Monday, January 19, 2015

TINAMAAN NA NAMAN AKO NG MAGALING

Nakarinig ako ng alingawngaw galing sa kapitbahay at ang sabi.

Ilang pang pagkakamali ang gusto mong mangyare, para ma-realize mong hindi na talaga pwede.

Hindi ko alam kung galing iyon sa TV or boses ng tao. Kasi mahina lang kasi. Mahina din ang pandinig ko. Kaya walang dapat sisihin sa insidenteng iyon. Dapat nga bobombahin ko yun eh. Namumuro na saken yung bahay na yun eh. haha

Hindi ko matanggap kung baket nagbaliktaran ang mga taong kumakampi saken noon na maghanap na daw ako ng iba. Dahil nga sa kabalbalang ginawa saken ng magaling kong EX. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nagbago ang takbo ng trapiko. Nagbago din ang hairstyle ng boss ko. Pero may sarili naman akong desisyon sa buhay. May choice ako. Ako ang magpapatakbo neto. At ang mahalaga, puso ko ang masusunod.

Alam kong tama ang sa mga desisyon ko. Kung magkabalikan man kame ulit. Sisiguraduhin kong totoo na ito. At paano ko masasabing totoo, kapag nakapagtiwala na ako muli. Naniniwala kasi akong para pagkatiwalaan ko sila, matuto muna akong magtiwala. 

Ayokong dumating sa point na kapag nagkabalikan kame. Mayroon na kameng mga anak at kinasal na. Ayokong saka mauungat ang lahat at baka maulit pang muli.

Maaring pinagtapo lang tayo ng tadhana, pero hindi tayo ang itinakda. Toroy. Nabasa ko lang yan eh. Sumisigaw ng pagsitaaaaaaaaaaah..

Talagang mahirap mawalay sa taong kasama na ng routine mo sa buhay sa loob ng anim na taon. BadAssBitch.

Sino naman ako para hindi magpatawad. Kung hindi ako nagkakamali, Dapat hindi ako nagpapatawad. Eh nagkakamali din ako. EDI WOW.

Im tired of being Gwapo. Ayoko ng maubos ang oras ko para lang sa isang relasyon puro saket. Siguro eto na yung tamang pagkakataon maglaan naman ako ng panahon para sa mga gusto ko naman. 

Umalis na si Pope Francis, sana umalis narin sa katawan ko ang mga sama ng loob. 

Sa una, kailangan na kailangan kong masaktan talaga para sa huli alam kung na ang strategy kung paano lumaban.

At ang tunay na pag-ibig. Kusang dumarating. May sariling oras yan. Hindi ito parang inaagaw na damit sa ukay-ukay. 



Wednesday, January 14, 2015

Por Diyos Por Santo Ka Pag-ibig

Ang pinakamasarap intro-han ng mga ganitong eksena ay yung magsisimula ka sa "Pagmura." Ito yung moment na "Putang inaaaaa, narealize ko na kung gaano kasaket". Ang pagkakataong pwede kong isipan ng nakakatawang bagay pero hindi ko magawa. Sheeeeeeeeeet!

Hindi ko naman pwedeng balewalain lang ang ganitong istorya ng buhay ko kasi alam kong kasama to' sa mahahalagang pages ng buhay ko na kailangan kong harapin at matutunan.

Mantakin niyo ang ganitong sinabi:
"Kase wala ka sa tabi ko nung kelangan kita, walang kang time saken,what do you expect me to do?!" -E putang ina mo. Napakalandi mo. Ba’t d ka pa namatay? hahaha. Yan ang totoong nangyare saken.

Malakas talaga ako kumutob eh. Kaya pala nung nasaken yung girl na yun, Ang ganda nun eh, Nung kumaliwa lang, CHUMAKA na.

Pero may part paren naman na talagang masaklap na yung moment ko. Tulad nalang na scroll scroll down nalang ako kapag ang su-sweet ng mga friend ko sa fb. Jusmiyo. Wala eh. Bawal magcomment eh. Sasabihin na naman niyan.

"Okay lang yan Ben, makakahanap ka den."

Tangina ako na nga yung nagcomment ng maganda tapos ang isusukli mo naman saken pang iininsulto. Bakit ganun? Parang ampait ng kapalaran ko? Parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Huhu hehehe

Para akong hinahatak pabalik ng kahapon. Sinisira niya ang moment ng Now ko. Tinatakot niya ang future ko. Sadyang ganito talaga ang buhay. Binubuo ng Good at Bad Karma. Bawat pagkakataon ay may krisis at oportunidad para itama ang mga mali.

At wala parin mas sasakit sa pinakamasakit sa lahat ay yung nasingitan ka na nga sa pila sa WalterMart, naurungan ka pa ng Grocery cart sa paa. #AngChaket

Wala naman akong ibang alam kundi, dire-direcho lang ako sa gusto kong mangyare! Basta alam kong may magflashlight lahat ng dadaan ko.

Kung hindi ko kikiskisin ang puso ko para kumintad. Hindi ako magniningning. (Taray parang si Ate Shawie lang) "Unti unting mararating kalangitan at bituin, unti-unting kinabukasan ko'y magniningning."

At yung mga taong sawi, Ramdam ko na sila eh. Nangyayare den saken eh. Talagang umiikot lang eh. Yung tipong "Taena, yung ibang relasyon kahit ampapanget, pro tapat sila sa isat isa. Ako kung kelan nagseryoso saka ginago eh"

Nagtataka lang talaga ako. Ang itinanim kong galit. Ayaw talagang tumubo. Bakit kaya? Mahal ko o Malasakit gaya ni Pope Francis.

Dumating din sa point na namiss ko ng husto yung saya ko. Yung moment ba na sa sarili mo, alam mong makakatasan ka dito. Sasaya ka din. Giginhawa ka den. Magiging malaya ka den. Yan ang masasayang naiisip ko ngayon kahit pumipitik pitik ang saket sa dibdib ko.

Hindi ko naman din dapat pangunahan ang lahat. Hayaan nalang nateng humupa ang lahat parang baha. Ang mahalaga natuto ako sa mga pagkakamali ko. At alam kong maitatama ko pa.

Isa pang natutunan ko. Ay hindi pa pala. Dapat ko palang matutunan na ang Past at Future ay ilusyon lang. Tayong lahat ay dapat mabuhay sa Now. Tandaan niyo yan.

Hindi ko maipagkakailang minahal ko siya. Para ba gang pagkaen na “Once tasted, Ever wanted”. naks. Parang hipon lang.

Buti na nga lang tinantanan nako ng isang organisasyon patungkol sa Salvation na yan. Please! Sana wala na tayong problema jan ah. Hart! Hart!

Kailangan magkaron ako ng

NOTE TO SELF: Magiging maayos ang lahat. Sayang ichura ko.

Papatunayan ko sa sarili kong wala akong dapat patunayan! kasi tamad ako eh :)

Simple lang naman ang wish ko. Virtual hug lang ang need ko ngayon. Lakas maka-Kathryn bernando. Hahaha

Kung mahal ako ni God, ibibigay niya saken ng kusa si Beyonce.

Pero gagawin ko ang lahat. Ayoko ng better lang. Gusto ko yung bestest ang susunod. Ambisyoso ako eh.

Monday, January 5, 2015

HUSTISYA SA AKING LOVELIFE!

Tuluyan ko ng binaon sa lupa este binaon sa limot ang hindi magandang naidulot ng lovelife ko Noon. Marami rin naman magandang araw, at marami din talagang pains. Malamang nga, kung hindi dahil sa kutob ko, malaamang magkakaron na ko ng award in "Most Bopols of the YEar eh". Dapat talaga sa una palang hindi ko na itinuloy eh. Hiniwalay ko na talaga ang dati kong girlfriend. Isang malaking bangungot para sa akin. Tinanggap ko pa siya kahit konti pero habang tumagatal. Nasasaktan ako dahil mas lalong lumalabo yung sitwasyon. Alam mo yun, yung tipong kumukutob ka lang sa mga sinasabi mo, pero parang totoo kapag tumitingin ka sa mga mata niya.  At syempre, hindi na rin ako makikinig sa ibang tao kesyo kelangan ko daw magpatawad. Eh ako ba naintindihan niyo ang kalagayan ko nung niloko ako. Babae lang talaga yun kaya mukhang kaawa awa pero dapat talaga nagkaka-ketong silang dalawa sa ginawa nila eh. Hindi nila deserve ang huminga. Joke hahahahaha

Hindi man naparusahan ng mga awtoridad ang kababuyang ginawa saken ng ex-girlfriend ko at ng kanyang kabet. mantakin mo ba naman, harap harap sa facebook. Ang sweet nila. Friend lang daw sila. Pero yun na nga, pasalamat pa rin ako dahil nagmamahal pa rin ako. Naniniwala pa rin akong may Forever, baka naman kasi wala ng lumapit sa akin kapag sinabi kong hindi kame mgtatagal. Dahil binigo ako ng Forever na naging Whatever. Siguro sa ngayon, hindi ko na muna ipaglalaban ang sparks na hinahanap ko. Wala na tlaga kasi eh. kahit anong sindi ko.

Hinihiling ko rin pala kay Pope Francis, daan naman siya kahit minsan sa lupain namen. Sa teritoryo ko. Dito lang naman kasi kame sa Pasay eh, malapit sa lrt ng gil puyat, sa dominga street. Didirecho lang po kayo dun, makikita niyo na yung eskinita ng Vilbar. Yun na po yung samen. Makikisuyo lang sana ako na ipagdasal niyo Pope na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Lovelife ko.

Natutunan ko, madali lang pala magpatawad. Ang mahirap lang talaga, eh yung makalimot. Kasama na yung justice na hinahanap ko.  Tapos dadagdag pa yung mga kaibigan ko sa lugar namen na pinapaalala lagi yung  karelasyon k noon. Hay Jusko :)


Monday, December 29, 2014

ISABAY SA ULAN ANG LUHA NG ISANG PAYASO

Kahit sabihin ko sa sarili kong hindi ako magpapa-apekto. Pero naaapektuhan pa rin ako. Nasasaktan ako.
Isang malaking kasinungalingan lang ang lovelife ko. May isang hindi magiging tapat. Mas isang tapat.
Hindi ko alam kay Kupido kung pwede ko na bang ipublish tong pagmamahal ko. Para lang kameng larong SuperMario eh.
May isang lilitaw. May isang mawawala. Yung mawawala ay siyang gagawa ng kasalanan. Buti nalang. Marami mang sadness, marami rin namang dahilan para magsaya.

Nasaktan ko man siya. Puso man at balat. Wala ng dahilan para magbalikan kame.

May nagsabi saken na kung sino ang nagcomplain. Siya ang mas papanigan ng tao. Tama siya. Pero kung may kasinungalingan akong sinabi. Maari mo akong tawaging Liar. Kung totoo naman, ang suspect naman dapat ang magexplain. Tama po ba tayo dun?

Maghahanap nalang ako ng tulad kong weird. Siguro Pag-ibig na yun na matatawag kapag parehas kameng weird.

At hihingi ako ng sorry sa mga taong nasaktan ko. Lalo na sa nanay ng dati kong girlfriend.
Tunay nga talagang walang permanente sa mundo. Kahit sino pwedeng mawala.

Marami rin akong nagawang kasalanan sa girlfriend ko noon. Sapat ba ito na gumawa ulit din siya ng isa pang pagkakamali para maging maayos kame?

Siguro kung huhusgahan ako ng Panginoon kapag nasa itaas na ako at tanungin niya ako. "Anong ginawa mo sa pag-ibig na binigay ko sayo?"
Pwede kong maisagot "Simula po nung highschool, marami po akong naging karelasyon, lahat po sila minahal ko".

Approved kaya yun. Tingin ko hindi.

Pwede ko pang baguhin at piliin ang direksyon na tatahakin ko. Hindi lahat mapupunta sa akin. Kaya kung ano meron ako papahalagahan ko lahat.
Marami pang mangyayare. Marami pang mabubuong magagandang istorya. Marami pa kong tatawanan sa mga nangyayare.
Mas tuturuan ko pa ang sarili ko magmahal. Isa lang naman yung nawala sa akin. Buo pa rin ako. Pati atay at balun balunan.
Sobra akong thankful sa lahat. Kasi wala naman nangyare saken masama. Nakakangiti pa rin ako.

Kahit anong pagsubok. Susubukan ko den. Ang tapang ko ang magsisilbing ingay ng kaluluwa ko.

Ngayon alam ko na ang buhay ay isang salamin. Kung ano ang iyong pagkatao. Ganoon din ang lalabas sa iyo.
Magpakita ka ng pagmamahal. Babanda din yan sayo. Kung hindi ko mahal ang sarili ko. Hindi rin ako mamahalin ng ibang tao.Depende sa pag interpret mo.

Ang isang maliit na lie ay malaking lie. Same lang yun.

Move on tayo!
Okay na ako kahit maliit na bato ang maiusog ko. Atlis may konting progress. Obligado akong sumubok ng sumubok.
Kailangan ko labanan tong panget na araw na ito para lumitaw naman ang magandang araw.
Napakalaki ng pangarap ko. Maliit na insidente lang yung naganap.

Di ko na maayos pa ang basag na bote. Tatanggapin ko nalang na wala na talaga siya.

Ito yung hinahanap kong pain. Pain na mas magpapakatatag pa sa akin.

Maaring nakalagay talaga sa libro ng buhay ko para may guidelines na ko sa susunod na pages. Kailangan ko ng ilipat sa susunod na pahina.

Saka naniniwala pa naman ako sa magic eh. Magiging magical pa rin ang buhay ko.



Friday, December 26, 2014

ANG AKING EBANGHELYO BAGO MAGPUTOKAN 2015

Happy at napapaWOW ako sa tuwing nagsusulat ako ng mga "Mabuting Balita ng Buhay slash medyo bida bida". Diba, para naman may mabuti akong nagawa kahit .5% man lang. Pero ang totoo niyan, pinilit ko parin kasing kumilos kahit mahirap ang kalagayan ko ngayon. Oo nga pramis. Di ko tinantanan ang mga hangarin ko sa buhay. Weh? haha Humakbang ako ng maikli kahit masaket. Kahit pa nagloloading pa yung pake nila saken. Ganyan po ako. Lahat ginawa ko eh (alam mo yun!) para lang maisakatuparan lahat ng gusto ko. Ang kagustuhan kong maging "Masaya Lang". Yun lang. At hanggat nandito ako kapiling si Mother Earth, ipupush ko ang sarili ko na may maiambag sa pag improve sa kanya lalo na sa category ng Happiness. Para naman kapag nilisan ko na to, masaya pa den. Huhuhu!

Pinipili ko nalang ang mga taong sinasabihan ko ng Career Path ko (Path ang term para medyo deep) kasi may mga tao talagang ahas na nagkukunwaring concern. Ang sarap kasi nilang pektusan minsan. Walang na ngang Path nilalaet pa ko. hahaha

Saka di talaga ako nakikinig noon kahit kanino eh kaya parang ngayon lang ako natututo. Pati nga "Terms & Conditions" di ko na binabasa eh. Pero ang mahalaga, naiaapply ko ang mga lessons ko diba, so masasabi ko na  naglalaro lang ako sa eskwelahan ng buhay ko. Medyo cliche na. Pero okay lang, blog ko naman to eh. haha

Napakaganda at napakabagsik ng taong 2014 para sa akin. Naalala ko pa nga, sinabi ko sa sarili ko. Puro katatawanan lang ang ipopost ko sa Facebook ngayong taon. Haha. At ayun na nga. natupad ang kalandian ko. Pero may kapiranggot na pain at emotional moments pa rin naman. Kagabi lang, habang nag-aahit ako ng bigote napatingin ako sa sinulat ko noon sa pader. Medyo bastos yun *insert careless whisper song* kaya di ko muna sasabihin senyo pero yun ang nagmotivate saken. Bastos ang nag udyok saken. Kaya naman dali dali akong kumuha  ng papel at bollpen para magsulat nitong ebanghelyo. Piniga ko talaga ang utak ko (kahit empty na) kung ano ba talaga ang nangyare saken ngayong taon at kung bakit ganito pa rin ang nahita ko. Sa mga natutunan ko. Mas general itong sasabihin ko ngayon. Humanda kayo Shet! Im so proud of myself.

1. Both God & Devil has a plan for me
Maayos naman ang relasyon ko sa Panginoon habang binabaybay ko itong mundo na ito. Sa tuwing may magandang plano sa akin ang Diyos. Kasunod nito ang magical na plano ng demonyo. Totoong napakaganda ng plano sa akin ng ating Diyos Ama. Laging may "Plan A hanggang Z" pa siyang balak saken. 
2. Law of Karma
Tapat kong sinasabing may pagkukulang ako sa relasyon namen ng girlfriend ko kaya nangyare sa akin ito. Wala naman, nahuli ko lang naman siyang wala sa bahay nila ng wala siyang sinasabing dahilan. Hindi sinasagot ang tawag ko. Isang bagay na kinainit ng ulo ko. Talagang buhay na buhay ang karma dahil sa tuwing hindi ko nasasagot ang mga tawag ni GF kasi bugbog ako sa trabaho. Ngayon nangyare naman saken. Kaya Ayun. Karma!
3. Walang Perfect Moment
Lagi akong naghihintay ng perfect moment. Hinihintay ko lagi na sana bumagsak ngayong araw ang Opportunity. Maaring laging nandito pa rin ako (same stage) kung di ako mag iinitiate na magmove forward. Ngayon ko lang naisip na hindi ako pwedeng umasa lang sa himala. Kilos kilos den. 
4. Ako ang Painter ng Buhay ko
Hawak ko ang paint brush at boysen paint na white para linisin ang maduming pader ng aking pagkatao. Pati bughi ko. Hindi ko papahawak sa iba ang brush ko. Minsan kasi sa sobrang takot ko, sangguni ako ng sangguni sa mga taong hindi naman naniniwala sa akin. Kaya ang resulta. Walang nangyayare. 
5. Wag iphotoshop ang feelings
Sa sobrang ayaw kong may matamaang iba sa sasabihin. Kinukubli ko nalang na parang napadaan lang. Walang sense.
6. Pwedeng maging Hero
Sarili ko lang ang pwede kong asahan kapag wala na akong kakampi.
7. Labanan ang takot.
Walang mangyayari kung magpopost lang ako sa FB about fear. Minsan naisip ko. Pagkakitaan tong takot na to eh. hahahahaha
8. Compare myself to myself
Lagi kasi akong natitisod sa tuwing nakatingin ako sa mga titulado kong friend. Keso di ako seaman,engineer or architect at licensed. Nada-down ko tuloy ang sarili ko. Ayoko na nung ganun.
9. Kalokohan lang ang New year's resolution
Pramis.
10. Me Vs Religion
Mas masarap pag-aralan ang sarili kesa sa rules ng mundo. Feeling ko kasi, isa akong malaking kalawakan. hahaha feeling ko lang yun!
11. Nanay ko ang Pinaka
Wala akong dapat pagsisihan kong iiwan kame ng nanay ko. Sobra sobra na lahat ng binigay niya samen. Hindi matutumbasan ng salapi ni Gokongwei ang ginawa niya samen. Pero ang hiling ko gabi gabi kay Papa God, gusto ko pang makasama si mama ng mahabang panahon. Ilayo niyo po siya sa anumang saket. Wag naman pong masayang ang pera namen sa pagpapa-hospital. Bagkus mailaan namen ang pera namen sa mga healthy foods at pag-eexercise.
12. Do one challenge at a time
Para naman di ako masyadong mapressure. Paisa isa lang
13. Pagsubok sa Pamilya 
Isang malaking opportunity at simula ang nangyare sa pamilya ko. Nabawasan kame ng isang miyembro, ganun pa man. Mas malakas kame ngayon. Mga warriors kame. Matira matibay. At kame ang matibay. Ang pamilya ko. 
14. Walang dahilan para sumuko
Wala rin akong dahilan para iexplain. Hahahaha


Naging maharot ako to the fullest ngayong taong 2014 kaya It's been a great year! Thanks for being a part of it.

Tuesday, December 16, 2014

BE CAREFUL WITH MY EYES

Hindi ko ibig sabihin na magtungo ka sa EO executive para magpatingin ng mata kapag malabo na.

Sa seryosong pag-obserba ko sa buhay. Kahit na sa pagmulat ng iyong mata. Hindi maiiwasan na may maglagay ng dumi sa mga mata mo. Ito yung parang mag-eentertain sa mga mata mo habang nilalakad mo tong magulong mundo na ito. Naniniwala akong ang mga mata naten ay hindi lang basta nilagay ng Diyos yan sa mukha para kindatan ang mga nagdaraaang babae sa kanto. Ang mata na ibinigay sa atin ay isang projector kung paano naten titignang maigi ang buhay na ginagalawan naten.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang buhay ay refleksyon lang kung ano ang tingin mo sa iba at sa sarili mo. Maaring kung ano ang tingin mo sa iba ay ganun din ang tingin nila sayo.
Ngayon naniniwala na akong kapalit ng sobrang kaligayan ay sobrang kalungkutan. Minsan maari tayong palungkutin ng mga bagay na hindi naten nagawa ngunit binigyan tayo ng pagkakatao na gawin ito.
Hindi ako mayabang na tao. Ngunit kung ako ang tatanungin. Sa nilagay ko arrow sa mga dadaan ko. Masaya ako after 5 yrs neto. Masasabi ko sa sarili ko na hindi pa rin ako nagsayang ng oras at naghanap ako ng paraan.
Naging aral sa akin na lagi kong balikan lahat ng aral ng buhay ko. Magnais na iimprove at palaguin.
Ang mundo ay punongpuno ng pagsubok.
Madali lang mamatay pero mahirap mabuhay.
Iniisip ko nalang na kapg madilim ang buhay ko ngayon. Liliwanag din ito. Kung biyahe nga talaga ito ng buhay. Maaring dumaan lang ako sa overpass na parang kweba. Sino namang gago ang tatalon kung alam niyang pagtinuloy tuloy niya ito. Liliwanag din talaga.
Wala naman kasi itong pinagkaiba sa isda kapag naiipit sila sa isang bato o anomang nakaharang na materyal. Basta langoy lang sila ng langoy hanggat sa makaalis sila doon.

Kaya ngayon, sasayawan ko lang tong problema na ito.

Monday, December 15, 2014

SUGOD LANG, LABAN PA!

Gusto ko lang linawin ang lahat. Halos diba sa mga previous post ko. Puro pag-asa sa buhay at positibong pananaw na may kalokohan ang tinanim ko sa blog ko. Ngayon naman, gusto kong mas maintindihan ang lahat.
Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi pa huli ang lahat basta gusto ko yung hagdaan na inaakyatan ko. Hindi pa huli ang lahat kahit na (work + career goal = pressure). Kahit na sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip ng paraan. Hindi maiiwasang magduda minsan at magtaka kung tama pa ba ang ginagawa ko sa bawat araw na lumilipas.
Sobra ako minsang nalulungkot sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko "kung ano ba talaga ang saysay ko dito sa mundo?".
Kelan ko sisimulan ang mahabang biyahe ng buhay ko na masayang masaya ako sa trabaho ko.
Hindi naman ako binigo ng paniniwala ko sa sarili ko na walang daan sa kaligayahan kundi ang kaligayahan ang daan at susi sa mga minimithi ko.
Isang malaking kasalanan para sa akin na hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin nung may pagkakataon ako. Yung mga sobra kong oras na nilaan ko sa pag-iisip lang at hindi ako kumilos. Yung mga panahon ang inaatupag ko lang mga alis ko para sa pakikisama.
Inaamin kong nape-pressure ako. Naglaan ako ng standard para sa sarili ko pero wala pa akong nasisimulan.
Ayokong sabihin igagapang ko ito, may pakpak ako. Gagamitin ko ito. Nagkasugat lang eh
Babangon ulit ako. Babaguhin ko ang lahat. Napuhing lang ako ng makamundong kaligayahan. Nakalimutan ko na kung sino ako,