Pahina ng sarili kong diskarte sa - law of attraction, - passion ko sa pagsusulat, - diskarte ko sa buhay at trabaho, - diskarte kong produktibo, - malikhaing kwento - at tips/motivation ko sa success na may halong nakakabastos na humor.
Tuesday, July 14, 2015
Sunday, June 28, 2015
OOOH I THINK THAT I FOUND MYSELF A CHEERLEADER
Imbitado ka sa Birthday Celebration ko. Just celebrate good
times, come on!
Anyways-hi-waist. 41 Days pa naman bago ako magbirthday.
Wala naman ‘tong pinagkaiba sa birthday ng pangkaraniwang tao. Walang arte. Ang
araw na kung saan bawal akong magcomment ng negative, bawal akong magalit kasi
birthday ko,feel na feel ko ang birthday ko kapag malakas ang tugtugan na
bumabayo na ang bahay namen, masaya rin nung tumanda na ako, nauso na sa
katawan ko ang alak. Ang araw ng birthday ko kung saan uso na ang
notifications, hindi na uso ang regalo.
Nakatapat ang araw ng buhay ko sa gitna ng taon. Marahil ito
ang markang pula para mapagtanto ang nangalahating achievement ngayon taon. Magnilay
nilay na.
May pagkabaliw din ako ano?
Sumasagi ngayon sa aking isipan kung dapat bang magpakarelihiyoso
ako sa Facebook para lamang magkaroon ako ng papuri sa tao. Or kung hindi
naman, tadtarin ko sila ng makulit kong isipan sa pagpapatawa sa bawat status
ko. Or kung hindi naman, magdonate ako sa charity ng natitira kong pera para
may balik! Ewan ko lang sa arte kong to kung bibigyan ako ng award sa gawad urian 2015 para lang sa birthday ko.
Oops, Oops, Oops,
Mali yan. babalik pa rin ako kung ano ang una kong
minimithi. Hindi ko po gagawin yan. Go for goals pa rin.
*Kumaen muna ako ng Cream-O*
Huminto muna ako saglit. At nagtanong sa sarili, saan na nga
ba ako?
Hindi ganun kaengrande ako maghanda sa mga nagdaaang birthday
ko. Simpleng salo-salo lang masaya na ako. Ikanga ng mga matatanda, maitawid
lang ang kaarawan ko ay sapat na para magpasalamat sa buhay.
May isang bagay lang na tumapik ng kaisipan ko. Kung
titignan ko ang mga kasama ko dito sa opisina, marahil ang mindset nila sa
bawat araw ay ganito.
“Sana hindi pumasok si Boss ngayon”
“Naupload na kaya niya yung mga pics namen kagabi”
“Marami na namang gagawin ngayon, OT na naman asar”
“Sana makasabay ko si crush maya”
“Sana may sahod na”
Ilan lamang ito sa mga common na kataga ng mga empleyado
ngayon. Katulad ko, hindi ko rin maiiwasan isipan ang ilan dyan dahil parte pa
rin ako ng kumpanya. Ayoko lang naman na masira ang tatlong taon kong experiences sa pagiging Cad Operator.
Kaya naging topic ko itong every is my birthday ngayon dahil
may something motivated na bumabalot rito sa artikulo ko.
Nasanay kasi tayo sa bawat araw, may nakakahon na task para
sa araw lang na ito.
Ngunit, halimbawa kung gagawin ko na ifi-feel, ivisualize,
pumikit at isipan sa araw na ito ay birthday ko. At bukas ganun din. Panibagong
araw. Panibagong simula. Bagong pag-asa. Ito ang birthday ko na kung saan lahat
ay magbubunyi dahil sa akin. Ngunit para naman sa akin, bilang ganti,
ipaparamdam ko din na dapat akong umastang birthday ko talaga ngayon kahit punong
puno ng gawain sa trabaho at mga problema. Ano mang negative energy ang
sumalubong, birthday ko pa din.
Ang saya diba. Nabago ang lumang mentalidad ng positibong
pag-iisip. Pak ng Pak!
Wala naman ‘tong pinagkaiba sa mga nababasa natin sa
internet na “everyday is a new beginning, Everyday is a second chance, Everyday
is a blessings, and Everyday is a new opportunity. “
Tumpak. Check ng pulang bullpen.
Ang hina-highlight ko lang ngayon, Ang bawat araw ay may
kalakip na bagong cake, bagong greetings at bagong saya umulan man at umaraw.
Bumagyo man o lumindol. Ito ang birthday nateng may bagong gift na ibibigay sa
atin galing sa heaven 24/7. Nasa sa atin kung paano natin gagamitin. Kalimutan na
ang age. At ang oras na tumatakbo. Kung
ano ang gusto natin, ituloy natin. Ito ang araw na tyansa ko ng ifulfill ang
misyon ko dito sa mundo. Hindi ang trabaho ko. Pakinggan ang ating calling. Oh
syempre call eh.
Kalimutan na ang mga EX, malungkot na kahapon, negative
feelings, mga kaaway na nosi balasi, sino sino ba sila, mga nagsinungaling sa
atin, mga hindi naglike at comment, mga kabet na nagwasak ng tahanan,oh tukso
layuan mo ako, at mga taong walang pakundangan manlait. Hindi nila araw to, araw ko
to. Bukas at magpakailanman. Mel Changko!
So, wala na akong pake kung 41 days pa ang birthday ko.
Basta ngayong araw na ito. Hanggang matapos ‘tong taon na to. Araw-araw ay birthday
ko. Simpleng pag-kaen. Simpleng kasiyahan. Simpleng pamumuhay. Ngunit may
tone-toneladang ngiti at tawa na pagsasaluhan kung sino man ang makasalamuha
ko.
Kung birthday natin ngayon, may something na magandang
mangyayari. Bili now job lang ng bili now job ang cake ah. WHAAAT?
Today it's totally different. Magtiwala lang ako sa soul kong
makakamit ko ang goal ko.
I-enjoy ang buhay.
Try again pa.
Isipin natin kung gaano kasaya ang Panginoon ngayon na iniisip
nating birthday natin ngayon.
Malamang napapaNaeNae na Siya ngayon. Napapabreakdance ang mga Anghel sa langit at napapaheadbang ang mga santo.
Malamang napapaNaeNae na Siya ngayon. Napapabreakdance ang mga Anghel sa langit at napapaheadbang ang mga santo.
Huwag mo ng isipin ang mga demonyo, may balak lang sila sayo
pero undefeated ka pa rin hanggang huli.
Kung ano man ang masakit na nangyari kahapon ay tapos na yun.
Kaya ano mang hadlang sa buhay. Magcelebrate pa rin tayo.
Samahan niyo ko. Birthday natin ‘to.
Saturday, June 27, 2015
LIFE IS A BEAUTIFUL GAME
Ito’y isa na namang kwento ng pasasalamat sa bawat hamon ng buhay ko.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Minsan dumarating ang mga malaking changes sa buhay ko ng
hindi inaasahan. Minsan nga kahit paghandaan ko pa ng maigi ang paparating na
problema ay talagang magbabago ng tuluyan. Anak ni Poncho Pilato ang tadhanang walang
habas magdala ng magandang pagbabago at putonginamoy naman ang may dalang
matinding unos, dagok, hagupit ng sanlibo't sang delubyo at hampas ng alon. Ang
lapastangang pamumuhay na unti unti kong itinatayo. Salamat po palagi.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Kapag ang pagbabago ay medyo sintunado or malabo, naghihinay
hinay lang ako. Kahit na feeling ko lagi na lang akong may dalang mischief. Kung
kaya ko pang pumulot ng bato sa bawat dapa ko sa lupa. Pumupulot pa rin ako ng
aral kahit sugat sugat na, matatawag ko pa ring matagumpay ang sarili ko dahil itinatatak
ko sa kukote ko ang magandang aral na nakuha ko. Mahirap pero kinaya. And I’m happy
& i know it clap my hands. Salamat po palagi.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
I live in a world where wrong is forced to be right. Ang
mali ay pinapaganda pa para magmukhang tama. Todo deny pa ang iba (minsan ako) sa kasinungalingan at dedma nalang sa
kinakatakutan. Saklap diba!? Sa bawat gumadagundong na pagsubok nakakatuwa
dahil nagagawa ko pa ring ngumiti. Nakakaimbento pa rin ako ng Pantawid Libog Activity pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatawid-tawid! Salamat pa rin po palagi.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Sa mga kasalanan kong nagawa. Inaamin kong produkto lamang ito
ng aking mapangahas na pagnanasa. Namumutawi mula sa kaibuturan ng aking pagkatao ang maselang
kasiyahan mula sa lamang loob. Okay lang. Tuloy lang ako.Mesheye eh!
May malaki akong babaguhin sa sarili ko. (Weh?) Pero ako pa
rin to. Mas triple pa ang gagawin kong lakas sa pagharap sa mapanghusgang mundo.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Sa bawat magagandang nangyayari at pinili kong mangyare.
Hindi ko kinakalimutan pa ring magpasalamat. Titingala lang ako sa itaas at
ivvisualize ang mukhang anyong tao na
may dalang nakakasilaw na liwanag, siya ay Diyos. mag-tenchu ako sa biyayang
inihandog Nya.
Pero minsan (inaamin ko) kapag tumatalas ang sungay ko , kumakapit nalang sa universe. Nakamit
ko ang lahat ng mag-isa, feeling ko. Pero I just whisper a breath of "thank you" as a
sign of my gratitude to the air so that whatever swayed the winds of good
fortune my way would hear my appreciation and thankfulness. Hirap mag-english. Shet!
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Ipapatikim ko ang tamis ng tagumpay na nag-aagaw ang
luto ng Diyos at likha ng tao. hehe
Kahit na salungat sa paniniwala ng iba na maganda ang buhay.
Para sa akin ay tuloy ang buhay.
Tawagin man nila akong huwarang feeler sa pagpopost sa blog.
Itutuloy ko pa ito. Ito kasi lahat ang humulma ng aking pagkatao. Salamat po palagi.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Marami akong adhikain sa buhay lalo na ngayong taon. Nais ko
pang bumuo at magpatakbo ng magandang pamilya. Taas-noong ipinagmamalaki kong magiging
matagumpay akong tao. Tiwala ako sa sarili ko. Cross my heart! Ako na mismo ang magsasaksak sa baga ko ng mga binitawan kong kataga.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
This year 2015, bago ako magbirthday. I am looking forward
na maraming bagay ang marami pang mahahalaga at masasayang bagay
na mangyayari pa. Kalahati palang ng taon masyado ng kaliwat kanan ang mga
eksena sa paligid ligid. Pero wala naman sa akin yun, okay lang yun. kumbaga sa
bilyar eh. Yun ang aking “preparasyon" lang para sa susunod pa na tira. Halos
matatapos na ang taon. Umiinit na ang mga kamay ko sa pag grab ng magandang
opportunity. Eto ang taon ko.
Wednesday, June 24, 2015
THE IRIS OF MY MIDLIFE CRISIS
Pagbalik na pagbalik ko sa opisina,magttrabaho na sana ako.
Nakabasa ako bigla ng hindi magandang text messages galing sa aking minamahal
na girlfriend. Problema na paulit ulit nalang. Hindi na kame natapos dun. Bagay
na ikinagalit ko kagad. Although, mababaw pero bakit ganun nalang talaga ako
mag-react. Kanino ako nahawa. Paano lumala ito? Maninisi na naman ba ako?
Sa mga oras na to, malamang dapat kong sisihin lang ang
sarili ko. Or kung hindi naman, matuto nalang sa pagkakamali. May factor na
kasama ang boss ko. Maybe, hindi lahat siya ang dahilan ng pagkasira ko ngayon.
At ito na, pagtapos kong basahin ang messages, nagreact
kagad ako sa hindi inaasahan pagkakataon sa message sa akin. Nainis. Nabwisit. Nagmahal.
Nasaktan. Joke lang! Pagtapos ng lahat sinabi ko. I immediately ask myself,
bakit ko nagawa yun? Bakit ang dali kong mabanas. Kala ko ba “subok” akong tao.
Kung titignan, okay din kasi active din yung positive
konsensya ko. (Salamat dahil nanjan ka palagi. ) huhu
Sa maniwala kayo at sa hindi. Hangad ko ang maayos ang buhay
ko. Maging tunay na lalaki. Lalaking dapat tularan. Gwapo. Maalindog. Hot.
Sikat na Sikat. Pero paano ko magagawa iyon kung sa maliit na bagay ay umiinit
na kagad ang ulo ko.
Paano nalang kung isa na akong tanyag na artista. At hindi
ko nagustuhan ang tanong ng nag-iinterview sa akin. Oh diba. Magagalit kagad
ako. Kunyare
Interviewer: Ben, ano pong masasabi niyo sa kumakalat na sex
video niyo?
Ako: Punyeta, titi lang ang nakita niyo sa buong video, ako
na kagad? Mga walang modo.
Ang bagay na ikasisira ng pagkatao ko, hindi lang ng imahe
ko ay dapat ko ng ayusin.
Pinangarap ko maging magaling leader na may konting
pagkaboss pero hindi tulad ng boss ko na mainitin ang ulo anytime, anywhere. Maikwento
ko pa, minsan sinabay niya ako sa kotse niya, matatawa ka din sa pagkatao niya
dahil ultimo traffic pinipilit niyang kontrolin. Sinabi niya “ Tignan mo to
(yung kotse) imbes na dumirecho, lumiko pa. Pati tong nakaharang na kotse”.
Makikita mo talaga siya na inis na inis at iling ng iling sa galit.Kung
tutuusin, dapat talaga sa kanya nalang tong blog ko eh. Siya nalang lagi kong
isinusulat eh. Dedicated lahat sa kanya to eh.
Honestly, talagang apektado ako sa ganitong sitwasyon. OJT
pa rin ako dito. On_Job Tang ina.
Minsan din, ako pa ang trip ng boss ko lkausap kapag umiinit
ang ulo niya. Kaya sa tuwing nainit ang ulo niya nakahanda na ang kamao ko,
nakabwelo na pa-uppercut sa mukha niya.
“wag ka lang
magkakamali sa akin, sir! Bibigwasan kita. Masisira kinabukasan mo”
Sa tuwing uuwi naman ako. Pinipilit kong huwag magalit sa
nanay at girlfriend ko pero kapag galing ako sa kausap ko sa boss ko lahat ng
yan ay sira. Sira ang plano.
Makimkim akong tao. Mahirap para sa kin to pero kakayanin
kong harapin.
Kaya naglagay ako ng game plan sa buhay ko na nakatatak na
sa bungo ko,saan man ako pumunta dapat control ko ang sarili ko. Mababago din
ang lahat. Maitatama din ang lahat. Paisa-isa. Paunti unti may mababago.
Napapansin ko din, nawawala ang tamang tapang kapag umiinit
na ang ulo. Nawawala na sa tama ang ipinaglalaban kapag mainit na ang ulo ko.
Ito pa ang isang scenario na umiinit kagad ang ulo ko
Kapag tayong mga lalake sumweldo tayo ng 18K (example lang) at hindi mo nagastos yun meron kang
tumatagingting na 18K na savings sa ATM mo. Malinis. Walang labis, Walang
kulang. Pero kapag ang girlfriend ko ay iba ang meaning ng savings. Eto explain
ko.
Ang scenario:
Friend nya: Uy, nakakita ako sa Forever21 ng guess bag! Tang
ina, sobrang mura gurl. 12K lang yung bag, nag sale ng 50% off! Isipin mo gurl,
from 24K ang bag ay naging 12K na lang, nakasave tayo ng 12K! panalo tayo dun”
Mga putang ina niyo. Savings mo mukha mo!
May times na iyakin ako. Iyakin dahil di ko masabi ang gusto
kong sabihin. Maiparamdam ang gusto kong iparamdam. Kaya pumuputok sa mata ko
ang luha. Kahit saan mo naman ako dalhin, dala ko naman ang bayag ko. May
tapang ako. Dito lang talaga sa “mundo ng opisina” na to di ako makapalag.
Oras na.
Kailangan kong gamutin ang pagiging mainitin ang ulo ko bago
pa lumalala ang lahat. Isa itong hakbang para sa pagbago ng character ng isang
payaso. It’s my road to recovery.
Gaya nga ng pigsa ko noon, kahit na may sugat ako, pipilitin
ko pa rin bumangot at lumaban. Kahit makirot. Lilipas din ang lahat. Keep
moving lang.
Sa susunod na uminit ang ulo ko. Pipilitin ko nalang
magreact ng mag iisip muna ako bago magsalita. Kasi minsan ang akala ko alam ko
na lahat ng sasabihin niya kaya umiinit na kagad ako.
Ayokong pati ang mga magiging anak ko ay maapektuhan. Ako na
mismo ang magrereseta sa sarili ko.
Kaya kung iisipin, ang blog ko sa kabuuan ay para sa akin.
Dahil sa sarili ko magsisimula ang tagumpay. Alam kong karapatan mong mabasa ng
may mapulot ka sa blog ko. Kung wala kang mapulot. Bukas ang pinto. Lumayas ka.
Hudyo!
Maiba naman tayo. (Nakangiti) May isang bagay lang na hindi nagpapa init ng ulo ko. Kapag nagkiss na kame ng girlfriend ko. Yun na. Wala na galit ko nun. AYIE! Nawawala ang init at napapalitan ng nagsisigang mga laman.
Ngayon hindi ko masabi kong choice ko talaga ang magalit sa
sobrang bilis ko magreact. Pero ayoko ng maulit to. Lagi kong ipagdarasal na
maayos ko ang ugali ko na to. Ayoko na.
Maisingit ko lang,
May isang site akong napuntahan na naglalahad: "In life
we have two major identity crises. The first, occurring in adolescence, is to
establish an identity. You must get a sense of who you are. The second identity
crisis is at midlife when you must give up who you think you are so you can
become who you were meant to be. This transition is not easy and is greatly
resisted. Midlife is ultimately about the search for true meaning in life.
Whenever we ask about meaning we have asked a spiritual question. Midlife is an
opportunity for an awakening into a deeper spirituality." - "What is
Midlife?"
Connected ba? Tingin ko oo. Medyo din.
Sabi nila midlife daw it refers to the age from 40-50. Naglalaro
lang sa ganung digits. At sinabi pa nila, yang mga yan, it is a normal part of
maturing. You feel the need to have a change, sometimes a radical one. You
question the meaning of life, the validity of decisions and the confusion on
who you are, where youre going.
Eh sa edad ko na to, tinatanong ko na din ang meaning ng
life eh. Pero di ako masyadong nakafocus dun. Focus ako sa pagdedefine ng buhay
ko. Ang storya ng buhay ko.
Hindi pa ako umaabot sa edad na ganun. Hinaharap ko na
ngayon ang lahat ng yan.
Pakiramdam ko , medyo nagmi-midlife "challenge" na
ata ako. Ayoko talagang sabihing "crisis" ito kasi gusto kong
i-psyche ang sarili ko na hindi ako papatalo sa ano man ang nangyayari sa akin
ngayon.
Dahil sa masamang dulot ng init ng ulo
Minsan, sa sobrang bilis ng pangyayari at mga reaction, sa sobrang bilis ng takbo ng panahon
nakakalimutan ko nang huminto sandali para amuyin ang mga rosas. Inhale stop
dila at exhale stop dila, Ang regalo para sa birthday na pupuntahan ko.
Iniisip ko ang deadline ko bukas, magbayad ng upa sa bahay, Kailangan
mag-grocery at pumunta ng mall, magbayad ng mga bills. Kaya tuloy kapag
napatigil ako, at nagsabing, saan na nga ba ako?
As the old saying goes,
"Ang init ng ulo, napapawi nang
kaunti matapos uminom ng alak.”
(Pero iinit ulit sa kapag naalala ang ginastos)
Tuesday, June 16, 2015
TAKE OUR TIME BEYBI. IN SLOW MOTION!
Four juice for sun tow. Ang hirap kumilos. Slow motion ako.
Suking suki ako ng mga hospital sa MegaManila ngayong 2015 kahit
ayaw na ayaw na ko na sa kanila. Fuck!
Ang bata bata ko pa, kung ano anong droga ang pinapatikim nila sa akin, Nagmimistulang bahay
bakasyunan tuloy ang hospital. Visit ako ng Visit. Nakakasuka rin diba ng mga gamut, injection,
kuhanan ka ng dugo at kung ano ano pang syringes. (pero mas nakakasuka si Ex)
Talagang pudpod na pudpod na
ang healthcard ko sa kakagamit nito. Sa tuwing iaabot ko sa mga nurse ang card, may mantsa pa ng mga dugo. Charot.
Inaalagaan ko naman ang sarili ko pero bakit nangyayare sa
akin ito. Nag-iingat ako. Saan ako nagkulang?
Lagi akong naggi-gym. Check! Kumakaen ako ng tama. Check! Natutulog ako ng tama. Liar! haha
Tapos magkakaroon pa ko neto. Parang
ayaw talaga akong patabain, anoh?
Ang hirap gumalaw galaw at umupo.
Ganito ba ang epekto ng overthinking, sa pwet ko lumabas ang
resulta. Nagkaroon lang naman ako
ng malaking pigsa sa bandang baba ng pwetan. For the record, pang apat na itong
tumutubo. Ang sabi ng iba (hindi doctor), kailangan daw, hintayin ko munang manginog at magnana at ang next ko ay pisatin or pupukin ng baso na sa loob ng
butas papasok ang nana. Sounds scary kasi matabig lang ito ng bahagya, sobrang
saket na. Ngayon ngang sobrang kirot ng pigsa ko na sa tuwing maglalakad ako at
tatayo paano pa kaya kung hahampasin ngbonggang bongga. Ito ang feeling na parang may lalabas na panibagong muksa sa
pwet ko. Ang feeling na parang kinukurot ako ng kamay. Oo, kamay ng dinaussaur.
Kahit may pigsa. Sinubukan kong maglaba. Ang napala ko,
ngayon namimintig ang mga kamay ko. Nagka pilay ako dahil bida bida akong
makakapaglaba ako. Eh kasi akala ko kaya
ko. Huhu
Wish ko lang.
Sana lang talaga, hindi na siya ganung kasakit kung
palalabasin na ang nana. Sana behave na siya. Kapag lumabas ang nana, mag
NaeNae ako.
Ang hirap ng ganito.
Hindi ko tuloy mayakap ang Bebe ko. (aksent on the last
"Be"). Yow Angeline. Naiirita siya sa akin.
Cause, baby, now we got bad blood. Come on!
Ayaw niya akong yakapin.
Tingin niya yata sa akin mayroon akong malalang ketong.
Kaya gusto ko nalang laging naka Plakda sa kama dahil kapag
kumilos, masaket.
History muna to mga kapamilya, Alam niyo ba, Lahat ng naging pigsa ko, hindi ko na sila
pinapaabot ng stage 5. Pinipisa ko sila kagad sa abot ng aking makakaya.
Kumbaga sa mangga, pipit pa lang siya. Tatlong piso palang ang halaga niya sa
merkado ay pinipitas ko na siya sa puno. Ganun ako ka-excited sa bunga.
Ang hirap ng ganito.
Ang tagal mahinog. Ang tagal mag green. Ang tagal magberde.
Ang tagal labasan ng pigsa.
Naghanap na ako sa ibat ibang
palengke. Tinanong ko na ang tindera Huwats da Madjik Word? Para bumilis ang
paghinog, Tang ina, di niya daw alaaaam. Magsara na kayo.
Hindi talaga ako kaya ng tadhana at ang ginagamit niya saken
ay pigsa para manghina ako. Matapos lang to, hyper ulit ako. So la la labi me like you do...la la la labi
At isa pang nirereklamo ko.
Bakit hindi ako maintindihan ng mga drayber kung bakit
kalahati lang ang binabayad ko. Eh kalahati lang kasi naiuupo ko eh. Konting
pang unawa naman. Pakawalang Puso!
Gusto mo pa ba akong bumanat ng joke: Ano ang napisat na baboy sa kalye? edi PIGSA. nye!
Mas masakit pa to kaysa sa sakit na naranasan ko sa Pag-ibig.
Closing thought: Hindi pwedeng pigilan ang pagbabago at
sakit na dulot ng sugat. Hintayin mo munang maging hinog ang sugat saka mo ienjoy ang
crema ng sugat. Kapag ang sugat ay hindi mo ginamot ng tama, malaki ang chances
na maulit ulit (gaya ng pigsa). Parang pag-ibig at sugat.
Ang pigsa ay parang withdrawal, hindi porket naputok mo ay akala mo wala ng natira. baka may naiwan pa sa loob Parang pigsa, hindi porket
naputok mo na ay ligtas ka na.
At hindi lahat ng hinog masustansya.
Lumabas ka lang talagang nana ka. At sisigaw na akong “Whoah!
Touchdown Pigsa”
Wednesday, June 10, 2015
LANGYANG KARINDERYA!
Ate? Ano ulam niyo? Yan na naman? Wala na bang bago? Meron
ba kayong chopsuey? (wala po) Meron ba kayong Adobo? (wala rin po) Meron ba
kayong Bulalo? (ubos na po) Meron bang kahit na ano? (wala)
Shet! Meron ngang menu!
#PutangINAAAAA
Ganito ang buhay ko. Parang menu ng karinderya. Pare parehas
lang ang luto. Bagong init lang talaga ang iba. Iniba iba lang yung pwesto ng
pagkain. Ang suma. Ganun pa din.
Alam kong maraming nagugutom sa mundo. Para magreklamo ako ng ganito ganyan. Ikinumpara ko lang naman sa karinderya sa pamumuhay ko. Naappreciate ko ang bawat putaheng nakalapag lagi sa table
ko pero bakit ako nauumay na ko. Nagpapasalaamt pa rin naman ako sa lahat ng biyaya.
Seryoso. Walang halong Charo Santos. Tinanong ko muna ang
sarili ko kung isusulat ko ba muna ang nararamdaman ko o kumilos nalang. Alin
lang talaga sa dalawa. Nagdesisyon akong isulat muna. Sige gusto kong magsulat. Tutal
nasa trabaho lang din naman ako. Mamaya pa naman ang uwian eh.
So Nagblog ako.
May araw talaga na sobrang nakakatamad. Actually, araw-araw
nga talaga nangyayari ‘to saken eh. WTF Ang feeling na parang wala ng solusyon
sa lahat ng bagay. Hindi sa negastar ako. Nakakapayat lang talaga ng utak ang
maghapong nakababad sa computer. Pwe!
Nangangarap ako na sana may nakatitig sa akin sa itaas na sinasabing “Sana
maisip mo yan, Ben!. Mahahanap mo din ang hinahanap mo”. Ayokong mabuhay sa
sana. Pero sana. Sana lang. Mabago naman.
Ito ang araw na kahit na i-condisyon at ihanda ko ng husto
ang sarili ko kaninang umaga sa bagong pagsubok na paparating. Wala pa ring
nangyayare. #UKININAM
Hindi na nageextend ang kapasidad ko. Alam kong nasa sa akin pa rin ang kasagutan pero BAKEET di ko masolve.
Magkaiba akong gumising kanina at kahapon. Magkaibang oras.
Magkaibang pwesto sa kama. Magkaibang ruta sa pagpasok ngayon kesa kahapon kasi nagjeepney
ako kanina eh. So magkaiba ang sitwasyon.
Ang problema nga lang, ang ginagawa ko ang pare parehas sa trabaho.
Nakakalungkot din minsan. Ang moment na kapag naglalakad na
ako malapit sa opisina namen. Nasasabi ko sa sarili ko “Ito na naman ulit”.
Kaya pilit ko itinatattoo sa isip ko na “Makakagawa ako ng paraan para mabago
ang lahat.”
Minsan din ang internet nalang ang dapat dadamay saken. Ayaw pa minsan
makisama. Ang bagal kumonekta.
Nagtrabaho ako pero wala naman akong oras para sa sarili ko.
Kahit ilan beses ko pang kantahin ang positive song na “ The Time”. Wala pa rin
eh.
Aaaaayy….. had……the
time of my Liiiiiife
And I never felt this
way before
And I swear this is
truuuuuuue.
And I owe it all to
you. You! You! You! You! You! You!
DIRTY BITCH!
Gusto ko talagang maging parang sundalo na nakikipagbakbakan
sa bawat araw. Sunugan kung sunugan. Gyera kung gyera. Siguro nga kailangan ko
ng ilagay ang sarili ko sa isang battlefield.
Kaya pagbigyan niyo muna akong ilahad lahat ng mga kashitan ko sa bawat araw.
6:00am Gigising sa masakit na ulo dulot ng puyat kagabi
dahil sa overthinking. Ang end. Wala nangyare.
6:15am Saka palang akong magsisimulang kumilos. Kakamutin ko muna ang itlog ko.
6:25am Nagsisimula na akong maligo. Chechikin ko muna ang
dibdib ko kung umumbok na.
6:40am Tapos na akong maligo. At magdasal. Mahalimuyak na ko.
7:10am Tapos narin akong magdamit. Mag ayos ng bahay. At
aalis na ako ng bahay. Punyeta!
7:15am Nag aantay ng bus ng Jac Liner.
7:20am Nakasakay na ako. Sinuot ko na ang headset ko.
Magtutulog tulugan sana di masingil ng konduktor.
7:40am Nasa Carmona Cavite na ako. Susunduin na ako ng
service namen.
7:50am Nasa opisina na ako.
Nangyayari lahat ng ito ng payapa. Buti nalang walang aberya
masyado.
8:00am Simula na ng trabaho. Facebook. Tumblr. Lahat
iccheck. Kaloka.
11:45am Naghihintay na akong kumakaen. At pagtapos kumaen sa
labas. Iidlip ng konti.
1:00pm Balik ulit ng trabaho. Shitty feeling na bitin ang
tulog ko.
04:45pm Naghihintay ulit mag uwian. Yan ang kinaiinisan ko.
Laging naghihintay nalang.
Ngunit may isang unos. Hanggang hindi pa nauwi ang kupal
kong boss. Hindi pa ako uuwi.
5:00pm Tutunog ang alarm ng opis. Yung iba nag babalot na ng
gamit. Ako nagpapanggap pa na may ginagawa.
7:30pm Ang oras na saka palang ako makakauwi.
9:00pm Nasa bahay na ako. Maaga na yun kung tutuusin. Yung
natitira kong enerhiya. Hindi ko rin alam ang gagawin.
Gusto kong ipoint-out sa lahat na iyan ang buong araw ko. Dinamay
ko ang lahat para damay damay na. Walang pinagkaiba ang pamumuhay ko sa isang
estudyante. Walang pinagkaiba rin sa ibang manggagawa. May iba’t ibang kameng disposition
sa buhay. Pero isa isa lang ang NAIS namen. Ang maging masaya. NAISone!
Pare pareahas tayo.
Naboboring na ko. Nadidismaya na ko.
Sana may sneak peek din kapag naghihintay. Para man lang may
ideya ako kahit papano ang tunay na mangyayari. May preview kumbaga.
Minsan kinalulungkot ko kung bakit nandito pa rin ako. Kung
bakit wala pa rin akong nagagawa. May magawa man. Hindi pa rin ako satisfied. Bakit
ang laki ng hadlang sa mga dinadaanan ko. (Sa iba hinde, joke) Oo, alam kong
hindi madali makuha lahat ng mithiin sa buhay pero parang ang labo ng lahat ng
nangyayare.
Inaamin ko minsan na nalulungkot din ako sa tuwing nakikita
ko ang iba na nag aaral ulit.(Mga schoolmate ko dati) . Bigla ulit akong
sasagiin ni konsensya at ibubulong saken “Sana nag aaral ako ngayon”. Pero babawiin ko din sa
huli,kikilos nalang ako. Gagawin ko nalang ang lahat.
Sobrang madasalin akong tao.
Walang mali sa dasal, pero kumilos ko na talagang kumilos.
(sinasagot ko lang talaga ang sarili kong tanong eh)
Ang peklat ba ng kahapon ang magpapahinto o magpapatibay. Hindi
pwede.
Kung titignan ko kasi ang pamilya ko. Hindi ko kasi kayang
makita silang tutulungan pa ako. Kung ano mang mangyari. Pero kung titignan ko
naman ang sarili ko. Kaya ko naman. Alam kong sa sarili kong unstoppable ako eh.
YaBish
Sa pagtahak ko sa lambak ng anino ng kamatayan, The
tounge-na marami na akong napataob na problema ngayon pa ba ako hihinto. Nakakalimutan ko na palang tawanan ang biro ni
Tadhana. Nauutakan niya ko.
Isa akong Frustrated murder. Isang Frustrated na minumurder dahil di ako makagawa ng paraan.
Eventhough, feeling ko nagiging midget na ko sa lugmok sa
pag asa. Lalaban pa rin.
Mahahanap ko din ang sagot sa problema na to. Dahil alam
kong sa likod nito ay may kasagutang kalakip.
Ang dami kong pangarap sa buhay. Pangarap sa pamilya ko.
Ayokong magmadali dahil nakakdisgrasya ang overspeeding.
Itatawa ko nalang talaga muna to. Ooops
Hindi lahat ng tawa ibig sabihin masaya. Yung iba. Baliw
baliw na.
Ako rin ang sagot sa lahat.
But everyday above ground is a great day, remember that. Let's Drink
Subscribe to:
Posts (Atom)













