Ano? gagawin mo bang excuse ang ulan para tamarin ka ulit?
Wag ganun tsong. Kumilos ka pa rin. Alam ko, masarap matulog ngayong panahon ng tag-ulan
kasi tapos na ang summer at hindi na pinagpapawisan ang likod mo habang
natutulog sa sofa. Pero isipin mo pa rin, kung ipagpapatuloy mong mag ensayo sa
larangan mo ngayong tag ulan, malungkot man ang paligid dahil kumikidlat pero
payapa ka pa rin kasi makakapag isip ka ng maayos. Oo, maulan pero tanggapin mo
parin ito bilang isang panibagong araw. Ang bagong pag asa na magbabago rin sayo.
Given na yan, maulan, mahirap lumabas, walang pwesto sa bahay, masarap kapiling
ang mga laptop at tv. Ngunit, mag ensayo ka pa rin, magiging ahead ka lang sa
iba kung magsisimula ka ngayon. Tigilan mo yang pag-e-emote mo dahil nasasaktan
ka sa ‘past relationship’ mo, hindi makakatulong yan. Kumilos ka. Gumawa ka ng
paraan para may mapag aralan ka ngayon araw na ito. Madali lang humilata sa
kama, madali lang bumunot ng pagkain sa ref pero isipin mo pa rin ang oras na
nasasayang. Hindi kita pinagmamadali. Mahalaga pa rin na nagiging creator ka ng
‘habit’. Wag mong subukang makinig ng mga senti songs, wala naman pupuntahan
yan. Hindi ako ‘basag-trip’ sa tag ulan. Ang sa akin lang, kung may pangarap
ka, dapat wala ka ng pinipili pang panahon. Nakatulong ba yung pagkanta mo ng
tuwing umuulan ang mga malalandi’y lunuring tuluyan? Wow. Hanep. Wala kang
dapat sabayan at hintayin sa pagpatak ng ulan. Minsan sila’y nawawala
bumababalik, tapos eto na naman. Magsasawa ka lang. Tapos kukulimlim tapos
biglang aaraw tapos ayun na naman kukulimlim ulit. Wala yan. Dinidistract ka
lang niyan. Hehe. Masarap kumain ng mainit na mainit na champorado at bagong
lutong tuyo, tapos maghiwa ka pa ng kalamansi kung natapos mo na yung dapat
mong gawin. Ayan ang masarap. Naulan man. Atlis may nagawa ka na. May natapos
ka pa. Pwede ka rin namang mag ensayo habang naliligo sa ulan. Ako mamaya,
gusto kong tapusin lahat ng gusto kong gawin pag kauwi ko dito sa trabaho at
magluto ng ‘chicken noodles’. Tang ina ang sarap nun. Tandaan mo, madaling
tamarin pero mahirap magpatunay. Basta bahala ka na umunawa sa sinabi ko.
Isipin mo nalang umiiyak ang langit kasi tamad ang mga tao dito sa lupa. Pero minsan naman, may kasipagan naman
akong nakikita tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. Yung mga taong nagtatawag
ng mga jip, gumagawa pa rin sila ng paraan para magkapera. Naglalagay sila ng
kahoy o anumang bagay na pwedeng maging apakan ng mga tao para makalagpas sila
sa daan na iyon. Yan ang kasipagan na nakikita ko. Natutuwa ako sa kanila.
Naging madiskarte sila upang kumita ng pera ngayong tag ulan. Pagdating mo kasi
sa dulo ng ginawa nilang daan. Biglang may manghihingi ng bayad. Parang
tollgate yan eh. Haha Kapag may problema ka, papalungkutin ka lalo ng ulan, wag
kang papa-apekto. Madali lang mag ‘hot chocolates and cuddles’ ngayon pero
walang bisa yan kung wala kang progress sa sarili mo. At kung wala ka naman
talagang balak na i-pursue. Hindi nababagay sayo tong post ko. Tapos na ang
summer, manahimik ka na sa katamaran mo. Tanggapin mo na ang season ng tag
ulan, maraming aberya sa daan, dapat mas lalo kang maging handa. Noon, sabi ko,
kapag nagkapera ako, yung bote ng dispenser na malalaki, gagawin ko yung ‘Bangka’.
Magwe-welding ako ng parang boat tapos ang bubuhat sa ginawa kong boat ay yung
mga bottle na iyon. Maganda yung naisip ko kaso wala lang akong panahon.
Gustong gusto ko talagang gawin iyon eh. At. At. At. bigla ko namang maaalala
ang bahay namin, kung hindi niyo po alam, ang 1st floor ng bahay namin
na kung saan doon nakatira sina kuya at mama, iyon ang lugar na binabaha. Kaya
ako, kapag alanganin talaga ang sitwasyon, umuuwi ako ng bahay o hindi na ako
tumutuloy sa trabaho at tumutulong nalang ako sa pag aangat ng mga gamit dito.
Ang pinakachallenge sa akin dito ay yung magbuhat ng ref. Ang bigat, sobra. Kaya
para sa lahat, wag kalimutang magdala ng tsinelas at payong, itabi palagi sa
bag ang mga ito. Ako pa naman, maawain ako kapag may nakikita akong tao sa daan
na mukang basang sisiw. Sila, Kadalasan na sinisisi nila ay yung mga school na
ang tagal magsuspended ng klase. Noong college din ako. Bwisit din ako sa sistema
na ganyan. Noon radio lang ang gadgets naminn upang malaman kung may pasok o
wala. Paano ko naman kasi mapapakinabangan ang tv eh walang kuryente. Aasa ako
nalang talaga sa may battery na radio. Ngayon, maulan pero maalinsangan pa rin.
Lalamig din yan ng todo. Nawala na tuloy ako tungkol sap ag eensayo, basta mag
ensayo tayo ng mag ensayo. Bitawan ang mga bighating dala ng karelasyon natin
sa buhay. Gaya ng paglusong mo sa taas ng baha ang tibay ng loob mo. Magtiwala
ka. Kalimutan mo na ang alaalang pinagsaluhan niyo ni ex. Kung nabasa ka man
noon, siguro naman bukas tuyo ka na. At wag na wag mo ng hayaang bumuka pa ang
lupa para lang malaman mong tagtuyot na. Ang tingin ko lang lagi sa ulan,
nililibog lang ng langit ang lupa. Baka mag se-sex sila mamaya. haha
Pahina ng sarili kong diskarte sa - law of attraction, - passion ko sa pagsusulat, - diskarte ko sa buhay at trabaho, - diskarte kong produktibo, - malikhaing kwento - at tips/motivation ko sa success na may halong nakakabastos na humor.
Thursday, May 26, 2016
Tuesday, May 24, 2016
LET'S SPARK A NEW FLAME
MABUHAY SA GUSTO AT
PAAPOYIN ANG LAKAS
Hay! Natapos din ang isang madamdaming ‘whole week’, wala
naman, dinamdam ko kasi eh. Atlis nairaos ko din ang paulit ulit na ‘trabaho
uwi, trabaho uwi’. Kauway kaya. Pero ngayon naman, may something na kaakit-akit.
Ito ang araw ng Sunday na palaging naming routine ni Angel dito sa bahay na
gigising kami ng 9 or 10am. Basta mauuna akong gumising, pusta ko yan. Magkasama
kasi kami palagi ng Saturday Night at dito siya natutulog sa amin. Ito yung
pinakamasarap na feeling ng life ko. Mantakin niyo yung katabi ko pa matulog
siya at hindi ako mag-a-alarm ng phone ko para gumising, engsyerep dahil gigising
ako sa oras ng pagmulat ng mga mata ko, yung mismong katawang lupa ko na ang
gigising sa akin. Ang sarap. Hindi ito kulang. Hindi ito sobrang tulog.
Katamtamanan lang. . (Kala niyo talaga ang dami naming ginagawa sa trabaho,
parang pagod na pagod eh) Anyway, kapag nakatayo na ako galing sa kama, mag
iinit muna ako ng tubig. At habang nag iinit ako ng tubig sa dispenser.
Bubuksan ko naman ang laptop upang magpatugtog para magising naman si Angel sa
ingay ko na dulot ng nonstop songs ni Mariah Carey. At kapag tumayo na siya. Siya
naman ang maglilinis ng bahay. Trip niya yung nagkakape siya habang naglilinis
ng kwarto, gusto niya inumin yung kape ng maligamgam habang ako pasilip silip
sa labas ng bintana or nagkukumpuni. At kadalasan kapag may nakaimbak na ‘Nescafe 3 in 1 at Milo’ sa bahay. Yan ang
bonding naming dalawa sa sahig, chikahan. Ang cheesy naming dalawa kapag nagku-kwentuhan
kami ng Sunday morning tungkol sa opisina or kung kani kanino.
Sa init ng panahon ngayon, mainit din ang paglalambingan namin
ng mga oras na iyon. Kahit na medyo gutom dahil walang breaky kasi tanghali na
gumising, basta may magkapares na Milo ako at may kape siya, kalmado na ang
buong araw ng sunday naming dalawa. At kapag tapos na ang gawain sa bahay.
Gagala naman kami. Dalawa lang naman ang pinupuntahan namin kapag kakain kami
ng tanghalian. Kung hindi Harrison plaza o Mall of Asia. Yan lang ang palaging
choices namen na Malls. Sa payapa naming pag iisip habang nilalakbay ang mall,
nakakapagharutan pa kami sa tricycle. Ang tibay naming nagawa pa naming iyon. Masaya
yung ganun ah. Haha
At hindi naman bago samin ang bibili kami sa SM sa may
cashier area at kukulitin kami ng mga babae kung gusto ba namin mag avail ng ‘advantage
card’ nila. Ang sagot namin palagi ay “Hindi”. Nung araw na iyon, scarf lang
naman ang gusto kong bilhin ate, yun lang, wala na pong avail avail pa. Ganyan din sa mga ibang convenience store.
May magtatanong kung may gusto pa ba akong bilhin, ang sagot ko ulit ay “Wala
na”.
Kung bibigyan ko lang ng magarbong explanation ang kanilang
pag aalok sa akin. Well, hahaba to,
itotodo ko promise, di ko naman sila mina-masama. Ang sa akin lang, paminsan
minsan, yan kasi ang nagpapahamak sakin eh. Yan ganyang pag aalok style. Di ko
naman sila sinisisi, naikukumpara ko lang. Naihahalintulad ko lang yan sa mga
nakahain sa lamesa ko. Anong pag aalok ang sinasabi ko? Ganire, noon, ang dami
kong gustong mangyari sa buhay ko. Nagbunga ito dahil sa inggit at opinyon ng
ibang tao. Kaya ngayon lagi kong sinasabi na mags-stick nalang ako sa isang
goal. Di din madali yung may isang goal lang para sa akin. Napaka-multi tasker
ko kaya. Joke! Dati kung ano lang ang sabihin sa akin ng iba tao, follow lang
ako. But now, buo na sa aking isipan ang gusto kong maganap. Detalyado na ang
lahat ng sitwasyon. Saan lugar ko gustong magtrabaho. Paano ang ginagawa ko.
Bakit ko ginagawa iyon. Ano ang dapat kong gawin para madagdagan pa ang skills
ko para dun. Lahat ng iyan, na-visualized ko na yan, araw-araw. Binuo ko mag isa. Di na tulad ng dati na gaya
gaya nalang ako sa iba. Atlis ngayon, hindi man ganun na ganun na-macky pulido
ang maging output na inisip ko, ang importante naging creator ako.
Hindi ko kinakalimutan ang personal at professional na
pangarap ko sa buhay. Ang pinakamasakit kasi para sa akin ay yung hindi ko pa
nabubuo sa isipan ko ang gusto kong mangyari, ang kina-kalabasan tuloy, ang
ibang tao ang nakikinabang sa mga nasimulan ko (ayoko ng banggitin). Kapag hinayaan ko minsan na kainin ako ng
problema ng ibang tao o kahit kaninong tao sa paligid ko, nawawala na ako sa
direksyon. Mahina talaga ako sa ganyan. Affected much ako. Buti nalang, unti
unti ko rin nade-develop kung paano buuin sa isipan ko ang bagay na gusto ko. Sa
ganun paraan, nakakamove forward ako. Isa lang ang natutunan ko tungkol dito. Wala
pa akong nakitang na-develop ng ‘overnight na pangarap’. Aabutin talaga ito ng taon at mahabang panahon
na dapat igugol sa pagbuo ng image sa ating isip. Kailangan nito ng masusing
paglalaan ng oras para sa sarili na kung saan nire-reflect o ini-evaluate ko
ang mga nangyari sa nakalipas na days para doon ako matututo. Kailangan lang
nating i-cultivate ang bawat vision at perspektibo sa buhay. Syempre may
kalakip din ito na logic at paghahanda. Di mawawala yan. Kaya kadalasan wag
tayong papalinlang sa iba na diktahan tayo kung ano ang gusto natin mangyari sa
buhay. Yan ang pinakamahalaga. Ang mabuhay na gawin ang gusto natin.
Tanong ko sa sarli ko? Ano ba talaga ang gusto ko? Ang sagot
ko. Ang maging masaya lang. Kaya kung sa akin lang na mas ina-allow ko ang
sarili ko na mas maexplore ko ang pinakamalalim na nararamdaman na kaligayahan
ko. Maging totoo ako sa sarili ko. Ang lalim ba? Mas mahalaga kasi na i-remind
ko ang sarili ko palagi na ang masayang buhay ay binubuo ng maganda at tamang
pagdedesenyo. Anong pagdedesenyo?
Parehas lang din yan ng pagpa-plano. Sa pagdedesenyo kong ito, hindi pa rin ako
nakakalimot na mahalagang magtayo ng magandang pundasyon para sa pamilya ko,
kaibigan ko, trabaho ko, kalusugan ko at syempre ang balanseng pamumuhay. At
hindi syempre mawawala ang pinaka
pinagkukuhanan ko na lakas na ispiritwal ng buhay ko at ang sariling kong ‘Paglago’.
Medyo seryoso yung mga nabanggit ko pero ano man ang mangyari. Pipilitin ko pa
rin maging magsaya at maging masaya. So, kilos pa.
Punyeta kasi yung sa SM eh.Dami ko tuloy nasabi. Sige, tuloy na natin.
Nasabi ko na rin kanina kung paano ako mabubuhay sa gusto
ko. Damay ko na rin pati yung apoy na bumubuhay sa akin.
Naalala ko pa nung mga panahong nagbabaga yung apoy na
hawak. Yung moment na umaayon ang lahat dahil dedikadong dedikado ako sa
ginagawa ko. Hard work kung hard work. Ngayon. Na-waley na. Samakatuwid, unti
unti kong binabalik. Hawak ko lang ang apoy na dating hinipan ng iba ngunit
ngayon sinisindihan ko ulit, pinapaapoy ko ulit. Hindi ako pinaghinaan ng loob.
Mas nagiging creative ako humanap ng solusyon sa mga balakid na nakaharang sa
akin. Mas kino-consider ko na ngayon ang mga posibilidad na noon ay hindi ko
maisip isip na posible pala. Binibigyan ko pa ang sarili ko mangarap pa ng
sobra sobra. Mas nagfocus ako sa sarili kong ‘Kinang’, King inang yan.
At mapapatanong ulit ako sa sarili ko. Nag-explore ako ng
mga tanong. Mga tanong na, ano ba ang mahalaga para sa buhay ko? Ano pa ang mas
idadagdag ko pa? Kung walang pera, ano ang igo-Go ko na kagad gawin? Tinupad ko
ba yung sikretong gusto ko, tinago ko dahil alam kong may magnanakaw nito. Ano pa ang mas nakakapagpasaya sa akin? Ano ba
ang pinangarap kong relasyon sa ibang tao? Ano pa pwede kong i-develop? Anong ‘Mabuting
Balita’ ang mas dapat ko pang pagtuunan ng pansin? Mayroon ba akong natatapos? Ano
ang iiwan ko sa lahat?
Tanggap ko na wala naman talagang formula sa pagkamit ko ng
lahat ng ito. Kung ano ang ibibigay ng ating Diyos, tatanggapin ko ng maluwag
at isusunod ko lang ang gusto ko. Kung matagal kumilos ang mga stars para sa
akin, gagawa ako ng paraan para mapansin ako nila dito sa lupa at senyasan nalang
nila ako para sa akin. Sabay kaming magce-celebrate. Tinatanggap ko rin ang
daan na ibinibigay ng MayKapal. Tagal naman kasi mag-align ng mga stars sa akin.
Kaya sa mga naachieved ko, inunahan ko na ang mga bituin kumilos. Marami akong
pitfall na nagawa pero hindi yun sapat na dahilan para matigil ako. Ano mang setback,
hindi ako nagpatinag. Ang pinakapagkakamali ko sa buhay ay hinanap ko ang
sarili ko sa simbahan o sa iba noon na nalaman kong nasa loob ko lang pala ang
hinahanap ko.
Kung iniisip niyo. Kumikilos din ako. Hindi ako puro salita.
Kaya, pagkakatiwalaan ko pa ang sarili ko. Nakikinig na ko
ngayon sa ‘Calling’ ko. Hi-nang ko lang saglit ang call, di ako nawala sa line.
Palaging magbababad ako sa mga nangyayari ngayon. Ito na ang ‘Big Change’ ko.
Ayoko ng humalik pa sa pwet ng ibang tao. Mabubuhay ako sa gusto ko. Uulitin
ko. Pagkakatiwalan ko ang sarili ko, lalo na kung sino ako. Mahalaga talaga na
nakikinig palagi ako sa inner voice ko. Tang inang bulong yan eh. Careless
whisper. At sa pagkakaalam ko, hindi ako ang isip ko kundi ako ang taong nagpe-perform
sa mga iniisip ko. Yan ang nadiskobre ko ng husto. At gusto kong mabuhay sa Pag
ibig. Kahit na ang demonyo kong pag iisip ang naglalaro ngunit mayroon namangg pusong anghel ako. Gusto pa
rin magmahal.
Puro lang ba ako salita? Hindi. Nagsisimula palang kasi ako.
Ako ang driver ng buhay ko. Minsan aminado akong ang daming
ko pang sinasakyan, nalilito tuloy ako. Kung tatanungin ko ang aking sarili
kung ang ginagawa ko ngayon ay ito ba ang buhay na pinangarap ko? ang sagot ko
ay nakacapslock na ‘HINDI’. Kailangan kong lunukin ang pride ko para sa pamilya
ko. Kahit na may kupal akong amo. Papasok nalang ako sa trabaho.
Napagtanto ko, na ang buhay ay parang madikit na sapot ng
gagamba. Hindi ako makakaalis sa sapot na iyon kapag lalo lang akong nagpumilit
kaya pag aaralan ko nalang ng maigi na makakawala dito. Bubuksan ko na
ulit ang big door para sa mga bagong pagkakataon.
Minsan kasi sarado eh. Minsan naming tamad lang. Pagbukas ko ng pinto, itutuon
ko ang aking mga mata at isipan ko sa mundong gusto kong buuin. Payapang buhay
at sakto lang na sistema ng mundo, okay na sa akin iyon. Oops nakakalimutan ko pa. Paglabas ko ng
pinto na iyon. Nakakalimutan ko palang bilangin ang mga blessings ko. Ang dami
pala nila. Sa mga sumusuporta sa akin. Thanks senyo. Mas mag build pa ako ng
magandang relasyon sa mga taong mas umiintindi sa akin. Ipinipikit ko ang aking
mga mata at pinipintahan ang magandang buhay na aking nais. Mas pinapalakas ko
pa yung kalakasan ko. May rhyme yan, wag ka. Mahalaga sa kin ang work hard.
Play hard. Gaya ng ginagawa ko tuwing Sunday. Papatunayan ko sa lahat na ang
lahat ng iyan ay kaya ko.
At muntikan ko ng makalimutan ang takot ko. Magready ka
lang. Itutumba rin kita. Haha Yan mga pinapangarap ko. Parti lang din yan ng
pangarap ng lahat. Paano ko nasabi.? Pangkalahatan ang purpose natin dito sa
lupa. Balak yan lahat ni Lord. Naks! Haha Kaya ikikilos ko yung mga naisip kong
ideya. Yun ang challenge dun eh. Yung hindi ko kagad makuha ang gusto ko.
Nahihirapan ako. Worth iyon para sa akin. Gaya nalang ng mga activity na bumubuhay
sa mga dugo ko sa ginagawa ko. Humina man ang apoy ko. Kukulubin ko to ng kamay
ko at papaapoyin muli.
Hayst, Si ateng cashier talaga ng SM, kung ano ano tuloy ang
nasabi ko. Haha
Sabi sa mga di mapagkakatiwalaang tao: Don’t just create your dreams, stand back and
be happy when you’ve achieved them – you deserve it! haha
Monday, May 23, 2016
PASSION KO SA FASHION SHOW MAGVIDEO
“Kailangan ko ng ‘Vitamin Sea’, so shut up nalang ako,
ganito sana tayo, jejemon, tatlong bibe at kung ano ano pa ay hindi yan ang mga
pinagkaka-abalahan ko ng mga lumipas na isang linggo. Kailangan may mapatunayan
ako. Yan ang mantra ko. Well. Nagvideography ako nung Sabado. Yehey. Nabigyan
ako ng opportunity ni sir Alvin. Nakakatuwa lang dahil may kumukuha pa rin sa akin
na mga kaibigan ko na handang magtiwala sa husay, galing at sipag ko. Nilagyan
ko na ng husay at galing para medyo may impact. Di naman ako tamad, natataranta
lang. Kung noon, isang libo lang ang ‘TF’ ko o tinatawag na ‘Talent Fee’ na
para sa akin, feeling ko lang, wala naman akong talent, hehe joke. Ngayon ay
1,500 na. Umaangat. Congratulations Ben. Improving ka na! Sana lang hindi
masira ang gawa ko. Tiwala naman ako sa ‘SD Card’ ko. Please Lord. Hehehe Bakit
ko nga ba nabanggit ang TF kasi ito ang gagamitin ko inspirasyon para mas
magsumikap pa sa larangang ito.
Napakasaya ng naging experience ko sa pagshu-shoot ko ng
video sa ‘Fashion Show’ sa may Quezon City Centris Elements. Papunta na ako
dun. Bumaba ako ng GMA kamuning. Tapos naghanap ulit ng masasakyan. Hingal na
hingal ako sa ginawa sakin ng lalaking nagpapadyak na sinakyan ko. Actually
dalawa sila, palitan babae at lalaki. Si ate na nagda-drive kahit kitang kita
na ang dyoga niya, tuloy pa rin siya sa pagpadyak. Ngunit wala pa rin akong
interes doon. Naikwento ko lang. At ayun na nga, kung saan saan niya ako
inikot. Nakakatawang pagdating ko doon, dalawa ang mismong events, kabilaan na
fashion show. Ako naman, wala akong tanung tanong, kinuhaan ko kagad ang nagme
make up na nakita ko. Pagnagkataon pala na mali ang napuntahan ko. Masasayang
ang mga gawa ko. Sa awa ng Diyos, hindi nangyari. Anyway. Nagsimula ako sa
preparation ng event. So kung ano ang makita ko, kailangan makuhaan ko ng
magandang anggulo. Yun nga lang, hindi ko nasimulan yung mismong pag aayos ng
mga stage. Pero tingin ko di na mahalaga iyon. Wala rin naman akong nakita sa ‘Victoria
Secret preparation video’ nila na mga taong nag aayos ng mga upuan. Pag nilagay
ko pa iyon baka maging ‘miting de avance’ na. Kaya siguro nagdecide na ako na
di ko na isama iyon. Victoria secret show ang naging reference ko sa pagkuha ng
mga candid shots. Nood nood sa youtube. Yan ang utos sakin, candid shots ang ifocus
ko. Ang hirap sobra ng candid shots. Kailangan matyempuhan ko ng maganda ang
mga embarrassing moments ng mga models. Hindi pwede yung uutusan ko yung mga
tao dun na kumilos sila ng ganito o ganyan. Bawal yun.
At Nakakatuwang experience to para sa akin habang makita ko
pa ang mga bata ay todo sa pagrampa sa stage mala rihanna ang work work work.
Talagang sobrang ganap na ganap nila ang aura ng isang modelo. Ang tataas ng
pangarap nila. Nakakainggit. Nga pala, ang fashion show na ito ay para sa mga
teens. Walang mga naka bikini. Walang pre-mature na exhibit.
Mabalik tayo sa mga shots ko. Maganda naman para sa akin
yung mga kuha ko. Haha Syempre ia-angat ko na ang gawa ko. Sino pa ba ang
gagawa? Wala na kundi ako lang. Nakakangawit at nakakapagod ngunit sobrang
saya. Tinigilan ko na makipagkilala sa mga models. Gawain ko noon iyon. Saka, gwapo
naman ako eh. Ako ba kailangan lumapit. Joke. Nakipagkilala nalang ako sa isang
photographer. Para magmukhang
professional naman akong tignan. Nakilala ko sila in a nice way. Yahoo.
Iba’t ibang shots ang nagawa ko. Nakumpleto ko yung goal ko
na madetalye ko lahat ng anggulo. Siguro baka sumablay lang ako sa putok ng
lights na kuha ko na video. Pero tiwala naman ako sa sarili ko kaya okay na
iyon.
Siguro ito na yung pagkakataon na icombine ko ang passion ko
sa videography career ko. Masaya ako eh. Sobra talaga. Ibang galak yung
nararamdaman ko sa tuwing humahawak ako ng camera. Sana nga, hiling ko lang sa
itaas na mas palakasin pa ako. Hindi ako mahinang tao. Feeling ko, may mas itotodo
pa ako kaso low battery na talaga ako minsan. Kaya more practice pa yan. Kaya
ko to.
Monday, April 18, 2016
ANG BUHAY HABANGBUHAY
Hoy! Bakit ka malungkot? May pinagdadaanan ka noh? Aminin
mo. Ikaw kasi eh. Nung isang linggo nabalitaan ko. Bigla bigla mo nalang daw tinatakasan
ang problema at realidad na nakahain sayo. Harapin mo iyan, Oy. Hindi porket
may nag-aya sayo ng inuman sa labas at sasama ka upang maibsan lang ang
kalungkutan mo ngayon at aayon ka na sa kanila. Hindi sagot sa problema ang
paglalasing. Humanap ka ng solusyon. Doon ka tumuon.
Kung nakakalimutan mo na hindi nawawala sa paligid natin ang mga
negatibong bagay. Lamoiyan. Gusto mo ng example? Katulad nalang kanina ng jeepney
driver na sinakyan ko na ayaw ibigay ang sukli ko na kung di ko pa tatanungin,
hindi pa ibibigay. At siya pa galit kapag tinanong. Yun ang matindi. Wala eh, ganyan
talaga ang buhay dito sa ibabaw, minsan kailangan magtimpi. May oras kung kailan
dapat tumapang. Nakakapikon dahil palaging ganun ang ugali paminsan, anu pa
bang magagawa ko, kundi tawanan nalang. Dapat ganun ka din.
Hay nako. Sabi ko nga sayo. Mapanakit ang biro ni tadhana. Nakakatawa
nga na ang manghuhudas pala minsan sayo ay yung kaibigan mong matalik. Ako rin
eh. Hindi ko inaakalang siya pala ang
dahilan ng pagkawakas ng maganda niyong relasyon. Ayun, ganun talaga, ang guhit ng kapalaran pero
nasa palad mo pa rin naman. Hawak mo pa rin yan.
Saka, lumayo ka na sa bisyo mo. Ikaw, ako, siya lahat tayo
may dinadalang mabibigat na pasanin. Magkakaiba man ng pagkakataon at panahon
pero iisa lang tayo ang dahilan. Tandaan, ang saranggolang pinapalipad kaya nakakalipad
sa himpapawid kasi hindi iyon umaayon sa hangin. Mas lalong tumataas. Sumasalungat
siya sa direksyon ng hangin. Kaya sinasabi ko na sayo. Kahit na nasa tuktok ka
pa ng tagumpay ngayon. Ikaw ang mamimili. Hindi ka ililigtas ng halaman,
harapin mo ang katotohanan. May nawala man sayo. Pero alalahanin mo na sa bawat
katapusan, may kasunod naman na simula ulit.
Kaya hinga ka lang ng malalim, kaibigan. Diba minsan wala ka
naman ginagawa sa kanila, ginugulo ka ng ibang tao. Pilit ka nilang binababoy.
Pilit ka nilang iniinsulto. Hanggang sa maubos ng husto ang iyong pasensya. Putol
na ang pisi mo. Hindi pa rin sila tumitigil sa pang aasar sayo. Hayaan mo lang
sila, kasama sa istorya ng buhay natin ang ganyang nilalang. Kaya wala ka ng
ibang choice kundi lumaban din talaga.
Tapos, sabi mo pa. umaaray na ang bulsa mo sa dami ng
gastusin mo. Nagtitipid ka pa niyan ah. Anong nangyari sa sahod mo? Yung kinita
mo, wala ng natitira kundi para sa lahat ng pambayad sa upa at utang. Kinukulang
na rin pati ang matrikula para sa anak mo. Okay lang yan. Makakaraos ka din
diyan.
Wag kang titigil. Oh ano? Sawang sawa ka na ba sa utang ng
iba na di pa nababayaran sayo. O utang mo na hindi na di mo pa nababayaran sa
kapitbahay niyo. Paano mo iaahon ang sarili mo sa loob ng kahon na ito? Kung
ako sayo. Magtiwala ka lang na malalagpasan mo yan. Konting sikap pa.
Mabanggit ko rin pala. Pati pa yung mabisyong makaibigan mo di
pa rin nagbabago. Hindi mo alam kung tutulungan mo siya o titignan nalang. Nilamon
na siya ng sistema. Alam mo yan. Iba na ang kinikilos niya ngayon.
Nakapagtataka na. Sino ang uunahin mong tulungan, sarili mo o siya? Nasa sa iyo
yan.
Ganunpaman, manatili kang matibay ang loob. Oo, kadalasan
kung sino pa ang dapat na kapitan natin ng problema ay siya pa mismo ang
humahatak sa atin pababa. Kalimutan mo ang mapanakit na magulang mo. Oo, may
dahilan magalit sa kanila pero kung itutuon mo ang sarili mo sa bagay na
makakatulong sayo ng maganda, iyon ang piliin mo dapat. Magulang mo pa rin
sila. Sila pa rin ang nagpalaki sayo. Mangarap ka na balang araw, ikaw naman
ang kakapitan nila at titingalain naman ng ibang tao.
Basta wag kang papatangay. Lalo na rin sa mga puro pautot sa
mundo ng politika. Alam ko apektado ka rin niyan. Alam naman natin na pinaniniwala
nila tayong iaangat nila ang ating kabuhayan. Tutulungan nila tayong maging
maginhawa ang pamumuhay natin. Kung magsisikap ka pa ng todo, hindi mo na
kakailanganin pang humingi ng tulong sa gobyerno.
At ang pinaka importante, magmahal ka ulit. Oo, sabihin na
nating ang sarap ng walang bangayan sa isang relasyon, kaso habang tumatagal,
mas lalo lang lumalala ang pag aaway niyong mag asawa. Umabot na sa sakitan.
Umabot na sa hiwalayan. Tama!? Anuman ang naging puno’t dulo nito. Magsisi ka
at magmahal muli. Marami pang pagbabagong mangyayari. Tanggapin mo ang katotohanan
na ang nakalipas ay hindi na maibabalik pa. Ilagay mo ito sa dapat kalagyan.
Ayaw mong maniwala? feeling mo, wala na talagang pagbabago?
Meron. Laging may pagbabago. Sabi ko nga sayo. Magulo man. Masakit man. Eto! Katulad
nalang ng kahapon lang na sinabi mong biglang sumagi sa isipan mo ang
kataksilan ng iyong karelasyon noon. Kwento mo sakin yan diba. Magbabago din
ang lahat. Tutuwid din ang baluktot. Kaya ihanda mo iyong natitirang lakas sa
inaasahang mong magandang mangyayari. Iyon ang pinakamahalaga.
Alalahanin mo pa rin kung paano ang tunay na pagmamahal, mahalaga
ang pagmamahal. Hindi ka nag iisa. Ang
buhay ay para sa lahat. Laging may
grasya. Papasukin mo sa sarili mo ang biyaya na kinakaloob sayo. Alalahanin mo
kung sino ka.
Baka lang kasi wala ka pa rin balak na ayusin ang gusot sa
pagkatao mo. Sundin mo ang nilagay mong goals. Diba meron ka nun. Pinakita mo
sa akin, nung kalian lang. Nirereklamo mo diba na halos paulit ulit nalang ang
trabaho mo. At hindi mo to gusto. Paano mo nasabing magkaparehas lang ang
ngayon at bukas, Tsong magkaibang magkaiba iyon. Tignan mo ng maigi. Paganda ng
paganda ang buhay ng tao. Masaya ang ngayon kung hindi ka na nakahawak sa
kahapon.
Gumising ka sa kasalukuyan. Pagtiyagaan mo lang tuparin ang
mga gusto mo. Makakabangon ka diyan. Oh diba, nasabi ko na sayo na ang ganda
ganda ng buhay natin. Ikaw nalang ang hinihintay kumilos.
Maghangad ka ng pagbabago. Sayo manggagaling iyan. Magsimula
ka ng pagbabago.
Wala ka man magawa dahil feeling mo nakakulong ka pa rin sa
sistemang nakaka-badtrip. Mapapamura ka nalang talaga. Yung parang halik ka pa
rin sa pwet ng ibang tao. Upang hindi lang sila magalit. Para di lang sila
masira sa iba, dahil kailangan mong kumita ng pera, sunod sunuran ka nalang. Sabi
ko nga sayo. Magbabago din ang lahat. Paunti unti. Sikapin mo pa rin.
Wag mong kakalimutan na dalhin nalang ang masasayang bagay
ngayon. Yun lang ang baunin mo ngayon.
Tumawa ka ng malakas.
Papayag ka nalang ba na kung ano ang idinikta ng iba sayo. Oo
ka nalang kagad. Kung ano ang kasama mo?
ganun ka nalang din? Matuto kang magdesisyon para sa sarili mo. Kaya mo yan.
Salita lang ang sinasabi nila sayo kung nilalait ka nila.
Words lang yan. Wag kang papa-apekto. Nagkakamali ka rin. Minsan diba, may mga
nabitawan kang salita na alam mo sa sarili mong nagkamali ka pero sa kanila
hindi pa rin nila iyo matanggap. Humingi ka pa rin ng patawad kung may
nagagalit sayo.
Kumalma ka lang ng konti. Hinay hinay. Talikuran mo na ang
kahapon. Harapin mo ang ngayon. Sulitin ang bawat oras. Yakapin mo ang bawat
umaga.
Sagupain mo ang paparating na alon. Hindi mo ikamamatay iyan.
Magtiwala ka lang na ilalagay ka niyang pagsubok na iyan sa lugar na mas lalo
ka pang matututo. Na kung saan mas lalo ka pang titibay sa buhay.
Wag ka mawawalan ng pag asa. Wag ka mawawalan ng
pananampalataya sa sarili. Kapag sayo nanggaling ang panghihina, wala na
talaga. Talo ka na talaga. Kaya laban pa. Sugod pa.
Mag isip ka rin ng masaya.
Ang mga sumusuko. Ang laging natatalo. Abutin mo ang iyong gusto.
Talikuran na ang kahapon.
Friday, April 8, 2016
ISNACKUNAT BA O MALI NA?
Nasasaktan ako na hindi ko alam. Shet! Kung bakit ganoon
masakit. Hindi ko alam kung nasa tama pa ba ako o sablay na mga desisyon ko
ngayon. Di ko pa alam. I don’t know. I don’t
know. Ito ilalahad ko na.
Kasi ganito iyon, nung lunes, ngayong first week of April,
nagtext sakin ang mudra ko na humihingi siya ng datong para sa alis niya sa Baguio.
Ito ay isang activity sa kanilang simbahan. Wala namang masama sa umalis at
pumunta siya doon (wala naman akong karapatan para pigilan si mama eh, sino ba
naman ako). Ang problema nga lang, wala akong maibigay sa kanya. Sa makatuwid,
wala akong mailabas na kaperahan sa hinihingi niyang pabor, wala akong
maipaluwal. Kung mayroon naman akong maibibigay. Go naman ako kagad eh. Ang
tanong ko naman, bakit sa halagang 4k ang hinihingi niya? Nalalakihan ako sa
ganung halaga. Kung babalikan ko naman, noong college pa ako kapag humingi din
ako sa nanay at tatay ko ng tuition fee, hirap na hirap din sila maglabas ng
pera para sa akin. (Ano bang problema bakit di natin mailabas ang gusto nating
ilabas, hahaha). Hindi naman sa nanunumbat ako pero parang ganun na nga. Umikot
lang ba talaga ang mga pangyayari ngayon? Ang panget tignan diba kung bibigyan
ko pa ng kahulugan ang nakalipas na. Ang gusto ko lang mangyari. Sana kapag may
alis si Mama, i-plano niya ng maigi, kaya kame nagkakaron ng financial problem.
Magpatulong siya kung mahirap talaga ang alis niya. Mahal ko ng sobra ang nanay
ko. I lurve her sobra sobra. Marami kasi akong tanong sa balak niya. Una, afford
ko ba ang 4k na iyon? Ang sagot ko, di kop o afford. May ipon ako pero dapat ko
bang gastahin yun para dun. Di naman iyon emergency or necessary. Saka suggest
ko lang sa kanya, sana kung tungkol na ito sa simbahan, sana sagutin na ito ng
simbahan. Gusto kong tulungan ang nanay ko bilang pasasalamat sa lahat ng
naitulong niya sa akin sa maraming panahon na ginugol niya sa pamilya namin.
Naibibigay ko naman ang pag aabot sa kanya kapag maliit na halaga ng pera pero
kapag malaki na parang umaaray na ako. Iniisip ko kasi, namo-mrobblema lang ako
para sa ipon ko. Masakit sa akin masira ang plano kong financial. Totoo!
Iniisip ko din ang mahahalagang bagay na pwedeng pag gamitan ng naipong pera.
Pangalawa, Reasonable ba ang alis niya? (ang weird pakinggan na nanggaling sa
akin pero yan lang ang naging guide ko) Naalala ko tuloy noong mga panahong
kapag nare-request ako sa nanay ko ng mga laruan o gamit, ang isinasagot nila
sa akin ay “Hindi mo naman kailangan yan eh”.Parang ganun din ngayon, hindi
kailangan kagad ng alis niya, pwedeng sa nextmonth nalang siya sumama sa mga
friends niya. Pero kung emergency, willing
akong ibigay lahat ng pera ko. Mas iniisip ko kasi yung mga bagay na kapag
ginasta ko, sulit ang pupuntahan, dumidikit lang po sa realidad. Haha Kung
magbabakasyon lang naman din ang nanay ko sa Baguio at church activity ito,
dapat sagot ni Lord ang pamasahe nila. I mean, ipagpray namin kung
kinakailangan. May mga bills at savings pa kaming dapat pagtuunan ng pansin. Oh
sige, sasabihin sa akin ng iba, “ang kuripot mo naman, regalo mo na sa nanay mo
iyon” Opo alam ko po iyon. Masakit din po para sa akin na hindi makapagbigay sa
hiling ng nanay ko, nagkataon din talaga na nagkaproblema ako sa financial
ngayon. Tingin ko lang, di maganda na diktahan natin ang ating mga magulang
pero sana minsan kasi ang kasakiman kailangan din natin ituro sa mga magulang natin
eh. hahaha. Minsan kasi kala ng magulang naten tumatae tayo ng pera. Hindi po,
nagpapawis po kami ng dugo. Haha Kala nila porket may trabaho hindi na
nagkukulang. Gusto ko nga sanang sabihin yung 4k na yan, kung ipinang-grocery
yan, mahaba pa tatakbuhin niyan. Naalala ko tuloy ang sermon sa akin ng nanay
ko na hindi pinupulot ang pera kung saan saan. haha Kung tayo nga minsan
nagagalit tayo kapag nagbigay tayo sa anak natin ng baon tapos nalaman nating
naglakwatsa lang pala siya, diba maiinis tayo. Kasi nga hindi mahalaga ang pinuntahan
ng pera. Di ko sinasabing maglalakwatsa
lang ang nanay ko kasi tungkol ito sa simbahan, ang ibig ko lang sabihin, kung
alis ito ng simbahan, magtulungan din sila. Mahalaga ang pera. Mahalaga ang
halaga ng pera. Pag ipunan ng simbahan ang alis ng bawat miyembro. Ayokong
masira relasyon namin ng nanay ko. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Sana
maintindihan niya ako. Lagi ko naman binibigyan ang nanay ko, ngayon lang
talaga nangyari na hindi ako makapagbigay, ngayon lang ako pumalya. In a way,
nirerespeto ko naman ang hangarin ng magulang ko na makapaghatid ng mabuting
balita sa baguio pero hindi lang kasi praktikal. Ako naman di naman ako
naghahangad ng kapalit eh. Ano man narrating ako, ako pa din ito. Wika nga ng
mayayaman, money is not the guarantee of success. Charot. Ang pera, papel lang
yan. Hahaha joke ulit. Ang akala kasi nila galing ako sa middle class to
riches, na hindi na dumaan sa rags. Di po totoo iyon. Rags to riches po ako.
Charot
Pangarap ko sa nanay ko na mai-travel siya sa ibang bansa,
nasasaktan ako ngayon dahil di ko magawa dahil minsan talaga kinakapos. Never
kong pinautang ang nanay ko at naghintay ako ng kapalit. Sana kasi may savings
din si mama eh. Sinubukan kong kausapin ang nanay ko tungkol sa mga options ko para
dito pero di eh, wala eh, napunta lang sa pag aaway namen.
Babawi ako sayo mama. Wait ka lang po. Pangako ko po yan. Ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo. Magha-hire pa ako ng limang katulong para
sayo.
Thursday, March 31, 2016
ANG DIYOS KONG BLANKONG PAPEL
Sa isang lugar sa Antipolo ay mayroong museo na kung saan sa
loob nito ay may mga naka-display na iba’t ibang disenyo ng mga arts. Mayroon mga
nakasabit sa dingding at pader. Mayroong hugis tao na gawa sa kahoy na nakatawa
ang mukha. Mga sinaunang sasakyan. Mga sinaunang baso. Mga pinaglumaang
kagamitan sa loob ng bahay. Iba-ibang klase at uri ng art na historical sa
pilipinas, maypagka-scientific kung iisipin, maypagka-artistic o kaya naman ay cultural
basta gawa lahat ng mga Pinoy. Nandun sila nakatambay.
Si Jin ay isang lider ng isang samahang relihiyoso sa ating bansa.
Napansin niyang may isang lalaki na ang tagal tumitig sa isang painting. Binata
iyon kung titignan. Sa painting na iyon ay nakapinta ang isang ‘umaapoy na
bundok’. Maganda kung titignan tong painting na to, malalim ang kahulugan.
Matagal na nakatingala ang lalaki sa painting na ito. Sa bawat pag-oobrserba niya
sa paintings ay tinitignan niya rin ng maigi ang kanyang hawak na papel.
Nagtaka si Jin sa ginagawa ng lalaking ito. Minarapat nalang niyang kausapin at
tanungin upang sa gayun malaman ang ginagawa nito.
Kinausap ni Jin ang lalaki sa malumanay na paraan.
Jin: Sir, anong pangalan mo?
Ken: ahm Ako si Ken. (At ito’y nagpatuloy ulit sa pagsilay silay sa isang disenyong kanyang
minamasdan)
Jin: Pwede ko bang matanong kung ano ang interpretasyon mo
sa larawang iyan, pati na rin sa papel na hawak mo? (Paturo sa papel na
tinitignan ni Ken.)
JIn: Pasensya na sa tanong ko diyan ah? (Nagtanong hinggil
sa papel.)
Sagot ni Ken.
Ken: Maaari ko kayang sambahin itong papel na ito? Maaari
rin kayang maging propeta to?
Tinignan niya naman ang papel na ito sa taas, sa baba at sa
iba pang anggulo na kung saan natatapatan ito ng ilaw. Sinisilasat niya ng
husto ang hawak niyang papel.
Nagtaka si Jin sa sinabi nito. Isang kahibangan kung
iisipin.
Jin: Ha? Papel sasambahin mo? Okay ka lang sir? Diyos mo yan?
Lumakad nalang palayo si Ken. Hindi na pinansin ang mga
pinagtatanong ni Jin. Tinignan niya naman ang ibang larawang nakadikit sa
dingding. Sa pagkikilatis nito sa bawat disenyo. Tinitignan din siya ni Jin sa
bawat galaw niya. Nahihiwagan si Jin sa ikinikilos nito. Misteryoso kung
iisipin dahil walang kahit na anong paliwanag ang sinasabi nito tungkol sa
papel. Isang relihiyoso si Jin kaya nagkaroon siya ng interes na kausapin ito.
Nilapitan niya parin si Ken. Nangulit ng nangulit siya sa
taong ito. Mayroon siyang gustong malaman tungkol sa sinasabi nitong papel.
Lumapit muli si Jin sa lalaki.
Jin: Ano ba ang sinasabi mo? Ano bang mayroon diyan sa papel
na yan? (Hindi nagpaistorbo si Ken sa kanyang hinahanap.)
Ken: Wala to, wag mo kong pansinin. May hinahanap lang ako.
Kaya wala ng nagawa si Jin kundi tigilan nalang ang taong
iyon. Nag-iba nalang siya ng ruta papalayo kay Ken sa pagtitingin ng ibat ibang
disenyo ng mga paintings. Sa kabilang lugar, nagkasalubong muli si Jin at Ken.
Nagkatitigan.
Jin. Ikaw na naman?
(Hindi nalang nagsayang ng panahon si Jin)
Jin: Hmmmm Maaari ba
kitang makausap? Okay lang ba?
Ken: Bakit ba ang kulit mo? Pwede ba tantanan mo ko?
Jin: Masama bang makipagkaibigan sayo at makilala ka?
Ken: Hindi naman, pero nakukulitan ako sa ginagawa mo sa
akin. Tanong ka ng tanong.
Jin: Sorry na patawarin mo na ako. Ano ba kasi yang hawak
mong papel? Nahihiwagaan ako diyan sa hawak mo at sa sinabi mo.
Ken: Gusto mong malaman? Hindi ka naman maniniwala kung
ipapaliwanag ko eh. Isa ka din na katulad ng iba. Akala nila kabaliwan ang mga
sinasabi ko.
Jin: Makikinig nga ako kahit ano pa yan.
Ken: Sige. Payag na ako. Ganito kasi yan, nakadampot na
naman ako ng isang blankong papel sa lugar din mismo na to. Siguro nahulog to
galing sa Itaas.
Jin: “Saan? Sa dingding?” (Tumingin si Jin sa itaas, wala
naman siyang nakitang papel na pwedeng malaglag. ) “Wala namang papel ah.” Sabi
ni Jin.
Ken: Malinis at walang bahid ng dumi ang papel na to. Para
sa akin, ito ang pinaka simbolo ng aking bagong umaga. Kalakip nito ang bagong
pag-asa. Nangangahulugan na ang walang kasulat sulat na papel na to ang siyang
pinaka magandang pahinang makikita ko ngayon. Walang kasaysayan kung hindi
inilimbag sa blankong papel na kagaya nito ang lahat. Kasiyahan ang idinudulot
ng panibagong papel. Nagkakaroon ng makasaysayang simula tungkol sa isang
manunulat o istoryang binuo. Masayang makita ang progresong pagbabago sa ating
lipunan. Lalo na sa bawat buhay ng tao. Wala ka ng ibang hahapin pang ibang
mundo.
Jin: Mundo na yung mga pinagsasabi mo ah. Ang layo mo naman
eh. Nasan dun yung propeta o pagsamba?
Ken; Silipin mo ng maigi ang malinis na papel. Ito ay
naglalaman ng panibagong mundo. Ang makulay na mundo. Sa kapirasong papel na
ito, maaari kang magplano, magsulat, gumuhit, magkulay at kung ano ano pa. Ibig
sabihin lang nito, sa apat na gilid ng papel, pwedeng magbura at magkamali
tayong lahat. Tanggap ang mga errors. Tanggap ang tinakpang letra na mali ang
naisulat.
Jin: Hanep. Lalim. Bakit di ko magets? Hahaha Oo, sabihin na
nating blankong papel yan. Pero teka muna. Anong kinalaman nito sa pagsamba mo?
Yun kasi ang hinabol ko sayo eh. Pwede ba sagutin mo ako ng matino. Okay lang
ba?
Ken: Nasa sayo naman yan kung pakikinggan mo pa ang
interpretasyon ko tungkol sa papel na to eh. Kung ayaw mo, edi wag.
Jin: Sige pagbibigyan kita. Ano ba talaga yang papel na yan?
Mahahalin ba yan? Mabango ba yan? Paamoy nga.
Inamoy ni Jin ang papel.
Jin: Wala namang kakaiba eh. Niloloko mo lang ako eh.
Ken: Wala ngang amoy na taglay pero may sinasabi naman ito.
Jin: Ano? Nagsasalita ang papel? Haay Kabwisit ka. Ayoko na
nga. Kung hindi mo naitatanong, kami? Sa isang araw, tatlong beses kami
sumasamba sa aming Panginoon, makapangyarihan ang aming Diyos. Hindi siya
nagkulang?
Ken: Nakita mo na ba ang Diyos mo?
Jin: Hindi pa. Pero kung titignan mo ang paligid, kung paano
nangyayari ang lahat, masasabi kong buhay na buhay ang sinasamba kong Diyos.
Ken: Yan ang opinyon mo. Nirerespeto ko yan. Maaaring totoo
yang sinasabi mo.
Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Unawain mong maigi ah. Alam mo kung bakit di mo magets ang mga
sinasabi ko? Kasi magkakaiba tayo. Tama ba ko dun?
Jin: Tama!
Ken: Ikaw? ano tingin mo sa papel na hawak ko?
Jin: Wala naman, simpleng papel lang. Ano ba yan? Kailangan
pa bang pag isipan natin yan ng malalim. Nahihibang ka na ba?
Ken: Sayo yun diba! pero para sa akin. Sa papel na ito, may
naghihintay saten lahat. Hindi ko alam kung ano mismo iyon, pero ang alam ko
lang, may ipinahihiwatig ang lahat ng ito. Iba’t ibang klase ng istorya, minsan
mas malungkot pa sa telenobela.
Jin: Tsk Tsk Tsk. Muntik na akong maiyak dun ah.
Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Minsan ang isinulat sa isang papel na nilamanan ng mga
masasayang bagay ngunit walang nakaalam nito ay tila isang sanggol na hindi
nabuhay sa sinapupunan. Namatay kagad ito. Siguro dahil sa kapabayaan. Marahil
dahil nakatadhana. Ano man yun. Nakatala pa rin yun sa mismong istorya ng
lahat. Ang kabuuang kwento ng tao.
Jin: Bibliya ba yan?
Ken: Hindi ako siguro. Maaaring pwedeng iyon ang sagot.
Maaaring hinde. Hindi lang istorya o maaring kwento ng isang tao ang mabuo sa
blankong papel. Wala tayong pagsisisihan kung hindi natin winalang bahala ang
ibinulong ng hangin at ginamit ang mga tinta para maitago ang bagay na ito.
Jin: Matanong ko lang ah. Saan mo ba napupulot yang mga
sinasabi mo? Ano ba batayan mo? Walang konek eh.
Ken: Wala! Pero alam kong tama ako. Ikaw alam mong tama ka
sa sinasabi mo?
Jin: Oo. Syempre. Yun ang nakasulat sa bibliya eh. Sinusunod
namen.
Ken: Paano naisulat? Nakita mo ba ang simula niyon. Paano
ito nagsimula sa blankong papel?
Jin: Hindi.
Ken: Kung sa gayun. Hindi ka pa sigurado. Pwede ka pang
magtanong ng magtanong.
Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Ito pa halimbawa ko. Kung naisulat lang din naman natin
kagad ang nasa isipan natin palagi, di natin makakalimutan ang kumislap na
bumbilya sa ulo kung ilalagay ito sa blankong papel.
Jin: Hoy! Hoy! Hoy. Ang dami mong paandar. May sanggol. May
tinta. May bumbilya. Ano ba talaga? Di mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong
pagsamba mayroon diyan? Nagmumukha na akong tanga ah.
Ken: Para sa akin, ito ay may kaluluwa, hindi nakikita.
Jin: Grrrrh. Sige. Ano yan? May kasarian ba yan?
Ken: Pwede. Maaaring may persona. Siya ang aking gabay. Ito
ang naglalarawan na siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Itong papel na to?
Sa sariling depinisyon ko, ito’y may sukdulang antas.
Jin: Nakakatawa rin ang mga pinagsasabi mo. Sayo lang pala
galing lahat ng yan eh.
Sinubukan nalang sabayan ni Jin ang lahat ng mga pinagsasabi
ni Ken. Nabadtrip na siya ng husto.
Jin: Ibig mo bang sabihin, ang blankong papel ang naglalang
sa tao? (Pabirong tanong)
Ken: Pwede.
Naisip ni Jin na baka baliw tong kausap niya. Kaya
nakipagbaliw baliwan nalang siya.
Jin: Maibigin, mapagsanggalang, at mapagmalasakit ba siya?
Ken: Pwede.
Jin: Weeeee. Haahahaha Parang hindi naman. Papel?
Mapagmalasakit? Wow.
Ken: Baliktarain mo man ito na parang aso sa salitang ingles.
Siya pa rin iyon.
Jin: Yown. Aso. Lupit ah. Aw! Aw! AW!
Ken: Ang tingin ng iba, ang blankong papel ay pangkaraniwan
lamang. Hindi. Mayroon itong laman. Anong klaseng laman? Ang laman na nagsasabi
kung ano ang pagkatao natin. Sa malinis na papel na ayaw mo pang sulatan,
makikita mo ang sarili mo na parang humarap ka sa salamin. Makikita mo sa papel
na wala kang ginagawa kasi hindi ka nagsusulat. Kung nagsusulat ka naman,
malalaman mo na ang papel o salamin na sinusulatan mo ay ikaw ang nasa likod ng
lahat ng ito.
Jin: Tungkol sa papel lang ata gusto mong sabihin. Dinamay
mo lang ata ang Diyos eh.
Nawalan na ng gana si Jin kaya pinaglaruan nalang niya ito
Jin: Eeh ayokong magsulat, ang gusto ko magtype sa computer
eh. HAHAHA eh pano yan?
Ken: Walang tumalino kung hindi dahil sa blankong papel. Walang
computer ng hindi dahil sa blankong papel na to. Walang nagawang libro kung
walang blankong papel na sinimulan. Walang bahay o gusali na naitayo kung hindi
sinulatan sa blankong papel.
Jin: Edi sige. Tuloy mo lang. Layo na nga ng narating natin
sa kwento eh. Kala ko nasa mars na to eh. HAHA. May punto kaso tungkol lang
naman lahat ng ito sa papel. Echusero ka lang eh.
Ken: Kung gusto mo ng katahimikan. Sabihin mo sa papel.
Isulat mo ito. May kaakibat itong katahimikan.
Jin: Masaya na ako sa buhay ko. Ayoko na. Gusto ko naman ng
magulo. hahaha
Ken: Lagyan mo ng laman at istorya ito(ang papel), iingay
siya ngunit panandalian lamang. Dagdag mo ng laman, saka lang umiingay. Try
mong unawain kasi ang mga pinagsasabi ko. Nakatuon ka lang lahat sa pagsamba
eh.
Jin: Wow. Heavy. Bigat.
Humiga nalang sa lapag si Jin, pagpapakita na suko na siya
sa sinasabi ni Ken. Hindi pa rin nagpaawat si Ken sa mga matatalinhagang
sinasabi niya.
Ken: Ang isang blankong papel ay mapang akit. Wala na akong
pinangambahan pa. Naisulat ko ang aking halo-halong emosyon. Nabigyan pa ng
solusyon ang bawat tanong. Mga paksa na
humubog sa aking pagkatao. Walang perpektong sulat kaya tinutuloy ko lang to.
Mangawit man, ikakaskas ko pa rin ang aking kamay. Kung sinasabi nilang
nagsimula ang lahat sa tuldok, at matatapos din sa tuldok.
Jin: Sabi ko na eh. Nagsusulat ka eh. Mahilig ka gumawa ng
kwento na ang hirap paniwalaan ng tao. hahaha
Ken: Hindi mahirap, ayaw mo lang buksan ang isipan mo. Kung
nagsimula sa lahat ang blankong papel. Matatapos din sa blankong papel . Paano
kung ang hinahanap na tanong nating sa buhay ay yung palang blankong papel.
Sinulatan natin. Tapos tayo palang lahat ang matatawag na Creator.
Jin: Dyan ako di maniniwala sayo. Ewan ko sayo. Haaaaay. Sige
na nga, uuwi na ko. Pero sagutin mo to. para matapos na kasi ang sakit na ng
ulo ko sa mga sinabi mo. Ano ang ibig sabihin lahat ng ito? Buod kumbaga.
Ken: Hindi ka talaga nakiramdam. Pinakinggan mo lang kasi
ang sinabi ko. Ibig sabihin lang nito. Kanya kanya tayo ng paniniwala.Wag mong
pakialamanan ang pananampalataya ng isang tao. Ang ating Diyos makapangyarihan.
Maaaring ikumpara siya sa isang bagay o anuman ngunit ang kapangyarihan niya ay
ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Pero responsibilidad mo pa ring tuklasin
siya. Ayun. Tapos ang usapan.
Natulala si Jin: OMG. Yun lang pala ang papel na gusto niyang sabihin sa mundo. Nagsayang pa ako ng effort at oras.
Tuesday, March 29, 2016
GWAPO PA RIN ANG MASIPAG
Gusto mo ng magmura sa may-ari ng bahay na ang kulit kulit maningil
ng upa. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Kakatanggap mo palang ng sahod, kung ibibigay mo pa sa
magulang, feeling mo parang kulang pa. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Masakit na ba ang iyong sintido sa balahura at balasubas
mong amo. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Yung tipong ginawa mo naman lahat ng makakaya mo, pero
kulang pa rin. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Ikaw naghihirap, pero ang katabi mo, hindi matigil sa
paglalaro ng mga games sa phone. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Gusto mo na bang pumatay ng tao dahil di nagbayad yung
kumain ng tinitinda mong balot? Kasi tumakbo. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Nag iipon ka ng pera kaso yun nga lang, pam-piyansa nga lang
sa tiyuhin mong batugan na may kasong pagnanakaw. Wag kang aatras sa bawat
hamon.
Ang aga mong umalis ng bahay pero ang resulta, late ka pa
rin dahil sa buhol buhol na daloy ng trapiko. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Gusto mo sanang tumulong sa mag-asawang nagsasakitan sa
gitna ng kalsada kaso nasa loob ka ng bumibiyaheng bus. Wag kang aatras sa
bawat hamon.
Desperado ka na sa malaking pagbabago sa Pilipinas kaya
hindi ka na nakikinig sa sinasabi ni Binay at Roxas. Wag kang aatras sa bawat
hamon.
Bilib ka kay Fernando Poe Jr kaso kay Grace Poe, hindi. Sayang
namatay na siya eh. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Wala ng laman na tema ang radyo kundi mga krimen at nabwisit ka sa nangyari isang matandang babae na ninakawan ng bag ng
mga kawatan sa restaurant. Nakita lang sa CCTV. Hindi nahuli. Wag kang aatras sa bawat
hamon.
Pinag aawayan sa Senado ang milyong milyong kinita nila sa
proyektong iyon pero ikaw, isang libong
pera, ang hirap hagilapin. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Naghahanap ka ng matinong trabaho kaso ang hinahanap lang
nila ay yung ‘may experience’ lang. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Nakakasawang debate tungkol sa relihiyon at kasarian ng tao.
Wag kang aatras sa bawat hamon.
Pabor ang iba sa gender equality kaya ayaw ng katabi mong
magbigay ng upuan sa babaeng nakatayo sa MRT. Tama ba o mali? Wag kang aatras
sa bawat hamon.
Kakasahod mo palang, ubos na kagad. Wag kang aatras sa bawat
hamon.
May kumontak sayo, 8am daw kayo sa meeting place pero 10am
na, di pa dumadating yung kausap mo, nasa biyahe pa rin. Wag kang aatras sa
bawat hamon.
Payag ka nalang ba na
tumunganga sa computer, nag aabang ng bagong update sa Facebook. Wag kang
aatras sa bawat hamon.
Di mo na mapakain ang alagang mong isda sa bahay. Ubos na
ang pera mo. Nalulunod na siguro yun. Kaya tinapay nalang ibinibigay mo sa
kanya. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Post ng post sa Instagram ang friend mong nasa J.Co Donut na
di pa nagbabayad ng utang. Kailangan, siya pa ang hagilapin mo. Wag kang aatras
sa bawat hamon.
Gusto mong patayin yung nakabuntis sa anak mong babae 17 yrs
old. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Nag iisip ka ng malalim kung yayaman ka ba sa 8-5 na oras sa
trabaho. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Wag kang aatras sa bawat hamon.
Yan ang simbolo ng pagsisikap. Nakaka-gwapo ang masipag.
Subscribe to:
Posts (Atom)






