Showing posts with label SHORT CREATIVE STORIES. Show all posts
Showing posts with label SHORT CREATIVE STORIES. Show all posts

Thursday, June 1, 2017

“NASA SA’YO ANG ENDING NG PELIKULA”


“Eto na ‘yun, etong eto na ‘yun” sabi ni Tino sa sarili niya na punong puno ng kasiyahan.

Hawak-hawak niya pa rin mula sa pagtulog niya ang pinaghirapan niyang published na book.

Eto na ang oras na dapat niyang unahan ang pagsikat ng araw sa umaga. Ayaw ni Tino na ma-late sa event para sa pinaka-importanteng kasaysayan ng buhay niya. Kaya, inihanda niya na lahat ng ka-kailanganin sa pagsasalita niya mamaya para sa kanyang ginawang libro.

Nang tuluyan na niyang iniwan ang kanyang kwarto na may halong kaba at pagka-excite sa pupuntahan niya.

Maaga siyang nakarating doon.  Pawis na pawis. Pagod ang kamay at braso. Sa layo ba naman ng event sa bahay nila, talagang kailangan niya talaga ng limang oras para lakbayin ang lugar na iyon. Ang dami niya pang bitbit na libro.

Wala pang katao-tao sa teatro na iyon at mukhang maaga pa naman ang oras kaya muli niyang kinabisado ang maaaring isagot niya sa posibleng itanong ng mga mambabasa ng kanyang libro.

Mag-isa lang siya sa kwarto dun. Handang-handa na siya. Naubos niya na rin ang iniinom niyang bottled mineral water. Sinilip niya ang bintana ng teatro, nasilayan niya sa malayo na unti-unti nang dumadating ang mga taong gustong tumangkilik sa nilalaman ng kanyang libro .

Pumatak na ang kamay ng orasan sa alas-nuwebe.

Nagsimula na ang palatuntunan.

Sabi ng isang lalaki sa kanya: “Ikaw na po ang susunod na tatawagin, Mr. Tino”.

Kaya, nagsimula na siyang magdasal at nag-isip ng masasayang bagay sa natitirang segundo niya sa paghihintay.

Payo pa ng isang lalaking kasabay niya doon:  “Huminga ka ng malalim, sir at sabay ibuga mo ang hangin na di na kailangan ng katawan mo” Sabay tawa ng lalaki upang mawala ang kaba ni Tino.

Tinawag na ang pangalan ni Tino at tinulungan na siya ng lalaki na kasabay niya sa paglabas.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita niya. Mababatid sa mga mata ng mga nakikinig ang saya sa tunay na nilalaman ng kwento ni Tino. Tila, bigla silang namulat na mayroon pa palang ganung klaseng inspirasyon na nakabalot sa kwento ng libro ni Tino  na hindi na niya isinulat doon.  

Nagustuhan ng lahat ang naging sagot niya sa bawat tanong ng mga nakikinig. Nagpalakpakan ang lahat. Natapos na ang kanyang pagsasalita at isa-isa ng pumila ang ilan para humingi sa kanya ng kakaunting mensahe at pirma para sa binili nilang libro ni Tino.

“Pagpasensyahan niyo na po kung di ako makakatayo sa mga nagpapa-picture ah, napagod lang po talaga ako sa biyahe. hahaha Sensya na din kung nanginginig pa ang mga kamay ko sa pagsulat” nakangiting biro ni Tino.

May isang matandang nagsabi na: “Tunay ka ngang kahanga hanga Tino sa talento mong taglay. Isang kakaibang kwento ang kapupulutan ng aral ng mga tagahanga mo at mga mambabasa mo.”

Pasasalamat nalang ang nabanggit  ni Tino sa lahat ng magagandang sinabi ng mga bumili ng libro niya.

Walang makakapantay ng kanyang tuwa sa unang sabak niya palang sa ganung klaseng pagsasalita sa maraming tao. Mukhang mas marami pang bibili ng libro niya dahil sa inihain niyang maka-masang kwento ng pagasa.

Ang matagal na niyang hinihintay ay natupad na.

Lubos na nagustuhan rin ng mga kamag-anak niya, kaibigan at pamilya niya ang ginawa niyang libro. Nakakahanga kung iisipin na sa murang edad niya palang, kaya na niyang gumawa ng isang libro na punong puno ng masasayang istorya, mabubulaklak na salita, at mga kwento ng sarili niyang problema sa buhay na talagang nakakahanga at nagbigay ng inspirasyon sa lahat ng nagbabasa nito.

Natapos ang pagsasalita niya nung nag-iwan siya ng isang binhi ng mensahe sa lahat ng nakikinig upang mabigyan muli sila ng pagasa na magsulat gaya ng ginawa niya.

(Kung gaano kalayo ang nilakbay niya papunta doon sa event ay ganun din ang gagawin niya pag-uwi. )

Sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kinita ng kanyang libro. Walang araw na walang taong magtatanong sa kanya tungkol sa libro niya. Tila baga nakatikim sila na napakasarap na lechon na may kakaibang sarsa na ngayon lang nila natikman. Ganyan ang librong ginawa ni Tino. Sunod sunod na biyaya ang dumating sa kanya simula nang umusbong ang makabagdamdaming kwentong ginawa niya tungkol sa buhay ng tunay na Pilipino.

Isa nalang ang gusto niyang matupad. Ang maisa-pelikula ang libro niya at mapanood ng maraming Pinoy.

Habang siya’y mag-isa sa kanyang kwarto at gumagawa muli ng bagong istorya para sa bago niyang libro ay tumawag ang isang kumpanya ng pelikula sa kanya.

Nagustuhan ng ‘kumpanya ng pelikula’ ang book niya at nagdesisyon itong simulan nang gawin ang proyekto para sa libro ni Tino upang isasa-pelikula. Laking tuwa ni Tino ng marinig ang magandang balitang iyon at binitawan niya muna ang bagong kwentong ginagawa niya.

Inimbitahan siya ng isang kumpanya tungkol dito upang mapag-usap nito ang  magiging plano ng pelikula. Nag-alok iyon sa kanya ng proseso para sa paraan ng pelikula niya.

(Maglalakbay na naman si Tino muli. Lolobo na naman ang kanyang mga braso sa pagod.  Dala-dala na rin niya ang mga libro at dokumento na maaring gamitin sa pelikula.)

Habang sinasalaysay sa kanya ang magiging resulta ng pelikula.

Nagtaka siya kung bakit siya pa ang  pinapagawa ng script, lahat ng lokasyon na pagga-ganapan, siya din ang pinaghahanap ng gusto niyang lugar na pagdadausan ng kwento. Di niya naman magawang magreklamo o uminde dahil iniisip niyang baka masayang ang libro niya at oportunidad kung walang kumpanyang susuporta sa gawa niya. Naisip nalang ni Tino na kakaunti lang ang tauhan ng kumpanya kaya siya naalng ang pinagawa lahat.

Tinanggap niya nalang ang offer ng kumpanya kahit mahirap ‘tong gawin.  

Sa kanyang paglalakbay pauwi, nasabi niya sa sarili niya na

“Ngayon ko lang nalaman na ako pa pala ang gagawa ng lahat, tama pa ba to, kaya ko ba to?”

Wala siyang nagawa kundi sumunod sa producer ng pelikula. Ginawa niya ang lahat.

Ngunit sa kalagitnaan ng proyekto niya na ‘to. Di niya talaga alam ang pasikot sikot kung paano gumawa ng pelikula. Paano niya papatakbuhin ang simula ng kwento. Sa libro niya,  di niya naman alam ang gagawin sa bawat dialogue ng character, paano ang scene, etc. Nalilito pa siya sa ganung klase ng pagsulat at natataranta dahil malapit na ang araw na kung saan hinahanap na ng producer ang gawa niyang script at scene.

Di alintana ang pagod basta gusto niya ang ginagawa niya.

“Pagod lang yan” sabi ni Tino.

Nang sa tuluyan ng naubos ang kanyang panahon at oras, na-realize niya ng dapat na siyang humingi ng tulong sa kumpanya ng pelikula.

(Di biro ang pinagdadaanan ni Tino sa tuwing bumibiyahe siya papunta sa kumpanya dahil sobrang layo nito. Kinakaen talaga ng maraming oras iyon)

Sa pagbalik niya sa kumpanya. Nakipag tulungan ang ibang writer sa kanya at mga producer at directors upang matapos lang ito.

Sabi ng producer, “Kailangan ko na yan sa Biyernes, Tino ah. Ilalapat na namen yang pelikula na yan”

Ang sagot niya naman ay “Opo, tatapusin ko na din po ‘to”

“Muntik ko ng makalimutan, ikaw pala ang napili namen” sabi ng producer.

“Saan napili po?” Sabi ni Tino.

Ang isa pang problemang di niya inaasahan ay ang sabihin ng producer na siya na din mismo ang gaganap sa pelikula. Dahilan ng producer ay upang mas lalo raw ramdam ang emosyon ng pelikula, si Tino na daw mismo ang magiging bida sa pelikula.

Bigla siyang kinabahan at ninerbyos at sinabi niyang

“A-ano po?”

“Ang sabi ko, ikaw mismo ang gaganap sa pelikula, ayaw mo ba yun?” Sabi ng producer ng pelikula.

Ang reply niya, “Di ko po kaya iyon, nakita niyo naman po diba ang kalagayan ko, saka po,  di ko pa din tapos na i-plot ang movie scene”

“Wala na kameng ibang mapili pang gaganap sa istorya mo, kaya mo yan, tiwala kame sayo Tino, magagawa mo yan, bibigyan ka pa namen ng mahabang panahon” saad muli ng producer.

Hindi na siya muling umimik pa at umuwi ng bahay.

Sinabi nalang ni Tino sa sarili niya, “Paano ko gagawin to, e di naman ako marunong umarte o gumanap sa isang pelikula, ? Ang alam lang ng mga kamay ko ay magsulat at gumapang”

Nagtataka na lamang siya kung tama pa ang lahat. Parang naiisip na niyang sumuko dahil ngayon lang siya nakakita ng halos siya na gumawa ng lahat para sa pelikula samantalang libro niya naman iyon. Nakaramdam siya ng pagdududa na parang ayaw ata ng producer sa ginawa niyang libro kaya ganun nalang ang trato sa kanya.

Payo ng producer sa kanya nung nagkita sila sa isang hallway,

“Ang buhay ay parang pelikula, Tino. Normal lang sa iba na makita ka sa madilim na sitwasyon lalo na’t di ka nila kilala ng lubos. Ngunit, kung alam mo kung paano mo wawakasan ang istorya ng buhay mo, mamili ka kung gusto mo bang malungkot o masaya? Nasa sayo ang desisyon, ikaw ang magpapatakbo ng ganda ng istorya. Hawak mo lahat, it’s up to you. Sa tuwing maalat ang buhay at nakakaputang ina ang bawat sitwasyon, alalahanin mo palagi kung paano mo tatapusin ang kwento. Mamili ka nalang sa category kung drama, suspense, comedy, o comedy- drama ba basta nasa sayo ang ending niyan. Wag mong isipin kung ano ang di mo kaya”

Dagdag pa niya.

“Harapin mo ang reyalidad at magfocus ka lang sa posible mong mangyari. Kung may mga imposible kang gustong marating, tuloy mo lang.  Revel in the imaginary world of dreams come true. Ituloy mo lang ang alam mong tama para sa sarili mo.  Makikita mo na ang gusto mo at ang  reyalidad ay magpa-pantay kapag pinagsabay mo. “

Ang tanging sagot nalang ni Tino ay “Maraming salamat po”.

Ang pasasalamat niya na may halong malaking pag-asa, malaking saya at pagtatanong kung paano niya nga ba talaga wawakasan ang kwento na hindi ine-expect ng mga manonood lalo na ng mga nakabasa na ng libro niya.

Bago maghiwalay ng landas ang producer at siya, nag-iwan ulit ng isang salita eto:

“Paano mo tatapusin ang kwento mo? Kung di ka pa naliliwanagan, bibigyan pa kita, ano sa tingin mo ba ang kaya mo pang gawin? Ano ang nai-imagine mong possibleng mangyari? Ano ang bagay na ayaw mong bitawan kasi nandun ang buong pag-asa mo? Ano ang pinagkaiba ng gusto mong bagay pero di ka naman naniniwala na kaya mong maabot iyon kumpara sa gusto mong bagay na alam mong posibleng mangyari? Tingin mo, ano? Nasa sayo ang power, Tino“

Kahit na gulong-gulo na si Tino sa kung paano niya haharapin ang pag-arte sa pelikula, gandahan ang script ng bawat character, at bibigyan ng buhay ang kwento.

Buti nalang ay nabigyan naman siya ng lakas ng loob na tapusin ang lahat ng ito dahil sa magandang payo ng producer at unti unting nabubuo na sa kanyang puso’t isipan ang magiging wakas ng pelikula.

Lumipas ang dalawang linggo. Natapos na niya ang lahat ng katawan ng pelikula. Handa na rin siyang sumabak sa pag-arte.

Nagmadali na siyang pumunta sa kumpanya upang ipakita ang ginawa niyang script.

“Putang ina, ano to?”

Ang pagalit na salita ng producer sa kanya. Gusto ng punitin ng producer ang ginawang script ni Tino. Dugtong pa sa sinabi neto :

“Ikaw ba talaga ang sumulat ng libro mo? Marunong ka ba talagang sumulat?”

Nasaktan si Tino sa nangyari. Ni-reject lahat ng producer ang pinaghirapan niya. Hindi tinanggap ng lahat ng sangay ng pelikula ang style na ginawa niya. Di niya matanggap ang panlalait sa kanya ng taong iyon, minura siya at dinikdik ng husto na parang trato sa isang mangmang na tao.

Nasaktan siya ng husto. Malayong malayo kasi ang ugali ng galit ng producer kaysa sa magandang payo nito ng mga nagdaang araw lamang. Umuwi nalang na durog ang puso ni Tino.

(Malayo na nga ang biyahe niya pauwi, ubos na rin ang pera niya.)

Bigla siyang nakaramdam ng pagod at frustration, dahil sa lahat ng ginawa sa kanya ng kumpanya iyon, ni-isa dun, wala silang nagustuhan sa gawa ni Tino. Nagtatalo sa kanyang isip ang payo ng producer sa kanya.

Pagdating sa bahay nito. Ipinahinga ang mga kamay at umupo ito.

Sinara na lang niya ang kahon ng pinaghirapan niyang mga papel at tinta.  

Natulog siyang maghapon ng may luha sa mga mata.

Gumising siya na parang ginulpi sa pagod. Naligo at kumaen.

Habang tinitignan ang lahat ng mga naisulat niyang akda sa kanyang kwarto, naitanong niya sa sarili na

“Kailan nga ba ako huling nangarap? When was the last time that I want things to come to me badly? Kailan nga pala yung mga panahong parang gusto ko ng sumuko at bumitaw sa ginagawa ko pero di ko magawa kasi mahal ko ang ginagawa ko?”

Naalala niya lahat ng dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ‘to.

Pagkaraan ng tatlong linggo, biglang sumagi nalang sa isipan niyang ipagpatuloy nalang muli ang ginawa niyang bagong istorya at kalimutan na ang librong yun. Naisip niyang kahit di na maisa-pelikula ang kanyang ginawang nobela basta sa sarili niya, may naitabi siyang sulat para sa pelikula nito.

Sa pagsusulat niyang muli.

Tumunog ang kanyang telepono. Hindi niya alam kung sino ’to. Sinagot niya at nagsalita ang isang lalaki.

“Sir Tino, nabasa po namen sa website niyo  ang ginawa niyong script. Halika, pag-usapan naten muli yan”

At dali-dali siyang umu-o sa alok muli ng kumpanya.

Wala ng pasubalisa. Agad ng tinanggap niya ang alok ng dating kumpanya.

(Wala ng kapera-pera si Tino sa bulsa kaya ginapang niya at nanghiram siya sa kapitbahay niya ng pera. )

Wala siyang ibang choice kundi ire-write muli ang ending ng kwento niya. Ang gusto naman ng director, may something daw dapat na gugulat sa lahat na hindi nila ine-expect na ganun ang kakalabasan ng istorya.

Ngayon, nag-iisip si Tino kung anong magandang ending ng istorya niya? Although, alam niya na ang libro niya dahil siya ang nagsulat neto. Okay na rin naman ang script. Ang ending nalang ang dapat niyang pagtuunan ng pansin.

Mga ilang oras pa.

Nabuhayan siya muli ng loob.

Umuwi muli siya sa bahay nila.

Unti-unting nawala ang frustration at pagkabalisa niya sa nakalipas.

Nilapat niya ang kanyang mga kamay sa pagsulat at muling pinagliyab ang imahinasyon.

Binasa niyang muli ang kanyang libro. May mahalaga siyang isinulat dito na

“Hindi kaya, dahil masyado mong kinokontra ang ibinigay ng Big “U”. Ang ating Universe. Nilalabanan mo ang atake ng tadhana , Tignan mo yung agwat ng layo mo sa kung saan ka nanggaling at kung nasaan ka na ngayon. Kung siguradong sigurado ka sa gusto mo at di mo pa nakukuha iyon, ibig sabihin may agwat pa ang goal mo sayo. I-align mo ng maigi ang gusto mo sa sarili mo. “

Ang mga salitang naging inspirasyon niya sa libro hanggang sa naging inspirasyon muli iyon na gumawa  siya ng sulat para sa pelikula. Napangiti nalang siya sa di niya inaaasahang ang mga sinulat niya ay magagamit niya pa ring enerhiya sa pagsusulat.

Natapos na ni Tino ang lahat. Handa nang isabak ang sulat niya sa pelikula. Sa wakas, sa libo libong pagkakamali ni Tino sa paggawa nito, naitama din ang lahat.

Tumatakbo na ang paggawa ng pelikula niya.

Pinag-aralan niya ng maigi ang dapat na emosyon ng bawat character na ginagampanan ng isang bida. Kahit na may mga bagay siyang di niya kayang gawin sa set ng isang pelikula ay pinilit niya pa ring gawin.

Dugo’t pawis ang inalay ni Tino sa pelikulang iyon dahil walang ibang taong tumulong sa kanya.

Nakayanan lahat niya ang hirap ng pelikula. Nairaos ang script, tumulong ang ibang miyembro ng pelikula kung paano maglapat ng istorya at natapos naman ‘to.

Naipalabas ang pelikula. Milyon ang nakapanood. Pati na rin ang kinita. Magkahalong lungkot, saya, at inspirasyon ang buong kwento.

Ayon sa istorya ng pelikula. Nalaman na ng lahat na binabaybay ni Tino ang biyahe niya araw araw gamit lamang ang kanyang dalawang kamay.

Kaya, nagkaroon muli ng bagong mapapanood ang mga Pilipino.

Bagong ispirasyon sa lahat ng taong nagsisikap. Na kahit na kulang ang parte ng katawan, tuloy pa rin ang buhay. Naging matagumpay ang pelikula at umabot sa takilya.

At ang huling litanya ng direktor sa kanya,
“Aaminin namen, sayo lang namen ginawa ang ganito, na lahat ikaw ang gumawa ng scene. Di namin tinignan kung wala kang panlakad. Dahil ganyan ang buhay Tino, ikaw ang gagawa ng istorya at ikaw din ang kikilos”











Thursday, March 31, 2016

ANG DIYOS KONG BLANKONG PAPEL



Sa isang lugar sa Antipolo ay mayroong museo na kung saan sa loob nito ay may mga naka-display na iba’t ibang disenyo ng mga arts. Mayroon mga nakasabit sa dingding at pader. Mayroong hugis tao na gawa sa kahoy na nakatawa ang mukha. Mga sinaunang sasakyan. Mga sinaunang baso. Mga pinaglumaang kagamitan sa loob ng bahay. Iba-ibang klase at uri ng art na historical sa pilipinas, maypagka-scientific kung iisipin, maypagka-artistic o kaya naman ay cultural basta gawa lahat ng mga Pinoy. Nandun sila nakatambay.

Si Jin ay isang lider ng isang samahang relihiyoso sa ating bansa. Napansin niyang may isang lalaki na ang tagal tumitig sa isang painting. Binata iyon kung titignan. Sa painting na iyon ay nakapinta ang isang ‘umaapoy na bundok’. Maganda kung titignan tong painting na to, malalim ang kahulugan. Matagal na nakatingala ang lalaki sa painting na ito. Sa bawat pag-oobrserba niya sa paintings ay tinitignan niya rin ng maigi ang kanyang hawak na papel. Nagtaka si Jin sa ginagawa ng lalaking ito. Minarapat nalang niyang kausapin at tanungin upang sa gayun malaman ang ginagawa nito.

Kinausap ni Jin ang lalaki sa malumanay na paraan.
Jin: Sir, anong pangalan mo?
Ken: ahm Ako si Ken. (At ito’y nagpatuloy ulit  sa pagsilay silay sa isang disenyong kanyang minamasdan)
Jin: Pwede ko bang matanong kung ano ang interpretasyon mo sa larawang iyan, pati na rin sa papel na hawak mo? (Paturo sa papel na tinitignan ni Ken.)
JIn: Pasensya na sa tanong ko diyan ah? (Nagtanong hinggil sa papel.)
Sagot ni Ken.
Ken: Maaari ko kayang sambahin itong papel na ito? Maaari rin kayang maging propeta to?
Tinignan niya naman ang papel na ito sa taas, sa baba at sa iba pang anggulo na kung saan natatapatan ito ng ilaw. Sinisilasat niya ng husto ang hawak niyang papel.
Nagtaka si Jin sa sinabi nito. Isang kahibangan kung iisipin.
Jin: Ha? Papel sasambahin mo? Okay ka lang sir? Diyos mo yan?

Lumakad nalang palayo si Ken. Hindi na pinansin ang mga pinagtatanong ni Jin. Tinignan niya naman ang ibang larawang nakadikit sa dingding. Sa pagkikilatis nito sa bawat disenyo. Tinitignan din siya ni Jin sa bawat galaw niya. Nahihiwagan si Jin sa ikinikilos nito. Misteryoso kung iisipin dahil walang kahit na anong paliwanag ang sinasabi nito tungkol sa papel. Isang relihiyoso si Jin kaya nagkaroon siya ng interes na kausapin ito.  
Nilapitan niya parin si Ken. Nangulit ng nangulit siya sa taong ito. Mayroon siyang gustong malaman tungkol sa sinasabi nitong papel. Lumapit muli si Jin sa lalaki.
Jin: Ano ba ang sinasabi mo? Ano bang mayroon diyan sa papel na yan? (Hindi nagpaistorbo si Ken sa kanyang hinahanap.)
Ken: Wala to, wag mo kong pansinin. May hinahanap lang ako.

Kaya wala ng nagawa si Jin kundi tigilan nalang ang taong iyon. Nag-iba nalang siya ng ruta papalayo kay Ken sa pagtitingin ng ibat ibang disenyo ng mga paintings. Sa kabilang lugar, nagkasalubong muli si Jin at Ken.

Nagkatitigan.
Jin. Ikaw na naman?
(Hindi nalang nagsayang ng panahon si Jin)
 Jin: Hmmmm Maaari ba kitang makausap? Okay lang ba?
Ken: Bakit ba ang kulit mo? Pwede ba tantanan mo ko?
Jin: Masama bang makipagkaibigan sayo at makilala ka?
Ken: Hindi naman, pero nakukulitan ako sa ginagawa mo sa akin. Tanong ka ng tanong.
Jin: Sorry na patawarin mo na ako. Ano ba kasi yang hawak mong papel? Nahihiwagaan ako diyan sa hawak mo at sa sinabi mo.
Ken: Gusto mong malaman? Hindi ka naman maniniwala kung ipapaliwanag ko eh. Isa ka din na katulad ng iba. Akala nila kabaliwan ang mga sinasabi ko.
Jin: Makikinig nga ako kahit ano pa yan.
Ken: Sige. Payag na ako. Ganito kasi yan, nakadampot na naman ako ng isang blankong papel sa lugar din mismo na to. Siguro nahulog to galing sa Itaas.
Jin: “Saan? Sa dingding?” (Tumingin si Jin sa itaas, wala naman siyang nakitang papel na pwedeng malaglag. ) “Wala namang papel ah.” Sabi ni Jin.
Ken: Malinis at walang bahid ng dumi ang papel na to. Para sa akin, ito ang pinaka simbolo ng aking bagong umaga. Kalakip nito ang bagong pag-asa. Nangangahulugan na ang walang kasulat sulat na papel na to ang siyang pinaka magandang pahinang makikita ko ngayon. Walang kasaysayan kung hindi inilimbag sa blankong papel na kagaya nito ang lahat. Kasiyahan ang idinudulot ng panibagong papel. Nagkakaroon ng makasaysayang simula tungkol sa isang manunulat o istoryang binuo. Masayang makita ang progresong pagbabago sa ating lipunan. Lalo na sa bawat buhay ng tao. Wala ka ng ibang hahapin pang ibang mundo.

Jin: Mundo na yung mga pinagsasabi mo ah. Ang layo mo naman eh. Nasan dun yung propeta o pagsamba?

Ken; Silipin mo ng maigi ang malinis na papel. Ito ay naglalaman ng panibagong mundo. Ang makulay na mundo. Sa kapirasong papel na ito, maaari kang magplano, magsulat, gumuhit, magkulay at kung ano ano pa. Ibig sabihin lang nito, sa apat na gilid ng papel, pwedeng magbura at magkamali tayong lahat. Tanggap ang mga errors. Tanggap ang tinakpang letra na mali ang naisulat.

Jin: Hanep. Lalim. Bakit di ko magets? Hahaha Oo, sabihin na nating blankong papel yan. Pero teka muna. Anong kinalaman nito sa pagsamba mo? Yun kasi ang hinabol ko sayo eh. Pwede ba sagutin mo ako ng matino. Okay lang ba?

Ken: Nasa sayo naman yan kung pakikinggan mo pa ang interpretasyon ko tungkol sa papel na to eh. Kung ayaw mo, edi wag.
Jin: Sige pagbibigyan kita. Ano ba talaga yang papel na yan? Mahahalin ba yan? Mabango ba yan? Paamoy nga.
Inamoy ni Jin ang papel.
Jin: Wala namang kakaiba eh. Niloloko mo lang ako eh.
Ken: Wala ngang amoy na taglay pero may sinasabi naman ito.
Jin: Ano? Nagsasalita ang papel? Haay Kabwisit ka. Ayoko na nga. Kung hindi mo naitatanong, kami? Sa isang araw, tatlong beses kami sumasamba sa aming Panginoon, makapangyarihan ang aming Diyos. Hindi siya nagkulang?
Ken: Nakita mo na ba ang Diyos mo?
Jin: Hindi pa. Pero kung titignan mo ang paligid, kung paano nangyayari ang lahat, masasabi kong buhay na buhay ang sinasamba kong Diyos.
Ken: Yan ang opinyon mo. Nirerespeto ko yan. Maaaring totoo yang sinasabi mo.
Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Unawain mong maigi ah.  Alam mo kung bakit di mo magets ang mga sinasabi ko? Kasi magkakaiba tayo. Tama ba ko dun?
Jin: Tama!
Ken: Ikaw? ano tingin mo sa papel na hawak ko?
Jin: Wala naman, simpleng papel lang. Ano ba yan? Kailangan pa bang pag isipan natin yan ng malalim. Nahihibang ka na ba?

Ken: Sayo yun diba! pero para sa akin. Sa papel na ito, may naghihintay saten lahat. Hindi ko alam kung ano mismo iyon, pero ang alam ko lang, may ipinahihiwatig ang lahat ng ito. Iba’t ibang klase ng istorya, minsan mas malungkot pa sa telenobela.
Jin: Tsk Tsk Tsk. Muntik na akong maiyak dun ah.

Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Minsan ang isinulat sa isang papel na nilamanan ng mga masasayang bagay ngunit walang nakaalam nito ay tila isang sanggol na hindi nabuhay sa sinapupunan. Namatay kagad ito. Siguro dahil sa kapabayaan. Marahil dahil nakatadhana. Ano man yun. Nakatala pa rin yun sa mismong istorya ng lahat. Ang kabuuang kwento ng tao.
Jin: Bibliya ba yan?
Ken: Hindi ako siguro. Maaaring pwedeng iyon ang sagot. Maaaring hinde. Hindi lang istorya o maaring kwento ng isang tao ang mabuo sa blankong papel. Wala tayong pagsisisihan kung hindi natin winalang bahala ang ibinulong ng hangin at ginamit ang mga tinta para maitago ang bagay na ito.

Jin: Matanong ko lang ah. Saan mo ba napupulot yang mga sinasabi mo? Ano ba batayan mo? Walang konek eh.
Ken: Wala! Pero alam kong tama ako. Ikaw alam mong tama ka sa sinasabi mo?
Jin: Oo. Syempre. Yun ang nakasulat sa bibliya eh. Sinusunod namen.
Ken: Paano naisulat? Nakita mo ba ang simula niyon. Paano ito nagsimula sa blankong papel?
Jin: Hindi.
Ken: Kung sa gayun. Hindi ka pa sigurado. Pwede ka pang magtanong ng magtanong.

Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Ito pa halimbawa ko. Kung naisulat lang din naman natin kagad ang nasa isipan natin palagi, di natin makakalimutan ang kumislap na bumbilya sa ulo kung ilalagay ito sa blankong papel.
Jin: Hoy! Hoy! Hoy. Ang dami mong paandar. May sanggol. May tinta. May bumbilya. Ano ba talaga? Di mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong pagsamba mayroon diyan? Nagmumukha na akong tanga ah.
Ken: Para sa akin, ito ay may kaluluwa, hindi nakikita.
Jin: Grrrrh. Sige. Ano yan? May kasarian ba yan?
Ken: Pwede. Maaaring may persona. Siya ang aking gabay. Ito ang naglalarawan na siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Itong papel na to? Sa sariling depinisyon ko, ito’y may sukdulang antas.
Jin: Nakakatawa rin ang mga pinagsasabi mo. Sayo lang pala galing lahat ng yan eh.
Sinubukan nalang sabayan ni Jin ang lahat ng mga pinagsasabi ni Ken.  Nabadtrip na siya ng husto.
Jin: Ibig mo bang sabihin, ang blankong papel ang naglalang sa tao? (Pabirong tanong)
Ken: Pwede.
Naisip ni Jin na baka baliw tong kausap niya. Kaya nakipagbaliw baliwan nalang siya.
Jin: Maibigin, mapagsanggalang, at mapagmalasakit ba siya?
Ken: Pwede.
Jin: Weeeee. Haahahaha Parang hindi naman. Papel? Mapagmalasakit? Wow.
Ken: Baliktarain mo man ito na parang aso sa salitang ingles. Siya pa rin iyon.
Jin: Yown. Aso. Lupit ah. Aw! Aw! AW!
Ken: Ang tingin ng iba, ang blankong papel ay pangkaraniwan lamang. Hindi. Mayroon itong laman. Anong klaseng laman? Ang laman na nagsasabi kung ano ang pagkatao natin. Sa malinis na papel na ayaw mo pang sulatan, makikita mo ang sarili mo na parang humarap ka sa salamin. Makikita mo sa papel na wala kang ginagawa kasi hindi ka nagsusulat. Kung nagsusulat ka naman, malalaman mo na ang papel o salamin na sinusulatan mo ay ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito.
Jin: Tungkol sa papel lang ata gusto mong sabihin. Dinamay mo lang ata ang Diyos eh.
Nawalan na ng gana si Jin kaya pinaglaruan nalang niya ito
Jin: Eeh ayokong magsulat, ang gusto ko magtype sa computer eh.  HAHAHA eh pano yan?
Ken: Walang tumalino kung hindi dahil sa blankong papel. Walang computer ng hindi dahil sa blankong papel na to. Walang nagawang libro kung walang blankong papel na sinimulan. Walang bahay o gusali na naitayo kung hindi sinulatan sa blankong papel.
Jin: Edi sige. Tuloy mo lang. Layo na nga ng narating natin sa kwento eh. Kala ko nasa mars na to eh. HAHA. May punto kaso tungkol lang naman lahat ng ito sa papel. Echusero ka lang eh.
Ken: Kung gusto mo ng katahimikan. Sabihin mo sa papel. Isulat mo ito. May kaakibat itong katahimikan. 
Jin: Masaya na ako sa buhay ko. Ayoko na. Gusto ko naman ng magulo. hahaha
Ken: Lagyan mo ng laman at istorya ito(ang papel), iingay siya ngunit panandalian lamang. Dagdag mo ng laman, saka lang umiingay. Try mong unawain kasi ang mga pinagsasabi ko. Nakatuon ka lang lahat sa pagsamba eh.
Jin: Wow. Heavy. Bigat.
Humiga nalang sa lapag si Jin, pagpapakita na suko na siya sa sinasabi ni Ken. Hindi pa rin nagpaawat si Ken sa mga matatalinhagang sinasabi niya.

Ken: Ang isang blankong papel ay mapang akit. Wala na akong pinangambahan pa. Naisulat ko ang aking halo-halong emosyon. Nabigyan pa ng solusyon ang bawat tanong.  Mga paksa na humubog sa aking pagkatao. Walang perpektong sulat kaya tinutuloy ko lang to. Mangawit man, ikakaskas ko pa rin ang aking kamay. Kung sinasabi nilang nagsimula ang lahat sa tuldok, at matatapos din sa tuldok.
Jin: Sabi ko na eh. Nagsusulat ka eh. Mahilig ka gumawa ng kwento na ang hirap paniwalaan ng tao. hahaha
Ken: Hindi mahirap, ayaw mo lang buksan ang isipan mo. Kung nagsimula sa lahat ang blankong papel. Matatapos din sa blankong papel . Paano kung ang hinahanap na tanong nating sa buhay ay yung palang blankong papel. Sinulatan natin. Tapos tayo palang lahat ang matatawag na Creator.
Jin: Dyan ako di maniniwala sayo. Ewan ko sayo. Haaaaay. Sige na nga, uuwi na ko. Pero sagutin mo to. para matapos na kasi ang sakit na ng ulo ko sa mga sinabi mo. Ano ang ibig sabihin lahat ng ito? Buod kumbaga.
Ken: Hindi ka talaga nakiramdam. Pinakinggan mo lang kasi ang sinabi ko. Ibig sabihin lang nito. Kanya kanya tayo ng paniniwala.Wag mong pakialamanan ang pananampalataya ng isang tao. Ang ating Diyos makapangyarihan. Maaaring ikumpara siya sa isang bagay o anuman ngunit ang kapangyarihan niya ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Pero responsibilidad mo pa ring tuklasin siya. Ayun. Tapos ang usapan.
Natulala si Jin: OMG. Yun lang pala ang  papel na gusto niyang sabihin sa  mundo. Nagsayang pa ako ng effort at oras.

Monday, March 28, 2016

WELCOME TO YOUR FINAL DESTINATION


“Paglaki ko, pangarap kong maging mayaman para dumami ang pera ko”.
Lumaki sa mahirap na pamumuhay si Marko. Ang kanyang ama ay isang ‘Jeepney Driver’. Isang kahid, isang tuka ang nakaugaliang buhay nila. Minsan naman ay wala pang nakakain dahil nauubos ito sa pakikipagsabong ng manok ng kanyang ama sa kabilang kanto. Sa tuwing walang pasada ang kanyang ama sa oras ng hapon, pagtapos ng eskwela ay tumutulong si Marko sa kanilang talyer. Siya ang nagsisilbing tiga-abot ng mga kasangkapan sa pag-aayos ng jeep ng kanyang tatay. Nakikita niya kung gaano kagaling ang kanyang ama sa pagkukumpuni ng isang kotse. Napahanga siya sa husay ng kanyang ama. Hindi na napigilang sumingit nito sa pagkakataong iyon.

Nagsalita si Marko “Tay, gusto ko rin maging isang katulad niyo. Gusto ko din mag-ayos ng sasakyan”.

Sa ilalim ng jeep, lumabas sa pagkakahiga ang kanyang ama. Tila bagang hindi natuwa sa sinabi niya.

Tuluyan ng nagalit sa tanong ni Marko ang kanyang ama at nagsalita ito sa kanya “Anong sabi mo? Alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Hindi mo ba alam ang buhay ng pagiging driver? Mahirap ang buhay dito, anak. Wag mo ng pangarapin. Mangarap ka ng mas mataas. Magsikap ka. Ang gusto ko sayo. Maging isa kang magaling na ‘Mechanical Engineer’. Halos parehas lang din yun anak. Hahawak ka din ng mga gamit ng isang mekaniko. Diyan ka yayaman. Magaling ka pa naman sa Math”.

Natuwa at nabuhayan ng loob si Marko. Nagkaroon siya ng isang inspirasyon.

Kapag walang ginagawa sa kanilang talyer, tinuturuan siya ng kanyang ama na magpatakbo ng isang sasakyan upang sa ganun ay may mautusan sila kapag may bibilhin lalo na sa malayong lugar. Kahit na ganun pa man, sinisikap ng kanyang ama na itatak sa isipan ng kanyang anak na mahalaga na makapagtapos ng kolehiyo at makahanap ng magandang kumpanya.

Nakapagtapos si Marko ng kolehiyo sa kursong ‘Mechanical Engineering’ sa siyudad ng Batangas. Pinilit niya ito kahit hindi siya kumportable dito sa kursong ito. Wala ng pasubali pa. Naghanap nalang kagad siya ng trabaho. Maganda ang kanyang napasukang trabaho ngunit hindi niya parin magawang maging masaya sa engineering. Alam niya sa sarili niya kapag ipinagpatuloy niya pa ito. Mas lalo lang siyang hindi magiging masaya.

Umalis siya sa kumpanyang iyon.

Inilihim niya sa kanyang ama na nag-resign siya sa kanyang pinapasukang trabaho. Ang puso niya talaga ay nasa kotse. Sa paggawa ng kotse. Hindi na siya nag ubos pa ng panahon kaya pinagsikapan niyang pag aralan ang bawat parte ng isang kotse ng walang tulong ng manual ng libro.

Malaki naman ang alam niya sa mundo ng pagme-mekaniko kaya sinubukan niyang gumawa ng kakaibang kotse. Nangalap siya sa internet ng iba’t ibang impormasyon. Nagtanong sa mga kakilala. Pinag aralang mabuti ang paggawa ng kotse.

Mataas ang pangarap ni Marko. Gusto niyang maging mayaman upang may mapatunayan siya sa kanyang pamilya. Nais niyang makatulong sa kanyang tatay.

Ilan taon niyang itinago ang kanyang napiling trabaho sa kanyang ama. Alam niya kasi kapag nalaman ng kanyang ama na huminto siya sa pagta-trabaho sa engineering company ay siguradong magagalit ito.

Gumawa si Marko ng pinakamatibay na sasakyan. Ito ang pinakamagandang bus sa lahat. Mayroong matibay na gulong na kahit na anumang matulis na bagay ay hindi ito masisira. Mayroon matibay at makapal na katawan ang bus na anumang bagay na sumalpok dito ay hindi ito masisira ng basta basta. Mura ang mga ginamit na materyales sa paggawa niya ng kanyang sariling bus ngunit matibay ang kalidad nito kumpara sa iba.

Nabalitaan niya sa isang diyaryo na mayroong expo na nagpapakitang gilas ng iba’t ibang klase ng sasakyan. Hindi na siya nag-atubuli pa at daling sumali upang ipakita ang napakaganda niyang imbensyon na bus.

Maraming humanga sa nagawa niyang sasakyan. Maraming napabilibsa kakaibang disenyo nito. Marami ring mayayamang tao ang nais gamitin ito sa pakikipagkalakaran at pagbabakasyon.

Naibalita sa buong mundo ang kakaibang desenyong gawa ni Marko. Nagulat at napabilib ang kanyang ama sa nabalitaang imbensyon ni Marko.

Tumawag naman siya sa kanyang ama sa telepono “tay, matutupad ko na po ang mga pangarap. “ Sinundan ng mga salitang. Tutuparin ko ang sinabi kong “Paglaki ko, pangarap kong maging mayaman para dumami ang pera ko”. Masayang masaya naman ang ama sa sinabi ni Marko. “Babalik po ko diyan Ama”. Hindi na nagtanong pang muli ang ama.

Ipinakalat ni Marko sa buong balita na tanging mayayaman lang ang makakasakay sa kanyang naimbentong sasakyan.

Kaya, tinanggap na rin niya ang alok ng mga mayayaman na libutin ang Pilipinas gamit ang bus na ito kapalit ng mahal na halaga ng pera.  

Ang loob ng bus ay binubuo ng mga kilala at mayayamang tao na pasahero.  Mga mayayamang negosyante ang sumakay dito. Kasama na rin ang mga kilalang politiko. Pati na rin ang mga sikat na artista.

Lahat ng ito ay may kanya kanyang regalo para kay Marko. Bilang paghanga sa kanya. At dadagdagan pa nila ito kung maipunta niya ang mga mayayaman sa ‘isla ng kayamanan’. Ang islang tanging tatlong tao palang ang nakakatapak sa lupaing iyon.

Sa kanilang mahabang biyahe. Napuntahan na rin nila ang pinakadelikadong lugar bago mapunta sa islang gusto nilang puntahan. Mayroong malaking halaga si Marko kapag nagtagumpay siyang madala ang lahat ng pasahero sa islang iyon.

Huminto sila sa isang gate at hinarang siya ng isang balbas saradong lalaki.

“Sir magandang umaga po, san po ang punta nila?” Tanong ng Lalaki.

“Doon po kame sa ‘isla ng kayamanan’. Gamit ko po pala ang bagong imbensyon kong bus sakay ko ang mga kilala at mayayamang tao sa Pilipinas.”Sagot naman niya sa nagtanong.

“Sir, kung hindi niyo po alam, delikado pong idaan ang sasakyan niyo sa lugar na ito. Kailangan niyo po ng mag-gagabay sayo. Libre lang naman po ito. At ito rin naman ay kung gusto niyo o hindi magpasama. Papayagan naman po namen kayo kung ayaw niyo po ng alalay o mag gagabay sa inyo. Baka maligaw lang po kayo.”

Hindi pumayag si Marko.

“Hindi na siguro Sir. Kabisado ko na rin naman tong daan na to. Saka sa bilis at tibay nitong kotse na to. Malamang hindi  uubra ang sira para dito.” Pagmamayabang na sagot muli ni Marko.

“Sige po sir, kayo po ang bahala, okay lang naman din po. Mag ingat po kayo. Mapeligro po ang daan.” Payo ng lalaki.

“Sige, paano! mauna na kame”. Sabi ni Marko.

Binigyan nalang niya ng pera ang lalaki. Nilagay nalang niya ito sa may bintana ng hindi nalalaman ng lalaki. At tumuloy na ito sa kanyang biyahe.

Sa kanyang pagmamaneho, madulas at masuok ang daan. Habang tumatagal, mas lalong lumalabo ang kanilang salamin sa harapan.

May isa namang mayamang nagtanong sa kanya. “Pare bakit di ka pa nag-pa-guide sa manong. Sayang naman”

“Hindi na kailangan po sir. Makakarating po tayo dun” Sagot ni Marko.
“Ikaw bahala. “ sagot ng negosyante.
Mga ilang minuto pa, may lumapit na bata sa harapan at tinanong ang katabi ng driver.
“Saan po ako pwedeng magdasal?” Tanong ng bata.
“Ay nako iho, walang dasalan dito. Ginawa itong sasakyan na ito para magsaya hindi para sumamba. Kung gusto mo, magdasal ka diyan sa upuan mo, pwede naman eh. Di uso rito ang ganyan”

Hindi na sumagot ang bata. Nagtanong muli nalang ang bata sa driver. “Wala po ba akong pwedeng mapagdasalan dito sa loob ng bus. Natatakot po kasi ako”

Sumagot si Marko “Walang lugar dito para sumamba. Ginawa ko tong sasakyan na to ng matibay na matibay. Ito ang inyong panahon para magsaya. Kaya maupo ka diyan at malapit na tayong makarating sa ating paroroonan. Wag kang mag alala. Ligtas ka rito.“

Tuloy ang tawanan ng lahat. Masayang nagtatawanan ang lahat. Nagku-kwentuhan at nagkakainan.

Hindi na muling nagtanong ang bata.

Naniwala ang bata sa sinabi ng driver. At di na muling binalak pang magdasal. Binanggit nalang niya sa driver na “Alam niyo po ba, paglaki ko, gusto ko pong maging ‘Mechanical Engineer’, gusto kong magkumpuni” Sambit ng bata. Napangiti nalang si Marko sa sinabi ng bata at itinuloy nalang ang pagmamaneho.

Nagtatawanan pa rin ang lahat ng tao sa loob ng bus.
Sa pagpapatuloy ng kanilang biyahe, tumambad sa kanila ang makapal na makapal na usok. Hindi na maaninag ng driver ang daan. May isang nangamba sa daan: “Huminto kaya muna tayo?” Sabi ng isang pasaherong artista.

“Nagsalita naman ang driver “Wag ka pong mag alala mam, usok lang po yan. Malalagpasan din natin yan. “ sabi ni marko.
Tuloy tuloy lang sa pagmamaneho si Marko. Tiwala siya sa tibay at kapal ng kanilang kotse anumang ang mangyari.
Sumunod na pangyayari naman. May narinig siyang isang pagputok. Alam ni Marko sa sarili niya na ang pumutok na iyon ay ang kanyang gulong sa likuran.Hindi niya ito pinansin. Itinuloy niya pa rin ang lahat.
Nagpatuloy sa pagmamaneho si Marko ng walang pinangangambahan. Mga ilang minuto pa. May natanaw siyang umiilaw na isang kastilio. Natuwa siya sa kanyang nakita. Isa itong pag asa para sa kanya.
 “May balita ako senyo, natatanaw ko na ang isla”. Pasigaw na sabi ni Marko.
Naghiyawan at natuwa ang lahat sa balitang iyon.
Binilisan ni Marko ang kayang pagmamaneho. Ngunit hindi pala ito isang isla kundi isang makapal na usok na kumikislap at ang nasa baba nito ay isang napakalalim na bangin. Ambilis ang lahat ng pangyayari. Walang nakakaalam na bangin pala ang dulo na iyon. Nahulog ang lahat sa bangin na iyon. Walang natirang buhay sa loob ng bus.

Ito ay isang aral na sa sobrang tiwala na natin sa mga gawa natin. Nakakalimutan nating humingi ng tulong sa Maykapal. Nakalimutan na nating dumulog sa kanyang kaligtasan. Nasilaw tayo ng pera at karangyaan. Kapag alam natin matibay ang sinasandalan natin. Hindi na tayo sumasandal sa Diyos.





Tuesday, March 22, 2016

MAGKAISA SA IISANG DISKARTE


Hindi ka totoong ‘Dugong Pinoy’ kung hindi mo alam ang matunog noon na larong ‘piko’. Ito ang isa sa pinakasikat na laro sa Pilipinas. Marahil ay naabutan mo nalang ang games sa ipad, android at etcetera. Hindi ka tunay na Pinoy kung ganoon lang din. Dugong banyaga ang nanalantay sayo. Dugo ni Steve Jobs ang sumalba at nagmulat sayo.

Iku-kwento ko lang senyo ang istorya ng dalawang magkaibigang naglalaro palagi ng ‘piko’. Ang larong ito ay pu-pwedeng sa dalawa hanggang walong manlalaro. Lalaki man o babae. Mayroon dibisyon ang bawat hahakbangan sa lupa o sahig. Minsan itoy nakasulat sa chalk o sa permanenteng pintura. Kailangan makabalik ang manlalaro sa lahat ng hinakbangan na may dalang balat ng saging.

Ang kwentong ito ay naganap sa pagitan ng dalawang magkaibigan na ang nais ay maglaro at manalo. Sila’y mahilig maglaro ng piko tuwing hapon sa kanilang kalsada. Walang sinuman ang  nagtatangkang sumali sa kanilang laro dahil silang dalawa lang naman ang nakakaalam ng rules sa kanilang laro. At saka ipinagbawal din kasi ng kanilang mga magulang ang maglaro sa ibang bata ng baril-barilan at wrestling na minsa’y humahantong ito sa sakitan. Kaya ito nalang ang pinili nila, ang larong 'Piko'.

Si Dodong ang may hawak na maraming balat ng saging at si Nonoy naman ang may  tanging iisa ang dalang balat ng saging.

Sa kalsada…
Nonoy: Game Dong, laro ulit tayo!
Dodong: Sige ba!
Dodong: Ikaw na ang magsulat sa lapag, ikaw ang nag-aya eh.
Nonoy Wow, ikaw na nga tong inaya ko. Ayoko pa ang nautosan. Hiyang hiya naman ako.
Dodong: Wag ka na umangal. Sige na.

Sinimulan nalang ni Nonoy ang mag-guhit sa lapag. Nagsukat at nagbilang.

Ang balat ng saging ang nagsisilbing pananda kung saan sila dapat tumapak. Kumbaga, ito ang magiging marker mo kung saan mo gusto pumunta na pwesto. Sila mismo ang maglalagay o magbabato ng balat na ito at doon sila aapak. Mayroon walong hakbang para makapunta sa dulo at mayroon ding walong hakbang para makabalik sa simula. Sa loob nito, dapat maglalagay ng balat ng saging o pamato ang manlalaro para makapunta roon.

Nonoy: Ano Dong, anim ba o gawin ko ng walong hakbang?
Dodong: Gawin mo ng walo. Kayang-kaya ko naman yan eh. Sisiw.
Tapos ng guhitan ni Nonoy ang kanilang paglalaruan. Nasa tamang sukat at bilang ang mga ito.
Naunang naglaro si Nonoy. Sabi niya.
“Oh, Una na ako, iisa lang naman ang dala kong pamato eh. Ikaw marami.”
Sumagot naman si Dodong
“Ikaw bahala, yan lang ang mararating mo. haha”. Patawang sagot ni Dodong.

Tanging isa lang ang dalang pamato ni Nonoy, hindi dahil wala na siyang mahanap na ibang pamato kundi mas sanay siya sa isang pamato lamang na dala-dala. Ngunit hindi siya nangangamba. Ang gusto niya lang naman ay makapunta ng dulo at makabalik.
Nonoy: Okay! Magsimula na ako!
Tinanggal ang tsinelas at humanda na sa paglundag.
Ibinato niya sa malapit ang kanyang balat , iniligay niya ito sa pangalawang hakbang upang mas madali niya tong makuha at maabot.
Humirit naman si Dodong
“Ang la-lapit naman ng mga nilalagay mo, matagal tayong matatapos niyan.”
Hindi pinakinggan ni Nonoy ang pang-gugulo ni Dodong. Itinuloy niya lang ang kanyang paglalaro.
Dinampot niya ito at iniligay muli sa paniwabagong hakbang ang mga balat. Ito ngayon ay sa pang apat.
Bawat hakbang na napupuntahan niya ay mayroon naman itong kalakip na pagsasayaw o pagsasaya. Upang siguro’y sa ganun, anumang sabihin ni Dodong sa kanya, hindi siya masira sa paglalaro. Binabanggit niya pa palagi ang salitang “YES” sa tuwing may nahahakbangan ito.
Dinampot niya ang pamato  at naglagay muli ng medyo malapit, nagbato siya muli sa pangpitong hakbang, kung susumahin, lumalabas na tatlong hakbang ang nadagdag. Alam niya naman maabot niya ito. Kaya itinuloy niya pa rin.
Dodong: Ang tagal mo naman Noy. Para kang pagong eh.
Nonoy: Wag kang magulo diyan. Manood ka nalang Dong.
Tawa lang si Dodong.
Hanggang sa matapos na si Nonoy at naabot ang dulo. Nakabalik siya mula sa simula ng paunti unting hakbang. Bakas sa mukha ni Nonoy ang sobrang kagalakan sa natapos niya. Tumalon talon siya sa tagumpay.
Sambit ni Dodong “Hay sa wakas, natapos din.”
Si Dodong naman ang sumunod.
Dodong: Tignan mo ko ah. Pagsasabay sabayin ko yang mga mapato.
Marami siyang hawak na pamato. Alam niya sa sarili niyang marami siyang mapupuntahan kasi marami siyang pamato kaysa kay Nonoy.
Ibinato niya ang kanyang unang pamato sa panglima kagad. Nung lumundag na si Dodong, nailundag niya ang kanyang mga paa ngunit ito ay tumama o naiapak sa linya. Samakatuwid, hindi pasok sa laro ang kanyang hakbang.
Humingi siya ng isa pang pagkakataon kay Nonoy sabi nya:  “Ay wait, isa pa, testing palang iyon.” Natawa din siya sa kanyang sariling pagkakamali.
Pumayag naman si Nonoy at pinaulit si Dodong. Inilagay ni Dodong ang kanyang pamato sa pang apat.
Nonoy: “Oh pang apat na  yan ah. Kayang kaya mo na yan.”
Ito’y pagbibigay ng lakas para kay Dodong.
Nang hinakbang na ni Dodong ang kanyang mga paa at inabot ang pang apat. Ito ay natalisod. Napahiga siya sa lapag at parang kinukuryente ang kanyang mga paa.
Dali daling inalalayan siya ni Nonoy. Hinawakan niya ito at pinagpahinga muna saglit.
Natalo sa round na iyon si Dodong. Mga ilang minuto lang. Nawala ang pangingirot ng kanyang mga paa.
Tumayo ng kaunti si Dodong. Bumwelo. Kaya’t  sumubok muli siya. Sinubukan niyang malapit lang pero dahil nga sa dami niyang hawak. Binato niya nalang lahat ng hawak niyang pamato. Mayroon siyang inilagay sa pangalawang hakbang , sa pangatlo at sa pang apat. Balak niyang unahing lundagan ang  pangatlo at kunin nalang ang pamato sa pangalawa at pang apat
Nonoy: Ano Dong, kaya mo pa ba talaga? Sigurado ka? Baka mapano ka ulit.
Dodong: Kaya ko to.
Nonoy: Tulungan kita?
Dodong: Kaya ko to mag isa. Di ko kailangan ng tulong mo.
Mainit na ang ulo ni Dodong.
Sa huling pagkakataon.  
Nagtagumpay naman siya sa pangatlong hakbang ngunit nung kukunin na niya ang pamato sa kanyang likuran, ay biglang sumakit ang kanyang likod at napahiga muli si Dodong.
Nonoy: “Oh anong nangyari sayo?“ Gulat at takot ni Nonoy sa nangyari.
Dodong: “Ang sakit noooooy, tulungan mo ko, uuurrrhg.” Pamimilipit sa sakit ni Dodong.

Lesson: Walang pinagkaiba ang buhay ni Dodong sa buhay ko. Naligaw ako. Naguluhan ako. Nataranta . Nagmadali ako. Nagyabang ako sa mga nangyari. Nakalimutan kong panghawakan ang mga dapat kong abutin. Kaya sa huling pagkakataon, kung maglalagay ako ng goal, dapat realistic at hindi marami. Hindi ko pagsasabay sabayin. Hindi mahalaga na marami akong dala-dalang inpormasyon upang maaabot ko ang isang bagay. Kailangan ko lang pala ng tapang, lakas ng loob at determinasyon sa kung sino ako at kung ano ang mayroon ako. At ang pinakamahalaga, ay ang wag bitawan ang nasimulan kong pangarap. 

Tuesday, March 8, 2016

THEY SEE MY SHIT THAT WERK WERK WERK WERKWERKWERK.


Isang umaga, sa isang terminal ng bus ay naghihintay ng pasahero ang bus driver at konduktor. Lilima palang kasi ang sumakay sa kanila ngunit mag-aalas otso na. Lalagpas na sila sa itinakdang oras sa pag-stay nila sa terminal na iyon.

Bus Driver: “Tara Body, alis na tayo, sa buendia nalang tayo humanap ng pasahero. Diskartehan nalang naten to.

Konduktor: Sige Body, i-abante mo na!

Ilang sandali pa, may pumasok na grupo ng mga lalaki at babae. Sila ay nakaporma upang mag-travel sa malayong lugar. Lahat ng mga kabataang ito ay kumakaen ng shawarma. Sumunod naman ang mga grupo rin ng mga construction worker, hindi bababa sa sampu ang bilang nila, sila’y galing sa trabaho at pawang uuwi pa lamang sa kanilang tahanan. Magkahalong pawis at amoy ng pabrika ang mga katawan ng mga lalaki. At mga ilang minute pa, nakalayo na ng bahagya ang bus, may napansin pa ang driver na kumakaway na tatlong estudyanteng babae, mga batang ang aga aga, ice cream kagad ang kinakaen. At  pinasakay niya ito. Sumunod muli ang dalawang binata at dalaga na magkasintahan na sumakay. Sinundan naman ng dalawa pang pares ng magnobya. At ang pinakahuli ay ang pinakamatandang lalaki, inalalayan ng konduktor habang ito’y aakyat pa lamang ng bus. Isa pala itong pulubi sa kalye. Madumi ang suot ng matanda.

Kumpleto na ang upuan ng bus. Kaya’t ito na ang tamang oras para ipamigay ng konduktor ang lahat ng ticket. Hindi pa siya natatapos sa pagbibigay ngunit huminto na ang bus sa lugar ng sinasakyan nila para sa lalaking mag-iinspection ng kanilang biyahe, binibilang ng lalaki iyon kung ilang pasahero ang laman o sakay nila sa bus.

Nang natapos na niyang bilangin ang mga pasaherong sakay at ang konduktor naman ay itinuloy na ang pamimigay ng ticket sa lahat. Nagkwentuhan muna saglit ang Bus Driver at ang Bus inspector.

Bus Inspector: Di ko pa pala naikwento sayo Pards, nagtitinda na pala ang katulong namen sa bahay ng mga paninda. Gusto niyo patikim ko sa inyo?

Bus Driver: Sige, asan? Akin na.
Ibinigay ng Inspector ang turon at maruya.
Bus Driver: “Wow Pards, mainit init pa ito ah.”
Bus inspector: “Ay syempre, da best magluto ang  kasambahay namen. Magugustuhan mo yan.”
Bus Driver: “Hhhm Masarap pare, sakto wala pa akong agahan. (Naubos niya kagad ito at itinapon na ang plastic sa basurahan) Sige pare. Mauna na kame. “

Bumiyahe na rin ang Bus Driver dahil nga male-late na sila. At natapos na ang konduktor sa pamimigay ng ticket at siningil na kagad niya ito ng kani-kanilang mga bayad. Nagparinig ang konduktor sa lahat. Parang mayroon siyang naaamoy na kakaiba.

“Kung mayroon po tayo diyan mabigat o mga pagkaen sa bagahe, pwede po nating ilagay sa itaas o sa labas( lagayan ng bagahe).” Wika ng konduktor na kanina pa naiinis ang ilong sa naamoy na baho.

Sa kalagitnaan ng biyahe, may malakas na boses ang nagsalita, isang reklamo ng estudyanteng nakakaamoy ng mabaho. “Bakit may mabaho?”. Narinig ito ng lahat at nagsimula ng magtinginan ang lahat sa isat’isa. Sigaw ng iba “Oo nga, ang baho”.

Napakasangsang ng amoy na kumakalat sa loob ng bus. Aroma ng isang bulok na durian. Parang pinaghalo halong bulok na sinigang na baboy at suka ng lasing. Sobrang nakakahilo sa baho.

Nagsalita muli ang konduktor: “Kung meron po diyang natae, pwede po tayong magsalita. Please”

Wala pa ring umaamin sa lahat. Napikon at nagalit na ang konduktor sa sobrang baho. Pati na rin ang bus driver. “Body, sino kaya yun, huli mo na ba?. Sumagot ang konduktor: “hahaha Tang ina nga eh, wala pa rin umaamin. Bullshit.”
Bus Driver: Ano tuloy pa ba naten to?
Konduktor: Ikaw bahala, hawak mo yan eh. Saka wala eh, nasa trapik na rin tayo at malayo na rin  tayo.
May narinig ang konduktor na isang ire galing sa malayo kaya lumapit siya kagad rito. Nilapitan niya ang batang umiire ngunit ayaw tumingin ng bata sa konduktor. Nang kinalabit niya ito, nalaman niya na nasasamid lang pala ang bata. Nilapit niya ang kanyang ilong pero wala namang naamoy ito mula sa bata. Tumalikod siya at nakita ang isang panget na worker. Tinuro niya ito at ipinaamin. Hinawakan sa kwelyo at sinabing “Ikaw ang tumae noh, umamin ka, kitang kita sa mukha mo na tumae ka,”. Sagot naman ng worker: “Hindi po, amuyin niyo pa po ko eh”. Tama nga ang worker, hindi nga siya nagsisinungaling. Mabango ang worker na ito. Hindi mabaho.

Sumenyas naman muli ang Bus driver sa Konduktor “Ano Body? Huli mo na?
Sagot neto: Wala pa rin Body, pero kapag nahuli ko yun. Papalabasin ko yun at isusumpa ko yung taong yun. Napakawalang modo niya. Nakakadiri siyang tao. Umiikot pa rin sa bus ang masangsang na amoy na dinulot niya. Bwakanang ina”
Bus Driver: “Nako siya”
Tumingin muli ang konduktor sa mga pasahero, sa pagtanaw niya sa medyo malayo. May napansin siyang isang lalaking naghahalungkat at ayaw magpakita rin ng mukha. Nilapitan niya ito. Sa paghahagilap ng pasahero ng kanyang gamit, lumabas ang pares ng medyas. Kinuha ng konduktor at nagtanong: “Kaya pala mabaho eeeeh. Ito pala mabaho eeeeh.”

Sumenyas na ang konduktor sa driver: “Body, huli ko na, eto na yun”. Ngunit nang inamoy niya ito, wala naman siyang naamoy na kahit na anong mabahong amoy. Nagkamali at napahiya na naman siya sa pangatlong pagkakataon.
Sabay naman huminto ang driver ng pagkabilis bilis sa pagmamaneho. Ang iba ay nauntog ng malakas sa prenong ginawa ng Bus Driver.
“Kay malas naman ng araw na ito” Sambit ng driver at hinampas niya ang manibela.
Konduktor: Body, nakabangga na naman ba tayo?
Bus Driver: “Hindi Body, hindi ko na napigilan.” Biglang karipas ng takbo ang driver.
Sumunod na rin bumaba at lumabas ang konduktor ngunit wala siyang nakitang bangga o sira sa labas ng bus. pagbalik niya ng bus, isa lang ang nakita niya, isang jerbox sa upuan ng driver.

Sumigaw ng napakalakas ang konduktor.
Konduktor: Tang ina mo, Body. Hayup kaaaaaaaa. Ikaw palaaaaaa.

Monday, March 7, 2016

GALIT NG LANGIT


Namulat kagad sa maduming buhay si Jonel. Magkahiwalay ang kanilang magulang. Ang kanyang ama ay nagta-trabaho sa isang lumang sinehan sa tabi ng Libertad sa Pasay. Araw-araw pagka-galing sa eskwela ay direcho kagad siya sa madalas niyang laruan, ang itaas ng kanilang sinehan. Nasasaksihan niya palagi ang lahat ng malalaswang gawain sa loob nito. Maraming bumibisitang bakla at mga matrona sa konsyertong iyon.

May isang araw, wala ang kanyang tatay dahil bumili ito ng kanilang kakainin sa buong hapunan kaya iniwan muna siya upang magbantay sa kanilang bahay.

Isang mahiyaing bata si Jonel. Hindi siya gaya ng ibang bata na sobra kung gumala, basta sa bahay lang siya. Dumaan pa ang ilang oras, mayroong dumating na mapang-abusong lalaki, nagtanong ito sa kanya kung nasaan ang kanyang ama at ang sagot nito ay: “Wala po si tatay ditto”. Sa kasamaang palad, nag atubili ng mag aya ng pagtatalik ang lalaki kay Jonel. Pangyayaring hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil una palang naman niya itong narinig sa buong buhay niya. Hindi siya pumayag. Lumayo nalang siya at naglaro muli. Sa kanyang pag iwas sa lalaking iyon, mga ilang kilometro pa ang distansya ay may matatanaw na katabi sila na kwarto, bukas ito at nasisilayan niya ang pagtatalik ng isang babae at lalaki.

Matagal na nakatunganga ang bata sa gumagawa ng kahalayan na iyon.  Tuluyan na siyang naguluhan dahil ibang uri ng Gawain ito. Nag alok pa rin ang lalaki sa pangalawang pagkakataon ngunit sa sumunod na ito, nagbibigay na ang lalaki ng salapi upang pumayag na si Jonel.

Wala ng nagawa pa ang bata sa mga sumunod na eksena. Tinanggap na niya ang perang inaalok. Pumayag na rin ang lahat ngunit ibinato nalang siya sa babae at sumabay siya sa pakikipagtalik sa lalaking kasama nito habang nanonood ang nag-utos sa kanya. Walang nagawa si Jonel kundi sundin ang iniuutos nito dahil nga sa kapalit na binigay. Sa murang edad, dito na namulat sa maduming mundo  si Jonel.

Halos kagaya din siya ng normal na mga bata. Isang musmos na mayroon sapat na talino at kaalaman. Sa paulit ulit na paglalaro niya sa lugar na iyon. Dala dala niya pa rin ang natikman kasamaan noon. Ang makamundong pagnanasa na naging mitsa ng simula ng kalbaryo ng buhay niya.

Hindi nalaman ng kanyang ama ang sinapit niya nung nawala ito. Humiling siya sa kanyang tatay na bumalik nalang muna sa probinsya nila. Pumayag naman ang ama kaya’t makakasama na niya muli ang kanyang nanay.

Napaka-simple lang ng buhay niya sa probinsya kasama ang kanyang ina. Mahaba ang ginugul na taon ni JOnel sa piling ng kanyang ina. Nang tumuntong na sa kolehiyo si Jonel. Mayroon na siyang isang nobya. Mahal siya nito at paghahanapbuhay lang ang kanilang ginagawa sa maghapon sa kanilang bukid.  Sa sistema ng buhay nila doon, napakabigat ng pataw na kasalanan kapag ikaw ay nagnasa sa iyong pamilya. Sa di maipaliwanag na pagkakataon, nakatulog si jonel habang nagtitinda at ang kanyang kasintahan naman ay may binili lang saglet sa kabilang tindahan. Hindi na nila namamamlayan na ninanakawan pa pala sila ng mga batang yagit. Naubos ang kanilang paninda.  Pati kaban na inipon nila. At ang lahat ng kinita ay tangay.

At wala silang nagawang dalawa kundi magsisihan na lamang.

Kaya’t umuwi ng bahay na lamang si Jonel  dahil sa sama ng loob. Isa lang ang nadatnan niya sa kanilang tahanan, ang kanyang na- iisang kapatid na babae. Ang kanyang kapatid ay nag aaral pa lamang sa elementarya, napakagandang bata at mana ang mukha nito sa kanyang nanay. Tinangkang silipan ni Jonel ang kanyang kapatid nang ito’y pumasok sa palikuran nila ngunit hindi na ito nakapagpigil at pinasok na niya sa CR ang kanyang kapatid.

Kapatid: Kuya, bakit ka pumasok? (pagkagulat ng kanyang kapatid)
Jonel: Wag kang sisigaw, malilintikan ka saken. Sumunod ka nalang sa akin.
At tuluyan na ngang na-rape ni Jonel ang kanyang kapatid na babae. Sumigaw-sigaw ang kanyang kapatid at nakita ito ng kanyang ina. Huli sa akto ang ginagawang kababuyan ni Jonel. Sakit at gulpi ang inabot ni Jonel sa kanyang ginawa. Inilaabs siya ng kanyang ina gamit ang pananakit. Nabalitaan ng lahat. Nagulpi siya ng mga kamag anak nila at ng nanay nito.

Nabalitaan sa buong lugar ang ginawa ni Jonel sa kanyang kapatid. Sobra sobra ang galit na naramdaman nila kay Jonel.

Pinaghiwalay ng mga pamilya ang karelasyon ni Jonel. Halos hindi na makikilala sa gulpi si Jonel sa tinamong sugat nito sa mukha. Naghiwalay sila ng nobya niya. Sa sobrang sakit na ginawa nito sa pamilya niya ay pwersang pinalayas si Jonel sa kanilang lugar. Kaya’t nagpakalayo layo na talaga si Jonel upang makalimutan ang mapait na kahapong kanyang nagawa.
Sa buhay na bumungad sa kanya sa Maynila. Ito ay hindi pangkaraniwan kaysa sa buhay sa kanilang probinsya. Napansin niya na malaki ang pinagbago pala ng nakamulatan niyang pananamit kaysa sa Maynila.
Jonel: Ibang iba na talaga ang mga babae ngayon.

Bigla siyang nagulat sa ikli at kaunti na suot ng mga babae dito. Kaya sa tuwing mayroon siyang kakausaping babae upang magtanong para sa kanyang hindi pa alam na kalakaran sa lugar doon, mas lalo lang siyang nadedemonyo at mas lalo lang bumabalik ang ala-ala sa mga nagawa niya sa kanyang sariling kapatid at lalo na sa naging karanasan sa sinehan kapag nakakakakita ng maalindog na babae.

Hindi siya sanay makipag usap sa ibang tao lalo na sa babae. Ang maganda, maputi at maalindog na babae ay agad siyang nahuhulog at nawawala sa katinuan. Si Lexa ang kanyang  naging unang kaibigan sa kanyang tinutuluyang bahay. Ito rin ang babaeng tumulong sa kanya sa mga pasikot sikot sa lugar na iyon.  Naging maayos at matalik na magkaibigan silang dalawa. Si Lexa lang ang kausap niya sa tuwing nagkakasabay sila sa Laundry Area ng boarding house na kanilang tinutuluyan.

Isang umaga ng linggo, nakita niyang nagbubuhat ng timba ang babae galing sa itaas na hagdan.
Jonel: Uy lexa, tulungan na kita, mabigat ang magbuhat ng isang timbang tubig. Saka bakit galing ka sa itaas. May tubig naman dito ah.
Lexa: Ah meron na bang tubigdiyan. Kanina wala. Ay salamat Jonel, nakita mo ako. Muntik na atang mapigtal tong kamay ko sa kakabuhat. Sinabay ko na ring buhatin yang mga yan kasama ng mga damitan. May tubig sa itaas, kanina walang tubig saka sayang naman kasi kung babalik ulit ako.  Salamat salamat ah.
Jonel: Walang anuman, ikaw pa Lexa.
Tuwing linggo, laging sabay sila sa paglalaba ng kanilang damit.
Magtatanghali na.
Lexa: Oh ikaw Jonel, di ka ba maglalaba?
Jonel: Ay tinapos ko na, kanina pa, may alis kasi ako maya maya. May lakad.
Lexa. Ah ganun ba, so, ibig sabihin wala na pala akong kasabay dito ngayon. Haha (Pabirong sagot ni Lexa, naghahanap siya ng magbubuhat muli ng mga damit niya)
Jonel: Parang ganun na nga, pero sige, tulungan kita. Parang kaunti lang nmn ang mga damitan mo ngayon eh. Sige.
Noon pa man ay may lihim na pagtingin na si Lexa kay Jonel kahit na hindi pa niya ito lubos na kilala. Sa ganda ba naman ng katawan ni Jonel, sino ba naming babae ang hindi magkakagusto sa kanya.
Lexa: Simulan na naten.
Nagsimula ng maglaba si Lexa. Nakaupo siya habang nagkukusot ng damit at si Jonel naman ang nag-iigib ng tubig. Tanaw ni Jonel ang dibdib ni Lexa na nakalitaw habang ito’y na-iigib ng tubig dahil ang suot lang ng babae ay isang manipis na sando. Sa pagkakabukaka ni Lexa sa paglalalaba at sa bawat kusot nito ng damit ay umaalog ang kanyang dibdib. Mas naloko ang isip ni Jonel.
Hindi na naman muling nakapagpigil si Jonel sa kanyang nararamdaman.
Bumalik muli si Jonel sa kanyang dating pagkatao. Lumayo ng sandali si Jonel at sinarado ang gate ng Laundry Area. Dahan dahang lumapit sa babae. Papunta sa likuran ay simula ng humalik ng panakaw ito. Pumipiglas piglas si Lexa.
“Anong ginagawa mo Jonel, tumigil ka, ayoko niyan” nagmamakaawa na sigaw ni Lexa. Hindi niya inaasahan na bigla mangyayari sa kanya ang ganun.
Sa pagkakataong ito, tinakpan ni Jonel ang mga bibig nito, ayaw niya pa ring pumayag  at bigla nalang siyang sinuntok sa tiyan. Nawalan ng malay ito. Binuhat ni Jonel si Lexa sa tagong kwarto at dito na nito sinimulang halayin ang kahinaan ni Lexa.
Tulala at balisa si Lexa pagtapos ng lahat ng iyon. Araw araw siyang umiiyak sa ginawa ni Jonel sa kanya. Normal na namuhay pa rin si Lexa sa kabila ng lahat. Nagkakasalubong sila minsan sa daan. Nagkakasabay minsan sa gate ngunit hindi na nagkikibuan.
At ang mga sumunod na araw pa, naglakas na ng loob si Lexa na kausapin si Jonel tungkol sa nangyari.
“Bakit mo ginawa sa akin yun? Maayos ang turing ko sayo, Bakit kailangan mo akong saktan, alam mo, gusto sana kitang ipakulong sa ginawa ngunit naaawa lang ako sayo”. Sambit ni Lexa.
Ayaw pa rin umimik ni Jonel sa lahat ng binibitawang mga salita ng babae.
“Kung ayaw mong magsalita, sa susunod na sasabihin ko, alam kong magigising ka sa katotohanan. Buntis ako Jonel at ikaw ang ama nito.
Hindi pa rin nagsalita si Jonel sa sinabi niya, kaya’t umatras nalang ito at hindi na nakipag usap.
Muling umiyak si Lexa sa pagwawalang kibo nito.
Mga ilang araw pa, tuluyan ng hindi nagpakita si Jonel. Lumipas ang ilang buwan. Sa pagdadalang tao ni Lexa. At sa wakas, nagkaanak siya ng dalawang lalaki. Naging malusog at normal ang mga bata. Pinangalanan niya ang isa na Charlie at  ang isa naman ay Larry.
Tinanggap na niya na hindi na muling babalik pa si Jonel para sa kanya.
Namuhay sila ng walang kahit na anumang tulong mula sa kanilang masamang ama.
Minsa’y nagtatanong ang mga bata kung sino ang kanilang ama. Tanging larawan lang ni Jonel ang naipapakita ni Lexa sa kanyang dalawang anak.
Pinilit nalang kalimutan ni Lexa ang masalimuot na pangyayari na ginawa sa kanya ni Jonel. Ni isang kusing hanggang sa lumaki ang mga bata ay walang natanggap na tulong ito galing sa mga ama nito.
Ilang taon pa ang nakalipas.
Nasa murang edad na ang dalawa. Nagkaroon na ito ng sari-sarili nilang buhay-asawa.
Si Charlie ay nabuhay kasama ang kanyang sariling pamilya sa Maynila, lumayo siya sa piling ng kanyang ina kahit hindi bukal sa kalooban nito at si Larry naman ay nasa Cebu. Parehas silang nakapagtapos ng maayos na pag-aaral. Sa tulong ng pagtitinda ng kanyang ina sa palengke ay naiahon niya naman ang kanyang mga anak. Lumaki si Charlie na katulad ng kanyang ama na may kademonyohan at suwail sa magulang. At si Larry naman ang masipag at masikap na anak na tumutulong palagi sa kanya habang itong nagtatrabaho sa palengke.
Isang araw, nabalitaan nila ang balita na pinasok ang bahay ni Charlie ng ilang masasamang loob. Pinilit daw ni Charlie na lumaban sa mga nanloob ngunit hindi siya nagtagumpay. At tuluyang namatay ito, nilimas ang kanilang ari arian at hindi pa nakuntento ang mga salarin, ginahasa naman ang kanyang asawa. Ang kanyang apat na babae ay ginahasa rin ng tatlong  nanloob na mga lalaki. Sa kanilang bahay. Lahat ay may dalang patalim at baril. Kaya hindi sila nakatakas.
Isang pangyayaring muling nagpalungkot sa buhay ni Lexa. Sobrang nalumbay ang ina.
Sobrang nagdalamhati si Lexa at si Larry sa masamang balitang kanilang natanggap.
Pinuntahan nila ang pangyayari ngunit wala ng malay ang apat na batang babae at si Jonel pati ang kanyang asawa.
Sa burol,
Hindi na napigilan ng ina na sabihin sa kanyang anak ang tunay na puno’t dulo. Alam niyang ito ang katotohanang magpapalaya sa kanila. Ang hindi pa rin napuputol na kasalanan sa kanilang pamilya.
Umiyak ng umiyak ang ina sa harapan ng libingan ng mga bata at ni Charlie.
Magkatabi ang mag inang si Larry at Lexa.
Lexa: Sasabihin ko na sa iyo to anak, wag kang mabibigla, ito na siguro ang tamang panahon upang malaman mo,  ginahasa ako ng tatay mo noon kaya naisilang ko kayo.
Hindi matanggap ni Larry ang katotohanan iyon. Na parang mas lalong gumulo ang istorya ng kanilang Pamilya. Nalaman niya na ganoon pala kasama ang kanilang tatay.
Hindi na tinapos ni Larry ang burol at agad na lumayo at tumakbong naiyak.
Ngunit unti unti niya namang nauunawaan ang dahilan kung bakit siguro nakasunod pa rin sa pamilya nila ang insidente ng “panggagahasa”.
Lumipas ang ilang buwan,
Sa gitna ng kanyang trabaho,sumakit ang ulo niya sa trabaho. Sinubukan siyang painumin ng gamut sa opisina nila ngunit parang mas lalo itong sumasakit, Kaya ang advice ng kanyang boss. Mas mabuti ng magpacheck up siya sa hospital.
Sinamahan si Larry ng isang katrabaho at lumakad na sila papuntang hospital.
Sa loob ng hospital,
Sa paglalakad niya sa corridor. Nadaanan niya ang isang restricted na room. Doon ang mga pasyente para sa may sakit na AIDS. Nakita niya muna ang apilyido ng tatay niya, at ang sumunod naman ang pangalan nito. Una nagtataka pa siya kung tatay niya ba talaga ang nasa loob o may kaparehas lang ang kanilang ama sa pangalan. Wala ng naging ibang desisyon si Larry kundi subukan tignan  kung sino ang nasa loob nito.
Tumingin muna sa paligid. At dahan dahang binuksan ang pinto.
Sa pagpasok ng kanyang ulo, wala siyang ibang natatanaw kundi may maitim na lalaki at isang lalaking naiyak din. Nagulat siya sa kanyang nakita. Nakita niya ang isang lalaking nakahiga sa kama na sobrang payat at di mo na makikilala ang pagmumukha.
Mayroong kasama ang lalaki na isang bakla. Ito ang nagbabantay sa pasyente.
Nasa loob narin naman siya ng room ng pasyente, kaya nagtanong na rin siya rito.
Larry: ahm, pwede po magtanong, Siya po ba si Jonel Lagro?
Bakla: Yes. Sino po sila?
(May kaunting luhang pumatapak sa mga mata ni Larry.)
Larry: Aaaaahm akoooo po ang anak niya.Ako po si Larry Lagro.
Nagulat ang bakla sa sinabi ng bata. Sagot nito, “talaga?”
Bakla: Ah ikaw ba ang anak niya, paano mo naman nalaman na nasa hospital ang tatay mo? May nag sabi ba sayo? Alam mo na ba ang nangyari sa kanya?
Larry: Hindi pa po.
Bakla: Kalm ka lang ah. Nagkaroon kasi siya ng sakit habang nagttrabaho. Nagkaroon siya ng AIDS.
Larry: Ha? Paano po nangyari yun? Kailan pa?
Ayaw sumagot ng bakla.
Pinipilit sumagot ni Larry ang bakla para umamin ito.
Bakla: “Ganito kasi ang nangyari nun, ang tatay mo ay isang dancer sa club ko. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkaroon siya ng customer na hapon, lahat yun mga babae. So, ang kwento niya sa akin, dinala daw siya sa di kilalang lugar. Imbes na trabaho ang puntahan niya dun. (Itutuloy ko pa ba to) ahmmm binaboy siya ng mga lalaki. Kung ano anong ipinasok sa kanyang katawan. Yun ang nangyari sa iyong ama. Pasensya ka na sasinabi ko.”