Nitong umaga lang, Biyernes. Kasalukuyang ginaganap ang 30th ASEAN summit sa ating bansa kaya sobrang luwag ng kalsada maria ozawa, walang traffic, walang singitan, walang nasasaktan, walang umaasa, at walang mainit ang ulo.
Sa malayo palang, tila natatanaw ko na ang pwede kong sakyan na jeep. Wala pa kasi ang hinihintay kong bus eh. Tang ina kasi ang hirap pala talaga ng walang sariling kotse, ano po.
Pagsakay ko naman ng jeep. Tinanggal ko ang aking headset sa tenga at binilang ang pasahero kung ilan ang nakasakay dito. Buong puso kong ginawa to. Hindi inaakala ng lahat na ililibre ko sila. Ganun ako kagalante masyado ngayong payday. “Manong driver, sagot ko na” sabi ko kay manong. Natuwa ang lahat sa ginawa ko. Sa ganung paraan alam kong minahal nila ako doon. At wala ng patumpik tumpik pa ay inilabas ko yung cellphone ko at hingin ang kani kanilang facebook account nila. Ang sama pala, ayaw nilang ibigay. Shet, tang ina niyo, babawiin ko ang binayad ko senyo hahaha. Bumaba nalang ako ng jeep ng walang napala. Hindi naman ako napahiya dahil mukha naman akong disente eh. Ang hindi nila alam, hindi ko naman talaga sila ibinayad sa jeep eh. Palabas ko lang yun eh. Masama bang magturo. haha
Mabilis ang karma diba. Mga ilang lakad lang, may natatanaw na akong isang lalaking bulky ang katawan sa medyo kalayuan. Mukhang sinusubukan ako ng taong to ah. Kaya bilang isang lehitimong nag gigym dapat pumostura rin ako na totoong regular gym body builder. Bahagya kong binulatlat ang chest ko at ipinagyabang ko sa kanya lahat (Dun sa nakasalubong ko). Alam niyo kung ano nangyari. Panis, nanliit siya sa katawan niya. Pahiya si gago. Ganun ako kaangas.
Nagkatitigan kameng dalawa. Tinignan niya ang ako sa mata at ako rin sa mata niya. Tinignan ko naman ang aking braso at inikot ng konti tapos siya rin, ginaya niya ako. Ang hindi ko inaasahang pagkakataon ay ang hindi ko lang tinignan na may dinadaanan na pala akong kanal. Tang ina, nahulog ako sa kanal. Isang paa, shoot sa kanal. Fuck.
Napahiya ako. (Ayoko ng ganito, ayoko ng ganito huhu).Pero hindi ko pa rin pinahalata sa lahat na loser ako. Confident pa rin ako sa nangyari. Natawa ang taong kabungguan ko sa nangyari. Natawa rin naman ako. Ok lang. Parehas lang kame. Hiniyaan ko na siyang umuwi. Nakakaawa naman eh. haha Hinihintay ko lang naman siya umalis at huhubarin ko ang sapatos ko. Whaaaaah! Yung kanang paa ko ang sobrang baho. Nakakadiri talaga. Yuck.
Humanap ako ng milagro. Tinawag ko ang lahat ng positive energy sa paligid. Nanalangin ako na sana may swerte kahit papaano na bumalot sa akin. Humanap ako ng libreng gripo sa pampubliko lugar na iyon. Pero dahil nga mapait ang tadhana na magbiro sa akin, wala akong nakita. Badtrip.
Pumasok ako ng 7eleven. Bumungad kaagad ang tanong ng cashier, bakit daw parang may matinding amoy na dumating. Ayokong ma-guilty. Tumingin ako sa katabi kong nakapili din. Sa ichura niya, hindi naman daw siya iyong mabaho. Tumingin ako sa gwardiya sa likod. Napikon saken si guard. Mukhang galit ata saken ang gwardiya. Pinilit ko nalang manghingi sa 7eleven ng tissue, kahit may amoy ang paa ko at salamat dahil binigyan niya ako ng konting limos. Nagsorry nalang ako sa guard, ang sabi ko napatingin lang ho ako sa kanya. Hindi sinasadya. Joke lang yun.
Masarap mabuhay ng malinis ang katawan. Pero sa pagkakataon ngayon, parang hindi. Umupo muna ako sa table na may chair. Tinanggal ko ang aking socks. Pinilit kong spray-an ng alcohol ang aking paa pero wala pa rin. Mabantot pa rin.
Nakita ako ng gwardiya. Gusto niya akong tulungan. Natakot naman ako sa balak niyang gawin sa akin. Umalis nalang ako. Kumaripas ng lakad papalayo. Male-late na kasi ako sa bus. Kaya sumakay nalang ako kagad ng walang pag aalinlangan.
Nung tumatakbo na ang bus. May isa akong biglang naalala.
Ay puta, naiwan ko yung tinanggal kong medyas sa lamesa, ano ba yan. Pota.
Malapit na ako.
Tayo, tayo!
Ganito sa bus. Kapag nakita ko ng may nakatayong pasahero. Alam ko na dapat na tatayo rin ako dahil common sense na walang pasaherong nagbayad at piliin nalang tumayo ng aabot sa isang oras. Kaya ano pa ba ang hinihintay ko. Iporma ko na ang likod ko at sumandal sa gilid ng upaan nila.
Pero hindi ako basta basta susuko sa dala dalang kong pagsubok. Ipapakita ko sa kanila na dapat kaya kong i-handle ang amoy na nasa paa ko. Konting tiis nalang . Ako naman ang unang bababa eh, dahil nakatayo ako. Kaya please, tiisin muna ng mga taong malapit sa akin ang amoy pang kanal na nasa paa ko.
Pagsubok lang ‘to na dapat na kong lagpasan. Wala akong maisip na dahilan para sumuko dahil alam ko sa sarili ko na matatag ako. Hindi ako basta-basta nagpapatinag. Naniniwala akong lahat ng balakid ay may dahilan upang mas tumibay ako at ipagpatuloy ang mga nasimulan kong plano. Medyo malapit na akong makababa ng bus. Kahit makate sa pakiramdam ang may germs sa paa, ay titiisin ko.
Wala akong magagawa eh.
Sa buhay na to, walang madali. Hindi madaling mabuhay sa hinihingi. Hindi madaling mabuhay sa pag-asa. Bawat pagsubok ay may kalakip na tagumpay. Bawat madaang impyerno ay may kasunod na langit. Bawat madaanan na magandang lugar ay may kasunod na kanal. Ganun talaga.
Baka minsan, gaya nalang sa sobrang pagmamadali ko na makuha ang lahat ng bagay, hindi ko na to nakukuha, hindi siguro ako pasensyoso masyado.
Lagi ko nalang isipin na sa lahat ng nasimulan ko, maaaring malapit na ako, wag na dapat akong sumuko. Isipin ko lang na malapit na malapit na malapit na ako.
Minsan ine-entertain ko kasi ang negative thoughts.
May narinig ako sa bandang likuran ko, boses babae siya. At ang sabi niya, “Ano yun, parang may nagbukas ng kanal, or parang may umutot?” Simple lang ang aking ngiti. Tumitingin nalang ako sa malayo at niyuyugyog ng pababa at pataas ang aking ulo para kunyari damang dama ang musikang pinapakinggan ko. Pero infairness, tompak ang unang tanong ni ate, parang kanal. hahaha
Dapat kasi kahit na ano pa ang sabihin nila. Wag kong hahayaang tumambal sa aking isip ang mga hindi magagandang salita. Kung pinakinggan ko siguro ang sinabi nila sa akin, malamang habang tumatakbo palang ang bus, tatalon na rin ako bigla palabas sa sobrang hiya ko. Lalo na’t may nagreklamo na. Pero di ako ganun kagago para magsuicide.
Pero syempre hindi ako nagpatinag muli. Kahit na katiting na negative thoughts, binubura ko kaagad sa mind ko yan. Basta bahala sila kung ano ang maamoy nila. Buti nga may naaamoy silang kakaiba eh, dinala ko sila sa ibang klaseng dimension. Atlis challenging yun diba.
Basta naisip ko nalang sa lahat ng ito.
Lahat tayo may 1 seconds, lahat tayo may 1 minute, lahat tayo may 1 hour. Alam ko na kahit 1 minute lang, kung ireready ko lang ang sarili ko sa gusto kong mangyari, makukuha ko sa loob ng isang minute. Kaya daapt wag kong sayangin ang oras sa mga negatibong bagay. Minsan sa isang iglap hindi natin namamalayan na nilamon na tayo ng maling akala sa buhay. Ayun na nga.
3. Masyado ko lang sigurong iniisip ng todo.
Pero bat ganun. Di ko maiwasang isipin ang sasabihin ng ibang tao. Lalo na’t guilty ako sa paa ko. May kaharap akong lalaki. Tignan mo si kuya, kung makatitig kala mo siya hindi mukhang mabaho. haha
Kaya dapat. Walang bibitaw. haha
Wag akong papatukso sa pagsuko kahit mas madali pang sumuko kaysa magpatuloy. Kahit saglit lang, minsan libangin ko sarili ko, manghuli ako ng kung ano ano sa loob ng bus, maglakad pabalik balik doon, magbutingting. Pero sa pagkakataon ngayon, ang tangi ko lang magagawa, imaginin ang nasa soundtrack ko. Sarap din magisip ng bastos ah.
Well, ganun pa man.
Minsan, kapag mahirap ng solusyunan ang isang bagay, kailangan ko minsan lumayo muna sa ginagawa ko at gumawa ng ibang bagay muna. nang sa ganun, hindi ako masyado mapagod. Parang mata ko, kapag pagod na sa kakatutok sa screen ng computer. Humihina na. At pagdating sa numero, magkaiba din ang math sa totoong buhay. Ang totoong buhay, minsan walang konkretong sagot hindi katulad ng math na maaaring hindi pwedeng iba iba ang sagot. Sa kakaisip ko ng todo, minsan mas nananaig pa ang negatibo. Burahin ko dapat to.
Mali na to. Dapat ko ng itama ‘to.
Dagdagan ko pa ng konting pagfocus sa present-future.
Alam niyo ba yung feeling na ihing ihi ka na at gustong gusto mo ng umihi kahit saan sa bus. haha Makakita ka lang ng kahit anong sulok na medyo madilim, walang tao at walang camera at gusto mo ng bumulwak. Ganun ang nararamdaman ko ngayon. hahaha pero ayokong gawin. Iniisip ko palagi ang moment na pagbaba na pagbaba ko. Gustong gusto ko ng hubarin tong sapatos at pantalon. Potek. Hubo’t hubad. Ang kati.
Kaya ang dapat lang pala. Isipin ko lang kung nasan na ako ngayon. Ano ang kinalalagyan ko, nang sa gayon, hindi nagmamadali ang heartbeat ko na matapos tong biyahe na to. Nakakairita man pero dapat relaks lang ako. Baho lang yan.
Di naman lingid sa ating kaalaman na mas mahalaga kumilos sa ngayon, hindi bukas at hindi mamaya pa. Pang motivate ko to na enjoyin lang ang baho sa paa ko.
Pero para sa akin.
Binubuo ko na ang kinabukasan ko kung ngayon palang na kumpleto na palagi ang araw ko sa tuwing ginagawa ko ang dapat kong gawin at gusto kong bagay.
Natutunan ko, balikan ko lang lahat ng mga naging inspirasyon ko.
Para tuloy akong nakikipagkarerahan sa mga kasabay ko.
Napakahirap ng kalagayan ko. Hindi pa rin ako susuko. Laban ko to. Hindi gi-give up ang paa ko. Pramis.
Kaya siguro ako naiinis dahil nagmamadali ako na parang nakikipagkarerahan ako. Minsan iniisip ko nalang hindi mangyayari saken to kung may kotse ako. Di na kasi appropriate sa edad ko na wala akong kotse.
Syempre iniisip ko din na dapat ba talagang sumabay ako at makipag unahan sa mga kaedad ko. Di ko alam. Baka ako lang talaga yung baliw eh.
Na-feel niyo rin ba yun?
Yung minsan natataranta tayo dahil minsan hindi na angkop sa edad naten yung estado natin ngayon. Wala pa tayong kotse, sariling bahay, sariling pamilya, marami pang bayarin. Samakatuwid, lagi nating iniisip na may kakumpetensya tayo dahil nga parang napag iiwanan na tayo. Alam niyo yun?
Kung parehas tayo ng pinagdadaanan. Wag kang mag alala, friend. Di ka nag iisa.
Di tayo dapat sumuko. Magkakaiba tayo ng timeframe. Given na naman na mahirap ang buhay, wag kang papatalo. Ang sarap kaya minsan nang nasasaktan. Hindi ka nag-iisa. Marami ka din katulad ng iba na parehas ang pinapasang problema sa balikat. Minsan kung sino pa ang may mas mabigat na problema, sila pa minsan ang mahilig mangamusta saten kung okay ba tayo. Lumalim na noh?
Gaya ko. Gayahin mo ako. Bumangon ka rin sa pagkadapa at walang dapat masisi. Gumawa ka rin ng pagbabago sa sarili. Hindi to karera tsong.
Pati problema, dapat yakapin.
Ipipikit ko nalang ang aking mga mata. Inhale and exhale. Matatapos din tong paghihirap ko. hahaha KOnting konti nalang at malaya na ako.
Gaya ng buhay ko ngayon.
Parang buhay ko lang din naman to eh. Minsan may magbabato ng mga masasakit na salita laban sa kin. Pero at the end of the day, yung mga duming ibinato nila sa akin ang naging dahilan upang mas tawanan ko sila at ipagpatuloy ang lahat ng mga pangarap ko. Ang duming ibinigay nila ang nagtulak sa akin maamoy ang bango ng bagong umaga.
Marami akong kaibigan na ang approach nila sa matinding problema ay mas nacha-challenge sila mabuhay dahil doon. Opportunity daw yun upang mas tumibay at tumatag sa buhay. Ang ganda diba.
Katulad ko ngayon.
Kapag minahal ko ng husto ang bawat pagsubok na to. Parang magkaibigan na kame niyan. Alam ko na mamahalin ko talaga siya kasi parte sila ng buhay ko (ang mga pagsubok). Walang taong walang problema.
Palagi palang may opportunity.
Sa hindi inaasahang pagkakataon. May tao palang nakakapansin sa aking discomfortness. May isang dilag na maganda at sobrang puti na parang koreana na medyo chinita na nag-offer saken ng cologne. haha Potek tawang tawa ako. Yung pagkakabigay niya pa ng cologne. Yung tipong mukha talagang kailangan na kailangan ko ng pabango sa katawan. hahaha Pero grabe po ate. sobrang baet, shet. Nahiya ako. harhar
Ang natutunan ko doon.
Minsan kasi sumusuko na ako dahil akala ko na habang buhay akong maghihirap sa kalagayan ko. Mali. Temporary lang ang lahat. Lahat nagbabago. magkaiba ang oras na gumising ako kahapon kaysa kagabi. Iba ang naging kasuotan ko ngayon kaysa kahapon. Lahat pabago bago. At kapag ang opportunity ay nagsara, lagi kong tatandaan na palagi din may magbubukas na isa pa para sa akin. Wala akong ibang gagawin kundi hanapin kung ano man iyon at wag magsasawa dahil ang buhay ay palaging may surpresa. Lagi akong magpasalamat at maging bukas ang aking kokote sa lahat ng paparating.
Kung ayaw nila. Wag bigyan.
Ngayon ko natutunan na dapat din pala akong tumulong sa ibang tao. Bumunot na ako ng kung ano ano sa loob ng aking bag. Inalok ko siya ng breakfast ko. Ang mabangong mabango kong itlog na may shanghai. At hindi mawawala ang pinakamasarap na spaghetti with plastic flavor. Pero ang ending, ayaw niya daw. haha Edi wag.
Well ako naman eh.
Kung paano ko titignan ang ibang tao, yun krin ako panigurado.
Talo na ako kapag sumuko na ako.
Ganito nalang. Kung sakaling kanina palang sa gitna ng biyahe ay sumuko na ako, malamang mukha akong tanga na bababa sa bus. Maglalakad ako mag isa sa kalye na hindi naman ako sure kung may sasakyan ba dun dahil lang sa pagkairita ko sa paa ko.
Siguro isipin ko nalang din na hindi ako nag iisa. May iba diyan sa loob ng bus na sinasakyan ko ay ihing ihi na pero tinitiis lang nila. May iba diyan taeng tae na ayaw lang magsabi. Samantalang ako, amoy na mabahong kanal lang ang nirereklamo ko.
Ganun pa man, nakakairita talaga. Pero wala akong magagawa kundi itama nalang lahat.
Kapag sumuko ako ngayon sa kinahaharap kong kaso, walang matitira saken. Wala na talaga. Lagi nalang akong magsisisi. kaya dapat, pwersahin ko ang sarili kong magtagumpay palagi. Para di ko palagi option ang sumuko.
Baka may takot pa akong laliman ang lahat.
Konting tiis nalang at bababa na ako. Yahoooo.
Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, maganda man o hindi. Mabango man o mabaho. May dahilan kung bakit nangyayari to lahat sa akin. Ayaw ko lang sigurong alamin at laliman ang solusyon. Baka ganun nga. hahaha
Kapag naintindihan ko na ang nilalakaran kong lugar at alam ko kung ano ang gagawin, alam ko na rin kung paano bibitawan ang mga hindi na kailangan sa pupuntahan ko. Mas maraming posibilidad na magandang mangyari kung hindi talaga ako susuko
Medyo nawawala na yung amoy sa paa ko. hahaha
Anong mapapala ko kung susuko kagad ako?
Iba pa rin talaga kapag nasanay sa pagiging kalmado, ano. Buti nalang di na ko kagaya ng dati. haha Nagrelaks nalang ako ng mga oras na yun.
Kung sumuko ako malamang wala akong mapapala kanina. Ang bagsak nun, late na ako sa trabaho. At sasakay na naman ako muli ng bagong bus. Bali ang mangyayari, bagong bayad na naman iyon. Masakit sa bulsa iyon.
Ganito pala talaga.
Nakakatuwang malaman na hindi ako sumuko. Dito ko na nalaman na maraming magandang mangyayari kapag ipinagpatuloy ko ang aking determinasyon. Hindi lang sa pang may amoy kundi sa totoong buhay.
Ang pagpupursigi.
Ikanga nila. Success breeds success.
Pagsabayin ko ang visualization na may todong kilos.
Ayan na.
Malapit na akong bumaba ng bus. Nangyari ang dapat mangyari. Kung ano ang iniisip ko kanina. Manggyayari na. Wala akong ibang inisip kanina kundi ang mga bagay na dapat kong makita ang sarili ko na tahimik lang at kalmado lang na parang wala lang. Parang manhid lang. Malaking tulong talaga kung ivi-visualize ko kagad ang mabilis na biyahe. Nangyare nga talaga. Halos parang di ko ramdam ang biyahe. Makapangyarihan talaga ang aking isip.
Tawagin natin tong vision to fruition.
Ang lesson para senyo.
Hindi ako makakapunta sa lugar na pupuntahan ko kung wala akong ideya kung ano meron dun. Parang ganito yan, sige subukan kong sumakay ng bus na may nakalagay na baguio kahit na quezon lang naman ang pupuntahan ko. Makakapunta kaya ako ng Quezon? It Sounds preachy na. Pero sorry na. Ipinapaliwanag ko lang po.
Pag may hirap, may sarap.
Ang dami kong natutunan sa umagang ito.
Una, Hanapin ko yung pangarap na tinotorture ako na masaya pa rin ako. Ang dumi ko naman tignan pero gusto ko ang ginagawa ko. Walang pinag kaiba sa kalagayan ko kanina sa bus.
Pangalawa, sarili ko lang din ang niloko ko kapag sumuko ko. Ang buhay ay pagsubok. Kung di ako susubok. Hindi ako mabubuhay.
Pangatlo, lahat tayo dumadanas ng hirap, sakit sa damdamin, nasirang relasyon, namayapang minamahal, at disappointment. Kaya ako buhay ngayon dahil pinili kong hindi sumuko.
Huli, ang buhay magbabato ng iba’t ibang klase ng dumi. Ano ba ang pipiliin natin, ang magforward o manatiling amoy tae sa gilid.
Thank you guys.
No comments:
Post a Comment