Kung babalikan ang post ko ‘nung December 2016. Ang hanep ng plano ko sa buwan ng December. Napakalupit na strategy to get may goals. Dahil ako na nga mismo nagreveal na may gagamba sa mga plano ko sa month na iyon, kaya ang pinakadabest kong plan ay unahan ang papalapit na hadlang sa month na iyon para sa goal ko. Kaya sinulat ko siya sa blog ko. Kung di niyo nabasa. Ganito ang nilalaman niya. Balak kong lumayas na talaga sa trabaho ngayon. Ganun lang. No matter what. Sabi ko. Ifo-focus ko lang ang buong isipan ko sa gusto kong marating at makukuha ko yan. At sa di kalaunan. Totoo nga. Biglang dagsa ang alok sa akin ng kaibigan ko na shootan daw ang bboys o breakdancer na mga kaibigan ko. Di ko alam kung good o bad itong opportunity na to basta na-excite lang ako. So, wala akong nagawa dahil nga natuwa na rin naman ako eh. Ang naging next move ko sa invitation na to. Inaya ko na lahat ng mga kakilala kong dancer pati pa mga beatboxer sinama ko na. Bali, naging maganda ang mga Plan A. Natuwa at umasa ang lahat sa lahat ng dancer sa mga sinabi ko. Sobrang ganda ng mga naging vision. Ang kulang nalang, kukulayan nalang at iyon na yun. Pak na. Kung di ako nagkakamali. Sumabay din ito sa dance competition na taon taong dinadaos tuwing pasko dito sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Hindi ko na namamalayan pala na tinatangay na ako ng motibo ng ibang tao imbes ng sariling goals ko. Ayun na nga, maayos ang pagkakalatag ng naging game plan sa breakdance shoot. Isi-net ang venue at date, ang shooter nalang ang kulang. Marami kaming naisip na possibilities na maaaring opportunity ng lahat ng sasali kung sakaling makita nila ang shoot namen. Kame kasi ng friend(videographer) ko ang kukuha ng dance moves nila eh. Isa sa naisip ko ay maaaring may magre-commend pa sa amin sa ibang gig o raket kung nagandahan sila sa naging output ng gawa naming na video. Yan ang isang drawing na naisip namin. Ngunit, sa di kalaunan, isa pala itong putang inang walang kwentang usapan. Ang sarap magmura sa mukha.
Ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Nakipagkita ako sa friend(videographer) ko sa isang bar. Pero sa labas ng bar lang kame uminom nun. Okay ang lahat. Kwentuhan, toma toma. Kamustahan. Diyan nagsimula ang plano naming sa shoot ng bboys. Diyan galing ang plano na iyon.Yan ang ugat. Ang masakit sa akin. Yung nilalakad ko na ang plano na ito. Ako pa ang nasisi kung bakit daw masyadong maaga ang date na si-net ko para sa shoot o baka lasing lang daw ako. So, mali daw ako. Okay, tinanggap ko. Sabi eh. Mali daw ako eh. Ang sumunod naman, negative daw siya sa si-net kong date na naman. Then, kinausap ko ang mga bboys na nadelay lang ang shooter. Nagsinungaling pa nga ako na may wedding na sinushootan ang friend kong videographer kahit wala naman. Tapos nabalian daw siya ng balikat at kung ano ano pa. Habang tumatagal, nare-realize ko na “Ops wait” parang nag-gagaguhan na tayo ah. Mukhang mali na ata ito ah. At boom. Ayun na nga. Tama nga ang hinala ko. Gaguhan nga ang lahat ng ito. Hindi natuloy ang naging shit plan hanggang ngayon na para siyang naging isang scratch paper nalang ang lahat. Nagmukha akong tanga sa mga kaibigan ko na mga kababata ko pa naman din. Ang sakit grabe. Kung sino pa mismo ang taong pinagkakatiwalaan ko. Siya pa mismo ang humudas sa akin. Siya pa mismo ang nagpahiya sa akin sa ibang tao na kakilala ko. Ngunit kung tatanungin niyo ako, sa lahat ng pinakilala niyang kaibigan niya sa akin. Lahat ng iyan, ginawan ko ng kabutihan. Kinilala ko ng husto at hindi ko ginago o ginawan ng kasamaan. Sinuklian ko lahat ng pagkakaibigan ang lahat ng pinakilala niya sa akin.
Ngunit tapos na yan. Ano pa nga ba. Ayoko na ring ire-cycle yang basura na yan. Hindi ko lang talaga makalimutan dahil sobrang sakit para sa kin ng nangyari. Kaya natutunan ko na, wag basta basta umo-o sa lahat ng alok kung hindi to nakalista sa goals naten. Ayun lang naman. Naitapon na kita noong 2016 inilalabas ko lang din pati ang feelings ko ngayong 2017. Para makahinga ako ng maayos. Pero di na kita pupulutin pa at di na babalikan pa pasensya na bro. Ang mabuting balita lang. Just say “no”.
No comments:
Post a Comment