Friday, November 21, 2014

GANITO LANG YAN PAREKOY!

Siguro, kaya ako nape-pressure ngayon, (i mean buong week na pala, im sorry) dahil ang tingin ko sa oras ay may hangganan. Ganyan ang perspective ko sa panahon. Para akong nagsasayang ng tubig eh. Actually nga, gift ang maituturing ko sa oras na meron ako eh. Isang biyayang parang kahon ikaw na bahala maglagay ng kung ano-ano. Ito ang biyayang kapag wala kang kahon, wala ka palang biyaya. haha. Ang oras kasi para saken, ito yung mga ginagawa ko or kinikilos ko. Maganda man o masama. Hindi ito yung mga numerong tumi-tik tok sa mga dingding naten. Gawa lang yan ng tao eh. Pwede naman kasi tayong kumilos ng walang limitasyon. Napaka-mahalaga ng oras para sa akin. Siguro, kaya ako nalulungkot minsan kasi hindi ko naibigay ang "pinaka" ko sa buhay. Ouch. hehe

Ayoko namang sabihin sa sarili ko na walang nagda-drive ng buhay ko ngayon. (ang kapal kaya ng mukha kong sabihin matutupad ko lahat ng gusto ko). Kasi kapag wala. Ang ingrato nun. Wala pa akong nagagawang hampas o palong palo na talagang may "Wow Factor" na masasabi.

Nasanay lang siguro ako sa mundong mapanlinlang at may kakaibang gimik. Kaya medyo bago pa ang lahat para sa akin. Nasanay lang siguro ako sa mundong puro ilusyon at ako naman tuwang tuwa sa kaka-carinyo. Siguro masyado lang akong nagrerely sa mga nakikita ko. Nakalimutan ko na ang sarili ko. Nakalimutan ko na ang tunay kong nararamdaman. Wala naman kasing nagsabi saken na kailangan kong lumaban sa buhay. Kung hindi ko pa mababasa sa mga social sites. Hindi ko malalaman. Gago den e nu.

Dun ko lang naintindihan na ang karunungan ay kung ano ang mga bagay na hindi mo pa alam at gusto mo itong alamin.

Matagal ng naka-focus ang mga mata ko sa mga opportunity na dumadating sa akin. Katulad nung last week, inaya ako ng kaibigan ko sa isang pre-nuptial video. Ang gagawin ko lang, papa-artehin ko yung lovers. Syempre, naiapply ko yung mga kalandian kong taglay. "Ganito gawin nyo, Ganito hawaan niyo sya.

Kaya tinitignan ko nalang ang mga bagay na nangyayari saken ngayon tulad ng ganito. Siguro isusurprise ako ng mundo sa mga nais kong gawin. Kaya siguro nalate yung order ko sa universe kasi marami ring nagrerequest. Bakit kaya wala pang answered prayers, Relax, hindi lang ikaw ang nagppray. Marami tayo. Bakit kaya hindi ako tumataba. Kalma, isipin mo nalang, mas madali akong makakalusot sa masisikip na daan kumpara sa mga chubby. Bakit kaya ang buhay ay parang isang laro lang. Uuuy!! wag mong isipin yan, tignan mo nalang ang buhay ay isang handog. Nandito ka para pagandahin ang earth. Dahil kung ano ang perspective mo sa isang bagay o tao, yun ka. kasi ang mata ng retina ay konektado sa utak. Wala lang.

Isa sa mga natutunan ko sa buhay. Hindi lahat ng Gusto mo makukuha mo, kahit di mo gusto makukuha mo. Yun nga lang, wala pa akong idea kung maganda ba ang resulta kapag hindi mo gusto. Kaya ang formula na naimbento ko "5% ask in prayer & 95% Just do it".

Kailangan ko pang maging matapang sa tuwing humihina at tinatamad ako. Kailangan ko pa maging matalas sa tuwing natatakot ako.Kailangan ko pang magpakumbaba para umangat ako.

Pero hindi ko babaliin ang sinabi ko na hindi ko sasayangin ang panahon dahil ito'y may hangganan.
Bubuksan ko ang pintuan kasama ng aking puso. kasi Kanta yan ng "Asin" eh.


Merciful Father, teach me to love you more each day.


4 comments:

  1. Lahat yata talaga ng bagay may dahilan, may mga bagay na gustong gusto ng tao pero ayaw talagang dumating, siguro nga baka ikasama pa ng tao sa future, may mga bagay naman na dumarating na hindi natin inaasahani or ayaw natin, ito siguro yung kahit tanggihan natin eh no choice tayo dahil may maganda rin palang ibubunga sa future. Maganda ang positibo mong pananaw sa oras..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir isa lang po masasabi ko..Kapag senyo nanggaling yung comment saludo po ko, kasi idol ko yung mga blog niyo eh..

      Delete
  2. wwoot! agree ako sa mga oras na sinasabi mo kung hindi tayo tumatanda eh hindi natin malalaman ano ang halaga ng bawat panahon meron tayo! hehe alang right formula to make our life better (i wont say it perfect kasi yan ang imposible) but all i know after all the ups and down sa buhay ko, sa mga panget na nangyari - prayer does a lot of miracle. today, if u knew about this law of attraction plus prayers, shooot hindi man better as in better pero at least may direction ang buhay natin. hindi din ako naniniwala sa edad - so far sa opinion ko lang naman to, wala naman sa edad yong matuto tayo sa mga bagay-bagay sa mundo, madalas yong mga panget na nangyayari sa ating buhay yon ang totoong maturity, mostly dahil sa mga problema, we learn and live with it and we don't want things to happen the way it had.

    ako na ang magsasabi sayo >> kailangan mong lumaban sa buhay hindi lang for ur family pero ang importante is para sa sarili mo! para sa gusto mong ma-abot at kaya mong abutin yan in due time. just focus and have enough courage & determination to reach ur goal in life. fight lang!

    at ang comment ko kasing haba na ng buhok ko sensya na hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uuy ate Lalah thank u po sa mahabang comment ah..Naappreciate ko ng sobra yung pagbasa mo sa mumunting thought ko. Saka natuwa ako dahil naramdamin mo din yung sinulat ko..Thank u

      Delete