ka muling gumawa ng bagong desisyon sa buhay at bagong simula. Walang mawawala. Tumuon lagi sa preparasyon, steps at pagkilos para sa maliit na tagumpay mo. Yung maliliit na tagumpay na yan ang aapakan mong bato para sa susunod na malaking panalo. Dyan na madadagdagan ang lakas ng loob mo.

It’s time to set your plans into motion and make a daily ritual of generating small wins for yourself. 

Tanggapin ko na ang katotohanan na di ko kaya ang magulong lugar.
Kahit na pursigido pa ako sa ginagawa ko, kung nakaapak naman ang mga paa ko sa maling lugar. Mapupunta lang talaga sa wala ang ginagawa ko.

Kahit na ipilit ‘kong iayos ang sarili ko kung nasa di karapat dapat ako na lugar, imposibleng manalo ako dito.

Dahil di pwedeng makalipad ang isang isda. Ang sagwa nun.

Minsan dahil nga no choice ako. Ayun, pinipilit ko nalang rimedyohan ang magulong lugar na kinatatayuan ko.

Nakakapagod yung ganun, diba.

Malaki ang epekto ng paligid na ating ginagalawan para sa ikapapanalo natin.

Gaya nalang ng ganito.

San ka naman nakakita na ayaw mong uminom o makakita ng nakahubad na babae pero oo ka naman ng oo sa lahat ng alok ng kaibigan mong hayuf na pumunta sa beerhouse. So, ano to? Niloloko mo lang ang sarili mo?

So therefore,

Kung gusto mong maging mahusay na singer. Pumunta ka sa lugar ng mga kumakanta o sumali ka sa patimpalak ng mga singer. Now na.

Kung gusto mong maging painter, pumunta ka sa lugar na maraming nagpe-paint.

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, wag kang humanap ng panget. Humanap ka ng mayamang walang itchura. Dahil wala pa akong nakitang mayamang panget. Hindi panget sa paningin ang mayamang panget.

Kung gusto mo ng bago. Iwan mo na yang luma.

Maraming paraan.

Tanggapin mo na kailangan mo ng malaking pagbabago. At mahihirapan ka kung di mo din babaguhin ang environment mo.

Magkakaiba tayo ng tagumpay.
Magkakaiba din tayo ng definition ng tagumpay sa buhay at kung ano ang gusto nating maabot. Sa tagumpay, palaging nagtatalo ang Accomplishment at Purpose.

Magkakaiba tayo. Maaaring ang iba ang gusto makuha ay ang kapangyarihan at ang iba naman ay pera ang mas importante sa kanila. Pwede naman ang mismong pamilya nila ang tagumpay nila sa buhay. Ang iba din naman, nahanap nila ang purpose nila sa mga kaibigan o pagtulong sa nangangailangan na kapwa. Iba-iba tayo.

Kaya nga sabi ko eh. Ikaw ang magbibigay ng meaning niyan.

Ang mahalaga na ikaw ang magde-desiyon para sa sarili mo kung ano ang gusto mong ma-achieve. Kung hahayaan mo ang ibang tao na magdikta sa ‘yo kung ano ang tagumpay, may posibilidad na hindi ka magtatagumpay para sa sarili mo. Mukhang generic at palagi mong naririnig ang sinasabi ko ngayon, pero syempre parte din talaga ng tagumpay na ikaw mismo ang magdefine nun.

Meron nga akong kakilala, gusto niyang maging sikat na rapper pero nung kinausap ko siya, ang layo ng mga dahilan niya para maging rapper. Kaya hinayaan ko nalang. Buhay niya yun e.

So to sum it up, hawak mo dapat ang sagot sa tagumpay mo.

Ang daming plano, lalo lang gumugulo.
Bigyan kita ng sample. Wala naman pinagkaiba ‘to nung kumakaen ka sa buffet na ang dami mong kinuhang pagkaen pero di mo naman palang kayang ubusin. Madalas yan kapag ‘first time’ mong kumaen sa isang buffet restaurant. (Nagawa ko din kasi yan). haha Meron akong tips dyan para sayo. Unahin mo munang lapangin yung gulay, isang plato lang, lagyan mo muna ang empty stomach mo ng mga fresh foods. Yun ang first plate mo. Wag mong kakalimutan uminom lang ng kaunting tubig, wag magsoftdrinks or iced tea, mabubusog ka kagad. Madali ka mapapataob ng resto ‘pag ganun. ‘Tas isunod mo naman yung mga chicken or fish, pwede ka ng humataw ng kaen. Busugin mo na ang sarili mo. At panglast mo na yung mga meat and fatty foods. Sigurado ako diyan. Pag uwi mo, busog na busog ka. Good shit ang lalabas sayo. Kasi di naman talaga kailangan lahat kunin, diba. Hindi kailangan sabay sabay. Hindi kailangan maraming plano. Paisa isa lang. Wag kang sugapa. Tabachoy.

At tulad naman sa pangalawa kong advice kanina na di kailangan ng lakas ng loob para magsimula sa lahat ng bagay. Ngayon naman, hindi kailangan ng maraming plano para magkaroon ng magandang resulta.

Tandaan mo.

Ang overplanning at overthinking ay walang patutunguhan yan.

Lagi mong aalalahanin kung paano mo uubusing kainin ang isang malaking elepante. Sakit sa ulo yun diba? Hindi mo makakaen ng buo yun. Di ka dinosaur. Simulan mo sa maliit na part, panigurado na chibog yang elepante na yan.

Matuto kang maglakad mag-isa.
Lahat ng tao gusto maging matagumpay sa buhay. Lahat gusto umangat. Lahat gusto may marating. Wala pa akong narinig na taong nangarap na maging mahirap.

Ngunit ang napagtanto ko.

Hindi lahat willing magsakripisyo.

Nung nagdesisyon akong gusto ko ng pagsikapan ang pangarap kong trabaho at pagpursigihin ang karera ko. Wala akong ibang ginawa kundi nilayo ko ang sarili ko sa ibang tao na di makakatulong sa akin. Minaster ko ang isang bagay. Naglakad ako mag isa. Hanggang ngayon buhay naman ako kahit na binawasan ko na ng konti ang social media account ko. Dati nga, may twitter at tumblr pa ako eh. Tinanggal ko na din.

Kasi ang mga kaibigan ko at social media, nandyan lang lahat ng yan. At ang mga kaibigan ko, pare parehas lang din naman kameng may mga pangarap sa buhay.

Tanggapin na naten ang katotohanan na may mga taong makakasama naten maglakad pero di tayo tutulungan nila maglakad. May ibang tao rin na di naten talaga makakasama sa pinakahuling tagumpay naten.

Kapag sinimulan mo na ang lahat. Tuloy tuloy na yan.

Kung di ka willing maglakad mag isa. Siguradong sigurado ako. Palagi ka nalang maliligaw o feeling mo nakakulong ka sa gawa gawa mong rehas.

Di dapat palagi kang tama.
Ang mantra ko sa sarili ko

“Ang buhay ko ay mali na dapat pang itama”.

Ganun lang. Maging tama man ako pagkatapos kong magkamali, mayroon at mayroon pa rin naman akong makikitang mali sa sarili ko. Kaya, mas tama lang na isipin ko na may dapat pang ayusin sa buhay ko.

Kasi kung tama na ako, eh ano pang ang i-improve ko para umunlad ako. Diba wala na. Kung sa sarili ko ay nasa mali ako, ‘to ang magiging daan upang mahalin ko ngayon ang proseso para itama ang buhay ko. Kuha po?

Halimbawa, ikaw?

Kung iniisip mong ligtas ka na at sa langit ka na. Nasa sa ‘yo yun.

Eh paano naman kung isipin mong di ka pa ligtas at nasa lugar ka ng walang katiyakan, malamang gagawa ka ng paraan para itama ang estado mo ngayon sa buhay.

Babalik muli tayo. Nasa sa ‘yo muli ang pagpapasya. At nasa sakin kung tama din ang sinasabi ko. hahaha

Pero kung iisipin mong may dapat pang iretoke sa ‘yo.

Gagawa ka na ngayon ng bagong strategy. Bagong simula. Unang hakbang para magtagumpay.

Kung pagsisikapan mo lang itama ang mali mong buhay, baka isa ka sa mga matatagumpay na tao na may kwento na nanggaling sa hirap at maling buhay na ngayon ay tama na.

Di ka tumatae palagi para umuO ka ng umuO.
This is one of my weakness in my entire life. Takot akong mag say “No”.

Iniisip ko kasi noon ang friendship palagi. Kaya sa bandang huli, ako din ang naiipit. Hayuf yang mga kaibigan ko na yan eh. hahaha

Kaya ang payo ko sayo, my friend.

Matuto ka din namang hum-inde.

Tandaan mo na limitado lang din ang oras mo dito sa lupa pati na rin ang katawang lupa mo kaya wag mong sayangin. In any moment, di mo alam na pwede kang lagutan ng hininga. Or habang nagta-type ka sa working table sa opisina, may tumama sayo na ligaw na bala, nalunok mo yung bala. O di kaya naman, dapuan ko ng malubhang karamdaman  hahaha parang ang lala na ng sinasabi ko.

Basta.

Magfocus ka sa lahat ng goals mo, NOW. You have the power to say “Nah“.

Kasi habang nagpapatay ka ng oras.

Habang ikaw nagba-browse sa internet ng kung ano ano, yung mga kasabay mo ay nagsisikap ng husto para sa mga career nila.

habang hinihitit mo ang sigarilyo mo, sa tuwing umiinom ka ng alak at habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko! Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Ang galing ni ate Vi dun noh. Vilmanian talaga ako eh.

Habang ikaw tumutoma sa mga bar, yung mga kasabayan mo nagsusunog ng kilay at naghahanap ng mga bagong pagkakakitaan o negosyo. Habang ikaw nakikipagchikahan, yung mga kasabayan mo pinagsasabay ang trabaho at pag aaral.

Hindi porket inalok ka ng iba, eh pagkakataon o opportunity mo na yun. Kung hindi naman makakatulong sa mga goals mo, pwede kang hum-inde. Ichinde?

Piliin mong maging mahusay.
Sa pagkakaalam ko, base sa nakita ng aking malanding mata at naamoy ng matalas kong ilong.

I-ilan lang talaga ang susugal na maging mahusay dito sa earth. May ilan na gustong maging Lebron James pero ayaw mag-ensayo ng todo.

Walang masama kung simple lang ang gusto mo.

Walang masama kung yan ang gusto mo. Wala ring masama kung pakikinggan mo ako.

Ang payo ko lang.

Paano kung lahat tayo ay mahusay. Ngayon palang, nai-imagine ko na napaka hi-tech ng buhay naten. Feeling ko lang. Lahat napaka-super. Kung ang motivation mo ang maging pinakamahusay. Sigurado ako, malaki ang presyo ng talent mo.

Sa totoo lang. Magiging mahusay ka naman talaga(pati ako) kapag may intensyon tayong maging mahusay. Tama diba? Syempre sasabihin mo saken

“Eh anong pake mo Ben, buhay ko ‘to”.

Eh di sorry.

Gusto ko lang naman makatulong ah. Nasira ba buhay mo? hahaha

Basta gusto kong magtagumpay tayo kaya ko sinulat to.

Kung ang presyo ng pagkapanalo mo ay mahal, ngayon palang simulan mo ng magpawis at maging dedikado sa trabaho. Simulan ng magsikap.

Tunay ngang maraming people ang gustong magkaroon ng magandang kinabukasan pero i-ilan lang ang gustong magsimula ng maganda.


Be willing to do what others won’t and live your wildest dreams!