Wednesday, May 27, 2015

MAKE ACTION LOUDER THAN BUWELO.


Pangako sa'yo! 

Sorry kung nawala ako sa sirkulasyon. 

Pangako sa'yo, hindi kita iiwan.
Pangako sa'yo, hindi kita pababayaan.
Pangako sa'yo, lagi kang updated.
Pangako sa'yo, magiging masaya ang kwento naten.
Pangako sa'yo, marami kang matutulungan.
Pangako sa'yo, hindi kita ipagbibili sa iba
Pangako sa'yo, papaabutin kita sa rurok ng tagumpay.
Pangako sa'yo, marami kang magiging anak.
Pangako sa'yo, papahalagahan ko ang mga letra.
Pangako sa'yo, mamahalin ko ang pagsusulat ko sayo.
Pangako sa'yo, ituturing kita na parang kapatid.
Pangako sa'yo, ilalagay kita sa tama.
Pangako sa'yo, magkakaroon ka ng maraming kaibigan at kakampi.
Pangako sa'yo, bubusugin kita ng ideya.
Pangako sa'yo, sayo ang tunay na kwento ng buhay ko.
Pangako sa'yo, ikaw ang magiging simbolo ng kasiyahan.
Pangako sa'yo, babasahin ka ng mga katulad ko.
Pangako sa'yo, ikaw ang magiging daan sa karunungan.
Pangako sa'yo, ang magandang bukas. 
Pangako sa'yo, ibubuhos ko ang oras ko sayo.
Pangako sa'yo, ikaw ang tunay na saksi.
Pangako sa'yo, ipaglalaban kita.
Pangako sa'yo, babasahin ka ng mga anak ko. 
Pangako sa'yo, sarili ko nga ipinaglalaban ko eh, kwento ko pa kaya
Pangako sa'yo, magbibigay ka ng kahulugan.
Pangako sa'yo, mas madadagdagan pa ang mga magagandang istorya.
Pangako sa'yo, marami pa tayong magagawang pahina.
Pangako sa'yo, gagamutin naten ang sugat ng mundo.
Pangako sa'yo, lalaruin ko pa ang mga letra.
Pangako sa'yo, ibang atake ang ipapamalas ko.
Pangako sa'yo, magle-level up ka pa ng husto.
Pangako sa'yo, hindi maaawat ang aking galing mo.
Pangako sa'yo, mas iha-hard ko pa ang bawat hugot at baon. 
Pangako sa'yo, magluluwal ka ng isang libro.
Pangako sa'yo, wala man forever, ito pa rin ang itinakda na akda.

Pangako ko sayo yan Blog!. At kung sakaling mang mapako ang aking mga "Pangako sa'yo". 
Hindi pa rin kita bibitawan. Gagawa pa rin ako ng maraming paraan. Maraming maraming paraan.  Ilan mang balakid, unos, delibyo, problema, sakuna, trahedya at kung ano pang anek anek na kamalasan. Magsusulat pa rin ako. 


Sunday, May 10, 2015

BEGIN WITH A SINGLE STEP


Lalaban. Lumalaban. lalaban. Lumaban.

Na-shock nalang ako ng natapos ko ang lahat.

Napataob ko ang tatlong biglaang pakikipagpanayam ko kanina sa maliliit na pulutong ng mga empleyado sa Lungsod ng Metro Manila. Papasok na sana ako. Ayon, nagbago ang isip ko. Lahat sila’y natuwa sa performance ko. Aliw na aliw sila ng sagad sagaran sa akin. Yung iba nadismaya, kasi di ko tinanggap ang alok nila. Ang baba kasi ng 75k para sa isang buwan ko lang. Duh!  Pang-mall ko palang yun noh.  Paano ako mabubuhay, aber. Joke Nalungkot din ang isang babae kasi pagkatapos ng usapan namen, hinugot ko yung charger sa likuran ng HR, naki-charge ako ng phone kasi, malolowbat na kasi ako kanina eh. hahaha

Dahil hindi ako tumigil sa paghahanap ng “Tunay na Kalinga” sa Kamaynilaan. Sinuyod ko ng husto parin ang bawat sulok-sulok ng kanto kahit puro dengue ang eskenita ay  pinasukan ko, maitawid ko lang ang gusto ko. Nagdisguise ako baka mahuli ako ng mga partner ko sa trabaho. Kaya nagdala ako ng maskara. Naglagay din ako ng mamom sa dibdib ko. Pinapaalog ko pa sa jeep kapag dadaan kame sa lubak. Pina-umbok ko ng bahagya ang pwetan ko. Tuwang tuwa ang mga empleyado at call center agent ng Makati dahil nag wiwiggle wiggle ang butt ko sa paglalakad. Joke. Muntik na nga akong makilala ng nakasalubong ko eh. Ang sabi niya, “Sir, your face sounds familiar”.  Ang tanong ko “Ha?” “ano?” sabi niya,”familiar yang mukha mo, ikaw ba ang dumukot ng phone ko sa jeep.” Punyeta, Tado to ah.
Samakatuwid, successful naman ang biyahe ko kanina sa mga naging ka-meeting ko. Lahat sila pinaghandaan ang pagdating ko. Bago palang ako pumasok ng opisina nila, nilagyan kagad nila ako ng matatabang sampaguita sa leeg ko. Im so flattered. Bagay na ikinatuwa ko kaya binigyan ko lahat sila ng tigpa500. Kumakaway ako sa mga staff ng opisina. Ang iba kumukuha ng selfie sa akin, chine-check ko muna kong yung gamit nilang app kung may filter. Kapag wala. Sorry ka. Humahalik din sila saken na para akong isang poon. Kaso lang,bigla kong nalaman na bukas pala ang zipper ko sa kalagitnaan ng pangyayari.hahaha Okay lang.  Yun lang eh, Palakpakan naman jan. Biro lang yung iba. Simple lang po talaga ang lahat ng naging experience ko. Walang magandang bungad. hahaha

Binenta ko na ang lahat ng kaluluwa ko sa bawat building na pinuntahan ko. Dugo’t pawis at puri ko ay inalay ko na.
Naka ilang sulat ng background information, nag exam, nakipag-hand shake,(nag alcohol kagad ako)  at nakipag plastikan. Joke.
Sobrang nakakagutom at ang init talaga ng buwan ng Mayo. Parang may Mayonnaise ang kili kili ko. Sobrang hirap maghanap ng bagong kayod. As in, Laging io-offer sa akin  ay mas mababa  pa sa payslip ko ngayon. Kesyo daw bago palang ako sa field na yun. Eh putang ina niyo pala eh. Ayoko nga eh. Hinde. Gusto kong sabihin, “Oh ano to, lokohan lang. Hindi tayo naglolokohan dito mga kapatid. Ibigay niyo ang nararapat na sahod ko. Ang kaban para sa bayan”

Sa sarili ko kasi, alam na alam ko ang value ko. Ikaw? alam mo ba ang value mo, Ms. Interviewer? Kilala mo ba ang sarili mo? Ako kilala ko sarili ko, deeply. Ako to eh. Ako ang nagmamay ari ng buhay ko. Marami na rin naman akong experience when it comes to my field of work. Marami na kong napagdaanan na mapapamura ka sa init at puot ng mga pangyayari. hahaha Ang angas!  Pero naging matibay ako.

Ganun pa man, atlis mas maganda ng sumubok at natya-tyaga. Kesa naman pagsuko lang ang gagawin ko for life.

Siguro itatanong niyo kung bakit ako naghahanap ng bagong tmundo. Ang sa akin lang, kung may goal ka na tinutupad. Dumiretso ka na. Yun lang po yun.

Ang naging lesson sa akin, Hindi pwedeng basta bastang tatanggap ng offer na dehado ako sa kita. Paano ako mabubuhay? Naghihintay na nga lang ako lagi ng kinsenas at katapusan tapos mababa pa ang mabibigay sa akin.  Mabuti pa ang limang daang piso, kapag nahulog at nalukot sa daan at inapak apak na ng maraming tao ay siguradong pagkakaguluhang kunin. Ganun kabigat ang value ng limang daang piso kumpara sa akin. Yung iba naman ay aapakan para walang makakita. Nice tactics. Tpos pagdating sa akin mag oofer sila ng mababa,  ganun ba ang value ko, ang cheap niyo ha. Halika rito, kokotongan kita.

Kahit anong challenge ng buhay ko, walang uuwi ng walang ka-instagram instagram na nangyari sa araw ko. So, selfie, moves na.

Minsan lang ako magrereklamo.

May kinalaman ba ang pag iri ng mga magulang natin dahil hirap na hirap sila sa paglabas saten sa mundong ito kaya hirap na hirap din tayo dito sa mundo kung paano mabubuhay. May kinalaman ba to o wala? Mahirap maghanap ng trabaho. Mahirap humanap ng magandang trabaho. Mahirap mag aral. Depende na lamang sayo kung paano mo iaapproach ang lahat.  Ang daling mamatay, ang hirap mabuhay. Tapos malalaman ko sa ibang organization na hindi permanente ang buhay ko dito sa mundo at nagpe-prepapare lang daw tayo sa susunod na buhay. Edi magpaparty nalang ako. Kasi paano kung hindi mangyari yun. Edi nga-nga lahat tayo. Namatay sa maling akala. Ano ba yan.

Malaya naman ako kung kumilos ngayon pero parang nakakulong pa rin ako. Nakakulong sa malaking tanong. Nakakulong sa lumang sistema. Nakakulong sa pagkakamali. Gusto ko na ng kalayaan.Gusto ko ng bitawan ang lahat. Ayoko talagang isipin na nakakulong ako sa ganitong pamumuhay kaya dinadaan ko nalang sa ngiti. Baka di ako nakakulong. Baka malaki lang talaga ang perpective ko sa buhay. Hindi kaya’y  atat lang talaga ako. Kaya ako nagkakaganito.

At eto na naman. Bukas pasok ulit ako ng opisina. Bukod sa mga boring na kausap ko na katabi ko lagi. Hahaha Namiss ko naman ang ingay ng Pasay. Although, galing lang akong Makati kanina na ang Makati at Pasay ay halos magkalapit lang. Namimiss ko lang talaga ang mga kaibigan ko. Siguro sa sobrang pagod ko sa interview at pag aasikaso ng application. Naisip kong ipahinga muna ang utak ko sa bawat pagpapanggap. Namimiss ko na kasi ang mga kababata ko. Sa barkadang hindi uso ang katahimikan. Kapag inilabas na ang pulutan at alak. Dire direcho ng kanto. Kung saan may tindang Papa Cologne. Wala lang, kanta yun ni Chito Miranda. Namiss ko din yung eksenang pag magkakasama kame ng mga kaibigan ko, daig talaga namen ang nag-aaway sa kanto sa sobrang ingay namen magkwentuhan. Walang gulo. Pero may magulong usapang nakakatuwa. Siguro nga, kame lang yung nagpaparamdam na hindi boring ang buhay. Kaya sa mga burgis kong mga friend jan na nag aaral sa nagse self study sa starbucks kasi nag aaral daw sila sa la salle. Mga ulul. Ang ingay sa starbucks, dyan kayo nag aaral.  Dun kayo sa Library kaya. Punta kayo sa bahay namen. Mag ingay tayooooo! Whutwhut!

Ito siguro ang puntong kapag pagod ka na sa lahat. Ginawa mo ang lahat. Pinagpagurang makamit. Gusto mo rin siguro ng taong makakausap kung nasa tama na ba ng mga ikinikilos mo. Ang mga taong manlalait sayo. Nakakamiss yun.
Sa mga kababata ko ulit. Mailabas ko lang ang utot ko senyo. Payapa na ulit ako. Speaking of payapa. Ang 30 mintuong katahimikan ay katumbas ng 3day vacation leave. Ganun ko binigyan ng similarities ang ang katahimikan at pagpapahinga . Kasi gusto ko ng konting katahimikan naman please.

Pero paano ako magkakaroon ng katahimikan kung araw araw hindi maganda ang timpla sa akin ng boss ko. Matabang ang timpla ko. Hahaha wala naman, gulo ko lang, asarin siya ngayon. Kasi naman eh, kung manakit yun sakin, magsabi nga ng sorry hindi magawa, manuyo pa kaya.

Siguro nadidismaya lang talaga ako sa mga Amo na kala mo maraming ginawa pero sa totoo, wala naman talaga. The Great Pretender lang ang peg. Gusto kong gawaran ng masigabong sampal ang mga kupal na boss sa Maynila.
Bullshit lang.

Kailangan ko ng tatlong katahimikan, katahimikan at katahimikan.

Habang ipinagdarasal ang kabaitan at  katahimikan ng ugali ng aking boss. Hindi ko pinapatay yun. Malaki pa nga ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko siya tutularan. Boss ko pa rin naman yun at mataas ang tingin ko sa kanya.

Alam nyo, Sa ibang amo, I can't spell "FUCK YOU" without "U". Teary lang talaga ako magsalita kapag kaharap ang boss ko. Pero matapang ako. Siguro darating ang panahon na ako ang magiging way para maging blessings ako sa taong yun.

Maitatanong mo rin siguro sa akin kung bakit parang kanina gusto ko ng ingay ng mga kaibigan ko at katahimikan naman ngayon ng sarili. Siguro kailangan lang na balance ang lahat.
Sa hirap maghanap ng trabaho. Sa hirap umunlad ng buhay. Mapapansin mo sa lahat ng magkakaiba tayo ng kinikilalang Diyos. Hindi ito relihiyon. Kundi Diyos talaga.
Lahat naghahanap ng Diyos. Diyos ng pera. Diyos ng pagibig. Yung katabi niyang jino-Diyos ang jowa niya. Dino-diyos niya yung mga alahas niya. Minsan sa mga bito.

Ang Diyos ay Diyos ng katahimikan. Tugma ito sa kaninang binaggit ko.  Ayokong magpaka-tatalino sa lalim. Pero sa tuwing titingala ako sa langit. Sa kalangitan. Sa mga bituin. Sa mga buwan. Parang nagkakaisa sila. Siguro dahil tahimik sila. Siguro kailangan nating maging tahimik para mapakinggan ang sinasabi ng kaluluwa naten. Bigyan lang talaga ako ng 1hr na katahimikan. Biyaya na sa akin yun.  Pansin ko lang, nakakarecharge ang katahimikan ng buhay. Maraming lesson ang katahimikan.
Ikaw ba minsa’y nabingi sa katahimikan o sa Ingay ng katahimikan.
So putulin mo na ang katahimikan mo. Kumilos ka.

Minsan naman, ang katahimikan ang dahilan kung bakit nananatili ang kamalian. Dahil di pinapakelamanan.
Sa topic na to na umiikot sa trabaho at pagkakamiss sa mga kaibigan. Hinding hindi ko malilimutan kapag tumahimik na ang kaibigan ko. Alam ko na yun. May mali akong nagawa. Kilala nan amen ang isa’t isa eh.

Ngunit subalit datapwat, ang katahimikan ay hindi minsan dapat pagkatiwalaan. Tandaan natin yan.
Mas matututo ka pa nga sa gurong tahimik lang sa pagtuturo pero kapag nagsalita ng kaunti. May mapupulot ka talaga. Yan ang tunay na ingay.
Maraming pang modermong machine na maiimbento na magpapaingay sa mundo.
Pero ito ang dapat pagkatandaan ng lahat na hindi ang katahimikan ang magliligtas sa mundo. Ang sigaw ng puso mo.
Nagkakaroon ako ng peace of mind basta malakas ang pananampalataya ko. Kahit di na ko magpray. Ganun lang talaga. Katahimikan lang ay okay na.
Di nyo na napapansin. Halos pare-parehas lang naman tayo ng pinaglalaban bawat generation. Ang iba gustong yumaman, ang iba kalayaan, maayos na relasyon sa pamilya at magandang kinabukasan bukas. Lahat tayo ay pare parehas. May natutukso. May nagbabanal banalan. So kung pagmamasdan, iisa lang tao at pare parehas  lang tayo. Maaring ang ipinaglalaban ko sa blog ay sa susunod na henerasyon ay ipaglalaban din ng ibang tao. Ang katahimikan kong inaasam ngayon. Malay natin isang araw, maraming sumunod sa akin. Sana lang talaga.

Ngayon, tapos na ang buong araw, namimiss ko lang talaga ang mga kaibigan ko. Karapatan ko namang sumasaya at lumigaya. Tara tumawa.

Kailangan ko lang ng isang garapong time para magkaroon ng kalayaan at mapakinggan ko ang sarili ko. Parang punong puno sa ang isip ko sa mga sabi sabi ng iba.
Katulad kay many Pacquiao, malamang makakatulog yun ng mahimbing kahit maraming tao ang nagbigay ng negative comemnts. Eh binigay niya ang lahat naman eh. Matalo man o manalo.

Lahat ng bagay ay may purpose. Walang pagkakamali. Lesson lang talaga ang meron. Wala sinasabing concidences. Lahat ng biyaya ay may kalakip na aral.
Maaring ang katahimikan, trabaho, purpose ko, pagmamahal, mga kaibigan ko, magkakakonekta rin sila gaya ng nasa kalawakan. Mahirap nga lang intindihin gaya ng pag iri ng isang ina pero konting push lang, mauunawaan din natin at lalabas din ang katotohanan. Sa uultin, salamat.

Tuesday, April 21, 2015

GOT ME, GOT ME, QUESTIONIN', WHERE IS THE FIRE?

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Minsan mas okay din yung hindi ako isan-daang porsyentong sigurado sa mga stride ko sa buhay. May kapiranggot na doubt ako sa espiritong goals ko. Konting push pa siguro. Hindi tiyak ang mga hakbang na gusto kong gawin kasi nga may konting kaba at duda. Pero para sa akin, mas okay na yung di ako totally sure. Hindi syento porsyento clear sa akin. Ang ginagawa ko lang, as long as sumakay lang ako sa bisikleta. Little by little, kapag naipadjak ko na ang mga paa ko at nakaandar nako, may chansa nakong makapunta anywhere. Maligaw man ako. Abutan man ako ng ulan. Makakagawa  pa rin ako ng way para magpatuloy sa journey ko. Kesa naman sa tititigan ko lang ang bisikleta kung may pupuntahan ako. Patiently stupid waiting ba tawag dun?

At di ko kalilimutan ang  tunay na teaching ng dagat, bago ako magmalalim, matuto munang  akong lumangoy. Bago ako magyabang, patunayan ko munang handa na akong makipagtagisan ng tibay ng loob.

Ang tanong ko lang naman, bakit ba ako susuko sa mga pagsubok na dinaranas ko ngayon eh hindi ko naman ‘to ikamamatay ? Diba!? Oo, madaling sabihin, kapag wala na ako sa mainstream ng pagsubok ngunit lagi na lamang bang ganun sa gitna ng problema nakakalimutan ko ang formula o ang life experiences ko. Offtrack na walang bitbit na aral sa utak ko. Diba dapat mas lumaban kasi dito rin naman ako tumitibay? Sa bawat pihit ng tadhana. Nakatawa pa rin ako.

Nasan na ba yung naglalagablab na pagnanasa ko o ang tinatawag nilang “burning desire”? Where na you?

Nawala na kagad yung pagnanais kong maka-hakbang. Sumubok at tumapang. Nagkaroon lang ng konting tuwa. Konting pagpapala. Absence of mind na.
Kapag gusto kong sumubok. Natataranta kagad ako. Parang napaka incompetent kong species dito sa world. hahaha

Nasan na ba yung nailagay kong pang-gatong at gasolina at sisindihan ko na ulit. Nasan na? Nabasa ba ng tubig?

Saan na ba nakalagay ang care ko? Lumilipad ba o naiwan ko sa chateau namen?
Nasan na ang buong atensyon ko?
Kanino ko hahanapin, sayo, sa kanya o sa akin?
May iha-Hot pa ba ang apoy na nasa dibdib ko? o todo na?
Nang dahil ba sa internet sa opisina? Sahod na okay na sa kin kaya ayaw ko pang umalis dito. At kumilos na.

I felt like I don’t embrace the growing pains of living. Really.

Nandahil ba sa mga latest chismis ngayon na hindi ko mabitawan sa internet. Kakacomment. Malamang may internet den naman ang pupuntahan ko. At napakababaw kung ang internet lang ang di ko mabitawan. Dafuq. Ako ang batang laki sa internet.
Nang dahil ba nagkamali ang mga dating sumubok  na umalis, ganun din ako?Hindi naman siguro.
Pwede naman akong matuto sa kanila at ako na ang magtatama ng naging maling desisyon nila. Posible diba.

Dapat ko bang tanungin kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay? Eh parang ako rin naman ang gumagawa ng kahulugan neto. Iaasa ko nalang ba sa mga nababasa ko o pakikinggan ko nalang ang sarili ko?

Nasan na yung sobrang paghahanda ko? Nasan na yung inihanda ko para sa battle na pupuntahan ko?
Kailan ko mare-realize ang tama, I’m blowing things out of proportion na eh. Ano ba ang mas masakit?
Ang mag-stay sa di ko gustong trabaho o umalis na handang harapin ang bagong challenge ng buhay.
Ang dami pa kayang future kapag umalis na ako at nagsimula muli ng panibago.

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Nasan na ang Apoy sa dagat? Nabasa kagad ng tubig? Inihip ng hangin? O tamad lang paapuyin ulit.
Kala ko ba nandito ako sa 2015 para sumubok. Diba yan ang sinabi ko bago pumasok ang taon, “Ang sumubok”. Ang magkamali sa tamang paraan. Fail wisely.
Bakit parang may takot na magkamali ako ngayon? Dahil ba medyo hindi maganda naging resulta ng una?
Nawawalan kagad ng pag –asa? Ganun nalang yun?
Mahirap maghanap ng trabaho. At mahirap maghanap ng trabaho ng wala pang trabahong lilipatan. Correct.
Sa bawat attempt ko. Mapapaso mismo ang makakatabi ko sa init ng desire ko.

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Sige, bigyan mo ako ng rason kung bakit ka namen dapat tanggapin sa company na to?
Me in a gago mood: Eh syempre wala akong trabaho kaya ako nag aapply senyo. Tanga neto.
Kung tapang lang din ang pag uusapan, wala na akong kahit konting kaba. Simula ngayon. Peksman.
Mas malupit pa sa bawat suntok at sipa ng IP man.

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Babalikan ko lagi kung saan ako nagsimula. Kung ano ang una kong reason kung bakit ko ginagawa ito.
Nasan ang nagbabagang "baket"?Baket! Baket! Baket! Ibalik ko kung baket.
Ang biyahe ng buhay ay parang bus. Pipiliin ko ng mabuti ang sasakyan ko. Isang biyahe lang. Kapag nakasakay na kasi ako, hindi ko na tatangkaing lumipat sa kabilang bus kapag natakbo na dahil sa terminal pa ang babaan nito. Walang kaakibat na magic kapag reality na. Maghintay nalang sa susunod na terminal saka lang ako makakalipat ng ibang ruta.
Hindi ako papayag na huminto. Basta tuloy tuloy kahit anong mangyari.
Kahit na minsan ay buhay ay gusto ko nalang i CTRL+ALT+DELETE. Tanggapin ko nalang ang reality.
Alab alab pa. Apoy pa
.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Nasan na ang hinahanap kong result? Ito na ba yun o hindi pa?
Ito na ba ang tamang direksyon o maghanap pa.
Kaya palaging manatiling akong mata-TAG. Maging batang Lactum. Para laging panatag. Maging mapagpasalamat. Kung ang Diyos nga ginawa ang mundo within 7 days, eh ako 9 months sa tiyan ng nanay ko, Sumatutal, mas mahalaga ako.
Lagi ko ring iisiping may parating na problema. Humanda ako lagi.
Malalagpasan ko ang magiging problema sa paghahanap ko ng bagong mundo.

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Ang Diyos ang naglagay ng lesson pala sa buhay ko. Mag-aaral ako ng husto dahil pagsusulit lamang ito ng faith ko.
Magsiga pa ko ng apoy.
Kasama ko kayo, Kumapit rin tayo ng mahigpit, mga kapatid.

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Saan parte ng buhay ko gagamitin ang isang butil ng pananampalataya.
Tandaan: bawat desisyon ay may kalakip na price tag. Halaga.
Alalahanin ko yung mga panahong gumigising ako sa umaga dahil tuyot ako sa pag-asa. Panahong sinasabi ko nalang sa sarili ko “magiging maayos din ang lahat”. Mga panahong binubwisit ako ng boss ko at nadidisapoint ako sa mga nangyayare. Pero ito ang tamang panahon upang iremind ko ang sarili sa tunay na nangyayare. Magtiwala rin ako sa sarili.
Mas maniwala sa sarili kong kakayahan.
Kahit na, hindi pa ito ang right time. Mga tanong na, “Bakit pa ako nandito kung halos lahat gustong umalis dito.” Mga kaworkmate ko na parang suko na.

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Wala na siguro akong iwo-worry kung mapupunta ako sa impyerno sa gagawin ko. Kapag na-overcome ko to, impyerno na to eh. Ano ibig sabihin nun, meron pang isa? Lugi naman.
Ang pag-asa ang paniniwalang magiging maayos ang lahat pero ang pananampalataya ay naniniwalang magiging maganda ang kalalabasang resulta.
Lalagyan ko pa ng spark ang bawat gawa ko.
Ang buhay ay puno ng misteryo. Walang makasisigurado Ang tadhana madalas mapagbiro, Dahil sa sugal ng buhay  hindi ko malalaman kung ako ay talo o panalo, kung ako ay agad agad na lamang susuko.
Hanggat wala naman akong tinatapakang ibang tao, itutuloy ko tong paniniwala ko sa buhay.
Alalahanin ko yung mga panahong gustong gusto ko ng umalis sa masalimuot na mundong ito.
Kung maaari kiskisan ko pa ang dalawang bato para makagawa ako ng apoy.

Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.

Bawal ang magduda pa. Itutuloy ko na ng todo. Pagsubok ko to.
Hinding hindi ako sasandal kung ano lang ang nangyayare. Pag-aaralan ko pa.
Pakinggan ang sinasabi ng puso ko. Ang sigaw ng paglaban ko.
Mananalo ako sa unang laro na ko na ‘to.
Gagawin ko ito para sa tagumpay ko.
Hindi masamang mag-expect ng lahat ng mangyayare ay milagro para sa akin. Hindi masama.
Kung noon ay sumasakay palang ako sa biyahe ng buhay.
Ngayon ay tatakbuhin ko na ng mabilis.
Mas malaki ako kesa sa problema ko,
Dalawang bagay lang ang ipapanalo ko ngayon.
Ang umalis ng maayos at magsimula ng maganda.
Mahahanap ko ang trabaho na kung saan mahalaga na magsayang ng oras dun. Sulit magsayang ng oras. May direksyon kung magsasayang ng oras. May sukli kapag nagsayang ng oras.
Parang dragon kung bumubuga ng apoy sa iwinewelga ko. Pilitin huwag bumitaw.
Hahayaan ko nalang bang tubig lang ang magpatigil ng apoy ko. Opkors nat.
Ano mang laro ng buhay. Makipagpatintero man kay kamatayan. Laro pa rin yan. Minsan may dugaan o sakitan. Ngunit may laro na possible ako manalo. Hindi palaging talo.
Huwag kayong magalit sa akin, isa lang akong manlalaro sa buhay na to, magalit kayo sa laro. Wag din sa referee.
At sino naman ang nagsabi na ang demonyo ang leader ng impyerno,sa bibliya, mismo rin siya, nasusunog din dun. walang masama sumugal kung mapupunta ka sa impyerno. Basta alam kong mananalo ako.


Ito ang apoy ng aking pagnanasa sa bagong mundong haharapin ko.

Tuesday, April 14, 2015

FOOD FOR THOUGHT



Nakakapagod mag-commute. Anoh? Nilagyan ko ng “h” para may art. Nakakapagod magdala ng laptop araw-araw. Hindi pa patas ang upo ko sa jeep sa huling sakay ko. Parang pang 2 pesos yung upo ko eh. Ang dame ko pa namang dalang bagahe. Kaninang umaga lang, ang gwapo gwapo ng gising ko, parang wala na nga akong karapatang pumaget eh. Charot. “Supilin ang mga feeling pogi na tulad ko.” Tagag!

Kahit na medyo creepy ang hilik ng katabi ko sa bus. Saka annoying ang nguso ni kuya eh. Mas nakakapagod magbiyahe kesa magtrabaho sa opisina. Pero masaya naman lagi ang biyahe ko sa bus. Nakakaidlip ako ng maayos. And safe naman ako nakakauwi sa bahay palagi. Sa kalagitnaan palang ng biyahe ko kanina, Tinext ko na kagad ang nanay ko na uuwi ako. Nagtext akong kakaen ako sa bahay. "Ma, ilabas ang mga putahe para sa senyorito ah".

Naglalakad na ako malapit sa bahay. Naamoy ko na ang ulam. Tumusok kagad sa ilong ko ang amoy chicken. Nagtaka lang ako. Sobrang takang taka lang ako, kung bakit ang daming ulam. Lunes ngayon ah. At abril palang. Hindi ko pa Birthday. Ang aga naman masyado ng surprise saken. Tinignan ko ng maigi ang mga nakalapag, Hindi pa bawas ang mga prito at mga sinabawan. Malinis ang pagkakaluto. Walang bahid ng krimen. Nagtataka ako to the point na iba yung klase ng ulam ngayon. Parang naghire ng chef ang nanay ko. Hinahanap ko nga si Bitoy eh, para nakakasiguro ako kung anong plato ang may sebo. "Misis may sebo ang plato niyo".

At ako palang ata ang kauna-unahang kakain. Baka siguro bumili lang si mama sa labas ng sigarilyo at iniwan muna ‘tong mga ulam. Kaso pagtingin ko sa mga pinggan. Walang available na plato o platito. Puro hugasan. Noon naman. Panahong kasabay namen ang mga Ayala Family sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa tuwing may bisita kame. Dun lang lumalabas ang mga plato nameng mamahalin. Ganyan kame.  So, samakatuwid, walang bagong bisita tonight.

At sa wakas, dumating na rin si ina at tinanong ako.
Mama: Bunso anong gusto mong ulam? Wala pang nakaen eh. Mauna ka na.
Ako: Ma, Ano ba masarap? Meron ba dyang ginisang friendzoned with feelings o kaya supladong Sinigang.
(Ang layo ng tingin ko na parang malaki ang lamesa namen pero maliit lang naman.)
Tapos ang sama ng titig saken ng nanay ko.
Sabi niya, “kumaen ka nalang jan.”
Nagtanong ako, "bakit iba ata ang mga ulam naten ngayon. Bonggahan"
Sabi niya, “Wala lang trip ko lang”
Yun pala nanood ng cooking show si Mama kanina. Aba may budget.

Dumating na ang tatlong makukulit na mga pamangkin ko. Mga galing ng court. Naglaro pala ang mga chikiting ng basketball. Yung isang bata humihingi kagad ng tubig. Yung isa naman wala pang hugas hugas ng kamay. Pinapapak kagad ang manok. Ang masibang si Prince.

Kaya pinaupo na sila ni mama at sabay sabay na kumaen ang tatlo. Ang mga itchura ng mga pamangkin ko. Kala mo gumulong sa ilalim ng jeep. Sobrang dumi.

Tumikim na rin ako. Kumpirmado!
Grabeeeeeeeeeeeee. Ang sarap ng cooking ng Ina ko. Shet. Ito ang luto ng Diyos kung tatawagin. It’s Kinda. You know!
Meron kasing three magic words ang nanay ko sa pagluluto: “Jesus loves me!”
Christian kasi nanay ko.
Kapag naman nahuhuli ko ang mga galawan ng mga pamangkin ko.

Naalala ko noon.
Kapag hindi ko gusto ang ulam. Minsan ang ginagawa ko sa kanin na may sabaw ay hinahalo ko na parang Semento. Feel na Feel ko magConstruction-Boy noon eh.
Totoo. Para lang malibang ko ang sarili ko. Saka mahina rin ako kumaen talaga noon. Ang gulay ay isinusuka ko.
Noon, sa sobrang inis sa akin ng magulang ko. Nai-ngudngod ako sa kinakain kong pagkaen dahil iniiyakan ko lang siya kasi ayokong ubusin ang ulam. Napaka arte kong bata. Yan ang mga nakikita ko sa mga pamangkin ko ngayon na namana nila siguro sa akin pati sa angkan namen.

Sobrang demonyo ko, nagtatapon pa nga ako ng ulam noon para lang maipakita ko sa nanay ko na ubos na ang kinakain ko at makakalarga na ako. Makakapagliwaliw na ako.  Ngayon, nakokonsensya ako kapag nakakakita ako ng batang ginagawa iyon.

Noong bata pa ako, Wala akong focus sa inihandang plato sa akin. Dati pa nga sabi ko. “Ma, Itatae ko rin naman ang mga pagkaen eh. Ayoko ng kumaen” sabay sampal saken ng nanay ko. At bumitaw ng mga katagang “Kung ayaw mo ng inihanda kong ulam, bukas ang pinto, lumayas ka”.

Noon, bago kumaen. Walang dasal dasal.
Minsan pinagsasabay ko ang laro at pagkain.
Minsan pinagsasabay ko ang tv at pagkain.
Dati takaw mata lang ako sa pagkain. Feeling ko. Kapag inilagay ko sa plato ko ang mga gusto kong kainin. Mauubos ko.Hindi pala. Nabigo ako.
Minsan sumasayaw pa ako habang kumakaen. O takbo kagad sa labas.
Nung naging highschool ako, nauso ang unli text sa Sun Network.
Nagtetext ako habang kumakain.
Hanggang sa nagkajowa ako.
Nawala lang siya sa tabi ko, di na ko makakain. Naiinis ulit ang nanay ko kapag nakikita akong ganyan eh,sabi niya “Bakit nasa jowa mo ba ulam mo? At hindi mo maisubo yang kinakaen mo”.
Ngayon narealize ko na.
Noong naghanda ang Diyos ng kalokohan sa mundo. Nagbuffet ako. Kinain ko lahat ng kulit eh.

Dapat pala nakadenpde kung ano ang kaya kong kainin at kung ano ang sinsabi ng tiyan ko. Ang isinisigaw ng kalamnan ko.
Maaari namang piliin ko lng ang gusto kong kainin sa dami ng kaya ko lang ubusin sa oras na yun.
Ang dame kong pagkukulang pagdating sa mga ibinigay sa akin ng magulang ko lalo na sa blessings. Nooy isisi ko sa magulang ko kung ano ang kanilang inihandang ulam. Kung bakit di ko type. Talang inutil ako nun kung tatawagin eh. hahaha
Walang nagturo sa akin na magpasalamat ako noon sa pagkaing inihain sa akin. Basta lapang lang.
Sabi ni mudrax. dapat
Ubusin ko ang ulam.
Pispisin ko.
At ako na rin ang maghugas lagi.
Damay ko na rin daw yung mga labahan, paliguan at subuan ko ang mga aso at lumayas na ako sa bahay namen. hahahaha
Ngayon kapag walang pera. Pinoproblema ang pagkaen. Kapag may pera naman. Sex naman. Tapos kapag parehas na walang pera at sex. Sira ang health. Charot. Hahahahahah ano ba talga yan.
Buti pa yung kaibigan ko. Lalong tumataba. Ganun kasi kapag laging pinapaasa ng boyfriend niya eh. Sa pag kaen umaattack. Ako gabi gabi akong hopia. Nakakabusog sa isip.

Pero simula ng nagkatrabaho ako. Isa sa natutunan kong pinakamagandang mag invest ay sa pagkain. True diba. Hindi lang pampa-good health kundi dagdag enjoyment. Tapos kakain ako ng siomai na maanghang, bibili ako ng large fries sa mcdo. Bibili din ako ng Vcut ng large den. Tapos pag uwi naman, isang bote ng alak. This thing called “Buhay Sagana”.
Maaring ang iba ay gutom sa pagkain. Ang iba ay gutom sa pagbabago. Pagbabago na maaring ikabusog ng lahat. Naks
Marami kang makikita sa daan na mahihirap o mga pulubi na naglalakad minsan sa tanghaling tapat para lang makakaen. Naghahanap ng pagkaen sa basura. Nanghihingi kung kani kanino. Kahit anong amoy nila. Keri lang. Pero huwag ka, ibahin naten ang masiba kong kaibigan na naglalakad lang sa kalye para lang magpababa ng kinaen sa Vikings Buffet. Nakita niyo na ang pinagkaiba ng mahirap at ang taong hirap dumighay. Punyeta diba. That friend “Lagi gutom all the time”.
Sobra sobra na siguro tong ginagawa ko kung sa bawat dasal ko ay puro pagpapasalamat. Enough na to. Sa biyayang iniregalo sa akin. Lumalakas ang pananampalataya ko sa pasasalamat. Kasi malaki ang nababago sa buhay ko sa pasasalamat sa buhay. Ito ang tunay na langit. Ang magpaaasalamat lagi.
Ako ang foodtrip ko lang ngayon ay tagumpay. Gutom na gutom ako sa tagumpay. Sa trabahong gustong gusto ko na simulan.

Sunday, April 12, 2015

ANG BIYAYANG BINIBIYAYAANG PA NA MAGBIBIYAYA PA SA IBA

Pambiyaya naman oh.
Halimbawa ika’y isang bulag. As in, dalawang mata. Sobrang dilim ng nasa paningin mo. Para bang may nakataling bandana. Siguro mga limang ikot ang pagkakatali sa mata mo. Atat na atat ka ng makita ang ganda ng buhay. Ang totoong mundo. Gusto mo ng idilat ang mga mata mo. Yung tipo ba na atat na atat ka ng masilayan ang liwanag ng araw. Kaya kahit papaano, iniimagine mo nalang muna sa isip mo ang mundo na naririnig ng iyong mga tenga. Ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing gusto ko ng maramdaman ang pinapangarap ko.
Hindi ko alam kung mayroon pang itinuturo sa akin ang nakaraan. Ayoko na sanang balikan ang mga ito. Pero parang may kahulugan kasi. Kung babalikan ko lang ang nakalipas. Ang mundo ko noon ay punong puno ng pag-aalinlangan. Lagi akong nagdududa. Marami akong gusto. Minsan ang nangyayari ay kabaliktaran ng gusto ko. Lagi akong naguguluhan. Laging may mabigat na tanong sa bawat yugto ng buhay ko.
Sa bawat yugto ng buhay ko. Lagi akong nagpapasalamat. Sobrang pasasalamat. Ayoko man isumbat sa aking malupit na ama. My biological father. Nagpapasalamat pa rin ako. Laging may problema. Kahit na halang ang bituka ko minsan. Laging kasama ko ang Panginoon. Laging may Jugjug.

Way back from elementary
Ayoko man sanang ipagyabang. Pero sobrang galing ko ng elementary ko. Pati ako napapahanga pa rin. Ang dami kong medalya na natanggap nun noon. Seryoso ako sa pag aaral nun. Ito ay dahil sa sobrang focus ko sa pag aaral at konting palakas sa MayKapal. Ngunit sa kabila neto, pinalaki ako ng magulang ko sa paninigaw, pananakot at maling pananaw sa pagkakamali sa buhay. Nada-down ako nun talaga. Ito rin ang mga panahong kapag nagkajowa ako. Tanging kilig lang na walang attachments. Ang saya nun diba. Isang text lang ng girlfriend parang buong baon mo na sa maghapon sa school yun diba. Tapos dito na umusbong ang pagsasayaw. Nauso siya ng hindi ko namamalayan. Nakahiligan ko ang pagbe-breakdance. Doon palang sa pagsasayaw ko. Nauso na sa akin ang forever. Sinabi ko sa sarili ko. Ang pagsasayaw na talaga ang gusto kong direksyon sa buhay ko. Kakagatin ko na ang break na to. Ito na yung gusto kong maging profession ko sa buhay. Masaya ako. Ngunit bumagsak ang mundo ko nung bumagsak ang mga grades ko pagtungtong ko sa highschool. Saklap.

Noon malakas ang pananampalataya ko. Nawala ng husto ang pananampalataya ko.

Way back from high school,
Sa maniwala kayo at sa hindi. Edi wag maniwala. Mantakin mo ba naman na umiyak ako sa nanay ko dahil 1st year high school palang ako, gusto ko ng sumuko sa pag-aaral. Naalog ata ng husto ang utak ko sa pagsasayaw. Alam mo naman ang brain ko. Parang temperature sa kili kili. Nagbabago kapag naaalog.
Ito'y dahil sa simpleng math na naiinis ako kung baket hindi ko maget-gets. Fuck shet. Algebra pa lang yun.  Sobrang maluha luha ako sa nanay ko nun. Mukha akong tanga. Sabi ko sa nanay ko. Itutuloy ko na ang pagsasayaw. Ayun, buti nalang, sa kakaunting dasal ko at pagluhod noon sa mga poon. Naipagpatuloy ko ang high school ng maayos. Ngunit,pinalaki naman ako ng magulang sa pananakot na wag muna akong mag-aasawa. Pamilya daw kasi namen lahi ng pikutin. Ako yung lolokohin ng babae lagi. Baby lang ang habol sa akin ng lahat ng babae. Hinde! Tapusin ko muna daw ang kolehiyo ko bago ako pumasok sa buhay “bagito”. Ito ang stage na natututo na ako sa Jugjug. Wag niyo ng tanungin yung jugjug. Baka masira ang mga endorsement deals ko. Masisira mga commercials ko. Charot. Kaya tuluyan ng hindi ako tumaba. Adik na ata ako nun dun. Napakarelihiyoso kong tao  nun ngunit nakakagawa ako nun. Napaka impokrito ko. Pero may puso naman ako nun. Mapagmahal ako sa kapwa.  Kaya ako nagpupunta sa simbahan ay para humingi ng tawad. Laging ganun. Tingin ko, kinukuhanan ata ako ng laman ng sa itaas sa mga kasalanang nagagawa ko noon. Kaya nung papasok na ako sa college. Gulong gulo naman ako. Hindi ko alam ang papasukan ko. Ano ang gusto ko. Sabi ko noon,hindi ko pwedeng ipriority ang showbiz. Magulo ang profession na yun. Hinde! Praning praning ata ako nun. Sabi ko noon, wag muna kaya akong magcollege. Hindi pa ako handa. Talagang kumpiyansa akong magkakaron ako ng maayos na buhay noon dahil sa meron akong jowa matalino PERO panget. Naglagay ako ng “pero” kasi nakakainis.  Well, ganun talaga, ang gwapo madaling maloko kasi mahina sa math. Marupok. Kaya ang intro ng college ko, isang hindi napaghandaang senaryo ng buhay ko.  Para akong tumalon sa isang dagat na punong puno ng pating. Anak ng pating naman oh. Nagkagulo gulo ang mundo ko.Walang direksyon.  Basta pili nalang kung ano ang kurso.

Kaya nawala na naman ang pananampalataya ko.

Way back from college,
Nagkaroon ako ng emo na girlfriend. Ang babaeng makapal kung mag eye-liner at may Barbie pa sa neck lace. iiiw.. ang bitter ko. Siya yung binanggit ko nung high school ako .Ex ko na siya ngayon. Nakakadiri nga eh. Nakashabu lang talaga ako nun. Nagdecide akong mag-arkitekture. Kasi nga sumunod lang ako sa kanya dahil siya ay magcicivil engineering. So, dapat partner in business kame. Sabi ko naman sa sarili ko. mahina ako sa Math, pwede ba yung medyo wag muna dadaan kagad ng arki, pwede ba yung mababa muna.
So, ang kinuha ko ay Graphics Technology na pwede ko pa ring ituloy ng arki. So, nagGo ako kahit maraming tutol. Maraming tutol kasi magulo daw ang kurso na yun sabi ng mga napagtanungan kong hindi mapagkakatiwalaang tao. Kaya habang tinatrabaho ko ang  kurso ko sa unibersidad namen. Hindi ako masaya. Nalulusaw ako sa tuwing ginagawa ko yun. Wala lang, masabi lang na nakapag college ako nun.
Ito rin ang panahong naghahanap ako ng tamang religion o totoong Diyos. Nakikipagdebate minsan sa inuman tungkol sa Diyos. Nakakatawa. Anghel na ulol.
Nagtuloy tuloy na ang buhay ko na magulo. Kasabay ng sermon sa akin ng aking ina na huwag muna akong mag aasawa. Ayun, para tuloy mas sinubukan ko ang ganun pamumuhay. Wala pa akong baby ah. Mas lalo lang akong nag experiment. Ang gulo rin eh noh. Parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Natututo rin akong makapanakit ng damdamin ng ibang tao. Manloko sa isang relasyon.

Kaya nawala na naman ang pananampalataya ko.

Way back from college after graduation,
Nakagawa ako ng kagimbal gimbal na kasalanan. Nangaliwa ako. Nasira ang buhay ko. Napalitan ang kasiyahan. At ito ang tunay na katotohanan sa arki, para lang masabing nakapag arki ako. Pinilit kong pumasok ulit sa pag-aaral. Gusto ko ang arki pero gusto ko munang magstop. Kaya ko naman ang arki kaso nga lang ako yung tipo ng tao na bumabalik sa akin ng mabilis ang kasalanan na nagawa ko. Ayun, ang naging resulta, bagsak ako sa exam ng arki. Walang plano sa buhay. Puro katarantaduhan. Walang direksyon. Walang ambisyon. Pero dahil sa pagmamakaawa ko. Kinausap ko ang prof. Medyo naglabas ako ng 2 abs lang para tapos na ang usapan. Nakapasok din naman ako. Kaso nga lang, parang hindi pa rin ako satisfied sa ginawa. Parang hindi worth it.

Way back from arki semester,
Maganda mag aral ng arki. Medyo mahirap. Hindi pala medyo. Talagang mahirap pala. Duguan kamo. Puyatan. Hindi parin ako naging masaya. Kaya pinili ko nalang idrop ang mga subject ko. Sumuko na talaga ako.

Kaya nawala na naman ang pananampalataya ko.

Way back naghahanap na ng work,
Sobrang hirap mghanap ng work noon, Taena, binabasa ko palang yung requirement ng company na gusto kong pasukan. Kinikilabutan na ako. Ganun talaga ako. Hindi kasi ako aabot sa qualification nila.
Eh no choice naman talaga ako. Ganyan nalang kahit ano nalang. Bahala na.

Kaya ngayon, bumalik na ang pananampalataya ko.

Sabi ko, ito nalang, pilitin ko munang makapasok kahit di ko gusto. Magugustuhan ko din siguro ito.
Nakapasok ako. This year ay mag tattling taon na ako dun.

Kaya ngayon, lumakas ang pananampalataya ko.

Ngayon naman, nasa work na ako. Meron akong nirereglang boss na parang nanay ko. Feel na feel niya ang propaganda niyang busy. Puro skyflakes naman ang pinapakain sa amin tuwing merienda. Busy is another term for “asshole”. Ang isang minute kong nabubwisit sa amo kong kupal ay katumbas ng isang oras kong kaligayahan.
 Kaya ganito ito. Kung babalikan ang mga naging chapter ng buhay ko. Para may meaning sa mga nakaraan.

Ngayon naman, lumalaban akong mabalik ang pananampalataya ko.
Naguguluhan na naman ako sa work ko . Kahit planuhin kong maigi.

Lumalaban pa rin mabalik ang pananampalataya ko.
Ang buod ng lahat ng ito ay connecting the dots ng buhay ko. Kung hindi ko naman kasi pagdudugtungin ang bawat chapter ng buhay ko, hindi ko mata-track kung may patutunguhan pinapangarap ko o hinde. Noo’y wala talaga akong goals sa buhay.
Nabasa niyo naman na ang buhay ko ay punong puno ng Jugjug. Jugjug nga ba ang dahilan ng lahat ito kaya ako naguguluhan o kung paano ako pinalaki. Hindi ko mapigilan ang JugJug. Lagi kong kinakaen lahat ng putahe. If you know what I mean. Masarap magpakatotoo. Ganunpaman, nadedepress ako. Di nako fresh. Biglang nawala alindog ko. Wala na yung dati kong vigor, vibrance and vitality. Atar! :) Dapat ko rin bang bitawan ang pang-aasar ko o Jugjug? Kung hindi jugjug o kaya jakol.
Kagustuhan ko naman ito.  May choice ako. Maaring mali ako ng pananaw sa pagkakamali. Inimprove ang ko lahat ng kahinaan ko.
Kung magtitiwala ako sa Diyos at sa sarili ko? Tig ilang porsyento ba ang ibibigay ko saken at sa Diyos. Pwede bang 50-50 percent kame. Ang gulo nun diba.
Sa tuwing sinasabi kong kaya ko ang lahat. Bahala na bukas. Nagiging miserable ang buhay ko sa tuwing sinasabi kong walang Diyos. So, the devil is  the lie, make a better choice.
Kaya pasalamat ako sa problema na ito. Ang problemang paano ako makakamove forward. Salamat pa rin dahil may nilu-look forward ako ngayong taon. Dahil kung hindi naman ito mangyayare. Hindi ako uunlad ng ganito. Kapag may problema lang naman ako kumikilos eh. Diyan ko nakilala ang sarili ko eh.
Impokrito ba ako kung matatawag dahil sobrang dami ng mga mali kong nagawa o tama pa rin ako dahil hindi ako bumitaw sa Diyos. Kung babayaran ko mga utang ko sa buhay dahil sa mga nagawa kong mali. Kulang pa ang buhay ko.  
Lahat ng nakikita ko ay patunay lamang na taasan ko pa ng spiritual na buhay ko at magtiwala sa hindi ko nakikita. Ano mang biyaya ay okay sa akin. Ang biyaya naman hindi naman ineearned yan eh, isang regalo yan, hindi yan kapag kung sino lang ang nagsisimba siya lang ang pagpapalain. WRONG. Hindi ito palakasan sa Diyos. Kapag dumating ang pagpapala. For sure, hindi magtatagal to. Minsan nga, kapalit neto, lungkot. Bakit kaya. Eh hanggang kailan ang faith ko? Tuwing magulo lang ba ang paligid? Sa tuwing madilim lang ba ako ganito. Hindi ko magawa ito sa tapat ng sinag ng araw kung saan ang biyaya ay bumubuhos. Siguro nga’y ibon lang ang malakas ang faith kaya’y sila lang ang nakakalipad ng tuluyan.
Kung hindi ako susugal, hanggang saan lang ako. Sinong tao ba naman ang mag eexpect ng iba kung wala naming ginagawang kakaiba. DIBA?
Dati kapag may mabigat na problema mas mabigat pa sa balikbayan box, lagi kong tinatanong, Lord, bakit ako? Pero kapag ang blessings ang dumating, hindi ko matanong sa sarili ko, Lord, bakit ako?
Sa sobrang bilis ng pagbabago ng mundo. Ang kahapon ay ibang iba sa ngayon. Ang nakaraang taon ay ibang iba sa ngayong taon. Kung hindi ako tataya, kung hindi ko ipupush ang sarili ko. Kung hindi ako susugal. Maiiwanan ako. Ang “wala” akong gawin ay ang pinakamasaklap na taya na ginawa ko sa buhay ko. Diba, hindi naman basta basta iniimagine ang pagkuha ng perla sa dagat. Matuto kang lumangoy. Pag-aralan lumangoy. Sisirin ng malalim.
Gusto kong pasalamatan ng husto ang mga taong nagmotivate sa akin. Na kailangan ko pa palang magpursige pa. Bawal ang tatamad tamad. Hindi ko naman maililipat sa isang lugar ang isang puno. Kaya kailangan kong magtanim ng sarili ko. Walang dapat sisihin. Darating din ang panahon, sa akin din ang oras. Oras ko naman ang gagamitin. Makakabawi din ako sa kupal ko na boss. Matuto akong magtiwala sa sarili. Ako ang nagddrive neto. Wala ng iba.
Iba pa rin ang kumakanta habang nasasaktan.
Iba pa rin ang kumakanta habang nalulungkot.
Iba pa rin ang kumakanta habang may mabigat ng problema.
Parang pagtanggap kay Hesukristo at sa lotto. Kung hindi ka tataya. Hindi ka mananalo.
Walang sikreto sa buhay. Tanging ang goals at isipin mo lang ang dapat magtulungan para magtagumpay. Wag kalimutan ang Diyos. Siya na ang bahala sa ibang bagay. Bgsta go lang ako. Idederecho ko kahit sino sagasaan.
Paano nalang ako. Limitado lang ang buhay na binigay sa akin. Kailangan ko pa ba talagang sayangin ang oraas ko sa kumpanya na hindi ko naman gusto.
Napakahalaga sa buhay ng pagkakamali at pagtatagumpay. Wala silang pinagkaibang dalawa sa pula at sa puti. Parehas pinagtatalunan pero parehas lamang.
I will make the most out of almost
Ito lahat ng plano ko. Ginagawa ko lahat ng ito dahil para sa next generation. Sa mga susunod pang mga kabataan sa akin. Sa mga magiging anak ko. At sa mga gustong sumunod sa mithiin ko.
Ano ang next na dapat kong gawin?
Atat lang ba ako?
Or paranoid o sobrang nagpapanic?
O dapat akong magpakalma at pag aralan ng mabuti ang lalakaran ko.
Kahit anong mangyari, kahit gaano kahirap... Hinding hndi ako susuko sa pangarap hanggang sa mapagod ang tadhana at hayaan na lang akong sumaya.