Nitong umaga lang, Biyernes. Kasalukuyang ginaganap ang 30th ASEAN summit sa ating bansa kaya sobrang luwag ng kalsada maria ozawa, walang traffic, walang singitan, walang nasasaktan, walang umaasa, at walang mainit ang ulo.
Sa malayo palang, tila natatanaw ko na ang pwede kong sakyan na jeep. Wala pa kasi ang hinihintay kong bus eh. Tang ina kasi ang hirap pala talaga ng walang sariling kotse, ano po.
Pagsakay ko naman ng jeep. Tinanggal ko ang aking headset sa tenga at binilang ang pasahero kung ilan ang nakasakay dito. Buong puso kong ginawa to. Hindi inaakala ng lahat na ililibre ko sila. Ganun ako kagalante masyado ngayong payday. “Manong driver, sagot ko na” sabi ko kay manong. Natuwa ang lahat sa ginawa ko. Sa ganung paraan alam kong minahal nila ako doon. At wala ng patumpik tumpik pa ay inilabas ko yung cellphone ko at hingin ang kani kanilang facebook account nila. Ang sama pala, ayaw nilang ibigay. Shet, tang ina niyo, babawiin ko ang binayad ko senyo hahaha. Bumaba nalang ako ng jeep ng walang napala. Hindi naman ako napahiya dahil mukha naman akong disente eh. Ang hindi nila alam, hindi ko naman talaga sila ibinayad sa jeep eh. Palabas ko lang yun eh. Masama bang magturo. haha
Mabilis ang karma diba. Mga ilang lakad lang, may natatanaw na akong isang lalaking bulky ang katawan sa medyo kalayuan. Mukhang sinusubukan ako ng taong to ah. Kaya bilang isang lehitimong nag gigym dapat pumostura rin ako na totoong regular gym body builder. Bahagya kong binulatlat ang chest ko at ipinagyabang ko sa kanya lahat (Dun sa nakasalubong ko). Alam niyo kung ano nangyari. Panis, nanliit siya sa katawan niya. Pahiya si gago. Ganun ako kaangas.
Nagkatitigan kameng dalawa. Tinignan niya ang ako sa mata at ako rin sa mata niya. Tinignan ko naman ang aking braso at inikot ng konti tapos siya rin, ginaya niya ako. Ang hindi ko inaasahang pagkakataon ay ang hindi ko lang tinignan na may dinadaanan na pala akong kanal. Tang ina, nahulog ako sa kanal. Isang paa, shoot sa kanal. Fuck.
Napahiya ako. (Ayoko ng ganito, ayoko ng ganito huhu).Pero hindi ko pa rin pinahalata sa lahat na loser ako. Confident pa rin ako sa nangyari. Natawa ang taong kabungguan ko sa nangyari. Natawa rin naman ako. Ok lang. Parehas lang kame. Hiniyaan ko na siyang umuwi. Nakakaawa naman eh. haha Hinihintay ko lang naman siya umalis at huhubarin ko ang sapatos ko. Whaaaaah! Yung kanang paa ko ang sobrang baho. Nakakadiri talaga. Yuck.
Humanap ako ng milagro. Tinawag ko ang lahat ng positive energy sa paligid. Nanalangin ako na sana may swerte kahit papaano na bumalot sa akin. Humanap ako ng libreng gripo sa pampubliko lugar na iyon. Pero dahil nga mapait ang tadhana na magbiro sa akin, wala akong nakita. Badtrip.
Pumasok ako ng 7eleven. Bumungad kaagad ang tanong ng cashier, bakit daw parang may matinding amoy na dumating. Ayokong ma-guilty. Tumingin ako sa katabi kong nakapili din. Sa ichura niya, hindi naman daw siya iyong mabaho. Tumingin ako sa gwardiya sa likod. Napikon saken si guard. Mukhang galit ata saken ang gwardiya. Pinilit ko nalang manghingi sa 7eleven ng tissue, kahit may amoy ang paa ko at salamat dahil binigyan niya ako ng konting limos. Nagsorry nalang ako sa guard, ang sabi ko napatingin lang ho ako sa kanya. Hindi sinasadya. Joke lang yun.
Masarap mabuhay ng malinis ang katawan. Pero sa pagkakataon ngayon, parang hindi. Umupo muna ako sa table na may chair. Tinanggal ko ang aking socks. Pinilit kong spray-an ng alcohol ang aking paa pero wala pa rin. Mabantot pa rin.
Nakita ako ng gwardiya. Gusto niya akong tulungan. Natakot naman ako sa balak niyang gawin sa akin. Umalis nalang ako. Kumaripas ng lakad papalayo. Male-late na kasi ako sa bus. Kaya sumakay nalang ako kagad ng walang pag aalinlangan.
Nung tumatakbo na ang bus. May isa akong biglang naalala.
Ay puta, naiwan ko yung tinanggal kong medyas sa lamesa, ano ba yan. Pota.
Malapit na ako.
Tayo, tayo!
Ganito sa bus. Kapag nakita ko ng may nakatayong pasahero. Alam ko na dapat na tatayo rin ako dahil common sense na walang pasaherong nagbayad at piliin nalang tumayo ng aabot sa isang oras. Kaya ano pa ba ang hinihintay ko. Iporma ko na ang likod ko at sumandal sa gilid ng upaan nila.
Pero hindi ako basta basta susuko sa dala dalang kong pagsubok. Ipapakita ko sa kanila na dapat kaya kong i-handle ang amoy na nasa paa ko. Konting tiis nalang . Ako naman ang unang bababa eh, dahil nakatayo ako. Kaya please, tiisin muna ng mga taong malapit sa akin ang amoy pang kanal na nasa paa ko.
Pagsubok lang ‘to na dapat na kong lagpasan. Wala akong maisip na dahilan para sumuko dahil alam ko sa sarili ko na matatag ako. Hindi ako basta-basta nagpapatinag. Naniniwala akong lahat ng balakid ay may dahilan upang mas tumibay ako at ipagpatuloy ang mga nasimulan kong plano. Medyo malapit na akong makababa ng bus. Kahit makate sa pakiramdam ang may germs sa paa, ay titiisin ko.
Wala akong magagawa eh.
Sa buhay na to, walang madali. Hindi madaling mabuhay sa hinihingi. Hindi madaling mabuhay sa pag-asa. Bawat pagsubok ay may kalakip na tagumpay. Bawat madaang impyerno ay may kasunod na langit. Bawat madaanan na magandang lugar ay may kasunod na kanal. Ganun talaga.
Baka minsan, gaya nalang sa sobrang pagmamadali ko na makuha ang lahat ng bagay, hindi ko na to nakukuha, hindi siguro ako pasensyoso masyado.
Lagi ko nalang isipin na sa lahat ng nasimulan ko, maaaring malapit na ako, wag na dapat akong sumuko. Isipin ko lang na malapit na malapit na malapit na ako.
Minsan ine-entertain ko kasi ang negative thoughts.
May narinig ako sa bandang likuran ko, boses babae siya. At ang sabi niya, “Ano yun, parang may nagbukas ng kanal, or parang may umutot?” Simple lang ang aking ngiti. Tumitingin nalang ako sa malayo at niyuyugyog ng pababa at pataas ang aking ulo para kunyari damang dama ang musikang pinapakinggan ko. Pero infairness, tompak ang unang tanong ni ate, parang kanal. hahaha
Dapat kasi kahit na ano pa ang sabihin nila. Wag kong hahayaang tumambal sa aking isip ang mga hindi magagandang salita. Kung pinakinggan ko siguro ang sinabi nila sa akin, malamang habang tumatakbo palang ang bus, tatalon na rin ako bigla palabas sa sobrang hiya ko. Lalo na’t may nagreklamo na. Pero di ako ganun kagago para magsuicide.
Pero syempre hindi ako nagpatinag muli. Kahit na katiting na negative thoughts, binubura ko kaagad sa mind ko yan. Basta bahala sila kung ano ang maamoy nila. Buti nga may naaamoy silang kakaiba eh, dinala ko sila sa ibang klaseng dimension. Atlis challenging yun diba.
Basta naisip ko nalang sa lahat ng ito.
Lahat tayo may 1 seconds, lahat tayo may 1 minute, lahat tayo may 1 hour. Alam ko na kahit 1 minute lang, kung ireready ko lang ang sarili ko sa gusto kong mangyari, makukuha ko sa loob ng isang minute. Kaya daapt wag kong sayangin ang oras sa mga negatibong bagay. Minsan sa isang iglap hindi natin namamalayan na nilamon na tayo ng maling akala sa buhay. Ayun na nga.
3. Masyado ko lang sigurong iniisip ng todo.
Pero bat ganun. Di ko maiwasang isipin ang sasabihin ng ibang tao. Lalo na’t guilty ako sa paa ko. May kaharap akong lalaki. Tignan mo si kuya, kung makatitig kala mo siya hindi mukhang mabaho. haha
Kaya dapat. Walang bibitaw. haha
Wag akong papatukso sa pagsuko kahit mas madali pang sumuko kaysa magpatuloy. Kahit saglit lang, minsan libangin ko sarili ko, manghuli ako ng kung ano ano sa loob ng bus, maglakad pabalik balik doon, magbutingting. Pero sa pagkakataon ngayon, ang tangi ko lang magagawa, imaginin ang nasa soundtrack ko. Sarap din magisip ng bastos ah.
Well, ganun pa man.
Minsan, kapag mahirap ng solusyunan ang isang bagay, kailangan ko minsan lumayo muna sa ginagawa ko at gumawa ng ibang bagay muna. nang sa ganun, hindi ako masyado mapagod. Parang mata ko, kapag pagod na sa kakatutok sa screen ng computer. Humihina na. At pagdating sa numero, magkaiba din ang math sa totoong buhay. Ang totoong buhay, minsan walang konkretong sagot hindi katulad ng math na maaaring hindi pwedeng iba iba ang sagot. Sa kakaisip ko ng todo, minsan mas nananaig pa ang negatibo. Burahin ko dapat to.
Mali na to. Dapat ko ng itama ‘to.
Dagdagan ko pa ng konting pagfocus sa present-future.
Alam niyo ba yung feeling na ihing ihi ka na at gustong gusto mo ng umihi kahit saan sa bus. haha Makakita ka lang ng kahit anong sulok na medyo madilim, walang tao at walang camera at gusto mo ng bumulwak. Ganun ang nararamdaman ko ngayon. hahaha pero ayokong gawin. Iniisip ko palagi ang moment na pagbaba na pagbaba ko. Gustong gusto ko ng hubarin tong sapatos at pantalon. Potek. Hubo’t hubad. Ang kati.
Kaya ang dapat lang pala. Isipin ko lang kung nasan na ako ngayon. Ano ang kinalalagyan ko, nang sa gayon, hindi nagmamadali ang heartbeat ko na matapos tong biyahe na to. Nakakairita man pero dapat relaks lang ako. Baho lang yan.
Di naman lingid sa ating kaalaman na mas mahalaga kumilos sa ngayon, hindi bukas at hindi mamaya pa. Pang motivate ko to na enjoyin lang ang baho sa paa ko.
Pero para sa akin.
Binubuo ko na ang kinabukasan ko kung ngayon palang na kumpleto na palagi ang araw ko sa tuwing ginagawa ko ang dapat kong gawin at gusto kong bagay.
Natutunan ko, balikan ko lang lahat ng mga naging inspirasyon ko.
Para tuloy akong nakikipagkarerahan sa mga kasabay ko.
Napakahirap ng kalagayan ko. Hindi pa rin ako susuko. Laban ko to. Hindi gi-give up ang paa ko. Pramis.
Kaya siguro ako naiinis dahil nagmamadali ako na parang nakikipagkarerahan ako. Minsan iniisip ko nalang hindi mangyayari saken to kung may kotse ako. Di na kasi appropriate sa edad ko na wala akong kotse.
Syempre iniisip ko din na dapat ba talagang sumabay ako at makipag unahan sa mga kaedad ko. Di ko alam. Baka ako lang talaga yung baliw eh.
Na-feel niyo rin ba yun?
Yung minsan natataranta tayo dahil minsan hindi na angkop sa edad naten yung estado natin ngayon. Wala pa tayong kotse, sariling bahay, sariling pamilya, marami pang bayarin. Samakatuwid, lagi nating iniisip na may kakumpetensya tayo dahil nga parang napag iiwanan na tayo. Alam niyo yun?
Kung parehas tayo ng pinagdadaanan. Wag kang mag alala, friend. Di ka nag iisa.
Di tayo dapat sumuko. Magkakaiba tayo ng timeframe. Given na naman na mahirap ang buhay, wag kang papatalo. Ang sarap kaya minsan nang nasasaktan. Hindi ka nag-iisa. Marami ka din katulad ng iba na parehas ang pinapasang problema sa balikat. Minsan kung sino pa ang may mas mabigat na problema, sila pa minsan ang mahilig mangamusta saten kung okay ba tayo. Lumalim na noh?
Gaya ko. Gayahin mo ako. Bumangon ka rin sa pagkadapa at walang dapat masisi. Gumawa ka rin ng pagbabago sa sarili. Hindi to karera tsong.
Pati problema, dapat yakapin.
Ipipikit ko nalang ang aking mga mata. Inhale and exhale. Matatapos din tong paghihirap ko. hahaha KOnting konti nalang at malaya na ako.
Gaya ng buhay ko ngayon.
Parang buhay ko lang din naman to eh. Minsan may magbabato ng mga masasakit na salita laban sa kin. Pero at the end of the day, yung mga duming ibinato nila sa akin ang naging dahilan upang mas tawanan ko sila at ipagpatuloy ang lahat ng mga pangarap ko. Ang duming ibinigay nila ang nagtulak sa akin maamoy ang bango ng bagong umaga.
Marami akong kaibigan na ang approach nila sa matinding problema ay mas nacha-challenge sila mabuhay dahil doon. Opportunity daw yun upang mas tumibay at tumatag sa buhay. Ang ganda diba.
Katulad ko ngayon.
Kapag minahal ko ng husto ang bawat pagsubok na to. Parang magkaibigan na kame niyan. Alam ko na mamahalin ko talaga siya kasi parte sila ng buhay ko (ang mga pagsubok). Walang taong walang problema.
Palagi palang may opportunity.
Sa hindi inaasahang pagkakataon. May tao palang nakakapansin sa aking discomfortness. May isang dilag na maganda at sobrang puti na parang koreana na medyo chinita na nag-offer saken ng cologne. haha Potek tawang tawa ako. Yung pagkakabigay niya pa ng cologne. Yung tipong mukha talagang kailangan na kailangan ko ng pabango sa katawan. hahaha Pero grabe po ate. sobrang baet, shet. Nahiya ako. harhar
Ang natutunan ko doon.
Minsan kasi sumusuko na ako dahil akala ko na habang buhay akong maghihirap sa kalagayan ko. Mali. Temporary lang ang lahat. Lahat nagbabago. magkaiba ang oras na gumising ako kahapon kaysa kagabi. Iba ang naging kasuotan ko ngayon kaysa kahapon. Lahat pabago bago. At kapag ang opportunity ay nagsara, lagi kong tatandaan na palagi din may magbubukas na isa pa para sa akin. Wala akong ibang gagawin kundi hanapin kung ano man iyon at wag magsasawa dahil ang buhay ay palaging may surpresa. Lagi akong magpasalamat at maging bukas ang aking kokote sa lahat ng paparating.
Kung ayaw nila. Wag bigyan.
Ngayon ko natutunan na dapat din pala akong tumulong sa ibang tao. Bumunot na ako ng kung ano ano sa loob ng aking bag. Inalok ko siya ng breakfast ko. Ang mabangong mabango kong itlog na may shanghai. At hindi mawawala ang pinakamasarap na spaghetti with plastic flavor. Pero ang ending, ayaw niya daw. haha Edi wag.
Well ako naman eh.
Kung paano ko titignan ang ibang tao, yun krin ako panigurado.
Talo na ako kapag sumuko na ako.
Ganito nalang. Kung sakaling kanina palang sa gitna ng biyahe ay sumuko na ako, malamang mukha akong tanga na bababa sa bus. Maglalakad ako mag isa sa kalye na hindi naman ako sure kung may sasakyan ba dun dahil lang sa pagkairita ko sa paa ko.
Siguro isipin ko nalang din na hindi ako nag iisa. May iba diyan sa loob ng bus na sinasakyan ko ay ihing ihi na pero tinitiis lang nila. May iba diyan taeng tae na ayaw lang magsabi. Samantalang ako, amoy na mabahong kanal lang ang nirereklamo ko.
Ganun pa man, nakakairita talaga. Pero wala akong magagawa kundi itama nalang lahat.
Kapag sumuko ako ngayon sa kinahaharap kong kaso, walang matitira saken. Wala na talaga. Lagi nalang akong magsisisi. kaya dapat, pwersahin ko ang sarili kong magtagumpay palagi. Para di ko palagi option ang sumuko.
Baka may takot pa akong laliman ang lahat.
Konting tiis nalang at bababa na ako. Yahoooo.
Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, maganda man o hindi. Mabango man o mabaho. May dahilan kung bakit nangyayari to lahat sa akin. Ayaw ko lang sigurong alamin at laliman ang solusyon. Baka ganun nga. hahaha
Kapag naintindihan ko na ang nilalakaran kong lugar at alam ko kung ano ang gagawin, alam ko na rin kung paano bibitawan ang mga hindi na kailangan sa pupuntahan ko. Mas maraming posibilidad na magandang mangyari kung hindi talaga ako susuko
Medyo nawawala na yung amoy sa paa ko. hahaha
Anong mapapala ko kung susuko kagad ako?
Iba pa rin talaga kapag nasanay sa pagiging kalmado, ano. Buti nalang di na ko kagaya ng dati. haha Nagrelaks nalang ako ng mga oras na yun.
Kung sumuko ako malamang wala akong mapapala kanina. Ang bagsak nun, late na ako sa trabaho. At sasakay na naman ako muli ng bagong bus. Bali ang mangyayari, bagong bayad na naman iyon. Masakit sa bulsa iyon.
Ganito pala talaga.
Nakakatuwang malaman na hindi ako sumuko. Dito ko na nalaman na maraming magandang mangyayari kapag ipinagpatuloy ko ang aking determinasyon. Hindi lang sa pang may amoy kundi sa totoong buhay.
Ang pagpupursigi.
Ikanga nila. Success breeds success.
Pagsabayin ko ang visualization na may todong kilos.
Ayan na.
Malapit na akong bumaba ng bus. Nangyari ang dapat mangyari. Kung ano ang iniisip ko kanina. Manggyayari na. Wala akong ibang inisip kanina kundi ang mga bagay na dapat kong makita ang sarili ko na tahimik lang at kalmado lang na parang wala lang. Parang manhid lang. Malaking tulong talaga kung ivi-visualize ko kagad ang mabilis na biyahe. Nangyare nga talaga. Halos parang di ko ramdam ang biyahe. Makapangyarihan talaga ang aking isip.
Tawagin natin tong vision to fruition.
Ang lesson para senyo.
Hindi ako makakapunta sa lugar na pupuntahan ko kung wala akong ideya kung ano meron dun. Parang ganito yan, sige subukan kong sumakay ng bus na may nakalagay na baguio kahit na quezon lang naman ang pupuntahan ko. Makakapunta kaya ako ng Quezon? It Sounds preachy na. Pero sorry na. Ipinapaliwanag ko lang po.
Pag may hirap, may sarap.
Ang dami kong natutunan sa umagang ito.
Una, Hanapin ko yung pangarap na tinotorture ako na masaya pa rin ako. Ang dumi ko naman tignan pero gusto ko ang ginagawa ko. Walang pinag kaiba sa kalagayan ko kanina sa bus.
Pangalawa, sarili ko lang din ang niloko ko kapag sumuko ko. Ang buhay ay pagsubok. Kung di ako susubok. Hindi ako mabubuhay.
Pangatlo, lahat tayo dumadanas ng hirap, sakit sa damdamin, nasirang relasyon, namayapang minamahal, at disappointment. Kaya ako buhay ngayon dahil pinili kong hindi sumuko.
Huli, ang buhay magbabato ng iba’t ibang klase ng dumi. Ano ba ang pipiliin natin, ang magforward o manatiling amoy tae sa gilid.
Thank you guys.
Pahina ng sarili kong diskarte sa - law of attraction, - passion ko sa pagsusulat, - diskarte ko sa buhay at trabaho, - diskarte kong produktibo, - malikhaing kwento - at tips/motivation ko sa success na may halong nakakabastos na humor.
Friday, April 28, 2017
Monday, April 24, 2017
GOD LEVEL: DI AKO DIYOS PERO PARANG DIYOS AKO KUMILOS.
This morning. Medyo kakatapos lang ng malakas na ulan pero mainit naman ang temperatura, talagang bumuhos ang malakas na ulan. At kahit na di ako pinatulog ng butas sa bubong namen, pagkatapos naman ng ulan, saka ako natulog
At Ibang iba ang mundo ko kasya noon. Dahil nga, sawang sawa na ako magreklamo ng magreklamo tungkol sa bullshit na activities ko sa mga nagdaang araw. It’s time to do the things that I want to do for the rest of my life. haha Ubos na kasi ang oras ko sa ibang bagay. Ang daming problema sa paligid (kung iisipin, politika, pagmamahal, pamilya, kaibigan), pero isa lang ang gusto kong solusyunan. Ang problema ko sa pagsusulat.
Ngayon 6:05am, medyo may konting pain sa katawan ko dahil napalakas ang pag gi-gym ko kagabi, at kasalukuyang may muta muta pa ako sa aking mga mata ngayon, wala akong ibang iniisip kundi magsulat. Ito ang tanging isang bagay na gusto kong gawin sa buong buhay ko.
Madumi ang buong kwarto. Wala naming bago dun. At para sa iba, wala ring bago para dun.
Kapag ganitong oras.
Automatic na kukunin ko ang journal ko tapos hahanapin ko ang pinakamagandang lapis na pansulat (matulis na matulis) sa aking table, hinahanap ko siya ngayon, di ko makita, dahil nga siguro pagtapos kong gamitin kagabi ay naibato ko ata kung saan saan. Naibato ko sa sobrang lupit ng naimbento ko. Haha
Basta kung ano ang mga maisip ko sa utak ko, iyon ang isusulat ko at this time. Walang ibang bagay na mahalaga sa saken kundi ang magsulat. Gusto ko magkwento. Magkwento ng magkwento. Magsulat ng magsulat ng may katuturan. Basta gusto ko, dapat 10 pages a day. I keep to this routine every single day without variation. Ang target ko, paulit ulit na ganito lang palagi because this repetition itself becomes the most important things to me. Motivation ko palagi kapag titingin ako sa flash card na ginawa ko, masaya ako kapag nadadagdagan ng days ang mga natapos ko. Alam niyo bay un? Yun yung numero na kagaya ng flash card kapag nagre-recite tayo sa klase ng multiplication. Ganun ang ichura niya. Malaki ang tulong niyan saken. Tignan mo nga naman oh, nasa 35days na akong nagsusulat araw araw ng mga magagandang istorya. Not bad. Sinabi kong magagandang istorya kasi proud ako palagi. Hayaan niyo nalang po ako. Gawa ko yan eh. Pero saglit lang muna, uupo lang muna ako at mag iisip ng makabuluhang bagay. Ang mahalaga, mag-iisip ako ng magandang istorya. Wala akong pake kung magkamali.
Buti nalang hindi na ko katulad ng dati ng nahihirapan na magsulat sa maliit na bagay. Kahit na ang ganda ng title ng naisip ko. Kung di ko naman alam kung paano simulan. Wala din.
So, tapos ko ng gawin lahat ng dapat kong gawin sa bahay na to. Pinatay ko na ang lahat ng ilaw. Tinanggal ang saksakan ng kurdon. Sinarado ang bintana baka pumasok ang ulan. Chechekin ko muna kung may naiwan akong gamit sa lamesa. At lalarga na ako.
Nararapat ng umalis na ako. Wala ng dapat ikabahala pa. Dapat na akong pumasok sa trabaho. Baka tuluyan na akong mawalan ng trabaho kapag araw araw nalang akong late. haha
Sa opisina. Di madali sakin ang magsulat sa loob ng opisina. Magkaiba kasi ang linya ng trabaho ko ngayon sa pagsusulat. (Ang layo diba). Kaya kapag nakita nila (ng mga kaworkmate ko) na iba ang nakaopen na software sa computer, imbes na Autocad ay Microsoft Word. Gets na nila yun. Alam nilang nagsusulat ako nun. Yung iba alam na nilang hilig ko ang pagsusulat. Ang iba curious basahin ang ginagawa ko, kala nila gumagawa ako ng nobela dahil ang daming letra na tinatype ako sa screen. Ang biro nila isa akong makata. Hindi po. hahaha Sa tuwing may magtatangkang makibasa sa gawa ko, iko-close ko nalang ang screen at hahawak nalang ako sa cellphone ko para dedma nalang. Kapag ganun naman kasi, tinapos ko na naman yung mga workload ko sa trabaho kaya pwede na akong magsulat. Oras ko na to. Hahaha Ay oras pala ng kumpanya to na ninanakaw ko. haha Kaya wag nila akong pakialamanan. Kung pwede lang. haha
Tutal ibang trabaho ang ginagawa ko, iniisip ko pa din ang concept na gusto kong gawin sa writing kahit na mahirap. Kaya sa tuwing nagdo-drawing ako ng plano ng Mechanical at Electrical design, nagsusulat pa din ako ng kaunti tapos itatabi ko yung sulat ko sa ilalim ng desk ko kapag may nakita akong paparating na kaaway este tao, basta kapag may sumagi sa isipan kong napakalupit na ideya, haha kahit anong klaseng papel, sinusulatan ko. Kahit pa papel yan ng grocery ay susulatan ko kagad. (Ganun kahalaga sa akin ang magsulat). Ayoko masyado gumamit ng notepad ng cellphone, parang walang bisa eh. Walang espiritu. Pwede din naman cellphone kaso baka unahin ko munang iopen ang facebook bago ang gusto kong isulat. Distration siya para sa akin. Iba pa din ang kapangyarihan ng handwriting. Whatever the circumstances, iniisip ko pa din ang magandang character at plot na gusto kong ubusan ng oras at panahon para sa kwentong gusto ko gawing makatotohanan. Brainswitching ito.
Ganun pa man. Hindi pwedeng mahina ako sa ganitong larangan, dapat malakas ang buo kong katawan at resistensya.
Mahalaga sa akin ang physical at mentally strength. Kung wala yan, di ko mabubuo lahat ng ito. Commited ako masyado sa art ko. Actually, binuhos ko ng husto ang dedikasyon ko sa art. Ang mantra ko, kailangan may something na kakaiba at pinapahiwatig ang topic ko. Di ko pinapalagpas ang creativity na umiilaw sa bunbunan ko sa tuwing may demonyong sumasagi na may binubulong na kababalaghan sa akin.
Sana lang talaga matupad ang gusto kong maging full time writer, at kung sakaling matupad iyon at alam kong matutupad iyon, kahit alas kwarto palang ng madaling araw magsusulat na ako hanggang sa abutin ako ng pinakahuling news portion sa tv.
Kaya ngayon, basta gusto ko ang ginagawa ko, wala na akong pake kahit ma-late ako sa trabaho sa umaga. Hahaha biro lang, binabalanse ko naman.
Alam kong isang araw, makakapunta ako sa gusto ko. At maglalaho ako dito.
Iinom muna ako ng maraming tubig. Bawal madehydrate. Bawal akong ma-constipate.
Maraming inutos ang mga amo ko.
Mukhang gutom na rin si amo dahil naglabas na ng pagkaen.
Ang iba nagrerefill na ng bootle nila para sa paparating na kainan.
Ako naman.
Bago ko naman iwan tong trabahong to, at lisanin tong table ko sa opisina kasi lalabas kame para kumaen, wala akong baon e, sisilipin ko muna ang sinulat ko. Babasahin ko muna saglit iyon. Mag iisip ng mga idadagdag na nakakatuwa at nakakatawang bagay sa sarili kong humor na angkop sa ginagawa ko.
Nakakapagsulat ako kahit di ako inspired. Nakakatuwa ang senaryo na when I can’t create, I can work. Napakahusay na biyaya.
Tumatambol na ang tiyan ko. Nagsisigawan na ang mga bulate. Lalabas na kame.
Oras na ng lunch break. Itatabi ko muna ang papel at ginawa kong sulat baka may ibang chismosong makabasa nito. Mahirap na baka mainlove sila sa akin eh at pagnasahan ako. haha
Isinasapuso ko palagi ang gawa ko. Pinipilit ko parin makalikha ng galing sa aking puso lahat ng istoryang magawa ko. Kapag walang dating o walang impact sa akin ang inilapat kong letra, buburahin ko kagad iyon. Di ko sila kailangan sa buhay ko.
Papunta na kame sa aming kakainan, kasi tanghalian na.
Sa aming biyahe palabas ng opisina, bihira nalang akong makipagkwentuhan sa mga kasama ko. Simula nung natuto akong pakinggan ang sarili ko. latelay lang. Madaldal naman talaga ako eh, nagbago lang. Tumahimik na ako sa kadahilanang ako’y magtatanong ng may saysay sa aking sinulat ngunit sa aking sarili lamang iyon, magtataka ako kung dapat bang basahin ang katha ko, at magtatanong muli ako sa sarili ko kung sino ba ang pagsusulatan ko sa pag iisip na paraan, mga tanong na “naipaparating ko ba ang mensaheng dapat kong ibigay sa kanila(sa aking mambabasa)”?
Medyo malayo layo pa ang biyahe sa aming kakainan. Araw araw ganito.
Tama lang na…
Oobserbahan ko muna ang mga nasa paligid ko kung may kaparehas ba lahat ito ng sinusulat ko ngayon sa mga nangyayari sa kapaligiran at nadadaanan kong mga tao. Nakatatak pa din sa isipin ko ang objective ko na makacreate ng magandang istorya. Kahit panget pa para sa iba ang gawa ko. Para sa akin maganda iyon. Walang baby na lumabas sa sinapupunan na malinis na kagad. Kung meron man, ako yun.
Pero syempre walang ganun.
I work on one thing at a time hanggang sa matapos ako. Yan ang goal ko.
At eto na.
Tapos na ang office hours.
Uuwi na ako, wala munang editing na todong magaganap. Mamayang gabi na ako mag eedit at ipo-proofread ang gawa ko. Gusto ko kasi tuloy tuloy lang ang flow ng istorya at tuloy tuloy lang ang mga daliri ko sa pagpindot sa keyboard kaya hinayaan ko nalang muna kanina.
Kapag nasa bus na ako. Mamimili ako sa trip kong choices kung magsusulat ba muna ako o ipapahinga ang aking mga kamay dahil sa maghapon pag-do-drawing nang sa gayun ay magkapagheadset na ako. Swerte naman dahil gusto ko magsulat. Ninais ko talaga. Magco-concentrate ako. Didibdibin ko tong istoryang ginagawa ko. Isasapuso ko to at isasabuhay. Focus lang. Tiwala lang. I visualize everything.
Kung may katabi ako sa bus at mukhang wala naman siyang pakiaalam sa akin, magsusulat nalang ako.
Wag na wag kong aalisin ang motibo kong magandang istorya. Nakahanda na muli ang papel at lapis. Lapis palagi ang pinipili ko para mas creative. Dahil nga nasa isang oras pa ang biyahe. Maya maya lang panigurado aantukin na ako. Kahit kaunti lang, may isusulat ako.
Tinatabi ko naman ang papel at lapis ko, pinapasok ko sa bag bago ako tuluyan lamunin ng antok at pagod. Baka may makakita pa sa gawa ko na naman. Mabasa nila ang sinulat ko. At mainlove din sila akin. Mahirap na.
Wala akong ibang gagawin kapag umuwi ng bahay kundi ang magpahinga saglit at kumaen. Upang maubos ko ang kinakaen ko. Wala muna akong iisiping iba. Lapang at lamon muna. At kapag tapos at busog na ko, balik ulit sa pagsusulat. Pipilitin kong muling buuin ang nagawang magandang kwentong sinimulan ko kanina. (Di ako magsasawang sabihin na maganda ang gawa ko, kanina ko pa binabanggit yan hahaha).
Saka ako mag iiisip ng ibang sources at information tungkol sa topic ko. Hindi para manggaya sa write ng iba kundi isipin kung ano ba ang related na topic sa ginagawa ko. Baka kasi may kaparehas na ako. Masasayang lang ang pinagpaguran ko. Gusto ko, ako ang original palagi.
Kapag wala na akong maisip, meditation muna o nilay nilay para sa focus sa pagsusulat. Sapat na ang 20 mins para sa tahimik na oras ng paghinga o breathing. At upang maging kalmado ang aking buong katawan.
Kapag medyo ginaganahan pa.
Magbubuhat ng dumbbell, ilang reps lang pwede na. Tapos balik muli sa pagsusulat. Kapag hindi mabuo ang ginawa. Wala saken ang writers block. Mukang matalino pakinggan kapag may block na words eh. Basta bahala na kung walang maisulat. Ako pa naman ang paniniwala ko, kapag hindi ako natawa sa ginawa ko. Malamang ang magbabasa din ng sulat ko, hindi din matatawa o matutuwa.
Mukhang uulan na naman dahil kulay orange ang kalangitan.
Magbabasa lang ako saglit. I will enjoy it. I really like reading. It makes me strong. Parang wala ng bukas kapag ako kumilos. Gusto ko mabilis. Ganito ang gusto ko. Bukas dapat ganito ulit ako o mas higitan ko pa.
Papatayin ko muna ang cellphone ko at iba pang social media. Isang way ito para makapagconcentrate ako. Editing time na. Babasahin ko ng husto. Ichecheck ko kung may errors. Babasahin ko ng malakas. Binabasa ko din ang sulat ko ng pabaliktad. Opo.
Gaya ng nasimulan ko kanina.
Effective talaga kapag ina-outline ko ang istorya ko. Ang galing. Sa ganitong formula ng pagsulat, mas madali kong naiintindihan ang una, gitna at ending na gusto kong istorya. Natatapos talaga ang sinimulan ko.
Saka ko naman bubuksan ang mga bagong salitang nabasa ko nung kelan lang. Mga naimbak na words sa aking journal.
Mga nakalap kong bagong salitang na di ko pa alam ang meaning, ngayon ko palang nalaman. Maisasalpak ko na rin ang bagong words na natutunan ko. Baka kasi maboring ang magbabasa kapag pare-parehas lang ang words na ginagamit ko eh. Pinag iisipan ko ng todo ang magandang sulat ko na to. Ang saken, practice lang ako ng practice. Alam kong balang araw, milyong tao ang makakabasa ng sulat ko.
At bago ako matulog. Okay na. Malinis na ang kama ko. Fresh na fresh pa ang bibig ko. Malinis na rin ang buong katawan, amoy papaya na ako upang labanan na rin ang sobrang init na panahon.
Kung may maisip pa na mas maganda. Edi isusulat ko pa. Noon nga nakasitz bath pa ako habang nagsusulat eh.
At gising pa ako. Ayaw pa akong dalawin ng antok. Sayang naman. Kaya dapat kong sulitin na parang wala ng bukas. Hay salamat. I always embrace this routine and do the hard work.
Inantok na.
Matutulog na talaga ako. Kapag wala na talagang maisip at pagod na talaga, basta ireview ko nalang sa isip ko ang sinulat ko Gusto ko araw araw ganito. Sa ganitong paraan, gusto ko mamatay.
At ang istoryang ginagawa ko, malalaman niyo din balang araw.
Wednesday, April 19, 2017
LAST LAUGH MO NA YAN!
Paglabas na paglabas ko kanina ng street namen. Villa Barbara Street. May nakasalubong akong ubod ng gandang kotse. Ang tagal kong tinitigan yung kotse, napa-shet ako bigla sa nakita ko, kasi yun yung gusto kong tsikot, kulay grey siya tapos aabot ata sa walo ang pwedeng sumakay dun kasama na yung driver. Basta malaki. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkainggit at pagkalungkot. Umasa ako na sana makabili na ako sa lalong madaling panahon ng sariling baby. haha
Ayun, naglakad nalang ako ng bahagya tapos parang sinusundan pa rin ako ng kotseng yun. haha Dinedma ko lang. Habang naglalakad ako, bali nasa side ako ng kalye at napapansin kong sinasabayan ako ng kotse na yun, edi wala na akong nagawa kundi iporma ko na yung matulis ko slash payong-na-mukang-sandata . Mahirap na kung maunahan ako. Kung barilin naman niya ako, tigok na talaga ako dun. haha Pero kapag ako naman ang gumanti, sasaksakin ko yung kotse niya. hahaha
Kasi naman, wala naman traffic or wala namang nasa unahan niya(nung kotseng sumasabay saken), kaya naisip ko ngumiti nalang baka kilala ako nun nasa loob. Sobrang tagal niya tumambay sa gilid ko. As in. Habang tumatagal, di naman bumababa yung bintahan ng kotse. Ayaw niyang magpakita sa akin. Medyo kinabahan na ko. Gusto ko na siyang bigyang ng dirty finger. De joke, kunyari inayos ko nalang yung sintas ng sapatos ko. Kung sakali mang barilin niya ako sa ulo, atlis nakaready na ako sa pagbagsak. haha Masakit kaya yung babagsak ka pa sa lupa. May impact din yun ah. At buti nalang umandar na yung kotse na yun. Pero sa totoo lang, bukod sa takot, nakaramdam talaga ako ng ibang level ng pagkainggit.
Gaya nun. I don’t know why. Bakit ganun. Kahit turuan ko ang sarili kong huwag mag-compare sa iba. (Mga ibang taong kakilala ko.) na di ko mapigilan gawin yun. Palagi akong nati-triggered magselos. Taena. Palagi nalang. (Kapag may nakikita akong di kagwapuhan, ang taas pa rin ng tingin ko sa sarili ko, Charot hahaha).
Hinde, hilig kong ikumpara ang sarili ko sa ibang tao. I know, everyone has their own gauge for success. Pero di ko ma-motivate ang sarili ko to do a right thing in small situation. Alam ko naman ang dapat kong gawin sa sarili ko eh. Nahihirapan lang ako.
Love myself more ganun, etcera etcetera. Minsan nalilito lang talaga ako. Ayoko yung ganitong feeling na tinitignan ko palagi kung ano ang wala ako na meron sa iba. Nagmumukha tuloy akong kawawa. hahaha Oo maganda yung kotse na sumasabay sa kin pero di ko mapigilang isipin na bakit ngayon naglalakad pa rin ako sa kalsada. Deserved ko ba to? hahaha At huminto nalang ako sa aking paglalakad, tas siguro nakahalata na yung driver ng kotse na banas na ako at saka umandar na siya papalayo. Unang hinala ko, kundi bakla yun or kilala ako nun. Kadalasan naman ganun eh. Baka nga bakla lang yun. Pero wala eh. Wala namang lumabas sa bintana ng kotse eh. Maraming sumisilip sa alindog ko pero di niya ako tinanaw. Ewan ko lang.
Habang sa naglalakad ako. Iniisip ko kung ano na ba ako as of now.
That time. Huli na ng namamalay kong kinukumpara ko na pala ang sarili ko sa ibang tao kapag nalaman kong walang-wala na ako, saed na saed na, mga oras na nilalait ko na sarili ko at binubully ko na ang sarili ko na parang ako ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng Carmona, Cavite. haha
Mga tipong
“Tang ina, parang wala akong ginawa sa buong buhay ko kung ikukumpara lang kay Y”.
Si Y, siya ay yung… basta walang kwentang tao yun. ahahaha Ganun, tapos saka ko nalang sasabihin na
“Ay, marami din palang akong ginawa magaganda or natapos na achievements, magkaiba lang pala kame ng hulma ng sapatos at nilalakarang daan. Ba’t ba ako nagkukumpara. Shet”.
Syempre mare-realize ko din na bakit ko kinukumpara ang sarili ko sa walang kwenta. Ako na nga nagsabi na walang kwenta yung taong yun. Adik den eh. Balik tayo sa paglalakad ko. Nasa buendia na ako, at wala akong makitang bus papuntang Binan. Upang hindi ako ma-late sa paghihintay ng bus mayroon akong ‘Plan B ’ na sumakay ng jeep ng dominga at bababa ako sa evangelista. Nakakatawa lang na kung saan ang ruta ng sinasakyan ko ng jeep, dun din dumadaan at sumusunod yung kotseng kanina pa ako pinagti-tripan. Tangina, iba na to. Mukhang may kikidnap sa akin ah. Tinitignan ko ulit yung kotse na sumusunod sa side mirror. Ang bagal lang ng takbo niya. Pero inisip ko din, wala naman akong ganung kalaking pera o ang pamilya ko para kidnapin ako, kaya baka OA lang ako siguro. Baka dun din ang daan ng kotse na yun. Malay natin diba. Sa pagtingin ko side mirror ng jeep, alam kong safe na ako kasi maraming nakasakay at kung may mangyari man sa akin, okay lang marami namang makakakita eh, tas patuloy ko pa rin nakikita yung kotse. Sobrang ganda. Inlove na inlove ako sa kotse na yun. Kahit maliwanag at tirik ang araw, ang ganda ng ilaw ng car sa harap. Tas di ko makita yung driver na nasa loob. Tinted. Astig.
At about dun sa problema ko. Buti nalang bandang huli, napagtatanto ko ang worth ko kumpara sa kung kanino mang tao. Ako ang pinakamagandang nilikha. Alam ko yan. Pina-henna ko na yan sa utak ko. Minsan may sumasagi lang talaga sa isip ko na kailangan kong matutunang burahin at tadyakan papalayo upang tuluyang maglaho at makalimutan.
Gaya lang siguro to ng asong nadaanan ko sa aking paglalakad kahapon na walang sawang kahol ng kahol at spit ng spit ng bars niya. Kaya naisip ko, gaya din yan ng buhay ko, dapat ko lang gawin ay wag pansinin ang lecheng aso na yun at magtuloy ako sa paglalakad. Marami pang asong kakahol sa akin. Fa-fuckyouhan ko na yan sa susunod.
Pagbababa ko ng jeep, naglakad na ko papuntang Osmena Higway para salubungin yung bus. Sa paglalakad ko, nakita ko na naman yung asong kahol ng kahol sa akin. Nilagpasan ko na yung aso ng mga ilang metro, so pagod na siya siguro, pero nakita ko naman na may dalawang tao na tinatahulan din ng aso, parang estudyante yung mga bata, so ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang magaganda tao, tinatahulan niya. Wow, ganun siya kasipag ah. Araw araw siyang ganun. Halos lahat sinisita. At sa wakas di ko na naaaninag yung kotse na sumusunod sa akin..Payapa na ako. Hahaha Isa pang sunod nun, babatuhin ko ng bato yung kotse nun. Lukaret siya.
Bumalik na naman ang alaala ng pagkainggit ko sa kotse. Kaya nag-isip nalang ako ng bagay na magpapasaya upang mabago ang takbo ng isip ko.
At tungkol sa problema ko. Sabi nga nila. Don’t think hierarchy, think journey ikanga.
Kapag ipinagpatuloy ko pa to, itong pagfocus on everyone else’s journey, malamang matitigil na ang quality attention ko to myself. Uulit ulit lang ako sa ganito.
*Hingang malalim*
Ayoko na.
Dapat. Ahmmm.
Matututo na akong kumalma, ienjoy lang ang biyahe ko at hanapin ang gustong gusto ko.(Kalma, puta kalma.)
Noon, wala akong tiwala sa sarili ko. Binuhos ko lahat ng tiwala ko sa Diyos. Walang natira sa akin. Kaya nasanay akong pinapaubaya ko nalang palagi sa hangin lahat ng pangarap at goals ko. May mga natutupad na hiling at mayroon namang hindi, kaya samakatuwid, mahirap palang sumugal sa buhay na natututo tayong magtiwala at sumandal sa bagay na invisible.
Kaya kapag di ko alam ang papasukin kong bagay, nagdadalawang isip ako noon. Isang lesson na dapat kong matutunang itatak sa isipan ko. Don’t fear the unknown.
(At wait, wait, isingit ko na rin, kakalimutan ko na ang kotseng iyon. Ninakaw niya ang puso ko eh. huhuhu)
Kaya ngayon, natuto na ako, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko lang kung magkamali man ako. (Magturuan na kameng dalawa, oops tama ba, dalawa kame?) hahahaha.
Marami akong pangarap na gustong matupad. Okay lang madapa muli, kasi yun ang naging desisyon ko eh. Kung maligaw man ako ng landas. Di ako natatakot. Tibay at tatag.
Speaking of pagkatatag. Gusto ko pala yung pinost ng Goalcast sa facebook. Di ko makakalimutan ang sinabi ni BJ MIller sa Ted talk, isa siyang hospice and palliative care specialist who treats hospitalized patients with terminal or life-altering illness at UCSF Medical Center. Ang sabi niya:
We all need a reason to wake up.
For me, it just took 10,00 volts.
A few of my friends and I were horsing around,
we decided to climb atop a parked commuter train.
It was just sitting there with the wires that run overhead.
Somehow that seemed like a great idea at the time.
We'd certainly done stupider things.
I started up the ladder on the back and when I stood up,
the electrical current entered my arm, blew down and out my feet.
And that was that. That night began, my formal relationship with death,
My death. For most people the scariest thing about death, isn’t being dead.
It’s dying, suffering. It’s a key distinction.
So much of the suffering is unnecessary invented, serves no good purpose,
but the good news is since the brand of suffering is made up.
Well, we can change it. How we die is indeed something we can affect.
So, since dying is necessary part of life,
what might we create with this fact,
Parts of me died early on and that’s something we can all say,
One way or another. I got to redesign my life around this fact
And I tell you it has been a liberation
to realize you can always find a shock of beauty
or meaning in what life you have left.
Like that snowball lasting for a perfect moment,
all the while melting away. If we love such moments ferociously,
then maybe we can learn to live well not is spite of death but because of it.
Let death be what takes us, not lack of imagination.
Tama naman diba! the scariest thing about death, isn’t being dead. It’s dying, or suffering.
Kaya, ayoko ng ganitong buhay. Ayoko ng ganitong pamumuhay. Nakakainis. Pero di ako susuko. Dapat ko tong baguhin.
Reinvent myself.
Alam ko na takot na takot akong mamatay. Literal. Alam ko ang tama pero hindi ko sinisimulan. Ayokong ito ang ikakamatay ko, ang paghahanap ng kung ano ano o malalim na kahalugan sa buhay ko. Sagwa nun. Ito na mismo ang hinahanap kong meaning. I will laugh in times of darkness in my journey. Gaano man kadilim ang buhay ko, gumagaan pa rin dahil mayroon akong na-imbak na sense of humor, actually kagabi ko lang naitabi. Ang gusto ko, matitigok ako sa gusto ko. Sa mga oras na to, hindi biro tong ginagawa ko dahil di na ako natatawa sa kalagayan ko. Nakakapikon, pero dapat akong tumawa. Nakakaasar pero dapat tawanan ko lang. Irony ba tawag dun? haha
Habang tumatakbo ang bus, sumagi na naman sa isip ko ang kotse. Upang mabura ko na sa imagination ko ang dream na dream kong kotse, sinulat ko nalang sa notebook ko ang target na amount na gusto kong kitain upang sa gayon, alam ko kung magkano ang dapat kong pagtrabahuhan para makabili ako ng sarili kong kotse, nakakatawa dahil yung number sa plate number ng kotseng nakita ko kanina, parehas sa amount na dapat kong ma-achieve. May coincidence. Secret lang muna ang amount. haha Syempre dadagdagan ko nalang ng tatlong zero yun sa dulo. Wala naman plate number na maraming digits eh. hahaha Ano to phone number?)
Tas dun naman sa mismong problema ko. Dapat siguro bitawan ko na ang mga bagay na nagpapahina sa akin. Ayoko na talaga.
Magsisimula ako muli. Bagong version ng buhay ko.
Bagong Ben na ngayon. Mas in-improve na “Ako” na ang gumaganap ngayon. I will seize this moment. I will choose now.
Nandito ako sa empiyerno ngayon, ine-expect ko na ang next nito ay langit na. Lugar na kung saan masaya ako sa gagawin kong trabaho. Dun na ako papunta. Hindi kamatayan heaven.
Di ko pala nabanggit. Nitong dumaang holyweek. Wala akong ginawang kakaiba. Puro parehas ulit. Dahil sa sobrang init ng panahon, naging antukin ako sa loob ng bahay. Ang init na tumutunaw ng itlog ko na parang gusto na nilang magdivorce. Pero wala akong magawa, kapag nauuhaw, bababa pa ako sa ground floor para uminom ng malamig na tubig dahil wala naman akong sariling ref sa kwarto ko. Sobrang init. Nakakatuyo ng lalamunan. Imagine na nasa third floor ako at yero lang ang bubong namen, para akong piniprito sa init. Ganun kainit. Ganun din kainit ang pag iisip ko sa nagpapatakbo ako ng sarili kong kotse. Ang saya palang imagining habang nagda-drive ako, na yung asawa ko at at baby ko ay nasa likod ko at nagkukulitan, tinitignan ko sila sa mirror, nakakatuwa silang dalawa tignan, ano ba yan, di na ako nakawala sa kotse thoughts.
Balik tayo sa holyweek. Magbasa man ako ng libro, ang matatapos ko lang siguro ay nasa 50pages lang tapos aantukin na ako kagad. Pag na tulog naman ako, kala mo ginulpi ako sa sobrang lagatak ng pawis ko paggising. In short, walang reflection na nangyari sa holyweek ko. Nagsacrifice ako ng walang kwentang oras. hahaha Di ko alam kung bat di ko sinanay ang sarili ko humilata palagi. Kaya ako naiinis ng walang ginagawa.
Minsan na nga lang to (tong holyweek), di ko pa nagawa ng tama. hahaha
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Matibay naman ang pananampalataya ko sa sarili ko kahit wala akong nagawang makabuluhan nung holyweek. hahaha
Tutal tapos na yan, move on. Harapin ang ngayon.
Baguhin ang sarili. hahaha
Siguro dapat kong gawin. Ganito. Ahhmm.
Mauubos ang oras ko kung di ko ie-execute ang mga naging plano ko. Para saken, bumabaha ang ulo ko ng kaalaman ngayon. (Ginusto ko yan eh haha). Alam ko sa sarili ko yan. Bilib na bilib ako sa sarili ko.
Tingnan niyo, sarili ko lang talaga ang pinapayuhan ko eh.
Kapag hawak ko ang lapis at papel at wala akong maisip masulat? Okay lang, atlis iniisip ko parin kung ano ang isusulat ko. hahaha
Hahayaan ko nalang bang palaging ganito ako. Syempre hinde. May paraan pa. Kahit ayokong ganito ako, at ganitong trabaho pero gusto ng puso ko magsulat. Itutuloy ko to. Ilalaban ko to. Maliit palang akong bata, ito na ang gusto ko, ang maging mahusay na writer. Maisasakatuparan lahat. Naniniwala ako.
Change everything.
Mali na to. Maghapon hahawakan ko ang cellphone ko para sa facebook. At para sa social life. Pucha, ayoko na ng ganito. Buong linggo na naman akong ganito. Nakakasawa na, baguhin na, parang gago na talaga tong buhay ko. Pero okay lang, mas nacha-challenge ako ngayon. Ang dami kong gustong gawin, at ang daming naiisip. Di ko pa natatapos ang simulang plano.
(What!!!! Pota. nakita ko na naman yung kotse na kanina ko pa binabanggit. Shet, babae pala yung driver. At infairness, ambilis niya palang magpatakbo. Halos kasabay lang naming siya ng bus.)
Di ako magpapatalo sa sarili ko. Taena. haha
At syempre sa kabila ng lahat, may dahilan upang tawanan ang problema sa gitna ng darkness.
Dapat akong tumawa kasi ang pagtawa ang gagamot sa kalungkutan ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Sabayan niyo ako. Please.
Sa tuwing tumatawa ako, gumagaan ang lumbay at lumiliwanag ang paligid ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Dapat akong maging masaya kasi malapit na ako sa pupuntahan ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Mura lang naman ang tumawa. Bat di ko gawin. Kaya, HAHAHAHAHA!
Paraan upang makalimot, pipiliin kong tumawa pa. Kaya, HAHAHAHAHA!
Lahat naman may mahirap na nilalakaran. Ako, iba nga lang yung saken, natatawa pa rin ako. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kahit saan lupalop ng mundo, may nakakatawang bagay. Kaya, HAHAHAHAHA!
Sakit ba sa pangan ang pagtawa. Okay alng yan. hahaha
Pati nga ang Diyos masaya ngayon, sa dami ng ginagawa niya sa bawat araw eh. Kaya, HAHAHAHAHA!
Parang baliw. pero HAHAHAHA.
Matagal ang buhay ng taong laging tumatawa. Alams niyo yan. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung naiinis ka sa kakatawa ko, baka mauna ka sa hukay. Kaya tumawa ka. HAHAHAHAHA
Wala pa akong nakitang namatay dahil sa kakatawa, pero alam kong maraming namatay dahil di tumatawa. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung di ko kayang tawanan lahat ng nangyayari ngayon, malamang pagtanda ko, mas lalong di ko na kaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Buhay ako at wala akong sakit. Walang dahilan para hindi magsaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Parang baliw ba? Tang ina mo ah. HAHAHAHHAHA
Sayang ang buhay kung di ako magpapakasaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Nakikita ko ang pangarap ko in the future, nakakapag isip ako ng maayos, nakakakilos ng maayos. Maraming dahilan upang magsaya. Kaya, HAHAHAHAHA
Tumawa tayo na parang ito na yung huli. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung ayaw mong makijoin, edi wag. HAHAHAAHAHA
Ang daming dahilan para magsaya. Kulang pa yan. HAHAHAHAHHAHAHA
Yung kasabay kong kotse. Na kanina ko pa binabanggit. Di pala siya babae. Mukhang babae lang. Potek. Tang ina, Bakla pala siya. Anubayan.
Subscribe to:
Posts (Atom)