Thursday, October 2, 2014

FAITH OVER GUTS OVER FEAR.

Tayo'y magsitayo at magbigay pugay sa ating bisita. Pinakikilala ko senyong lahat. Ang aking matalik na kaibigan. Siya si TAKOT. Pinsan ng Lungkot. 

Hindi siya tao. Hindi siya hayop. Emosyon lang siya. Pramis. Namiss niya siguro ang bonding namen. Kaya sinurprise niya ako ngayon. Kapag napaiyak niya talaga ako ngayon. Miss niya talaga ako.Welcome na welcome rin si Sadness sa akin. Susulitin ko ang relationship namen ngayon. Parang nag-usap talaga sila ngayon eh. Para gambalain lang ako. Ngunit, sa tuwing kasama ko sila. Ang dami ko paring tanong eh. Iba't iba ang exam na dala-dala nila. At parang mas nadadagdagan pa ang questionare. Ang dami mong katangian, fear. Hindi naman kita inaano ah. Tinext ba kita. Anak ng put your head on my shoulder talaga kapag nag-aalala ko ang mga pangyayaring nakakapagpalungkot sa akin. Bukod sa singaw. Marami pa. heto

Takot akong mag-isa.Takot akong maging boring ang buhay ko. Takot akong makagawa ng maling desisyon sa buhay. Takot akong husgahan. Mahina ang thinking ko, malakas ang emotional intelligence ko. Takot na ko sa liwanag. Sa katotohanan. Lahat ng iyan ay weaknesses ko. Nakakalimutan ko na talagang maging matapang kapag nasa gitna na ako ng sakuna. Nawala yung inipon kong haduken na pangotra sa takot.

Siguro naman, mongoloid nalang kung wala pang dumadapong kalungkutan sa tala ng kasaysayan ng life mo. Pero habang tumatagal parang mas nadadagdagan ang fear ng buhay ko talaga. Habang tumatanda ako. Mas lalong ako nag-iingat. Minsan pa. parang lahat ng takot ay galing lahat sa pagmamahal na ginawa ko. Suspect din ata ang love eh. 

Totoo kayang gumagawa ako ng sarili kong multo. Katulad ng Maria, Leonora, at teresa. At punyeta naman, hanggang kailan ang takot na ito. Hanggang sa malagas ang buhok ko? Hindi pwede ito. 


Ang peklat ng fear na na-experience ko ay mahirap mawala basta-basta. Parang isang salamin na may lamat at hindi na kayang ayusin ng glue at epoxy. Darating pa sa point na, mas concern pa nga ako sa standard ng iba kaysa sa standard ko eh. Sabi nga ng iba, hindi ka makakahanap ng tunay na kaibigan kapag takot ka sa kaaway. Medyo naniniwala ako dito.Tinakpan kasi ng ulap ang araw ko ngayon. Minsan kailangan din pag-aralan ang takot eh .Magaling siyang player ng buhay ko eh.Kialangan kong pag-isipan ng maigi ang fear na kinakaharap ko. Diba, ang pinaka magandang regalong ibinigay ng Diyos ay pagsubok. Dito tayo lalakas diba. Diyan ko napatunayan na may answer na wala namang question ..sa prayer. Kahit anong mangyari. Hindi naman ako kinikilabutan mamatay, handang handa na nga ako kung ano mangyare eh. Ako yung tipo ng tao na hindi mo iiyakan sa hukay ko eh. Magbubunyi ka kasi lumaban ako sa buhay. Ginawa ko ang best ko para makalagpas dito. Ooops umabot na ako sa upapan "hukay". Nabanggit ko lang naman na matapang pa rin ako kahit papaano. Magyayabang ako kapag may ibubuga nako. Hindi yung puro hangin at kabag lang ang meron ako.  Kung hindi ko susulusyonan ito. Kapag inulit ulit ko pa ang pagkakamali ko. Hindi nako makakaalis dito. Next year ganito ulit.

Napaka laki talaga ng role ng takot sa mundong ito. Nasa saken kung hindi ka rin makikipaglaro at tatanggapin ko na loser ako. Kailangan kong maalis ang takot para mabawasan ang pagkakamali ko.

Ito ang tanong na hindi ko parin mahanapan ng sagot eh. Hindi naman kasi ako natatakot makagawa ng napakahusay na bagay. Takot lang talaga ako kung paano ko ito sisimulan. Torn between two options. Hindi ko naman kailangan i-prove sa ibang tao ang kakayahan ko. Dahil para saken,Okay ako. Sakto na ako. Handa na ako. Chicken feed and susunod na hakbang para sa akin. .

No choice na talaga ako. malalagpasan ko itong stage na ito. Walang mangyayari saken kung puro 1st page lang ako. Sarili ko ang dapat na mas katakutan ko hindi yung boss ko or kung sino sino.

Kapag binaliktad ang TAKOT, ito ay KOT-TA, kapag hinayaan lang natin ito, ito ay QUOTA na.

Kaya simula ngayon, Oktubre 3 alas dos ng hapon. Sinulat ko ito upang may balikan ako. 

Nangangako akong gagawin ko lahat ng kinakatakutan ko. Pipilitin kong palitan ang lumang gawain para sa pagbabago na sinasabi ko. Dahil sa mercury drugs,  “Nakasisiguro, gamot ay laging bago”. Wala lang. Masingit ko lang. Hinding-hindi ako matatakot sa bagyo. tataymingan ko na yan at sasabay ako sa alon na dala niya. Tunay ngang ang buhay ay 2 sided coins. may masaya at may malungkot. Hindi pwedeng sa 5 beses na toss coin, isang side lang palagi ang lalabas. 
Buti nga kaya ko pang pasayahin sarili ko kahit papano eh. Malalabanan ko ang takot na sinasabi ko. Ang hirap kasing mabuhay sa hinihingi eh. Sa laging hiling sa itaas. Kaya pagsisikapan ko ito. Hindi ako takot sa Dota ng buhay ko. .Kapag nalagpasan ko itong takot na ito. Maaadik na akong sumubok ulit ng mas kinakatakutan ko. I will live a meaningful life. Makiki-join nako sa Pursuit of happiness. Hinding hindi ako mananalo kung tatakbuhan ko itong hamon ng buhay na ito.Mamumuhay ako sa gusto kong buhay. Susugal ako hanggat kaya ko pa.Yayakapin ko pa ng husto ang aking passion. Hahanapin ko at didiskubrihin ko ang pag-ibig na mini-mithi ko. Lalakarin ko ang biyahe ng buhay ng malaya. Resume ko ang puso ko. Hindi ito pahabaan ng lifespan kundi kung paano mo pagagandahin ng kalidad ng ating pamumuhay.

Have Faith. Take Risk. Stay Hungry.


Tuesday, September 30, 2014

ALAS THREE OAK CLOCK NG TANGHALI



2:50pm na ng tanghali. Naka limang hikab na ako kaka-computer.Tumatambol na rin at may nagma-majorettes din sa loob ng aking tiyan. Sumisigaw. Kailangan ko na daw magmerienda sa labas. As usual, kape at sitsirya na namanang oorderin ko habang nanonood ng TV kila aling Susan .

"Aling Susan! Pagbilhan nga po ng kape yung 3 in 1 ha pati narin yung Spicy Seafood na sitsirya."

Ang tagal ng ale ibigay yung binibili ko. May pambayad naman ako ha. At kakasahod palang namen ngayon ha. Kaya pala hindi siya maka-kilos ng husto, hindi dahil natatae kundi kasi alas tres na. Dinadasal niya ata yung 3 o'clock habit prayer eh. Bawal ata kumilos ng mabilis kapag alas tres ng hapon.

Habang pine-play ito:
Pumanaw ka Hesus, 
subalit and bukal ng buhay 
ay bumalong para sa mga kaluluwa
 at ang karagatan ng awa ay 
bumugso para sa sanlibutan.

O bukal ng buhay, 
walang-hanggang awa ng Diyos,
 yakapin mo ang sangkatauhan at ibuhos 
mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat. ....
....

O Hesus, Hari ng awa, kami ay nananalig sa Iyo.

Ulitin ng tatlong beses. 

Musmos palang ako. malaking question na sa akin ang image ni Papa Jesus. Natatakot din kasi ako dito.Hindi ko makakalimutan yung piktyur na yun parang may power na puti sa kabilang left side at pula naman on the other side.  Parang gumagalaw-galaw pa ‘yung power niya na yun eh. Parang hologram.

Ang dami kong naging tanong:
1. Per words or hours ba ang bayad sa nagsalita nito?
2. Naaalala ko kasi kapag may campaign election or basta may tv ads. Ang laging pumapasok sa isipan ko. Magkano ba ang binabayad sa mga nagsasalita sa commercial?
3. Dinadasal kaya ng lahat ng staff ng ABS-CBN ito?
4. Humihinto rin kaya ang lahat ng empleyado para magdasal or keme lang?
5. Bakit hindi gawing habit na oras oras?
Tapos sa huli nito ipapakita ang address ng headquarters or organization nila.

Mas lalo akong ginugutom kapag naririnig ko ito. Parang gusto kong kumain ng cake. Siguro dahil
sa alas tres, nakapahinga ang lahat at ang sarap kumain ng mag-isa. MadamotMode.Dati kasi kapag alas tres ng tanghali.Diyan ang masarap matulog, Diyan din sa oras na yan nakakatamad gumawa ng assginment. Totoo yan lalo na kapag  pang-umaga ka tapos uwi mo tanghali. Sa alas tres masarap magmerienda. Yung pandesal at may“Reno” na palaman. Tapos may dadaan na "Dyaryo-Bakal-Bote". Yan yun diba. Sa alas tres din naglalaba ang nanay ko at  nawawala ang tsinelas ko kasi gagamitin ng kuya ko sa pagbabasketbol.

Bandang hapon din, kumukuha ako ng barya sa altar namen noon. Pero magsosorry din ako kagad .

Iidlip lang ako ng konti nun, Kapag alas tres meja.  palabas na ng "ANG TV" na.

Di ko makakalimutan din ang nakakaumay na wowowee na pera o bayong. Kahit na may nakendeng pa. Umay talaga ang segment nila na yun.

Sa school, kapag tumapat pa ng alas tres ang exam niyo. Ito ang magandang alibi para makakopya dati. "ooops break muna tau. Pahinga muna". tas titingin sa papel ng iba." hahahahaa

Sabi nila, sa college, kapag nakatanggap ka ng tres sa oras ng alas tres ay katapusan mo na..Yan ay imbento ko lang. hahaha

Honest ko tong sinasabi ngayon, dati kasi napaka makasalanan ko..(hanggang ngayon naman eh), Noon kasi, nanonood ako ng pelikulang malalaswa or Viva films. Muntik na akong mapa-masturbate. Buti naapakan ng kamay ko ang remote sa sobrang gigil sa eksena ng palabas at nalipat sa abs cbn. At dun ko nga napanood  ang 3 oclock prayer. AYUN. nagsisi nalang ako. kahit na pawis na pawis ako sa nangyari.

Ang iniisip ko lang, “Bakit kaya hindi nalang bilisan ng nagsasalita ang pagbasa niya sa dasal?” Para hindi antukin ang nakikinig. Dati naman, sumasama ako ng pabasa, kapag madaling araw na, nirarap ko. May zesto na ako. Nakapag-rap pa ako.

Patawad po Ama.

Monday, September 29, 2014

SARAH: ANG MUNTING PATATAS PRINSESA



Naalala niyo pa ba si Camille Pratts nung hindi pa siya “tumataba”. Wag ka, siya lang naman noon ang  gumanap bilang si Sarah Crewe sa “Sarah ang munting prinsesa”. Oh diba.

Si Sarah ay isang prinsesang pino kung kumilos, kumikintab na buhok, bilog na mata at magaling mag-French (sa cartoons). Kasi nung ginawa ng tagalog ito, wala ng accent. At dahil sa patatas, kaya siya naging mahilig sa french fries. hahaha

Dahil sa trabaho ng kanyang ama na si Capt. Ralph Crewe na isang minero ay napilitang ipasok si Sarah sa Victorian Era England, isang sikat na paaralan sa London.

Kinakainggitan ang bata ng maraming estudyante sa istorya na yon. Ang itchura niya ay halatang hindi mahirap.  Inapi si Sarah ng masungit na si Miss Minchin na sa opinyon ko lang ay nagmemenopause na ito.

Umikot ang magandang istorya ng dumating ang balitang namatay daw ang kanyang ama sa guho  sa isang minahan.
Inalipin siya ni Ms. Minchin, ginawang katulong kasama matalik na kaibigang si Beki. Pinatigil rin siya sa pag-aaral.

At naalala ko din bago ko pa naging crush si Julia sa Julio’t Julia ay naging secret crush ko ang kontrabidang si Lavinia!? Hihihi  Ang favorite part ko sa istorya ay yung nagkasunog sa bodega na punung-puno ng mga dayame. Muntik nang mamatay ang  bida dito kaya yun ang paborito ko. Joke Naalala ko lang. Hahaha Ang harsh

Pati ang eksenang ito: “Mama Sarah! Mama Sarah!”, umiiyak na si Lottie habang hawak sa kamay ni Ermengarde.“Walang hiya talaga ‘yang Lavinia na ‘yan!”, sabay singit ni Beki habang nagma-mop ng sahig.

Hayaang niyong ikwento ko ang BAGONG istorya nito. Sa mga napulot kong mga MEME. 

Once upon a time, sa isang paaralan. Inutusan ni Ms. Minchin si Sarah upang bumili ng Patatas sa palengke. Dala niya ang ang isang basket at pera. Pinilit niyang isama si Beki kahit mataba. 


Nagutom kagad si Beki at kumain muna sa tabi. Hindi pa nakakabili ng patatas si Sarah, ay nakasalubong niya si Peter. Isa siyang gangster. Joke. Matagal ng gustong ligawan ni Peter si Sarah at hindi na nakapapigil ito at nagbigay na ng patutchada.


Sa kalandiang taglay ni Sarah. Medyo sumasabog ang ovary niya at kinikilig siya sa kalye sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. Hindi pa rin siya maka get-over sa mga banat ng lalaki. Sa kilig nito, napapa-booty shake siya. Kaya’t nahagip si Sarah ng isang Pagero na kotse.


Ilang oras ng naghihintay si Ms. Minchin dahil hindi pa nakakabalik si Sarah. Nasusunog na ang kawali. Binawasan na ng pusa ang mga sangkap na nakahanda. mainit na ang ulo nito. Nang dumating na nga ang bata at tinanong na ito.



Pumutok ang tumbong at gusto ng wrestlingin ang babae sa sinabi nyang natapon niya ito.  Kaya nagalit at pinarusahan lang si Sarah.



Sinabi ni Sarah sa sarili niya na hindi na siya muling magkakamali pa. Mamumuhay siyang malaya. Gagawin niya ang lahat ng gusto niya. Kaya muling ipinagpatuloy nito ang pag-ariba. Gumawa pa siya ng kahindik hindik na kalokohan. Dandandaaaaaaaan



Ngunit nagsisi naman ito. Nangako siyang hindi na niya uulitin iyon. Siya na daw mismo ang bubuwag sa mga malalandi. kaya't nagpasiklab ito.


Pinagtapon ng basura si Sarah sa kabilang kanto ni Ms. Minchin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating muli ang kampon ng kadiliman este si Peter. Nakasalubong niya muli si Peter. at si sarah naman ang nagbigay ng pick up lines.



Medyo nalungkot si Peter ngunit hindi tinablan si Sarah ng kahit na anong awa sa lalaki. Isa na siyang dalisay ngayon. Umuwi na si Sarah.
Nag utos muli ni Ms. Minchin kay Sarah upang bumili ng Patatas sa palengke. Dala niya ang
ang isang basket at pera. Pati ang sarili niya. Ngunit nahihilo at nasusuka siya at laking gulat niya sa nakita niya



Laking pagtataka niya kung bakit mali ang napulot niyang basket. Imbis na patatas ay naging sapatos.
Sa pagbalik niya sa bahay, nakasalubong niya si  Ermengarde  hindi ito Oh my gawd, kundi Ermengarde. Napansin niyang lumuluha ito. Lumaki ang mata ni emmengarde sa nakitang hawak ni Sarah. Nalungkot si Ermengarde kasi sapatos niya pala yun. Naiwan sa CR ng palengke. Kaya pinatahan ni sarah ito gamit ang patatas.



Sinisingil siya ni ermengarde sa nangyari. Ngunit nangako nalang si Sarah na papalitan ang sapatos.
Naisip niya na sumali nalang sa Pageant. Upang may ipang bayad sa utang. Kung noon wala siyang self confidence. Positibo siyang gaganda daw siya ngayon. 


Tuloy pa rin sa pagtatarabaho si Sarah. 


 Hindi niya pa rin binitawan ang patatas.  At dumating ang araw na hinihintay, ang patimpalak. Ito ang mga binitawang salita ni Sarah sa pageant:


Nanalo siya ng patatas, ngunit sa pag uwi nito, natapon muli  ang patatas. 
Nahulog na naman. Again and again.


Alam niyang pagagalitan na naman siya ni Ms. Minschin sa ginawa niya. Kaya nakaisip siya ng makabuluhang bagay.
Hindi na napigilan ni Sarah na gawing patatas ang headband.


Hindi pa rin ito nagustuhan ng marami. lalo na si Ms. Minchin. Ngunit nasiyahan nalang bandang huli si Ms. Minchin dahil napansin niya ginawa nito sa patatas. At ito yun.





At diyan natatapos ang kwento ni Sarah Ang munting prinsesa NA AKING PINALITAN..

Sunday, September 28, 2014

K.S.P. (KULANG SA POST)

Ito dapat ang kailangan i-post eh. hehehe Nakakatuwa. 
Napakatalino at napakalupit ng taong nakaisip neto. Ito ang dapat na mas trending ngayon.
Tignan niyo.



















Source: http://www.boredpanda.com/amputee-humor-jokes/

Amaziiiiiiiing :)

ARTISTA NA YAN.

Bata palang ako. Mahilig na akong manood ng mga tagalog na pelikula. Lagi pa nga akong nakaen ng Moby at Cheese Curls eh . Nasabi ko minsan sa sarili ko. libre naman mangarap eh, sana minsan maging artista or maging action star ako. Higschool nasali ako ng mga play. Puro patawa lang daw ako. hahaha

Binalak ko din makasali sa Film Feast eh. Sa pinilakang tabing eh. Marami rin akong makatambal na sikat na artista. At ito yung mga dream ko na scene.

Dream Scene 1
Ang setup. Nasa park kami ng kasintahan ko. Nagtatalo at nag-aaway kame. Nagbabatuhan kame ng kanya-kanyang lines base sa scipt ni direk. Gusto ko yung part na bigla nameng marerealize na mali kami sa isa't isa. Mag-iiyakan kame. Hahawakan ko yung mukha niya. Sa sakit ng mga pangyayari. Iiwan niya ako. Darating naman ang malakas na ulan. Kakanta mismo si Gary Valenciano ng "sana'y maulit muli" sa tabi ko.



Dream Scene 2
Like ko yung nakajacket akong leather tapos magpapauso ako ng bagong shades, Ang shape ay saging. Mukha akong pulis sa eksena. May bandana ako sa ulo. Kulay niya ay red. Tapos may ire-raid akong bakanteng lote. Lahat ng mga sugarol at prostitution nandun lahat sila. Pupulbusin ko sila ng dala kong armalight. Yung mga nagtangkang tumakbo. Hahabulin ko ng kabayo. Huhulihin ko ngdala kong lubid. Yung ibang hindi ko maabutan, babatuhan ko naman sila ng granada. At yung huling matitira, ang mga chismosa. Tag-iisang sampal sabay sabay.



Dream Scene 3
Pangarap ko talaga yung magical yung buhay. Magical pero adventure. Siguro parang jumanji nalang. Kakalat sa buong metro manila yung masasama hayop sa kagubatan.
At ako ang magliligtas sa nasasakupan ko. gamit ko lamang ay espada. Medyo Noah ang dating ko. Isasakay ko sila sa ginawa kong malaking barko. At iiwan namen ang magulong mundo na ito.

Dream Scene 4
Magkikita kame ng boss ko habang naglalakad ako sa kalye. Makikita ko siyang humihingi ng tulong saken. Tapos ipagtatanggol ko siya sa masasamang loob.Dun niya marereralize na ako pala ang tigapagligtas niya. Luluhod siya saken. At ikikiss niya ang mga paa ko. Hahahahaha

Dream Scene 5
Pinatalsik ako sa opisina dahil sa kalokohan ko. Syempre uuwi ako sa bahay. pero bago ako umuwi may kakausap sa akin na isang ermitanyo. Magbibigay ng numero at tatayaan ko daw sa lotto.
Tinayaan ko naman. at nanalo ako kinabukasan. Ang pinaka gusto kong part dito. Bibisitahin ko yung mga kababata ko. Bibigyan ko sila ng tig-iisang ipad. Bibigyan ko sila ng bossing's savings.
Mamimigay ako ng isang sakong bigas sa bawat bahay. Nakasakay ako sa isang truck. Nagmumudmod ako ng tig pa500 na pera sa lahat ng madadadaan ko.  At ito ang gamit ko.


At ang lahat ng ito'y kathang isip lamang. hahahahah

Friday, September 26, 2014

ANG MUNDO AY ISANG MALAKING GALIS

Walang sablay ang pagbabasa ko ng balita umaga at gabi. Maya't maya akong  nagba-browse ng social sites. Parang napapansin ko. Isang malaking entertainment ang lahat ng ito. Takte. Lahat tayo may role diba. Pwede tayong gumawa ng sariling script diba. Lahat ay actor at actress. Bida at Kontrabida. Masama at mabuti. Pero ang tanong, kabilang ba ako sa mag-aayos ng mundo na ito or expectator lang ako?

Sa aking pagbabawas stress. Upang mas masilayan ko ang ganda ng kapaligiran.  Hindi na ako natutulog sa biyahe. Mahigit 45 minutes nakatabinge ang leeg ko, mga 35 degree angle kakatitig sa nadada-anang lugar. Inaappreciate ko ng sobra ang mga nilikha ng ating Ama. 
Tinamad na rin akong kuhaan ng pictures ang biyahe ko kasi mas masaya ang projector ng aking mga mata. Bago na ang pagtingin ko sa lahat ng bagay eh.  Ang daming dapat palang ayusin sa mundo pero bakit normal lang tayo kumilos. Dapat lahat abnormal. Hahaha. Kung ang lahat ay weird pero gustong baguhin ang systema ng pamumuhay. Bakit hindi diba. Ayos sakin yun. Karamihan kasi ay pansarili lamang ang nasa kokote. 

Nakailang sulat na rin siguro si Pareng Lourd De Veyra ngunit parang hindi pa nagmo-move forward ang mundo na ito.
Ilang relihiyon na ba ang nagkaisa para sa "Salvation" na sinasabi nila. Halos lahat ata sila. Ang gulo na. Pinaghahandaan ang after life na napaka non-sense. Lahat din gustong maging leader. Ano ba talaga ang trip niyo ha?

Sa mundo na ito natutunan ko na dapat hindi ka iyaken. Maki-ride ka lang. Pero napapakamot na ako sa ulo. Tama pa ba ang ride na ito. Ride all you can pa ba. Sapat na ba masaya lang ako sa ginagawa ko. Maaaring sincere ako pero pwedeng mali din ako. 

Sana sa bawat kilos ng tao. Ang pambayad ay pagmamahal. Lahat ay busy sa pag-ibig. Legal ang landian. Tila ba ga’y  “Yakapin mo ko pag-ibig. Wag mo akong bibitawan." 
Ngunit kalaunan. Maraming gumagamit ng pag-ibig sa kasinungalingan. 
Nakakalungkot lang sa isang pagkikita kita ng mga magkakaibigan. Hindi maiiwasan ang magkamustahan tungkol sa kung sino ka ngayon kundi ang napag uusapan ay kung ano ang meron ka ngayon. Ang mentalidad na kinaugalian na. Ang mahalaga na ba talaga sa mundong ito ay materyal or position sa work? hindi na ba nakabase sa kalidad ng buhay ang lahat?

Ang kaguluhan dito sa mundo ay sugat ng nakaraan na hindi pa rin humihilom. Gamutin mo man. Sa iba meron pa rin. Gamutin mo man. Minsan mas lumalala pa. "Ang sakit sakit na" sabi ni Popoy sa One more chance. haha

Maari kayang tama ang Math,
y= kx : Change is constant, and the output depends on what's the input.
Tama diba?
Kaso nga lang, tanggapin na natin na ang buhay ay hindi naaayon sa lahat ng gusto nating paraan. 
Kasi kung mahuli ako ng nanay kong nakikipaghalikan sa mall. Itutuloy ko na ito sa pagtatalik. Ganun din eh. Nalaman niya rin. Ituloy ko na para isang sermonan lang.what's the input is the output. haha

Sino ba naman ako para turuan ang mundo na ito. Magbigay ng instruction upang mag-aklas ang lahat para sa tunay na kalayaan at hindi tatambay lang sa opisina na yuma-yaman lamang ang mga Sy, tan, Gokongwei at iba pa. Natutupad ang pangarap nila para sayo hindi ang pangarap mo para sa sarili mo. Ngunit ang tanong, Baket? may ipapakain ba ako sa kanila kapag ginawa nila yun? wala diba. Lakas utos lang ako eh. 

Sayang din yung mga maghapong nasa PC na bata. Hindi maitanong sa sarili kung "How can my internet a better place?" and then kumanta ng Heal the world make it a better place. For you and for me Argentinaaaa. 
Mas malaki pa nga ang pursyento ng tao ang nanonood ng porn eh. Bakit sila ganun. I can't relate. Ilan ba ang mga taong nagkalat ng mga quotes ni Pareng Marcelo pero hindi naman isinasabuhay. Masabi lang na may ma-post. Ilan ba ang nagbabasa ng libro ni Rizal or itweet ito? Ilan? Sagooot!
At anong kanta ang nakapagpabago ng piraso ng mundo? Kay Michael Jackson ba, Bob Dylan, John Lennon, Noel Cabangon or Gary V. Or ako pa talaga ang hinihintay niyo?

Hindi ko makalimutan na kapag nagkakasugat ako. Once na hinahayaan ko lang. Hindi ko pinapansin. Mabilis siyang gumaling at matuyo. Pero kapag lagi mo naming pinapaki-alamanan at kinakalikot. Lagi mong ginagalaw. Lagi mo siyang kinukutkot. Ito minsan ang sanhi ng pagka-peklat eh. Ganito kaya kadali ang sugat sa mundo natin?

Eh sa relasyong pag-ibig kaya. Kapag nasaktan ka. Hintayin mo lang maghilom. Wag humanap ng lalaking band-aid na panakip butas. Kapag hinayaan mo lang ang saket. At tumagal ng ilang panahon. Minsan dun mo lang narerealize na nawawala na yung feelings mo sa iba. Iba na ang attention mo.  
Nak kow sana nga pag-ibig nalang talaga.

Sa aking makamundong pagrerebelde. Maraming tao ang dumudugo at kumakalat ang sugat ngunit hindi magawang dumaing. Tiniis nito lahat. 
Ang realidad kasi, ang "sakit" na humahapdi pero hindi natin magawang maka-hindi. Tama? Ito na ang nakasanayan eh. Sino ba ang gustong makiaalam. Mga ilan ang gusto? mas marami pa ang piniling magkibit-balikat sa mga nangyayari.  Ang ilan nama'y sasabihing "kunwari di ko gets para di awkward." Kaatar. hahaha

Ang kalsada ay isang makating singit. Laging panira ng araw. Pakamot ng pakamot. Traffirific

Ang dami ko pang tanong sa buhay. Bakit building parin ang tawag sa building? hindi pa rin ba sila tapos gawin yun. Diba dapat BUILD na ang tawag dun. hahaha

Pasensya na ah. Ayaw ko lang talaga kasi ng normal na buhay. Boring. 

Nakanino ang tunay na pagmamahal. May magboboluntaryong iabot ang gamut sa mga mahihirap na paunang lunas ngunit itatabi lang naman.Tungunu. At hanggang kailan dadalhin ang sugat na ito aber? Ni wala atang gustong magmalasakit. For life na ba tong sugat na iyo dre?  Ni sarili hindi kayang paghilumin. 
Wala itong pinagkaiba sa nabubulok na patay. 
Imaginin ang inaamag. Dinidilaan ng aso. Nakakasuka. Nagnanana na sugat. Iiiiwwww
Para tayong  pinagmumukhang bobo at tanga. 


Ang Mundo ay isang malaking galis. Ang tagal gumaling.


Hanggang ngayon, sa mga tanong ko sa buhay buhay, hindi ko pa rin  alam kung matatawa ako o maiiyak eh. Parang ganire. 



Wednesday, September 24, 2014

SALITATORIAN: HOW CONYO GAMIT TAGALOG WORDS IN A PANGUNGUSAP

1. SPONGKLONG – Isang bobo/estupidong tao.
Sentence: Oh My Gosh! You’re so Spongklong. Simpleng instructions you didn’t kuha?
2. BASKIL – Ang basang basa na kili-kili.
Sentence: Yuuck. My Baskil is so flooding. Where’s my bandana?
3. McARTHUR - Ang Taeng bumabalik after mong i-flush
Sentence: Ooow. What’s nangyare McArthur? Did you miss me na?
4. BAKOKANG – Isang sugat o peklat na nagmarka ng malaki.
Sentence: Only Belo touches my bakokang, who touches sayo?
5. BAKTOL – Ang amoy bulok na durian.
Sentence: Mmmm, you are a explosive baktol. Kill your sarili. Please.!
6. KUKURIKAPU - Ang libag sa ilalim ng malalaking boobs.
Sentence: Hassle naman my appointment. No time to linis my kukurikapu.
7. MULMUL – Ang buhok sa gitna ng isang nunal.
Sentence: My brother ay hindi baboy. He has only mulmul. Fuck!
8. DUKIT - Ito ang amoy na nakuha sa pagsabit ng daliri sa iyong puwit o sa puwit ng iba.
Sentence: Masyado mo kong fina-flattered. That's the real dukit!
9. BURNIK - Taeng sumabit sa buhok sa pwet.
Sentence: Wait manong, Pwede bang stop the jeepney, my burnik can’t break eh.
10. BAKTI – Ang bakat panty
Sentence: Sister, si father see your bakti. Cover it na. It’s so Kaka! Kaka-tigas.
11. AGIHAP – Ito ay libag na dumikit sa panty o brief.
Sentence: Shocks.! Many people kita my Agihap. Wait. Lemme kuha a selfie!
12. LAPONGGA - Ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
Sentence: Can you please lipat nalang to other sinehan. Don’t make lapongga here.
13.WENEKLEK - Ito ang buhok sa utong.
Sentence:  What ba, stop being malikot, it’s so malaki ng Weneklek mo eh. I will bunot na.
14. BAKTUNG – Ito ay pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
Sentence:  You’re making me inggit pare to your Baktung. Can I pintot Dude?
15. ASOGUE – Ito ay buhok sa kilikili.
Sentence:  Sis, Why don't you just make linis your asogue. Girl you not lalake! daba!
16. BARNAKOL – Ang maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.
Sentence: Shet, the aircon is like sira.  How plenty my barnakol, you know!?
17. BULTOKACHI – Ang  tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.
Sentence: I felt my Bultokachi kanina. Sila ay scattered. Arrgh
18. BUTUYTUY – Ang etits ng bata
Sentence: Hey friend, Im accidently pisil your butuytuy. I’m galit na to you.
19. JABARR -Ang pawis ng katawan
Sentence: Pards, make punas my jabarr on my back!
20. KALAMANTUTAY – Ang mabahong pangalan.
Sentence: Hey, you! I saw your Kalamantutay on my news feed, you destroy my araw!

Nakakairita diba! :)