Wednesday, January 25, 2017

KALMADONG KALMADO

Sabado ng umaga. Walang pasok sa trabaho kaya di ako nag-effort pang mag-isip kagabi na mag-alarm sa phone ko para gumising ng maaga ngayon. Tengene. Ang saya saya. Sobra. Ngayon, gising na ako. Ngunit, sarap ng nakahiga sa kama ng malinis ang paa, walang amoy ang paa, mabango ang kama pati ako at nakabalot ng kumot pa ang buong katawan ko. Nilalamig ako pero hindi malamig ang temperature sa labas. Ako lang talaga. Baka nakafentanyl lang talaga ako. Baka siguro nagdedesisyon pa akong kung gagalaw ba o hinde. Pinansin ko muna ang phone ko kung may mga messages, pero wala namang laman ang inbox at medyo mabigat ang mga kamay ko, ewan ko kung bakit ng pinilit kong sinalpak kagad ang headset ko habang nag-iimagine ng masasayang pwedeng mangyari sa buhay ko ngayong araw. Iindahin ang kirot ng braso at kamay. Basta, ibang klaseng nyorlog ang piangdaanan ko tapos yung tipong mag-uunwind na naman ako sa pag idlip bago tuluyang tumayo sa kama. Ganun. Di pa ata handa ang mga nerves ko upang maging active muli sa pagkilos sa buong araw kaya saglit lang po mga kababayan. Bu-bwelo lang ako. At nang bigla kong naalala, Ouch, ang sakit ng kanang kamay ko talaga. Parang ang bigat. Oo nga pala. ang dami ko palang na-shopping kagabi kaya medyo ngawit na ngawit pa ang mga kamay ko. Basta naka-rest ang mga kamay ko. Okay lang. Tapos sinilip ko sa tabi ng kama yung mga pinamili ko. Lahat ng box ay halos kulay blue and siguro nasa tatlo lang yung kulay green na naka-wrap. Ipang-reregalo ko nga pala to. Ang cute tignan ng kwarto ko ngayon. Puno ng kulay blue at green para akong nasa ocean or beach na may jungle. Ang huge din kasi ng mga box ko eh. Tignan mo nga naman talaga ang buhay. Biyaya kung biyaya. Sarap huminga ng malayang malaya kapag nakakakita ako ng ganyan. haha Kaya ngayon, ang feeling ko. Isa akong sanggol ngayon na gumising sa napakahabang tulog. Napakasarap. Napakagaan sa pakiramdam. Tila ako’y isang baterya na chi-narge ng 16hours at mainit na mainit pa kapag hinawakan ng palad. Ganun kadaming pahinga ang dinanas ko. Iba ang buhay ko kapag kalmado. Alam mo yun. Parang nakangiti ang paligid sa akin na parang sila ay chill na chill lang at wala din silang ka-stress stress sa paligid din nila. hihi Di ako maligalig masyado ngayon. Di naman halata diba. Saktong sakto lang. Hindi ko alam kung ano ang meron sakin pero dama ko ang ‘tahimik na saya’ sa loob kapag easy lang akong nagre-react sa mga kaganapan at nade-delay ko pa ang galit ko. Masaya. Sobrang saya. Isang bagay lang ang iniisip ko ngayon. Ito yung tipong kampante akong “okay” ang ibang bagay kung di ko isipin. Pake ko kung di pa natatapon ang basura sa labas ng kwarto ko. hahaha Bahala ang magbabasura magsisigaw ng bayad sa basura. Kaya isa lang ang iniisip ko muna tungkol sa lahat ng goals ko at pagiging relax, mas makatotohanan ito kapag paisa isa lang lang muna. Sarap ng ganitong pakiramdam noh. Diba? Goal oriented na kalmado ako masyado. Itataya ko buong buhay ko para lang maging kalmado pa ang pamumuhay ko sa mga susunod pang mga years. Napaka-tranquil ng araw ko ngayon. Kalmado lang ako talaga. Tapos may nakita pa akong natirang orange juice sa refrigerator. Ang saraaaaap. Malamig na malamig pa. Masustansya din. Malilamlam. Sige na nga. Tatayo na ako ng todo. Buti nalang inabot ko ang juice. haha  But, uupo muna ako saglit. Hay, walang kapares ang feeling na to  nung nilulubos ko ang mga pagkakataong meron ako. Magbubuklat muna ako ng magandang librong nakaimbak dito sa kwarto ko. Pwede na siguro yung 30 pages. Di na tamad ang tawag dun.  Isang chapter na rin iyon kung mamarapatin. Konting basa. Linis ng muta ako while reading. Didilaan ang daliri para sa next page tapos inom ulit ng juice. Putang ina. Ang sarap. Itong motivational book na to, ang hindi ako nagsasawang basahin. Ang ganda ng mga example ng mga kwento ng tagumpay. Gusto ko rin ng ganito. Gaya din sa nabasa ko. Kapag may pagkakataon, ihahataw ko ng mabilis ang buong katawan ko. Beast mode na ako gumalaw sa trabaho. Di man kayo maniwala, kaya ako nagwowork para ikasal. Walang assurance na kapag kinasal ay di na maghihiwalay ang dalawang nagmamahalan pero iba pa rin ang may basbas. May may tali sa isa’t isa. Tama ba? Kalmado lang ako dahil isa sa mga pangarap ko yan. Ang umeksena sa kasa. Yan yun. Pero bago yan. Dapat handang handa ako. Kalmado lang ako dahil nire-ready ko na ang sarili ko, excited na akong bumuo ng baby. Kalmado lang ako na magkaroon ng magandang Pamilya. HABANG INIISIP KO LAHAT NG ITO. Di ko na namamalayan na lumalayo na ang pagitan ng dulo ng bibig ko sa ngiti dahil ang ganda ng mga goal ko sa pamilya ko. haha Ay wait lang. Susulat ko na ang mga gagawin ko sa buong maghapon. Nakaugalian ko na to e. Yung ililista ko muna ang lahat ng gagawin ko. Kung ano ang dapat unahin tapos pagdating nalang gabi, pahinga nalang ako, nakita ko ang natapos sa lahat ng nilista ko. Habit ko na talaga to. Ang magsualt. Effective naman as usual. Nadiscover ko tong ritual na to nung umuwi ako sa bahay na nawala yung winithdraw kong P500 sa BDO. Takte yun. Kaya naging aral sa akin, pag sobrang dami talaga ng nakalatag sakin na task, dapat ko na talagang isulat. kaya ayun. Kaya move on na dun. Tutal tapos na rin naman akong magbasa ng libro. Mag gi-gym na ako. Pero dito lang sa bahay. haha Mas manage ko ang oras ko dito sa bahay e. Pwede na siguro akong magbuhat ng  5 sets na 10 reps na army bumbell press. Ah. Tang ina. Galit na galit yung mga msucles. Yun palang iyon. Paano pa kaya kaya nasa mismonggym na ako. Sige. Duduktungan ko pa ng iba pang position. Uuurgh. Targetin natin yung shoulder muna. Hay sarap. Kalmadong kalmado. . Ang dami ko ng nagawa basta kalmado lang talaga.   Lalabas na ako na bahay. Sa baba na floor ang lugar ng bahay ni mama. Kapag nakikita ko sila. Marami rin akong pangarap para sa kanila. Kalmado lang akong mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang pamilya ko. Ayokong ipakita sa pamilya ko ang stress ko sa totoo lang. Kalmado lang akong vinivisualize na maging matagumpay ang trabaho ko at maia-ahon ko lahat sila sa maling nakagisnan. Kalmado lang akong mabibigyan ko ng madami pang suporta, pagmamahal, tulong at oras ang aking sariling pamilya. Si mama, mga kapatid ko at mga pamangkin ko. Sila ang buhay ko. Kalmado lang akong masusuklian ko ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng pamilya ko. Ang dami ko na kagad naisip. Ginising talaga ako ng happy thoughts. Mga ilang oras pa. Tinaas ko ang aking mga kamay. May amoy na ang kili kili ko. Oras na para maligo ako. Yahoo. Ito nay un. Magshashampoo ng napakabango. Maghihilod. Kakamutin ang dapat kamutin. Sa tuwing bumubuhos ang malamig na tubog sa aking body, sasagi naman sa isip ko yung mga memories ko sa beach. Gustong gusto ko ng mga beach .Mahal na mahal ko ang mga beach. Isa sa importanteng goal ko sa buhay iyang beach na yan. Kaya easy lang ako na bago matapos tong taon na to. Sisiguraduhin kong makakapag-travel ako sa iba’t ibang lugar sa mundo. Seryoso ako na sap ag gagala ko na maging determinadong maging kalmado pa akong maiInfluence ko ang maraming tao sa kung ano ang meron ako. Darating ang panahon na magiging kalmado lang ako na maging malaya ako sa kahirapan. Ako na mismo ang hahanapin ng pera. Kalmado lang akong makakatulong ako sa ibang tao. Kalmado lang. Dahil alam kong ang pagiging kalmado ang susi sa lahat ng problema dito sa mundo.
                                                                           

No comments:

Post a Comment