Wednesday, April 19, 2017

LAST LAUGH MO NA YAN!


Paglabas na paglabas ko kanina ng street namen. Villa Barbara Street. May nakasalubong akong ubod ng gandang kotse. Ang tagal kong tinitigan yung kotse, napa-shet ako bigla sa nakita ko, kasi yun yung gusto kong tsikot, kulay grey siya tapos aabot ata sa walo ang pwedeng sumakay dun kasama na yung driver. Basta malaki. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkainggit at pagkalungkot. Umasa ako na sana makabili na ako sa lalong madaling panahon ng sariling baby. haha 

Ayun, naglakad nalang ako ng bahagya tapos parang sinusundan pa rin ako ng kotseng yun. haha Dinedma ko lang. Habang naglalakad ako, bali nasa side ako ng kalye at napapansin kong sinasabayan ako ng kotse na yun, edi wala na akong nagawa kundi iporma ko na yung matulis ko slash payong-na-mukang-sandata . Mahirap na kung maunahan ako. Kung barilin naman niya ako, tigok na talaga ako dun. haha Pero kapag ako naman ang gumanti, sasaksakin ko yung kotse niya. hahaha

Kasi naman, wala naman traffic or wala namang nasa unahan niya(nung kotseng sumasabay saken), kaya naisip ko ngumiti nalang baka kilala ako nun nasa loob. Sobrang tagal niya tumambay sa gilid ko. As in. Habang tumatagal, di naman bumababa yung bintahan ng kotse. Ayaw niyang magpakita sa akin. Medyo kinabahan na ko. Gusto ko na siyang bigyang ng dirty finger. De joke, kunyari inayos ko nalang yung sintas ng sapatos ko. Kung sakali mang barilin niya ako sa ulo, atlis nakaready na ako sa pagbagsak. haha Masakit kaya yung babagsak ka pa sa lupa. May impact din yun ah. At buti nalang umandar na yung kotse na yun. Pero sa totoo lang, bukod sa takot, nakaramdam talaga ako ng ibang level ng pagkainggit. 

Gaya nun. I don’t know why. Bakit ganun. Kahit turuan ko ang sarili kong huwag mag-compare sa iba. (Mga ibang taong kakilala ko.) na di ko mapigilan gawin yun. Palagi akong nati-triggered magselos. Taena. Palagi nalang. (Kapag may nakikita akong di kagwapuhan, ang taas pa rin ng tingin ko sa sarili ko, Charot hahaha). 

Hinde, hilig kong ikumpara ang sarili ko sa ibang tao. I know, everyone has their own gauge for success. Pero di ko ma-motivate ang sarili ko to do a right thing in small situation. Alam ko naman ang dapat kong gawin sa sarili ko eh. Nahihirapan lang ako. 

Love myself more ganun, etcera etcetera. Minsan nalilito lang talaga ako.  Ayoko yung ganitong feeling na tinitignan ko palagi kung ano ang wala ako na meron sa iba. Nagmumukha tuloy akong kawawa. hahaha Oo maganda yung kotse na sumasabay sa kin pero di ko mapigilang isipin na bakit ngayon naglalakad pa rin ako sa kalsada. Deserved ko ba to? hahaha  At huminto nalang ako sa aking paglalakad, tas siguro nakahalata na yung driver ng kotse na banas na ako at saka umandar na siya papalayo. Unang hinala ko, kundi bakla yun or kilala ako nun. Kadalasan naman ganun eh. Baka nga bakla lang yun. Pero wala eh. Wala namang lumabas sa bintana ng kotse eh. Maraming sumisilip sa alindog ko pero di niya ako tinanaw. Ewan ko lang. 

Habang sa naglalakad ako. Iniisip ko kung ano na ba ako as of now. 

That time. Huli na ng namamalay kong kinukumpara ko na pala ang sarili ko sa ibang tao kapag nalaman kong walang-wala na ako, saed na saed na, mga oras na nilalait ko na sarili ko at binubully ko na ang sarili ko na parang ako ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng Carmona, Cavite. haha
Mga tipong 
“Tang ina, parang wala akong ginawa sa buong buhay ko kung ikukumpara lang kay Y”.
Si Y, siya ay yung… basta walang kwentang tao yun. ahahaha Ganun, tapos saka ko nalang sasabihin na 
“Ay,  marami din palang akong ginawa magaganda or natapos na achievements, magkaiba lang pala kame ng hulma ng sapatos at nilalakarang daan. Ba’t ba ako nagkukumpara. Shet”.

Syempre mare-realize ko din na bakit ko kinukumpara ang sarili ko sa walang kwenta. Ako na nga nagsabi na walang kwenta yung taong yun. Adik den eh. Balik tayo sa paglalakad ko. Nasa buendia na ako, at wala akong makitang bus papuntang Binan. Upang hindi ako ma-late sa paghihintay ng bus mayroon akong ‘Plan B ’ na sumakay ng jeep ng dominga at bababa ako sa evangelista. Nakakatawa lang na kung saan ang ruta ng sinasakyan ko ng jeep, dun din dumadaan at sumusunod yung kotseng kanina pa ako pinagti-tripan. Tangina, iba na to. Mukhang may kikidnap sa akin ah. Tinitignan ko ulit yung kotse na sumusunod sa side mirror. Ang bagal lang ng takbo niya. Pero inisip ko din, wala naman akong ganung kalaking pera o ang pamilya ko para kidnapin ako, kaya baka OA lang ako siguro. Baka dun din ang daan ng kotse na yun. Malay natin diba. Sa pagtingin ko side mirror ng jeep, alam kong safe na ako kasi maraming nakasakay at kung may mangyari man sa akin, okay lang marami namang makakakita eh, tas patuloy ko pa rin nakikita yung kotse. Sobrang ganda. Inlove na inlove ako sa kotse na yun. Kahit maliwanag at tirik ang araw, ang ganda ng ilaw ng car sa harap. Tas di ko makita yung driver na nasa loob. Tinted. Astig.

At about dun sa problema ko. Buti nalang bandang huli, napagtatanto ko ang worth ko kumpara sa kung kanino mang tao. Ako ang pinakamagandang nilikha. Alam ko yan. Pina-henna ko na yan sa utak ko. Minsan may sumasagi lang talaga sa isip ko na kailangan kong matutunang burahin at tadyakan papalayo upang tuluyang maglaho at makalimutan.  

Gaya lang siguro to ng asong nadaanan ko sa aking paglalakad kahapon na walang sawang kahol ng kahol at spit ng spit ng bars niya. Kaya naisip ko, gaya din yan ng buhay ko, dapat ko lang gawin ay wag pansinin ang lecheng aso na yun at magtuloy ako sa paglalakad. Marami pang asong kakahol sa akin. Fa-fuckyouhan ko na yan sa susunod.

Pagbababa ko ng jeep, naglakad na ko papuntang Osmena Higway para salubungin yung bus. Sa paglalakad ko, nakita ko na naman yung asong kahol ng kahol sa akin. Nilagpasan ko na yung aso ng mga ilang metro, so pagod na siya siguro, pero nakita ko naman na may dalawang tao na tinatahulan din ng aso, parang estudyante yung mga bata, so ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang magaganda tao, tinatahulan niya. Wow, ganun siya kasipag ah. Araw araw siyang ganun. Halos lahat sinisita. At sa wakas di ko na naaaninag yung kotse na sumusunod sa akin..Payapa na ako. Hahaha Isa pang sunod nun, babatuhin ko ng bato yung kotse nun. Lukaret siya. 

Bumalik na naman ang alaala ng pagkainggit ko sa kotse. Kaya nag-isip nalang ako ng bagay na magpapasaya upang mabago ang takbo ng isip ko. 
At tungkol sa problema ko. Sabi nga nila. Don’t think hierarchy, think journey ikanga. 
Kapag ipinagpatuloy ko pa to, itong pagfocus on everyone else’s journey, malamang matitigil na ang quality attention ko to myself. Uulit ulit lang ako sa ganito. 
*Hingang malalim* 
Ayoko na. 
Dapat. Ahmmm.
Matututo na akong kumalma, ienjoy lang ang biyahe ko at hanapin ang gustong gusto ko.(Kalma, puta kalma.)
Noon, wala akong tiwala sa sarili ko. Binuhos ko lahat ng tiwala ko sa Diyos. Walang natira sa akin. Kaya nasanay akong pinapaubaya ko nalang palagi sa hangin lahat ng pangarap at goals ko. May mga natutupad na hiling at mayroon namang hindi, kaya samakatuwid, mahirap palang sumugal sa buhay na natututo tayong magtiwala at sumandal sa bagay na invisible. 

Kaya kapag di ko alam ang papasukin kong bagay, nagdadalawang isip ako noon. Isang lesson na dapat kong matutunang itatak sa isipan ko. Don’t fear the unknown. 

(At wait, wait, isingit ko na rin, kakalimutan ko na ang kotseng iyon. Ninakaw niya ang puso ko eh. huhuhu)
Kaya ngayon, natuto na ako, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko lang kung magkamali man ako. (Magturuan na kameng dalawa, oops tama ba, dalawa kame?) hahahaha. 

Marami akong pangarap na gustong matupad. Okay lang madapa muli, kasi yun ang naging desisyon ko eh. Kung maligaw man ako ng landas. Di ako natatakot. Tibay at tatag. 
Speaking of pagkatatag. Gusto ko pala yung pinost ng Goalcast sa facebook. Di ko makakalimutan ang sinabi ni BJ MIller sa Ted talk, isa siyang hospice and palliative care specialist who treats hospitalized patients with terminal or life-altering illness at UCSF Medical Center. Ang sabi niya:

We all need a reason to wake up.
For me, it just took 10,00 volts.
A few of my friends and I were horsing around,
we decided to climb atop a parked commuter train.
It was just sitting there with the wires that run overhead.
Somehow that seemed like a great idea at the time.
We'd certainly done stupider things.
I started up the ladder on the back and when I stood up,
the electrical current entered my arm, blew down and out my feet.
And that was that. That night began, my formal relationship with death,
My death. For most people the scariest thing about death, isn’t being dead.
It’s dying, suffering. It’s a key distinction.
So much of the suffering is unnecessary invented, serves no good purpose,
but the good news is since the brand of suffering is made up.
Well, we can change it. How we die is indeed something we can affect.
So, since dying is necessary part of life,
what might we create with this fact,
Parts of me died early on and that’s something we can all say,
One way or another. I got to redesign my life around this fact
And I tell you it has been a liberation
to realize you can always find a shock of beauty
or meaning in what life you have left.
Like that snowball lasting for a perfect moment,
all the while melting away. If we love such moments ferociously,
then maybe we can learn to live well not is spite of death but because of it.
Let death be what takes us, not lack of imagination.
Tama naman diba! the scariest thing about death, isn’t being dead. It’s dying, or suffering. 

Kaya, ayoko ng ganitong buhay. Ayoko ng ganitong pamumuhay. Nakakainis. Pero di ako susuko. Dapat ko tong baguhin. 
Reinvent myself. 

Alam ko na takot na takot akong mamatay. Literal. Alam ko ang tama pero hindi ko sinisimulan. Ayokong ito ang ikakamatay ko, ang paghahanap ng kung ano ano o malalim na kahalugan sa buhay ko. Sagwa nun. Ito na mismo ang hinahanap kong meaning. I will laugh in times of darkness in my journey. Gaano man kadilim ang buhay ko, gumagaan pa rin dahil mayroon akong na-imbak na sense of humor, actually kagabi ko lang naitabi. Ang gusto ko, matitigok ako sa gusto ko. Sa mga oras na to, hindi biro tong ginagawa ko dahil di na ako natatawa sa kalagayan ko. Nakakapikon, pero dapat akong tumawa. Nakakaasar pero dapat tawanan ko lang. Irony ba tawag dun? haha

Habang tumatakbo ang bus, sumagi na naman sa isip ko ang kotse. Upang mabura ko na sa imagination ko ang dream na dream kong kotse, sinulat ko nalang sa notebook ko ang target na amount na gusto kong kitain upang sa gayon, alam ko kung magkano ang dapat kong pagtrabahuhan para makabili ako ng sarili kong kotse, nakakatawa dahil yung number sa plate number ng kotseng nakita ko kanina, parehas sa amount na dapat kong ma-achieve. May coincidence. Secret lang muna ang amount. haha Syempre dadagdagan ko nalang ng tatlong zero yun sa dulo. Wala naman plate number na maraming digits eh. hahaha Ano to phone number?)

Tas dun naman sa mismong problema ko. Dapat siguro bitawan ko na ang mga bagay na nagpapahina sa akin. Ayoko na talaga. 

Magsisimula ako muli. Bagong version ng buhay ko. 

Bagong Ben na ngayon. Mas in-improve na “Ako” na ang gumaganap ngayon. I will seize this moment. I will choose now.
Nandito ako sa empiyerno ngayon, ine-expect ko na ang next nito ay langit na. Lugar na kung saan masaya ako sa gagawin kong trabaho. Dun na ako papunta. Hindi kamatayan heaven. 

Di ko pala nabanggit. Nitong dumaang holyweek. Wala akong ginawang kakaiba. Puro parehas ulit. Dahil sa sobrang init ng panahon, naging antukin ako sa loob ng bahay. Ang init na tumutunaw ng itlog ko na parang gusto na nilang magdivorce.  Pero wala akong magawa, kapag nauuhaw, bababa pa ako sa ground floor para uminom ng malamig na tubig dahil wala naman akong sariling ref sa kwarto ko. Sobrang init. Nakakatuyo ng lalamunan. Imagine na nasa third floor ako at yero lang ang bubong namen, para akong piniprito sa init. Ganun kainit. Ganun din kainit ang pag iisip ko sa nagpapatakbo ako ng sarili kong kotse. Ang saya palang imagining habang nagda-drive ako, na yung asawa ko at at baby ko ay nasa likod ko at nagkukulitan, tinitignan ko sila sa mirror, nakakatuwa silang dalawa tignan, ano ba yan, di na ako nakawala sa kotse thoughts.

Balik tayo sa holyweek. Magbasa man ako ng libro, ang matatapos ko lang siguro ay nasa 50pages lang tapos aantukin na ako kagad. Pag na tulog naman ako, kala mo ginulpi ako sa sobrang lagatak ng pawis ko paggising. In short, walang reflection na nangyari sa holyweek ko. Nagsacrifice ako ng walang kwentang oras. hahaha Di ko alam kung bat di ko sinanay ang sarili ko humilata palagi. Kaya ako naiinis ng walang ginagawa.

Minsan na nga lang to (tong holyweek), di ko pa nagawa ng tama. hahaha

Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Matibay naman ang pananampalataya ko sa sarili ko kahit wala akong nagawang makabuluhan nung holyweek. hahaha
Tutal tapos na yan, move on. Harapin ang ngayon. 
Baguhin ang sarili. hahaha
Siguro dapat kong gawin. Ganito. Ahhmm.
Mauubos ang oras ko kung di ko ie-execute ang mga naging plano ko. Para saken, bumabaha ang ulo ko ng kaalaman ngayon. (Ginusto ko yan eh haha).  Alam ko sa sarili ko yan. Bilib na bilib ako sa sarili ko. 
Tingnan niyo, sarili ko lang talaga ang pinapayuhan ko eh. 
Kapag hawak ko ang lapis at papel at wala akong maisip masulat? Okay lang, atlis iniisip ko parin kung ano ang isusulat ko.  hahaha 
Hahayaan ko nalang bang palaging ganito ako. Syempre hinde. May paraan pa.  Kahit ayokong ganito ako, at ganitong trabaho pero gusto ng puso ko magsulat. Itutuloy ko to. Ilalaban ko to. Maliit palang akong bata, ito na ang gusto ko, ang maging mahusay na writer. Maisasakatuparan lahat. Naniniwala ako.  
Change everything. 
Mali na to. Maghapon hahawakan ko ang cellphone ko para sa facebook. At para sa social life. Pucha, ayoko na ng ganito. Buong linggo na naman akong ganito. Nakakasawa na, baguhin na, parang gago na talaga tong buhay ko. Pero okay lang, mas nacha-challenge ako ngayon. Ang dami kong gustong gawin, at ang daming naiisip. Di ko pa natatapos ang simulang plano. 
(What!!!! Pota. nakita ko na naman yung kotse na kanina ko pa binabanggit. Shet, babae pala yung driver. At infairness, ambilis niya palang magpatakbo. Halos kasabay lang naming siya ng bus.)

Di ako magpapatalo sa sarili ko. Taena. haha
At syempre sa kabila ng lahat, may dahilan upang tawanan ang problema sa gitna ng darkness. 
Dapat akong tumawa kasi ang pagtawa ang gagamot sa kalungkutan ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Sabayan niyo ako. Please. 
Sa tuwing tumatawa ako, gumagaan ang lumbay at lumiliwanag ang paligid ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Dapat akong maging masaya kasi malapit na ako sa pupuntahan ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Mura lang naman ang tumawa. Bat di ko gawin. Kaya, HAHAHAHAHA!
Paraan upang makalimot, pipiliin kong tumawa pa. Kaya, HAHAHAHAHA!
Lahat naman may mahirap na nilalakaran. Ako, iba nga lang yung saken, natatawa pa rin ako. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kahit saan lupalop ng mundo, may nakakatawang bagay. Kaya, HAHAHAHAHA!
Sakit ba sa pangan ang pagtawa. Okay alng yan. hahaha
Pati nga ang Diyos masaya ngayon, sa dami ng ginagawa niya sa bawat araw eh. Kaya, HAHAHAHAHA!
Parang baliw. pero HAHAHAHA. 
Matagal ang buhay ng taong laging tumatawa. Alams niyo yan. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung naiinis ka sa kakatawa ko, baka mauna ka sa hukay. Kaya tumawa ka. HAHAHAHAHA
Wala pa akong nakitang namatay dahil sa kakatawa, pero alam kong maraming namatay dahil di tumatawa. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung di ko kayang tawanan lahat ng nangyayari ngayon, malamang pagtanda ko, mas lalong di ko na kaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Buhay ako at wala akong sakit. Walang dahilan para hindi magsaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Parang baliw ba? Tang ina mo ah. HAHAHAHHAHA
Sayang ang buhay kung di ako magpapakasaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Nakikita ko ang pangarap ko in the future, nakakapag isip ako ng maayos, nakakakilos ng maayos. Maraming dahilan upang magsaya. Kaya, HAHAHAHAHA
Tumawa tayo na parang ito na yung huli. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung ayaw mong makijoin, edi wag. HAHAHAAHAHA
Ang daming dahilan para magsaya. Kulang pa yan. HAHAHAHAHHAHAHA
Yung kasabay kong kotse. Na kanina ko pa binabanggit. Di pala siya babae. Mukhang babae lang. Potek.  Tang ina, Bakla pala siya.  Anubayan. 

1 comment:

  1. normal lang i guess na manibugho sa mga bagay na wala sayo lalo na kung nasa dream list mo siya.
    tapos makikita mo pa sa ibang tao. hahaha
    ganyan din ako dati. inggetero ;)
    minsan pa nga i wish evil sa mga tao na kinaiinggitan ko. HAHAHAHA
    yung bestfriend ko nga bago siya bumili ng sariling bahay nakailang dasal ako na sana hindi matuloy. HAHAHAHA

    pero ewan ko. 2 bagay lang.
    either nag mature ang konsepto ko o tanggap ko na na di ako makakahabol. HAHAHAHA
    di joke lang.
    through the years i learned to be happy for other people's happiness.
    hindi madali pero alam mo pag used to it ka na ang sarap sa pakiramdam i swear.
    tipong wapakels ka na at happy ka nalang sa naachieved ng iba.
    kanya kanyang journey yan eh. iba iba tayo ng karera.
    at the end of the day iisa lang tayo ng pupuntahan.

    don't stress yourself for the things that you dont currently have.
    somebody out there matagal ng pinagdarasal na sana meron sila ng mga bagay na meron ka ngayon :)

    side note: natawa ako sa maraming sumisilip na bading sa alindog mo. LOL

    ReplyDelete