Monday, April 24, 2017

GOD LEVEL: DI AKO DIYOS PERO PARANG DIYOS AKO KUMILOS.



This morning. Medyo kakatapos lang ng malakas na ulan pero mainit naman ang temperatura, talagang bumuhos ang malakas na ulan. At kahit na di ako pinatulog ng butas sa bubong namen, pagkatapos naman ng ulan, saka ako natulog

At Ibang iba ang mundo ko kasya noon. Dahil nga, sawang sawa na ako magreklamo ng magreklamo tungkol sa bullshit na activities ko sa mga nagdaang araw. It’s time to do the things that I want to do for the rest of my life. haha Ubos na kasi ang oras ko sa ibang bagay. Ang daming problema sa paligid (kung iisipin, politika, pagmamahal, pamilya, kaibigan), pero isa lang ang gusto kong solusyunan. Ang problema ko sa pagsusulat.

Ngayon 6:05am, medyo may konting pain sa katawan ko dahil napalakas ang pag gi-gym ko kagabi, at kasalukuyang may muta muta pa ako sa aking mga mata ngayon, wala akong ibang iniisip kundi magsulat. Ito ang tanging isang bagay na gusto kong gawin sa buong buhay ko.

Madumi ang buong kwarto. Wala naming bago dun. At para sa iba, wala ring bago para dun.

Kapag ganitong oras.

Automatic na kukunin ko ang journal ko tapos hahanapin ko ang pinakamagandang lapis na pansulat (matulis na matulis) sa aking table, hinahanap ko siya ngayon, di ko makita,  dahil nga siguro pagtapos kong gamitin kagabi ay naibato ko ata kung saan saan. Naibato ko sa sobrang lupit ng naimbento ko. Haha

Basta  kung ano ang mga maisip ko sa utak ko, iyon ang isusulat ko at this time. Walang ibang bagay na mahalaga sa saken kundi ang magsulat. Gusto ko magkwento. Magkwento ng magkwento. Magsulat ng magsulat ng may katuturan. Basta gusto ko, dapat 10 pages a day. I keep to this routine every single day without variation. Ang target ko, paulit ulit na ganito lang palagi because this repetition itself becomes the most important things to me. Motivation ko palagi kapag  titingin ako sa  flash card na ginawa ko, masaya ako kapag  nadadagdagan ng days ang mga natapos ko. Alam niyo bay un? Yun yung  numero na kagaya ng flash card kapag nagre-recite tayo sa klase ng multiplication. Ganun ang ichura niya. Malaki ang tulong niyan saken. Tignan mo nga naman oh, nasa 35days na akong nagsusulat araw araw ng mga magagandang istorya. Not bad. Sinabi kong magagandang istorya kasi proud ako palagi. Hayaan niyo nalang po ako. Gawa ko yan eh. Pero saglit lang muna,  uupo lang  muna ako at mag iisip ng makabuluhang bagay. Ang mahalaga, mag-iisip ako ng magandang istorya. Wala akong pake kung magkamali.

Buti nalang hindi na ko katulad ng dati ng nahihirapan na magsulat sa maliit na bagay. Kahit na ang ganda ng title ng naisip ko.  Kung di ko naman alam kung paano simulan. Wala din.

So, tapos ko ng gawin lahat ng dapat kong gawin sa bahay na to. Pinatay ko na ang lahat ng ilaw. Tinanggal ang saksakan ng kurdon. Sinarado ang bintana baka pumasok ang ulan. Chechekin ko muna kung may naiwan akong gamit sa lamesa. At lalarga na ako.

Nararapat ng umalis na ako. Wala ng dapat ikabahala pa. Dapat na akong pumasok sa trabaho. Baka tuluyan na akong mawalan ng trabaho kapag araw araw nalang akong late.  haha

Sa opisina. Di madali sakin ang magsulat sa loob ng opisina. Magkaiba kasi ang linya ng trabaho ko ngayon sa pagsusulat. (Ang layo diba). Kaya kapag nakita nila (ng mga kaworkmate ko) na iba ang nakaopen na software sa computer, imbes na Autocad ay Microsoft Word. Gets na nila yun. Alam nilang nagsusulat ako nun. Yung iba alam na nilang hilig ko ang pagsusulat. Ang iba curious basahin ang ginagawa ko, kala nila gumagawa ako ng nobela dahil ang daming letra na tinatype ako sa screen. Ang biro nila isa akong makata. Hindi po. hahaha Sa tuwing may magtatangkang makibasa sa gawa ko, iko-close ko nalang ang screen at hahawak nalang ako sa cellphone ko para dedma nalang. Kapag ganun naman kasi, tinapos ko na naman yung mga workload ko sa trabaho kaya pwede na akong magsulat.  Oras ko na to. Hahaha Ay oras pala ng kumpanya to na ninanakaw ko. haha Kaya wag nila akong pakialamanan. Kung pwede lang. haha

Tutal ibang trabaho ang ginagawa ko, iniisip ko pa din ang concept na gusto kong gawin sa writing kahit na mahirap. Kaya sa tuwing nagdo-drawing ako ng plano ng Mechanical at Electrical design, nagsusulat pa din ako ng kaunti tapos itatabi ko yung sulat ko sa ilalim ng desk ko kapag may nakita akong paparating na kaaway este tao, basta kapag may sumagi sa isipan kong napakalupit na ideya, haha kahit anong klaseng papel, sinusulatan ko. Kahit pa papel yan ng grocery ay susulatan ko kagad. (Ganun kahalaga sa akin ang magsulat). Ayoko masyado gumamit ng notepad ng cellphone, parang walang bisa eh. Walang espiritu. Pwede din naman cellphone kaso baka unahin ko munang iopen ang facebook bago ang gusto kong isulat. Distration siya para sa akin. Iba pa din ang kapangyarihan ng handwriting.  Whatever the circumstances, iniisip ko pa din ang magandang character at plot na gusto kong ubusan ng oras at panahon para sa kwentong gusto ko gawing makatotohanan. Brainswitching ito.

Ganun pa man. Hindi pwedeng mahina ako sa ganitong larangan, dapat malakas ang buo kong katawan at resistensya.

Mahalaga sa akin ang physical at mentally strength. Kung wala yan, di ko mabubuo lahat ng ito. Commited ako masyado sa art ko. Actually, binuhos ko ng husto ang dedikasyon ko sa art. Ang mantra ko, kailangan may something na kakaiba at pinapahiwatig ang topic ko. Di ko pinapalagpas ang creativity na umiilaw sa bunbunan ko sa tuwing may demonyong sumasagi na may binubulong na kababalaghan sa akin.

Sana lang talaga matupad  ang gusto kong maging full time writer, at kung sakaling matupad iyon at alam kong matutupad iyon, kahit alas kwarto palang ng madaling araw magsusulat na ako hanggang sa abutin ako ng pinakahuling news portion sa tv.

Kaya ngayon, basta gusto ko ang ginagawa ko, wala na akong pake kahit ma-late ako sa trabaho sa umaga. Hahaha biro lang, binabalanse ko naman.

Alam kong isang araw, makakapunta ako sa gusto ko. At maglalaho ako dito.

Iinom muna ako ng maraming tubig. Bawal madehydrate. Bawal akong ma-constipate.

Maraming inutos ang mga amo ko.

Mukhang gutom na rin si amo dahil naglabas na ng pagkaen.

Ang iba nagrerefill na ng bootle nila para sa paparating na kainan.

Ako naman.

Bago ko naman iwan tong trabahong to, at lisanin  tong table ko sa opisina kasi lalabas kame para kumaen, wala akong baon e, sisilipin ko muna ang sinulat ko. Babasahin ko muna saglit iyon. Mag iisip ng mga idadagdag na nakakatuwa at nakakatawang bagay sa sarili kong humor na angkop sa ginagawa ko.

Nakakapagsulat ako kahit di ako inspired. Nakakatuwa ang senaryo na when I can’t create, I can work. Napakahusay na biyaya.

Tumatambol na ang tiyan ko. Nagsisigawan na ang mga bulate. Lalabas na kame.

Oras na ng lunch break. Itatabi ko muna ang papel at ginawa kong sulat baka may ibang chismosong makabasa nito. Mahirap na baka mainlove sila sa akin eh at pagnasahan ako. haha

Isinasapuso ko palagi ang gawa ko. Pinipilit ko parin makalikha ng galing sa aking puso lahat ng istoryang magawa ko. Kapag walang dating o walang impact sa akin ang inilapat kong letra, buburahin ko kagad iyon. Di ko sila kailangan sa buhay ko.

Papunta na kame sa aming kakainan, kasi tanghalian na.

Sa aming biyahe palabas ng opisina, bihira nalang akong makipagkwentuhan sa mga kasama ko. Simula nung natuto akong pakinggan ang sarili ko. latelay lang. Madaldal naman talaga ako eh, nagbago lang. Tumahimik na ako sa kadahilanang  ako’y  magtatanong ng may saysay sa aking sinulat ngunit sa aking sarili lamang iyon, magtataka ako kung dapat bang basahin ang katha ko, at magtatanong muli ako sa sarili ko kung sino ba ang pagsusulatan ko sa pag iisip na paraan, mga tanong na “naipaparating ko ba ang mensaheng dapat kong ibigay sa kanila(sa aking mambabasa)”?

Medyo malayo layo pa ang biyahe sa aming kakainan. Araw araw ganito.

Tama lang na…

Oobserbahan ko muna ang mga nasa paligid ko kung may kaparehas ba lahat ito ng sinusulat ko ngayon sa mga nangyayari sa kapaligiran at nadadaanan kong mga tao. Nakatatak pa din sa isipin ko ang objective ko na makacreate ng magandang istorya. Kahit panget pa para sa iba ang gawa ko. Para sa akin maganda iyon. Walang baby na lumabas sa sinapupunan na malinis na kagad. Kung meron man, ako yun.

Pero syempre walang ganun.

I work on one thing  at a time hanggang sa matapos ako. Yan ang goal ko.
At eto na.

Tapos na ang office hours.

Uuwi na ako, wala munang editing  na todong magaganap. Mamayang gabi na ako mag eedit at ipo-proofread ang gawa ko. Gusto ko kasi tuloy tuloy lang ang flow ng istorya at tuloy tuloy lang ang mga daliri ko sa pagpindot sa keyboard kaya hinayaan ko nalang muna kanina.

Kapag nasa bus na ako. Mamimili ako sa trip kong choices  kung magsusulat ba muna ako o ipapahinga ang aking mga kamay dahil sa maghapon pag-do-drawing nang sa gayun ay magkapagheadset na ako. Swerte naman dahil gusto ko magsulat. Ninais ko talaga. Magco-concentrate ako. Didibdibin ko tong istoryang ginagawa ko. Isasapuso ko to at isasabuhay. Focus lang. Tiwala lang. I visualize everything.

Kung may katabi ako sa bus at mukhang wala naman siyang pakiaalam sa akin, magsusulat nalang ako.

Wag na wag kong aalisin ang motibo kong magandang istorya. Nakahanda na muli ang papel at lapis. Lapis palagi ang pinipili ko para mas creative. Dahil nga nasa isang oras pa ang biyahe. Maya maya lang panigurado aantukin na ako. Kahit kaunti lang, may isusulat ako.

Tinatabi ko naman ang papel at lapis ko, pinapasok ko sa bag bago ako tuluyan lamunin ng antok at pagod. Baka may makakita pa sa gawa ko na naman. Mabasa nila ang sinulat ko. At mainlove din sila akin. Mahirap na.


Wala akong ibang gagawin kapag umuwi ng bahay kundi ang magpahinga saglit at kumaen. Upang maubos ko ang kinakaen ko. Wala muna akong iisiping iba. Lapang at lamon muna. At kapag tapos at busog na ko, balik ulit sa pagsusulat. Pipilitin kong muling buuin ang nagawang magandang kwentong sinimulan ko kanina. (Di ako magsasawang sabihin  na maganda ang gawa ko, kanina ko pa binabanggit yan hahaha).

Saka ako mag iiisip ng ibang sources at information tungkol sa topic ko. Hindi para manggaya sa write ng iba kundi isipin kung ano ba ang related na topic sa ginagawa ko. Baka kasi may kaparehas na ako. Masasayang lang ang pinagpaguran ko.  Gusto ko, ako ang original palagi.

Kapag wala na akong maisip, meditation muna  o nilay nilay para sa focus sa pagsusulat. Sapat na ang 20 mins para sa tahimik na oras ng paghinga o breathing. At upang maging kalmado ang aking buong katawan.

Kapag medyo ginaganahan pa.

Magbubuhat ng dumbbell, ilang reps lang pwede na. Tapos balik muli sa pagsusulat. Kapag hindi mabuo ang ginawa. Wala saken ang writers block. Mukang matalino pakinggan kapag may block na words eh. Basta bahala na kung walang maisulat. Ako pa naman ang paniniwala ko, kapag hindi ako natawa sa ginawa ko. Malamang ang magbabasa din ng sulat ko, hindi din matatawa o matutuwa.

Mukhang uulan na naman dahil kulay orange ang kalangitan.

Magbabasa lang ako saglit. I will enjoy it. I really like reading. It makes me strong. Parang wala ng bukas kapag ako kumilos. Gusto ko mabilis. Ganito ang gusto ko. Bukas dapat ganito ulit ako o mas higitan ko pa.

Papatayin ko muna ang cellphone  ko at iba pang social media. Isang way ito para makapagconcentrate ako. Editing time na. Babasahin ko ng husto. Ichecheck ko kung may errors. Babasahin ko ng malakas. Binabasa ko din ang sulat ko ng pabaliktad. Opo.

Gaya ng nasimulan ko kanina.

Effective talaga kapag ina-outline ko ang istorya ko. Ang galing. Sa ganitong formula ng pagsulat, mas madali kong naiintindihan ang una, gitna at ending na gusto kong istorya. Natatapos talaga ang sinimulan ko.

Saka ko naman bubuksan ang mga bagong salitang nabasa ko nung kelan lang. Mga naimbak na words sa aking journal.

Mga nakalap kong bagong salitang na di ko pa alam ang meaning, ngayon ko palang nalaman.  Maisasalpak ko na rin ang bagong words na natutunan ko. Baka kasi maboring ang magbabasa kapag pare-parehas lang ang words na ginagamit ko eh. Pinag iisipan ko ng todo ang magandang sulat ko na to. Ang saken, practice lang ako ng practice. Alam kong balang araw, milyong tao ang makakabasa ng sulat ko.

At bago ako matulog. Okay na. Malinis na ang kama ko. Fresh na fresh pa ang bibig ko. Malinis na rin ang buong katawan, amoy papaya na ako upang labanan na rin ang sobrang init na panahon.

Kung may maisip pa na mas maganda. Edi isusulat  ko pa. Noon nga nakasitz bath pa ako habang nagsusulat eh.

At gising pa ako. Ayaw pa akong dalawin ng antok. Sayang naman. Kaya dapat kong sulitin na parang wala ng bukas. Hay salamat. I always embrace this routine and do the hard work.

Inantok na.

Matutulog na talaga ako. Kapag wala na talagang maisip at pagod na talaga, basta ireview ko nalang sa isip ko ang sinulat ko  Gusto ko araw araw ganito. Sa ganitong paraan, gusto ko mamatay.

At ang istoryang ginagawa ko, malalaman niyo din balang araw.

No comments:

Post a Comment