Thursday, June 1, 2017

“NASA SA’YO ANG ENDING NG PELIKULA”


“Eto na ‘yun, etong eto na ‘yun” sabi ni Tino sa sarili niya na punong puno ng kasiyahan.

Hawak-hawak niya pa rin mula sa pagtulog niya ang pinaghirapan niyang published na book.

Eto na ang oras na dapat niyang unahan ang pagsikat ng araw sa umaga. Ayaw ni Tino na ma-late sa event para sa pinaka-importanteng kasaysayan ng buhay niya. Kaya, inihanda niya na lahat ng ka-kailanganin sa pagsasalita niya mamaya para sa kanyang ginawang libro.

Nang tuluyan na niyang iniwan ang kanyang kwarto na may halong kaba at pagka-excite sa pupuntahan niya.

Maaga siyang nakarating doon.  Pawis na pawis. Pagod ang kamay at braso. Sa layo ba naman ng event sa bahay nila, talagang kailangan niya talaga ng limang oras para lakbayin ang lugar na iyon. Ang dami niya pang bitbit na libro.

Wala pang katao-tao sa teatro na iyon at mukhang maaga pa naman ang oras kaya muli niyang kinabisado ang maaaring isagot niya sa posibleng itanong ng mga mambabasa ng kanyang libro.

Mag-isa lang siya sa kwarto dun. Handang-handa na siya. Naubos niya na rin ang iniinom niyang bottled mineral water. Sinilip niya ang bintana ng teatro, nasilayan niya sa malayo na unti-unti nang dumadating ang mga taong gustong tumangkilik sa nilalaman ng kanyang libro .

Pumatak na ang kamay ng orasan sa alas-nuwebe.

Nagsimula na ang palatuntunan.

Sabi ng isang lalaki sa kanya: “Ikaw na po ang susunod na tatawagin, Mr. Tino”.

Kaya, nagsimula na siyang magdasal at nag-isip ng masasayang bagay sa natitirang segundo niya sa paghihintay.

Payo pa ng isang lalaking kasabay niya doon:  “Huminga ka ng malalim, sir at sabay ibuga mo ang hangin na di na kailangan ng katawan mo” Sabay tawa ng lalaki upang mawala ang kaba ni Tino.

Tinawag na ang pangalan ni Tino at tinulungan na siya ng lalaki na kasabay niya sa paglabas.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita niya. Mababatid sa mga mata ng mga nakikinig ang saya sa tunay na nilalaman ng kwento ni Tino. Tila, bigla silang namulat na mayroon pa palang ganung klaseng inspirasyon na nakabalot sa kwento ng libro ni Tino  na hindi na niya isinulat doon.  

Nagustuhan ng lahat ang naging sagot niya sa bawat tanong ng mga nakikinig. Nagpalakpakan ang lahat. Natapos na ang kanyang pagsasalita at isa-isa ng pumila ang ilan para humingi sa kanya ng kakaunting mensahe at pirma para sa binili nilang libro ni Tino.

“Pagpasensyahan niyo na po kung di ako makakatayo sa mga nagpapa-picture ah, napagod lang po talaga ako sa biyahe. hahaha Sensya na din kung nanginginig pa ang mga kamay ko sa pagsulat” nakangiting biro ni Tino.

May isang matandang nagsabi na: “Tunay ka ngang kahanga hanga Tino sa talento mong taglay. Isang kakaibang kwento ang kapupulutan ng aral ng mga tagahanga mo at mga mambabasa mo.”

Pasasalamat nalang ang nabanggit  ni Tino sa lahat ng magagandang sinabi ng mga bumili ng libro niya.

Walang makakapantay ng kanyang tuwa sa unang sabak niya palang sa ganung klaseng pagsasalita sa maraming tao. Mukhang mas marami pang bibili ng libro niya dahil sa inihain niyang maka-masang kwento ng pagasa.

Ang matagal na niyang hinihintay ay natupad na.

Lubos na nagustuhan rin ng mga kamag-anak niya, kaibigan at pamilya niya ang ginawa niyang libro. Nakakahanga kung iisipin na sa murang edad niya palang, kaya na niyang gumawa ng isang libro na punong puno ng masasayang istorya, mabubulaklak na salita, at mga kwento ng sarili niyang problema sa buhay na talagang nakakahanga at nagbigay ng inspirasyon sa lahat ng nagbabasa nito.

Natapos ang pagsasalita niya nung nag-iwan siya ng isang binhi ng mensahe sa lahat ng nakikinig upang mabigyan muli sila ng pagasa na magsulat gaya ng ginawa niya.

(Kung gaano kalayo ang nilakbay niya papunta doon sa event ay ganun din ang gagawin niya pag-uwi. )

Sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kinita ng kanyang libro. Walang araw na walang taong magtatanong sa kanya tungkol sa libro niya. Tila baga nakatikim sila na napakasarap na lechon na may kakaibang sarsa na ngayon lang nila natikman. Ganyan ang librong ginawa ni Tino. Sunod sunod na biyaya ang dumating sa kanya simula nang umusbong ang makabagdamdaming kwentong ginawa niya tungkol sa buhay ng tunay na Pilipino.

Isa nalang ang gusto niyang matupad. Ang maisa-pelikula ang libro niya at mapanood ng maraming Pinoy.

Habang siya’y mag-isa sa kanyang kwarto at gumagawa muli ng bagong istorya para sa bago niyang libro ay tumawag ang isang kumpanya ng pelikula sa kanya.

Nagustuhan ng ‘kumpanya ng pelikula’ ang book niya at nagdesisyon itong simulan nang gawin ang proyekto para sa libro ni Tino upang isasa-pelikula. Laking tuwa ni Tino ng marinig ang magandang balitang iyon at binitawan niya muna ang bagong kwentong ginagawa niya.

Inimbitahan siya ng isang kumpanya tungkol dito upang mapag-usap nito ang  magiging plano ng pelikula. Nag-alok iyon sa kanya ng proseso para sa paraan ng pelikula niya.

(Maglalakbay na naman si Tino muli. Lolobo na naman ang kanyang mga braso sa pagod.  Dala-dala na rin niya ang mga libro at dokumento na maaring gamitin sa pelikula.)

Habang sinasalaysay sa kanya ang magiging resulta ng pelikula.

Nagtaka siya kung bakit siya pa ang  pinapagawa ng script, lahat ng lokasyon na pagga-ganapan, siya din ang pinaghahanap ng gusto niyang lugar na pagdadausan ng kwento. Di niya naman magawang magreklamo o uminde dahil iniisip niyang baka masayang ang libro niya at oportunidad kung walang kumpanyang susuporta sa gawa niya. Naisip nalang ni Tino na kakaunti lang ang tauhan ng kumpanya kaya siya naalng ang pinagawa lahat.

Tinanggap niya nalang ang offer ng kumpanya kahit mahirap ‘tong gawin.  

Sa kanyang paglalakbay pauwi, nasabi niya sa sarili niya na

“Ngayon ko lang nalaman na ako pa pala ang gagawa ng lahat, tama pa ba to, kaya ko ba to?”

Wala siyang nagawa kundi sumunod sa producer ng pelikula. Ginawa niya ang lahat.

Ngunit sa kalagitnaan ng proyekto niya na ‘to. Di niya talaga alam ang pasikot sikot kung paano gumawa ng pelikula. Paano niya papatakbuhin ang simula ng kwento. Sa libro niya,  di niya naman alam ang gagawin sa bawat dialogue ng character, paano ang scene, etc. Nalilito pa siya sa ganung klase ng pagsulat at natataranta dahil malapit na ang araw na kung saan hinahanap na ng producer ang gawa niyang script at scene.

Di alintana ang pagod basta gusto niya ang ginagawa niya.

Pagod lang yan” sabi ni Tino.

Nang sa tuluyan ng naubos ang kanyang panahon at oras, na-realize niya ng dapat na siyang humingi ng tulong sa kumpanya ng pelikula.

(Di biro ang pinagdadaanan ni Tino sa tuwing bumibiyahe siya papunta sa kumpanya dahil sobrang layo nito. Kinakaen talaga ng maraming oras iyon)

Sa pagbalik niya sa kumpanya. Nakipag tulungan ang ibang writer sa kanya at mga producer at directors upang matapos lang ito.

Sabi ng producer, “Kailangan ko na yan sa Biyernes, Tino ah. Ilalapat na namen yang pelikula na yan

Ang sagot niya naman ay “Opo, tatapusin ko na din po ‘to

Muntik ko ng makalimutan, ikaw pala ang napili namen” sabi ng producer.

“Saan napili po?” Sabi ni Tino.

Ang isa pang problemang di niya inaasahan ay ang sabihin ng producer na siya na din mismo ang gaganap sa pelikula. Dahilan ng producer ay upang mas lalo raw ramdam ang emosyon ng pelikula, si Tino na daw mismo ang magiging bida sa pelikula.

Bigla siyang kinabahan at ninerbyos at sinabi niyang

“A-ano po?”

“Ang sabi ko, ikaw mismo ang gaganap sa pelikula, ayaw mo ba yun?” Sabi ng producer ng pelikula.

Ang reply niya, “Di ko po kaya iyon, nakita niyo naman po diba ang kalagayan ko, saka po,  di ko pa din tapos na i-plot ang movie scene”

“Wala na kameng ibang mapili pang gaganap sa istorya mo, kaya mo yan, tiwala kame sayo Tino, magagawa mo yan, bibigyan ka pa namen ng mahabang panahon” saad muli ng producer.

Hindi na siya muling umimik pa at umuwi ng bahay.

Sinabi nalang ni Tino sa sarili niya, “Paano ko gagawin to, e di naman ako marunong umarte o gumanap sa isang pelikula, ? Ang alam lang ng mga kamay ko ay magsulat at gumapang”

Nagtataka na lamang siya kung tama pa ang lahat. Parang naiisip na niyang sumuko dahil ngayon lang siya nakakita ng halos siya na gumawa ng lahat para sa pelikula samantalang libro niya naman iyon. Nakaramdam siya ng pagdududa na parang ayaw ata ng producer sa ginawa niyang libro kaya ganun nalang ang trato sa kanya.

Payo ng producer sa kanya nung nagkita sila sa isang hallway,

“Ang buhay ay parang pelikula, Tino. Normal lang sa iba na makita ka sa madilim na sitwasyon lalo na’t di ka nila kilala ng lubos. Ngunit, kung alam mo kung paano mo wawakasan ang istorya ng buhay mo, mamili ka kung gusto mo bang malungkot o masaya? Nasa sayo ang desisyon, ikaw ang magpapatakbo ng ganda ng istorya. Hawak mo lahat, it’s up to you. Sa tuwing maalat ang buhay at nakakaputang ina ang bawat sitwasyon, alalahanin mo palagi kung paano mo tatapusin ang kwento. Mamili ka nalang sa category kung drama, suspense, comedy, o comedy- drama ba basta nasa sayo ang ending niyan. Wag mong isipin kung ano ang di mo kaya”

Dagdag pa niya.

Harapin mo ang reyalidad at magfocus ka lang sa posible mong mangyari. Kung may mga imposible kang gustong marating, tuloy mo lang.  Revel in the imaginary world of dreams come true. Ituloy mo lang ang alam mong tama para sa sarili mo.  Makikita mo na ang gusto mo at ang  reyalidad ay magpa-pantay kapag pinagsabay mo.

Ang tanging sagot nalang ni Tino ay “Maraming salamat po”.

Ang pasasalamat niya na may halong malaking pag-asa, malaking saya at pagtatanong kung paano niya nga ba talaga wawakasan ang kwento na hindi ine-expect ng mga manonood lalo na ng mga nakabasa na ng libro niya.

Bago maghiwalay ng landas ang producer at siya, nag-iwan ulit ng isang salita eto:

“Paano mo tatapusin ang kwento mo? Kung di ka pa naliliwanagan, bibigyan pa kita, ano sa tingin mo ba ang kaya mo pang gawin? Ano ang nai-imagine mong possibleng mangyari? Ano ang bagay na ayaw mong bitawan kasi nandun ang buong pag-asa mo? Ano ang pinagkaiba ng gusto mong bagay pero di ka naman naniniwala na kaya mong maabot iyon kumpara sa gusto mong bagay na alam mong posibleng mangyari? Tingin mo, ano? Nasa sayo ang power, Tino“

Kahit na gulong-gulo na si Tino sa kung paano niya haharapin ang pag-arte sa pelikula, gandahan ang script ng bawat character, at bibigyan ng buhay ang kwento.

Buti nalang ay nabigyan naman siya ng lakas ng loob na tapusin ang lahat ng ito dahil sa magandang payo ng producer at unti unting nabubuo na sa kanyang puso’t isipan ang magiging wakas ng pelikula.

Lumipas ang dalawang linggo. Natapos na niya ang lahat ng katawan ng pelikula. Handa na rin siyang sumabak sa pag-arte.

Nagmadali na siyang pumunta sa kumpanya upang ipakita ang ginawa niyang script.

“Putang ina, ano to?”

Ang pagalit na salita ng producer sa kanya. Gusto ng punitin ng producer ang ginawang script ni Tino. Dugtong pa sa sinabi neto :

“Ikaw ba talaga ang sumulat ng libro mo? Marunong ka ba talagang sumulat?”

Nasaktan si Tino sa nangyari. Ni-reject lahat ng producer ang pinaghirapan niya. Hindi tinanggap ng lahat ng sangay ng pelikula ang style na ginawa niya. Di niya matanggap ang panlalait sa kanya ng taong iyon, minura siya at dinikdik ng husto na parang trato sa isang mangmang na tao.

Nasaktan siya ng husto. Malayong malayo kasi ang ugali ng galit ng producer kaysa sa magandang payo nito ng mga nagdaang araw lamang. Umuwi nalang na durog ang puso ni Tino.

(Malayo na nga ang biyahe niya pauwi, ubos na rin ang pera niya.)

Bigla siyang nakaramdam ng pagod at frustration, dahil sa lahat ng ginawa sa kanya ng kumpanya iyon, ni-isa dun, wala silang nagustuhan sa gawa ni Tino. Nagtatalo sa kanyang isip ang payo ng producer sa kanya.

Pagdating sa bahay nito. Ipinahinga ang mga kamay at umupo ito.

Sinara na lang niya ang kahon ng pinaghirapan niyang mga papel at tinta.  

Natulog siyang maghapon ng may luha sa mga mata.

Gumising siya na parang ginulpi sa pagod. Naligo at kumaen.

Habang tinitignan ang lahat ng mga naisulat niyang akda sa kanyang kwarto, naitanong niya sa sarili na

“Kailan nga ba ako huling nangarap? When was the last time that I want things to come to me badly? Kailan nga pala yung mga panahong parang gusto ko ng sumuko at bumitaw sa ginagawa ko pero di ko magawa kasi mahal ko ang ginagawa ko?”

Naalala niya lahat ng dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ‘to.

Pagkaraan ng tatlong linggo, biglang sumagi nalang sa isipan niyang ipagpatuloy nalang muli ang ginawa niyang bagong istorya at kalimutan na ang librong yun. Naisip niyang kahit di na maisa-pelikula ang kanyang ginawang nobela basta sa sarili niya, may naitabi siyang sulat para sa pelikula nito.

Sa pagsusulat niyang muli.

Tumunog ang kanyang telepono. Hindi niya alam kung sino ’to. Sinagot niya at nagsalita ang isang lalaki.

“Sir Tino, nabasa po namen sa website niyo  ang ginawa niyong script. Halika, pag-usapan naten muli yan”

At dali-dali siyang umu-o sa alok muli ng kumpanya.

Wala ng pasubalisa. Agad ng tinanggap niya ang alok ng dating kumpanya.

(Wala ng kapera-pera si Tino sa bulsa kaya ginapang niya at nanghiram siya sa kapitbahay niya ng pera. )

Wala siyang ibang choice kundi ire-write muli ang ending ng kwento niya. Ang gusto naman ng director, may something daw dapat na gugulat sa lahat na hindi nila ine-expect na ganun ang kakalabasan ng istorya.

Ngayon, nag-iisip si Tino kung anong magandang ending ng istorya niya? Although, alam niya na ang libro niya dahil siya ang nagsulat neto. Okay na rin naman ang script. Ang ending nalang ang dapat niyang pagtuunan ng pansin.

Mga ilang oras pa.

Nabuhayan siya muli ng loob.

Umuwi muli siya sa bahay nila.

Unti-unting nawala ang frustration at pagkabalisa niya sa nakalipas.

Nilapat niya ang kanyang mga kamay sa pagsulat at muling pinagliyab ang imahinasyon.

Binasa niyang muli ang kanyang libro. May mahalaga siyang isinulat dito na

“Hindi kaya, dahil masyado mong kinokontra ang ibinigay ng Big “U”. Ang ating Universe. Nilalabanan mo ang atake ng tadhana , Tignan mo yung agwat ng layo mo sa kung saan ka nanggaling at kung nasaan ka na ngayon. Kung siguradong sigurado ka sa gusto mo at di mo pa nakukuha iyon, ibig sabihin may agwat pa ang goal mo sayo. I-align mo ng maigi ang gusto mo sa sarili mo. “

Ang mga salitang naging inspirasyon niya sa libro hanggang sa naging inspirasyon muli iyon na gumawa  siya ng sulat para sa pelikula. Napangiti nalang siya sa di niya inaaasahang ang mga sinulat niya ay magagamit niya pa ring enerhiya sa pagsusulat.

Natapos na ni Tino ang lahat. Handa nang isabak ang sulat niya sa pelikula. Sa wakas, sa libo libong pagkakamali ni Tino sa paggawa nito, naitama din ang lahat.

Tumatakbo na ang paggawa ng pelikula niya.

Pinag-aralan niya ng maigi ang dapat na emosyon ng bawat character na ginagampanan ng isang bida. Kahit na may mga bagay siyang di niya kayang gawin sa set ng isang pelikula ay pinilit niya pa ring gawin.

Dugo’t pawis ang inalay ni Tino sa pelikulang iyon dahil walang ibang taong tumulong sa kanya.

Nakayanan lahat niya ang hirap ng pelikula. Nairaos ang script, tumulong ang ibang miyembro ng pelikula kung paano maglapat ng istorya at natapos naman ‘to.

Naipalabas ang pelikula. Milyon ang nakapanood. Pati na rin ang kinita. Magkahalong lungkot, saya, at inspirasyon ang buong kwento.

Ayon sa istorya ng pelikula. Nalaman na ng lahat na binabaybay ni Tino ang biyahe niya araw araw gamit lamang ang kanyang dalawang kamay.

Kaya, nagkaroon muli ng bagong mapapanood ang mga Pilipino.

Bagong ispirasyon sa lahat ng taong nagsisikap. Na kahit na kulang ang parte ng katawan, tuloy pa rin ang buhay. Naging matagumpay ang pelikula at umabot sa takilya.

At ang huling litanya ng direktor sa kanya,
Aaminin namen, sayo lang namen ginawa ang ganito, na lahat ikaw ang gumawa ng scene. Di namin tinignan kung wala kang panlakad. Dahil ganyan ang buhay Tino, ikaw ang gagawa ng istorya at ikaw din ang kikilos











Wednesday, May 24, 2017

PLEASE, LOVE YOURSELF.

Nitong Sunday lang, ipinagdiwang muli ang fiesta ni ‘San Isidro Labrador’dito sa aming lugar na noon ay akala ko, siya ay isang  aso na matapang na naglilingkod sa simbahan kasi nga tinawag siyang labrador. Haha mali pala ako. Sorry. 

Taon-taon ginaganap ang fiesta dito sa amin. Syempre. Malamang. 

Noong bata ako, maliit pa ako nun eh, hahaha active na active ako sa ganitong kasiyahan at rampahan. Partida,  wala pa kame noong alarm clock sa bahay, alas-sais palang ng umaga, gumigising na ako upang humanap ng  paraan para magkapera at rumaket sa ‘Araw ng Fiesta’ dito samen. Ibahin niyo ako sa lahat ng bata dahil diba ang mga chikiting kapag summer vacation, tamad gumising yan sa umaga. Kadalasan ang gising nila ay kapag kakaen na sa tanghalian. Hahaha (‘Bat ko alam?) 

Nung bata kasi ako, maliit pa ako nun eh, hahaha wala akong ibang iniisip kundi magpakabibo at gumawa ng bagay na nakakabwisit sa kapwa, pero iba naman ang style ko kapag fiesta na, gusto ko mataba ang bulsa ko. Marami akong napagti-tripang raket gaya ng tumutulong ako sa mga nag-aayos ng banderitas sa fiesta na dapat may bayad saken, nakiki-join ako sa mga sayaw-sayaw para magkapera, inuutusan ako bumili ng ganito at ganyan ng pagkaen ‘tas hinihingi ko na ang sukli, at naka-mindset na rin sa isipan ko na kailangan kong manalo sa mga games  sa fiesta para may pera akong maipon, basta lahat ng bagay na mapagkakakitaan ay pinapasok ko sa tuwing sasapit ang araw ng fiesta sa amin. Never pumasok sa isipan ko ang magnakaw. Wag mo akong itulad sayo. hahaha

Note: Sa Pilipinas, naglalabasan ang galante kapag fiesta. Pati na rin ang walang pera. Totoo yan. 

Ngunit habang lumilipas ang panahon, mas nabo-boring na ako sa ganung scenario at events. Siguro para sa akin, nag-iiba na din ang pananaw ko sa fiesta kung dapat ba akong makisalo sa ganito, eh di naman talaga ako fan ng mga saints eh, gusto ko lang talaga magkapera noon. ‘Lam naman nateng lahat, na ang bida sa fiesta ay ang mga santo, diba. Kaya nung nagkaka-edad na ako, (konting additional lang naman sa numbers), di na ako nakikisali sa ganun at nagseryoso nalang ako sa lovelife ko (naaaks) or kapag no choice talaga, gumagala nalang kame sa mga mall o nanonood ng sine kasama ang girlfriend ko. Maingay kasi sa labas ng bahay kaya di na ako nakikipagsabayan. 

Kaya nitong linggo Mayo Bente Uno, wala masyadong naghanda sa pamilya namen. Siguro dahil na  rin  wala ng magluluto sa bahay, alam niyo naman na malayo na ang bahay ng pinakamahusay na chef namen na si Mama eh. Siya naman talaga ang tagaluto namen kapag may okasyon sa tahanan ‘tas katulong niya si ate. Salitan sila sa gawain.  

At eto na. 

Last week pa may plano ang tropa ng inuman sa bahay ng pinsan ko. Wala naman ibang gagawin kundi inuman lang. Parang normal lang na inuman kapag weekend. Yung mga kaibigan ko di naman din sila nakikisali sa mga ibang palaro ng fiesta  kaya inuman nalang talaga ang magiging ganap. 

Buong umaga ng linggo ng araw na yun, naglinis ako ng bahay at nagbasa ng libro. Sa sobrang ingay ng paligid dahil sa videoke ng kapitbahay mga bandang tanghali na yun, inaya ko nalang si Angel na pumunta nalang kame ng starbucks para dun ipagpatuloy ang pagbabasa at pagsu-surf niya sa internet. So, nag-go kame dun. Umuwi kame nung mag-gagabi na. (Malinis ang ginawa namen. Wala akong naging maputing balak kay gf. haha)

Pagdating naman ng gabi, 

Nakipag-inuman na ako sa mga kababata ko at sa mga pinsan ko. Sa sobrang galing ko, nakalimutan kong kumaen ng hapunan. Ang lupit ko talaga. Napakagaling. 

So, bali ang nilapang ko nalang ay ang pulutan ng inuman, which is napaka-mali. Di ko naman talaga ‘to ginagawa, ngayon lang talaga nangyari sa akin to. Nakakainis. Alam kong mali, biglang nawala ang disiplina ko nang nagkaroon lang ng ganitong pagdiriwang. Kung tutuusin nga, parang wala talaga akong kinaen e. Grabe talaga. Wala akong sinisisi kundi ang sarili ko, hindi ang fiesta na ‘to. Naiinis ako sa sarili ko. Napipikon ako sa sarili ko dahil kinabukasan nagbleed na naman ang aking wetpaks dahil constipated na naman ako. Nasira ang araw ko kahapon dahil sa ginawa ko nung linggo. Banas na banas ako sa sarili ko. Naisip ko, sa una lang pala ako disiplinado, paano pa kaya kapag may mas bonggang okasyon pa at nakaligtaan ko na naman ang mga dapat kong unahin para sa health ko. Di naman malubha ang kondisyon ko ngayon, karamihan naman sa lalaki nagkakaroon nito ngunit nakakairita nga lang talaga. Feeling ko lang talaga sinusundot lang palagi ang wetpaks ko. haha

Buti nalang, di Sakit sa Puso o Highblood ang meron ako kundi todas na ako nung gabing iyon. haha

Ano ba pinaglalaban ko, ha? haha

Gusto kong i-highlights sa kaganapang ito, bukod sa walang disiplina ako sa sarili ay ang tanong ko na, mahal ko ba talaga ang sarili ko kapag napipikon ako at nababanas ako mismo sa sarili ko? 

Alam ko naman na ang tamang sagot ay “Hindi”. 

Pero ang sa akin lang, ano pa ba ang mga bagay na ginagawa ko na di ko na namamalayan na di ko na nagagawang mahalin ang putang inang sarili ko? haha

Meron pa ba kong ginagawang di tama o kahit papaano may tama pa rin akong naia-ambag sa sarili ko? Ano pa ba?

Wait. Aalamin ko. 

1. Pinapatawad ko naman ang sarili ko.
Sinabi ko na sa sarili ko na kung ano man ang mali kong nagawa nung linggo, ay itatama ko na lahat ng yun. Ayoko naman i-dahilan na tao lang ako at nagkakamali din gaya niyo pero dapat ko lang talagang bigyan pa ng second chance ang sarili ko dahil walang taong perpekto. 

Kaya, sa ngalan ni Ben, pinapatawad ko na ang sarili ko. haha

2. Naghahanap ako ng mga bagay na makabuluhan. 
Para sa akin. Wala ng kabuluhan nung nakalimutan kong mahalin ang sarili ko dahil di na ako productive.  Imbis na atat na atat akong uminom ng alak, bakit di nalang siguro ako mag-exercise at mag gym. Nakinabang pa ang katawan ko, pinagpawisan pa ako, mura lang naman ang maging masustansya at plus pa, na-refresh na rin ang buong katawan ko. 

Bakit di ako maghanap ng matinong activity, diba? Siguro nga nung mga nagdaang araw, nawala yung self-love ko nung inuna kong atupagin ang mga walang kwentang bagay. Panahon na siguro ‘to para magdiscover naman ako ng mga healthy na pagkaen na makakabuti sa katawan ko. Patayin ko na din muna saglit ang phone ko lalo na kapag araw ng linggo. Di naman din kailangan kapag sunday eh. 

Gawin ko na ang mga bagay na makakapagpasaya sa ‘kin ng todo. 

3. Sarili ko. Sarili ko. Sarili ko. 
Biglang nawala sa routine ko ang meditation and relaxation. Di ko naman pwedeng sisihin ang busy schedule ko sa trabaho kundi talagang mahina lang talaga ako sa Time Management. Pero minsan iniisip ko din, pagmamahal din naman sa sarili ko kung maituturing  yung ginagawa ko sa tuwing gusto kong matulog ng mahaba. haha Gusto ko kahit papaano umabot man lang sa 9 hours ang tulog ko sa bawat araw. haha Ang laki na ng kinita ko ‘nun sa tulog. Ang puti-puti na ng eye bag ko ‘nun. Kahit na nawala na ang proper breathing ko sa rituals ko, and relaxation time sa routine ko. Pipilitin ko pa din maibalik iyon. 

Kapag nawala pa naman to, di ko makita ang solusyon sa problema ko kapag punong puno ng basura ang isipan ko. Pinapangako ko, titigilan ko nang torturin ang sarili ko sa pag-iisip ng malalalim. Panahon na para tipirin ang yutakels  ko at paganahin ang aking soul’s intentions. I will spend time focusing inward daily. Pangako. I will begin my day with atleast 15 minutes of meditation and ipu-push kong makapagsulat din ako ng kahit 10 minutes lang, sa bahay man o sa biyahe. 

4. Sexy pa din ako
Maraming nagsasabi na payat daw ako. Pero para sa akin okay na ako sa katawan ko. Na-achieved ko na ang gusto kong figure. Pake niyo. Ayoko yung mataba ako. Ayokong malaki ang tiyan o butete ang belly ko. Gusto ko ng ganitong katawan lang na may matapang na muscle at hindi mukhang malnourish.  Isa itong senyales na mahal na mahal ko ang sarili ko. I appreciate my body and all the things it can do. I know naman na di ko makakamit ang  perfection eh. Sexy akong nilalang.

4. Sinimulan ko sa pagibig.
Napapansin ko na sa mga nagdaang araw, parang di ko na mahal ang sarili ko. Wala na akong pagpapahalaga sa sarili ko. 

Pag-gising na pag gising ko, di ko maiwasan buksan kagad ang phone ko kung may nagtext ba saken o tingnan ko kung ano na ang nangyayari sa social media kahit di naman ako involve dun at syempre kung ano ng balita sa mundo, nakiki-update ako.

Mas nauuna ko pa tignan ang istorya ng iba kesya unahin ko ang dapat kong unahin. Diyan ako mali. 

Kaya ngayon, I will learn how to love myself. 

Sisimulan ko ng mahalin ang sarili ko pagmulat na pagmulat ng aking mga mata.

5. Maging totoo ako sa sarili ko
Ayoko ng mabuhay na hindi ako totoo sa ginagawa ko. Sa totoo lang , di madaling magpakatotoo, minsan kapag nagpakatotoo ako, mas may nagagalit o nasasaktan. Di ko din alam.

Iniisip ko din minsan na sana kapag sinabi kong ayoko na, at gusto ko ng bumitaw sa bagay na ayoko talaga. Kaso di ko magawa dahil madami na akong obligasyon sa  buhay. Pero ang masaklap lang, wala pa akong binubuong sariling pamilya pero di na ako makabitaw sa lugar ko. Sana kapag sinabi kong ayoko sa taong ayaw ko, masasabi ko talaga verbally hindi yung ikini-kimkim ko nalang. Ayokong mabuhay sa “Sana”. Pero gustong-gusto kong magpakatotoo. 

Kaya simula ngayon. 

I will mindfully and emotionally breathe my way through my feelings and emotions. Mahal ko pa din naman ang sarili ko.

6. Talk to myself and to others happily.
Buti nalang dito ako nakabawi, nababantayan ko na ang mga tinatanim ko sa mumunting isipan ko. Sa tuwing may mga bagong tao akong makikilala, lagi kong sinasabi sa sarili ko na dapat masaya ang usapan namen. Tulad nalang ng kapag nag-usap kame ni Mama, matik na dapat wala ng away at bangayan pa kame, mas pinipilit ko pa rin na mapaganda ang usapan namen kahit medyo nagkakainitan na. haha

Bigla akong natuwa dahil sa buong araw pala, may nagagawa pa rin akong pagmamahal gaya nito sa sarili ko at gaya ng sinasabi kong dapat masaya palagi ang usapan. Natutupad naman pala. Ashteg!

7. Expand my Interests and make gala.
Iniisip ko pa ng maigi, meron pa ba akong ginagawang self-love sa sarili ko? Meron pa ba?

At saka ko naisip, na meron pa pala. haha

Yung umisip ako ng bagay na kakaiba. Maituturing kong pagmamahal ko sa sarili yun dahil mas pinapalago ko ang sarili ko. Kapag trip kong gumala-gala. Naglalakad lakad ako sa labas. Kakaiba para sa akin yun dahil maghapon akong nakaupo palagi sa opisina. 

Sa malungkot na buhay ko, natuto pa rin akong mahalin ang sarili ko dahil nililibang ko ang sarili ko at tinitignan ko sa iba ang pamumuhay ko, nakita ko na hindi pala kame magkakaiba. Lahat pala kame ay may mabibigat na pinagdadaanan, nasa pagdadala lang talaga yan. 

9. Working on  my personal development.
Ang sarap pala ng ganitong moment na iniisip ko at ine-evaluate ko ang sarili ko kung may nagagawa ba talaga akong tama para sa sarili ko. Habang tumatagal ako sa pag iisip ngayon, mas naiintindihan ko ang pagmamahal ko sa sarili. Ngayon nalaman ko na nandito ako para magmahal at matuto. Yung paunti unti kong pagkamit ng mga goals ko. Yan ang matatawag kong ultimate self-love. Tiwala ako sa biyahe ng buhay ko. Magtatagumpay ako.  

10. I stop comparing myself to others.
Sa wakas mga kuya at teh, natigil ko na i-compare ang sarili ko sa iba. Pinapalago ko na palagi ang sariling halaman ko. Alam kong kaya ko ang mabigat na buhay. Kaya ko tong i-handle at alam kong lahat tayo mayroong kanya-kanyang tagumpay at pagkakamali sa buhay.

11. Gaya ng Love ko kay Angeline.
Yung oras na nailalaan ko sa mga kaibigan ko at sa mga mahal ko sa buhay. Di matutumbasan iyon. 

At walang kaparehas na pagmamahal kay Angeline. Di mabibili ng kahit na sinuman iyon. 

12. Be patient with myself.
Dati, halos di ako magkanda-ugaga kapag nagmamadali ako at natatakot sa mga di ko alam na sitwasyon. Ngayon, medyo naging pasensyoso na ako. Natuto na akong i-kalma ang sarili ko. Siguro dahil may tiwala na ako sa sarili ko na maso-solve ko din ang lahat. 

13. Reading Books
Ang dami kong gustong basahin pero kaunti lang ang oras ko. Badtrip lang minsan kapag kinaen ako ng antok. Nakakabawi naman ako kapag sa isang araw nakakapagbasa ako ng 5 pages. Eh hilig ko magbasa ng libro eh, kapag kinumpute lahat ng  iyon, pagnatapos tong taon na to, makakatapos talaga ako ng isang book. Mahal ko ang sarili ko kaya nilalagyan ko ng kaalaman ang mga brain cells ko.

14. I lived in Appreciation.
I trained my mind to be grateful. Natuto akong magpasalamat at saka makita ko lang ang potensyal ng mga kaibigan ko o kung sinuman sa anumang larangan nila ay naisu-suggest ko na ipagpatuloy nila ang talent nila. Ganun ako. Minomotivate ko sila.  Nakikita ko ang kagandahan ng buhay at inspired na inspired ako sa tunay na buhay kaay shine-share ko sa iba. Mahal na mahal ko ang sarili ko kahit may kulang sa sarili ko. Ang alam ko, in behind of this, para saken kumpleto na ko. 

15. Nakikita ko ang sarili na mahalaga.
Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa sarili, nakikita ko na kahit saan man ako mapunta. Mahalaga ako. 

16. Malabo man, lilinaw din yan. 
Kahit gaano na kasakit sa chest, kahit na parang wala ng pag-asa dito sa lupa. At hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ang lahat ng ginagawa ko. Tinutuloy ko nalang basta ayoko lang huminto. Kung hindi ko mahal ang sarili ko, malamang nagpatiwakal na ako dahil sa sobrang ka-imbierna ng tadhana sa akin, kasi ngayon kung ako ang tatanungin, walang-wala ako ngayong ipagmamalaki pa, pero inilaban ko pa din dahil mahal na mahal ko nga ang sarili ko. 

16. Tawa
Kapag nagkakamali ako or may masayang pangyayari sa buhay ko, natatawa at natutuwa ako sa sarili ko. Automatic in split seconds, mabilis akong matawa sa mga nangyayari. Haha Saka katulad nalang  nung mga jokes na binanat ko ng mga ilang oras lang, maiisip ko yun kaagad at di ko malilimutan sa isip ko na nakakatawa pala talaga ang ginawa ko, matatawa ulit ako. Part yun ng pagmamahal ko sa sarili ko. Kasi di ko dinibdib at sineryoso ang biro ng buhay. Alam naman natin na talagang nakakapikon sa mundong to, wala talaga tayong magagawa kundi ipagpatuloy ang buhay at tawanan nalang ang nakalipas. 

17. Nakaka-kan..ta  ako! 
Dahil sa love na love ko ang sarili ko in a highest level. Inaawitan ko ang sarili ko kapag mag-isa ako. Di lang dahil sa proud na proud ako sa sarili ko kundi buhay akong tao na may dumadaloy na dugo at nakakapag isip ng matino. (Weeh, matino?) Minsan nga kahit pa maraming tao, bumibirit ako eh basta may mabigat akong dinadala, masaya man o malungkot, kakanta pa rin ako dahil sa ganitong paraan, gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya kong kantahin yung So Good ni Zara Larsson.

Kasi alam ko sa sarili ko na mahalaga ako. Hindi lang naman celebrity o artista sa telebisyon ang dapat alayan ng magandang musika eh. Maaari ko ring ialay ang mga magagandang kanta para sa sarili ko. Wapakels kung sintonada ako, ang mahalaga ay lumigaya ako sa simpleng bagay. May kanya-kanya tayong boses at kalayaan. 
Walang pakelamanan. Mahalin niyo rin sarili niyo.  Mas masaya pa nga kapag lasing ako eh, tang ina, nauubos ko na ata lahat ang laman ng song book eh. Di ako kumakanta para sa crowd, ginagawa ko yun para sa sarili ko. haha

FINAL WORDS
Kaya friend, bigyan din kita ng advice, wag lang puro ako. haha

Imagine kung napapalibutan ka ng mga taong ‘hindi nila mahal ang sarili nila’. Baka malamang, mapabilang ka din sa kanila.  

Kaya ang payo ko, maging good ka sa sarili mo. Gawin mo lahat ng makakabuti sayo. Mahalin mo ang sarili mo. At malalaman mo na unti unting mamahalin ka din ng ibang tao.

Ikaw? minamahal mo ba ang sarili mo ng higit sa iba?


Saturday, May 20, 2017

ANG BATAS NG ATTRACTION


Sa totoo lang, nung highschool ako hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo, naging tagahanga din ako ng “Law of Attraction”. Noon pa lang. Pagtapos kong magsawa sa pelikula ni AiAi na "Ang tanging Ina". 

Pinag-aralan ko ‘to ng husto, nagbasa din ako ng libro tungkol dito pero na-unsyami lang iyon at di ko na naituloy ang pag-aaral. Kala ko noon, echos echos lang yun eh.

Kaya, nung nabigo akong gawin ‘tong batas na to at i-apply sa buhay ko na parang feeling ko kasi di naman nangyayari lahat ng iniisip ko, o baka dahil siguro puro pabebe at panliligaw lang naman ang alam ko noon. Bigla ko nalang tinigilan lahat ng iyon at di na muling gawin pa, kasi naisip ko na parang ang dali lang naman gawin talaga at syempre para sa akin, napaka-easy or chicken lang to kung mamarapatin basta may utak ka.

Kaya, nagtaka ako noon kung dapat ba akong ma-adik at mahumaling sa ganung proseso o hindi. Sa pagkaka-alam ko, ang tanging nalalaman ko sa formula ng LOA ay “Ask, Believe, Receive.” Ayun lang. Diba ang simple lang. Tatanungin ko lang ang sarili ko noon kung

Paano ko makukuha tong trip na trip kong babae? (Kunyari lang)

Maniniwala lang akong makukuha kong ligawan ang babae at mangyayari na. Ganun lang daw.

Easy diba. Iisipin ko lang at magtatanong lang ako sa sinasabi ng Universe. Makukuha ko na ang gusto ko. Kaya, sabi ko sa sarili ko dati,

“Paano kung ang lahat ng tao ay kaya niyan, edi walang mahirap ngayon, napaka-super powerful ng lahat ng tao kung iisipin lang nilang lumipad, makakalipad na sila”.

Ngunit, dahil isa akong engot engot pa at kulang pa ang aking kaalaman noon, mali ang pagkakaintindi ko tungkol dun. Nakalimutan kong maging realistic. Shungaers pa talaga.

Dumating pa nga sa puntong dapat akong magdesisyon kung ano ang dapat kong piliin sa tanong na

“Sino ba ang dapat kong paniwalaan: ang diyos na di ko pa nakikita o ang Law of Attraction na nangyari sa sakin noon pero di pa buo sa aking isipan kung ano ba talaga 'to?”.

Napakabigat sa akin ng tanong na iyan na humantong sa di ko na nabigyan ng buong focus ang pag aaral ko nung College ako. Kung hindi relihiyon ang inaatupag ko o ang law of attraction lang, alin sa dalawa. Atlis nung College, di ako bumagsak. Nakapasa pa rin ako.

Pero, sa lahat ng natutunan ko sa “Law of Attraction”. Mas lalong lumalim ang paniniwala ko ngayon. Di naman lingid sa ating kaalaman na marami pa ring tumutuligsa sa kakayahan ng LOA. Maraming nagsasabi na kapag tayo ay gumawa ng bagay na hindi kasama ang kalooban ng ating panginoon. Ito ay galing sa masama o galing sa demonyo, kasi nga walang basehan o basbas ng diyos. Ngunit ang tanong ko,

Meron nga ba talagang kalooban siya o kathang isip lang?

Bilang isang saksi ng katotohanan ng LOA, marami akong natutunan sa batas na to. Balik muli tayo sa nakaraan ko. Dati akong relihiyoso. Wala lang sa itchura. Ang paniniwala ko noon, sasamba muna ako bago mag-aral o magreview. Magsisimba ako para maganda ang takbo ng buhay ko sa buong linggo. Magdadasal ako para mabawasan ang kasalanan ko at tuluyan ng patuluyin ako sa mahiwagang langit. Kung di niyo naitatanong, dati akong Roman Catholic. Tapos naging Born Again Christian ako tapos sabi nila magkaiba daw ang Born Again group kaysa sa Baptist group. So, naging Baptist ako noon dahil ang nanay ko ganun din at ito'y umabot sa tatlong taon. At tinigil ko na din ang paniniwala nila hanggang ngayon.

Naalala ko pa nga, kapag nagkakasakit ako. Laging sinasabi sakin ng mga kakilala ko

“Yan kasi ang sama sama ng ugali mo, pinaparusahan ka na ng diyos, magbalik loob ka na”.

At syempre ako naman, bilang musmos pa sa mundo ay sinunod ko nalang ang sinabi ng iba at bumalik sa  simbahan at binitawan ang LOA, nawala na ang tiwala ko sa sarili ko, kaya sa diyos nalang na sinasabi nila.

Anyway, kung ano man ang nakalipas kong  relihiyon, nirerespeto ko ang paniniwala at gawain nila. Wala silang ginagawang mali. Kahit ano pang relihiyon sa buong mundo yan. Ginagalang ko. Dahil naniniwala ako na kung ano ang pinaniniwalaan nating tama, Iyon ang tama. Gaya ng pinaniniwalaan ko. Kahit sino man ang magtanong sa akin kung tama ba ang paniniwala ko. Hindi ko sila sasagutin. Dahil para sa akin, walang konsepto ng tama at mali.

Sa mga di pa nakakaalam.

Ayon sa nabasa ko, ang Law of Attraction is one of the oldest universal laws known to man, and when used the right way, it's incredibly powerful. Napakadali lang “like attracts like” lang. Mag-isip at kumilos ka ng negative na bagay o sitwasyon. panigurado negative din ang mga maa-attract mo.

The law of Attraction is that our thinking creates and brings to us whatever we think about. It's as though every time we think a thought, every time we speak a word, the Universe is listening and responding to us.

Ipinapakita lang sa atin ng LOA na kung ano ang laman ng ating  isipan, ano man ang sabihin naten sa sarili or sa iba at anuman ang gawin naten palagi. Ang Universe ay nakikinig at ibibigay lang sa atin ang  resulta ng ginagawa natin.  

Narito ang ilan sa napakasimpleng batas ng LOA na pwede nating gawin sa pang-araw araw. Kapag naniniwala ka dito, parte ka na ng LOA.

1. Sinosolve kagad ang problema.
Marami akong kilalang tao na positive thinker sa buhay na ngayon ay para sa akin, sila ay successful na sa kani-kanilang career. Ano ang kanilang formula? Naging proactive sila. Kung may problema sa financial, mas pinili nalang nilang pasukin ang mas makakatulong sa kanila, katulad ng negosyo. Halimbawa kapag kulang ang worker sa kanilang kumpanya, dali dali silang nagdadagdag at naghihire ng bagong tao.  Isino-solve kagad ang problema.

2. Pinagkakatiwalaan ang magaling na partner, ang sarili niya.
Kung ganyan ka. Congrats. Pero ang payo ko pa, wag mong hayaang lamunin ka ng self esteem, inggit at panghinaan ka ng loob. Maging bilib ka pa rin sa sarili mo. Pagkatiwalaan mo ang sarili mo na karapat dapat kang magtagumpay sa buhay. Dapat alam mo kung paano i-value ang sarili mo. Alam mo dapat ang tunay na halaga mo.

3. Kung feel mong di ka aso, try mong maging unggoy.
Halimbawa lang. Bakit mo gagawin ang trabahong hindi mo gusto, eh gawain ng aso yun? Kung sa tingin mo na isa kang unggoy na may pusong pang gubat, bakit di mo piliin na ikaw ang pinakamahusay at magaling na unggoy. Wag mong ipilit na maging aso dahil cute siyang tignan sa mata ng iba.

Sa madaling salita. Wag mong i-fit ang sarili mo sa lugar na di ka nababagay. Piliin mo kung sino ka. Piliin mo kung saan ka magaling. Saka minsan napansin ko na ang mga tao, masyadong jack of all trades. Feeling nila kaya na nila lahat, lahat sinusubukan kahit na di naman bagay sa kanila yung ganung bagay.  Wala pa akong nakitang successful person na ang daming  titulo na kala nila mahusay na sila sa lahat like Manny Pacquaio. Yung tipong nasa kanya na ata lahat ng trabaho.  Inako na lahat. Sabagay bibong bibo naman siya sa senado eh.

“You always attract into your life the people, ideas, and resources in harmony with your dominant thoughts.” —Brian Tracy

Maraming tao na nabubulag na sa inedit na litrato kesyo nakita nila ang kaibigan nilang nag-gaganito ay gagayahin nalang din nila. Sample lang yan. Kapag ganun palagi ang scenario naten, di mo ginagawa o wala ka sa lugar ng kalakasan mo. Kung naguguluhan ka pa hanggang ngayon ,alalahanin mo yung mga bagay na ginawa mo ng mga nagdaang araw na proud na proud sayo pati ang pamilya mo at ibang tao. Maaaring nandun talaga ang puso mo

4. Alam nila ang kanilang industriya.
Puntahan mo na ngayon ang lugar na kung saan ka nababagay. Kung handa kang harapin lahat ng pagsubok, ang LOA ang magsisilbing gabay mo kung saan ka nararapat. Our brain's cognitive biases shape our very perception of reality. Bali nga pala ang cognitive biases ay ang  thought-shortcuts (thoughtcuts, as I like to call them), that we use to think quicker or process information faster. Our brains will disregard sources of information, objective truths, and instead, apply ingrained beliefs (true or false) to interpret situations. Gets? Kung naniniwala kang kaya mong magmanifest sa buhay mo ng iyong pinapangarap. It will happen. It’s possible.

5. Mataas ang tingin sa pera.
Hindi ‘to tungkol sa usapang pagpapayaman ang artikol ko. Hindi lahat ng mayayaman ay supaga sa pera o alipin ng pera. Hindi lahat ng gumagamit ng LOA ay mukhang pera. Ang ibig kong sabihin, lahat tayo nangangailangan ng pera. Magagamit natin to para sa araw araw.

Honestly, yung iba ginamit lang ang kakayahan ng kanilang isip, nagsikap sila at nagtiyaga sa buhay. Hardwork always pays off plus dagdagan mo pa ng LOA, ibang klase na iyon. Sabi pa ng isang Buddhist sa kanyang quote “Bless that which you want”. Kapag nakita mo sa daan yung kotseng kinaiinggitan mo, wag kang malungkot o mainggit bagkus magkaroon ka ng positive vibes na makabili ka din ng ganung klaseng kotse. Saka sila yung may mataas na tingin  sa pera na kaya nilang kitaan ang ganung halaga ng materyal na kotse.  Nabuhay ka sa mundong ‘to upang gawin ang gusto mong gawin. At hindi ng gustong gawin sayo ng ibang tao. O diktahan ka ng ibang tao. Kaya mabuhay ka sa gusto mo.

Di mo pwedeng sabihin na

“Ay nako! ginawa ko na yan dati, di naman umepekto sa akin, pang matatalino lang ata  yan saka ang mga gumagawa lang yan ay yung gustong magkapera.

Ang sagot ko po diyan ay isang malaking

“Ekis”.

Lahat tayo may energy. Kaya nating lahat i-manifest yan. At di po totoong ang mga gusto lang magkapera o yumaman ang gumagamit ng LOA. Kung palagi mong sinasabi na di mo kaya to, baka nga totoo. Yan ang naririnig ng mundo sayo. Yan din talaga ang mangyayari sayo. It’s so true diba.  

May oras at panahon pa para baguhin ang lahat. Piliin mong maging positive mag-isip. Simulan mong sabihin na

Ang sarap mabuhay sa gusto kong gawin, Mahal na mahal ako ng buhay. Ako ang may control ng buhay ko. Ang tinatanim ko ngayon sa isipin ko ay mga magagandang bagay at alam kong maganda rin ang tutubo dito”.

Noon nga mali ako dahil mali ako ng tanong na ginagamit. Sabi ko noon sa sarili ko

“Bakit parang ang sama sama sakin ng kapalaran ko?”

At ayun na, mas lalo pang sumama ang mga nangyari saken.

Kaya nag-isip ako ng paraan upang baguhin lahat ng 'to.

Binago ko ang mga tanong ko, Kagaya nito.

Bakit paganda ng paganda ang buhay natin? Alam niyo kung ano ang naging outcome saken? Mga sumunod na araw, sumaya at sumigla ang buhay ko. Punong puno man ng problema ako. Gumagaan pa rin dahil nagkakaroon ako ng pag-asa i-solve ang mga problema ko dahil sa simpleng positive question.

Bakit ang daming pag-ibig sa mundo? Makakakita ka man ng mga taong nag-aaway at nagbabangayan. Mababago ang lahat sa simpleng tanong lang. Diyan na akong natutong magmahal. Nakita ko ang mga magagandang bagay na nasa paligid ko. Nakapagbigay ako ng oras sa mga mahal ko sa buhay. Naging maayos ang lahat dahil sa simpleng tanong ko.

Bakit marami pa ding taong handang tumulong at maglingkod sa akin? Kapag pagod na pagod ako, may darating na di inaasahang tulong. Nakakatuwa. Gaya ng malalaman kong di ko na kailangan pang pumunta sa malayo (example lang), meron naman pala ang kaibigan ko, di lang ako nagtatanong sa kanila kagad tungkol sa hinahanap ko.

Bakit meron pa ring mabubuting pulitiko? kahit na tadtad ng mga negative ang balita at politika dito sa Pilipinas. Lilitaw at lilitaw pa rin ang katotohanan at makikita pa din ang pagtutulungan ng bawat Pilipino kung hinahanap natin  ang magandang side ng buhay.

Bakit mas lalong gumaganda ang mga kabataan? Hindi to pisikal kundi mas nakikita ko ang positive side na ang mga kabataan, mas natututo ng dumiskarte sa buhay, natuto na sa maling relasyon at dumiskarte ng mga mapagkakakitaan. Sa ganitong klase ng pagtatanong ko, tumatambad lang sa aking mga mata ang mga magagandang imahe ng mga kabataan. Ang saya lang.

Bakit mas marami pa din taong nagfo-focus sa positibong bagay? Imbis na mainis ako sa kapitbahay nameng chismosa na tinatawag ko noon siyang Resident Evil, ngayon parang nag iba ang lahat. Di ko alam kung sino ang nag iba, ako ba o sila. basta nagbago ang pakikitungo ng lahat. Siguro dahil sinimulan kong itanong ang tamang tanong. Ganun.

Bakit ang daming taong malusog at walang sakit? Kung nangangamba kang lumalaganap na ang malulubhang sakit kung saan saan, bakit di mo isipin ang mga positibong bagay na lalapit sayo ang mga taong walang sakit, o walang karamdaman. Hindi masamang lumapit ang taong may sakit sayo, ang sa akin lang, kung ikaw mismo ay may positive energy, maaaring ang may sakit na katabi mo ay mahawaan mo rin ng positive energy mo dahil mas powerful ang energy mo kaysa sa kanila.

Bakit nananatili pa rin ang kapayapaan sa lahat? Magulo ba ang buhay. Simple lang. Itanong mo lang kung saan ang  kapayapaan na nangingibabbaw. Mahahanap mo.

Thursday, May 18, 2017

CHANGE Part 2

“Para akong dagang pagikot-ikot lang sa kulungan ko.”
“I feel stuck.”
“It’s time to push through.“

Yan ang bukambibig ko ng mga nagdaang araw.

Kanina halfday ako sa trabaho. Nagkaroon kasi ako ng headache slash kaartehan kaya nagpacheck-up ako sa doctor. Parang may tumutubo kasing panibagong utak sa ulo ko. Wag namang po sanang ma-stroke ako. Bata pa ako. Saka additional, sinulit ko na din ang libreng pacheck up kasi healthcard ako. Ay! hindi pala libre ‘to kasi binabayaran ko din ang healthcard ko.

Kanina, maaliwalas ang panahon. Tanghali na ako pumasok sa work, hindi gaanong mainit at makalaglag ng pawis ang bawat eksena. Siguro, paparating na talaga ang panahon ng tagtrapik, tag-emo at tagulan kaya maalinsangan na. Ito ang pinakamasayang buwan ng pasukan ng mga estudyante. haha Asahan na natin dadagsa ang matinding traffic sa Metro and Mega Manila.

Kanina.

Nakita ko na naman yung paborito kong basurero sa lugar ng Dominga Street dito sa Pasay City. Nasabi kong favorite ko siya di dahil kaakit-akit siyang tignan kundi matino siyang pagmasdan.

Aaaaaaaaaaay! (Toray!)

Lalaki siya pero di ako nagkakagusto sa lalaki. Fuck you. Mukha kasi siyang “sayang na tao”. Lalaki siya pero di ako nagkakagusto sa lalaki. Fuck you ulit. Mukha siyang matalinong nabaliw lang. Alam niyo naman diba kapag may dating o impact ang tao. Lalaki siya pero fuck you ulit. Baka nga mas piliin mo pa siya kaysa sa kaibigan mong wala ng ginawa kundi magpost lang ng pabebe sa facebook eh.

Kung di ako nagkakamali. Nakita ko na siya nung lunes pa ng umaga, naaalala ko, ibang lugar kasi yun na dinaanan ko kaya nakita ko siya ulit. Saka nung tuesday or wednesday ata yun, nakita ko rin siya, bago ako umuwi sa bahay, nahuli ko na naman siyang nagpupulot ng basura malapit lang sa Harrison Plaza. Nakaramdam ako ng inggit. Konti lang naman na inggit.

Kung ia-analyze ko ang kwento. Para siyang nagta-travel. Para siyang freelancer.

Mantakin mo yun. Tangina buti pa siya. Nagta-travel kung saan saan. haha Nakakapunta sa kung saan niya gusto. Hawak niya pa ang oras niya pati ang basura niya. Samantalang ako, dahil may pasok kinabukasan, kailangan kong umuwi ng maaga. Although, malayo ang place ng work ko, ngunit paulit ulit lang naman ang ruta ko compare sa kanya(kay basurero). Pero di niya inisip yun. Ako lang talaga nag iisip ng ganun.

Magbasurero nalang kaya ako? haha

Inaamin ko na. Sige na. Feeling ko, nakagapos lang ako ngayon. Kaya ganun ang interpretation ko kay kuya.

Walang kinalaman yung basurero sa kalungkutan ko ngayon. Nabanggit ko lang. Dama ko lang kasi ang kalungkutan ng isang bilanggo.

Tanong ko sa sarili,

Ano pa ba ang dapat kong gawin sa ganitong pagkakataon?

Malamang. Hanapan ng solusyon, diba. Bakit ko pa aartehan ‘tong istoryang to, diba.

Sa totoo lang. Ang sarap yakapin ng pagkakataon na ‘to kung saan ang gulo at ang dilim ng mundo ko ngayon. Tipong gano man kadilim ang paligid ko ngayon, may isang liwanag pa rin na nagbibigay pag-asa sa mga mata ko at iyon ang liwanag na nanggagaling sa puso ko. (Naks)

Ang puso kong palaban.

Anuman mangyari, hilig ko pa rin makipagbiruan sa mga nakakasabay ko. Tumahimik na ako pero gusto ko lang ng normal na buhay.

Buti nalang di pa rin nawawala sa kokote ko ang pag-iisip ng mga masasayang bagay kahit na down na down na ako ngayon. Pinapasaya ko nalang ang kaluluwa ko para di ako malungkot o tumupi nalang. Nagbabasa nalang ako ng mga dati kong blogpost. Mas lalo akong namo-motivate magsulat at ginanahan ako kumilos sa maghapon.

Habang tumatagal, kahit na anu pang gawin kong pagpapasaya sa sarili  ko o sa ibang tao, wala talaga akong choice kundi itama ang buhay ko, bilisan ang kilos ko, at hanapan ng solusyon ang lahat ng kinakaharap ko ngayon. Di ko naman pwedeng piliing maging miserable pa ang buhay ko, diba. Di ko talaga kaya ang malungkot na buhay. Ang emong buhay. Ang natitira nalang sa akin ay i-motivate ko ang sarili kong magtagumpay. Dahil bandang huli, ang pinili ko pa rin ang dapat kong sisihin at pagdiskitahan. Kasi may choice ako.

Dagdag na tanong ko sa sarili.

Bakit paulit ulit nalang ako sa tanong ko? Parang nakakapagod na. Parang gago na ata ako. Ano na ba ang nangyayari saken? O may nangyayari ba talaga sa akin? Paano na ang gagawin ko ngayon? Paano ako ulit magsisimula?  Parang wala na atang pag-asa. Saan ako pupunta?

Ang daming tanong na gumugulo.

Nagtatanong ako dahil naniniwala ako na sa bawat makabuluhang tanong ko ay may makabuluhang sagot din akong mahihita. At ito’y ginagawa ko sa harap ng salamin.

Pinipilit kong labanan ang lungkot na nadarama ko ngayon.

Kasi para sa akin.

Ang buhay ay nagbabago and I will accept the responsibility for changing my world. Marami man akong tanong, magkakaroon din ng kasagutan lahat ng iyan.

Alam ko, nagbabago ang mundo pero dadating at dadating talaga ako sa puntong feeling ko parang di ako nagbabago. Ewan ko ba. Kumikilos naman ako sa goals ko, gumagawa ako ng move sa mission ko, tapos feeling ko ngayon ang messy ng lahat. O baka naiirita lang ako.

Kailangan kong bantayan ang tinatanim ko sa isip ko eh. Isipin ko pa rin na dapat may magbago.

Sa choices na pinili ko, parang lumalabo ang susunod na mangyayari pero alam ko sa sarili ko na bumubuo na ako ng kinabukasan ko. Ayun na lang talaga ang kinakapitan ko.

Nakakapili pa ako ng dapat kong gawin, siguro naman pwede kong mabago ang lahat, diba. Power din yun.

Baka nga feeling ko lang to, siguro feeling ko lang ‘tong “stuck ako”. Hindi to totoo. Kasi kung totoo ito, edi sana wala akong kapangyarihang isipin na di ako gumagalaw.

Palagi nalang sa ganitong sitwasyon na naguguluhan ako, kadalasan humahanap ako sa iba ng masisisi. Pigilan ko man ang sarili pero parang kusang ginagawa ko ‘to. Nakalimutan kong tignan ang sarili ko kung sino ba talaga ako.

Dapat ko ng baguhin ang perception ko sa mga nakikita ko. Baka sakaling kapag nabago ko ang tingin ko sa lahat ng bagay na nakapaligid sa akin, magbago din ang eksena gaya ng inisip ko na

“lahat lang to ay joke lang, walang dapat seryosohin” 

para nang sa gayun matuto akong hindi dibdibin ang lahat ng bagay at opportunity din to na maging humorist ako. haha

Dahil lahat walang permanente.

My reality is bendable to my will.

Tapos na ang kahapon, di ko na maibabalik pa ang nakalipas na pagkakamali. Ang tanging mayroon lang ako ngayon ay ang ngayon. Panahon na rin para bitawin ko na ang mga taong walang kwenta at naiambag. Ipapakita ko nalang sa kanilang ang path na tinatahak ko para kahit papaano mainspired din sila. (Naks) Pati lahat ng habit kong walang katorya torya. Binitawan ko na din. Wala na dapat akong pagsisihan pa. Mauubusan lang ako ng oras kung pipiliin ko pang magpaka-depress at ma-frustrate sa lahat ng kaganapan.

Gigil na ako eh. Honestly.

Nilamon na ako ng pagiging desperado. Naubusan ng pag-asa at nang dahil sa pagiging desperado ko, nalulong na ako makapunta sa gusto kong puntahan. It is my little voice that says I will try again tomorrow. I will start today and make a new ending.

Ayoko na talaga rito. Ayoko nang naghihintay parati. Because I learnt the hard way that I cannot wait for my life to be perfect before I start living my dreams. Sabi pa ni Allen Saunders

“Life happens when you are busy making other plans.”

May dapat baguhin talaga. May dapat na magsakripisyo. At ang nakikita ko ay ‘ako’ yun. Hindi ‘to madali pero alam kong posible. Paulit ulit man ang tanong ko na wala pa rin nagbabago? Dapat ko na sigurong baguhin ang tanong ko. At ang pinakatanong ko sa buhay ko, sa akin nalang iyon. Bawal ko munang sabihin senyo. Mas masakit para sa akin na nandito ako(sa work na to) habang buhay. Di kaya ng kaluluwa ko ang ganito. It’s time to choose what’s best for me.

Kagaguhan din na isiping nagnanais ako ng pagbabago pero wala akong bagong ginagawa. Baka nga same lang ang strategy na ini-implement ko kaay ganun.

Wala naman akong dapat gawin kundi i-motivate nang i-motivate nang i-motivate ang sarili ko. At makaroon ng ganap.

I have the power and energy to move forward no matter what obstacles block my path. I have the power to live up to my highest vision of how my life can be. I have the power to follow through and make significant progress on my biggest goals. Lahat ng ‘to ay kaya ko kasi may choice ako.

Wala na nga akong paki sa sasabihin ng iba kesyo nagbago na ako. Dapat talaga akong magbago. Mas papalakasin ko ang utak ko. Feeling ko napagod lang siya sa lahat ng napagdaanan namen.

Ako ang susulat ng tunay na kahulugan ng buhay ko gamit ang pinili kong talata.

Lagi akong nagtatanong kung ano ba ang maiihahain ko sa lamesa.

Sa totoo lang, natatakot ako sa bawat araw na nandito ako. Natatakot akong ulitin na naman ang paulit ulit na bagay na ayaw kong gawin. Napipilitan nalang ako dahil wala akong malipatan at mapuntahan. Natatakot akong mawasak ang mga plano ko. Natatakot akong dito pa rin sa klase ng tindahan ako kumakaen. Natatakot akong dito na naman ako maglalakad sa lugar na to. Natatakot ako na ang ‘isang araw’ ko ay yun din ang gawin ko sa buong taon. Natatakot ako. Dapat ang “isang araw” ko ay mabago ko. Okay lang sa akin ang pagbabago. Wala ng problema sa akin ang changes. Handa na ako.

Sisimulan ko ng maging tapat. Simulan ko ng hindi mang-gago at mantrip ng ibang kapwa. Kasi ang kalagayan ko ngayon, talagang masasabi kong kagaguhan eh. Parang bumabalik lang talaga.

Yayakapin ko ng todo to.

Nagkamali ako noon. Ngayon bumabangon muli sa pagkakamaling akala ko lahat ng oras ay nasa akin ang lahat ng oras.  Sabi ni Stephen C Hogan sa kanyang advised

“Most people miss great opportunities because of the misperception of time. Don’t wait! The time will never be just right.”

Kaya.
Go Ben. Fight lang.
Life is right now, right here – make the most of it.

Friday, May 12, 2017

CHANGE


“We must be willing to let go of the life we planned so as to have the life that is waiting for us.” ~ Joseph Campbell

Hello Gentle Reader, what’s up?

Nga pala mga dude, mga around 4:30am kaninang umaga ako’y nagising, binuksan ang aking puso sa pagmamahal at nagmuni muni ng ilang oras. Maraming tanong ang gumulo sa akin. Gusto ko lang kayong idamay sa problema ko. haha

Wala naman.

I would like to share to you yung naging reflection ko kanina nung ubod ng tahimik ang kwarto ko sa loob ng halos dalawang oras. Walang ibang nangyari  kundi ako’y umupo ng masarap at nag-isip ng deeper meaning sa pagkatao ko. (Yes. Oo, mas malalim pa sa bunbunan mo.)

Ayoko na sana ‘tong i-post sa blog kasi parang irony ang dating pero parang feeling ko dapat bigyan niyo ako ng opinyon kasi naguguluhan ako. hahaha So, help me please.

Tungkol ito sa digmaan ng aking katahimikan at kaingayan. Bibig versus utak ko.

May idea na ba kayo sa topic ko?

Let’s start this story in a silence. Sssssh.

Kailangan ko ba talagang tumahimik? Kailangan ko ba talagang tumahimik? Kailangan ko ba talagang tumahimik?

Yan ang tanong ko sa sarili ko.

Pero, in case man na “Katahimikan” ang sagot sa lahat ng problema ko, ugali ko at lahat ng balakid sa akin. Why not? Why not to choose silence, diba. Bakit hindi ko gagawin? Kung malaki ang malo-lost sa attitude ko. Sure akong malaki din ang makukuha ko. Kung tatahimik na talaga ako. Syempre ang tanong ng ilan, paano naman ang blog ko, bibitawan ko na ba kasi halos sinasabi ko na lahat dito eh? Naisip ko siguro, pwede rin naman akong magwrite ng hindi na tungkol sa buhay ko. Okay rin naman na magcreate or pagusapan ko ang makabuluhan na pamumuhay naman ng ibang tao. Tama, diba!? Or pwede rin naman akong magsulat dito sa blog ng tungkol sa mga naiisip ko in a way na hindi ko na sasabihin ang lahat ng balak ko sa mundong ‘to. haha Concealing my intentions. Pwede naman diba. May problema po ba tayo don?

Diba wala.

Well kasi, natanong ko lang ang sarili ko kanina.

Tatahimik na ba talaga ako o mas mag-iingay dahil kailangan kong magsalita sa mga oras na to?

Kapag ba may kailangan akong alamin, tatahimik nalang ba ako o magtatanong sa iba at bubuksan ang aking nag-iisang bibig upang mag gather ng information and opinions?

Tatahimik ba ako para marinig ang hindi ko pa napapakinggang tinig ng sarili ko o ang totoong ako ay nakilala ko na, kaya di ko na kailangan baguhin pa?

Masyadong malalim ‘to ngunit pipilitin kong ipaliwanag senyo ang nararamdaman ko. Pero hindi ko maipapangako na lahat ay sasabihin ko ngayon. Itatago ko ang dapat na hindi niyo malaman. haha (Baka simula na ‘to ng katahimikan ko.) haha Baka lang.

Anyway, I know naman na ang “Katahimikan” ay punong puno ng sagot. Paano ko nasabi? Noon, kapag tumahimik kasi ako, napapansin ko na binibigyan ako neto ng kasigurahan na malaman ko kung ano ba ang katotohanan dahil nag pay attention akong makinig sa sarili ko. Sa ganung paraan, willing kasi ang buong senses kong harapin ang lahat.

Kailan ko naman yan nalaman? Actually, matagal na, sinanay ko lang talaga ang sarili kong maingay dahil sa gusto kong maging masaya. Yun lang.

“Maikli lang kasi ang buhay, bakit ako magse-seryoso?”

Yang phrases na yan, noon hanggang ngayon ang aking paniniwala.

Pero pinag isipan ko ng maigi at nalaman ko na kapag tahimik ang konsensya ko saka naman magsasalita ang aking inner being. Parang ganun. Naks, oh diba, ume-inner being na ako. hahaha Aba syempre. Paliwanag ko sayo ah. Kayo ba? Minsan ba na-experience niyo na mas mabuti nalang tumahimik sa isang argumento o pag aaway ng dalawang tao. Diba minsan mas nakakaintindi pa yung unang tumahimik sa pagsasalita kesa sa taong daldal ng daldal. Ang putak ng putak ay yung taong inuulit lang naman ang sinasabi niya para ma-prove niya sa kausap niya na tama siya. True naman diba?

Kaya ngayon saken, napagdesisyonan ko na napakahalaga ng silence. Imbis na manisi ako at tumingin ako sa iba, nakatuon na ako sa sigaw ng aking sarili. Inaalam ko ng husto ang tama sa mali. Kapag tumatahimik kasi ako, kumukuha ako ng tamang tyempo masolusyunan ang problema. Ganun po.

Honestly, hindi madali para sa akin na tumahimik. Napaka-hirap. Pero kakayanin ko.

At di naman lingid sa ating kaalaman na kaingayan ding matuturing ang social media. Alams niyo yan. Isa rin akong biktima diyan.

Naalala ko pa. Sabi tuloy ng professor ko nung high school ako sa Filipino Subject, pero alam ko naman na quotes lang yung sinabi niya kasi di naman matalintahaga magsalita yun eh. Saka wala sa mukha niya magbitaw ng ganung klaseng salita. haha Ang sabi niya:

“Ang dagat ng maingay, mababaw. Ang dagat na malalim, tahimik.”

Tama rin naman. Pero bakit ako?, maingay pero malalim pa rin ako. hahaha charot lang.

Sa totoo lang. Kinilala ko ng maigi ang sarili ko. At kilalang kilala ko ang sarili ko. Di ko lang alam kung dapat ko bang baguhin ang sarili ko para sa mga pangarap ko.

Pwede din naman. Siguro dahil naisip ko na pumalya ang mga una kong plano kaya dapat akong magbago ng character ngayon. Change naman ng strategy kumbaga. Alam ko  naman na when announcing my plans to others it satisfies my self-identity just enough that I am less motivated to do the hard work I needed. Once I’ve told my friends of all of my intentions and my goals, it gives me a premature sense of completeness. Yung kala ko, okay na. Yun pala hindi pa.

Kaya nung mga nagdaang araw, napipikon ako sa tuwing pinakekealaman ang lahat ng routine ko tuwing umaga. Alam niyo naman sa blog ko palagi kong binabanggit na mahalaga ang movement ko sa umaga.  Ayaw na ayaw kong nasisira ang morning ko. Ayaw na ayaw kong nasisira ang momentum ko. Sa maniwala kayo sa hindi. Pinapanatili kong disiplinado ako.

Kaya minsan, di ko mapigilang ilabas ang galit ko sa taong dapat sisihin na naging suma neto tuloy ay humahantong sa init ng ulo ko at nagkakapagsalita ako ng hindi maganda. Ayoko na kasing makapanakit ng ibang tao. Minsan nang dumampi ang malakas na pwersa ng palad ko sa balat niya. Ayoko ng ulitin pa.

Wala naman kasi akong ibang alam na kakapitan upang makatakas sa aninong rehas na kinauupuan ko ngayon kundi gawin lang ang mga bagay na makakatulong sa akin. Ang mga bagay na i-set ko ang aking utak sa tama. Involved diyan ang  silence na sinasabi ko.

Samakatuwid, tanging katahimikan din ang sagot para hindi ako magalit sa umaga at maiayos ko ang napakagulo kong buhay. So, when I am just starting out on the road toward a big undertaking, it is probably best to let my actions express my intentions louder than my words. Kaya natutunan ko na ang real success is not about boasting and showing off. Kung gusto kong maiwasan ang gusot at ayusin ang sarili ko. Matuto na siguro akong tumahimik. Magkakaron at magkakaron ako ng kalaban o kaaway  pero kung tumahimik man ako, iba pa rin ang nakahanda. At matino ang utak. Hindi man sa kaaway pero sa lahat.

Naalala ko noon, talagang bumuhos ang napakalakas na biyaya sa akin nang tumahimik ako ng todo. As in, naging boring ang buhay ko pero may kapalit naman iyon. Paanong pagkatahimik ang sinasabi ko? Wala akong ginawa noon kundi magfocus sa gusto kong gawin, sa pag aaral. Sa isang bagay lang, ang makamit ang honor nung elementary ako. Wag ka, naging 2nd hororable mention ako nun. Plus na rin na nakadagdag ang pagiging relihisyosong tao ko dati kaya nakamit ko iyon, nabitawan ko saglit ang pagiging makulit at maingay. Kusang tumikom ang aking mga bibig sa mga walang kwentang bagay na nasa paligid.

Kaya nung tumagal tagal ang panahon. Na-realized ko. Wala pa akong classmate na narinig kong balak nilang maging cum laude or dean's lister nung magkasama kame ng summer bago magsimula ang semester pero natutupad naman nila ang sariling plans nila pag graduate na nila. Ayun, may isa akong kaibigang cum laude at lisensyado na. Patunay lang na kailangan ko din minsan manahimik at magfocus sa gusto ko.  Well, it’s true. When achieving my goals, it better to behave. Because the secret to attracting all I want is to be still. To tune into myself, and listen to my silence. Ganun.

Pwede naman siguro akong magpatawa sa ibang klaseng paraan. Gaya nitong sulat ko.

Isa sa mga nabasa kong quotes na talagang nakapagpabago ng buhay ko kailan lang nung pinag aralan ko ng matino tong topic na to ay ang sinabi ni Swami Vishnu devananda:

“Here the Silence; See the Silence; Smell, Taste and Touch the Silence. That Silence is God. That silence is the Peace that Passeth all Understanding. Close your eyes and become One with that Silence”

This sums it all up. When I become one with the silence then all is well. I have truly attained my heart’s desire.

I may think I want a magarang kotse, malaking house and more money sa bangko, yet when I to be still and listen in, I will notice that yes, I do want those things yet underneath that wish is a far deeper need.

Saka.

Kumpara naman sa pagkakamali kong buhay ngayon na madaldal at gusto kong kumausap ng kumausap ng maraming tao.

Diba nga kaninang umaga, mainit na kagad ang panahon pero nag iisip pa rin ako. Nagtatalo kanina ang brain at heart ko kung sino ba dapat ang sundin ko.  Sinasabi ng puso ko na “Okay lang mag ingay ka at maingay ka masyado, sabihin mo sa lahat ang gusto mo, walang makakapigil sayo!”. Tama naman ang sinasabi ng gago kong puso, nagpakatotoo lang naman siya. Ngunit sinasabi naman ng aking matalinong utak na hindi ko daw kailangang buksan ang aking bibig at puso, gawin ko lang daw ang dapat kong gawin and the rest will follow. Tama din kaya ang isip ko, o baka magulo lang at madumi lang to ngayon. Sana tama ang utak ko, sa tuwing sini-zipper ko ang aking mga bibig, mas nagiging open ang aking isip sa mga bagong pagsubok at pananaw ko sa buhay. Kapag tumatahimik ako, mas madali kong naiintindihan ang mga nangyayari na taliwas naman sa sinasabi ng puso ko na “okay lang daw mag ingay “eh yan naman ang gusto kong gawin ediba”, ang magsalita ng magsalita. Kumontra naman muli ang aking isip na hindi ko daw makukuha ang gusto ko kung hahayaan ko nalang ipanakaw sa iba ang pangarap ko gaya ng nadudulas ang mga dila ko sa pagsasalita ko ng sarili kong intensyon. Ang pagiging madaldal ko daw kasi ang nagiging mitsa ng kapahamakan ko sa buhay. haha Mahirap magdecide. Wala akong choice kundi tumahimik nalang muna.

Tanong ko ulit, kelan ba ako huling tumahimik? Kailan ako nakinig on what my heart is saying to me?

Di ko na maalala kaya ako’y umupo nalang kanina at tumahimik.

Dagdag pa ng lahat ng ito, nakakagulo lang na marami akong nababasa na mas effective daw sabihin sa iba ang goals ngunit  marami rin naman nagsasabi na hindi maganda ipangalandakan ang mga dapat makamit. Sa ngayon, mas pabor ako sa katahimikan. Dapat lang akong kumilos ng tahimik sa lahat ng life goals ko. Siguro nga magkakaiba tayo ng level ng pinagdadaanan na hindi natin pwedeng sabihin na applicable sa lahat ang napagdaanan ng iba. Magkakaiba pa rin tayo ng pag iisip at buhay.

Siguro magba blog nalang ako at babawasan kong banggitin dito ang mga plano ko. Ganun nalang siguro.

Di na kailangan malaman ng kaaway ko na paparating na ako.

Di ko na kailangan pang i-broadcast na malungkot ako sa facebook /blog para lang maibsan ang problema ko..

Walang may pake sa pangarap ko. Alam ko yan.
Di ko na kailangan pang isigaw sa facebook ang kaligayahan at problema ko.
Di ko na kailangan ng approval ng iba para magsimula akong kumilos.
Di na kailangan pang i-promote sa social media na mahalaga ako. Kusa nilang malalaman iyon.
Di ko na kailangan magpatunay. Sa sarili ko gagawin yun.
At ang tanging kailangan ko ay katahimikan.

Declaration: I will conceal my own purpose and I will hide my progress. I do not disclose the extent of my designs until I cannot be opposed, until the combat is over. I will win the victory before I declare the war.

I will hide my intentions not by closing up (with the risk of appearing secretive, and making people suspicious) but by talking endlessly about my desires and goal, just not my real ones. I will kill three birds with one stone.

So alam niyo na kapag tumahimik na ko sa blog ko. hahaha  May dapat lang akong tapusin. “We must be willing to let go of the life we planned so as to have the life that is waiting for us.”