Pahina ng sarili kong diskarte sa - law of attraction, - passion ko sa pagsusulat, - diskarte ko sa buhay at trabaho, - diskarte kong produktibo, - malikhaing kwento - at tips/motivation ko sa success na may halong nakakabastos na humor.
Monday, November 9, 2015
LOVE BEGINS WITH ONE, TWO, THREE "BAKIT"
Di naman ho ako nagtatanong
kung bakit nangyayari sa akin lahat ng ito. Clear!? Nagtatanong lang naman ako
sa sarili ko kung bakit ginagawa ko pa ang lahat ng ito? Siguro tatanungin nila
ako kung bakit nga ba? Oh bakit nga ba Tohl? Bakit ko pa ba dapat itanong sa sarili ko ang
mga tanong na ito? May halaga ba to? Sayo, sa kanila o sa akin? Bakit
kailangan ko pang isulat? Bakit di ko nalang isipin at itago sa sarili ko ano
nga ba ang lahat ng ito? But needless to say kung “bakit ko pa ipapaalam sa iyo
tong tanong ko.” Ang mahalaga naiparamdam ko sa inyo.
Bago pa lang kasi ako matulog kagabi. Pinikit
ko ang aking mga mata ng nakaupo. Inilabas ang mala-dyablong awra sa katawan ko
at pinapapasok sa katawan ko ang
hinahanap kong glorya. Ang hirap pala, hindi ganun kadali huminga ng tama ng
paulit ulit. Ang pakikinig sa sariling hininga is so hard. At doon na nga nagsimulang
magtanong ako sa sarili kung bakit ko pa kailangang i-alarm tong clock ko sa
phone para gumising bukas. At take note, 5 na alarm pa to para sure talaga na
magising tomorrow. Para ba kumita ng pera o para gumawa ng paraan para
maisakatuparan ko naman ang mga pangarap ko? Alin man sa dalawa. Inuna ko muna
ang necessary tapos ginawa ang posible. Oks na ko dun. Ngunit di pa rin ako
pinatigil ng isipan ko. Nagtanong pa rin ang isip ko kung dapat ba akong
matulog kagabi dahil halos puro tanong lang ako kahapon o ipagpabukas ko nalang
baka sakaling magbago o di naman kaya sadya lang na adik ako sa pag iisip kaya
di ako makatulog. Fuck. Pagmulat pa lang ng mata ko kanina. Tinanong ko na ang
sarili ko . Eto na naman ba ako? Bakit kailangan kong manalangin,mag ayos ng
gamit sa pagpasok sa trabaho, maligo, magsuot ng uniporme at ayusin ang bahay
sa pag-alis kung di naman lahat ng to ang paraan sa inaaasam ko. Bakit di ko man
lang ginagala o iligaw ang sarili ko para mahanap ko ang sarili ko. Oh nagbabaka sakali na naman muli ako na ang
araw na ito ay isinilang ng may kapiranggot na milagro. Bakit pa ako
magmamadali kung late na ako sa opisina? Wala ring saysay diba. Bakit di nako
nagta-try ng bagong gawain? Anyare na. Natataranta na ata ako. Bakit di nako
excited sa buhay? Bakit di ko na ginagawa ang mga bagay na alam kong sa mga
susunod pang mga araw. Makikinabang din ako. Bakit di ko na ginagawa ang mga
bagay na alam kong di ko na pwedeng magawa sa mga susunod pang mga taon? Bakit
di ko magawang umiyak ngayon? Bakit di ko na ginagawa ang mga bagay na
nakakapagpasaya sa akin sa maliit na bagay? Bakit nagagawa kong magsinungaling
kahit di ako nagsasalita? Bakit kahit alam kong ang lifespan ng tunay na tao ay
50-60-70 ang age pero parang petiks pa ko ngayon. Noon ay joyful simpleton lang
ako. Ngayon feel na feel ko maging worried genius. Tang ina this. Di to totoo. Bakit ba mas mahalagang mahalin o magmahal. O
magmahal kaysa sa mahalin. Ano ba yan. Bakit sa tuwing pinipikit ko ang aking
mga mata. Puro entertainment ang umiimbak. Music. WA wentang words. Parang
ebak.
Bakit ba naguguluhan ako sa mga tanong ko
ngayon. Medyo malabo ng araw na to. But somewhere along the way, ang alam kong
buhay ay sa pananaw na kapag nasira ang bumbilya ng bahay namen. Hindi bahay
ang pinapalitan namen kundi bumbilya lang gaya ng mga tanong ko. Ang tanong ko
kung “bakit ko to ginagawa” ay di para baguhin ang buong mundo kundi para lang sa sarili
kong pananaw sa buhay. Bakit di ko magawang tumawa o ngumiti sa mga oras na to?
Dahil ba madidismaya na naman ako mamaya o kailangan ko lang pag isipan ng
mabuti ang mga ikikilos ko ngayon kaya medyo serious ako? Dapat ba akong
magpaapekto? Diba hindi. Pero bakit ang hirap ng kalagayan ko ngayon. Nahihirapan
ba ako ngayon dahil nagbabago na ang lahat? Tanong ko sagot ko. Gago lang
talaga. Marahil napaka-magical din talaga ng writing. Kung di ko to isususulat.
Kung hindi ilalapag sa mesa ang mga tanong . Wala talang mangyayari. Sa tingin
ko nga daig ko pa ang mga superhero. We? As in, kontrolado ko ang sarili ko. Oh
diba. Praning ning lang ang peg. Ang alam ko sa sarili ko kasi. Hindi man ako
makagawa ng kabutihan sa maraming tao atlis di ako nakapanakit. Okay ba tayo
dun mga tsong!?. Ngayon. Bakit ako sasakay sa bus? Siguro umaasa na naman akong
baka madaanan ko ang hinahanap ko bago ako magtungo sa pupuntahan ko. Hopia man
ako now pero nakakabusog din. Not everytime. But most of the time, sinasabi ko
sa sarili ko na makakagawa ako ng paraan para mabuild-up ko ang sarili ko.
Mapalago ko ang sarili ko. At ngayon yung araw na yun.
Nilinis ko ang aking
tenga. Bakit ganun? Ang daling magselos ng kanang tenga ko kapag nililinisan ko
ang kaliwang tenga ko. Ang atat niya masyado. Di niya pa turn. Bakit kaya?
Bakit sa dinami
daming lalaki. Ako pa? Wow. Ampogi.
Alam ko para sa iba.
It’s no biggie.
Isa lang ang alam ko.
Bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Upang matabunan ang lumang nakaugalian ko
na bumalot sa akin ng maling dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng iyon. Kaya.
I wonder why. Bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Para habang pinagmamasdan ko
ang kalungkutan, ang tanong ko na “Bakit”ang magsisilbing dahilan na may pag
asa pa akong sumaya. May paraan para magtagumpay. Para mailakad ko pa ng isang
hakbang kahit papaano ang aking mga paa sa lugar na nais ko habang under
maintenance pa ang lahat. Isang hakbang sa buhay na gusto ko. Yan ang dahilan
kung bakit ko tinatanong ang lahat ng ito. Marahil baka naliligaw na ako.
Nagsimula sa “bakit” to at matatapos ng may “kahulugan at dahilan”. Dahil ang
salitang “bakit ko to ginagawa” ay nanganganak pa at manganganak pa hanggang sa
maging pagkatao ko na. At kailan yon. Bakit hindi ngayon?
Thursday, November 5, 2015
TRULY MADLY DEEPLY MALANDE
This is a freestyle wrote. Grabe. Kung ano ang sasabihin ng
puso ko tungkol sa kanta na to. Yun na yun. No erase. Period.
Ang sarap magmahal noh? Ang sarap balikan ang mga panahon
puro pag-ibig lang ang iniintindi ko sa buhay. Mga panahong wala akong
pake kung gumastos man akong P300 pesos para sa nililigawan ko. Para sa taong
inaalayan ko ng pagmamahal. Ang sarap mainlove. Yung tipong para akong
nastroke. Patay na yung kalahating katawan ko para sa kanya. Ang sarap magbuhos
ng pagmamahal sa taong mahal na mahal ko. Sa tuwing pinakikinggan ko ‘tong
kantang to. Parang ayokong magtrabaho. Eh bwenas pa wala si Amo. Parang gusto
ko magyoutube lang ng magyoutube maghapon. Kalimutan yan putang inang paper
works na yan. Alam mo yun. Iginuhit ng tadhana ang pag ibig na meron ako ngayon. Binihag niya ako ngayon. Ang sarap sa
tenga ng boses ni Yeng. Pati na rin ng mensaheng sinasabi neto. Parang may
sumusundot na walis tambo sa tenga ko. Mga apat na leaves ng walis tambo. Ang sarap sa pakiramdam ang walang humpay na ligaya. Naisip ko nga eh. Paano pa kaya ang
nagwrite netong kantang to. Sobrang ligaya niya siguro sa mga oras na yun. Siguro habang kino-compose
niya tong kantang to, umiikot sa kanya ang mga dosenang naka-makeup na anghel.
Sinasabing “kantahin mo naman ang nararamdaman mo, sasabog na yan, please”. Ang
sarap diba. Tapos umiikot sa katawan niya ang mga mapupulang rosas. Ang sarap
mag alay ng pag-ibig diba. Ang sarap magbigay ng pag ibig pati sa mga pamilya
naten. Bigla ko tuloy naalala ang nanay ko.Tuwang tuwa ako kapag pinipisil ko
ang pisngi nya eh. Sobrang fluffy. Kahit medyo makapal na ang eyebag ng nanay
ko. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang sa malagutan ako ng hininga.
Tuloy-tuloy ang mga daliri ko sa pagsusulat ng pagmamahal oh. Ang sarap grabe.
Para akong kumakaen sa Master Shiomai. Ang sarap ng shrimp.Ops mamaya na ang
gutom. Feeling ko nga eh. Parang di na
titigil tong kamay ko sa pagsusulat right now. Ito ata ang sinasabi nila na may
istoryang parang di natatapos sa opening o unahan. Di natatapos sa intro.
Kailan ba ako huling nagmahal. Kailan ba ako huling nakapagpasaya ng babae?
Halos araw araw ata. SA girlfriend ko ngayon.
Ito yung sa kantang “walang humpay na ligaya”. Habang sinusulat ko to.
Feeling ko. Gabi gabi ang kapaligiran ngayon. May nagmamassage sa likod ko. Ang
lambot ng mga daliri niya. Nasa mainit na batya ang mga paa ko. Sinisipsip ang
mga paa ko ng mga silent bitch na fish. May pipino pa ang mga mata ko ngayon.
At ang pinakada best dyan yung hawak ko
ang kamay ng pinakamahal ko sa buhay. Ayiieh. Para na akong gumagawa ng love
letter ngayon. Kasi nga about love eh. Shunga ko din eh. Di pa natatapos ang
climax ng istorya na to. Tapos itong kanta to ang pine-play na background.
Whoah. Grabe. Walang kaduda duda. Sobrang saya. Sumasampal sa mga mukha ko ang
mga ulap sa langit. Hinaharot ako ng mga hangin sa kalawakan. Ako naman walang
ibang ginawa kundi imoment ang pagkakataong to. Saglit lang naman to eh. Tapos
sychronize ang galaw ng mga bituin sa langit. Chinicheer nila ako “Ben ilove
you Ben.” Walang sawa ako sa
nararamdaman ko ngayon. Parang binuhusan ako sa Taas ng isang banyera ng
pagmamahal. Ang sarap sarap saraaaaaap magmahal. Di pa rin ako mapakali sa
inuupuan ko. Nilalamas na ang pwet ko ng chair. Niyuyugyog ko na ang upuan ko
sa galak. Ang sarap mabuhay ng tahimik na walang iniisip na kapalit. Ito yung
mga part ng buhay natin na willing
tayong masaktan para lang sa pagmamahal. Willing tayong mag-ipon kahit
di naman natin ugaling mag ipon pero
para sa minamahal natin gagawin natin. Pulang pula na ang mga pisngi ko ngayon.
Naka letter L na ang mga kamay ko sa sobrang kilig. Musika lang to pero ang
dami ko ng nasabi. Gusto kong mabuhay sa pagmamahal. Araw-araw pagmamahal.
Sana may profession ng pag ibig. Handa
akong mag OJT kahit mahirap. ito yung mga part ng buhay natin na kahit lalaki
ka, napapaluha ka ng pagmamahal. Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig.
Tagalan mo ang pagsapi sa katawan ko. Manatili ka sa buhay ko. Amen. Alam ko
minsan nandyan ka. Minsan wala ka. Susulitin ko na ang mga oras na to na kasi feel na feel kita eh. Grabeeeeeeeee.
Mahal na mahal ko siguro ang sarili ko. Grabe ako magmahal ngayon. Walang
halong cheat. Walang pangamba. Putang inang pagmamahal to. Ayaw akong patigilin
sa pagsusulat. Ngayon ko lang na-experience tong ganito. Kahit di lagyan ng
Oxymoron ang mga words. Para akong si Beyonce na nagpe-perform sa concert
stage. Yung feeling na binubuka ko yung mga kamay ko pataas para tanggapin ang
pagmamahal sa akin ng mga taong sumusubaybay at nakikinig sakin. Alam mo yun. Parang naging song artist na ako ngayon. Maluluha
luha ako sa suporta, pagmamahal at tiwala sa akin ng maraming tao. Grabe na ito
tooool. Ang sarap sa feeling pala na nilagay ko lang muna sa likod ko yung mga
pangarap ko. Kasi kumikinang ngayon ang pag ibig na taglay nila. Handa akong
mamatay sa pag ibig. Handa akong mabuhay sa pag ibig. Handa akong masaktan para
sa pag ibig. Sobrang magical ng nararamdaman ko. Walang humpay na ligaya.
Punyeta.
Wednesday, November 4, 2015
Monday, November 2, 2015
WALA NG TEKA-TEKA.
Mas mabilis pa sa
alas kwarto ang takbo ng aking orasan.
Kanina pa ang ganito’t
ganyan kung titignan ko lang at pagmamasdan.
Walang patutungo ang
nais ko kung walang kilos.
Sasagarin ko na hanggang
sa mapaos.
Ang nagdidikta sa
akin ng pagkakamali ko sa kahapon.
Ay katumbas na
kailangan ko pang lumaban at sa panalo tumuon.
Tunay ba na ang
tumatakbo ng matulin.
Ay matinik kung
malalim?
Eh papaano naman ang
lakad na nakakabitin?
Diba ang mabagal kung
matinik mas malalim din.
Sobra pang malayo ang
tatakbuhin ko.
Wala na akong oras
para ipalakad pa sa iba to.
Hingal naman ang
bumabatak sa katawan ko.
Kaya lamang ang
balanse lang ang panalangin ko.
Ang pagod ko ay
parang humihiwalay na sa akin ang kaluluwa.
Ngunit, di kailanman hihiwalay
ang pangarap ko na “parang bula.”
Kailangan ko ng
tubig. Kailangan ko ng tubig.
Hindi saklolo dahil
okay lang kung walang makadinig.
Lalakarin ko to ng
mag isa. Lupa ang aking niyayanig.
Bilin sa akin ni ina
na wag magpapatuyo palagi ng pawis.
Wala na akong
magagawa kundi
magpatangay nalang sa hanging palihis.
Niyakap ko kasi ng
husto ang hapdi
At ang sakit ng
katawan ay tiniis.
Nang sa gayon. Matapos
to ng walang mintis.
Pagod lang ako pero
mayroon pa rin akong natitirang lakas.
Tumingin kayo sa
aking likuran, para malaman ang lalim ng iniwang bakas.
Salamat sa enerhiya.
Muntikan na akong maniwala sa mahika.
Kala ko naririnig
nila ang mabilis na tibok ng puso ko.
Gusto lang pala
nilang sa akin manggulo.
Pati sentido. Parang
mababaklas na pagkatapos
Pero di naman. Sa sarili ko lang pala ako
nakikipagtuos.
Hampas ng puso kong
tumitibok.
Mas umiingay. Mas
lalong lumalakas.
Hampas ng puso kong
tumitibok.
Mas tumatapang. Mas
umaaklas.
Dahil may
deteminasyon kaya ako tumatakbo.
Dahil ang bawat hakbang.
Aangkinin ang karera to.
Ayokong isiping wala akong
kasama sa pagtakbo.
Isa na naman tong
panlilinlang, kabo.
Gusto kong lahat ay
magtagal.
Kaya naglagay ako ng kasama.
Gusto kong lahat ay
mabilis.
Lalakarin ko ng mag
isa.
Ang gabay ng liwanag at
init ng araw ang magiging pag asa.
Pumapatay ako ng
segundo para lang mabuhay ang aking kaluluwa.
Ganyan ako, nagsimula
sa takot ngayon diablo na.
Demonyo na. May
sungay na.
May anghel pa at Mephistopheles
sa balikat ko.
Pero wala akong
paniniwalaan sa inyo.
Kapag nanghihina ako,
parang ako’y mahina.
Parang bibigay na ako sa pagsuko.
Hindi nila
mahahadlangan ang kagustuhan ko.
Kahit pilay. Gumagapang
pa rin to.
Walang pakialam kung
sino ang humabol.
Nabubuhay ng may
ritmo parang tambol.
Payo ng amo. Mas
delikado ang mabagal sa mabilis.
Ang mabagal ay
malapit sa disgrasya.
Mahirap ang dikit
dikit.
Ang matulin ay ligtas
ang primera.
Masarap ang hindi
masikip.
Kailangan ko sa akin ng
babaeng handang sumalubong.
Sa aking pagtakbo na handa
siyang tumulong.
Mas mahalaga pa rin
ang buhay na
Nasa gitna ng buhay
at kamatayan.
Kaysa sa pamumuhay na
walang kahirapan.
Natutunan ng kaliwang
paa ko na lumakad.
Hindi puro kanan lang. Di kasi ako tatangkad.
Tumatakbo para sa
tagumpay.
Tumatakbo para sa
pagmamahal.
Ang lakad nila ay
kaligayahan.
Sa akin ay pera at
kapangyarihan.
Mas maganda ng kumikilos ako pasugod.
Sino bang nagsabing
mayroong itong buod?
Sumasayaw ako kung
kinakailangan.
Hindi iniisip ang tuhod.
Mapapagod din si
Goliath kung hahabulin ako.
Tatakbo ako hanggat
kaya ko.
Nananaginip ako ng
gising na punong puno ng kulay.
Sabi ng puso ko’y
gawin lahat ng gusto ko.
Maraming salita na
nadadaanan at naririnig pero di nagpapatinag.
Tapang lang naman ang
suot ko na bag.
Bakit sila umiilag?
Tatakbo ako hanggang
sa mawalan ng hininga.
Salamat sa pagsubok
na nadaanan ko.
Natuto akong tumakbo.
Wednesday, October 28, 2015
KUNG MAKAKAPAGSALITA LANG SI "MILYA"
Ang sakit sakit naman ng trato mo sa
akin. Minsan masaya ako sayo, ngunit kadalas palagi akong malungkot sa ginagawa
mo sa akin. Naiirita ka ba sa akin!? Sabihin mo na ng mabilisan para hindi ako nagmumukhang
tanga na naghihintay dito para sayo. Di mo pa ba ramdam. Ako ay isang mundong
nagtatago. Madalas pa, kapag nakita kame ng ilang babae ay pinandidirian nila
kame. Pero nilulunok din nila ang pride nila. Nagpapasalamat nalang ako sayo
dahil hindi ako sa lalamunan lumalago. Tapos sasabihin mo sa akin. Minsan mo
lang ako gagamitin. Kaya okay lang. Ang sasabihin mo “There’s no biggie on that”.
Wow. Bakit? Ilang beses ba yun? "Once, twice, thrice? gaano ba kadalas ang
minsan mo?" Kilala mo ako. Alam ko kung saan ako lulugar sa bahay ng mga
bata. I claim my territory. I stand firm. Stand proudly sa mga taong handang
balewalain ako. Kaya kabahan ka na.
Di mo ba alam na naghahanda ako ng taon
taon para sayo. Sagrado ang tingin sa akin ng ilang pari at lalo na ng simbahan. Tapos
ikaw. Kung makatapon ka. Sagad.
Di ko na alam kung sino ang
pagbibigyan ko. Ikaw na mismong amo ko o siya na nagpapasaya sa akin. But for
the most part. Ang alam ko lang. Ang mundo ay isang malaking fallopian tube.
Maraming gustong pumutok, maaagawan ka. kaya payo ko sayo. Lumaban ka!.
Nakikita mo ba ako ngayon!? Gutay-gutay na ang katawan ko sa kakaindak mo. Pati
na ang kaluluwa ko, gutay-gutay na rin!. Sana naman gumamit ka ng plastik kung
gagamitin mo ako. Takpan mo naman ko oh. Para di naman maantala ang trabaho mo.
Hiyang hiya na ako sayo eh.
Pagtapos ng lahat. Ano? Ipupunas mo lang
ako bigla pagkatapos mong gamitin. Sa ganito. Sa ganyan. Kung saan saan. Minsan
sa kumot. Minsan sa tuwalya. At ang masakit pa minsan ay sa pader. Hindi kame
langgam. May buhay din kame. Baka nakakalimot ka na kasi. Respetuhin mo naman
ako. Marami na sana akong natulungang orphanage kung hindi ka pakialam ng pakialam
sa buhay ko. Ni hindi mo nga magawang humingi ng patawad sa mga pinatay mong
mga kasama ko. Di mo naman pala kaya kameng pag buo buuin. Maawa ka sa mga
kasamang kong pinag interesahan mo para lang makuha mo ang gusto mo. Ano?
Sagot. Ganun ganun nalang ang kalagayan nila. Naglaho nalang sila na parang
bula. Natuyo nalang sila na parang elmer’s glue. Wala akong hinihingi sayo na
malaki. Bakit? Umangal ba ako sayo nung pinag eexperimentuhan mo ko noon. Ginagawa
mo akong clay minsan. Para makatulog ka. Paaalisin mo ako. Sana
nagkakaintindihan tayo ah. Ang problema kasi sa'yo maaga kang magpalabas at ang
problema naman sa'yo uli huli kang maglinis. Mahal mo ba talaga ako dahil
kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?
Kung may puso ka. Alam kong
naiintindihan mo ako. Ang mga tala., mataas,mahirap maabot. Pero ipinapangako
ko sayo bukas, mangangatog ang tuhod niyo sa ginawa niyo sa amin. Mark my word.
At para wala
ng mahabang essay pa. Simple lang naman ang hinihingi ko sayo boss. Kung hindi
mo ako kayang marespeto bilang selula mo, respetuhin mo naman ako bilang anak.
Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.
Di mo kasi nararanasan ang kalagayan
namen ngayon. Sana magising ka na sa katotohanan. Ang buhay ay pag-ibig at ang
kamatayan ay galit. Maaari ka pang makapagsimula ng New Day. A whole new beginning
Ito na ang pinaka huli ko. Hiling ko
lang sana sayo bilang tao. MAgpakatao ka. Excited ka kapag parating ako diba?
Tama ba? Tapos papatayin mo lang pala
ako. diba? Tama ba? Ngayon. Magbago ka na.
Pagdasal mo nalang ako na maging
matapang ako sa trabaho ko para sayo. At para mabuhay sa mundong ‘to. Gagawin
ko ang part ko. Gawin mo naman din ang part mo. Kapag kami namamatay. Di kame
nagrereklamo sa inyo. O humihiling na ipalibing man lang sa sementeryo. Kasi sa
loob ng bahay. Asahan mong magtatrabaho din ako ng maayos sa abot ng aking
makakaya. We never settle. We never quit. Ulo at paa na may bentetres na
kromosoma. Kaya wag kang masyadong magmadali. Ako ang mag aabono sa itlog.
Tandaan mo yan. Kung nakalimutan man ng kasama mo ang pills. Wala akong pake. Wala
akong pake. Inuulit ko. Wala akong pake.. Basta pahalagahan mo nalang ako sa
paglabas ko. Hindi ako bobong estudyante na masarap palabasin.
Oo, inaamin ko, si milya lang kami.
Pero maghanap ka ng gatas sa buong Pilipinas, si milya lang ang may buhay! si
milya lang ang may buhay!
PLAYING "HILL CLIMB RACING" NA MAY SENSE
Most people in the world dream of riding and climbing. Especially
me. Pero ang pagka-climb kasi ay di biro. Many people are simply afraid of climbing.
Because some people may not even realize it and those fears make it much harder
to climb for work or pleasure. But for now, ibang klaseng patakbo at climb ang
gagawin ng ating mga daliri.
Maliit lang na bagay sa iba ang mga games sa mga android or
phones. Right? Ano ba naman ang i-download mo ang 15mb na game sa phone kesa
kumaen ng Angry Whopper sa Burger King diba. May mahihita ba tayo? Sa aking pananaw, hindi lang siya basta-basta game kundi ma-apply
din natin sa totoong buhay. Naniniwala ka ba? Open minded ka ba sa games? Gusto
mo bang palaguin natin ang games mo?
Halika at tuklasin.
Ang bawat pagmamaneho naten ay may kalakip na tapang at
lakas ng loob. At ang pinakamahalaga ay diskarte. Take note ha.
Ang Hill Climb Racing Game ay isang karera na kung saan
punong-puno ng pagsubok at hill syempre. Yun lang naman.
Ito ang ilan sa mga
na-experience kong lessons at techniques sa larong ‘to
1. Tandaan mo. Maraming struggle sa pagtungo sa hills. Dapat
magaling kang makipag deal sa failures. Wag masyadong ma-frustrate kapag
nahuhulog o nadadapa ang car na gamit mo. Isa itong hill racing. Okay?
2. Before the game magstart. Maglagay ka naman ng pabango.
Para kahit papaano ay confident ka sa pagpapatakbo ng kotse mo. Sa larong ito.
Marami kang gagawing back flip at gugulong gulong ka paminsan minsan kapag
natisod ang kotse mo. Nararapat lamang na mabango ka kapag pinag-papawisan sa
biyahe para mataas ang tingin mo sa sarili kung sakaling madisgrasya ka sa game.
3. Marunong ka dapat magtanong at mag-observe. Marami kang
dapat lagpasan dito. Alam mo dapat kung kailan aangat at bababa. Kung kailan
tataas at hihinto ang kotse mo. Reminder ulit: Malayo ang nararating ng taong
nagtatanong para makapunta sa kanyang paroroonan.
4. Kung naguguluhan ka pa at beginner ka pa sa larong ‘to. Walang
saysay ang inaral mong quadratic formula kung hindi mo susubukan. Try mo para
manalo ka.
5. Ang pinakamahalaga ay ang “lakas ng loob”. Oo, sabihin mo
ng game lang ‘to. Pero kailangan mo ring sumalampalataya sa sarili mo upang maitawid
mo ang kotse mo sa bawat obstacles ng stage.
6. When playing the game, di naman kailangan dito na gwapo,
maganda o matipuno ka. Magagamit mo ang pagiging ma-alindog at romantiko mo
kapag madiskarte ka. Doon lang magiging attractive ang tao. Sa diskarte.
7. Dapat mabilis kang matuto. Quick learner ka kumbaga.
Dapat ready ka sa pagbabago and you can adapt quickly. Kahit saan ka naman
mapadpad na lugar. Matuto ka dapat mag-adjust at makibagay sa paligid mo.
8. Mahalaga ang Appearances kung saan tayo pupuntang lugar.
Katulad sa hill climb game, alam mo dapat kung anong kotse ang dapat gamitin sa
bawat stage o lugar na pipiliin mo. At sa ibang bagay naman, kung saan country
tayo pupunta, dapat nababagay din ang suot nila sa pananamit naten. Nakadepende
pa naman ang suot mo sa pagkatao mo. Malandi ka eh.
10. Sabi nga nila, when in doubt, fake it til you make it. Kung
di mo alam ang form ng dadaanan mo. Isipin mo nalang kunyari na nadaanan mo na
to. Karamihan sa mga nadidisgrasya sa daan ay yung kabado magmaneho. Kumbagasa
pelikula na may eksenang hinahabol ng
pulis ang magnanakaw na naka-kotse. Bakit kaya siya tuloy tuloy sa biyahe at
matagal matigok? Kasi kinukutuban niya o
pinepeke niya ang sarili niya na malulusutan niya ang mga dadaaan niya.
11. Kung gusto mong maging attorney, magsuot ka ng damit na pang
attorney. Kung gusto mong maging doktor, umasta kang parang doktor. Kung gusto
mong maging isang magaling na driver. Kung gusto mong maging UFC fighter,
magsuot ng pang fighter na damit. Umastang magaling na driver. Magsuot ng pang
rider. Simple lang diba. Hawak mo ang phone mo. Try mo din minsan magsuot ng
helmet para magmuka kang tanga minsan.
12. Mapapansin mong ibat ibang lugar ang pupuntahan mo sa
larong hill climb. Lesson lang to na dapat mong i-appreciate ang bawat dadaanan
mong problem sa mundong ito. Yan ang gintong aral.
13. Walang binatbat ang background experience kung marami
kang resources. Kahit isang dosena pa ang certificate mo o magna cum laude ka pa sa
inyong unibersidad kung shushunga shunga ka naman sa road at wala kang dalang
baon sa biyahe mo. Ang bagsak mo lang. Maliligaw ka lang talaga. Dapat marunong
kang dumiskarte kapag naliligaw ka na. Be resourceful, use your creative
experience, brim with confidence, and the world is yours. Kaya mo yan sis.
14. Tamang balanse ng pagpapatakbo ang kailangan. Tamang
bilis. Maraming namamatay sa over speeding koya.
15. Age is meaningless. Hindi sinusukat ang paglalaro ng
Hill Climb sa edad. Parang sa buhay. Kung 50 anyos ka na at gusto mo pa ring
mag-aral at matuto. Ituloy mo. Why not? Gaya ‘to ng larong Hill climb.
Makakatawid ka sa pupuntahan mo ng hindi kini-question ang edad mo.
16. Wag mong katakutan ang mga bagay na hindi mo alam.
Walang nakakatakot sa mga unknown na bagay o places. Mas mabuti ng dapat
sinisiyasat mong maigi ang mga ito. Lahat ng bagay ay nagstart sa bagay na
hindi din nila alam at nung inapakan na nila ang gas. Tuloy tuloy na sila sa
biyahe nila sa buhay.
17. Ang pinagtataka ko lang sa larong ito. Ang main
character sa Hill Climb ay biyahe ng biyahe. Parang walang bahay. Siguro may
malalim na hugot ang tao sa likod ng nagpapatakbo ng kotse. Siguro masalimuot
ang nakaraan niya at ayaw na niyang bumalik pa sa kung saan siya nanggaling.
18. Bawal ang nakayuko sa paglalaro ng Hill Climb.
Nakakasira ng pagmamaneho yan. Dapat ang tindig ng dibdib mo ay direcho.
Maraming nadidisgraya kapag baluktot ang katawan at parang nahihiya sa ginagawa.
Chest out Bitch.
19. Medyo i-headbang headbang mo naman ang ulo mo while
playing the game. Sa paraang ito, mas nagiging cool ka sa pagpapatakbo ng
kotse. Feel mo na trip na trip mo pa rin lundagan ang bawat balakid.
20. Sabayan mo din ng pagpapatugtog ng mga mabibilis at high
bass music kapag naglalaro nito. Kanta kanta ka minsan ng “They see me rollin,They
hatin, Patrolling they tryin to catch me ridin dirty.”
21. Mag invent ka ng konting strategy. Dapat medyo flirt ka
kapag nagpapatakbo ng kotse. Tulad ng “Ay ang taray, kabog ang pagbagsak ko dun
ah,” Nakakataas ng pwersa sa paglalaro yun brad.
22. Mahahalata mo na isa lang driver sa Hill climb. Patunay
lang ito na dapat kumilos tayo mag isa. Walang tutulak sa atin na ibang tao
para makaangat.
23. Minsan maging cheerleader ka sa sarili mo. Self support ka
na matatapos mo ang race na tinatakbo mo. I-vocalize mo minsan ang sarili gaya
ng “Go Ben, kaya mo yan.. Go! Go! Go!”. Mahalaga na pinupuri mo minsan ang
sarili mo. Tawa tawa din minsan.
24. Walang nagtatagumpay ng hindi nagpa-practice. Kaya i-charge
mo ng matagal ang phone mo. At simulan mo ng magpractice. Punyeta.
25. Hindi ina-allow ng android ang gamer na naka-simangot.
Dapat kina-crack mo ang ngiti mo for positive mood.
26. Ang pinakamahalaga. Maging kumportable kapag hindi ka
kumportable. Humanap ka ng magandang pwesto. Ako nga kapag naglalaro, kinakamot
ko pa yung singit ko eh. A simple ritual to boost my confidence.
27. Kapag may nalagpasan kang stage. Itaas mo naman ang mga kamay mo.
Damhin mo ang pakiramdam na na-overcome mo ang malanding obstacle sa ng Hill
Climb. Tulad ng track and field. Bawat tagumpay. Paturo sa itaas.
28. Matuto kang i-embrace na kagad na tapos mo na ang finish
line. I-visualize mo na abot mo na ang dulo. Walang masama sa pagiging
ambisyoso kapatid.
29. Kapag natapos mo na ang isang stage. Try mo minsan
makipag handshake sa katabi mo o sa aso niyo. Sabihin mo i-congratulate ka
naman. Makisama naman kamo sa achievement mo sa buhay.
30. Bandang huli. Magegets mo nalang na kapag nakalagpas ka
na sa isang obstacle meron ulit itong kasunod. Ganyan ang buhay. Di natatapos
ang pagsubok.
In conclusion. Once we believe in ourselves, malayo ang
mararating natin. Kung gusto mong maging successful. Dadaan ka muna sa
maraming trials, errors, struggle, obstacles at iba pa pang hadlang. Kung
magppraktis at mag eensayo ka ng husto. Maglalagpasan ang bawat nakaharang sa
dadaanan natin. Maubusan ka man ng gasolina atlis pinilit mo pa rin lampasan
lahat ng ito.
Ganun lang.
Subscribe to:
Posts (Atom)











