Tuesday, June 27, 2017

HAKBANG SA TAGUMPAY NA NAKAKALIGTAAN



Nangangalahati na ang year Tutawsan Sebentin pero ni-isa sa mga goals mo ba ay wala pang natutupad? Hhmm.

Di ka nag-iisa, my friend. Marami tayo. hahaha May natitira pang 6 months na sasayangin tayo este pag-asa pala tayo. haha

But wait, may ibabahagi ako sa’yo na mga naging experiences ko na di ko namalayan, umabot na pala ako sa tugatog, as in winning moment siya para sa ‘kin at syempre kasama na rin sa mga ishe-share ko ang mga wrong beliefs ko noon na naging dahilan ng pagkabagsak ko.

Nae-excite ka na ba kung ano ‘yun? Oy hindi ‘to sexytime. Hindi din Magic Ben. Beshte!

Dahil ngayon, ibang iba na ako. At masaya akong hahawahan ko kayo ng kahusayan ko. hihi Charing.

Lezgo!

Kung di mo pa alam. Dapat alamin mo na kung ano ang pinaniniwalaan mong tama sa iyong buhay, maaaring ‘yun ang tama.  

Kaso nga lang, ang hindi mo pa alam na hindi lahat ng pinaniniwalaan mo ay “tama”. Magulo ba?

Kung para sayo ay nakakagaling sa sakit ng tao ang dahon ng Marijuana, nasa paniniwala mo ‘yun. Pwedeng tama o pwede ding mali. Kung isa kang smoker at sa tingin mo ang sigarilyo na ‘yan ang magpapahaba ng buhay mo, ang sabi ko nga diba, nasa paniniwala mo ‘yun. Kung ang Tinder ang magbibigay sa ‘yo ng buong ningning na kaligayahan. It’s up to you. At kung naniniwala kang ang masamang damo ay matagal mamatay sa mundong ibabaw, sige gumawa ka pa ng masama. Tuloy mo pa. Hayup ka eh. Gigil mo si aquo eh.  hahaha

Uulitin ko ulit. Nasa sa ’yo ang paniniwala.

Di naman lingid sa ating kaalaman na ang isip ng tao ay ang pinakadahilan upang ang mga pangarap natin sa buhay ay magkatotoo, diba!?

Kung wala kang utak. Malamang, wala ka ding pangarap, parang ganun.

Ngunit.

Ngayon 2017, buwan ng Hunyo na, nasabi mo ba sa sarili mo na  

“Oops, di na ata ‘to ang buhay na pinangarap ko ah.”

o di kaya

“Tangina, wala pa akong nagagawa sa mga goals ko hanggang ngayon eh kalahati na ng taon”

Sa tingin mo, kung isa diyan sa dalawang nabanggit ko ay tumpak para sayo. May idea ka na ba kung saan ka nagkamali? sa isip, sa paniniwala o sa gawa? What do you think?

Halika besh. Bibigyan kita ng Mabuting Balita. Ito ay hango sa aking sariling karanasan.

Sobrang tutok sa goal. Masakit sa mata yan.
Familiar ka ba sa quote ni Ninong Abraham Lincoln na

"Give me six hours to chop down a tree and I will spend the first four  sharpening the axe.".

In short, bigyan mo ako ng budget na 6hours sa hotel at kaya kong mambuntis ng 30 minutes lang. hahahaha Charot. De joke lang po.

Kahit tanong mo pa sa lahat ng boksingero, basketbolista o atleta ng  Pilipinas, kahit gusto mong manalo sa isang patimpalak pero kung ang preparation mo para makuha ‘yun ay “Sablay”. Talagang magiging palpak ang resulta at magiging olats ka sa laro.

Ang gusto kong puntuhin at tumbukin na gaya ng ‘four hour sharpening the axe’ na yan ay mahalaga ang tinatawag na “Sermonya o ritwal”. Napakahalaga ng practice, preparation at syempre ang execution.

Karamihan kasi sa iba(kasama na ako), ay nakafocus lang sa magiging magandang resulta pero nakakaligtaan na ang ritwal, preparation at steps para makuha ang hinahangad nila. Kaya ang nangyayari, sa sobrang bigat ng tinatarget nila(kasama na ako), nauuwi lang sa pagbagsak or failure.

So, dapat ng baguhin ang paniniwala sa mga goals naten, mga repa.

Tulad ko, kapag gusto kong magsulat, di ko na iniisip ang magandang artikol na kakalabasan, nagsusulat nalang ako basta. Sulat lang ako ng sulat. (Edi ako na magaling). haha

Check niyo din ang last blog ko. Di man ako famous pero marami akong nagagawa, marami din akong output. (Edi ako na magaling). haha

Bali, ang payo ko sayo kumare, kung may goal ko sa buhay at di mo pa nagagawa iyon kasi nood ka ng nood ng Kdrama, imbes na isipin mong maigi ang steps sa goal mo, ngayon baguhin mo naman teh, try mo naman na gawin lang mismo ang nararapat na hakbang para makuha yun ‘tas eventually di mo na namamalayan na nandun ka na mismo sa mga goals mo. Sarap pakinggan diba.

Kung natatabaan ka na sa katawan mo, pwede mo ng simulan mag-exercise or di kaya wag ka ng tumingin pa sa salamin. Masasaktan ka lang.




Di palaging kailangan malakas ang loob para umusad.
Kung sa first advice ko ay nasabi ko na wag magfocus sa end result lang at tumuon palagi sa preparations o steps, dito naman sa pangalawa kong tip ay na-experience ko naman ‘to na maaaring magkapatid sila sa unang tip ko.

Sa paniniwala ko noon, ang akala ko na kapag okay sa akin ang isang bagay or ‘di mukhang kumplikado’ ang gagagawin ko, sureball akong maganda ang kalalabasan ng gagawin ko, kapag tinapos ko yun. Halimbawa nalang na gagawa ako ng ‘DIY Basurahan’. Madali lang yan syempre haha. Kaya sure akong magagawa ko ng maayos yan.

Ngunit minsan, kapag di ko naman sigurado ang isang bagay at natatakot akong magkamali. Ang nangyayari, kumukuha muna ako ng lakas ng loob para i-solve ang problema ko. Ganun naman diba lahat.  O ako lang ganun? Baka nga ako lang yung ganun kahinang tao. huhu

Ang problema nga lang, sa tagal ng kakahintay kong maging buo ang aking loob, minsan nauuwi ako sa katamaran at hindi ko na itinutuloy ang susunod na hakbang ko. Di na nafi-finish ang sinimulan ko.

Kasi akala ko lahat ng bagay dapat maging sigurado muna ako bago magstart.

But after all, I’ve learned na di naman talaga kailangan palaging buo ang loob ko. Yan ang natutunan ko. Kailangan lang ng lakas ng loob habang nagpe-perform na.

Eh what if kung ngayong araw na to, gumising ako na okay na okay ang pakiramdam ko, ang lakas lakas ko, so kailangan ko pa ba ng lakas ng loob para sa mga goals ko? Ang sagot ko ay OO naman.

Eh paano naman kung ang paggising ko ngayon ay di maganda, tipong di kumpleto ang tulog ko dahil may nagvideoke na salot na kapitbahay kagabi kaya parang 2hours lang ang tulog ko, for sure ang hirap kumuha ng lakas niyan para sa maghapong trabaho, diba.

Na kung tutuusin naman talaga, pwede akong kumilos na kagad sa ginagawa ko ngayon kahit wala pa akong tibay ng loob para mas magkaroon pa ako ng tapang para dun. Kahit gumising pa ako na kulang ang tulog ko, di ko na kailangan pang maging handa para kumilos. Saka, pwede din habang ginagawa ko ang nararapat for my goals, mas nadadagdagan naman talaga ang lakas ng loob ko nun, diba.

Kaya, kapag napansin ko ang sarili kong naghihitay na naman ako ng lakas ng loob bago umusad, inaalala ko muli na pwede akong kumilos na kagad at susunod nalang ang confident sa ‘kin hanggang sa tumatagal mas nadadagdagan ng husto ang confidence ko.

Kaya friend.

Paunti unti lang. Makukuha mo din yan.

Magdesisyon ka na at kumilos ka na kagad kung wala ka pang nagagawa.

Kahit sino ka pa. Dapat mong matutunang magsimula na kagad bago ka maging handa.

Saka mo na mare-realize  kung paano magtagumpay kasi humakbang ka na eh. So, just do it. Step by step lang.

Sabihin mo sa sarili mo na ngayon ang pinakamahalagang araw para gawin ang dapat mong gawin.

Di pa huli ang lahat, pwede ka muling gumawa ng bagong desisyon sa buhay at bagong simula. Walang mawawala. Tumuon lagi sa preparasyon, steps at pagkilos para sa maliit na tagumpay mo. Yung maliliit na tagumpay na yan ang aapakan mong bato para sa susunod na malaking panalo. Dyan na madadagdagan ang lakas ng loob mo.

It’s time to set your plans into motion and make a daily ritual of generating small wins for yourself. 

Tanggapin ko na ang katotohanan na di ko kaya ang magulong lugar.
Kahit na pursigido pa ako sa ginagawa ko, kung nakaapak naman ang mga paa ko sa maling lugar. Mapupunta lang talaga sa wala ang ginagawa ko.

Kahit na ipilit ‘kong iayos ang sarili ko kung nasa di karapat dapat ako na lugar, imposibleng manalo ako dito.

Dahil di pwedeng makalipad ang isang isda. Ang sagwa nun.

Minsan dahil nga no choice ako. Ayun, pinipilit ko nalang rimedyohan ang magulong lugar na kinatatayuan ko.

Nakakapagod yung ganun, diba.

Malaki ang epekto ng paligid na ating ginagalawan para sa ikapapanalo natin.

Gaya nalang ng ganito.

San ka naman nakakita na ayaw mong uminom o makakita ng nakahubad na babae pero oo ka naman ng oo sa lahat ng alok ng kaibigan mong hayuf na pumunta sa beerhouse. So, ano to? Niloloko mo lang ang sarili mo?

So therefore,

Kung gusto mong maging mahusay na singer. Pumunta ka sa lugar ng mga kumakanta o sumali ka sa patimpalak ng mga singer. Now na.

Kung gusto mong maging painter, pumunta ka sa lugar na maraming nagpe-paint.

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, wag kang humanap ng panget. Humanap ka ng mayamang walang itchura. Dahil wala pa akong nakitang mayamang panget. Hindi panget sa paningin ang mayamang panget.

Kung gusto mo ng bago. Iwan mo na yang luma.

Maraming paraan.

Tanggapin mo na kailangan mo ng malaking pagbabago. At mahihirapan ka kung di mo din babaguhin ang environment mo.

Magkakaiba tayo ng tagumpay.
Magkakaiba din tayo ng definition ng tagumpay sa buhay at kung ano ang gusto nating maabot. Sa tagumpay, palaging nagtatalo ang Accomplishment at Purpose.

Magkakaiba tayo. Maaaring ang iba ang gusto makuha ay ang kapangyarihan at ang iba naman ay pera ang mas importante sa kanila. Pwede naman ang mismong pamilya nila ang tagumpay nila sa buhay. Ang iba din naman, nahanap nila ang purpose nila sa mga kaibigan o pagtulong sa nangangailangan na kapwa. Iba-iba tayo.

Kaya nga sabi ko eh. Ikaw ang magbibigay ng meaning niyan.

Ang mahalaga na ikaw ang magde-desiyon para sa sarili mo kung ano ang gusto mong ma-achieve. Kung hahayaan mo ang ibang tao na magdikta sa ‘yo kung ano ang tagumpay, may posibilidad na hindi ka magtatagumpay para sa sarili mo. Mukhang generic at palagi mong naririnig ang sinasabi ko ngayon, pero syempre parte din talaga ng tagumpay na ikaw mismo ang magdefine nun.

Meron nga akong kakilala, gusto niyang maging sikat na rapper pero nung kinausap ko siya, ang layo ng mga dahilan niya para maging rapper. Kaya hinayaan ko nalang. Buhay niya yun e.

So to sum it up, hawak mo dapat ang sagot sa tagumpay mo.

Ang daming plano, lalo lang gumugulo.
Bigyan kita ng sample. Wala naman pinagkaiba ‘to nung kumakaen ka sa buffet na ang dami mong kinuhang pagkaen pero di mo naman palang kayang ubusin. Madalas yan kapag ‘first time’ mong kumaen sa isang buffet restaurant. (Nagawa ko din kasi yan). haha Meron akong tips dyan para sayo. Unahin mo munang lapangin yung gulay, isang plato lang, lagyan mo muna ang empty stomach mo ng mga fresh foods. Yun ang first plate mo. Wag mong kakalimutan uminom lang ng kaunting tubig, wag magsoftdrinks or iced tea, mabubusog ka kagad. Madali ka mapapataob ng resto ‘pag ganun. ‘Tas isunod mo naman yung mga chicken or fish, pwede ka ng humataw ng kaen. Busugin mo na ang sarili mo. At panglast mo na yung mga meat and fatty foods. Sigurado ako diyan. Pag uwi mo, busog na busog ka. Good shit ang lalabas sayo. Kasi di naman talaga kailangan lahat kunin, diba. Hindi kailangan sabay sabay. Hindi kailangan maraming plano. Paisa isa lang. Wag kang sugapa. Tabachoy.

At tulad naman sa pangalawa kong advice kanina na di kailangan ng lakas ng loob para magsimula sa lahat ng bagay. Ngayon naman, hindi kailangan ng maraming plano para magkaroon ng magandang resulta.

Tandaan mo.

Ang overplanning at overthinking ay walang patutunguhan yan.

Lagi mong aalalahanin kung paano mo uubusing kainin ang isang malaking elepante. Sakit sa ulo yun diba? Hindi mo makakaen ng buo yun. Di ka dinosaur. Simulan mo sa maliit na part, panigurado na chibog yang elepante na yan.

Matuto kang maglakad mag-isa.
Lahat ng tao gusto maging matagumpay sa buhay. Lahat gusto umangat. Lahat gusto may marating. Wala pa akong narinig na taong nangarap na maging mahirap.

Ngunit ang napagtanto ko.

Hindi lahat willing magsakripisyo.

Nung nagdesisyon akong gusto ko ng pagsikapan ang pangarap kong trabaho at pagpursigihin ang karera ko. Wala akong ibang ginawa kundi nilayo ko ang sarili ko sa ibang tao na di makakatulong sa akin. Minaster ko ang isang bagay. Naglakad ako mag isa. Hanggang ngayon buhay naman ako kahit na binawasan ko na ng konti ang social media account ko. Dati nga, may twitter at tumblr pa ako eh. Tinanggal ko na din.

Kasi ang mga kaibigan ko at social media, nandyan lang lahat ng yan. At ang mga kaibigan ko, pare parehas lang din naman kameng may mga pangarap sa buhay.

Tanggapin na naten ang katotohanan na may mga taong makakasama naten maglakad pero di tayo tutulungan nila maglakad. May ibang tao rin na di naten talaga makakasama sa pinakahuling tagumpay naten.

Kapag sinimulan mo na ang lahat. Tuloy tuloy na yan.

Kung di ka willing maglakad mag isa. Siguradong sigurado ako. Palagi ka nalang maliligaw o feeling mo nakakulong ka sa gawa gawa mong rehas.

Di dapat palagi kang tama.
Ang mantra ko sa sarili ko

“Ang buhay ko ay mali na dapat pang itama”.

Ganun lang. Maging tama man ako pagkatapos kong magkamali, mayroon at mayroon pa rin naman akong makikitang mali sa sarili ko. Kaya, mas tama lang na isipin ko na may dapat pang ayusin sa buhay ko.

Kasi kung tama na ako, eh ano pang ang i-improve ko para umunlad ako. Diba wala na. Kung sa sarili ko ay nasa mali ako, ‘to ang magiging daan upang mahalin ko ngayon ang proseso para itama ang buhay ko. Kuha po?

Halimbawa, ikaw?

Kung iniisip mong ligtas ka na at sa langit ka na. Nasa sa ‘yo yun.

Eh paano naman kung isipin mong di ka pa ligtas at nasa lugar ka ng walang katiyakan, malamang gagawa ka ng paraan para itama ang estado mo ngayon sa buhay.

Babalik muli tayo. Nasa sa ‘yo muli ang pagpapasya. At nasa sakin kung tama din ang sinasabi ko. hahaha

Pero kung iisipin mong may dapat pang iretoke sa ‘yo.

Gagawa ka na ngayon ng bagong strategy. Bagong simula. Unang hakbang para magtagumpay.

Kung pagsisikapan mo lang itama ang mali mong buhay, baka isa ka sa mga matatagumpay na tao na may kwento na nanggaling sa hirap at maling buhay na ngayon ay tama na.

Di ka tumatae palagi para umuO ka ng umuO.
This is one of my weakness in my entire life. Takot akong mag say “No”.

Iniisip ko kasi noon ang friendship palagi. Kaya sa bandang huli, ako din ang naiipit. Hayuf yang mga kaibigan ko na yan eh. hahaha

Kaya ang payo ko sayo, my friend.

Matuto ka din namang hum-inde.

Tandaan mo na limitado lang din ang oras mo dito sa lupa pati na rin ang katawang lupa mo kaya wag mong sayangin. In any moment, di mo alam na pwede kang lagutan ng hininga. Or habang nagta-type ka sa working table sa opisina, may tumama sayo na ligaw na bala, nalunok mo yung bala. O di kaya naman, dapuan ko ng malubhang karamdaman  hahaha parang ang lala na ng sinasabi ko.

Basta.

Magfocus ka sa lahat ng goals mo, NOW. You have the power to say “Nah“.

Kasi habang nagpapatay ka ng oras.

Habang ikaw nagba-browse sa internet ng kung ano ano, yung mga kasabay mo ay nagsisikap ng husto para sa mga career nila.

habang hinihitit mo ang sigarilyo mo, sa tuwing umiinom ka ng alak at habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko! Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Ang galing ni ate Vi dun noh. Vilmanian talaga ako eh.

Habang ikaw tumutoma sa mga bar, yung mga kasabayan mo nagsusunog ng kilay at naghahanap ng mga bagong pagkakakitaan o negosyo. Habang ikaw nakikipagchikahan, yung mga kasabayan mo pinagsasabay ang trabaho at pag aaral.

Hindi porket inalok ka ng iba, eh pagkakataon o opportunity mo na yun. Kung hindi naman makakatulong sa mga goals mo, pwede kang hum-inde. Ichinde?

Piliin mong maging mahusay.
Sa pagkakaalam ko, base sa nakita ng aking malanding mata at naamoy ng matalas kong ilong.

I-ilan lang talaga ang susugal na maging mahusay dito sa earth. May ilan na gustong maging Lebron James pero ayaw mag-ensayo ng todo.

Walang masama kung simple lang ang gusto mo.

Walang masama kung yan ang gusto mo. Wala ring masama kung pakikinggan mo ako.

Ang payo ko lang.

Paano kung lahat tayo ay mahusay. Ngayon palang, nai-imagine ko na napaka hi-tech ng buhay naten. Feeling ko lang. Lahat napaka-super. Kung ang motivation mo ang maging pinakamahusay. Sigurado ako, malaki ang presyo ng talent mo.

Sa totoo lang. Magiging mahusay ka naman talaga(pati ako) kapag may intensyon tayong maging mahusay. Tama diba? Syempre sasabihin mo saken

“Eh anong pake mo Ben, buhay ko ‘to”.

Eh di sorry.

Gusto ko lang naman makatulong ah. Nasira ba buhay mo? hahaha

Basta gusto kong magtagumpay tayo kaya ko sinulat to.

Kung ang presyo ng pagkapanalo mo ay mahal, ngayon palang simulan mo ng magpawis at maging dedikado sa trabaho. Simulan ng magsikap.

Tunay ngang maraming people ang gustong magkaroon ng magandang kinabukasan pero i-ilan lang ang gustong magsimula ng maganda.


Be willing to do what others won’t and live your wildest dreams!

3 comments:

  1. nice one! may mapupulot din ang magbabasa nito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oy thank you so much Jep sa pagbisita. Minsan, jam naman tayo sa pagsulat. Buddy buddy tayo.

      Delete
    2. paano? wala ako ideya hahaha :)

      Delete