Nakakasawa na. Nauumay na ako.
Nakakaburat pa. Mamamatay na ako.
Nasusuka sa mga nakikita at naririnig ko.
Natabanan ng ingay ang musika at tinig ko.
Gusto kong tumakbo ng malayo.
Hanggang sa makarating at humayo.
Pero wala akong lakas ng loob.
Bakit? Pag asa ko’y tila nakasubsob?
Sabihin ko man sa salamin.
At ang realidad ay harapin.
Na ang kahapon mabigat ay di na pasanin.
Tila natakpan na yata ng boses ng iba ang puso’t isipan ko.
Sinabi ko noon na di ko makita ang sarili ko dito.
Pero, bakit? buhay pa rin ang lahat at nandito pa rin ako.
Makakita lang ng maliit na pagkakataon.
Ibibigay ang buong pwersa at todong pagtutuon.
Para sa mga susunod pang mga araw at taon.
Nakakakadena kong mga paa.
Kakawala patungo at aapak sa tala.
Paa o kadena ba ang dapat kong putulin?
O ang utak at puso ko and dapat pahintuin?
May langit kaya para sa mga taong nalilito?
Na matagal kumilos at gumawa.
May langit kaya para sa mga nahihibang?
Nasasanay sa mga bagay na panandalian.
May langit kaya para sa tulad kong baliw?
Na pilit na winawasak ang katotohanan.
Oo, ako yan na walang kinahinatnan.
Parang ayoko na. Pero no choice.
Kundi, pakinggan ang sarili kong voice.
Na kayanin at lakarin
Tuparin at bigkasin na kaya ko pa.
Tawanan ang magulong buhay na sa dibdib masikip
Ano pa ba, Ngitian ang mapasakt na nagpapasakit .
Tara sama ka na kapatid.
Gawin nateng pantay ang mababa at mataas.
Sistemang bulok na nagpapahirap satin.
Bakit di natin sabay basagin.
Manalo sa buhay ang tangi kong naiisip.
Magtagumpay at makatulong na galing sa puso.
Pagmamahal ang dumadaloy sa aking puso
Gamit ang komedya sa pakikipag usap sa kanila
Mahalaga ang bawat bente kwarto oras.
Mahalaga bawat oras sa akin.
Nalilito man. Aabutin pa rin ang Plan A.
Walang Plan B kahit pa mahilo ako.
No comments:
Post a Comment