Friday, April 28, 2017

WALANG SUSUKO

Nitong umaga lang, Biyernes. Kasalukuyang ginaganap ang 30th ASEAN summit sa ating bansa kaya sobrang luwag ng kalsada maria ozawa, walang traffic, walang singitan, walang nasasaktan, walang umaasa, at walang mainit ang ulo.

Sa malayo palang, tila natatanaw ko na ang pwede kong sakyan na jeep. Wala pa kasi ang hinihintay kong bus eh. Tang ina kasi ang hirap pala talaga ng walang sariling kotse, ano po.

Pagsakay ko naman ng jeep. Tinanggal ko ang aking headset sa tenga at binilang ang pasahero kung ilan ang nakasakay dito. Buong puso kong ginawa to. Hindi inaakala ng lahat na ililibre ko sila. Ganun ako kagalante masyado ngayong payday. “Manong driver, sagot ko na” sabi ko kay manong. Natuwa ang lahat sa ginawa ko. Sa ganung paraan alam kong minahal nila ako doon. At wala ng patumpik tumpik pa ay inilabas ko yung cellphone ko at hingin ang kani kanilang facebook account nila. Ang sama pala, ayaw nilang ibigay. Shet, tang ina niyo, babawiin ko ang binayad ko senyo hahaha. Bumaba nalang ako ng jeep ng walang napala. Hindi naman ako napahiya dahil mukha naman akong disente eh. Ang hindi nila alam, hindi ko naman talaga sila ibinayad sa jeep eh. Palabas ko lang yun eh. Masama bang magturo. haha

Mabilis ang karma diba. Mga ilang lakad lang, may natatanaw na akong isang lalaking bulky ang katawan sa medyo kalayuan. Mukhang sinusubukan ako ng taong to ah. Kaya bilang isang lehitimong nag gigym dapat pumostura rin ako na totoong regular gym body builder. Bahagya kong binulatlat ang chest ko at ipinagyabang ko sa kanya lahat (Dun sa nakasalubong ko). Alam niyo kung ano nangyari. Panis, nanliit siya sa katawan niya. Pahiya si gago. Ganun ako kaangas.

Nagkatitigan kameng dalawa. Tinignan niya ang ako sa mata at ako rin sa mata niya. Tinignan ko naman ang aking braso at inikot ng konti tapos siya rin, ginaya niya ako. Ang hindi ko inaasahang pagkakataon ay ang hindi ko lang tinignan na may dinadaanan na pala akong kanal. Tang ina, nahulog ako sa kanal. Isang paa, shoot sa kanal. Fuck.

Napahiya ako. (Ayoko ng ganito, ayoko ng ganito huhu).Pero hindi ko pa rin pinahalata sa lahat na loser ako. Confident pa rin ako sa nangyari. Natawa ang taong kabungguan ko sa nangyari. Natawa rin naman ako. Ok lang. Parehas lang kame. Hiniyaan ko na siyang umuwi. Nakakaawa naman eh. haha Hinihintay ko lang naman siya umalis at huhubarin ko ang sapatos ko. Whaaaaah! Yung kanang paa ko ang sobrang baho. Nakakadiri talaga. Yuck.

Humanap ako ng milagro. Tinawag ko ang lahat ng positive energy sa paligid. Nanalangin ako na sana may swerte kahit papaano na bumalot sa akin. Humanap ako ng libreng gripo sa pampubliko lugar na iyon. Pero dahil nga mapait ang tadhana na magbiro sa akin,  wala akong nakita. Badtrip.

Pumasok ako ng 7eleven. Bumungad kaagad ang tanong ng cashier, bakit daw parang may matinding amoy na dumating. Ayokong ma-guilty. Tumingin ako sa katabi kong nakapili din. Sa ichura niya, hindi naman daw siya iyong mabaho. Tumingin ako sa gwardiya sa likod. Napikon saken si guard. Mukhang galit ata saken ang gwardiya. Pinilit ko nalang manghingi sa 7eleven ng tissue, kahit may amoy ang paa ko at salamat dahil binigyan  niya ako ng konting limos. Nagsorry nalang ako sa guard, ang sabi ko napatingin lang ho ako sa kanya. Hindi sinasadya. Joke lang yun.

Masarap mabuhay ng malinis ang katawan. Pero sa pagkakataon ngayon, parang hindi. Umupo muna ako sa table na may chair. Tinanggal ko ang aking socks. Pinilit kong spray-an ng alcohol ang aking paa pero wala pa rin. Mabantot pa rin.

Nakita ako ng gwardiya. Gusto niya akong tulungan. Natakot naman ako sa balak niyang gawin sa akin. Umalis nalang ako. Kumaripas ng lakad papalayo. Male-late na kasi ako sa bus. Kaya sumakay nalang ako kagad ng walang pag aalinlangan.

Nung tumatakbo na ang bus. May isa akong biglang naalala.

Ay puta, naiwan ko yung tinanggal kong medyas sa lamesa, ano ba yan. Pota.

Malapit na ako.
Tayo, tayo!
Ganito sa bus. Kapag nakita ko ng may nakatayong pasahero. Alam ko na dapat na tatayo rin ako dahil common sense na walang pasaherong nagbayad at piliin nalang tumayo ng aabot sa isang oras. Kaya ano pa ba ang hinihintay ko. Iporma ko na ang likod ko at sumandal sa gilid ng upaan nila.

Pero hindi ako basta basta susuko sa dala dalang kong pagsubok. Ipapakita ko sa kanila na dapat kaya kong i-handle ang amoy na nasa paa ko. Konting tiis nalang . Ako naman ang unang bababa eh, dahil nakatayo ako. Kaya please, tiisin muna ng mga taong malapit sa akin ang amoy pang kanal na nasa paa ko.

Pagsubok lang ‘to na dapat na kong lagpasan. Wala akong maisip na dahilan para sumuko dahil alam ko sa sarili ko na matatag ako. Hindi ako basta-basta nagpapatinag. Naniniwala akong lahat ng balakid ay may dahilan upang mas tumibay ako at ipagpatuloy ang mga nasimulan kong plano. Medyo malapit na akong makababa ng bus. Kahit makate sa pakiramdam ang may germs sa paa, ay titiisin ko.

Wala akong magagawa eh.

Sa buhay na to, walang madali. Hindi madaling mabuhay sa hinihingi. Hindi madaling mabuhay sa pag-asa. Bawat pagsubok ay may kalakip na tagumpay. Bawat madaang impyerno ay may kasunod na langit. Bawat madaanan na magandang lugar ay may kasunod na kanal. Ganun talaga.

Baka minsan, gaya nalang  sa sobrang pagmamadali ko na makuha ang lahat ng bagay, hindi ko na to nakukuha, hindi siguro ako pasensyoso masyado.

Lagi ko nalang isipin na sa lahat ng nasimulan ko, maaaring malapit na ako, wag na dapat akong sumuko. Isipin ko lang na malapit na malapit na malapit na ako.

Minsan ine-entertain ko kasi ang negative thoughts.
May narinig ako sa bandang likuran ko, boses babae siya. At ang sabi niya, “Ano yun, parang may nagbukas ng kanal, or parang may umutot?” Simple lang ang aking ngiti. Tumitingin nalang ako sa malayo at niyuyugyog ng pababa at pataas ang aking ulo para kunyari damang dama ang musikang pinapakinggan ko. Pero infairness, tompak ang unang tanong ni ate, parang kanal. hahaha

Dapat kasi kahit na ano pa ang sabihin nila. Wag kong hahayaang tumambal sa aking isip ang mga hindi magagandang salita. Kung pinakinggan ko siguro ang sinabi nila sa akin, malamang habang tumatakbo palang ang bus, tatalon na rin ako bigla palabas sa sobrang hiya ko. Lalo na’t may nagreklamo na. Pero di ako ganun kagago para magsuicide.

Pero syempre hindi ako nagpatinag muli. Kahit na katiting na negative thoughts, binubura ko kaagad sa mind ko yan. Basta bahala sila kung ano ang maamoy nila. Buti nga may naaamoy silang kakaiba eh, dinala ko sila sa ibang klaseng dimension. Atlis challenging yun diba.

Basta naisip ko nalang sa lahat ng ito.

Lahat tayo may 1 seconds, lahat tayo may 1 minute, lahat tayo may 1 hour. Alam ko na kahit 1 minute lang, kung ireready ko lang ang sarili ko sa gusto kong mangyari, makukuha ko sa loob ng isang minute. Kaya daapt wag kong sayangin ang oras sa mga negatibong bagay. Minsan sa isang iglap hindi natin namamalayan na nilamon na tayo ng maling akala sa buhay. Ayun na nga.

3. Masyado ko lang sigurong iniisip ng todo.
Pero bat ganun. Di ko maiwasang isipin ang sasabihin ng ibang tao. Lalo na’t guilty ako sa paa ko. May kaharap akong lalaki. Tignan mo si kuya, kung makatitig kala mo siya hindi mukhang mabaho. haha

Kaya dapat. Walang bibitaw. haha

Wag akong papatukso sa pagsuko kahit mas madali pang sumuko kaysa magpatuloy. Kahit saglit lang, minsan libangin ko sarili ko, manghuli ako ng kung ano ano sa loob ng bus, maglakad pabalik balik doon, magbutingting. Pero sa pagkakataon ngayon, ang tangi ko lang magagawa, imaginin ang nasa soundtrack ko. Sarap din magisip ng bastos ah.

Well, ganun pa man.

Minsan, kapag mahirap ng solusyunan ang isang bagay, kailangan ko minsan lumayo muna sa ginagawa ko at gumawa ng ibang bagay muna. nang sa ganun, hindi ako masyado mapagod. Parang mata ko, kapag pagod na sa kakatutok sa screen ng computer. Humihina na. At pagdating sa numero, magkaiba din ang math sa totoong buhay. Ang totoong buhay, minsan walang konkretong sagot hindi katulad ng math na maaaring hindi pwedeng iba iba ang sagot. Sa kakaisip ko ng todo, minsan mas nananaig pa ang negatibo. Burahin ko dapat to.

Mali na to. Dapat ko ng itama ‘to.

Dagdagan ko pa ng konting pagfocus sa present-future.
Alam niyo ba yung feeling na ihing ihi ka na at gustong gusto mo ng umihi kahit saan sa bus. haha Makakita ka lang ng kahit anong sulok na medyo madilim, walang tao at walang camera at gusto mo ng bumulwak. Ganun ang nararamdaman ko ngayon. hahaha pero ayokong gawin. Iniisip ko palagi ang moment na pagbaba na pagbaba ko. Gustong gusto ko ng hubarin tong sapatos at pantalon. Potek. Hubo’t hubad. Ang kati.

Kaya ang dapat lang pala. Isipin ko lang kung nasan na ako ngayon. Ano ang kinalalagyan ko, nang sa gayon, hindi nagmamadali ang heartbeat ko na matapos tong biyahe na to. Nakakairita man pero dapat relaks lang ako. Baho lang yan.

Di naman lingid sa ating kaalaman na mas mahalaga kumilos sa ngayon, hindi bukas at hindi mamaya pa. Pang motivate ko to na enjoyin lang ang baho sa paa ko.

Pero para sa akin.

Binubuo ko na ang kinabukasan ko kung ngayon palang na kumpleto na palagi ang araw ko sa tuwing ginagawa ko ang dapat kong gawin at gusto kong bagay.

Natutunan ko, balikan ko lang lahat ng mga naging inspirasyon ko.

Para tuloy akong nakikipagkarerahan sa mga kasabay ko.
Napakahirap ng kalagayan ko. Hindi pa rin ako susuko. Laban ko to. Hindi gi-give up ang paa ko. Pramis.

Kaya siguro ako naiinis dahil nagmamadali ako na parang nakikipagkarerahan ako. Minsan iniisip ko nalang hindi mangyayari saken to kung may kotse ako. Di na kasi appropriate sa edad ko na wala akong kotse.

Syempre iniisip ko din na dapat ba talagang sumabay ako at makipag unahan sa mga kaedad ko. Di ko alam. Baka ako lang talaga yung baliw eh.

Na-feel niyo rin ba yun?

Yung minsan natataranta tayo dahil minsan hindi na angkop sa edad naten yung estado natin ngayon. Wala pa tayong kotse, sariling bahay, sariling pamilya, marami pang bayarin. Samakatuwid, lagi nating iniisip na may kakumpetensya tayo dahil nga parang napag iiwanan na tayo. Alam niyo yun?

Kung parehas tayo ng pinagdadaanan. Wag kang mag alala, friend. Di ka nag iisa.

Di tayo dapat sumuko. Magkakaiba tayo ng timeframe. Given na naman na mahirap ang buhay, wag kang papatalo. Ang sarap kaya minsan nang nasasaktan. Hindi ka nag-iisa. Marami ka din katulad ng iba na parehas ang pinapasang problema sa balikat. Minsan kung sino pa ang may mas mabigat na problema, sila pa minsan ang mahilig mangamusta saten kung okay ba tayo. Lumalim na noh?

Gaya ko. Gayahin mo ako. Bumangon ka rin sa pagkadapa at walang dapat masisi. Gumawa ka rin ng pagbabago sa sarili. Hindi to karera tsong.

Pati problema, dapat yakapin.
Ipipikit ko nalang ang aking mga mata. Inhale and exhale. Matatapos din tong paghihirap ko. hahaha KOnting konti nalang at malaya na ako.

Gaya ng buhay ko ngayon.

Parang buhay ko lang din naman to eh. Minsan may magbabato ng mga masasakit na salita laban sa kin. Pero at the end of the day, yung mga duming ibinato nila sa akin ang naging dahilan upang mas tawanan ko sila at ipagpatuloy ang lahat ng mga pangarap ko. Ang duming ibinigay nila ang nagtulak sa akin maamoy ang bango ng bagong umaga.

Marami akong kaibigan na ang approach nila sa matinding problema ay mas nacha-challenge sila mabuhay dahil doon. Opportunity daw yun upang mas tumibay at tumatag sa buhay. Ang ganda diba.

Katulad ko ngayon.

Kapag minahal ko ng husto ang bawat pagsubok na to. Parang magkaibigan na kame niyan. Alam ko na mamahalin ko talaga siya kasi parte sila ng buhay ko (ang mga pagsubok). Walang taong walang problema.

Palagi palang may opportunity.
Sa hindi inaasahang pagkakataon. May tao palang nakakapansin sa aking discomfortness. May isang dilag na maganda at sobrang puti na parang koreana na medyo chinita na nag-offer saken ng cologne. haha Potek  tawang tawa ako. Yung pagkakabigay niya pa ng cologne. Yung tipong mukha talagang kailangan na kailangan ko ng pabango sa katawan. hahaha Pero grabe po ate. sobrang baet, shet. Nahiya ako. harhar

Ang natutunan ko doon.

Minsan kasi sumusuko na ako dahil akala ko na habang buhay akong maghihirap sa kalagayan ko. Mali. Temporary lang ang lahat. Lahat nagbabago. magkaiba ang oras na gumising ako kahapon kaysa kagabi. Iba ang naging kasuotan ko ngayon kaysa kahapon. Lahat pabago bago. At kapag ang opportunity ay nagsara, lagi kong tatandaan na palagi din may magbubukas na isa pa para sa akin. Wala akong ibang gagawin kundi hanapin kung ano man iyon at wag magsasawa dahil ang buhay ay palaging may surpresa. Lagi akong magpasalamat at maging bukas ang aking kokote sa lahat ng paparating.

Kung ayaw nila. Wag bigyan.
Ngayon ko natutunan na dapat din pala akong tumulong sa ibang tao. Bumunot na ako ng kung ano ano sa loob ng aking bag. Inalok ko siya ng breakfast ko. Ang mabangong mabango kong itlog na may shanghai. At hindi mawawala ang pinakamasarap na spaghetti with plastic flavor. Pero ang ending, ayaw niya daw. haha Edi wag.

Well ako naman eh.

Kung paano ko titignan ang ibang tao, yun krin ako panigurado.

Talo na ako kapag sumuko na ako.
Ganito nalang. Kung sakaling kanina palang sa gitna ng biyahe ay sumuko na ako, malamang mukha akong tanga na bababa sa bus. Maglalakad ako mag isa sa kalye na hindi naman ako sure kung may sasakyan ba dun dahil lang sa pagkairita ko sa paa ko.

Siguro isipin ko nalang din na hindi ako nag iisa. May iba diyan sa loob ng bus na sinasakyan ko ay ihing ihi na pero tinitiis lang nila. May iba diyan taeng tae na ayaw lang magsabi. Samantalang ako, amoy na mabahong kanal lang ang nirereklamo ko.

Ganun pa man, nakakairita talaga. Pero wala akong magagawa kundi itama nalang lahat.

Kapag sumuko ako ngayon sa kinahaharap kong kaso, walang matitira saken. Wala na talaga. Lagi nalang akong magsisisi. kaya dapat, pwersahin ko ang sarili kong magtagumpay palagi. Para di ko palagi option ang sumuko.

Baka may takot pa akong laliman ang lahat.
Konting tiis nalang at bababa na ako. Yahoooo.
Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, maganda man o hindi. Mabango man o mabaho. May dahilan kung bakit nangyayari to lahat sa akin. Ayaw ko lang sigurong  alamin at laliman ang solusyon. Baka ganun nga. hahaha

Kapag naintindihan ko na ang nilalakaran kong lugar at alam ko kung ano ang gagawin, alam ko na rin kung paano bibitawan ang mga hindi na kailangan sa pupuntahan ko. Mas maraming posibilidad na magandang mangyari kung hindi talaga ako susuko

Medyo nawawala na yung amoy sa paa ko. hahaha
Anong mapapala ko kung susuko kagad ako?
Iba pa rin talaga kapag nasanay sa pagiging kalmado, ano. Buti nalang di na ko kagaya ng dati. haha Nagrelaks nalang ako ng mga oras na yun.

Kung sumuko ako malamang wala akong mapapala kanina. Ang bagsak nun, late na ako sa trabaho. At sasakay na naman ako muli ng bagong bus. Bali ang mangyayari, bagong bayad na naman iyon. Masakit sa bulsa iyon.
Ganito pala talaga.

Nakakatuwang malaman na hindi ako sumuko. Dito ko na nalaman na maraming magandang mangyayari kapag ipinagpatuloy ko ang aking determinasyon. Hindi lang sa pang may amoy kundi sa totoong buhay.

Ang pagpupursigi.

Ikanga nila. Success breeds success.

Pagsabayin ko ang visualization na may todong kilos.
Ayan na.
Malapit na akong bumaba ng bus. Nangyari ang dapat mangyari. Kung ano ang iniisip ko kanina. Manggyayari na. Wala akong ibang inisip kanina kundi ang mga bagay na dapat kong makita ang sarili ko na tahimik lang at kalmado lang na parang wala lang. Parang manhid lang. Malaking tulong talaga kung ivi-visualize ko kagad ang mabilis na biyahe. Nangyare nga talaga. Halos parang di ko ramdam ang biyahe. Makapangyarihan talaga ang aking isip.

Tawagin natin tong vision to fruition.

Ang lesson para senyo.
Hindi ako makakapunta sa lugar na pupuntahan ko kung wala akong ideya kung ano meron dun. Parang ganito yan, sige subukan kong sumakay ng bus na may nakalagay na baguio kahit na quezon lang naman ang pupuntahan ko. Makakapunta kaya ako ng Quezon? It Sounds preachy na. Pero sorry na. Ipinapaliwanag ko lang po.

Pag may hirap, may sarap.
Ang dami kong natutunan sa umagang ito.
Una, Hanapin ko yung pangarap na tinotorture ako na masaya pa rin ako. Ang dumi ko naman tignan pero gusto ko ang ginagawa ko. Walang pinag kaiba sa kalagayan ko kanina sa bus.
Pangalawa, sarili ko lang din ang niloko ko kapag sumuko ko. Ang buhay ay pagsubok.  Kung di ako susubok. Hindi ako mabubuhay.
Pangatlo, lahat tayo dumadanas ng hirap, sakit sa damdamin, nasirang relasyon, namayapang minamahal, at disappointment. Kaya ako buhay ngayon dahil pinili kong hindi sumuko.
Huli, ang buhay magbabato ng iba’t ibang klase ng dumi. Ano ba ang pipiliin natin, ang magforward o manatiling amoy tae sa gilid.
Thank you guys.

Monday, April 24, 2017

GOD LEVEL: DI AKO DIYOS PERO PARANG DIYOS AKO KUMILOS.



This morning. Medyo kakatapos lang ng malakas na ulan pero mainit naman ang temperatura, talagang bumuhos ang malakas na ulan. At kahit na di ako pinatulog ng butas sa bubong namen, pagkatapos naman ng ulan, saka ako natulog

At Ibang iba ang mundo ko kasya noon. Dahil nga, sawang sawa na ako magreklamo ng magreklamo tungkol sa bullshit na activities ko sa mga nagdaang araw. It’s time to do the things that I want to do for the rest of my life. haha Ubos na kasi ang oras ko sa ibang bagay. Ang daming problema sa paligid (kung iisipin, politika, pagmamahal, pamilya, kaibigan), pero isa lang ang gusto kong solusyunan. Ang problema ko sa pagsusulat.

Ngayon 6:05am, medyo may konting pain sa katawan ko dahil napalakas ang pag gi-gym ko kagabi, at kasalukuyang may muta muta pa ako sa aking mga mata ngayon, wala akong ibang iniisip kundi magsulat. Ito ang tanging isang bagay na gusto kong gawin sa buong buhay ko.

Madumi ang buong kwarto. Wala naming bago dun. At para sa iba, wala ring bago para dun.

Kapag ganitong oras.

Automatic na kukunin ko ang journal ko tapos hahanapin ko ang pinakamagandang lapis na pansulat (matulis na matulis) sa aking table, hinahanap ko siya ngayon, di ko makita,  dahil nga siguro pagtapos kong gamitin kagabi ay naibato ko ata kung saan saan. Naibato ko sa sobrang lupit ng naimbento ko. Haha

Basta  kung ano ang mga maisip ko sa utak ko, iyon ang isusulat ko at this time. Walang ibang bagay na mahalaga sa saken kundi ang magsulat. Gusto ko magkwento. Magkwento ng magkwento. Magsulat ng magsulat ng may katuturan. Basta gusto ko, dapat 10 pages a day. I keep to this routine every single day without variation. Ang target ko, paulit ulit na ganito lang palagi because this repetition itself becomes the most important things to me. Motivation ko palagi kapag  titingin ako sa  flash card na ginawa ko, masaya ako kapag  nadadagdagan ng days ang mga natapos ko. Alam niyo bay un? Yun yung  numero na kagaya ng flash card kapag nagre-recite tayo sa klase ng multiplication. Ganun ang ichura niya. Malaki ang tulong niyan saken. Tignan mo nga naman oh, nasa 35days na akong nagsusulat araw araw ng mga magagandang istorya. Not bad. Sinabi kong magagandang istorya kasi proud ako palagi. Hayaan niyo nalang po ako. Gawa ko yan eh. Pero saglit lang muna,  uupo lang  muna ako at mag iisip ng makabuluhang bagay. Ang mahalaga, mag-iisip ako ng magandang istorya. Wala akong pake kung magkamali.

Buti nalang hindi na ko katulad ng dati ng nahihirapan na magsulat sa maliit na bagay. Kahit na ang ganda ng title ng naisip ko.  Kung di ko naman alam kung paano simulan. Wala din.

So, tapos ko ng gawin lahat ng dapat kong gawin sa bahay na to. Pinatay ko na ang lahat ng ilaw. Tinanggal ang saksakan ng kurdon. Sinarado ang bintana baka pumasok ang ulan. Chechekin ko muna kung may naiwan akong gamit sa lamesa. At lalarga na ako.

Nararapat ng umalis na ako. Wala ng dapat ikabahala pa. Dapat na akong pumasok sa trabaho. Baka tuluyan na akong mawalan ng trabaho kapag araw araw nalang akong late.  haha

Sa opisina. Di madali sakin ang magsulat sa loob ng opisina. Magkaiba kasi ang linya ng trabaho ko ngayon sa pagsusulat. (Ang layo diba). Kaya kapag nakita nila (ng mga kaworkmate ko) na iba ang nakaopen na software sa computer, imbes na Autocad ay Microsoft Word. Gets na nila yun. Alam nilang nagsusulat ako nun. Yung iba alam na nilang hilig ko ang pagsusulat. Ang iba curious basahin ang ginagawa ko, kala nila gumagawa ako ng nobela dahil ang daming letra na tinatype ako sa screen. Ang biro nila isa akong makata. Hindi po. hahaha Sa tuwing may magtatangkang makibasa sa gawa ko, iko-close ko nalang ang screen at hahawak nalang ako sa cellphone ko para dedma nalang. Kapag ganun naman kasi, tinapos ko na naman yung mga workload ko sa trabaho kaya pwede na akong magsulat.  Oras ko na to. Hahaha Ay oras pala ng kumpanya to na ninanakaw ko. haha Kaya wag nila akong pakialamanan. Kung pwede lang. haha

Tutal ibang trabaho ang ginagawa ko, iniisip ko pa din ang concept na gusto kong gawin sa writing kahit na mahirap. Kaya sa tuwing nagdo-drawing ako ng plano ng Mechanical at Electrical design, nagsusulat pa din ako ng kaunti tapos itatabi ko yung sulat ko sa ilalim ng desk ko kapag may nakita akong paparating na kaaway este tao, basta kapag may sumagi sa isipan kong napakalupit na ideya, haha kahit anong klaseng papel, sinusulatan ko. Kahit pa papel yan ng grocery ay susulatan ko kagad. (Ganun kahalaga sa akin ang magsulat). Ayoko masyado gumamit ng notepad ng cellphone, parang walang bisa eh. Walang espiritu. Pwede din naman cellphone kaso baka unahin ko munang iopen ang facebook bago ang gusto kong isulat. Distration siya para sa akin. Iba pa din ang kapangyarihan ng handwriting.  Whatever the circumstances, iniisip ko pa din ang magandang character at plot na gusto kong ubusan ng oras at panahon para sa kwentong gusto ko gawing makatotohanan. Brainswitching ito.

Ganun pa man. Hindi pwedeng mahina ako sa ganitong larangan, dapat malakas ang buo kong katawan at resistensya.

Mahalaga sa akin ang physical at mentally strength. Kung wala yan, di ko mabubuo lahat ng ito. Commited ako masyado sa art ko. Actually, binuhos ko ng husto ang dedikasyon ko sa art. Ang mantra ko, kailangan may something na kakaiba at pinapahiwatig ang topic ko. Di ko pinapalagpas ang creativity na umiilaw sa bunbunan ko sa tuwing may demonyong sumasagi na may binubulong na kababalaghan sa akin.

Sana lang talaga matupad  ang gusto kong maging full time writer, at kung sakaling matupad iyon at alam kong matutupad iyon, kahit alas kwarto palang ng madaling araw magsusulat na ako hanggang sa abutin ako ng pinakahuling news portion sa tv.

Kaya ngayon, basta gusto ko ang ginagawa ko, wala na akong pake kahit ma-late ako sa trabaho sa umaga. Hahaha biro lang, binabalanse ko naman.

Alam kong isang araw, makakapunta ako sa gusto ko. At maglalaho ako dito.

Iinom muna ako ng maraming tubig. Bawal madehydrate. Bawal akong ma-constipate.

Maraming inutos ang mga amo ko.

Mukhang gutom na rin si amo dahil naglabas na ng pagkaen.

Ang iba nagrerefill na ng bootle nila para sa paparating na kainan.

Ako naman.

Bago ko naman iwan tong trabahong to, at lisanin  tong table ko sa opisina kasi lalabas kame para kumaen, wala akong baon e, sisilipin ko muna ang sinulat ko. Babasahin ko muna saglit iyon. Mag iisip ng mga idadagdag na nakakatuwa at nakakatawang bagay sa sarili kong humor na angkop sa ginagawa ko.

Nakakapagsulat ako kahit di ako inspired. Nakakatuwa ang senaryo na when I can’t create, I can work. Napakahusay na biyaya.

Tumatambol na ang tiyan ko. Nagsisigawan na ang mga bulate. Lalabas na kame.

Oras na ng lunch break. Itatabi ko muna ang papel at ginawa kong sulat baka may ibang chismosong makabasa nito. Mahirap na baka mainlove sila sa akin eh at pagnasahan ako. haha

Isinasapuso ko palagi ang gawa ko. Pinipilit ko parin makalikha ng galing sa aking puso lahat ng istoryang magawa ko. Kapag walang dating o walang impact sa akin ang inilapat kong letra, buburahin ko kagad iyon. Di ko sila kailangan sa buhay ko.

Papunta na kame sa aming kakainan, kasi tanghalian na.

Sa aming biyahe palabas ng opisina, bihira nalang akong makipagkwentuhan sa mga kasama ko. Simula nung natuto akong pakinggan ang sarili ko. latelay lang. Madaldal naman talaga ako eh, nagbago lang. Tumahimik na ako sa kadahilanang  ako’y  magtatanong ng may saysay sa aking sinulat ngunit sa aking sarili lamang iyon, magtataka ako kung dapat bang basahin ang katha ko, at magtatanong muli ako sa sarili ko kung sino ba ang pagsusulatan ko sa pag iisip na paraan, mga tanong na “naipaparating ko ba ang mensaheng dapat kong ibigay sa kanila(sa aking mambabasa)”?

Medyo malayo layo pa ang biyahe sa aming kakainan. Araw araw ganito.

Tama lang na…

Oobserbahan ko muna ang mga nasa paligid ko kung may kaparehas ba lahat ito ng sinusulat ko ngayon sa mga nangyayari sa kapaligiran at nadadaanan kong mga tao. Nakatatak pa din sa isipin ko ang objective ko na makacreate ng magandang istorya. Kahit panget pa para sa iba ang gawa ko. Para sa akin maganda iyon. Walang baby na lumabas sa sinapupunan na malinis na kagad. Kung meron man, ako yun.

Pero syempre walang ganun.

I work on one thing  at a time hanggang sa matapos ako. Yan ang goal ko.
At eto na.

Tapos na ang office hours.

Uuwi na ako, wala munang editing  na todong magaganap. Mamayang gabi na ako mag eedit at ipo-proofread ang gawa ko. Gusto ko kasi tuloy tuloy lang ang flow ng istorya at tuloy tuloy lang ang mga daliri ko sa pagpindot sa keyboard kaya hinayaan ko nalang muna kanina.

Kapag nasa bus na ako. Mamimili ako sa trip kong choices  kung magsusulat ba muna ako o ipapahinga ang aking mga kamay dahil sa maghapon pag-do-drawing nang sa gayun ay magkapagheadset na ako. Swerte naman dahil gusto ko magsulat. Ninais ko talaga. Magco-concentrate ako. Didibdibin ko tong istoryang ginagawa ko. Isasapuso ko to at isasabuhay. Focus lang. Tiwala lang. I visualize everything.

Kung may katabi ako sa bus at mukhang wala naman siyang pakiaalam sa akin, magsusulat nalang ako.

Wag na wag kong aalisin ang motibo kong magandang istorya. Nakahanda na muli ang papel at lapis. Lapis palagi ang pinipili ko para mas creative. Dahil nga nasa isang oras pa ang biyahe. Maya maya lang panigurado aantukin na ako. Kahit kaunti lang, may isusulat ako.

Tinatabi ko naman ang papel at lapis ko, pinapasok ko sa bag bago ako tuluyan lamunin ng antok at pagod. Baka may makakita pa sa gawa ko na naman. Mabasa nila ang sinulat ko. At mainlove din sila akin. Mahirap na.


Wala akong ibang gagawin kapag umuwi ng bahay kundi ang magpahinga saglit at kumaen. Upang maubos ko ang kinakaen ko. Wala muna akong iisiping iba. Lapang at lamon muna. At kapag tapos at busog na ko, balik ulit sa pagsusulat. Pipilitin kong muling buuin ang nagawang magandang kwentong sinimulan ko kanina. (Di ako magsasawang sabihin  na maganda ang gawa ko, kanina ko pa binabanggit yan hahaha).

Saka ako mag iiisip ng ibang sources at information tungkol sa topic ko. Hindi para manggaya sa write ng iba kundi isipin kung ano ba ang related na topic sa ginagawa ko. Baka kasi may kaparehas na ako. Masasayang lang ang pinagpaguran ko.  Gusto ko, ako ang original palagi.

Kapag wala na akong maisip, meditation muna  o nilay nilay para sa focus sa pagsusulat. Sapat na ang 20 mins para sa tahimik na oras ng paghinga o breathing. At upang maging kalmado ang aking buong katawan.

Kapag medyo ginaganahan pa.

Magbubuhat ng dumbbell, ilang reps lang pwede na. Tapos balik muli sa pagsusulat. Kapag hindi mabuo ang ginawa. Wala saken ang writers block. Mukang matalino pakinggan kapag may block na words eh. Basta bahala na kung walang maisulat. Ako pa naman ang paniniwala ko, kapag hindi ako natawa sa ginawa ko. Malamang ang magbabasa din ng sulat ko, hindi din matatawa o matutuwa.

Mukhang uulan na naman dahil kulay orange ang kalangitan.

Magbabasa lang ako saglit. I will enjoy it. I really like reading. It makes me strong. Parang wala ng bukas kapag ako kumilos. Gusto ko mabilis. Ganito ang gusto ko. Bukas dapat ganito ulit ako o mas higitan ko pa.

Papatayin ko muna ang cellphone  ko at iba pang social media. Isang way ito para makapagconcentrate ako. Editing time na. Babasahin ko ng husto. Ichecheck ko kung may errors. Babasahin ko ng malakas. Binabasa ko din ang sulat ko ng pabaliktad. Opo.

Gaya ng nasimulan ko kanina.

Effective talaga kapag ina-outline ko ang istorya ko. Ang galing. Sa ganitong formula ng pagsulat, mas madali kong naiintindihan ang una, gitna at ending na gusto kong istorya. Natatapos talaga ang sinimulan ko.

Saka ko naman bubuksan ang mga bagong salitang nabasa ko nung kelan lang. Mga naimbak na words sa aking journal.

Mga nakalap kong bagong salitang na di ko pa alam ang meaning, ngayon ko palang nalaman.  Maisasalpak ko na rin ang bagong words na natutunan ko. Baka kasi maboring ang magbabasa kapag pare-parehas lang ang words na ginagamit ko eh. Pinag iisipan ko ng todo ang magandang sulat ko na to. Ang saken, practice lang ako ng practice. Alam kong balang araw, milyong tao ang makakabasa ng sulat ko.

At bago ako matulog. Okay na. Malinis na ang kama ko. Fresh na fresh pa ang bibig ko. Malinis na rin ang buong katawan, amoy papaya na ako upang labanan na rin ang sobrang init na panahon.

Kung may maisip pa na mas maganda. Edi isusulat  ko pa. Noon nga nakasitz bath pa ako habang nagsusulat eh.

At gising pa ako. Ayaw pa akong dalawin ng antok. Sayang naman. Kaya dapat kong sulitin na parang wala ng bukas. Hay salamat. I always embrace this routine and do the hard work.

Inantok na.

Matutulog na talaga ako. Kapag wala na talagang maisip at pagod na talaga, basta ireview ko nalang sa isip ko ang sinulat ko  Gusto ko araw araw ganito. Sa ganitong paraan, gusto ko mamatay.

At ang istoryang ginagawa ko, malalaman niyo din balang araw.

Wednesday, April 19, 2017

LAST LAUGH MO NA YAN!


Paglabas na paglabas ko kanina ng street namen. Villa Barbara Street. May nakasalubong akong ubod ng gandang kotse. Ang tagal kong tinitigan yung kotse, napa-shet ako bigla sa nakita ko, kasi yun yung gusto kong tsikot, kulay grey siya tapos aabot ata sa walo ang pwedeng sumakay dun kasama na yung driver. Basta malaki. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkainggit at pagkalungkot. Umasa ako na sana makabili na ako sa lalong madaling panahon ng sariling baby. haha 

Ayun, naglakad nalang ako ng bahagya tapos parang sinusundan pa rin ako ng kotseng yun. haha Dinedma ko lang. Habang naglalakad ako, bali nasa side ako ng kalye at napapansin kong sinasabayan ako ng kotse na yun, edi wala na akong nagawa kundi iporma ko na yung matulis ko slash payong-na-mukang-sandata . Mahirap na kung maunahan ako. Kung barilin naman niya ako, tigok na talaga ako dun. haha Pero kapag ako naman ang gumanti, sasaksakin ko yung kotse niya. hahaha

Kasi naman, wala naman traffic or wala namang nasa unahan niya(nung kotseng sumasabay saken), kaya naisip ko ngumiti nalang baka kilala ako nun nasa loob. Sobrang tagal niya tumambay sa gilid ko. As in. Habang tumatagal, di naman bumababa yung bintahan ng kotse. Ayaw niyang magpakita sa akin. Medyo kinabahan na ko. Gusto ko na siyang bigyang ng dirty finger. De joke, kunyari inayos ko nalang yung sintas ng sapatos ko. Kung sakali mang barilin niya ako sa ulo, atlis nakaready na ako sa pagbagsak. haha Masakit kaya yung babagsak ka pa sa lupa. May impact din yun ah. At buti nalang umandar na yung kotse na yun. Pero sa totoo lang, bukod sa takot, nakaramdam talaga ako ng ibang level ng pagkainggit. 

Gaya nun. I don’t know why. Bakit ganun. Kahit turuan ko ang sarili kong huwag mag-compare sa iba. (Mga ibang taong kakilala ko.) na di ko mapigilan gawin yun. Palagi akong nati-triggered magselos. Taena. Palagi nalang. (Kapag may nakikita akong di kagwapuhan, ang taas pa rin ng tingin ko sa sarili ko, Charot hahaha). 

Hinde, hilig kong ikumpara ang sarili ko sa ibang tao. I know, everyone has their own gauge for success. Pero di ko ma-motivate ang sarili ko to do a right thing in small situation. Alam ko naman ang dapat kong gawin sa sarili ko eh. Nahihirapan lang ako. 

Love myself more ganun, etcera etcetera. Minsan nalilito lang talaga ako.  Ayoko yung ganitong feeling na tinitignan ko palagi kung ano ang wala ako na meron sa iba. Nagmumukha tuloy akong kawawa. hahaha Oo maganda yung kotse na sumasabay sa kin pero di ko mapigilang isipin na bakit ngayon naglalakad pa rin ako sa kalsada. Deserved ko ba to? hahaha  At huminto nalang ako sa aking paglalakad, tas siguro nakahalata na yung driver ng kotse na banas na ako at saka umandar na siya papalayo. Unang hinala ko, kundi bakla yun or kilala ako nun. Kadalasan naman ganun eh. Baka nga bakla lang yun. Pero wala eh. Wala namang lumabas sa bintana ng kotse eh. Maraming sumisilip sa alindog ko pero di niya ako tinanaw. Ewan ko lang. 

Habang sa naglalakad ako. Iniisip ko kung ano na ba ako as of now. 

That time. Huli na ng namamalay kong kinukumpara ko na pala ang sarili ko sa ibang tao kapag nalaman kong walang-wala na ako, saed na saed na, mga oras na nilalait ko na sarili ko at binubully ko na ang sarili ko na parang ako ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng Carmona, Cavite. haha
Mga tipong 
“Tang ina, parang wala akong ginawa sa buong buhay ko kung ikukumpara lang kay Y”.
Si Y, siya ay yung… basta walang kwentang tao yun. ahahaha Ganun, tapos saka ko nalang sasabihin na 
“Ay,  marami din palang akong ginawa magaganda or natapos na achievements, magkaiba lang pala kame ng hulma ng sapatos at nilalakarang daan. Ba’t ba ako nagkukumpara. Shet”.

Syempre mare-realize ko din na bakit ko kinukumpara ang sarili ko sa walang kwenta. Ako na nga nagsabi na walang kwenta yung taong yun. Adik den eh. Balik tayo sa paglalakad ko. Nasa buendia na ako, at wala akong makitang bus papuntang Binan. Upang hindi ako ma-late sa paghihintay ng bus mayroon akong ‘Plan B ’ na sumakay ng jeep ng dominga at bababa ako sa evangelista. Nakakatawa lang na kung saan ang ruta ng sinasakyan ko ng jeep, dun din dumadaan at sumusunod yung kotseng kanina pa ako pinagti-tripan. Tangina, iba na to. Mukhang may kikidnap sa akin ah. Tinitignan ko ulit yung kotse na sumusunod sa side mirror. Ang bagal lang ng takbo niya. Pero inisip ko din, wala naman akong ganung kalaking pera o ang pamilya ko para kidnapin ako, kaya baka OA lang ako siguro. Baka dun din ang daan ng kotse na yun. Malay natin diba. Sa pagtingin ko side mirror ng jeep, alam kong safe na ako kasi maraming nakasakay at kung may mangyari man sa akin, okay lang marami namang makakakita eh, tas patuloy ko pa rin nakikita yung kotse. Sobrang ganda. Inlove na inlove ako sa kotse na yun. Kahit maliwanag at tirik ang araw, ang ganda ng ilaw ng car sa harap. Tas di ko makita yung driver na nasa loob. Tinted. Astig.

At about dun sa problema ko. Buti nalang bandang huli, napagtatanto ko ang worth ko kumpara sa kung kanino mang tao. Ako ang pinakamagandang nilikha. Alam ko yan. Pina-henna ko na yan sa utak ko. Minsan may sumasagi lang talaga sa isip ko na kailangan kong matutunang burahin at tadyakan papalayo upang tuluyang maglaho at makalimutan.  

Gaya lang siguro to ng asong nadaanan ko sa aking paglalakad kahapon na walang sawang kahol ng kahol at spit ng spit ng bars niya. Kaya naisip ko, gaya din yan ng buhay ko, dapat ko lang gawin ay wag pansinin ang lecheng aso na yun at magtuloy ako sa paglalakad. Marami pang asong kakahol sa akin. Fa-fuckyouhan ko na yan sa susunod.

Pagbababa ko ng jeep, naglakad na ko papuntang Osmena Higway para salubungin yung bus. Sa paglalakad ko, nakita ko na naman yung asong kahol ng kahol sa akin. Nilagpasan ko na yung aso ng mga ilang metro, so pagod na siya siguro, pero nakita ko naman na may dalawang tao na tinatahulan din ng aso, parang estudyante yung mga bata, so ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang magaganda tao, tinatahulan niya. Wow, ganun siya kasipag ah. Araw araw siyang ganun. Halos lahat sinisita. At sa wakas di ko na naaaninag yung kotse na sumusunod sa akin..Payapa na ako. Hahaha Isa pang sunod nun, babatuhin ko ng bato yung kotse nun. Lukaret siya. 

Bumalik na naman ang alaala ng pagkainggit ko sa kotse. Kaya nag-isip nalang ako ng bagay na magpapasaya upang mabago ang takbo ng isip ko. 
At tungkol sa problema ko. Sabi nga nila. Don’t think hierarchy, think journey ikanga. 
Kapag ipinagpatuloy ko pa to, itong pagfocus on everyone else’s journey, malamang matitigil na ang quality attention ko to myself. Uulit ulit lang ako sa ganito. 
*Hingang malalim* 
Ayoko na. 
Dapat. Ahmmm.
Matututo na akong kumalma, ienjoy lang ang biyahe ko at hanapin ang gustong gusto ko.(Kalma, puta kalma.)
Noon, wala akong tiwala sa sarili ko. Binuhos ko lahat ng tiwala ko sa Diyos. Walang natira sa akin. Kaya nasanay akong pinapaubaya ko nalang palagi sa hangin lahat ng pangarap at goals ko. May mga natutupad na hiling at mayroon namang hindi, kaya samakatuwid, mahirap palang sumugal sa buhay na natututo tayong magtiwala at sumandal sa bagay na invisible. 

Kaya kapag di ko alam ang papasukin kong bagay, nagdadalawang isip ako noon. Isang lesson na dapat kong matutunang itatak sa isipan ko. Don’t fear the unknown. 

(At wait, wait, isingit ko na rin, kakalimutan ko na ang kotseng iyon. Ninakaw niya ang puso ko eh. huhuhu)
Kaya ngayon, natuto na ako, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko lang kung magkamali man ako. (Magturuan na kameng dalawa, oops tama ba, dalawa kame?) hahahaha. 

Marami akong pangarap na gustong matupad. Okay lang madapa muli, kasi yun ang naging desisyon ko eh. Kung maligaw man ako ng landas. Di ako natatakot. Tibay at tatag. 
Speaking of pagkatatag. Gusto ko pala yung pinost ng Goalcast sa facebook. Di ko makakalimutan ang sinabi ni BJ MIller sa Ted talk, isa siyang hospice and palliative care specialist who treats hospitalized patients with terminal or life-altering illness at UCSF Medical Center. Ang sabi niya:

We all need a reason to wake up.
For me, it just took 10,00 volts.
A few of my friends and I were horsing around,
we decided to climb atop a parked commuter train.
It was just sitting there with the wires that run overhead.
Somehow that seemed like a great idea at the time.
We'd certainly done stupider things.
I started up the ladder on the back and when I stood up,
the electrical current entered my arm, blew down and out my feet.
And that was that. That night began, my formal relationship with death,
My death. For most people the scariest thing about death, isn’t being dead.
It’s dying, suffering. It’s a key distinction.
So much of the suffering is unnecessary invented, serves no good purpose,
but the good news is since the brand of suffering is made up.
Well, we can change it. How we die is indeed something we can affect.
So, since dying is necessary part of life,
what might we create with this fact,
Parts of me died early on and that’s something we can all say,
One way or another. I got to redesign my life around this fact
And I tell you it has been a liberation
to realize you can always find a shock of beauty
or meaning in what life you have left.
Like that snowball lasting for a perfect moment,
all the while melting away. If we love such moments ferociously,
then maybe we can learn to live well not is spite of death but because of it.
Let death be what takes us, not lack of imagination.
Tama naman diba! the scariest thing about death, isn’t being dead. It’s dying, or suffering. 

Kaya, ayoko ng ganitong buhay. Ayoko ng ganitong pamumuhay. Nakakainis. Pero di ako susuko. Dapat ko tong baguhin. 
Reinvent myself. 

Alam ko na takot na takot akong mamatay. Literal. Alam ko ang tama pero hindi ko sinisimulan. Ayokong ito ang ikakamatay ko, ang paghahanap ng kung ano ano o malalim na kahalugan sa buhay ko. Sagwa nun. Ito na mismo ang hinahanap kong meaning. I will laugh in times of darkness in my journey. Gaano man kadilim ang buhay ko, gumagaan pa rin dahil mayroon akong na-imbak na sense of humor, actually kagabi ko lang naitabi. Ang gusto ko, matitigok ako sa gusto ko. Sa mga oras na to, hindi biro tong ginagawa ko dahil di na ako natatawa sa kalagayan ko. Nakakapikon, pero dapat akong tumawa. Nakakaasar pero dapat tawanan ko lang. Irony ba tawag dun? haha

Habang tumatakbo ang bus, sumagi na naman sa isip ko ang kotse. Upang mabura ko na sa imagination ko ang dream na dream kong kotse, sinulat ko nalang sa notebook ko ang target na amount na gusto kong kitain upang sa gayon, alam ko kung magkano ang dapat kong pagtrabahuhan para makabili ako ng sarili kong kotse, nakakatawa dahil yung number sa plate number ng kotseng nakita ko kanina, parehas sa amount na dapat kong ma-achieve. May coincidence. Secret lang muna ang amount. haha Syempre dadagdagan ko nalang ng tatlong zero yun sa dulo. Wala naman plate number na maraming digits eh. hahaha Ano to phone number?)

Tas dun naman sa mismong problema ko. Dapat siguro bitawan ko na ang mga bagay na nagpapahina sa akin. Ayoko na talaga. 

Magsisimula ako muli. Bagong version ng buhay ko. 

Bagong Ben na ngayon. Mas in-improve na “Ako” na ang gumaganap ngayon. I will seize this moment. I will choose now.
Nandito ako sa empiyerno ngayon, ine-expect ko na ang next nito ay langit na. Lugar na kung saan masaya ako sa gagawin kong trabaho. Dun na ako papunta. Hindi kamatayan heaven. 

Di ko pala nabanggit. Nitong dumaang holyweek. Wala akong ginawang kakaiba. Puro parehas ulit. Dahil sa sobrang init ng panahon, naging antukin ako sa loob ng bahay. Ang init na tumutunaw ng itlog ko na parang gusto na nilang magdivorce.  Pero wala akong magawa, kapag nauuhaw, bababa pa ako sa ground floor para uminom ng malamig na tubig dahil wala naman akong sariling ref sa kwarto ko. Sobrang init. Nakakatuyo ng lalamunan. Imagine na nasa third floor ako at yero lang ang bubong namen, para akong piniprito sa init. Ganun kainit. Ganun din kainit ang pag iisip ko sa nagpapatakbo ako ng sarili kong kotse. Ang saya palang imagining habang nagda-drive ako, na yung asawa ko at at baby ko ay nasa likod ko at nagkukulitan, tinitignan ko sila sa mirror, nakakatuwa silang dalawa tignan, ano ba yan, di na ako nakawala sa kotse thoughts.

Balik tayo sa holyweek. Magbasa man ako ng libro, ang matatapos ko lang siguro ay nasa 50pages lang tapos aantukin na ako kagad. Pag na tulog naman ako, kala mo ginulpi ako sa sobrang lagatak ng pawis ko paggising. In short, walang reflection na nangyari sa holyweek ko. Nagsacrifice ako ng walang kwentang oras. hahaha Di ko alam kung bat di ko sinanay ang sarili ko humilata palagi. Kaya ako naiinis ng walang ginagawa.

Minsan na nga lang to (tong holyweek), di ko pa nagawa ng tama. hahaha

Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Matibay naman ang pananampalataya ko sa sarili ko kahit wala akong nagawang makabuluhan nung holyweek. hahaha
Tutal tapos na yan, move on. Harapin ang ngayon. 
Baguhin ang sarili. hahaha
Siguro dapat kong gawin. Ganito. Ahhmm.
Mauubos ang oras ko kung di ko ie-execute ang mga naging plano ko. Para saken, bumabaha ang ulo ko ng kaalaman ngayon. (Ginusto ko yan eh haha).  Alam ko sa sarili ko yan. Bilib na bilib ako sa sarili ko. 
Tingnan niyo, sarili ko lang talaga ang pinapayuhan ko eh. 
Kapag hawak ko ang lapis at papel at wala akong maisip masulat? Okay lang, atlis iniisip ko parin kung ano ang isusulat ko.  hahaha 
Hahayaan ko nalang bang palaging ganito ako. Syempre hinde. May paraan pa.  Kahit ayokong ganito ako, at ganitong trabaho pero gusto ng puso ko magsulat. Itutuloy ko to. Ilalaban ko to. Maliit palang akong bata, ito na ang gusto ko, ang maging mahusay na writer. Maisasakatuparan lahat. Naniniwala ako.  
Change everything. 
Mali na to. Maghapon hahawakan ko ang cellphone ko para sa facebook. At para sa social life. Pucha, ayoko na ng ganito. Buong linggo na naman akong ganito. Nakakasawa na, baguhin na, parang gago na talaga tong buhay ko. Pero okay lang, mas nacha-challenge ako ngayon. Ang dami kong gustong gawin, at ang daming naiisip. Di ko pa natatapos ang simulang plano. 
(What!!!! Pota. nakita ko na naman yung kotse na kanina ko pa binabanggit. Shet, babae pala yung driver. At infairness, ambilis niya palang magpatakbo. Halos kasabay lang naming siya ng bus.)

Di ako magpapatalo sa sarili ko. Taena. haha
At syempre sa kabila ng lahat, may dahilan upang tawanan ang problema sa gitna ng darkness. 
Dapat akong tumawa kasi ang pagtawa ang gagamot sa kalungkutan ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Sabayan niyo ako. Please. 
Sa tuwing tumatawa ako, gumagaan ang lumbay at lumiliwanag ang paligid ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Dapat akong maging masaya kasi malapit na ako sa pupuntahan ko. Kaya, HAHAHAHAHA!
Mura lang naman ang tumawa. Bat di ko gawin. Kaya, HAHAHAHAHA!
Paraan upang makalimot, pipiliin kong tumawa pa. Kaya, HAHAHAHAHA!
Lahat naman may mahirap na nilalakaran. Ako, iba nga lang yung saken, natatawa pa rin ako. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kahit saan lupalop ng mundo, may nakakatawang bagay. Kaya, HAHAHAHAHA!
Sakit ba sa pangan ang pagtawa. Okay alng yan. hahaha
Pati nga ang Diyos masaya ngayon, sa dami ng ginagawa niya sa bawat araw eh. Kaya, HAHAHAHAHA!
Parang baliw. pero HAHAHAHA. 
Matagal ang buhay ng taong laging tumatawa. Alams niyo yan. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung naiinis ka sa kakatawa ko, baka mauna ka sa hukay. Kaya tumawa ka. HAHAHAHAHA
Wala pa akong nakitang namatay dahil sa kakatawa, pero alam kong maraming namatay dahil di tumatawa. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung di ko kayang tawanan lahat ng nangyayari ngayon, malamang pagtanda ko, mas lalong di ko na kaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Buhay ako at wala akong sakit. Walang dahilan para hindi magsaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Parang baliw ba? Tang ina mo ah. HAHAHAHHAHA
Sayang ang buhay kung di ako magpapakasaya. Kaya, HAHAHAHAHA!
Nakikita ko ang pangarap ko in the future, nakakapag isip ako ng maayos, nakakakilos ng maayos. Maraming dahilan upang magsaya. Kaya, HAHAHAHAHA
Tumawa tayo na parang ito na yung huli. Kaya, HAHAHAHAHA!
Kung ayaw mong makijoin, edi wag. HAHAHAAHAHA
Ang daming dahilan para magsaya. Kulang pa yan. HAHAHAHAHHAHAHA
Yung kasabay kong kotse. Na kanina ko pa binabanggit. Di pala siya babae. Mukhang babae lang. Potek.  Tang ina, Bakla pala siya.  Anubayan. 

Friday, March 31, 2017

TIBAY EVERYDAY


Saludo ang bearbrand sa tibay ng Pinoy. Tibay ng bearbrand. De joke. haha

Seryoso. Mga nagdaang araw. Sobrang bilis ng mga nagdaang araw. Shux. Tila baga sinasabi ng tadhana na bilisan ko din sa pagkilos dahil ang kupad ko daw gumawa ng aksyon. haha #Kabagot.

Ang nangyari kasi, bumalot sa akin ang matinding pagkabored, so extremely bored yung tipong gusto ko nalang tumira sa ilalim ng lupa dahil wala naman akong ginagawang tama in my whole life. haha worst feeling ever. Joke. Siguro dahil karma ito dahilan ng wala na masyadong ginagawa dito sa opisina at wala akong ginawa kundi mag-internet. Amputah. Sabi nga ni Bea Alonzo, “pero bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko?” hahaha Ganyan na ganyan yun saken. Dahil nga nakaharap ang computer ko sa iba at nakikita na nila ang ginagawa ko, bilang isang may hiyang tao at may delikadesa ay di ko pinapakita ang hidden agenda ko kaya naliligtaan ko na minsan ang magsulat sa blog ko. Well, karapatan naman talaga nila makita ang activity ko pero ayoko lang talaga. hahaha At wala din akong karapatan magblog sa opisina. haha Well, anyhow, mas mahalaga ang blog ko kung kanino man. Higit pa sa sapat lang. haha

Nung kelan lang, nitong Lunes marso bente siyete, sabi ko sa sarili ko, “Gagawa ako ng blog, gagawa ako ng magandang blog, sobrang gandang obra”. Alam niyo ba kung ano ang nangyari sa naging plan ko? Wala naman, nakaka-amaze lang ng naging outcome dahil nangyari nga ang drawing ko. Nakulayan ang coloring book ko. haha. Sa madaling salita, umaayon ang  lahat sa akin nung araw na din na iyon. Nawala yung mga ka-workmate sa buhay  ko haha at pumunta sila sa site at ako naman nakaisip ng isang poet tungkol sa pera. Sobrang taba ng poet ko. haha
Sa ganong deal ko nung araw din na yun, natupad naman ang dineklara ko. Kaya naisip ko. Bakit hindi ko araw arawin yung ganung eksena? Yung mga ganung salita. Tama, diba!? Pwede. Pwede.
So naisip ko, paano pa ako makaka-create ng eksena na mas makakagawa pa ako para sa passion ko.

Eto, ishe-share ko senyo kung paano ang naging teknik ko sa execution na iyon. Makinig.

1. Magdeklara ka ng Pagbabago.
Sa gabi, bago ako matulog ay nagkakamot muna ako ng itlog este ng likod kasi mainit at maalinsangan, haha Ang totoo niyan, every night sinasabi ko sa isipan ko na di muna ako babangon kaagad kapag nagising ako bukas. Naging mindset ko na yan, maglalaan ako ng ‘5 minutes’ na nakahiga sa kama pero dilat na ang mga mata ko nun. Kung ano sinet ko sa mind ko kagabi ay ganun ang mangyayari bukas ng umaga. At ayun, nangyari naman siya, tuwing gigising ako, di muna ako tatayo. Iisipin ko muna ang good things na pwede kong gawin ngayon para sa buong araw. Or kaya naman minsan tinatype ko nalang muna sa notepad ko sa phone ang mga plans ko. Tutal,  alarm din naman ng phone ko ang mag gigising sa akin, so dun ko nalang din ilalagay. Di naman big deal yun diba. Tapos sasabihin ko na yung mahahalagang mga sinulat ko.

Ang output, maganda ang kinalabasan. Pasok na pasok teh.
Lahat ng to nangyari at masaya akong sabihin senyo na positive ang naging resulta ng idea ko bago ako gumising.
(Kita niyo yun.)
Bigyan ko kayo ng sample.
Kapag sinabi kong “hindi ko na gagawin ang mga bagay na ayoko tulad ng blah blah blah.” Mangyayari siya lahat.  Ang hinuha ko diyan, siguro dahil mas madaling gawin yung mga iniwasan nateng gawin. Kung ikukumpara ko naman sa iseset kong goal na gusto kong gawin, ang saken, mahirap kasi baka maaaring matukso ako sa dati kong wrong habit. (Well, medyo magulo ang explanation ko, pero to make it short, mas madaling gawin ang bagay na iiwasan kong gawin, basta ganun.) Gets na? Okay na yun.
Basta, sasabihin ko lang sa sarili ko na opportunity tong araw na to para gawin ang gusto ko at itama ang mistakes ko kahapon. Iiwasan ko na tong ganitong bagay. Ganun.  Nung sinabi ko yan sa sarili ko, takte, pag uwi na pag uwi ko sa bahay, na gabing gabi ay nagtataka nalang ako at nasabi sa sarili “Bakit umuwi akong smooth ang lahat, ano meron? natapos ko lahat ng dapat kong gawin na parang di pa ako pagod” Samantalang kasi noon, tuwing umuuwi ako, halos lupaypay ako. Yun talaga mismo ang nangyari sa buhay.
Napakasimple lang ng hangad ko sa buhay. Ang masayang buhay lang. Yun lang naman.
Kaya sobrang ganda ng mga mangyayari sa sakin sa tuwing inihahanda ko ang isipan ko for the whole day activity. Sinasabi ko yung mga magagandang salita. Dinidiktahan ko ang sarili ko. Nagiging kontrolado ko ang mga nais kong gawin.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. ‘Shet, ngayon araw na to. Magiging smooth ang lahat.“
2. “Fuck, today, kailangan kong maging successful sa activity ko.’
3. “Puta, hahawaan ko sila ng positive vibes ko. Gagalisan ko sila ng good words.”
4. “Taena, ice-celebrate ko ang ganda ng buhay ko. Walang makakapigil.”
5. “Shutangina, gagawin ko ang gusto ko. Humarang, tumba. “

2. Feel na feel mo dapat, Beks.
Hindi lang sapat na isinet ko lang ang mind ko sa mga positive things bago ako lumabas ng mansyon.
Hindi nawawala ang affirmation ko na dapat ramdam na ramdam ko ang gusto kong mangyari sa buong araw. Imaginin niyo nalang ang isang boksingero na handang handa ng sumabak sa ring at makipagbakbakan sa suntukan sa kanyang kalaban. Opo, ganun kalakas ang energy to the maximum level, at ganun palagi ang ginagawa ko araw araw. At maniwala kayong maganda at positive lahat ng nangyayari saken. May times na mangyayari ang di inaasahang pagkakataon pero ang sabi ko nga, kung ready ako in the first morning of the day. Anumang balakid sa mga objective ko, anumang stress na dumikit at makita ko sa palagid at anumang ka leche leche at ka-bwisit na problemang kaharapin ko kapag handa ako sa buhay at alam ko na mayroon akong dapat tapusin, maisasakatuparan yan lahat kung may baon akong malalakas na words na mag papa-uplift saken. Gay own. Ganap na ganap ko na siguradong sigurado akong makukuha ko to. Ganun ang thinking ko. Sigurado din ako sa sinasabi ko. Mangyayari. Ito ang magpapatibay ng loob ko para sa pagkayod. Damhin ko ang presensya ng sarili kong power and energy gamit ang malalakas na salita.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Ilalaan ko ang buong oras ko sa gusto ko ngayon. Ngayon. Now!”
2. “Handa akong maging mayaman at maging mapayapa ngayon. Inshala.”
3. “Ako magkokontrol ng buhay ko. La’ kayong pake. Walang magtatanong ng patanga, please.”
4. “Masaya ako ng sobra sa buhay na to. La’ kayong pake ulit. Tse”
5. “Lumalapit sa akin ang mga good vibes.”

3. Ulit-ulitin mo, Bes.
Di naman siguro tama na sa Lunes ka lang nahuhumaling na ma-achieve ang goals mo at pagdating ng Martes medyo humihina ka na, medyo naguguluhan at pagdating ng Wednesday ay nakaligtaan mo na ang Word of wisdom mo. Mali naman ata iyon. At tapos bigla mo lang maaalala na Thursday na at wala na talagang choice kundi magstart nalang muli nextweek. Nyek.
Talagang mali na. Dapat araw araw, tuwing umaga, walang palya. Kagaya din ng pagto-toothbrush mo, malaki ka na, wala ng magdidikta sayo na bago ka umalis ng bahay ay kailangan mong magsipilyo kasi talagang nakakahimatay ang hininga mo, par. Ganun din sa pagpapatibay ng loob naten para sa maghapong gawain. Dapat inuulit-ulit para makasanayan at ready sa lahat ng hamon. 
Eh paano yan kapag nalasing ka mamayang gabi at pagdating sa umaga, eh nakalimutan mo na ang ginagawa mong strategy tuwing morning para makamit ang mission mo. Edi sira ka na. Sira na ang momentum. Kaya dapat araw arawin gawin to. Stay disciplined. Enjoy your life. Make your dreams come true.San ka man mapunta, atlis alam mo ang dpat unahin.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Malaking opportunity ang darating saken ngayon.”
2. “Pupusuan ko ng husto ang trabaho ko.”
3. “Punong puno ng pagmamahal ang buhay ko ngayon.” 
4. “Karapatan kong magkaroon ng kapangyarihan at kaligayahan.“
5. “Sumusunod ang malaking kita/pera saken dahil sa talent at sipag ko.” 

4. Kaugalian mo to, Tsong.
Bitin pa ako sa sinabi ko sa number 3 eh. Gusto kong i-elaborate pa senyo na dapat wala ng madidikta sayo o kung sino man na dapat mong gawin o maipanalo sa bawat pagmulat ng mata mo. Heto pa. Tulad ng magkaroon ng ayaan ang mga friends mo na inuman mamayang gabi. Syempre kasiyahan yan, (ako gusto ko rin ng inuman eh, sino bang may ayaw, hahaha) minsan lang yan ngunit kung aalalahanin mo kaninang umaga, target ng mind mo na dapat may maproduce kang blog ngayon. Kunwari lang naman ang blog, sample lang yan, kung hindi mo naging habit ang ganitong system na sinasabi ko at magpapatalo sa alok ng iba at kakagat ka nalang sa mga sasabihin ng ibang tao or offer ng ibang tao, mananatiling kang dahon na nililipad lang kung saan saan diyan diyan somewhere ng mga malalakas na hangin. Something like that. Paligoy ligoy  ka sa pupuntahan mo, beshy. Kung ganun lang din naman ang magiging attitude natin. Wala talagang mangyayari sa sangkatauhan. Kaya matutong magpriority. Kaya dapat palagi. Oras oras iniisip at navi-visualize ang magandang picture na maco-complete mo ang lahat ng hangarin mo. Nang sa ganun, hindi tayo naliligaw. Ganun po iyon. Dapat kaugalian ideklara sa sarili ang gustong maging finish product.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Nabubuhay ako sa napakamasayang mundo.“
2. “Okay na okay ako sa buhay ko ngayon. Masaya.”
3. “Today, marami akong matutulungan at makikilalang bagong tao.”
4. “Ang dami kong kaibigang handang sumuporta saken. kahit mga bully sila minsan saken.” 
5. “Ang ganda ng luto ng Diyos sa buhay ko. Malinamnam.”

5. Maniwala ka, Brotha.
Kadalasan ang dahilan sa mga relasyong naghihiwalay ay hindi totoo ang ipinangako niya sa kasintahan niya lalo na sa isang kasal. Napilitan lang. At may trust issues. Ganun din kasimple ,kung hindi tayo magtitiwala sa mga  bagay na alam nating magwo-workout sa atin. Wala na. talo na talaga. Kung di ka magtitiwala sa sarili mo na kaya mong maabot iyon. Di mo talaga maaabot kasi nga wala dun ang puso mo. Kaya payo ko sayo friend, pagsabayin mong pagkumbinsihin ang puso at isipan mo na kaya mong harapin ang mga problema at maniwala kang magtatagumpay ka today dahil nagtiwala ka ng 100% sa sarili mo. Mangyayari iyon. Maniwala ka na ngayon araw na to na magagawa mo ang gusto mo para sa kinabukasan mo. Maniwala kang isa isa, mauubos din ang mga nakalista sa mga goal list mo dahil nagtiwala ka ng husto sa sarili. Paulit ulit ba ang tiwalang sinasabi ko? Ganun talaga. Magtiwala ka lang.
At ang huli, maniwala kang mas mag iimprove ka pa. Lahat ng to mangyayari kung maniniwala ka lang.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Eto ang gusto kong buhay. Maligaya.”
2. “Magtatagumpay ako, Pramis.”
3. “Araw araw halos birthday ko. Walang kokontra.”
4. “Isu-surprise na naman ako ng buhay.”
5. “Matutupad lahat ng pangarap. Ang tumutol, tigok.” 

6. Tuparin mo at kumilos ka den, Repa.
Walang saysay lahat ng sinabi ko dito kung di mo rin naman gagawin. Diba? Tama ba. Magtiwala ka man. Sabihin mo man sa social media lahat ng gusto mo pero kung di mo naman gagawin, nganga pa din. Ano pang bisa na gusto mong kumita ng malaking pera ngunit wala ka namang ginagawang aksyon. Walang ganap. Sinong niloko mo bes. Syempre ang sarili mo lang din. May pasabi-sabi ka pang araw araw gusto mong pumayat pero kaen ka ng kaen ng liempo, Baboy ka. Di ka na makilala ng mga kaibigan mo sa sobrang lobo mo. Napagkakamalan ka na nilang drum. haha
Kaya please. Napakamahalaga ang pag-execute sa gusto natin marating, just work for it. Parang ganire yan eh, sumakay ka sa elevator at pinidot and nilagay mo yung sarili mo sa 8th floor kasi dun talaga ang place na gusto mong puntahan pero ayaw mo naman lumabas ng elevator nung nasa 8th floor ka na  kasi natatakot ka na baka mali yung place na nilapagan. Sayang kapatid.
So, mga friend, dapat kilos kilos den. Push kung push.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Pag-ibig. Ako ang pagibig.”
2. “Ang daming dapat ipagpasalamat ngayon.  Nakakahinga ako ng maayos. Salamat. “
3. “Positive energy, sapian mo ko. Madali.”
4. “Inspired na inspired ako sa buhay. Sa magandang buhay.”
5. “Handa akong matuto sa lesson ng buhay.” 



Tuesday, March 28, 2017

I'M THE ALL OF THE ABOVE



Nagwakas na sa pagkatao ko ang ‘pabebeng’ mentalidad.
Noon komedyante, pakenkoy. Ngayon, mataas na ang standard.
Tinanim ko ngayong buto. Bukas din ang tubo.
May sakit ata ang money tree ko, pera ang inuubo.
Commited ako kada pitong araw, 
Gusto ko laging may resulta.
Sa larangan na to. Unti unti akong nagiging halimaw. 
Nagninilay ng isang oras na parang budista.
Naging tahimik at gutom sa goal na lumapang. 
Sorry. Huli na ng sinabi ko ang susunod kong hakbang. 
Wag kang papatalo. Wag kang susuko.
Tado. Umuulan ng pera. Wag kang magpayong. Magdala ng sako. 
SAyang. Wala ka nung nakapagtayo ako ng sarili kong emperyo.
Sa sunod sunod na cash flow na gusto ko ng mapa-Tang..
Inang matabang piggy bank ko na may cheke na yan.
Bukas niyo makikita. Tsong, this is sick. 
wala ng paligoy ligoy.
Mahirap palang huliin ang biik. Boy
Mas nadaliin ako sa malaking baboy.
Sayo ang isang unit ng condo. Pangarap ko.
 Saken yung building at dyan kame magsshow.
Oy, wag mong sabihin mayabang ako.
Regalo to ng Diyos na pinapalago ko. 
Kailangan ko daw maging mayaman.
Kaya mas dinagdagan ko pa ang aking kaalaman.
Kailangan ko ng pera. Di lang ako missionary kundi visionary pa.
Walang salitang “millionary” pero kung magkakaron dahil saken pa.
Wag mo kong panlisikan ng mata. 
Gayahin mo ako. Labanan mo ang takot mo.  Di ako galit sayo.
Nangangati lang ang aking mga kamay. 
Natraffic lang ng konti ang pera aking hinihintay.
Matira matibay. Aking buhay ang alay. 
Ano sa tingin mo? 
 Pangalawa sa Forbes? di na din pangatlo? Siguro Pang uno gusto ko.
Mahalaga sa akin ang papel. Ito ang aking papel.
Balak ko bumili ng yacht mamaya. Pero papahinga muna.
Tutulungan kita mamotivate. Yan and dapat mauna. 
Ang bibigat ng perang nasa utak ko.
 Masasayang pag  ako’y yumuko.
Pero pag tumingala naman ako. 
Baka lang mayabangan kayo. Kaya Turn on.
Busilak na pusong ginto. King inang kinang,
 kumikinang ako ngayon.
Nagkatotoo na ang Law of attraction. 
Talent ko ginamit ko. At pagkahumaling sa trabaho.
Diskarte ni Gary Vaynerchuk at talino ni Warren Buffet ho. 
Kamusta naman yung wallet mo, Bay? 
Matututo ka kasing magbigay.  
At ano sasabihin mo?
Dahil lang sa pera kaya ka ako masaya? Kaya ako nagkakaganito?
Di ako mabubuhay kung walang pera? Talaga ba? Mali. 
Sapat bang dahilan ang kakulangan ng pera kaya ka gumawa ng masama?
Paano kung sobra sobra naman ang pera mo, magnanakaw ka pa rin ba?
Pera ba ang nagpapaikot ng mundo o tayo ang pinapaikot ng pera?
Men, masyado kang malalim. Wag niyo na akong bilugin. 
Di na big deal saken yan cus I’m a rich man. 
Bibili ako ng mamahaling wine. And I don’t care.
I have a big mind, I’m a premature millionaire.
Kailangan ko ng maraming pera, marami akong gustong paangatin.
Buhay ng iba at pamumuhay natin.
Lahat ng kailangan ko. Kailangan na kailangan ko.
Wag kang imporkrito.
Kung wala kang pera, hindi ka magagamot ng doctor. Ulol.
Di ka makakabili ng gamot. Bungol.
Hindi maililimbag ang bibliya kundi dahil sa pera ninyo.
Mahalaga ang pera. Kaya walang makakapigil.
Sa aking gigil, importanteng oras ang aking kinikitil.
Palaki ng palaki ang income. But I’m chill.
Di ko na alam kung bat nagkaganun.
Baka siguro nasaken ang puso ng isang kampeon. 
Makakabuo ako ng korporasyon. I’m a man of substance. 
Lose you. Di ko na kasalanan. Saken mahalaga bawat tons.
Lucio. Kaya kong tapatan kahit Pamilya ng mga Tan's. Lucio tan.
Maghihintay ka nalang bang dumating ang pera?
O ikaw ang maghahanap ng pera?
Pera ba ang nagpapasaya sayo o ang bagay na ginagawa mo
na nagpapasaya sayo kaya ka nagkakapera?
Magkano ang halaga mo? Limang daan sa isang araw?
Sa isang araw, ano lang ang mabibili sa limang daan? Siopao?
Papayag ka nalang ba na salat? Inuutangan na halos lahat?
At namomroblema palagi sa pera, amputa? Araw araw?
Anong laman ng isip mo? Pagkaduda? Hoy mali ka tungaw.
Ang katotohanan, 
Madaling kitain ang pera kung mayaman ang isip mo.
Pipiliin mo ang itatanim mo.
Utak mahirap na lalong humihirap o
mahirap na utak mayaman upang maging mayaman?
Di na uso ang maglakad, par! kailangan mo ng pera
upang makapunta sa ibang lugar.
Bakit mas pinili mo lang pumantay sa lahat?
Kung pu-pwede naman na humehele ka sa pangkat.
Sa busog. Bloated palagi and I love this. 
Hinahanap ko palagi ang Big Cheese.
Tawagin mo akong Big time na Santa Claus. 
Isa akong matabang pusa. Huli lahat ng mouse.
Bakit ka magtitipid? Yan ba ang dahilan ng buhay natin. 
Sa trade and industry. Ako'y nag invest. 
Dagdag sa titulo ko ang pagiging capitalist.
Ang magtiis? Mabagal ka, be a Beast. 
Slow ka. Tinitignan lang kita sa side mirror
habang nagpapatakbo ako. Cuz I want more.
Formula ko ang cash flow. I can blow a million peso.
Ayoko ng buhay mo na nakakahilo.
Ayokong magbilang ng pera mo, gusto ko saken timbangin, kilo kilo.
I admit. Naging bingi ako sa pagkagipit. Lagi ka nalang kinakapos, shit.
May trabaho ako noon pero di ako masaya.
Nanilbihan sa mga hapon. Lahat ng pagod kinakaya.
Tapos na ang pagiging adik sa picture. 
Tapos na ang kahibangan ko sa holy scripture.
Nagsimula kameng magkakaibigan bilang grupreneur.
Tas bigla kang sasabit saken. Are you sure?
Kaya ngayon, 
Yumaman ako sa pagsusulat. Ideya ang binayaran sa akin.
Hindi na redhorse, jack daniels na. Lahat ng alak sa akin.
Pagmulat ng mata ko, kasiyahan agad ang nakikita ko.
Malayo na narating ng pagiging ambisyoso ko.
Gusto ko palagi power. Kuryente ng kapanyarihan ko ang
magpapa-spark. Paki dala tong kotse tas dun mo park. 
Para saan ang kamay kung di kayang magparami.
Sunugin ang mga papel na to. Kung di rin naman dumadami.
Bakit parang bumabalik lang ang kinikita ko?
Bumu-boomerang ang pera ko
O naging ibon o lbc na ba to?
Pera, kapangyarihan , respeto at peace of mind. Hangad ko.
Para akong may hinahabol sa pagpapadami ng pera ko.
Hinihingal na ako. Hihinto? Hinde. magpapahinga lang ho. 
Im so hot. Kung ang pera ay katumbas ng kapangyarihan. 
Sisimulan ko ng gumawa ng makina under the sun.
Hataw sa trabaho. 
Bayaran mo ako ng malaki. 
Di ako tatakbo.
Mabibili ko ang sarili kong damit. Kayo na mamili. 
Idesenyo mo. Susuotin ko uli. 
Tang ama ka. 
Handa ako palagi sa kaaway. Wag kang pasaway.
Ikaw lang?
Matalas ang mata ko sa mga magugulang.
Mamahalin ako ng kaaway ko dahil sa aking salapi.
At ang pera din ang papatay sa kin hanggang sa akoy kanilang magapi.
Kelan ba naging mabuti ang pera, kelan?
Mahirap ipaliwanag kung mabuti ka lang.
Oo. Talaga. Lifestyle ko ang kumita ng malaking halaga.
Bukas, makikita mo ang aking Range rover na puno ng pera sa bag.
Kung sa dilim, di mo ako maaninag.
 Ipapakita ko sayo ng banayad.
Magsusuot ako ng eight-one carat stones sa aking leeg.
Paano ko lahat yan nabili? Pinagsikapan ko yan, I don’t beg.
Sumakay ka sa kotse ko. Magmadali. Aalis na tayo.
Gusto ko. ginto ang orasan ko. 
Ayokong mag ubos na para lang sayo.
Diyamante ang ilaw ko. Di ko na kailangan ng spot light mo.
Pinapaulan ko ang pera. Sinasaboy para madampian kayo.
Kung di mo naitatanong. Gunggong.
Sa dami ng pera ko pwede ako magtayo ng limang bangko.
Suso at pera pawang magkasinglaki gaya kay Quinto. 
Ayokong hawakan ang mga pamilya ko, mahal ko sila
lahat ng hinahawakan ko nagiging ginto.

Wednesday, February 15, 2017

KWENTO NG ISANG CAREER CHANGER WITH JESSICA SOHO




Jessica: Kamusta ka na, Ben?

Ako: I’m fine. Okay naman po, Ms. Jessica. hehe

Jessica: May napansin akong kakaiba sayo, di ko sure kung napansin din nila iyon. (Malagkit ang ngiti saken ni Madam, Sagad. Sukdulan. Intense).

(At ang reply ko sa kanya, Sasabihin ko in a way “Eto po ba yun?”  Ipapasilip ko ng konti yung abs ko kay Mam Jessica para kunwari nahihiya ako sa katawan ko. hahaha)

Jessica: Hahaha pilyo ka talaga Ben. Ayoko niyan. haha Palagi ka bang nag-eexercise or gym? Ako kasi palagi din eh.

Ako: Naks naman po. Good for you po, mam. Yes po. Daily po ako. Takbo. Exercise. Gym. Palagi po yan.

Jessica: Eh ano motivation mo sa exercise? Kung tatanungin mo ko, parang ayaw ng gym saken. huhuhu Kaynes.

Ako: Oy hindi naman po. Nag-iingat lang po siguro yung mga may ari ng gym. hahaha

haha Siguro po yung pagiging sakitin ko last last year ang naging motivation ko. Kaya palagi kong mindset sa sarili ko “Dapat mas lumakas ako ngayon”. Ganun lang po. Pabaya po kasi ako noon sa katawan ko eh. Kadalasan, di na napapansin ang katawan ko. Puro mukha nalang po. Bastusan na talaga sila.

Jessica: Hahaha Palabiro ka talaga Ben. Tinignan namen yung mga dati mong pictures. Nakakadiri este sobrang payat mo dun ano. hahaha

Ako: Galit po ba kayo sa mga payat Ms. Jessica? De joke lang po. Opo, yun po yung sobra akong sakitin. Ang daming dumadapong sakit sa akin, buti nalang hindi severe. Dala po iyon ng stress. Pero wag ka.  Sobra po akong thankful dahil nakakapag exercise ako ng todo todo everyday. Hmmm. Sobrang saya ko po.

Jessica: Nice. Pero atlis okay ka na. Yun ang mahalaga. Kala namen cancer survivor ka eh. Joooooke.

Ako: Ay ang hard niyo po. hahahaha

Yah. Super po. Sobrang okay po ko ngayon kesa dati.

Jessica: Maiba naman tayo. Alam naman nila na writer ka diba. Pero anong work mo noon?

Ako: Well, dati po akong Cad Operator. Ako yung nagdo-drawing ng mga plans ng mga details in construction. Bali, nasa field ako ng Electrical and Mechanical Engineering construction.

Jessica: Aah ganda pala. Eh ano na ginagawa mo ngayon? (Yung di pa nila alam na activity mo)

Ako: Now, nagsusulat ako sa isang TV Network para sa gag writing. Gumagawa din ako ng sarili kong books. Actually, I have three books. Tapos sa gabi naman, kumakayod ako bilang isang stand comedian. Ganun po.

Jessica: Wow. Ang dami mo palang work noh. Ang galing mo.

AKo: Hindi naman po. Idol ko nga po kayo eh. Kayo po ang pinaka-kilalang news anchor sa balat ng lupa.

Jessica: Thanks.

Ako: Bali po, ang secret lang naman po. Balance lang po sa work and exercise.

Jessica: Gagawin ko yan, Ben. Hu u ka saken pag pumayat ako. haha  So, dati kang draftsman at ngayon ay writer na. So, bakit ka nagbago ng work?

Ako: Namindfuck po ako. De joke. Kasi noon, di ako masaya sa ginagawa ko. I felt no passion for the job and couldn't envision myself as a draftsman. College palang ako, brokenhearted na ako dahil mali ako ng piniling kurso pero ipinagpatuloy ko nalang para masabi lang na nakatapos ako. haha Kaya nung nabigyan ng opportunity, kinagat ko na. Di ko na binitawan ang work ko sa writing and comedy.

Jessica: Nakakahanga naman.

Ako: Salamat po.

Jessica: Kelan yung moment na naisip mong kailangan mo na ng changes sa buhay mo?

Ako: There was a day when a few things happened na wala akong naiipon. Mga times din na ang dami kong nasasayang na oras dahil naubos na sa 8-5 hours of work. Dun din yung panahon na ang dami ng dumating na responsibilidad sa buhay ko. Naiinggit na ako sa mga kasabayan ko. May mga bahay na sila at nakakapagpundar na dinsila. Ako wala pa. hahaha Kaya yan yung ginamit kong inspirasyon para umunlad.

Jessica: (Smile si Ms Jessica) Eh ano naman yung mga namiss mo sa work noon at mga di mo na-miss?

Ako: Namiss ko siyempre yung mga katrabaho ko. Palagi ko kaya silang pinapasaya eh. haha Saka nagkukulitan kame lagi. Mamimiss ko talaga sila ng sobra. Di ko mamimiss kyung mga sermon sa akin ng boss ko sa tuwing ako ay nagkakamali. hahaha Ako na ngayon ang magpapatakbo ng buhay ko. But after all. Masaya pa din ako.

Jessica:  Are you happy with the change?

Ako: Gaya nga po ng sabi ko kanina. Super duper happy po. Natatawa na nga lang ako eh. I can't imagine my life before! iiiw. Di ko na maimagine yung sarili ko kung babalik pa ako dun. Ayoko na.  Sobrang saya ko ngayon. The lesson for me was that if you don't like something, you change it. It's not that complicated.

Jessica: Paanong process mo napalitan ang career mo?

Ako: Hay Jusqqq. Habang nagwowork ako sa Engineering construction, pinilit kong mag apply apply sa ibang kumpanya. Hindi pwedeng huminto eh. Marami akong obligasyon sa buhay na dapat gampanan. Abante lang ako sa paghahanap ng bagong work environment. Kailangan tuwing morning, nakamindset na ang isipan ko na hahanap ako ng bagong trabaho na gusto ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na “Hindi habang buhay, nandito ako, gagawa ako ng paraan upang makapunta ako sa work na gusto ko.”

Jessica; Maganda yang sinabi mo Ben. So, hindi din talaga naging madali ang pagpapalit ng bagong work, ano?

Ako: Napakahirap. Dumaan ako sa matinding frustrations halos araw-araw sa loob ng 5 years.

Jessica: Grabe pala. Ano yung mga steps na di umaayon sa mga goals mo noon? mga wrong turns?

Ako:  Syempre, nandyan na yung ayaw akong paalisin ng boss ko. May mga application na hindi umubra ang skills ko kaya hanap ulit ng iba. Sa sobrang desperado ko kasi, bahala na kung magkamali. Yun nalang ang inisip ko.

Jessica: Naapektuhan ba ang financial mo? Paano mo na ihandle ang pera mo sa pag alis sa bagong work?

Ako: Gusto ko talaga bago ako umalis sa work ko noon, dapat may back up akong money. Dapat nakapaghanap na ako ng bagong work na sure na sure na ako dun tapos saka na ako magpapasa ng resignation letter.

Jessica: Dapat lang yan. Ano ang pinakamahirap kapag magpapalit ng trabaho o karera?

Ako: Patience. Gusto ko noon mangyari kagad eh. haha Kaya ngayon natuto ako na lahat ng isipin naten ay darating pero may right time talaga eh. Ang mahirap lang ay yung hindi ko na iisipin. Wala talagang mangyayari nun sa sakin. Kailangan didiktahan ko ang sarili ko parati, “Kaya ko pa, kaya ko pa”.  At yung pinakamahirap ngayon yung uncertainty of whether the change would ultimately be successful or not.

Jessica: May hiningi ka bang tulong sa iba?
Ako: Kinausap ko yung mga kaibigan ko nung college. Mahirap sarilihin ang problema ko noon. Mga taong nakakakilala ng lubos sa akin, kinausap ko. Malaking tulong din ang support na binigay sa akin ng family ko. Napakasupportive nila na alam nilang naghahanap ako ng bagong work.

Jessica: Nice naman Ben.

Ako: hehe
Jessica: Last, ano ang natutunan mo sa lahat ng ginawa mong pagbabago?

Ako: Take risk talaga. Kung di ko gagawin. Walang mangyayari. Kung di ko bibitawan ang ibang activity na dapat kong gawin. Mawawalan ng saysay ang main goal ko. I’ve learned so much in the faith. Kailangan tiwala ako palagi sa sarili kong makakamit ko ang goal ko. Makakapunta ako sa gusto kong puntahan. I visualized everything and I believe in myself.  Di ko binitawan ang tiwala ko sa sarili ko. Dumating din sa point na dapat kong i-let go ang expectations at i-enjoy lang ang journey. That’s as much about that as it is about the destination. Saka dapat  always stay open to opportunities kapag magpapalit ng bagong work.

Jessica: Wow. Ano sana ang wish mo noon bago ang lahat ng ito?

Ako: Sana mas inagahan ko pa. Sana noon palang ginawa ko na. I wish I'd had more faith and stopped to smell the roses along the way.

Jessica: haha Tama ka dyan Ben. Maraming scenario na ganyan na hindi sinimulan noon palang. Ano ang mairerecomenda mong tools para makatulong sa kanila na gusto ring magpalit at naguguluhan din sa work nila?

Ako: Sabi niyo po kanina last na yung tanong niyo. hahaha Kung ano ang meron po sila ngayon. Sapat na yun para makapunta sa paroroonan. Taray paroroonan. Gamitin lang naten ng tama ang internet at smartphones para sa job hunting. Always open the door. Di naman naten alam kung ano ang nasa loob ng papasukin naten eh. Laging may supresa sa loob nito.

Jessica: Clap. Clap. Ano ang maipapayo mo sa mga taong nanonood sayo? Lalo na sa mga fans mo.

Ako: Simple lang po. Sa lahat ng nagmamahal saken. Eto po ang maipapayo ko. Get out of your comfort zone . Yun lang po.

Jessica: Palakpakan natin muli. Mr Ben Estrella.
Ako: I love you all.


Yes. Oo. Pinangunahan ko na ang future. hahahahaa

Wednesday, February 8, 2017

FRIENDS WITH BRAIN BENEFITS




Back in the days when I’m so young, 
Ang nareremeber  ko lang na i-wish palagi taon taon ay ang takbo ng pag-iisip ko at ang warrior kung katawan. haha (Yes! Tama po kayo ng nabasa.) Kasama po talaga ang utak. Di nawawala sa panalangin ko yan linggo linggo sa buong taon. Eh tangina kasi, di ko kasi makontrol minsan ang rampa ng isip ko. (hallucination ba tawag dun? haha Di ko sure). May oras talaga na kung saan-saan napupunta ang gusto ng isipan ko, lutang, madumi ako mag isip pero walang output kaya ang kalalabasan minsan ay humihina ang katawan ko at nagkakasakit. 

Ang pinagtataka ko lang. Mahilig ako magpray sa family ko. Lalo na syempre sa sarili ko. At bihira ako magdasal para sa mga kaibigan ko. Pati na rin sa girlfriend ko. Pwera nalang kung may sakit sila or may problema sila. Ang ibig ko lang sabihin, napaka-blessed ko masyado sa mga kaibigan at girlfriend ko. Minsan ako lang talaga yung nawawala sa sirkulasyon or hindi nagpapakita dahil sa kakagala ko. haha Saka may jowa na ako. 

Masaya na ako sa biyayang ipinagkaloob sa akin sa kakaunting ‘ka-repa’ na meron ako pero sulit naman kung ko-computin. At sulit din sila sa akin. haha

Kapag nag-aadopt ako ng mas positive crowd and perspective. Malaki ang changes.

Kung tatanungin niyo lang. Nasa honor/top or dean’s lister ang mga kaibigan ko. (Walang halong biro). Ako lang talaga ang hinde. hahaha De joke. Nung elementary ako, nag third place kaya ako. (Wag ka.) Ang sipag ko kaya nun.  Pagmalaki niyo naman ako oh. haha

Kaya na-realize ko ngayon. 

Matalino ba ako kaya mga kasama ko matatalino o binigyan lang talaga ako ng mga taong magbibigay sa akin ng malaking help o impact sa sarili ko?

Until now,Ang sagot,  I don’t know. 

Ah basta. Subukan kong ielaborate senyo. 

Sige game. Try naten. Balikan ang nakaraan kung may kwenta ba talaga ang mga kaibigan ko. haha

Unahin naten nung panahon sa elementary ako. (Hindi naman kasi pwedeng mauna ang college eh, diba?). 

During my school year. Kadikit at katropa ko noon yung mga matatalino sa klase. Para sa akin, matalino sila. Isa si Angelito diyan. (Di ko na alam kung nasan na siya ngayon. Dead or alive pa ba siya? Napakulit niya noon. As in. Pero di niya kaya ang powers ko. Mas bully ako. Ako lang ang bumabasag ng kulit niya noon. Siya kaya ang dahilan kaya na-motivate ako na mag aral ng todo. At kengkoy na matalino pa siya. Dahil na-inspired ako sa kanya, nagpakabibo ako ng husto noon sa klase. Nagsipag ako. Sinacrifice ko muna ang bakasyon with basketball sports ko at nagfocus sa pagpapakahenyo. Sinubukan kong magmemorya ng mga words na mga weaknesses ko. Tiniis ko ang hirap ng buhay sa Math. Ginapang ko ang pag-aaral ng salitang English. Tapos  sinabayan ko pa ng ka-comedyhan.  At sa kasamang palad, bumaliktad ang mundo, siya naman ang nagpabaya sa pag-aaral. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, kay Angelito. Tunay ko siyang kaibigan na hindi ko na nakikita hanggang sa ngayon. Ewan ko kung tunay pa baa ng tawag dun? Nang dahil sa kanya hindi ako matututo sa kahinaan ko. Marami din siyang tutorial saken noon kung paano gumawa ng English sentence. Kapiling ko siya palagi sap ag aaral. Para kaming magkapatid sa sobrang dikit. Kasama ko din siya noon sa mga Science Quiz bee pati MTAP. Kaya natutunan ko sa kanya. If you want to be your best you must surround yourself with the best. But in terms of our friendship, take note, siya ang dumikit sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Sobrang huge ng influence niya sa akin. Siguro nga magaling lang talaga ako pumili ng kaibigan. haha Marahil may mga kaibigan din kayong mas matalino pa sa mga kaibigan ko, pero syempre mahirap sabihin kung sino ang mas pinakamagaling. Diyan makikita na may mga tao lang talagang huhubog ng pagkatao naten. Si Angelino na katunog ng benito, isa siya sa naging inpirasyon ko kaya ako nagsumikap mag-aral. 

Then when the summer come, hindi mawawala syempre sa bakasyon ko ang basketball at makasama sina Empoy at toytoy. Mga baliw kong mga kaibigan. Nung na-achieved ko na ang mga mithiin ko nung elementary, (Bali nasa tugatog na ako nun). nagkaroon na ko ng butas para magbasketball ulit. 

Sa kanila ko natutong makipagbasag ulo. May utak din naman sila. Hindi sila bobo. Magaling dumiskarte ng pera lalo na sa katarantaduhan. Pero sila ang dahilan kung bakit ako gago. Sila ang nagbigay ng binhi sa akin upang maging matapang sa buhay. Dito ko napagtanto na may mga kaibigan tayong magtuturo sa atin kung paano ang tumapang at magpaiyak. Minsan hindi yan maibibigay ng mga miyembro ng pamilya. Wala akong masabi sa dalawa kong kaibigan na yan, toytoy at empoy. Noon, kapag tatlo kaming magkakasama, para akong bata-bata nila dahil ako lang ang pinakabata sa grupo. Ang mahalaga lang sa akin, kung di ko sila nakilala, malamang mahinang tao ako ngayon sa world of pikunan at asaran. 

Damay na rin siyempre ang ugali pati sa pananamit ang nahawa ko sa kanila. My friend with which I surround myself can heavily influence my outlook, values, emotions, and behaviors. Ganun!

Dako naman tayo sa highschool life. Mas na-challenge na ako ngayon dito. Yung husay at talino ko nung elementary, (Wow, husay talaga?) ay bitin at kulang pa pala iyon nung tumungtong ako ng highschool. Sumampal sa akin ang katotohanan na mas marami pa palang magaling kaysa sa akin at sa mga kakilala ko. Ang taas lang talaga ng tingin ko sa sarili ko. Kala ko alam ko na lahat. 

Pagkagraduate ko naman kasi nung elementary, bigla akong nag-join sa industriya ng breakdance. Naganap ito nung buwan ng Summer. Although, delikado ang ganung bagay. Salamat nalang, dahil di naman ako pinigilan ng mga magulang ko doon na kahit na umiikot ikot ang katawan ko at napupudpod ang bunbunan ko sa breakdance. Ginabayan pa rin ako nila. 

Samakatuwid, bago ako umapak sa high school. Pinagdaanan ko muna ang buhay basagulero. Take note ah, 2 months lang ang summer bago ako tumungtong ng high school. Pero marami na akong nagawa. Kung saan saan ako napunta. Nakahilig ko na ang sumayaw. Magpuyat sa walang kakwenta kwentang bagay. Mambabae. Sa loob ng bakasyon na iyon, ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ako nakapag handa sa high school. Naalala ko tuloy, umiiyak ako kay mama dahil parang ayoko nang pumasok dahil di ko kaya ang high school, nawala sa focus ang kokote ko at buong kalamnan ko. haha Buti nalang naging matapang ang mudraks ko at di niya ako hinayaang tumigil sa pag aaral. Binigyan niya ako ng motivation. Haaay! at sa awa ni God, nakapasok naman ako sa High school. 

That situations where I can choose, I was benefited greatly by consciously deciding what kind of people with which I surround myself. Masaya akong maging kaibigan ang mga kababata ko. May negative things lang talaga na mapagdadaanan ako pero may choice pa din naman ako. 

Pagtapos neto. 

In highschool, naging kaibigan ko si Jestine. Isang kupal na tao pero napakatalino.

Nung kelan lang, nakasama ko siya sa bar sa MOA pati nung January 2 2017. Uminom lang kame saglit. Kasama namen si Keeshia na Cum laude ng St paul sa college at Suma Cum laude naman nung high school namen na si Ralph Palomaria. Syempre hindi mawawala ang girlfriend ko. Kasama din siya. 

Nakilala ko si Jestine nung nasa likod kame ng room na ilang beses siyang paulit ulit sa sign of the cross. May muntikan nap ala daw siyang mapatay. 

Kinabiliban ko ang buhay ng mga kaibigan ko na mababa lang ang ginugugol sa social life pero madaming palang naachieve sa buhay kahit hindi magpost sa social media. Si jestine at keeshia ang mga tunay kong kaibigan na nagpupump-up saken kapag down ako. Kapag nag-aaway kame ni angeline or naghihiwalay sa problema. Sila minsan ang takbuhan ko kung may problema. Sa inuman namen sa bar nung kelan lang, kinukwento nila ang mga na-achieved nila. Tang ina, nahiya ako. Ang dami na nilang naabot. May naipundar na silang bahay pero ako wala pa. hahaha Although si Jestine palang ang may anak sa grupo. Pero ang iba nag-iinvest na para sa kinabukasan nila. Ako wala pa. hahaha Sa totoo lang, sila? they stretch me out of my comfort zone. Sabi ko nga nung nakaraan sa blog ko, ikwento mo lang sa akin ang istoryang gusto mong sabihin, agad agad akong maniniwala. Kaya lahat ng mga achievements nila. Sobrang naiinggit ako. Kung di ako susubok at pagbabasehan ko lang ang estado ko. Malaki ang pagkakaiba. Marami na naman akong nasimulan. Didiligan ko nalang talaga. Progress. Progress. Progress.  Sa usapan namen, it changed my whole world. 

Marami pa akong makikilala. 

I can immerse myself in a group of people who lift me up, give me energy energy energy gap, and support me, help me see a more positive perspective, encourage me to be a better person, and aid me in achieving my dreams. 

At bonus pa na iba din ang perspective nila sa buhay. Mas lalo akong humanga. Kinompare ko ng slight yung buhay ko sa kanila. Sobrang layo. Masama man magkumpara pero kung iisipin nga talaga. Ang dami ko ng nauubos na oras dito sa kinakaupuan ko. Sa perspektibo nila sa buhay, natutunan kong magkakaiba nga talaga tayo ng pananaw sa mga nangyayari pero iisa lang ang mithiin naten. Ang guminhawa ang buhay at sumaya. 

So, I’m serious about surrounding myself with positive people today.  Namimili na ako ngayon. Ang oras ko, eherhiya ko at ang aking attitude are my most valuable resources and the tools with which I create my life.  Wala ng iba pa.  If someone cannot add to my life in a positive way, they aren’t in my life any more than absolutely necessary.

Tungtong na tayo sa college. Dali excited na ako. 

Nung sabado naman, nakasama ko ang college friends ko na si Macoy at Errol. Tang ina ang lulupit ng mga yan. 

Si Errol lang una kong naging kakilala sa kolehiyo nung unang araw. Kwento niya nga nung nag inuman kame last time sa bahay ni Macoy, tawang tawa daw siya nung nakilala niya ako. haha Mantakin mo ba naman, bigla ko siyang inaya sa library para magbasa pag walang subject. (ambibo ko diba) Akalain niyo yun. haha Silid aklatan kagad ang una kong gustong puntahan. Yan ang gustong makatapos. haha Pero habang tumatagal siguro nakikilala na niya ang ugali ko. Di niya siguro nagustuhan ang mga harsh jokes ko kaya medyo umiwas din siya. Alam ko sa sarili kong magaling ako .Bilib ako sa talino ko. Alam ko ang level ng utak ko. haha Di ako nakikipagtalinuhan. Marunong lang talaga akong umunawa sa ibang bagay. Pero siya talaga ang malupit kong friend. Masaya ako sa kanya. Masaya din ako sa buhay na pinili niya. Kahit na taliwas sa paniniwala ng iba. Masaya pa din ako sa kanila. 

Si Errol may sarili ng bahay na hinuhulugan. Kumikita din siya sa passion niya sa anime drawing. Talagang nakakahanga ang buhay niya. Nakapasa siya ng Architecture at nakagraduate. Naging architect pero mas pinili niya pa rin ang Anime Drawing. Ang taas ng paghanga ko sa kanya. Ibang klase magkaroon ng awesome friend.  Binibigyan ako ng new experience kahit na magkausap lang kame at pati na rin ng mga new ideas para sa buhay. 

Blessing na sa akin na nagkausap kame muli. 

Dako naman tayo kay Macoy, ang henyo kong kaibigan pero tamad. Mabibilib ka naman sa kanya dahil lahat ng bagay ay nalulusutan niya. Nakakahanga. Madiskarte kasi tong gagong to. 

Natutunan ko sa kanila na siya ay giving person, siya yung may quality relationships sa tao. Sa brain benefits niya. Grabe. Para akong nagkaroon ng friend na utak lang walang mukha. Oo totoo naman. Malaki naman talaga ulo ng kaibigan ko. 

Tinaasan ko talaga ang standard ko kapag nakikita ko sila. Sobrang inspired ako sa kanila. Love  na loveko din sila. Si Macoy din ang nagturo saken na ang buhay hindi boring, yang kupal na yan ay always learning and growing. 

Kung natututo din sila. Mas natututo ako sa mga bagay na shinashare nila. Thankful ako sa kanila. Super positive nilang mag isip. 

Di niyo ba alam. Si jestine at si Macoy palaging pinapansin ang kapayatan ko o ang kalusugan ko. Hindi naman ako nagdodroga. Ang tagal ko lang talaga tumaba. Tamad lang talaga umusbong ng katawan ko. haha Kung kasama ko sila palagi ay malamang mas gaganahan ako mag exercise. It’s fantastic for my health and wellness in being with them.

To summary,
Siguro may mas magaling pa kayong friend kaysa sa akin. May mas maganda pa kayong story na masshare.
Ang saken lang. Mahirap talagang kalimutan ang mga kaibigang nagbigay ng pagmamahal at tawa saten. 
Dahil biniyayaan ako ng mga magagaling at matatalinong kaibigan. Inaasahan ko na marami pa akong magiging kaibigan sa nilalakad ko ngayon. Yung mas susubok pa sa kakayahan ko. I-chachallenge pa nila ako. Tawanang walang humpay pa ang pagsasaluhan namen. Syempre willing den naman akong magbahagi sa mga taong nangangailangan ng tulong ko. 
Ipapangako ko na ako naman ang magbibigay ng inspirasyon sa kanila. Di palaging sila nalang palagi. Ako naman ang tutulong sa kanila. Ako naman ang titingalain nila. Joke. Ipagmamalaki nila ako sa bawat barangay. hahaha
De joke. Sila pa rin ang inspirasyon ko. Ayoko ng kaibigan na kailangan ko pang magpa-impress. Kung ano lang ang suot ko. Yun lang. Ang kailangan ko ay yung mga taong masaya sa gitna ng problema. Pangarap ko ay pangarap din nila.