Sunday, November 13, 2016

DOCTOR OF ILOCOS IS A STRANGER

"Napakabobo ng mga doktor na iyon, nakakainit ng ulo, tang ina! ang tanga, paano naging doktor yung ganung tao. Gago lang" - anak
"Hayaan mo na sila, anak" sabi ng tatay.

"Mabanggit ko lang anak, kumita pala ako ng malaki sa jeep natin. Ibinenta ko ng dalawang libo. Gusto ko lang mapasaya ka, anak" Nagtaka ang anak ngunit nakangiti at masayang masaya pa rin ang tatay niya. Nagmura ang anak sa nangyari at sinuntok nalang ang pader. At umalis ng bahay.
Nang bumalik siya sa bahay at tinanong na naman siyang muli ng kanyang ama "Anak, dali na kasi, kailan ba tayo magbabakasyon, gusto kong mag gala gala, umakyat ng mga bundok at lumangoy". Sagot naman niya na galit sa tanong "Anak ng tinapa talaga oh, pinag iisipan ko pa kung magbabakasyon tayo, eh san ba gusto niyo tay, ilocos o cebu?
Masayang sumagot ang tatay "gusto ko ilocos, salamat nak ah!"
At ilang oras pa, ipinaalala naman ng anak na sa susunod na linggo ang graduation niya. Kailangan ng ama na umattend doon.
"Sige, sige, pupunta ako anak, ipagmamalaki ko na ikaw ang anak kong pinakamatalino sa lahat" sabi ng tatay niya.
Dumating araw ng graduation at di na tinapos agad ang araw ng graduation. Umuwi sila na kasama ang barangay tanod at ilang kamag anak nila.
Anak: Tang ina naman, bakit niyo naman ginawa iyon tay, nakakahiya"
Tatay: Sila naman ang nanguna eh, tapos na iyon nak, inggit lang sila sayo, matalino ka eh, kaya tara na, magbakasyon nalang tayo"
Sumagot na muli ang anak "Bukas, magbabakasyon na tayo, magready ka na"
Sobrang saya ng ama sa sinabi ng kanyang anak. At inihanda na nito ang kanyang mga damit para sa pag alis bukas.
Sa araw ng pag alis nila,
"Tay, ang magsusundo saten papunta doon sa ilocos ay mga nakaputing tao, sama ka dun ah, alam nila kung saan tayo magbabakasyon, basta susunod ako sayo"
"Sige sige". Sabi ng tatay.

Sa hospital, nagbigay na ng huling salita ang doktor sa anak: "Kame na pong bahala sa tatay niyo, aalagaan po namin siya dito sa mental hospital".

Wednesday, November 9, 2016

AABOT PA BA NG CHRISTMAS O HINDE?

Medyo masakit na kagad sa brain ko ang mga happenings ngayong buwan ng nobyembre. Kaloka. Oo sige na, sabihin na nating I know everything about this because this is my whole life but the truth still hurt. Tanggap ko na ang mga taong punyeta na nakaharang ay parte rin ng kwento ko. Halo-halong emosyon ang bumabalakid sa balat ko ngayon. Ang kati na.

Magulo, masakit, nakakataranta, nakakawalang gana at nakakayamot pero masaya kung iisipin dahil may katiting na pag asa na lumiliwanag at nag goglow sa mga mukha ko. And this is it. The judgement day has come. Ang grupo ng mga distractions naglipana papunta sa akin. Ngayon, makikipagdeal na ako ng maganda sa kanila at haharapin to ng mabangis. I am who I am.

Ayun na. So funny talaga, yung kadaldalan ko nga na gusto kong itigil pansamantala lang, eh kaso di ko pa rin mapigilan at mabitawan eh. Tapos nadagdagan pa ng isa pang problema. Shet. Anubayaaaaan. haha

Bigay lang po ako ng Pahapyap na istorya nung kanina.
Nagkaroon ng konting biruan dito sa opisina. Me vs. my prophet workmate. Haha bansag ko lang yung propeta sa kanya. Dami niya kasing alam sa bible eh. Haha
Biglang pumasok sa isipan niyang hawakan palagi ang tenga ko.

Malinis ang aking konsensya na wala akong nilalagay na kung ano sa daliri ko sa tuwing ipapahid ko to sa ilong ng ka-workmate ko.  Oo sa kanya. Matanda na siya actually. Di na dapat siya ginaganun at di na rin siya dapat nakikipagbiruan gaya ng ginagawa ko sa kanya. Eh nangyari na. Di naman ako baboy masyado. Very light lang kung mamarapatin. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na naloko ko siya sa sinabi kong galing sa maduming parte ko iyong daliri ko. Kaya aakalain niya na sa kung saan saan ang daliri ko napunta bago ko ipinahid ito sa kanya. Kaya wait, ang katotohanan diyan, gusto ko lang siyang maghinala sa mga nangyayari. Gusto ko siyang mapikon para matigil na kame sa kakulitang ito. At hindi na lumalim pa. Pero parang walang bisa. Tuloy pa rin ang battle naming dalawa. Sino ba naman ako. Di naman ako papatalo. Liit na bagay lang yan eh.

Pero wala eh. Susubukan at susubukan pa rin talaga ang lakas ko ng ibang tao. Mag test lang kayo ng mag test. Sisiguraduhin kong mag error kayo sa akin.  

Kahit na anong sabihin kong ritwal pagkagising ko sa kama upang maging matino ako para sa buong araw. Eh wala, babalik at babalik ang lahat at susubukan ang tibay ko. Gaya nalang ng nangyayari sa akin ngayon. Bumabalik sa akin ang pang gagago ko sa ibang tao. Yung hilig kong  panghahawak ng suso ng mga kapwa ko lalaki na alam kong maling attitude ko, kapag hinawakan naman ng iba ang tenga ko, agad akong naiirita at napipikon. May mali na talaga. May mali sa akin eh. hahaha Alam ko yan. Pero tong mali ko, hindi naman nakatingin sa akin lahat ng tao sa pagkakamali ko. Lahat tayo may pagkakamali. Aayusin ko ang sa akin at inaayos niyo din ang sa inyo. So lahat tayo ay pantay pantay.
Well, nandyan na iyan. Ano pa nga ba. Babaguhin ko na iyon. Nangangako akong babawasan ko ang ugaling iyon at hindi na muling uulitin pa.
Kaya sa pagkakataong ito, wala akong sinasabing tama ako. Gusto ko lang iparating sa inyo na babalik at babalik ang lahat upang subukan ako at baguhin ako. At pagkakatiwalaan ko naman ito, alam ko to ang daan sa pag alis ko sa madilim na lugar na to. Hahawak lang ako sa vision at imagination ko. I just embrace the faith that I have.
Sinabi ko sa blog post ko noon na “Ang mga taong segurista walang pupuntahan yan”. Ngayon, naisip ko. Napakasigurista ko pala masyado sa mga kinikilos ko. Kala ko, kapag makukuha ko na ang isang bagay, dire-derecho lang ako at parang kahon lang na may nakaharang na mga problema na itatabi o luluksungan ko lang. Hindi pala ganun ka -easy. Meron at merong magbibibgay ng board exam sa akin sa emotional kong pagkatao na mga nasa paligid ko. Ite-test nila ang apoy ng kaluluwa ko kung sumisindi pa ba. Ang answer ko diyan, mainit pa rin to kung tutuusin. And kadalasan, titignan nila kung lumalambot ba ang ulo ko sa pangungulit nila. Ang sagot ko naman diyan ay hinding hindi.
May mali akong nagawa, at iyon ang lilinisin ko. Wala ng iba. Walang ifo-format sa buong buhay ko. Re-create ng ben estrella, pwede pa.
Kaya alam naman na may mali ako diyan, pero wala sa diksyunaryo ko ang sumuko at magpatalo. Lalaban ako sa kanila. Ego at pride? Basta diyan ka lang sa tabi ko ah.
Matagal ng matalas ang sungay ko. Mas matalas pa sa gilid ng papel kung madaplisan ka neto. At bitbit ko palagi ang bayag ko anumang oras kahit saan. Sa mga previous kong sinabi dito sa blog, pinangangatawanan ko ang ugali ko. Matibay akong tao kung susubukan mo ako. Wag na wag kang papasok sa kaharian ko, hihilahin talaga kita palabas gamit ang tinidor ko. Promise.  
Pasensya na kung di inspiring tong kwento ko. Gusto ko lang malaman niyo na ang buhay ko ay masaya. Masalimuot nga lang talaga kung ide-detail ng husto. haha
Samakatuwid, bigla akong napahinto at nagpasyang isinulat itong problema ko sa blog. Malay niyo parehas din tayo ng pinagdadaanan.  Makatulong din senyo. Hindi ko na nga inisip kung tama ba o mali ang ginagawa ko. Ang inisip ko nalang, yung bang ginagawa ko ngayon makakatulong sa hinaharap ko. Ang sagot ko “hindi”. Pero yun na nga, nandito pa rin ako sa ugali ko. Siguro kaya ako naiirita sa ginagawa sa akin ng ibang tao kasi itinuturo sa akin ang tamang asal at patunay lang ito na talagang may babangga sa akin na kahit na sinong taong ulupong. So ano pa ba ang option ko, ay ang manatiling matatag.
Sarili ko din naman ang nagsabi na mukhang mapapatalsik na ako dito. Negative thoughts ko yan. Ayoko naman ng ganun. Gusto ko pa rin magresign ng matiwasay at sumuko na ng maasyos sa mundong to.
Ang kahinaan ko, kailangan kong bantayan. Nakalimutan kong magpakatanga sa mga tangang tao para sakyan ang pantasya  nila. Nakalimutan ko yan. Pinersonal ko kagad sila. Aaay.
Atlis alam ko naman sa sarili ko na ito na yun. Hindi yung hinihintay ko lang. Ito ang mismong inaabangan  ko. Ito ang pagkakataon na gusto kong lasapin. Debaah!
Sa ngayon, hahayaan ko nalang ang Panginoon natin ang humusga, wala akong sinabing tama o mali ako. Ang sa akin lang, hawak ko ang vision ko. At nagtitiwala ako sa magandang proseso na to. Tigre kapag nagalit. Bawasan lang ang dapat bawasan. haha

Kung aabot pa ba ako ng Christmas dito? bahala na. Ang mahalaga ano mang ibigay sa aking pagsubok. Tatanggapin ko iyan. Di na mahalaga ang bonus kung bonus naman para sa akin ang malagay sa lugar na masaya ako wag lang dito.

Monday, October 31, 2016

FROM BEN WITH LOVE

Bukas aapak na sa lupa ang paa ng Nobyembre, parang bagyo yan eh na may dalang pag asa. At ang tradisyon ng bansa syempre, walang pasok sa lahat pati ang mga workers dahil all saint’s day nga diba. But shit! di yun ang point ko, tang ina lang kasi ang bilis diba. Sobrang bilis ng mga kaganapan sa nagdaang mga months pero hindi naman ako nagmadali kumilos. Reklamo ako ng reklamo. Gago at kalahating ulupong din talaga ako eh. Haha Gusto ko ng mabilisan pero di ako nakipagmabilisan. Ano ba talagang nangyayari? Haha Di ko din alam. Haha

Kaya ikaw na nagbabasa nito, kung minamasama mo ang sinabi ko dahil gusto mo ng bumilis ang araw para magdecember na at magkapera at bonus ka na, bahala ka sa buhay mo, buhay mo yan, actually mahalaga naman sa akin ang paggunita sa araw ng patay. Isang araw lang naman to diba. Yun nga lang, mas mahalaga sa akin gunitain at pahalagahan ang taong buhay. Yan mga buhay na tao na nasa paligid natin, mga pamilya natin, kamag anak natin at mga kaibigan, kadalasan kailangan nila tayo, di lang sila nagsasalita. Kailangan nila ng time natin.  Ang precious time natin. Kaya ang sulat na to ay tungkol lahat ng to sa pamilya ko. Ipagpepray ko nalang ang lola ko dito sa bahay pati ang nanay ni Angeline. So parang staycation muna ako. Sa mga taong biktim naman ng criminal sa mundo, ipagppray ko din po kayo. Alam kong sariwa pa po ang sakit sa puso niyo.

Last, last week,  

Simula ng sinabi kong sisimulan ko na  ang malaking pagbabago sa buhay ko ay biglang dagsaan naman ang mga recent distractions sa akin. Kumpulan sila bumisita sa akin na parang nakarinig sila ng inuman sa kapitbahay nila. Marami sila na kadalasan ay dating ugali ko na. Kaya ayun. Back to zero ako. Mahirap ang umpisa, grabe. Totoo talaga yan. Mahirap ang palaging umpisa lang. Umpisa nalang palagi ng umpisa. Umpisa nalang palagi ng umpisa. Umpisa nalang palagi ng umpisa. Sakit diba. Haha Ay sorry inulit ko lang. haha Puro intro at panimula.  Masakit man pero ang katotohanan, ang pagbabago naman na ito ay base sa kung ano ang ipapalit ko para dun. Ano ba ang pinupunto ko? Siguro nga, kailangan ko ng matinding concentration para makuha lahat ng ito. Isa-sacrifice ko ang ka-ingayan ko, pwede na siguro iyon. Kailangan may ite-trade ako para sa goal. At kanino mapupunta? bahala na kung sino dadampot ng bibitawan ko. Or baka walang dumampot.  Sorry nalang.

Ang katotohanan kasi diyan,  

Nandito na ako sa stage na tinuturo at dinuduro ako ng tadhana na maglaan ng malaking sakripisyo to my entire life. Sa totoo lang, wala pa naman kaming malaking unos na dumating at dumadating sa pamilya o baka paparating palang siya, nagkikilayis life  palang siya, o siguro nga ako lang talaga yung tipo ng lalaking naghahanda na sa traydor na rainy days. Well siguro, hlahat naman talaga tatamaan. Ang araw na ito na hindi inaasahan pero alam nating uulan at alam nating susubok ng matindi sa atin.

Ayokong sa pamilya ko, ibang tao ang mag-ma-manage sa mga decision para ikabubuti ng lahat. Wala na nga yung tatay ko para gumabay sa amin noon pa man tapos magpapabaya pa ako ngayon sa kasalukuyan. Masakit naman ata iyon kung iisipin. Sino nalang ang kikilos? Si batman o si superman? Si aida, si lorna o si fe? Ayokong dumating sa punto na kapag may narinig kami sa ibang tao tungkol sa kung ano mang gulo na magaganap (kung sakali), saka lang kami aalma. Saka lang kami mag aadjust. Mas maganda ng entradahan ang lahat ng magandang simula galing sa sariling sikap. At hindi hinigi sa ibang tao.

Nalulungkot man ako dahil matatapos na tong taon na to na naubos ang oras ko at panahon sa trabahong hindi ko gusto buong taon. Para lang sa pera ay ginawa ko lahat ng ito. Masheket.
Anu pa man. Walang ibang dapat gawin kundi baguhin ang kapalaran.  Baguhin ang mindset. Ang lahat also.

Ito yung mga tipong,
Umuuwi ako ng bahay na lupaypay na sa pagod ng trabaho at matagal na biyahe dulot ng traffic, na magbubunga ng hindi ko na nagawa ang gusto ko at dapat kong gawin pag uwi ng bahay. Gusto kong nahihirapan pero hindi ganitong klase.
Tapos sa susunod na araw, papayag na naman ako na ulitin ko yung routine na iyon. Hay, nakakasawa na bes. Mali na talaga.

Hinahabol ko ang malaking sahod para sa pag alis ko dito para kumpleto ako ng kagamitan sa paglakbay pero habang tumatagal ang ikot ng relo ay nare-rereliaze ko na mali na ang ginagawa ko. Hindi na ata ito ang buhay na pinangarap ko. Hindi na ata ito ang totoo kong plano.

Gusto kong mapag-isa  kahit 3days lang pero di ko alam kung saan ako pupunta. Gastos lang siguro yang naisip ko. Takte. Ang bagsak ng lahat ng ito, minarapat ko nalang na isulat sa blog ko tong nararamdaman ko. Walang pupuntahang lugar eh.
So yun na nga,  
Di ako papayag na ganito nalang ako.(Magkapatayan na tayo. Haha) Di ako papayag na hindi ko mai-angat sa kahirapan ang pamilya ko. Hindi kami mahirap ah. Hindi rin kami mayaman. Surviving siguro ang tawag sa amin. Ayoko ding pumunta kami sa taas at sa baba. Saktong marangya lang. Ang klase ng buhay na walang sakit at may sariling bahay. Ganun lang. Nasa akin ang baraha ng mga susunod pang kaganapan. Kung nasa kanila din ang card, it’s good for them.  Nakakatawa nga lang, ang kalaban ko naman ang sarili ko, ang sariling kong distractions. (Nakakatawa man ang metaphor na iyan, totoo naman). Wala eh, ano pa nga ba, lalaruin ko to ng maganda at bibigyan ko to ng magandang ending tong pagsubok na to. Lahat ng itatapon kong baraha, dapat walang butaw. Naguluhan ka bas a sinasabi ko? Basta gagalingan ko to.  

Ngayon napatunayan ko na, na mahalaga ang pangarap ko, dahil kung hindi dahil sa mga balakid na humarang sa daan ko, di ko malalalaman kung gaano ko kagusto makamit ito. Nilagay lahat ng to upang subukan ang dedikasyon ko na ipagpatuloy.

Hindi madali ang pangarap ko. As in. Hindi lang doble ang pagod, pawis , oras at sakit ang mararamdaman ko sa pagkamit nito sa hinaharap. Kundi limang doble nito panigurado ang sasalubong sa akin. Kaya ano pa nga ba ang dapat kong gawin. Ito lang ang mga naisip ko. Palakasin ang isip ko. Manatiling matatag sa bwat hamon. Kumapit sa mga plano ko, na  minsan ako’y iniwan at ang panghuli, tuparin ang lahat ng ito ng hindi ako nababalisa. Balisain ako kapag di ko kagad maabot eh.huhu

Bibitawan ko na talaga ang magbigat kong dala dala. Susubukan ko naman maging olympics sa pagkilos sa mga pangarap ko. Hataw na.
Kailangan ko ng bumitaw. Bitawan ang mga walang kwentang bagay na di makakatulong sa akin. Kailangan pagmulat ko palang ng mga mata ko sa kama, uminom ng tubig at magpalano. Pagtapos kong maligo dito sa bahay. Bago ako umalis ng bahay, dapat alam ko na ang nag iisang plano ko sa buong araw. Pagdating ko sa opisina. Paghawak ko ng computer sa opisina. Paggamit ko ng internet ng boss ko. Dapat alam ko na ang nag iisa kong plano kahit may ibang trabahong gagawin. Tutuparin ko ang nag iisang ito. Pag uwi ko sa trabaho. Isa lang ang iisip kong goal ko. Papalibutan ko ang mundo ko ng gma imahe ng gusto kong mundo. Labanan nang mundo to. Taena. haha  

Aalagaan ko ang sarili ko habang tinutupad tong goal ko. Di ako magiging sakitin. Datapwat mas lalakas pa ako. Bago ako matulog, sisikapin ko makaabot sa kalahati ng goal ko. At bago ko ipikit ang aking mga mata, ihahanda ko naman ang sarili ko para sa susunod na hakbang ko sa mga goal ko.
At kung ano ang goal ko? Makapasok ako sa kumpanya ng pagsusulat.
Lahat ng meron ako ngayon ay pinagpapasalamat ko, hiling ko na nga lang sa Maykapal na turuan akong ihandle lahat ng meron ako. Hindi biro to. Pramis.


Thursday, October 27, 2016

HULING HIRIT

Ooooy mga bes! Nanganga-musta lang. Kamusta na po kayo? haha Ano pong lagay natin ngayon? Kamusta ang buhay-buhay natin diyan? Ako’y nagbabalik ng may mabuting balita sa inyo. Nais kong ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangakooo. Tenenenen.

Taenang yan. hahaha

Nakaligtaan ko na ng husto ang magsulat dito sa blog ko. Nasisira na routine ko sa pahina ko, sa sarili kong kwaderno, di ko pa nalilipat sa susunod na page ang buhay ko. Ganito ata kapag ang dami ng responsiblidad sa buhay. Ang hirap i-balance ng love life, life goal at pagpapayaman ….sa pag ibig. haha

hahaha De siguro.  Dami ko ding iniisip this past couple of weeks pero di ko naman sinusulat ang mga events na iyon. Nasanay ako sa facebook mag imbak at pumoste. Kasalanan ko din talaga. Kaya ayun.  Asar na talaga. hahaha Kung saan saan napupunta tong malanding kamay ko. Lumilipad na rin ang isip ko. Sheeeeet.

Haist. tingini. Alam niyo ba!? syempre hindi pa diba!? tingini tiligi.
Feeling ko,  kutob ko lang ah, tumataba na ako. Oo nga. hahahahaha baka lang naman. Sana.
(Ang Lakas ko magfeeling, ano ba yaaaan)
Ay nga pala. Kweto ko senyo.  Seryoso na. (linisin ang lalamunan)

Ganito yun.
Wag kayong mabibigla ah.
Wag kayong mabibigla……(bugtong hininga) Patay na ang chismosa niyong kapitbahay. De joke.

Ahm..
Mga nagdaan nitong araw, hinahanda ko na ang sarili ko. (Lapida, kabaong at puntod, hahaha joke). Just insert nalang ng maalaala mo kaya theme song ni ate charo ang babaeng humayok, oo hayok. Hinde. Nagprepare na ko ng husto para sa totoong battle ko sa buhay. Digmaan na to tsong kung maituturing. Hanggang ngayon, naghahanda na ako. Buong nerve ko pati apdo, nakaready na at nakaprotein shake pa, buong isip ko pumorma na, kaluluwa ko naka ‘istand by’ lang, lahat ng parte ng katawan ko papalo na, nakahanda na  sa lahat na pwedeng mangyari. Talagang pwedeng mangyari. Claim it. Makukuha ko na to.
Whatever it takes, ilalaban ko tong goal ko. Alam niyo na kung ano yun. Kumbaga, kung may nakataob na sampung baso sa lamesa, siguradong siguro na ako sa ititihaya kong isang baso, nandun ang hinahanap ko. Di na kailangan pa ng trial ang error. Let’s battle na tol.
Akin to. Binigyan pa ako ng dalawang buwan. Hindi ko sasayangin to. Bwakanang ina. Isha-shut down ko muna lahat ng koneksyon ko sa ibang tao at bagay. Makuha ko lang ang nag iisang ito. Seseryosohin ko to ng husto.
Kupal man ang tadhana sakin na palagi akong jinojorpets at ako din minsan patola din sa kapaligiran. Kakayanin pa rin.
Walang susuko. Walang hihinto.
Totoong maraming distractions sa mundong ating ginagawalan na gumugulo sa akin. Kaya nagdesisyon ako na ito ang dapat kong tutukan sa buong araw, ang strategy na kung paano ko babaliwalain muna ang mga events, at kung ano ano pang bagay di makakatulong sa goal ko. Isang tingin lang sa target. Peng! Peng! Peng!
Kung tutuusin nga mga bes, kung babasahin mo tong blog ko, yayamanan ka dito hahaha (sana basahin mo naman please) kung binabasa mo to, alam mong matagal ko ng ginustong umalis dito. tang ina. Buti nga wala pang nagku-comment sa blog ko na “O bakit nandyan ka pa, bakit di ka pa umaalis? Ang dami mo ding reklamo, nandyan ka naman”  hahaha
Sorna. Bumubwela pa ulit. Ulit na naman. hahaha
Kaya buong pwersang kong sinasabi: Handang handa na ako. Wala akong paki sa iba. Turning point ko na to. At turn ko na to. (pasok mo ang background music na o-o-o-o-o-o-o men ni sam smith) para mas lalo akong ganahan.
Masaya ang biyahe ng buhay ko. Alam mo yan. deba? Gwapo ako. Matalino ako. Lalo na kung titignan  sa facebook photo ko at status. hahaah Oo, pinagmamalaki ko. Pake mo! ooooy biro lang po.
Anumang problema. Di ko dinadamdam. Masaya pa din. King inang yan. Smile and silence lang ang gamit ko. Shepet ne.
Ang lakas nga ng kutob ko eh, uma-align na ang mga bituin sa akin. Sumasayaw din ang mga stars sa akin with choreography and fetty wap. (Tuloy natin ang music ni sam smith ,pakanta lang ako saglit:
My miiiiind would rule my heart. I didn't pay attention to the light in the dark. Iiiiiit left me torn apart. But now I see your tears are an omeeeeeen
Oh-oh-oh-oh. Oh-oh-oh-omen. Oh-oh-oh-oh Oh-oh-oh-omen.
Break the scratch Dj. Balik tayo ulit.
Kabisado ko na ang kilos ng mga nasa paligid ko. Kaya alam ko na kung paano makipagdeal sa mga haharang na unos. (oo nga maniwala ka). Well, ganun pa man, kahit na nandun pa rin ako, nagkakamali pa rin paminsan minsan pero di naman gaano malala na severe pero atlis ngayon medyo natututo na ako. May ritmo pa rin akong sinusunod. Ibang klase kapag ritmo na ang pinag uusapan. Ibang level yan.
Natututo na akong mag ”Say No” sa lahat ng walang ka-kwenta kwentang bagay.
Di na ko naiistress. Di na dumudugo ang pwet ko. hahaha
Bukas ulit. Susulat ako.

Wednesday, October 5, 2016

SA UPUAN NA TO.


“Sawang sawa na ako kakapatong sayo” sigaw ng namamaga kong pwet sa aking inuupuan.

Sa upuan na ‘to nabuo ang apat na taong pagta-trabaho ko sa industriya ng mekanikal at elekrikal sa  engineering construction and until now. Sa loob ng apat na taon na to, iba’t ibang posisyon ng pwet ko ang lumatag sa upuan na ito. Kaya wag niyong sasabihing nagpaka-sitting pretty lang ako dito. Kung tutuusin nga, ang pag-upo ko na to ay para siyang burger na maraming position palagi, palaging kinakaen ng pwet ko ang upuan. Awang awa na ako talaga sa butt ko. Literal na butthurt na siya.
Sa mahabang panahon, buti naman hindi humiwalay ang pwet ko sakin, kung mangyari nga, bayag ko ang sasalo ng lahat. Simula nung pumasok ako ng eskwelahan mula nung bata ako hanggang ngayon. Ito ang mga na-experience kong klase ng upo. May upong “semi lang” kasi wala naman masyadong ginagawa. May upong kumportable kahit maraming ginagawa o wala. May upo na pasimpleng dadakot ng etits. May upong hindi tumatagal ng 10 to 20 mins at mag ccr kagad. Yan ang signs na stress na stress ako sa trabaho o sa ibang bagay na kahit anong inom ko ng tubig, hindi magtatagal sa katawan ko at iihi ko lang lahat ng ininum ko. May upon a nalilibugan. May upong pa-simple kung umutot. Igigilid ko lang ang katawan ko sabay papasabugin ang mala-dragon na amoy. May upong may hangover dahil sa kagabing inuman, nakapa-lumbaba lang ako nun. May upong napapaindak pa ako dahil sa kilig at saya na nabasa ko sa computer or sa cellphone. Karamihan sa oras na ginugol ko sa upuan na to ay sama ng loob sa panenermon ni amo. At minsan, ito rin ang dahilan kung bakit ako nagkasugat sa pwet. Hindi lang kasi 8hours na upo kundi umaabot pa ako minsan ng 10 to 15hours na maghapon nakaupo at wala na akong ganang kumain. Kamot lang ng ilong ang pahinga.  Sa upuan na to minsan ako’y nagmuni muni. Nag-iisip ng pangarap ko, nagsusulat sa blog, nag-uupdate ng facebook, download ng files at bumubuo ng mga masasayang bagay. Dahil alam ko sa pagkakataon na iyon, dun lang ako sasaya.

Isa lang naman ang pinupunto ko, ayokong magtagal sa upuan na to. Suko na ako. Hinihintay ko nalang talaga ang bonus at lalayas na ako. Ramdam ko eh, katawan ko na rin ang nagsasabi na kailangan magki-kilos ng mala-Gardo versoza kong katawan. Minsan nangangawit kagad ang mga paa ko sa pag uupo, kaya minsan pinapadyak ko ito habang nakaupo. ‘Pag pagod na talaga, ipapahaba ko ang aking dalawang mga paa. Malakas tong katawan ko eh. Adik ang  katawan ko sa hataw na galaw na mala-garyV. I don’t want to grow old in this kind of chair. Baka ito pa ang dahilan kung bakit hindi ako magkaanak. Ayoko naman ng ganun. Feeling ko kasi sa kakaupo ko, parang nababasag na ang inaalagaan kong itlog. Parang nagiging pussy na siya sa pagkakaipit. Ayoko talagang tumagal sa upuan na to. 

Gusto kong gumawa ng sarili kong thinking chair or working chair. At sarili kong kumpanya iyon, trono ko iyon. Sa totoo lang, tutubuan na ako ng kabute, balbas, bigote, gubat, sungay, pakpak at  mapapanot ako sa upuan na to. Sukang suka na ako sa upuan na to kaya sa oras na din na to gagawa ako ng paraan upang maka-alis dito sa lugar na to. Mabisa ang whisper sa gilid ko. Oo, totoo! I believed in that. May mahinang boses na bumubulong sa akin, sabi niya sa akin “Mahahanap mo yan Ben, hanapin mo pa, maiisip mo yan”. Yes, naniniwala ako diyan. Tatrabahuin ko pa ang pinangako kong ‘the best version of myself’. Mas magiging courageous pa ako. Akin ang larong ito. Ipang-hahampas ko pa saa pader na nakaharang ang upuan kong gamit ko. Kung ano meron ako, yan ang gagamitin ko.  Ito ang positibong inspirasyon ko sa buhay.


Tuesday, September 27, 2016

SA AKING HINAHARAP


Mga nagdaang araw. May isang halimaw sa utak ko na ang kulit kulit masyado sa kaka-kuda. Actually, mataba siya eh, kaya medyo mabibigat ang mga binibitawang salita niya. Mahilo hilo ako sa bigat niya. Bulong ng bulong siya sa akin maya’t maya. Naiintindihan ko naman siya sa mga pinagsa-sasabi niya sakin kaso nga lang habang nagtatrabaho ako patuloy na ginugulo niya ako. Nasisira ang trabaho ko, syete siya, fucker siya. Ang kanyang mga sinabi sa akin ay tungkol sa mga pinagsususulat ko. Sabi ko tuloy sa sarili ko (Eh anong pake mo ba!?) haha. Kaya nakabuo ako ngayon ng mga prediksyon sa writings ko. Actually, may naisulat na ako sa journal ko na isang istorya, ayaw ko lang talaga i-publish dito sa blog ko kasi natatakot ako. Alam kong may tao akong kakilala na matatamaan ang pagkatao niya, kaya nagdesisyon akong idelay ko muna. Natatakot akong masayang din ‘to dahil maganda siyang pang-surprise sa lahat. At isa pang kinakatakutan ko ay baka mawala din tong istorya ko kaya inaalagaan ko ng husto. May kapupulutan din ng matinding aral to. Ah basta, gusto ko sabay- sabay nilang mabasa lahat ng ito. Alam niyo naman ako pabitin ako ng climax eh. Pero ito muna ang ibibigay ko senyo. Ang mga prediksyon ko.  

1.       Prediction 1: Babayaran ako ng mga Pilipino sa sulat kong original.
Poporma ang mga bituin sa akin. Milyon ang ibabayad nila sa akin. Oh sige, sabihin na nating wala pa kayong ‘most viewed’ na nabasa sa blog ko para sa buong Pilipino. At konti palang ang visitor sa blog ko. At konti palang nakaka-alam ng pangalan ko sa industry ng pagsusulat ko. Pero sabi ko nga, prediksyon ko lang naman lahat ng ito, malakas lang ang kutob kong mangyayari lahat ng ito. Alam ko kasi sa sarili ko na kapag gumana ang utak ko, parang isang kumpanya ang isip ko. Maraming nagta-trabaho sa loob nito. Ang prediksyon kong tinutukoy ay sulit ang ibabayad ng mga tao sa akin sa lahat ng mga katha at istorya na magagawa ko. Tanaw na tanaw sa sarili kong telescope ang makulay na bukas para sa akin. Wala pa ako sa aking pupuntahan pero ipinag-didiwang ko na ngayon ang paparating na event.

2.       Prediction 2: Mabibigyan pa ako ng maraming oras para makapagsulat.
Ngayon ngang onti palang oras kong nailalaan sa journal at blog ko at maikli lang ang mga pages nun, nakakapagsulat pa rin ako ng great things. Naibibigay ko ang ‘last write’ ko. Mga oras na parang wala na akong bukas sa pagsusulat.  Paano pa kaya kapag nandun na ako sa ‘work’ na ganun. Edi mas matindi pa. “Oras” ang pinakamahalaga para sa akin. Ang prediksyon ko dito, makakagawa ako ng sarili kong oras. Yang 24 na yan, gagawin ko yang 72.

3.       Prediction 3: Mapagsasabay ko ang “Fashion Videography at Photography” sa sulat ko.
Gamit ang larangan ito. Maipapakita ko sa lahat na may beauty ang tao na nakatago sa atin, walang konsepto ng taong panget. Siguro hindi lang nila makita ang ganung bagay pero ako nakikita ko yan. Kaya, ako ang magsisilbing finder ng ganda ng lahat. Tutulungan ko silang makita ang kagandahang nakatago gamit ang camera ko at ang tunay na mata ko.

4.       Prediction 4: Mas huhusay pa ako sa pagsulat ng script.
Malakas na malakas ang metro ng tibok ng puso ko sa pagpredict na huhusay pa ako sa paglikha ng script. Kahit nga hindi ako makuha ni “Ricky Lee sa workshop” na sinalihan ko sa kanya. Wala akong pake eh. Ang itinutukoy ko dito, ang prediksyon ko sa script na ito. Sa akin ang magandang style. Sulat ko iyon. Magagawa ko iyon. Mailalakad ko iyon.

5.       Prediction 5: Nakakapagtawa na ako sa mga personal na tao, mas magiging libo pa ang mapapasaya ko.
Sigurado ako diyan. Magiging totoo yan.

6.       Prediction 6: Madadala ko si Mama sa ibang bansa. Matutupad ang kasal ko at papalakihin ko ang mga anak ko ng may magandang buhay.
Prediksyon ko ito na parang goal ko na din na gusto kong makamit. I’m action is needed.

7.       Prediction 7: Gigising na ako sa oras na gusto ko.
Yung pagka-boss sa trabaho, yan ang pangarap ko eh. Malakas ang prediksyon kong mas magiging ‘limitless’ pa ako. Walang makakapigil sa akin sa trabahong gusto ko.

8.       Prediction 8: Makakapasok ako sa pelikula.
Sa katunayan, gusto ko to. Pangarap ko din malaman “lang” ang mundo ng pelikula, magtrabaho lang saglit. Kasi, kung ako nga, hilig ko pa naman manood ng pelikula. Binabago niya ang buhay ko sa tuwing nakakapanood ako ng bagong istorya. Alam ko rin kapag pinasok ko tong larangan na to, mas makakapagproduce pa ako ng isang maliit na film na nakapagpasaya ako sa maraming tao. Kaya ang prediksyon ko sa mga susunod pang mga araw. Istorya ko ang pinaka maganda at pinakabastos sa lahat. Thanks in advance for my upcoming film job.

9.       Prediction 9: Makakalimbag ako ng pinakamahusay na libro sa kasaysayan.
Sa tuwing nagsusulat ako. Seryoso ko tong sinasabi senyo na parang ang taas taas ng tingin  ko sa sarili ko kapag nagsusulat ako. That moment na parang isa na akong hari sa pagsusulat. Well, wala pa naman nagsasabi sa akin niyan, pero bakit ganun, ang lakas ng power ko na magsulat at sabihin na ako ang pinakamagaling na manunulat sa Pilipinas. Sabihin na nating self-proclaim ako masyadong nilalang. Kaso nga lang, wala namang ibang tao na nag udyok sa akin sabihin ito. Kusang may bumubulong sakin na makakagawa ako ng sulat na babago sa kamalayan ng tao. Kaya ang prediksyon ko ngayon. Pag uusapan ng marami ang obra kong sulat. Masaya ako ngayon na nakikita ko ang future na may isang “Ben” na nakakapagpasaya sa kanila gamit ang aking pagka-henyo.

10.   Prediction 10: Mas lalakas pa ang kahinaan ko.
Unti unti ko ng tina-trabaho ang weaknesses ko. Natutunan ko ito sa buhay na para ‘di ako makaramdam ng kakulangan sa buhay’. Yung feeling na wala na akong hahangarin pa kundi okay na ako dito sa ganito kasi parang perfect na ang lahat kapag naitatama at naisasaayos ko ang dapat kong gawin sa mga weaknesses ko. Mga kahinaan ko na bumubuhay ng mga espirito ko kasi kala ko noon may iba pang tao sa sarili ko na makakapagpabago, yun pala pwede ko pang ire-create lang ang bagong ako sa pagpapalakas ng kahinaan ko. Kaya ang prediksyon ko sa mga susunod pang mga araw, darating sa point na wala na akong hihinilingin pa in above, dahil almost okay na. Sa puntong iyon. Malakas na malakas na ako. Kontento na ako.

Mailalabas ko din ang tinatago kong magandang istorya, pramis. At hindi mangyayari lahat ng ito kung di rin ako kikilos.

Sunday, September 25, 2016

ANG ARAL SA MGA TAONG MAPANG-PINTAS

“Sus. Wala naman kwenta yang ginawa mo eh”. sabi ni boss.
Syento-porsyento sa pagkaka-alam ko ay nakatanggap na rin kayo ng panglalait o pang-i-insulto sa tala ng buhay niyo. Yah! siguradong sigurado ako dyan. Baka malay niyo galing sa akin yang pangbu-bwisit na yan. Di niyo na namamalayan. Hahaha De joke.

Alam kong naranasan niyo na din na makatanggap ng pintas galing sa ibang tao, tama ba!? Lalo na ako, madalas  din akong makatanggap niyan kung saan saan. Minsan nga nagmula ang mga salitang ito sa mga ka-trabaho natin, kaibigan, kamag-anak, sa mga hindi natin kilalang tao o di kaya, galing mismo sa mga boss nating kups. Hinding-hindi mawawala ang mga taong tatapakan ang pagkatao natin sa tuwing nakakagawa tayo ng mabuti o nakagawa tayo ng something na kamangha-mangha para sa atin. Or aminin na nating nakagawa tayo ng mali at kung makapagsalita ang iba satin ay kala nila ay  naka-patay tayo ng tao sa maling ginawa natin. O sa di inaasahang pagkakataon, kahit wala kang ginagawa ay may comment pa din sila ng negative. Hindi naman lingid sa ating malayang pag-iisip na hindi mauubos sa mundong ito ang mga taong mapanakit ng damdamin hanggat umiikot ang mundong ito, may mga tao paring humahatak sa atin pababa na susubok sa ating emosyonal na lakas kasama na rin pati ang pisikal na pagkatao natin. Alam ko na alam niyo rin na ngayon ay ang tanging mauubos lang ay ang mga adik daw sabi ng ating mahal na Pangulo. Sabi niya yan.

Ako minsan, aminado ako na nakakapagsalita ako ng di maganda sa kapwa ko ngunit may mas malalim naman akong rason sa mga deeds ko. Nakakapanlait ako kadalasan. Nakakapag-joke ako minsan ng foul sa iba. Nakakapagbitaw ako ng salitang alanganin. Pero sabi ko nga, aahm basta maya explain ko. Hayaan niyo mga kapatid, maya-maya sa dulo ng sulat kong ito ay maipaliwanag ko rin sa inyo  kung bakit.

At yun na nga, alam naman natin na hindi magsasawa ang mga taong ida-down tayo sa mga ginagawa natin. Marami talaga ang taong mapanakit ng damdamin kaysa mapagmahal. Kadalasan, sila yung mga haters gonna hate kumbaga. Yung mga tipo ng taong “Ano ba yan? (at turo sa ginagawa natin) ang tanga tanga mo naman” (patungkol sa ginagawa natin). Mga salitang kala mo Diyos sila kung makapag-salita sila sa atin. Kala mo sila, kung makapagsalita ay perfect na sila masyado, parang may perfume at sobrang bango bango ng tae nila. Alam ko na damang dama mo din yan sa buhay mo. Yung mga taong yuyurak sa dignidad natin. Magbibigay ng comment ng hindi maganda laban satin. Mambu-bwisit lang sa comment section ng facebook. Minsan aminado akong kasali ako diyan. Mga taong sobra, ubod, talamak ang yabang. Mapangmata. Sobrang presko sa sarili. Sasaktan ka sa salita hanggang sa maubos na ang pasensya mo.

Kaya heto, may ibig sabihin din ako kung bakit kailangan natin lahat itong pagpipintas na ito galing sa iba, ipapaliwanag ko senyo ang kahalagahan nito.

Sabi nga sa quotes: “Remember: when people tell you something’s wrong or doesn’t work for them, they are almost always right. When they tell you exactly what they think is wrong and how to fix it, they are almost always wrong.”
May mabuting epekto rin ito sa tao. Eto, bigyan kita ng lima. Mayroon ako ditong nakareserba.
1.       Kapag nakatanggap ka ng kapintasan galing sa ibang tao,para sa akin,  tinuturuan ka nito maging hindi kapante sa buhay. Paano ko nasabi? Ganito lang yan, kung nilait ka niya, halimbawa lang ah, yun talagang sobrang sakit niya magsalita sayo, hinalintulad ka niya sa mababang uri ng bagay dito sa mundo dahil sa ginawa mong kababalaghan. Ngunit, hindi mo ba naisip na sa tuwing gagawin niya sayo yun, mas matututo kang mas mag improve. Dalawang salitang “mas” ang ginamit ko diyan sa last paragraph. Ibig sabihin, mas magkakaroon ka ng progress dahil alam mo sa sarili mo kapag nagtamad tamad ka lang sa buhay, lalaitin ka lang niya ulit, halimbawa lang. Ang mga negative words ng ibang tao ay magsisilbing ‘wake up call’ sayo na mas umunlad ka dahil alam mo na may mga taong mapanakit na kapag nanatili ka lang sa kinalalagyan mo, pupulutin ka talaga sa kangkungan, mas lalaitin ka pa nila lalo. kaya ang payo ko sayo, harapin mo ang nagpapahina sa sayo, wag mo silang  talikuran.
2.       Kapag nakatanggap ka ng panlalait mula sa iba, susi yan sa tagumpay mo sa buhay. Totoo to para sa akin. Patunay lang talaga ito na  mas umuunlad ka kapag may mga nagagalit sayo. May mga taong ayaw ng gawa mo dahil hindi nila kaya iyon. May mga taong nakakapanakit dahil alam nilang mahina ka at kapag lumaban ka, dun ka mas titibay. At malalaman din nila na hindi ka pala karapat dapat na pabagsakin dahil matibay ka.
3.       Kapag may nag-criticize sayo, lesson to para matuto kang makinig. Medyo nagulat ka ba kung bakit mas kailangan makinig?. Siyempre imaginin mo nalang kung walang pake na sayo ang boss mo, halimbawa lang yan, malamang siguro wala ka talagang kwenta sa opisina niyo, baka lang. Ang ibig sabihin lang nito, tinuturan kang makinig ng pangpipintas ng iba dahil kailangan mong malaman na sa ibang tao rin ang tunay na aral ng buhay. Sa kanila ka rin matututo kung ano ang dapat mong ikilos. Sila rin ang halimbawa na di dapat tularan. Kaya palaging makinig. Buksan ang diwa at tenga. Palaging may aral sa iba, hindi lamang sa mundong ginagalawan mo.
4.       Masasakit na salita ang dahilan para maging matibay ka sa buhay. Totoong totoo yan. Yan ang magba-balanse ng buhay mo. Hindi ka magiging malakas ngayon kung hindi ka naging mahina noon. Kung puro papuri at kaplastikan lang ang maririnig mo sa iba para lang hindi ka masaktan. Mananatili kang ganyan lang na takot harapin ang katotohanan.
5.       Matututunan mong tanggapin na walang perpekto sa lahat at lahat ng tao ay may kapintasan. Ganun lang diba. kasi kapag inisip mong ikaw lang ang kaisa isang taong nakagawa ng karumal dumal na gawain at pinintasan ka nila. Isang malaking kalokohan iyon. Hindi lang ikaw ang nagkakamali sa mundo. Tandaan na hindi lang ang pagkakamali mo ang pinakamatinding mistakes sa lahat. Mayroon pang mas matindi kaysa sayo, kaya chillax. 
6.        
Kaya ngayon, inaamin ko na, mapanglait ako palagi. Bakit ko to ginagawa? SImple lang. To test his/her strength. Kung matibay ba siya o malambot. Kung malambot, di ko na siya susubukan pa. Galing din kasi ako diyan dati. Sinusubok ko kung kaya ba niyang makipagsabayan sa akin o ibig kong sabihin upang malaman ko kung anong estado ng tibay niya sa buhay. Ganun din kasi, may mga taong susubok din sa akin, kung parehas kami ng nagsubukan sa isat isa, aba same feather flocks together na yun. Kung minsan kaya ko iyon ginagawa ay para may ma-challenge din siya sa buhay ko. Ganun lang kasimple.
Kaya kapag may mga taong nanlalait sayo. Ganito gawin mo.

1.       Unang isipin mo, para sa akin lang to ah, tanong mo sarili mo kung sasagot hahaha tanong mo “Ano ba ang matututunan ko sa ginagawa niya sa akin?”. Sa ginagawa niyang pagwawasak sayo, may mahihita ka ba? Itanong mo! Siguro kapag tinablan ka kagad ng galit, di mo na maiisip kung may maganda bang epekto sayo iyon. Syempre, galit ka na eh.
2.       Sa ganitong sitwasyon, wag kakalimutang “Kalma lang”, magreact tayo kung ano ang binigay niyang suggestion, wag tayo pa-galit magreact. Maaaring totoo o mali ang sinasabi niya sayo. Maaaring ginagalit ka lang  nila. Hindi natin alam.
3.       Tandaan na: Hindi lang papuri ang pinapahalagahan sa buhay, pati ang pagpipintas ng iba. Pero kung mali ang sinasabi nila, wag kang maniniwala dun. Common sense nalang diba.
4.       At ito naman na lagi kong sinasabi sa blog ko, wag mong personalin masyado ang sinasabi ng iba sayo. Kahit siya mismo na sa lahat ng mga sinasabi niya laban sayo, hindi din galing sa puso niya iyon, galing sa galit niya lahat ng iyon.
5.       Wag mo nalang patulan ang maling kritisismo. Bagkus itanim sa isip na magaling ka pa rin anumang mangyari.
6.       Magreact mindfully. Wag masyado mapusok. Wag masyadong pabigla bigla. Easy lang ulit.
7.       Ngitian mo lang at fuckyuhan mo sila.

Kaya lahat ng criticism, mahalaga.