Friday, September 16, 2016

AND DALAW NG ENGKANDYOSA NG RADYO: NICOLEHYALA



Mainit init pang balita. Kanina lang pagsakay na pagsakay ko ng bus sa terminal ng Jac Liner habang kumakain ako ng masarap na kutchinta (sarap ng niyog beh) ng biglang sulpot naman ng idol ko sa radio na sina Christuper at nicolehyala. Kung di niyo naitatanong, sila ang kilalang dj personality sa love radio, para sa akin. Kasama nila ang back up na babae na si Tanya Chinita. Dj din siya alam ko. May kagandahan si Tanya pero di niya nakuha agad-agad ang loob ko. Di ko na masyadong napansin ang kilos at galaw nilang tatlo dahil suot ko ang shades ko na Vans, kaya medyo malabo ang paningin ko, well malabo naman talaga mata ko, ibig sabihin lang nito na madilim ang paningin ko pero tuloy pa rin ang pagrampa sa kalye. Nauntog untog pa nga ako sa bus sa kakamadali kong umupo. At tanging naririnig ko nalang galing sa malayo ay ang kanilang mga boses na nagbibigay sila ng mga pa-promo sa mga pasahero. Gulat ako eh, habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng bus at minamasdan ang sweet na magjowa ng biglang napalingon ako sa harapan ng bus, sabi ko “Parang familiar sakin yung boses na yun ah”. Kilala ko kapag boses manok na tandang, panigurado si Christuper yun eh. Tapos kapag medyo sabog na boses na sirena, di ako magkakamali, si nicolehyala yun. Di ako nagkakamali. Sila nga. Kala ko nagbebenta lang ng mani. Kala ko nagbibigay ng sobre tapos kakanta. Kala ko oplan tokhang na ang bus eh. At dahil napukaw na nga nila ang atensyon ko, nakakatuwa yung banat ni Ms. Nicolehyala na bibigyan niya daw ng P200 kung sino ang makakapagsabi o naniniwala na maganda siya. Bagay na mababaw pero nakakatuwa.Okay den yun,yung sapilitang tanong. May tinuro siyang matanda na sabi niya, yun daw ang sumagot na maganda siya. Kaya binigyan na niya iyon ng premyo. Fan ako ni Nicolehyala dahil nakakabilib nga naman sa isang babae na bumanat ng hard punch line sa radyo na kadalasang maririnig lang natin ang mga linyang ganun sa mga lalaking makakapal ang mukha. Samakatuwid, makapal talaga ang mukha ni Ms. Nicole. Sa kanya ko naririnig lahat ng iyon, yung ganung stategy ng pagpapatawa. Elementary palang ako nasa puso ko na ang Love radio. Hangang hanga ako noon sa mga matatalinong dj ng love radio especially Papa Jack. Aaminin ko na, crush ko si Ms. Nicolehyala. Gusto ko siyang i-kiss kanina, kaso napanghinaan ako ng loob. Tatanungin ako syempre ng iba kung bakit siya pa ang crush ko, ehkasi sobrang witty niya. Nakakaganda yun. 

Pero may isa lang akong pinagtataka at malaking ‘question mark’ sa akin kung bakit nila ginagawa iyon. Hindi ko naman kinuwestyon kung bakit hindi sila dinumog ng maraming tao. Lakompake dun. Ang sakin lang, baka siguro antok pa ang mga tao sa loob ng bus or di sila masyadong kilala kaya onti lang yung nagreact or baka sa ibang bus na pinuntahan nila ay maganda ang pagtanggap ng tao sa kanila. Kung susumahin, siguro karamihan sa bus ay mga empleyado na palaging nakakapanood nalang ng 'Ang probinsyano' kaya sa gabi na umuuwi, wala ng time sa radyo. (Oy maganda yang palabas na yan, gusto ko si onyok).

Una kong napuna na sigurado ako na utos lahat ng ito ng boss nila. Pakana ng boss nila iyon dahil mahina ang internet sa opisina nila kaya pinaalis lahat ng tao para lumakas ang net. Joke. Saka ko naman naisip sa seryosong paraan, bakit naman kaya iuutos ng boss nila iyon? Ano? Mababa ba ang rating nila, kaya ganun nalang? Eh palagi naman nilang sinasabi sa radio na number 1 sila pero halos kung papansinin ganun din naman ang sinasabi ng ibang istasyon ng radio or dj na number 1 din sila. Baka nga lahat ng radio ay pwedeng maging number 1 kasi iba-iba ang panlasa ng tao at iba din ang gusto nilang humor. Oo na. hinusgahan ko na sila na kagagawan ito ng boss nito. Theory lang naman iyon.

Tanggapin na nating lahat na kapag sinabing radio, isa sa pangunahing pinakikinggan ng tao, kung hindi drama ay kwela or patawa yan malamang. Gusto ko sanang magpa-papicture kay Nicolehyala imbes na kiss kaso sinabi niyang “Makinig kayo ng love radio kung hindi blah blah blah” Alam ko na kasunod nun kahit di ko narinig. Ang kasunod nun ay joke. Ganun pa man, crush ko pa rin si Ms. Nicolehyala. Sana sinabi niya nalang na  "Salamat po sa lahat ng nakikinig ng Love Radio". Kung hindi sila nakikinif. Oh e di sorry. Hay, Ang hirap pala ng work nila noh. Kailangan talaga nilang bumaba sa tao para mas makilala ang istasyon nila. Wala namang masama dun. Just give the benefit of the doubt, baka trip trip lang nila iyon, na-bored lang sila sa istasyon kaya gusto na nilang kumausap at mangulit ng tao face to face, hininga sa hininga, ako kasi gusto ko ganun eh. Saka sikat sila alam ng lahat yan. Nakakabilib nga yung ginawa nilang yun. Baka siguro ganun ang gusto nilang iparating, ang makasama lang ang tao. Kaso nga lang, bakit sa istasyon ng bus? Eh alam naman ng lahat na maraming tao sa bus. Di nalang sa PICC or Vito Cruz. At today ay Saturday. Baka parehas tayo ng iniisip na marami nga namang uuwi sa kani kanilang buhay sa probinsya. Magtatravel. Gagala. At iba pa. Kuha niyo na siguro ang point ko na gusto nilang tumarget sa mga mararaming tao. Ok gets na. Pinaikot ikot ko pa. Iyon lang din pala ang tutumbukin ko. Gusto nila makamkam ang tao or gusto lang nila magpapremyo. Actually solid na sila eh. Minahal na sila ng tao lalo na ako. Baka nga siguro mas masaya ang interaksyon sa tao kesa sa radyo.

Napakamabenta ng love radiyo sa masa. Napakagaling ng setup nila sa mga dj dahil halos lahat ng karakter ng isang Pilipino ay kumpleto na sila doon. Mawawala talaga ang problema mo kung sakaling mapanood mo sila. Walang tapon sa lahat ng mga DJ nila. May kapupulutan ng aral lahat ng sinasabi. May impact sa tao. Mga charismatic sila, numero uno ang charima ni Ms. Nicolehyala kahit malaki ang bibig niya. Kapag kumiss siya, pati pisngi ng kapartner niya ay basang basa.

Pero may gusto lang akong i-suggest. Bakit di nila ako itry. Haha Bakit di nila subukan ang talas ng boses at talas ng isip ko. Bakit di sila magpa-audition ng bagong disk jockey sa love radio family. Baka kailangan nila ng bagong taste ng tao at magkaroon sila ng baby dun. Ako pa naman, lagi akong sumasakay ng bus, nakaka-engkwentro ako ng ibat ibang amoy ng tao, mabaho at mabango. Lagi akong nakakalanghap ng gas ng jeep, na parang mamamatay na ako dahil sobrang tindi ng tapang ng amoy ng gas ng Moa. Nakatira ako sa Pasay na kung saan hindi mawawala ang gulo, asaran, gaguhan at iba’t ibang klase ng buhay kalye. Ano ba gusto kong sabihin? Alam ko ang diwa ng kalye. Alam ko ang dugo ng mahihirap. Dama ko ang kiliti ng simbahan (may value at ethics naman ako kasi). Nakikita ko ang makabagong mundo ng mga kabataan. Yakap ko ang katawan ng mga abnormal na tao.

Kaya ngayon. Binebenta ko na ang sarili ko sa inyo. Try lang naman. Handa akong maglingkod sa mundo na binudburan ng kwela at patawa.
Gusto ko talaga. Gustong gusto ko talaga mapabilang sa kanila. Malay lang natin.

May preno naman ako sa pagsasalita kung sakaling maging DJ ako. Nga pala di ko pa nabanggit, nung pumunta si Papa Jack sa University namin noon nung taong  2012, isa ako sa nagtanong sa kanya kung qualified ba akong maging DJ? Ang sabi niya, pwede naman daw. Kahit ineechos ko lang siya. haha Alam ko namang di siya magsasabi ng negative eh. Gusto ko rin naman talagang maging DJ balang araw. Alam ko magsalita sa informal at formal words na dapat gamitin in right time. Alam ko ang pulso ng masa, nakikinig palagi ako ng musika. Hindi lang basta pakikinig ng musika kundi alam ko pang pagtugma tugmain ang mga magkakatunog na kanta katulad nalang ng kanta ni Bruno mars na Just the way you are at ni Alicia keys na doesn’t mean anything (magkatunog yan, pakinggan niyo, haha). Kabisado ko ang mga pinoy songs lalo na ni Renz Verano at Rey Valera. Lagi akong nakabantay sa mga bagong musika. Magaling din ako magpayo. Hindi lang basta payo. Nagbubukas din ako ng pinto sa bagong opportunity ng tao. Motivational blog ang ginagawa ko eh. Maganda daw ang boses ko sabi ng nanay ko sa tuwing kumakanta ako sa CR. Ang ganda daw ng pagka-echo at di siya nagsisinungaling. Ang ganda daw ng boses ko sabi ng girlfriend ko kapag nagtatrabaho daw ako. Kayo na bahala umintindi ng sinabi ko. Kung si Maine Mendoza nga nakapasok ng Eat Bulaga ng dudsmash at ngayon host na. Eh bakit ako hindi. Well, Di naman ako bulol. Magaling ako gumawa ng mga istorya. I mean gumawa ng totoong istorya. Lumikha ng magandang salaysay. Magaling ako magpresenta ng kung anu ano. Gusto mo iexplain ko sayo ang toothpick para mapabili ka sa inilalako kong toothpick. Magaling ako magpromote ng mga kilalang tao. Ahm ano pa ba? Breakdancer ako noon. I can break things. Kaya kong i-broadcast ang katotohanan sa buong sanlibutan gamit ang talino ko. Nakapagtapos naman ako ng isang kurso sa Technological University of the Philippines na Graphic Technology at tinuloy ko naman ng Bachelor of Science in Architecture kaso nga lang di ko natapos. Malandi kasi ako eh. Nakikita kong maganda ang personalidad ko para sa isang radio station. Marunong akong mag-entertain. Anong klase gusto niyo? Matino or wild? Sa katunayan nga kapag may bisita sa bahay, ako na bumoboka eh. Kapag may bagong tao sa opisina, pilit kong kinakausap para makilala ko ng lubos. Magaling din ako sa timing, sabayan ng mga background music ang mga nagsasalita, kasi isa akong videographer eh. Alam ko ang pulso ng taong nanonood at nakikinig. Hilig ko pa naman mag interview ng mga tao. Lalo na yung mga sikat. At challenging sakin yung mga ordinaryong tao na kilalanin. Mas natututo ako sa kanila, narerealize ko na marami pa pala akong di natututunan.

Kaya try niyo po ako.
Naniniwala akong naghahanap ang mga Pilipino ng bagong DJ at ako yun. Ang bagong aabangan ninyo tuwing umaga. 

Friday, September 2, 2016

HINDI PA HULI ANG LAHAT.


NKKLK. Sobrang daming nangyari sa buhay ko sa mga nagdaang linggo at buwan ng hindi ko man lang naisulat o nai-type sa blog ko ang mga saloobin ko, nararamdaman at tunay na opinion ko sa sanlibutan. Inamag na ang blog ko. Mas pinili ko pa ang maglikes at mag-edit sa facebook ng mga photos kaysa sa tunay na buhay ko o ang pagsusulat ko. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Gusto ko siyang dyombagin. Nagkamali ako ng diskarte. Syete talaga. Di ko alam kung naligaw ba ako o ewan, o basta. Ang naging siste kasi, maraming sulat na puro simula pero wala namang natatapos, naiiwan lang sa external hardrive ko ang mga ‘word file’  na di nafinalize, palaging bitin. Kaasar. Napabayaan ko ng ‘tong blog ko talaga. Tinuring ko pa naman na parang supling ko ito. Para ko naring bibliya to. Oo nga, pramis. Kaya ganito nalang ako kung magreact. Ito ang sandalan ko. Humina talaga ang kapit ko sa kanya.  Sobrang dami nangyari, masaya, malungkot, nakakairita at iba pa.  Tang ina kasi din nung naging katabi ko dito sa trabaho, kung hindi dahil sa kanya, hindi malilipat ang upuan ko. Fuck you talaga siya. haha Buti wala na siya dito. Lakas pa niya mangain ng internet. Sa sobrang galing sa computer, lahat ng internet connection sa pc niya lang napupunta eh. Kaya ang nangyari, nakikita na tuloy ng boss ko lahat ng trabaho ko sa computer na kaysa noon malaya kong nagagawa ang gusto ko. Kaya adjust tuloy. haha

Pero tapos na yun. Harapin na natin ang kasalukuyan. Simulan na natin ang September na to ng puro blog post. Hahaha Handa kong tuparin yan. Hanggang hindi pa huli ang lahat. Uunahan ko na. Ooops, speaking of “hindi pa huli ang lahat”. May gusto lang akong banggitin na mahalaga para sa akin, ewan ko lang senyo kung mahalaga ito. Bahala kayo sa buhay niyo.

Habang hindi pa huli ang lahat gagawin ko na ang gusto kong gawin, wala ng patumpik tumpik pa. Wala ng accept challenge pa sa facebook. Dapat kong i-remind ang sarili ko ulit na kailangan kong makapunta sa lugar na dapat kong puntahan. Wala ng dapat na galaan pang ibang lugar. Wala ng pasikot sikot pa. Hanggat wala pa akong malaking responsibilidad sa buhay at wala pa akong nabubuong Hepi Pemily. Uunahin ko muna ang pinakamahirap gawin. Nasabi ko na to noon, ipapa-alala ko lang ulit sa sarili ko na dapat kong unahin ang dapat unahin. First things first kumbaga. Habang hindi pa huli ang lahat. Ibibigay ko ang buong tulong ko sa pamilya ko. Buong suporta ko. Sana matupad ko ang pangarap ko na madala ko ang family ko sa ibang bansa. Or kahit ang nanay ko nalang. Syempre kasama dun ang gf ko. I think, that is the best decision ever in my life. Ibibigay ko ang oras ko kay mama sa paraang hindi kame nag aaway. Habang hindi pa huli ang lahat, ipaparamdam ko sa mga pamangkin ko kung gaano ko sila kamahal pati na sa mga kapatid ko. Habang hindi pa huli ang lahat, aalagaan ko ng husto ang katawan ko. Kakain ako ng tama, gulay at prutas. Iiwasan ko na ang mga pagkaing baboy at mga makakarne na pagkain. Iiwas na rin ako sa mga toyo at sili. Ayoko magkaroon ng kidney stone dahil sa maaalat. At sa sili naman baka madali ulit ang tumbong ko. Habang hindi pa huli ang lahat, iinom ako ng maraming tubig, maraming maraming tubig, nako! kapag naging constipated na naman ako. Paktay na naman ako neto. Bloody Mary na naman ang pwet ko. Mas papatibayin ko pa ang katawan ko laban sa kahit na anong uri ng sakit, hindi to kontra iligal na droga. Iba po yun. Habang hindi pa huli ang lahat, gagawa na ako ng paraan para mahanap ko ang trabahong gusto ko. Ang magsulat. Magpasaya. Magkuha ng litrato at video ng mga mahahalagang bagay. Yan ang gusto ko. Habang hindi pa huli ang lahat. Magsusulat ako ng mga naging experience ko. Kasi kapag huli na ang lahat at nakalimutan ko na ang naisip ko. Wala na. Huli na ang lahat talaga. Burado na. Habang hindi pa huli ang lahat, magsisikap pa ako ng husto. Bibilisan ko pa. Habang hindi pa huli ang lahat, papalakasin ko pa ang katawan ko. Habang hindi pa huli ang lahat, magta-travel ako sa iabt ibang lugar na gusto kong puntahan. Habang hindi pa huli ang lahat, magsosorry ako sa mga taong nasaktan ko. Habang hindi pa huli ang lahat, mag iipon na ako ng pera para sa kinabukasan ko. Habang hindi pa huli ang lahat, magbabago na ako, sisimulan ko sa maliit na bagay. Mag iinvest ako hindi lamang sa material na bagay kundi sa sarili ko.

Ngayon napagtanto ko na mahirap talaga ang buhay na to.
Mahirap din pala tong pinasok ko, hindi biro ang malaking pangarap. Nagkamali ako na ginawa kong paunti unti ang bawat hakbang ko. Hindi ko sinagad ng todo. Hindi ko alam kung tama ba o mali ang naging desisiyon ko sa buhay ko. Kung aalalahanin ko kasi, nagdesisyon naman ako ng tama sa mga oras na iyon. Hindi naman ako lasing. Hindi naman ako nakadroga nung mga panahon na iyon. Ang hindi ko lang sigusro kinunsider ay ang dating kong style or strategy sa pagpaplano. Kala ko noon, basta gusto ko, makukuha ko ng basta basta na lamang. Kala ko noon, basta tama, may patutunguhan. Hindi lang pala ganun kadali lahat ng iyon. Naging ilusyon lang ang lahat.

Kaya masasabi ko ngayon na team work ang pagdedesisyon sa buhay. Paano ko nasabing teamwork? Una, naisip ko sa tuwing nagpaplano ako sa ng mga goals ko, wala naman akong wiling na i-give up. Wala naman akong binibitawang bagay upang sa paglalakad ko. Maidirecho ko ang mga paa ko sa paglalakad. Ang akala ko kaya kong dalhin ang lahat. Kung tutuusin, nahihirapan din ako itapon lahat. Natatakot akong kapag nawala lahat ng iyon sa akin ay hindi na ako magiging masaya. Nagkamali ako. Pangalawa naman, ginagawa kong ‘drawing ng bahay’ ang plano ko sa buhay. Minsan ang nangyayari kasi sa sobrang perpekto ng mga plano ko, nauuwi lang sa wala. Naging drawing nalang talaga. Ang akala ko kapag maganda ang plano, maganda din ang resulta. Hindi ko naisip na lahat ng nangyayari sa akin ay binuo ng simpleng pagpaplano at matinding pagkilos. At ang pangatlo naman, kala ko kapag may kotse or drive na ako, makakarating ako kung saan saan at lalo na sa gusto kong patunguhan. Mali pala. Hindi pala sa lahat ng panahon kailangan natin ng motivation. Sapat na minsan mayroon tayong hindi nagsasawang burning desire.Yes, that true. Feeling ko kasi, mas nahihigitan pa nito ang kilalang kilalang super quotes ng bayan. Mas nadaigan pa ng desire ang mga quotes sa mundo. Makakagawa pa ako ng bagong quotes sa na-witness kong experience. Nasabi ko tuloy na kahit sa sarili ko, kung may gasolina ako. Kaya ko rin patakbuhin ang sarili ko. Ang mga motivations na yan ay may posibilidad na mawala. And ang ang apat, nakailimutan kong sumangguni sa mga hero o idol ko. Nakalimutan kong tignan sila na maging halimbawa sa dadaanan ko. Akala ko kapag malungkot ang daan hanggang dulo malungkot din. Hindi pala.

Katulad nalang ngayon, sa status ko. Parang nandito ulit ako sa pinaglalaban ko. Nandito ulit ako kaharap ang computer at nagpapanggap na totoo ang lahat ng ito. Nandito ulit ako kung saan naglalakad ako sa umiikot na bilog sa isang lugar lamang.

Sabi ko nga sa sarili ko, kaya ko naman palang bitawan ang lahat. Lahat ng meron ako sobra sobra na lahat ng ito. Kung iiwan ko naman ng saglit. Siguro naman hindi mawawala to. Wag lang masusunog bigla. Ang tinutukoy ko dito ay yung mga bagay na temporary nakapapagpasaya sa akin like Social media
At matapos naman sa sarili ko, punta naman tayo sa lipunang ating ginagalawan.
Naaawa na ko ng husto sa kababayan natin ngayon. Siguro hula ko, kapag nadamay na ng burberry light yung mga taong di naman sangkot sa krimen. Maraming aalma. Dun lang nila malalaman ang adhikain at mga plano ng ating pangulo ay totoong madugo.

Tanong ko sa sarili ko, Nasan na ba ako? Kahit na ang dami ko ng nagawa pero parang hindi pa rin ako kuntento. Hindi pa rin ako mabuo buo. Sa bawat hakbang ko, laging madadamay ang finansyal na problema. Guguluhin niya ko at sasabihing “kulang ang pera ko at wala na akong pwedeng gawin”. Mahirap ang kapos sap era. Ngunit mas mahirap kung kapos ang pag iisip natin.
Ang mahalaga bumabalik ako kung ano talaga ang gusto ko. Tunay na mahirap ang ganitong desisyon. Mahirap.

Maisingit ko lang,
Sa linggo nga pala ang screening ng workshop ko sa #TripToQuaipoKinse ni Ricky Lee. Sana sa interview makapasa ako. Mapasaya ko sila sa gagawin ko.



Friday, July 15, 2016

DING...ANG BUTO!

Sige na. Magpapaasar na ako sa sarili ko. Laitin mo na ako kung gusto mo. Kahit ako rin naman, nilalait ko ang sarili ko eh. Maglaitan na rin tayo. Kung ganun lang din naman. Yan ang gusto mo eh. Pinagtatawanan ko rin kaya ang sarili ko. Aasarin ko lang saglit yung sarili. Tara let’s go. Tutal mapang-asar din naman ako eh.
Tungkol ito sa kalusugan ko. Ang tagal ko ng payat simula nung tumigil ako sa pagbe-breakdance. Siguro yung huli kong taba ay year 2007. Oo payat ako pero may puso po ako. Kaya wag mo masyadong yurakan ang pagkatao ko. Konti lang. Tawagin mo na akong mukhang kalansay ngunit subok to mga kapatid, sabihan mo man ng parang nakacostume ng Nov1 sa pagkabuto buto. Wa epek yan sakin. Natatawa na rin ako sa sarili ko tuwing nag-geget together kame ng mga kaibigan ko. Ako lang yung mukhang toothpick sa picturan. (nangingibabaw) Sila yung mga mukhang drum sa pagkalusog. Pag-inexray mo ako. Ako yung tipo ng taong walang pag asang tumaba. Conclusion ko lang. Dumudugo pa ang pwet ko sa sugat palagi. Tumatae ng may susunod na blood. Nakakapanghina man. Mas lalo la akong nalalakasan ng loob. Kung tutuusin nga, maaawa ka ngang sakalin ako kasi sobrang payat ng leeg ko. Yung feeling na baka magshut down ako sa nerbiyos. Tinatamad pa akong magpagupit kaya ang haba ng buhok ko ngayon. Mukha tuloy akong si Michael Jackson nung pumuti na siya. Sakto, gumagamit ako ng Nivea. Ayun na iyon. Maraming nakakapansin na pumuputi na ako. Ako yung tipo ng lalaki na madadangkal mo ang bewang ko sa sobrang payat ko. Sa mga di po nakakaalam, wala po akong malubhang sakit. Biruan lang poi to. Mabilis lang po talaga ang metabolism ng tiyan ko.
Sige tawagin mo akong na parang zombie. Babawian din kita, ngunit sa isang kondisyon, kung may utak ka? Hahanapin ko yung BRAINS sayo. Buti nalang maganda ang eyeglass ko ngayon. Yun ang nagdala eh. Misan di napapansin ang pagkapayat. Yung itchura ko kapag papasok sa opisina. Umaga palang pero parang gabi na ang ichura ko. Wala, payat eh. Tinatae ko lang yung kinakaen ko. Wala talagang naa-absorb. Atlis kahit papaano,  bumabanda lang yung inaasar ko sa mga mapapayat. Oh Sorry naman.  Lakas ko kasi mang asar sa matataba eh. Siguro kinarma ako. Charot. De joke. Di naman siguro.
Kung gaano ako kabilis mag alala, magpanic at mag isip. Ganun din kabilis ang reaksyon ng tiyan ko. Maihahalintulad mo talaga ako sa kahit na anumang tingting. Pwede din akong magtago sa likod ni Kim Chui. Ang payat ko over. Para akong cancer survivor. Parang lang po. Joke lang po yan ah. Minsan naririnig ko sa iba. Pangarap daw nila tong ganito. Parang pang Victoria’s Secret model ang katawan ko. Yung tipong kain lang ng kain pero di nataba. Oy ang daming nangangarap niyan ah. Aminin niyo.
Ako yung tipo ng isang empleyado na parang di sumasahod. Trabaho lang ng trabaho. Hindi kumakaen.  Hahaha Parang isang pitik lang. Tutumba na ako. Pero papatunayan ko senyo. Matibay po ako. Pramis. Kahit sabihin mo pa na “Isang sinok nalang ako”. Matibay to tsong. Siguro may baby lang talaga ako sa tiyan. Siya lahat kumakain ng kinakain ko. Hahaha natatawa nalang talaga ako.
Buti nalang kahit na sabihan ako ng iba na payat. Hindi bumababa ang self esteem ko. Eh sanay na ko diyan eh. Hahaha Ako yung tipo ng taong na ang bukambibig ko lagi.."merienda or nagugutom ako. Pero parang wala lang din talaga. Lumamon ako. Waley talaga. Ano mang sabihin niyo. I love my curves and i also love my bones too. Call me a skinny bitch or anorexic. LAKOMPAKE! Buti nalang talaga wala pang tumatawag sa akin ng pangga or sa madaling salita “panggatong”.hahaha Diyan ko napatunayan na may konting respeto pa sila sa akin.
Sa mga nakabasa nito. Share your blessings  naman. Vitamins naman diyan. Laman naman diyan. At buti nalang talaga. Marami pa rin akong dugo. Hay salamat. Buti nalang di pa ako nasasabihan na baka ihian ako ng aso sa kalye. Mapagkamaalan siguro akong poste. Kahit ako eh. Kapag nagsusuot ako ng damit.  Mukha na talaga akong hanger. Kapag ako medyo tumaba. Pusta yan. Marami ng magkakagusto sa akin. Mas sasakit na naman ang ulo ng gf ko sa kakaselos. Charot. Ayoko pa naman nai-stress ang gf ko. Kaya hinay hinay lang sa pagbibiro. Haha Mukha man akong malnourished o maraming bulate sa katawan. Respeto naman. Atlis di ako lampa. di ako skeleton. Sa lahat ng payat, ako lang ang binayayaan ng pwet..(Di ako girl. Dahil to noon sa pagbibike ko pagpunta sa bahay ng tatay ko. Sobrang layo nun kaya ako angkapwet.) Basta ang mahalaga. kahit na payat ako. May lovelife ako. Hihi.


parang ganito lang yan eh.


Wednesday, June 29, 2016

MAGTANIM.


I’m sorry for the truth. But nothing but the truth.
Magpapakatotoo lang po ko ngayon Actually, almost lahat ng blog ko, ang tapat tapat ko sa mga sinusulat ko dito sa website ko eh. Ngayon, magko-confess lang ako ngayon sa blog ko. Pagpasensyahan niyo na po. Masanay na po kayo. At witness po kayo ngayon kahit wala kayong paki. Joke! Sasabihin ko to ng wala ng format format pa or wala ng suspense ang kwentong susulat ko. Basta tuloy-tuloy lang. Bahala na. haha
Wala naman. Ngayon lang araw naman na to, dagsaan ngayon ang balita ng pagkapasa sa arkitekto ng mga classmate ko nung college. Huhu Totoo po. Aaminin ko senyo. Naiinggit ako sa kanila. Ayoko ng balikan pa kung bakit di ako natuloy sa arki noon. Naalala ko lang yung mga panahong binitawan ko tong kursong to. Actually ganito iyon, hindi ko rin naman talaga siya gusto na kurso. Buong puso ko yan sinasabi senyo. Napilitan lang naman ako noon dahil masarap kapitan ang ganung titulo kung sakaling makagraduate ako. 
Aminado akong siniksik ko lang talaga ang sarili ko noon. Naiinggit ako dahil siguro, nasa kritikal na kalagayan ako ngayon. Medyo lang naman. Hindi ko naman sinasabing kapag may titulo ka na, “safe ka na sa buhay. Magagawa mo na lahat ng gusto mo”. Ang sakin lang, atlis sila may napatunayan na. Parang ako wala pa. Feeling ko lang. haha Ang nega ko lang ata. Haha May nasimulan na naman ako, ang problema nga lang habang tumatagal mas lalong nagiging malabo ang mga kaganapan. Parang nagiging hopeless ako. Siguro, itong bagay na nararamdaman ko ay may mabuting balita para na rin sa lahat. Siguro, gusto ko lang talaga magdrama ngayon pero alam ko naman  sa sarili ko kung ano ang takbo ng buhay ko ngayon.
Ito ang ilan sa mga kinakapitan kong nakakapagpa-motivate sa akin. 
1. Siguro masyado akong nakatingin sa halaman ng ibang tao, kaya nakakalimutan ko ng diligan ang sarili kong halaman
2. May nasimulan na naman ako sa mga plano ko, siguro nga, kailangan ko pa ng doble or tripleng kayod.
3. Oo na. Kulang ako sa focus. 
4. Matuto akong magbunyi sa tagumpay ng ibang tao. (Congrats senyong lahat pala.)
5. Balikan ko kung ano ang nasimulan ko na. Yung ang pinakamahalaga.
6. Mahalin ko ang sarili ko. Nakakalimutan ko na ata ang halaga ko. Alm ko, ,mabigat ako.
7. Kailangan ko na may isakripisyo ako sa mission ko. Lahat nagawa ko na. Ang magsakripisyo nalang ang hindi.
8. Ngiti pa rin. Smile pa more. Alam kong malaki ang pangarap ko. Maabot ko to.
9. Influence pa rin sa iba ang mahalaga. Sumunod na mahalaga naman ay ang legacy.
10. Sila ang gagamitin kong inspirasyon para mas lalo pa akong magsumikap sa buhay. Silang mga magagaling.
11. Alalahanin ko kung ano ang meron ako ngayon, sapat na to para maka-move forward ako.
12. Hindi pa rin mawawala sa puso’t isipan ko na makaambag ako ng malaki sa mundong to. Seryoso yan.
13. Diba, ayaw ko naman talaga ng nakatambay sa opisina, so gagawa ako ng paraan para mangyari nga iyon. Tutuparin ko iyon.
14. Kayang kaya ko to. Ako pa, magaling akong tao. May tiwala ako sa sarili ko.
15. Ang utak ko lang talaga ang sumisira sakin. Ang shunga ko lang talaga mag isip kanina. Hindi dapat ganun. 
16. Gagamitin ko tong pain na to for good. Mas gagalingan ko pa. Mas lalakasan ko pa. 
17. Mas pipiliin kong maging positibo pa rin sa buhay. 
18. Just always see the good thing in everything.
19. Magpasalamat ako sa mga bagay na meron ako ngayon.

Anyway, congrats sa mga Arkitekto.


Wednesday, June 22, 2016

JOY ANG ITAWAG MO SA AKIN.


Meron akong gagawing ‘kilos protesta’ laban sa sarili ko. Ito ay isang malawakang protesta laban sa masama kong konsensya. Mag u-URCC battle ang sarili kong mga konsensya. Kasi pagod ako. Pagod na pagod ako. Mahal ko ang konsensya ko, pero bibigwasan ko na siya. Isa lang.
Ang laki na ng natapyas sa pagkatao ko nung sinabi niyang wala akong kwentang tao. Sabi niya iyon. Tang ina ni konsensya. Naturingan ng konsensya ko siya tapos ganun siya sa akin. Ang sakit.
Nitong nagdaang mga araw, ito ang mga bagay na nagsasawa na akong gawin, talagang sawang sawa na ko:
1.       Tipirin ang pera ko. Ayoko na magtipid.( Payat na payat napo  ko.)
2.       Magdahilan nang magdahilan. (Di na ko totoo sa sarili ko.)
3.       Maging empleyadong 8-to-5-ers. (Hirap gumising. Hirap matulog.  Shet!)
4.       Di ko maibigay ang dapat kong ibalik sa pamilya ko. (napakasuwail ko na)
5.       Kinakapos na ko ngayon.  Urgh. (Di na ko makahinga. Charot.)
Ito ay mga kaganapang makatindig balahibo para ulit ulit pang muli. Ayoko na.  Pilit ko nalang ipinipikit ang aking mga mata at iniiwan ang realidad na to. Nang sa gayon sa pangyayari na ito, atlis may nagkumot ng lungkot ko. May nagpayong sa maulang na kinatatayuan ko. May yumakap sa damdamin ko. Doon nalang sa imagination na iyon ako sumasabit. Ang konsensya ko kasi ang nagsasabi na tumigil na ko.
Sa sarili ko. Kapag alam kong nasa mali ako, ayun ang tama. Nagtatalo ang konsensya ko ngayon. Hindi naman ako natatakot. Sadyang may ‘nega’ things lang nainom ako sa baso kanina.  haha
Tulad nalang ng sabi ng aking
Exhibit A.
Masamang Konsensya: “May kapalit ang lahat ng kaligayahang mayroon ka ngayon. Sige, pakasaya ka pa.”
Mabuting Konsensya: Ulul. Wala na akong pake kung anong mangyari saken ‘ngayon o bukas’. Ang mahalaga natatamasa ko ang hagikgikan na tawanan, everyday. Hindi ordinary iyon, tsong. Alam mo yun. Sa ginawa ng ating Diyos araw-araw, anumang bagay o pagkakataon, natatawanan ko na talaga ang mga nasa paligid ko. Mukha na akong sira. As in. Let me clear of  this. Pero di ako nang iinsulto. Siguro kasi, sobra ang taas at halaga ng tingin ko sa sarili ko. At lahat naman talaga ay dapat mayroong mataas na halaga sa bawat isa.  Alam ko kasing ‘ups and down’ naman ang life ko, syempre kayo din. Eh pwede naman tumatawa ako habang nasa baba at lalo na kapag nasa taas na ko. Nagawa ko nga ang lahat kahit di ako sagana, paano pa kaya kapag sagana na. Kaya tigilan mo nako Masamang konsensya. Please!
Exhibit B.
Masamang Konsensya:  “Wag ka masyadong masaya, baka mamatay ka kagad niyan.”
Mabuting Konsensya: Masaya para sa akin ang ganitong buhay. Feeling ko nga eh. Masasabi ko ng kakambal ko ang ligaya. Nasa dinuguan ko na ang pagiging masaya. Alam ko kasing marami pang darating na problema sa buhay ko na kailangan kong maging matatag. Saka balita ko, nakaka-gwapo at nakakabata ang palaging nakangiti at nakatawa. Kamatayan? Galing na ko diyan. Laig akong deadas. May pagkakataon bawal talaga tumawa, halimbawa may nadisgrasya o anumang aksidente, ang sagwa naman tignan kung tatawanan ko yung mga bagay na iyon. Pero ang stand ko naman diyan, halimbawa mangyari sa akin na mahulog ako sa kanal. Talagang matatawa ako. Matatawa na rin sila. Magtawanan tayong lahat.
Saka tumatawa lang palagi, matetegi agad?
Exhibit C.
Masamang Konsensya: “Marunong kang magpasaya ng ibang tao pero di mo makakain iyan. Di ka mabubuhay diyan “
Mabuting Konsensya: Tama ka. Pero eto na ko eh. Ako, gusto ko kahit nasa libing na ako (wag po muna), nagtatawanan sila. Di nakakainsulto para sakin iyon na nakikita ko sila at kaluluwa na ko, nagtatawanan sila sakin. Ang para sa kin dun, alam kong mami-miss nila ako na may isang ‘Ben’ na nakapagpatawa sa kanila. Maalala niya ang mga ‘sample’ ko. Kaya aalagaan ko pa ang sarili ko, kasi kapag namatay ako, papalitan lang ako sa trabaho.  Di ako takot mamatay. So magpakasaya pa ako. Mahaba pa ang buhay ko. Masaya lang ang maging maligaya. Busog na busog ako sa ginagawa ko. Parang nakakain ko naman.
Exhibit D.
Masamang Konsensya: “Hoy. Wala ka pang napapatunayan.”
Mabuting Konsensya: Maka-hoy ah. Edi ako na puro peke. Wala pala napatunayan eh. Saka hindi rin. Siguro kung
1.       Nandito ang tatay ko ngayon sa feeling ko, hindi ako magsisikap.
2.       Nakagraduate ako ngayon sa arki, playing safe na ako sa buhay. Kilala ko sarili ko eh.
Sa madaling salita, wala man akong napapatunayan pa. May nasimulan na naman ako.  At alam kong ‘ako ito’. Papunta na ko sa destinasyon ko.
Buti nalang hindi ako iniiwan ng aking kaligayahan.
Exhibit E.
Masamang Konsensya: “Di ka na nakatakas sa problema na yan ah. Kawawa ka naman.”
Mabuting Konsensya: Nung nagroller blades ako sa CCP nung monday, hiniling ko nalang na sana maging patag ang mundo para di ako nadudulas o natatapilok sa mga lubak na nadadaanan ko. Pero imposible pala. Imposible palang walang problema sa mundong ito.  Imposibleng walang setbacks.  Imposibleng maging patag ang mundo.
Kaya ngayon alam mo na.!?
At kahit na, walang habas maminsala sa buhay ko ang pagsubok. Hindi pa rin ako susuko.
Exhibit F.
Masamang Konsensya: Pero di ka naman ‘well compensated’  di mo natatamasa ang tamang pagpapasahod.
Mabuting Konsensya: Okay lang atlis malinis ang binibigay ko sa pamilya ko.

Tama na. tama na.
Sa kabuuan ng lahat ng ito. Pagsubok lang lahat ng ito na malalapasan ko. Mabigat man ang karga karga ko ngayon. Gagaan din yan at mababawasan paglipas ng panahon. Kung ang mga guro nga sa eskwelahan, kapag nagpapa-exam sa mga estudyante nila, tahimik lang. Ganun din ang Diyos sakin ngayon. Tahimik lang yan. Di niya sasabihin ang sagot . Kasi dinicuss niya na to dati saken. Ako na ang magdidiskubre.
Kaya masaya pa rin. Hello sa magandang buhay.

MAKONSENSYA KA KONSENSYA




Tuesday, June 7, 2016

JUST THE "3" OF ME



Masyadong condescending 'tong ibabalita ko sainyo. Nayabangan lang siguro ako ng husto sa “Number 3”. Haha Kwento ko. Alalahanin ko lang, remember niyo pa ba ang basketball player na same ko ng name na si ‘Ben Wallace’ kung nanonood kayo ng NBA, siya yung  may number 3 sa kanyang jersey. Naging number din yan ni ‘Allen Iverson’ nung  nasa Philadelphia 76ers, nag-number 3 din siya. Napanood ko yan. Maniwala kayo.

The number three has become such a staple in our daily routines.

At tinuturing naman itong malas na numero sa magkasintahan. Pati na rin sa kolehiyo, ewan ko lang kung di kumunot ang noo mo sa ‘gradong tres’. Ang bobo bobo ko tignan nung nakatanggap ako niyan. Pulido ako noon ng grade na Uno eh. Joke.

At sa panghuling bilang na  ‘tatlo’, kung di niyo pa nagagawa to sa buong buhay niyo, ang jologs niyo, ito ang ‘go signal’ na dapat ka ng tumakbo, tumalon, tumambling, kasi ito ay  senyas na 1,2,THRIIIIIII takbo na sa dyiiiiiiip. Wala ng bayad bayad.  haha

Many moons ago, kapag bored ako sa school, minsan naido-drawing ko ang 3 na kapag binaligktad ay parang itlog ng lalaki. Haha Natutuwa ako. Lalaki naman ako pero bakit.

And,  I do not forget  ang ‘3 moves’ ko sa chess. Naglaro ako sa school. Ang galing galing ko kapag may nagogogoyo ako sa tactics ko na to. Pinagmamalaki ko yung moves na iyon noon. Kahit gasgas na. Sana alam niyo rin. In 3 moves, mapipikon ka. Haha

Sa mainit na balita naman ngayon,

Namatay si Muhammad ali kamakailan lang, sumunod naman ngayon si Kimbo Slice ng UFC, siya yung parang character sa street fighter na balbas sarado, ang hula ko ngayon, sino ang atletang susunod? Sino ang pangatlo? Wag naman si Floyd Mayweather. Wag. Wag, SANA!. Charot. Bakit ko nabanggit yang mga yan kahit di naman ako sports fantatic? Kasi ang topic ko ngayon ay tungkol sa tatlo. Yes. It’s three. Not tree. Yes Bitch! Nasabi ko na diba.

Wala naman talagang nakakapagtaka noong bata palang ako na ang isang araw ay binubuo ko lang ng laro sa umaga, kain sa tanghali at matutulog nalang sa gabi. Basta yun na iyon, given na naman iyon para saken. That’s my three special things in my life. And then, pumasok naman ako sa eskwelahan noon na ituro na kagad saken na ang bansang kinabibilangan ko ay mayroong tatlong isla na Luzon, Visayas at Mindanao. Tatlo din yan. Sumunod naman na natutunan ko, nung highschool ako, favorite ko idrawing ang suot na damit ng “Ang tatlong paring martir o kilala sa tawag na Gomburza na ang alam ko lang sa kanila ay binitay sila sa paraang pag gagarote. Ayun lang. Tatlo din yan.  Tapos sumunod din yung ‘Ang tatlong hambog’ na ang tanging ideya ko sa kanila, nakakatawa daw tong palabas na to, saka ko lang napanood sa youtube, lately lang din. Habang lumilipas ang panahon, nakikinig na ako ng mga videoke ng mga matatanda sa amin, I still remember  ang kantang “si aida si lorna o si fe”, di ko alam kung sino ang kumanta niyan pero kung di ako nagkakamali, ganito yung lyrics niya “la la la lalalala. Tulungan mo 'ko, pare, Si Aida, o si Lorna o si Fe? Hahaha. Tatlong babae din ang na-link sa kanya.

Pero ano ba ang tinutukoy ko, di niyo ba napansin kung gaano kahalaga ang tatlong bagay o tatlong tao satin. Sinadya ba na swerte minsan ang tatlo kundi bakit di nalang apat para sure. Haha  Nga pala, di ko pa nababanggit ang tatlong bibe na nakakalibang din pakinggan. San ba nanggaling yan. Punyeta.

Malas din ba na kapag tatlo kayo sa picture, mamamatay ang nasa gitna? Tingin ko hindi naman. Dami ng gumawa niyan eh.

Gaano ba ka-importante ang tatlo o 3 na bagay sa buhay ng isang tao? Kung mayroong naimbentong The father, the son, and the holy spirit. Kailangan mayroon din tayo niyan. Kung sumikat ng husto ang ‘The three stooges’. Dapat mayroon ka ring kulit na nasa bilang ng tatlo. Kung hanggang ngayon ay bilib na bilib ka pa rin sa katanyagan ng ‘Tito, Vic and Joey’,  dapat mayroon ka ring dapat pagsikapan na tatlong bagay.  Eh syempre, mahilig ata ang Diyos natin sa tatlo eh. Magtatlo ka na rin. Sobra akong naniniwala kung gaano kahalaga ang numerong tres.

Nakakatuwa kung gaano ka-magical ang numerong “tres” sa buhay ng tao. Bigyan ko kayo ng sample. Kung ngayong araw na to, may goal akong (1) kumanta sa loob ng kalahating oras sa banyo, (2) kumuha ng mga litrato sa mga street pag pasok ko ng opisina at sa pag-uwi na kumunsumo ng 1 hour at (3) pagdating ng bahay, magsusulat ako ng mga kanta sa loob ng isang oras lalo pa kung ginaganahan ako. Samakatuwid, lumalabas na kung sa buong isang week ko to ginawa. Ang total niya ay,

1. Nakabuo ako ng 210 na minuto in one week sa pagkanta sa loob ng banyo. Malamang praktisado ko na ng konti ang kantang iyon.
2. Nakabuo ako ng 7 hour in one week sa pagkuha ko ng mga litrato sa mga street. Siguro medyo perfect ko na ang mga shots ko, at may mga questions na akong mabubuo about photography. Trial and error. Kaya may nasimulan na ko.
3. Nakabuo ako ng 7 hour in one week sa pagsusulat ko ng mga kanta. Sa isang linggo, instant poet na ako.

Hindi na masama kung tutuusin, diba!. Hindi na mabigat ang tatlong bagay na gagawin ko sa isang araw hanggang sa buong linggo.

Paano pa kung nasanay ako na sa tuwing linggo, ayun ang ginagawa ko. Syempre, hindi ko na namamalayan, umabot na pala ako ng isang buwan.

Ang saya nun kung iyon talaga ang goal ko. Example lang naman yan.
Yan ang halaga ng “three” sa lahat. Garantisado.

Kahit siguro di ko na isipin ang isang linggo o buwan na dapat kong tapusin na goal pero kung ngayon araw naman na to, ay yung tatlong bagay na gusto kong tapusin, eh nagagawa ko ng maganda at mas nag iimproved pa ko, nakikita ko na ang progress ko. All good. Pwede na akong mag celebrate. Sisiw na sakin ang kalahating taon, feeling ko lang, kapag nabuo ko ito.
Nakakapressure kasi isipin na dapat ma-achieve ko ang goal ko sa isang taon, kaya minsan di pa natutupad. Ito ang biyaya ng tatlo. Napaka-magical talaga kung sa isang araw ko gagawin tong goal ko at bukas gagawin ko ulit. Talagang improving ang lahat at upgraded.  

Ikaw!?

Anong feeling kaya kung na-achieved mo ang goal mo sa loob ng isang taon. Tulad ng mga nabanggit. Ang sarap uminom siguro ng alak nun sa bar, magbakasyon, manlibre, magpacanton, magpamassage, magbakasyon sa Thailand basta lahat ng bagay na masaya icelebrate. Magagawa mo na. Done ka na eh.
Kung nakikita mo ang sarili mo na ginagawa mo ang goal mo araw araw with these 3 things at nagawa mo nga ito, umabot ka pa ng tatlong taon.

Para ka na sigurong juan 4 all, all 4 juan sa pagta-trabaho. Doble kayod everyday. Nagiging habit mo na ang mga goals mo. Baka siguro, nabura na ang sinulat mong mga goals pero nasanay ka na sa tatlong bagay na ginagawa mo araw araw. Wala ng saysay ang sulat. Ikaw na mismo  ang mga sinulat mo. Ikaw na iyon.

Malamang sa alamang. Sisiw na sayo ang isang dekada sa tatlong bagay na iyon.

Sarap diba!

At dahil nga matunog ang bago nating presidente. Anyway, congrats po muna po Mr. President. Ito ang dagdag trivia. Alam niyo ba ang ang Davao City ay  tatlong sukat na ng Metro manila yan. Malaki din diba ang Davao na naayos ni Duterte kung iisipin.

At maiba naman tayo. Kala ko noon, nung bata ako ah, ang pinakamasarap sa sex ay yung  ‘Threesome’. Hindi pala. Mali pala iyon. Ayon din yan sa survey. Kadiri daw yan. Joke!

Ngayon, gets ko na kung bakit sikat na sikat ang “The Three Musketeers, The Marx Brothers, The Three Little Pigs, The Magi. Damay na natin sina Cleopatra, Julius Caesar, and Mark Antony. Syempre di mawawala ang Destiny’s Child. Say my name, say my name ang peg. Kung di pa kayo kumbinsido sa tatlo ko, banggitin ko na rin ang words na talagang di malilimutan, ito ay ang “Go,glow and grow sa pagkain, Stop look and listen, tapos Faith, hope, and charity sa Bible.  Sino ba naman ang di matututo sa lessons ng tatlong salitang ‘All is well, ‘Believe. Achieve. Receive,’ Winners never quit at siyempre ang ‘Seize the day’. Mga tatlong words yan na super important.

Gusto ko pa sanang isama ang Newton's Laws of Motion. Kaso, masyado ng kumplido para sa topic ko na tatlo. Basta wag kayong mawawala na ang laws nay an ay kapatid nina  length, width and depth. Joke. Diba tatlo din yun. Hahaha Pero sige. Sakto pang maalala ko ang pythagorean theorem na may three sides.  Third year high school ako na na-enjoy kong pag aralan ito. At kung kanina, hindi niyo pa napansin, ang letrang  “A F H K N Y at Z” ay binubuo ng tatlong linya. Bilangin niyo.

Ngayon, ano ang tatlong goal mo sa buhay, today? Simulan mo na.
Ngayon alam niyo na kung bakit napaka-Gamitin ng number 3.

Monday, June 6, 2016

TOTONG PAGHIHIRAP

Ngayon palang ako magkakaroon ng reaction paper sa blog ko. And take note, ang ire-review ko ay yung ‘romantic drama’ pa, hindi comedy. Tumatak talaga kasi sakin to. Tong movie na to. Kahit na umiikot ang kwento sa tatlong tao. Minsan kapag sumobra na kasi sa dalawang bida, naguguluhan na ako eh. Hahaha Kahapon ng sunday, naisipan kong magdownload sa internet ng movie. Pasensya na ho sa pinirata.

Eh wala akong magagawa,  natapos ko lang naman ang “DIY camera slider” na ginawa ko. Sobra ang galak ko nung natapos kong gawin ito. Hindi pa naman to tapos, pipinturahan ko pa siya at lalagyan ng stand. Anyways,

At ayun na nga, kala ko aantukin ako sa mga oras na iyon, kadalasan kasi tuwing hapon ng Sunday bandang 1pm to 3pm inaantok ako minsan sa mga putang inang oras na iyan lalo na kapag wala akong ginagawa sa bahay at sobrang init pa. So, himala na di ako inantok kaya nanood nalang ako ng movie.

Pero bago ang lahat, bumili muna ako ng gulaman sa eskinita samin at biskwit. Baka gutumin ako, at maudlot lang ang pinapanood ko. Pinorma ko na ang mga paa ko at sinimulan ko ng manood. Yeeeaah! Play it.



Ang kwento ng movie na “The Words” ay umiikot sa tatlong writer. 2012 pa ito naipalabas. Kaya medyo luma na. Apat na taon ng nakakalipas.

Ang unang writer ay si “Clay Hammond” na kung saan binabasa niya ang kanyang excerpts sa bagong niyang libro na “The Words” sa isang conference ata iyon. Siya ay may nakilalang magandang babae sa lugar na iyon at ito ay si Daniella, itong babae na ito ay naging tagahanga ni Clay noon pa man. Isang gabi sila at nagmeet. Kala ko nga mag se-sex sila eh. Sayang, ang romantic pa naman ng pwestuhan nila sa parang condo ni Clay. Ikinukwento niya ng may intense ang book niya. Pero infairness,walang sex na naganap.

Ang pangawalang writer naman ay si Rory Jansen. Siya yung bida sa “Limitless” na movie.  Sa istoryang ito, ang baguhang writer na ito ay gustong sumikat sa larangan ng pagsusulat. Isinasalaysay ni Clay ang istorya ni Rory at ng matandang writer. Mamaya malalaman niyo yung matandang writer na ito.  Kasama naman ni Rory ang kanyang may-bahay na si Dora. Napaka-supportive ng asawa niyang ito sa kanyang karera sa pagsusulat. Nakatira silang dalawa sa New York. Marami na ring nasusulat na nobela si Rory ngunit nare-reject siya  kasi sabi ng publisher ay masyadong non-commercial ang mga gawa niya. Para kumita ng pera, pumasok siya bilang clerk sa isang publishing hous.  At para pakasalan na rin si Dora. Ang sweet nga nung moment na naghoneymoon sila sa Paris. Gusto ko iyon. Gumala din sila dun. May pinuntahan silang parang secret compartment at may nakita si Rory na kakaibang briefcase doon. Sinuri niya to ng maigi. Nahuli siya ng kanyang asawa. Kaya ayun, bilang gift, ibinili sa kanya iyong briefcase. Sa pag uwi nila, may napansin si Rory sa loob ng briefcase na may isang rim ng papel. Naka-typewriter pa ang mga sulat. Binasa ito ni Rory hanggang sa dulo ng nilalaman nito. Na-amazed siya sa kakaibang kwento kaya sinubukan niyang gawan ng libro ng wala man lang binago kahit konti sa mga text nito. At aksidenteng nabasa ito ng kanyang asawa, nagulat at natuwa din si Dora sa kanyang nabasa dahil kakaibang kwento ang nilalaman nito. Tinanong niya ang kanyang asawa, kung sa tagalog isasalin ang isnabi, “ikaw ba ang nagsulat nito? Sabi niya kay Rory. Umamin si Rory na siya nga daw ang nagsulat ng kwentong ito. Ipi-nush ni Dora na ituloy ang ginagawang nobela at siguradong sisikat ito. Nai-publish ang libro at tama nga ang hinala, sumikat ito ng sobra. Naging best seller din. Ang title nito ay “The Windows Tales” na napulot nga ang kwento sa loob ng briefcase.




At ang pangatlo namang writer ay ang matandang nagsulat talaga ng librong pinublish ni Rory. Ang matandang ito ay isang American soldier sa Paris noong WWII. Noon binata pa ito, mayroon siyang ka-sundalo na inudyukan na siya sa mundo ng literatura. Pero keme lang sa kanya. Ngunit, nagkaroon siya ng personal na problema noon at ang kanyang asawa, ito ang naging dahilan kaya nakapagsulat siya ng isang nobela. Nang pinabasa niya ito sa kanyang asawa, Katanga naman na  naiwan ng asawa niya yung sinulat niya sa isang tren. Hinanap naman niya ito sa tren ngunit wala na silang naabutan na kahit na anumang briefcase. Ito ay naganap nung binata pa ang matandang writer.

Lumipas ang ilang taon. Dahil nga sa hilig magbasa ng libro ng matandang tinutukoy ko, nabasa niya nga ang librong “The Windows Tales” ni Rory Ransen. Ito ang kanyang nobelang nawawala. Hinanap niya naman ang writer na ito at ninais niyang magpa-autograph dito. Nagkatagpo sila sa isang park dahil sinundan niya si Rory, nakapag pa autograph  naman ang matanda at pinilit niya din maikwento ang gusto niyang ikwento sa taong ito. Natawa nga ko sa scene na pipirma na si Rory sa libro na inaalok ng matanda ngunit wala siyang dalang ballpen at ang sabi ng matanda sa kanya “A writer without a pen? Patanong yan. Imposible talagang tawaging kang writer na walang kang lapis o ballpen na dala palagi. Hindi makapaniwala si Rory na ang kausap niya ay ang tunay na writer ng librong inilimbag niya. Sinabi ng matanda hindi direkta na siya ang sumulat ng libro, patama ang ibang salaysay. Nagkwento ang matanda tungkol sa pagkawala at sakit ng nakalipas. Sa pagsasalaysay ng matanda, gusto niya lang naman sabihin ang tunay na istorya sa likod ng mga nawawalang sulat na iyon.

Nasaktan si Rory sa nalaman niya. Isang malaking sampal para sa kanya ito.
Wala ng nagawa si Rory kundi magpakalasing sa sakit na naramdaman niya sa lahat ng sinabi ng matanda. Parang nawala ang pagkatao niya. Umuwi siya sa kanyang bahay. Inamin nalang niya sa kanyang asawa na hindi siya talaga ang sumulat ng librong ito. Nasaktan din si Dora ngunit kalaunan natanggap din nila ang pagkakamaling iyon. Inamin din niya ito sa publisher na hindi talaga siya ang sumulat ng librong ito. At bilang ganti, isinoli nalang ni Rory ang pera sa matanda ngunit hindi naman tinanggap ito ng matanda. Ang matandang ito ay may isang payo para sa batang writer na ito, ang sabi niya “We all make our choices in life, the hard thing to do is live with them.” Gaya nga ng ginawa ni rory, mahirap pangatawanan ang pinili niyang landas.

At mabalik naman tayo sa unang writer na si Clay Hammond, ang sumulat ng lahat ng kwento na ito, ang sabi niya sa babaeng kausap niya na si Daniella tungkol sa isinalaysay niyang kwento sa libro na ito “At some point, you have to choose between life and fiction. The two are very close, but they never actually touch.” Romantic pa rin sila sa condo. Ang gandang convo neto. Ang cute nito, na parang puso at isipan na magkadikit pero di magkasundo. 




Kaya ang lesson dito, wag kang mang gagaya ng gawa ng iba. Kung di sayo, wag mong angkinin. Maging mas creative nalang. Sabi nga sa isang quote, “A writer at the peak of his literary success discovers the steep price he must pay for stealing another man's work.” Oh hindi yan akin ah.

Minsan inaamin ko, may nagagaya akong sulat ng iba, pero gumagawa pa rin naman ako ng paraan para masabing nakalikha ako ng bago. Pinipilit ko parin maging manlilikha.