Sunday, March 22, 2015

HEAT OF A BLESSED MOMENT

Wala akong ibang bukambibig kundi pagpapasalamat. Angal ka? Pake mo. Buhay ko to. haha  Joke lang dahil kasi sa nanggaling ang buhay ko sa magulo, sakit, pasakit, pagpapaasa at hirap. Sumatutal, puno ng paghihinagpis. Pero lover boy pa rin. Ayiie. Noo’y umaasa sa himala na baka bukas makisama saken ang magandang tadhana.Kaso As of now,di pa nagbibigay ng feedback si tadhana. kaya ayoko na. Medyo tamad din ako eh. Pero ngayon ay no more lonely night na. hihi Kaya ganito nalang ako kung magpasalamat ng very very hard sa itaas. Hindi sa ceiling. Sobrang daming reason para magpasalamat diba. Hanggat may buhay. Makakasurvive ako. Kaya ito. Isang mabilisang pagpapasalamat sa mga biyaya. Hallelujah! Prase tha Lord. Eto na Kuya boy. Ikaw naaah!
1. Ang iba may dinadalang sakit pero ako wala. Ilang milyong tao ang nagpupunta sa ospital para magpagamot. Blessed na yan kung tatawagin.
2. Saktong saktong ang laman ng ATM ko. Walang labis. Walang "cool lang". Kung may sobra man. Naitatabi ko pa rin ito. Swak na swak.
3. Nandito ako sa earth hindi para sa mahabang panahon kundi para sa masasayang moment ng buhay ko. Senyo na ang til70 ni ed sheeran. Okay na ko sa buhay kahit maikli pero nailaan ko sa mga oras na gustong gusto ko. Sa ganun, pinagpala na ako ng lubos.
4. Nakakakasmile ako dahil feeling ko at ramdam na ramdam kong hindi malayo ang mga pangarap ko. Isang bisikleta lang ang distansya namen. haha
5. Binili ako ng girlfriend ko ng hopia. Nakakaen pa ako ng almusal. Tapos kakaen ulit ako ngayong tanghalian tapos mamayang gabi. Sobrang blessed. Pwera usog sa busog. burf!
6. Pag-upo na pag upo ko sa chair syempre ng opisina namen. Nadala ko ng maayos ang DSLR camera. Hindi pa milyones tong dala dala ko. Ang hirap magdala ng cam eh. Bigat den. Eh naulan pa. Nagpasalamat at nakahinga na ako ng malalim nun. Eh paano pa yung manong na nagbebenta ng taho diba. Kabigat nun. Whole day din yun.
7. Ang makapagshower nang napapaJamesReid dahil Goodvides. Huwag ka nang humirit! No! No!
8. Ang kasing liit ng tutuli ang pananampalataya kong makakaalis ako sa una kong trabaho. Blessed na ko niyan. Malaking hampas na sa mga goals ko to.
9. Hindi ako umaasa sa" covered ng Philhealth'. Inaalagaan ko ang sarili ko. Thanks to my body.
10. Nagsosorry man ako sa mga bagay na hindi ko magets talaga. talagang talaga. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa mga bagay-bagay na di ko matanggap. Salamat parin dahil sa utak na binigay saken. Sana manganak tong utak ko. Sana magsex sila sa loob.
11. May naiitatabi ako sa maliit na alkansya ko sa bahay. Yan ang turo saken ni mareng Miriam Quiambao. Jas System. Kasi closed kame. Pero medyo may uwang ng konti. Wag lang na may Kawatan na papasok sa kwarto ko kundi maglulupasay ako kahit pa sa loob ng starbucks.
12.  Ang Ariel nga 7.50 na lang e. So malakas ang faith ko. Lahat ng bagay pwedeng magbago. Lahat ng tao handang magbago. Matuto lang akong magpatawad. At natututo na akong magpatawad. I feel so blessed.
13. Naprotektahan ko kung ano ang meron ako ngayon. Hindi lang tite ko kung pag-aari. hihi
14. Pinagpala ako dahil nakapagbibigay ako ng pera sa tiyo kong may cancer. Seryoso po ito. Sa mga gustong tumulong. Dasal ay malaking bagay na. But we need cash in advance.
15. Nakakapag "I love you" pa rin ako. Sa taong mahal na mahal ko. Malamang Santo na ako kung harap harap mamahalin ko ang kaaway. Pwedeng nextime nalang kung ganun. Haha
16. Hindi pa ba ako matutuwa kung meron akong ambisyon ngunit di pa clear ang vision. Weeeh Ayos na rin dahil unti-unti napipinturahan ang utak ko ng mga pinapangarap ko for my entire future. #GalawangEinstein.
17. Ang mahawakan ko ang katawan ng ibang tao. Yung tipong biruan lang na magmumuka siyang beki. Hinihimas ko ung suso ng lalaki kong kaworkmate. Ang point dito. Nagkaron ng sense of touch. Malay mo may healing touch akong taglay. Gusto ko gumaling kayo. 
18. Ang mapagtanto kong ang lahat ay magiging okay. Gumagaan ang usapan. Pang emperador light. Gawin mong lights. Yeah!
19. Masaya na kong kahit saglit makita ko sa papel yung mga goals ko. At kahit 1min man lang. Nakapagsulat ako. Mapuntahan ang gusto kong lugar. Masaya na ko dun. Beach Please!
20. Gumagaan ang buhay ko kapag ginagamitan ko ng Sense of humor. It make cents. hahaha
21. Ano pa ba ang maituturing ko sa bahay namen. Kuryente. Platito. Timba. Drawer. Hindi pa ba sapat to. Okay na ko dito eh. Hacienda na ito para sa akin. Overwhelm.
22. Ang “gandang gusto ko pang anakan” ay yung mga moment na napakaproductive ng sabado ko. Sabado lang talaga. Kasi sa linggo, petiks. Linggong upong Henry Sy ako.
23. Kung nakakaen ako ng prutas na mayaman sa protina. Edi mayaman na rin ako. Make sense.
24. May mga “sanang” nagkakatotoo”. ATLIT. 
25. Nabigyan ako ng panahon para magfocus. Mailaan ang attention ko sa binubull’s eye ko.
26. Sobrang mahal na mahal ko ang sarili ko. Parang hindi ako nag-iisa.
27. Headset para pasayahin ako. Ang musikang galing heaven ang mensahe.
28. Nagmamahal pa rin kahit nasa backpack ko yung masasamang kahapon. Maitatapon ko din to. Mapapalitan ng Louis Vuitton.
29. Nasanay na akong maging aware. Masyado pa kasi akong bata para magwalang bahala. Ano daw?
30. Na-eexcise ko yung faith ko. Hanep. Sa tuwing nakakakita ako ng taong nagsswimming. Take note. Sa youtube. Nasasabi ko sa sarili ko. Paano siya nakakalangoy kung aasa siya sa tubig. Noh? So, siguro I need to trust myself more.
31. Walang permanente sa mundo. Pero ang makita ko ang pamilya kong buhay at masasaya. Forever na saken yun. Lovelife na yan kung mamarapatin.
32. Nakapgblog pa rin ako kahit na busy sa career. Naks


Wednesday, March 11, 2015

TINIMBANG KA NGUNIT COOL LANG!



Mauuna nakong bumati ha AtekupongSingSing! (yes, ikakagwapo ko ‘to)

Happy Birthday!

Once and for all. Ngayon ko palang gagawin ‘to sayo. Naalala ko kasi noon Sis. Elem me yen. Bihira lang naman kasi ako magbasa ng libro noon diba. At si Jolina pa ang sikat. Puro pellet gun lang ang hawak ko noon. 

May isang araw nga nagpapamiss ako sayo Ate eh. Nagpapabasa ako sayo ng “nakakatawang  komiks” bago matulog, syempre ginagawa mo naman kahit parang napipikon ka na saken. Kasi nga hindi maluwag sa kalooban mo. Sinasadya mong bilisan ang pagbabasa kaya wala tuloy akong maintindihan sa sinasabi mo tapos bigla mo nalang sasabihin saken “Oh yun na yun. Namatay na yung bida. The end na. Matulog ka na, okay!?’. 

Natakot din ako nun dati nung nadisgrasya ka sa pagmomotorsiklo. Yung lumipad yung motor na sinasakyan mo. Jusmiyoooo..The where-do-broken-hearts-go-ang lipad mo sa motor. Alam ko magagalit si Madam Bertud (mama)  kapag nalaman niya yun dahil makakasira ka na naman ng kalye. Balita kasi namen nagbitak bitak yung lupa nung sumubsob ka sa kalye. BwakanangS*#$.

Sa sobrang damot mo saken noon. Nagtry lang naman ako sayo manghingi, bigla mong nilunok yung Judge na bubble gam hindi pako nanghihingi, sabi mo “wala na ubos na”. 

Ikaw yung babaeng pinapahiran mo ng kulangot yung pagkaen ko. Pinagdasal ko nga noon na mahampas kita ng walis tambo kahit matanda ka saken eh. Joke. Rude ka den e noh. Achihihihihi

Madalas kang magpaBABOY  I mean mag-palitson. Manlibre ng mga makakarneng pagkaen. Pero kame hindi nataba talaga eh. Ikaw lang talaga sa pamilya naten ang sobrang bagal ng metabolism.

Nakakatuwa ka. As in. Nakakahype ang personality mo. Halos wala ka ngang mintis sa lahat ng okasyon sa pamilya naten. Pati pa ang  pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Hindi ko tinutukoy ang araw ng tuli ah. Kundi yung graduation ko. Sumipot ka. Asteeeeg.

Pero ngayon napakasexy mo parin. Kahit na hindi na dumadaloy ang dugo sa mga binti mo, OO makapagskinny jeans ka lang. Makarampa ka lang talaga eh. Toroy ni ate! .Haba ng bangs Oy. Bang bang into the room~ ANOYUWAMETt!

I remember. Ibinenta kita kay mama noon, sabi ko naninigarilyo ka. Halos mapatay mo na ko noon. Ginawa ko yun kasi nilalanse ko lang talang si Mama para makagala ako. Hahahahha Ikaw yung ate kong kapag may gala ako. Kapag ayaw ni mama. Sayo pwede. Naaaaks

Wala kang inaatrasang tao. Napaka tapang mo Ate. Ikaw yung pumupunta kapag pinapatawag ako sa Barangay. Partner in crime tayo eh. WHAAAAT!

Ikaw ang nakilala kong pinakamatapang na babae talaga sa Balat ng Pasay. Walang echos. Nanuntok ka ng suso ng babae dati eh. Ewan ko kung sino kaaway mo nun. Yan ang ate ko. Hindi lang siya dapat nanganganak kundi naipaglalaban niya rin ang sarili niya pati ang anak niya. Kaya niyang pumatay para sa anak niya. Hahaha (over na ko!)

Kahit asarin mo ko ng panget. Alam ko ibig sabihin nun. Panget lang talaga ang girlfriend ko. Sa kanya lang talaga ang patama nun. Hindi saken.. That thing called praning hahhhaaha

Pati pa sa bahay di ka namin inuutusan, Kasi nga Apol of the eye ka naming lahat. Dahil sa katamaran mo sa paghuhugas. Saken mo iniuutos. Alam mo yan diba! Kaya parang napapagaya ako kay  si Jennylyne Mercado. "OO NA! AKO NA! AKO NA.. huhugasan ko na ang pinggan!!" “For godsake, Ate! Magkaroon ka nga ng sarili mong hiya sa pag-utos!” Pokpok nga nagrerestday den eh.

Ikaw naman ang ipagtatanggol ko ngayon. Kahit kanino. Handa ko silang harapin. "My sister is not a Pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo! hindi baboy damo! hindi baboy damo!"

Sa telenobela ng pamilya naten. Minsan di ka maka-get over sa iyak kapag bumanat na si Mama. Alam mo naman yan, Vilmanian yan eh. Sasabihin niya:

“Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo bang gaano kasakit iyon? Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respetuhin mo man lang ako bilang isang tao. Yung lang Jorice…yun man lang.” hahahaha

Kaya dapat pinapaputol na yung cable naten eh. Ang drama masyado ng nanay naten eh. (And the best actress goes to.....! Ding! ding! ding! ding!!!)

Kaya Ate Jorice!

Kapit lang saken at Kay Papa God. Malalagpasan naten ang malading problema na to. Saka lang darating ang milagro kapag gumugulo na yung buhay mo. Malay mo ngayon na yun. Okay lang na wala kang love ngayon, hindi naman nakakain yan ate eh.  Ang ganda ng mundo!…ang sarap mabuhay!” Kumaen ka!

Isang araw, yan ang araw naten.Mahal na mahal kita atekopongSingsing.






Thursday, March 5, 2015

WALANG NAKAKATUWA SA PAGIGING NORMAL

Eh papaano kaya kung araw-araw bago ako gumising may auto-motibo nako para sa panibagong mundo, I mean wala akong pake sa gagawin kong trabaho today basta gagawin ko lang ang gusto ko. Posible kaya ito sa mga katulad kong tamad.Tapos nabigyan ako ng pagkakataong masagot at tignan ang bawat anggulo ng buhay dito sa lupang ating kinalalagyan na parang isang panaginip na kahit gabi gabi mong kasama sa pagtulog pero wala pa ring sagot. At ako ang makakasagot. Saket sa ulo diba ng panaginip. Mas masaket pa sa jejemon text.  
Para sa mundong hindi nila makita.  Paano kung may kakayahan akong iinterpret ang panaginip. Yung tipong hahaluan ko ng kalandian ang mga bawat sagot ko sa magpapa-interpret sa akin. "Kuya Ben, nanaginip po ako na may pako sa tabi ng kama ko, ano po ibig sabihin neto” Tapos ang sagot ko: “Simple lang, may balak tumusok sayo. Bumira sayo. Ginawa lang simbolo ang pako para medyo hindi hurtful ang istorya ng panaginip mo pero meron talagang gustong buntisin ka. Lerv et sis. Kaya magpa-inject ka na ng contraceptives saken..Meron ako dito. Good for 3 months. P300. Pwede ka deng mabaog dito.” Yung mga ganun. Ang saya nun grabe.
Ang mundong takot silang hanapin dahil wala naman mapapala kung pipilitin pa nilang hanapin ang sagot dito. Malamang kung nabubuhay pa si Einstein ngayon. Marami pang madidiscover yung matandang yun eh. Pero hindi sapat siguro. Parte lang talga siya ng pioneer ng pagdiscover ng creation. Parang hugot lang yan eh. Ang tanong ko lang, paano mo makikita ang ginto kung hindi mo pa lalaliman ng husto ang paghukay sa bagay na gusto mo pang malaman.Oh diba. Atlis may sense yung sinabi ko kahit slight lang. Hindi ko naman po sinasabing magpakahenyo, magpabibo at magpaka intelente ng husto. Ang nais ko lang. Paano kung ang bawat indibidwal na tao sa mundo ay nabubuhay sa walang halagang pera. Ang punyetang pera nawala ang headset ko. Sayang lang ang pinambili ko dun. Hindi naten iniisip ang pagyaman at mga material na bagay o ang makabagong career ngayon na “Ano kaya ang ipopost ko ngayon para naman mapansin ako ng mga tao. Para naman maupdate ko yung timeline ko sa facebook” Paano kung walang ganito ano?. Paano kaya kung ang bawat isa may kakayahang lumipad. Hindi literal kundi lumipad at abutin ang mga ulap. Kung lahat ay nakakalipad gamit ang kanilang pag-iisip. Sa ngayon wala pa akong ideya kung ano ang magiging resulta. Paano kaya kung lahat tayo ay gumigising sa oras na gusto lang naten. Ang cherep nun bro. Alam ko naman iba-iba ang routine ng bawat nilalang ng tao. Masaket lang isipin kung tuluyan na tayong magpapalamon sa sistema ng ating nakamulatan. Pamumuhay na “bahala na si Batman bukas”.  Magmimistulan nalang bang para tayong nakapila sa mrt. Yun nga lang, papuntang hukay nga lang. naghihintay nalang tayo ng last destination na naten. Hindi katipunan kundi kabilang buhay. Maisingkit ko lang. Mayaman kaya ang mga taong may sariling mundo. Hahahahah anyway, walang kinalaman yan sa pinupunto ko. Nakakatakot at ang panget lang pakinggan. Paano kung ang bawat isa haharapin ang problema kasama ng lahat. Ibligadong magtulungan. Walang tamad. Walang mahirap. Tulungan ba. Paano kaya kung walang kinsenas at katapusan. Basta tuloy tuloy lang. Paano kung walang kalendaryo. May sari-sarili tayong oras at timeline.  Sariling relos na gagamitin. Medyo may pagka alien lang ang topic ko ngayon. Pero patawarin nyo ako. Wala naman kasing eskwelahan na magtuturo na boring ang normal na buhay. Namulat ang bawat isa sa pagnanasang magkaroon ng malaking maiaambag sa planetang ito. Or di kaya, paunlarin nalang ang sarili kasabay ang ibang tao. Sa paglikha ko nga konseptong ito. Nais ko lang naman na magingextra ordinary ang bawat tao. Paano kung ang bawat isa, handing harapin ang buhay ng hindi natutong magsisi. Wala ang konsepto ng pagkakamali. Walang konsepto ng pagsisisi. Mayroong rules na “Masyadong kang judgemental, hindi ako nagkamali, hindi palang ako nagtatampay, okay na po ba tayo dun?, may angal pa”. Nakakalungkot lang talagang pagmasdan na ang bawat tao, kung siguro nasa taas ka ng building malapit sa edsa at makikita mo silang isa isang lalabas para pumasok tapos maya mayang alas singko uuwi nalang. Buti pa ang mga ibon, lipad lang ng lipad.Sana naging ipon naalng ako. Joke. Buti pa ang mga langgam nag iimbak ng mga makakaen. Minsan nga nangangagat pa yan ng mga romantikong tao. Bwenas sila dun sa balat na yun. Yung makasipsip sila ng balat ng dugo ng malandi. Isa yung malaking award. Paano kung ang bawat doctor nagtatrabaho ng hindi galing sa gamut, ipapalaklak saten ang mga herbal lang. Hindi yung mga nakakasukang gamut. Eerrgh. Mga doctor na sa pagpapasaya lang ng pasyente nakatuon bonus na ang mga pagpapagaling. Paano kung ang bawat inhinyero may nais na magawan ng bahay ang mahihirap. Para lang sa mga mahihirap. Kung iisip ng maigi. Waalng pinagkaiba ito sa mga abogadong nais lang ipagtanggol ang may pera. Paano kung ang bawat Piloto, nais na isama ang mga taong may saket or mga mahihirap. Paano kaya kung ang bawat abogado nais magtulungan hanapin kung sino ang tama hindi yung magtatalo talo sila kung paano matatabunan ang kasingalingan ng cliente. Paano kung ang bawat teacher nais na ituro ang katotohanan ng buhay. Yung tipong walang bahid ng relihiyon. Kundi pagmamahal. PAgmamahal sa sarili. Pagmamahal sa ibang tao at nature.Oo lakas utos na kung lakas utos ako. Pero ibahin moko. Joke. Pero kung paano isang araw magkatotoo diba. Paano kung magawa ko ito. NAbigay sa akin ang genuine diba. At maraming kabataan ang sumunod sa akin. Wala ka naman kasing makikita sa edukasyon na pinapairal sa isang paaralan na kung paano mo titignan ang buhay diba. Basta mag-exam kal lang. Ipasa mo. Mag-aral ka ng mabuti para may maganda kang kinabukasan. Kung di ka pa magkakaron ng matalik na kaibigan. Wala pang magtitiwala sa sarili mong kakayahan. Tama? Tama! Pero may mangilan ngilan naman na naniniwala ng husto sa isang estudyante, yun nga lang, kung magaling ang batang iyon. Paano kung hindi. Edi nga-nga.

Ngayon taon, tinatak ko sa isipan ko na sa bawat pagmulat ng mata ko galing sa aking malambot kong kama, sinasabi ko lang sa sarili ko. “Pipiliin ko ang buhay na gusto. Pipiliin ko ang buhay na gusto. Pipiliin ko ang buhay na gusto”. Ganun lang. ganun lang kasimple. Hindi ko na iniisip kung ano ba ang bagong selfie ko ngayong araw. Mahalaga pa rin ang naiambag.


At sisimulan ko sa sarili ko ito. Asahan niyo.

Wednesday, February 18, 2015

GINISING AKO NI LORDE. NILIGTAS AKO NI LORDE!

Kagabi ang lakas lakas ng tama ko. Sumanib saken ang kaluluwa ni Imelda Papin dahil damang dama ko ang mensahe saken ng kanta niyang

“Tutulungan kita, malimot mo siya, ibabalik ang dati mong sigla. Aking gagamutin, puso mong sinugatan, sugat na dulot ng salawahan”.

Iba yung palo saken eh. Para ba gang nang aakit ng paglalandi. Para bang may budget para saluhin ang kalungkutan. Hanggang sa nakahiga nako sa kama. Nagmumuni muni. Nakangiti pa rin bago matulog. Pero nasa isip ko parin ang mga linyang binitawan ni Imelda. Hoy Imelda tantanan mo ko ah. Tumatak talaga kasi sa akin ang “sugat na dulot ng salawahan”. Hay buhay. Ang buhay nga naman.

Tapos daw, nagddrive daw ako papunta sa Baguio dahil magbabakasyon kame ng mga anak ko. Dalawa ang baby ko eh. Babae at lalake. Nagkakantahan pa kame sa loob ng kotse. Tawa ng tawa ang dalawa kong anak dahil walang tono kumanta ang tatay nila. At nang nakadating na kame sa Baguio. Naghanap kagad sila ng Zoo. Yung puro hayup. Syempre. Ako hinanap ko kagad ang Dragon. Diba Chinese New Year ngayon. Wala talaga akong mahanap eh. Nakakita ang mga anak ko ng unggoy sabay tingin saken. Ano tingin ng mga anak ko saken. May similarities kame ng mga unggoy. Mga anak, before you "judge me" try this method called "asking". Kaya hinatak ko na sila. Sabi ko, wag na tayo dyan mga anak, hindi pa ko handang iexplain sa inyo kung ano ako dati. Hahaha Tara dun nalang tayo sa iba. Yung medyo hindi wild ang itchura. Nakakita sila ng birds at iba’t ibang hayop. Dahil pinalaki ko sa karangyaan ang mga anak ko. Gusto ba naman nila magpabili ng tigre. Hindi na ko nakatanggi ko. At binili ko sila ng tig iisang tigre. Binigyan ko naman sila ng instruction na gagamitin lang nila ang hayop na ito kapag inapi sila at ipalapa kagad sa tigre. Hahaha kahit bullying lang yan. Bitawan niyo kagad ang tali ah.
So habang nilalakad naman ang buong Zoo. Kanta pa rin ako ng kanta ng “Tutulungan kita”. Nakakatawa lang yung mga moment na yun at na-adopt din ng mga anak ko. Hawak ko ang mga kamay nila. Imbes na nursery rhyme ang song for the day namen. Si Imelda Papin nalang ang walang kasawa sawang kinakanta namen. Ang weird lang diba. Tinataas talaga namen ang boses kapag kakanta nang “IBABAlik ang dati mong sigla. Oh diba. Nakakagood vibes pa rin kahit na pang adult ang salita. Tapos may nagsuot daw saken ng costume ni Peter Pan. So, may tatlong tao na nagsuot saken. Pinagsamantalahan nila ako. Naging sex slave ako. Joke. Nagccheer ang maraming tao na lumipad na daw ako. Sabi ko “hindi po ko marunong lumipad” Hindi naman kasi ako pwedeng mag bida-bida, hindi naman ako si Jollibee. tinatawanan ko lang sila hanggang sa tinulak ako ng dalawa kong anak galing sa isang mataas na puno at akala ko malalaglag ako at doon na ko nakalipad. Whooooah! Puta ano to? Ayoko na. Dun nalang ako sa rides ng Star City. Mas masarap sa Surf Dance. Ayoko na. Nalulula ako kapag lumilipad. Nang lipad ako ng lipad nang may makita akong relos na napakabigat. So, dahil mataas ang intension ko sa mamahaling relos. Dinala ko ito sa paglalakbay ko. Sumigaw nalang ako na “kung kanino man tong relos na to. Bahala ka sa buhay mo, akin nalang to”. Nalibot ko na ata ang lahat ng Hot spot dito sa Pilipinas. Napansin ko ding may Billboard ako dito sa Metro Manila. Ang laki ng picture ko. Kita yung 7 na abs ko. Pang Bench Body. Hindi pa rin ako napapagod kakalipad. Ewan ko ba. masaya pala. Mas lalong nadadagdagan ang lakas ko na parang naglalaro ako sa isang video games na may mga dinadaanan akong mga coins signs. Tapos may lumapit naman na babae. Ang sabi niya, “Nasa sayo na lahat”. Hala sabi ko. Di pa ko si Daniel Padilla. Si Daniel Matsunaga nga di ko maachieve eh. Hanggang sa bigla kong naalala ang dalawa kong anak. At binalikan ko sila kung saan ko sila iniwan na Zoo. Nandun silang dalawa. Hay nakahinga din ako ng malalim nung nakita ko sila ulet. Tapos tuwang tuwa ang mga taong nanonood sa kanila dahil kinakanta ulit nila ang Imelda papin. Edi tapos na ang career ni Imelda at lumabas na ang score sa videoke. Niyakap ko naman ang dalawa kong baby dahil sobrang proud na proud ako sa kanilang dalawa. Biniro naman ako ng anak ko na “Daddy ikaw naman kumanta”. Ang sabi ko naman, nakakahiya anak, maraming tao. Pang banyo lang ang boses ko. Sa bahay nalang. At may biglang may kumanta galing sa malayo. Ang lakas ng tinig niya. Eksaherada ang intrada ng babae. Yun pala ang wife ko. Ang ganda niya sobra. Medyo emo nga lang. Ang violet violet ng lips niya. Kulot. Nakawhite na dress. At kumanta ng
“I've never seen a diamond in the flesh. I cut my teeth on wedding rings in the movies. And I'm not proud of my address. In the torn up town, no post code envy”

Ohh sabi ko. Di ba royal yun ni Lorde. Lapit kame ng mga anak ko. Sabay sabay kame sa Chorus.  Pero wala ng katao tao sa paligid. Talagang natakot kame bigla. Pati yung mga nagbabantay sa Zoo nawala din. Pati mga hayup. Nawala. Kame nalang nandun.  Pero kumakanta pa rin kame ng Loooorde royals.

At nagising nako sa malungkot na ending ng panaginip ko. Kala ko di na ko magigising dahil wala ng tao sa paligid. Pero 6:30 na. Late na kooooooh.




Monday, February 16, 2015

PALITAN NG PUTOK

Ito ang mga nagbabagang pinapaypayang balita ngayong gabi sa BaliTANGINA. Pasok!

Magandang gabi sa inyo. Ito ang mga kaganapan ngayong gabi lamang tungkol sa Palitan ng Putok sa magkakaibang pangyayari.

Sumiklab ang laban tungkol sa palitan ng firecracker sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kalalakihan sa may Carmona, Cavite dakong ala una ng gabi. Nag-iinuman ang mga kalalakihan nang biglang alakuhin ng isang lalaki ng labintador ang kasama nito sa murang halaga. Dali namang pinalitan ng watusis ang alok ng kasama niya sa magkaibang presyo. Sa naturang pangyayari, bagama’t walang nangyaring madugong ingkwentro. Nagkasundo silang ibato na lamang ang isang labintador at watusis sa dalawang couples sa luneta. Sinigaw nilang "may forever nga, bitin naman".

Hindi pa rin matukoy ng mga kasapi ni Jr. Inspector Rheymar Pinga kung saan nanggagaling ang sinasabi ng mga ilang asset ng pulis ng Tramo, Pasay na palitan ng putok ng dalawang lalaking nag-uusap lang sa kalye. Hindi nila ma-recognize kung sa bibig o kili kili ito nagmumula. Hindi pa rin makapagbigay ng tiyak ng konklusyon ang Inspector dahil sinabi pa nito na para kang tumambay ng dalawang buwan sa loob ng hindi binuhusang portalet kapag kausap mo ang mga suspek. Sa bibig na nahinga ang mga residente dahil sobrang nakakasulasok ang idinudulot nito. Dagdag pa ng menor de edad doon,malaking epidemya ng barangay nila ang sinasabing lalaking iyon at dapat na raw sunugin. Iginiit naman ng mga suspek ang bintang sa kanila at pinatunayan nilang wala silang amoy. Nasanay lang ang marami sa mahalimuyak na kapaligiran.

Dalawang highschool student ang inaresto matapos maaktuhang nagpapalitan ng putok sa loob ng comfort room. Itinago sa mga pangalang Ronald at Cris, kapwa 24-anyos, ang nasa kastigo na ng pulisya. Dito na inabutan na nakahubad ang dalawa at aktong nasa kalagitnaan ng pagtututot. Una raw lumabas ang katas ng isang lalaki at sumunod naman ang kay lalaki. Ayon sa mga kooperatiba, wala pa rin silang maibigay na konkretong ebidensya dahil nagsuot ang lalaki ng plastik na condom kahit mabaho ang jun jun nito at chinane ng babae ang laman ng kanyang bulaklak.

Ang resulta ng medico legal ay walang nabuong bata ngunit meron silang nakitang namumuong salagubang sa loob ng ari ng babae.

Payo ng ilang experto sa larangan ng pakikitagtalik, dapat may konting finesse. Wag masyadong umungol na parang aso.

At diyan po nagtatapos ang aking ulat BaliTANGINA patrol. Balik sayo. Pakyo.


Friday, February 13, 2015

THIS THING CALLED NO JOY IN MY HEART

Ang araw na ito. Biyernes ng trece at 6 hours bago magValentines day na. (eh ano ngayon). Hindi naman malas tong araw na ito. Sadyang tinamaan lang talaga ako ng sakit. Sore throat at headache. Punyemas.

Sobrang awang awa ako sa sarili kooo. Alam mo yun. Wala akong gana kumaen. Matamlay ako. Walang panlasa. Hirap kumilos. Baldado. Joke

Pero may gana pa rin akong magpapapogi sa kabilang banda. Hinawi ko lang ng bahagya ang buhok ko na parang nilipat ang pahina ng libro at binago nito ang aura ng araw ko. Ang sarap sa feeling kapag gwapong gwapo ako sa sarili ko. Eto nalang ang natitira kong alas eh. May sakit pako niyan.



Ganyan ang personalidad ko. Minsan si Enrique. Minsan ako.

Kasi kagabi. Kahit na marami pa akong gagawin sa work. Pinilit ko na kagad umuwi ng 6pm palang  at matulog na kagad. Regalo ko na yun sa sarili ko. Ang makapaglaan ng oras para magkapag inhale at exhale. Ilapat ang mahahaba kong mga paa sa malalambot na kama. Masyadong laspag na laspag nako eh. Maginhawa na ko kapag nailabas ko yung malalading air na nasa katawan ko. At papasukin ang tunay na diwa ng pag-ibig. Pagod na yung utak ko magmahal at sawang sawa na yung puso ko kakaunawa. Binaliktad ko lang para kunyari may kaugnayan. hahaha

Mantakin mo kasi, nakasentro na yung buhay ko sa pagttrabaho. Hanggang pagtanda ko na to eh. Ganito nako. Ito na ang gagawin ko. Hindi ko na mai-balance ang tunay na buhay at buhay trabaho.

Kapag ayaw ko talaga sa isang bagay. Lalagnatin ako sa hindi malamang rason ng sakit. Tatamlayin ako. Kala ko nga lagnat laki lang to eh.  Pero ganun pa rin ang size ng etits ko kasi eh. Eto pala ang sakit ng mga maalindog. haahah Gustuhin ko man kumain ng fries. Para lang akong kumakaen ng karton. Walang panlasa eh. Mahirap ipaglaban ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. Kahit ano pang pilit ng iba na imotivate ako sa trabaho.  Sisilip at sisilip ka pa rin sa internet dahil dun ang mas masayang buhay kesa sa ginagawa ko ngayon.

Oo alam kong iba-iba ang role naten sa mundo. Iba-iba ang papel naten sa mundo. May wamport, wanhap, krosways, lentways na papel. Pero parang sa kalagayan ko. Parang ang dilim ng mundo ko ngayon. Sa simula pa lang alam ko na ang pinakamatagal na oras ng aking buhay ay ang gawin ang isang bagay na hindi ko naman gusto. Dahil sa pangangailangan kaya ko ginagawa ito. Para makaaahon ako. Ang pakiramdam na parang sinasayang ko lang ang malaking bahagi ng aking buhay sa isang bagay na hindi naman ako masaya.

Sa bawat minutong lumilipas, Sa bawat araw na dumadaan. Wala akong ibang hinihintay kundi ang pagkakataon kung kelan ako makakapag simula. Oo alam kong mahirap sa simula pero parang palabo ng palabo ang mga sitwasyon. Iniisip ko nalang na sana bumilis ang ikot nito at mapunta na saken ang pagkakataon. Pero makukuha ko din ito. Tiis lang.