Tuesday, November 25, 2014

SUMAMA KA LANG SA "BIGLAANG LAKAD".

Minsan kung ano pa yung biglaang alis, yun pa yung natutuloy. Diba noh? Ang mga biglaang pangyayari sa buhay na kadalasan ay mas tumataktak ng maganda sa storya ng buhay naten kesa sa nakaplanong gawain..

Ayoko namang umabot sa parang wala na akong pake sa lahat.

Ako ba'y isang gunggong na hindi magpa-plano sa buhay. At bahala nalang si Superman, dobberman at si Batman. Pwede kayang maging tama ako o mali? Sino ba naman kasi ang gustong "basta-basta" nalang diba. Pwede kayang Oo lang ako ng Oo. Sino ba naman ang mas gusto ng pagkamulat ng mata, ay kung ano lang ang nakalapag sa lamesa, komportable na sa ganung setup at matutulog ulit. Ayoko nung huli. At kung itatanong niyo kung sino yung binabanggit ko. Ako po yun.

Medyo inaamin kong kumakapit ako ngayon sa mga biglaang opportunity. Wala rin naman dibang makakapagsabi diba!? Malay naten, hinihila na tayo ng tanong naten sa buhay. Binabatak na tayo palayo para sa sinasabi ng kaluluwa naten,Gusto ko kasi sugod lang ako ng sugod. Tira lang ng tira. Banat lang ng banat. Ang paniniwala ko kasi, "wala namang taong nag-eexpect saken kung saan ako pupunta kaya langoy lang ng langoy sa buhay. Lalaban ako hanggang huli.

Napaka-laki ng role na ginagampanan ng takot sa buhay naten. Dinumihan at dinungisan na ang puso't isipan naten nito. Kaya may halong duda na kapag humakbang na sa susunod.

Minsan kasi mas lalong gumugulo kapag mas lalaong nag-iisip. Mas magandang kumilos ng hindi na pinagpa-planuhan ng husto. Basta alam mong tama at handa kang isugal lahat makamit lang ang ninanais.

Naging aral sa akin. "Huwag makuntento kung ano ang meron. Itanong sa sarili kung ano ang susunod."

Naniniwala akong laging may bukas na oportunidad para sa lahat. May kakayahan din tayong gumawa ng pinto para sa daan na gusto nating tahakin. Maaari naten tadjakan ang bawat pinto.

Maging bukas sa lahat ng pagkakataon.

Sa edad ko na ito ngayon. Bawat kilos ko may kalakip na dahilan. Ayokong kumilos ng
malayo sa linya na gusto kong matupad.

At ang pinaka mahalaga sa lahat. Bawat hakbang may patutunguhan.

Wala akong mararating sa buhay kung lagi akong titingin sa iba.

Kaya sobra sobra ang pasasalamat ko ngayon kay Panginoong Ama. Ang daming answered prayer ko this year. Pambihira. Ang saya.

Maihahalintulad ito sa isang karera. Dapat laging mulat ang mata. Matalas at may tapang. Kung sa sarili mo may taglay kang sabihin "eto ang gusto kong buhay". Matutupad.

Para bang tumatakbo kame ngayon sa oval ng isang track & field, kasabay ko ang mga taong nasa paligid ko.madadapa ako kapag tinitignan ko ang kalaban ko habang natakbo. Focus!

Hindi naten namamalayan sa sobrang bilis ng panahon. Pwedeng sa bawat click ng daliri nten
maglaho ang katabi mo sa trabaho. Kaya wag tayong magsayang ng panahon at oras.Yung mga ganun.

Wala akong pagsisisihan kung ako ang nagdesisyon para sa sarili ko. Biyahe ko naman ito eh. Kapag pinaubaya ko sa iba ito, para ko naring sinabing paralisado o baldado na ang mga katawan ko.
Ang oras ay ginto. Ngunit napansin ko kapag ginagamit ko ng husto at tama. Unti-unti itong nangangalawang.


Tunay nga talagang magkaka-connect.
Ang kahapon, bukas at ngayon.
Paano ko nalaman ang halaga ng "balik".
Kasi dun ko lang nalalaman ang passion.

Sa aking nilalakaran,
Ginabayan ako ng Aral.
Sa aking nakaraan,
Nagtagumpay kasi kinalimutan ang "Banal".

Anong klaseng enerhiya ang "Takot".
Kahit kanino kasi kaya niyang bumalot
Kung wala ka nito, tiyak ika'y malungkot.
Ito ang nagpapatatag sa buhay ng bawat tao.
Ito rin ang magsisilbing daang walang hagdan.

Nandito ako sa mundo para ibigay ng buong buo ang aking buhay,
Kung sino man ang naglagay ng rules sa mundo.
Nagpapasalamat ako dahil ako'y napaisip.
Ngunit inunawa ko ng maigi.
Pinagpuyatan kung bakit nga ba
Napagod ako ng kaunti at umidlip.
Saka ko lang natanto na habang nabubuhay.
May paraan para makabangon at makalusot.

Kung ang bawat tao ay may nakalaang rason.
Kung ang bawat tao ay may kakayahang magbigay ng pagmamahal.
Ngunit sino naman ako kung hindi ako marunong magmahal.
Maitututing mo ba na akong isang masama
O isang gabay para masabi mong di mo ako dapat itulad.

Ang labo para sa akin makitang huminto ang hininga
Dahil lang sa balakid na nakaabang
O kaya'y tinangay ng alon at tuluyang nagiba.
Paano ang mga sanggol na nawala kagad bigla.
Paano ko malalaman ang tunay na buhay 
Kung hindi ko tatanggalin ang batayan nila.

Bow.


No comments:

Post a Comment