Kagabi ang lakas lakas ng tama ko. Sumanib saken ang kaluluwa ni Imelda Papin dahil damang dama ko ang mensahe saken ng kanta niyang
“Tutulungan kita, malimot mo siya, ibabalik ang dati mong sigla. Aking gagamutin, puso mong sinugatan, sugat na dulot ng salawahan”.
Iba yung palo saken eh. Para ba gang nang aakit ng paglalandi. Para bang may budget para saluhin ang kalungkutan. Hanggang sa nakahiga nako sa kama. Nagmumuni muni. Nakangiti pa rin bago matulog. Pero nasa isip ko parin ang mga linyang binitawan ni Imelda. Hoy Imelda tantanan mo ko ah. Tumatak talaga kasi sa akin ang “sugat na dulot ng salawahan”. Hay buhay. Ang buhay nga naman.
Tapos daw, nagddrive daw ako papunta sa Baguio dahil magbabakasyon kame ng mga anak ko. Dalawa ang baby ko eh. Babae at lalake. Nagkakantahan pa kame sa loob ng kotse. Tawa ng tawa ang dalawa kong anak dahil walang tono kumanta ang tatay nila. At nang nakadating na kame sa Baguio. Naghanap kagad sila ng Zoo. Yung puro hayup. Syempre. Ako hinanap ko kagad ang Dragon. Diba Chinese New Year ngayon. Wala talaga akong mahanap eh. Nakakita ang mga anak ko ng unggoy sabay tingin saken. Ano tingin ng mga anak ko saken. May similarities kame ng mga unggoy. Mga anak, before you "judge me" try this method called "asking". Kaya hinatak ko na sila. Sabi ko, wag na tayo dyan mga anak, hindi pa ko handang iexplain sa inyo kung ano ako dati. Hahaha Tara dun nalang tayo sa iba. Yung medyo hindi wild ang itchura. Nakakita sila ng birds at iba’t ibang hayop. Dahil pinalaki ko sa karangyaan ang mga anak ko. Gusto ba naman nila magpabili ng tigre. Hindi na ko nakatanggi ko. At binili ko sila ng tig iisang tigre. Binigyan ko naman sila ng instruction na gagamitin lang nila ang hayop na ito kapag inapi sila at ipalapa kagad sa tigre. Hahaha kahit bullying lang yan. Bitawan niyo kagad ang tali ah.
So habang nilalakad naman ang buong Zoo. Kanta pa rin ako ng kanta ng “Tutulungan kita”. Nakakatawa lang yung mga moment na yun at na-adopt din ng mga anak ko. Hawak ko ang mga kamay nila. Imbes na nursery rhyme ang song for the day namen. Si Imelda Papin nalang ang walang kasawa sawang kinakanta namen. Ang weird lang diba. Tinataas talaga namen ang boses kapag kakanta nang “IBABAlik ang dati mong sigla. Oh diba. Nakakagood vibes pa rin kahit na pang adult ang salita. Tapos may nagsuot daw saken ng costume ni Peter Pan. So, may tatlong tao na nagsuot saken. Pinagsamantalahan nila ako. Naging sex slave ako. Joke. Nagccheer ang maraming tao na lumipad na daw ako. Sabi ko “hindi po ko marunong lumipad” Hindi naman kasi ako pwedeng mag bida-bida, hindi naman ako si Jollibee. tinatawanan ko lang sila hanggang sa tinulak ako ng dalawa kong anak galing sa isang mataas na puno at akala ko malalaglag ako at doon na ko nakalipad. Whooooah! Puta ano to? Ayoko na. Dun nalang ako sa rides ng Star City. Mas masarap sa Surf Dance. Ayoko na. Nalulula ako kapag lumilipad. Nang lipad ako ng lipad nang may makita akong relos na napakabigat. So, dahil mataas ang intension ko sa mamahaling relos. Dinala ko ito sa paglalakbay ko. Sumigaw nalang ako na “kung kanino man tong relos na to. Bahala ka sa buhay mo, akin nalang to”. Nalibot ko na ata ang lahat ng Hot spot dito sa Pilipinas. Napansin ko ding may Billboard ako dito sa Metro Manila. Ang laki ng picture ko. Kita yung 7 na abs ko. Pang Bench Body. Hindi pa rin ako napapagod kakalipad. Ewan ko ba. masaya pala. Mas lalong nadadagdagan ang lakas ko na parang naglalaro ako sa isang video games na may mga dinadaanan akong mga coins signs. Tapos may lumapit naman na babae. Ang sabi niya, “Nasa sayo na lahat”. Hala sabi ko. Di pa ko si Daniel Padilla. Si Daniel Matsunaga nga di ko maachieve eh. Hanggang sa bigla kong naalala ang dalawa kong anak. At binalikan ko sila kung saan ko sila iniwan na Zoo. Nandun silang dalawa. Hay nakahinga din ako ng malalim nung nakita ko sila ulet. Tapos tuwang tuwa ang mga taong nanonood sa kanila dahil kinakanta ulit nila ang Imelda papin. Edi tapos na ang career ni Imelda at lumabas na ang score sa videoke. Niyakap ko naman ang dalawa kong baby dahil sobrang proud na proud ako sa kanilang dalawa. Biniro naman ako ng anak ko na “Daddy ikaw naman kumanta”. Ang sabi ko naman, nakakahiya anak, maraming tao. Pang banyo lang ang boses ko. Sa bahay nalang. At may biglang may kumanta galing sa malayo. Ang lakas ng tinig niya. Eksaherada ang intrada ng babae. Yun pala ang wife ko. Ang ganda niya sobra. Medyo emo nga lang. Ang violet violet ng lips niya. Kulot. Nakawhite na dress. At kumanta ng
“I've never seen a diamond in the flesh. I cut my teeth on wedding rings in the movies. And I'm not proud of my address. In the torn up town, no post code envy”
Ohh sabi ko. Di ba royal yun ni Lorde. Lapit kame ng mga anak ko. Sabay sabay kame sa Chorus. Pero wala ng katao tao sa paligid. Talagang natakot kame bigla. Pati yung mga nagbabantay sa Zoo nawala din. Pati mga hayup. Nawala. Kame nalang nandun. Pero kumakanta pa rin kame ng Loooorde royals.
At nagising nako sa malungkot na ending ng panaginip ko. Kala ko di na ko magigising dahil wala ng tao sa paligid. Pero 6:30 na. Late na kooooooh.
Pahina ng sarili kong diskarte sa - law of attraction, - passion ko sa pagsusulat, - diskarte ko sa buhay at trabaho, - diskarte kong produktibo, - malikhaing kwento - at tips/motivation ko sa success na may halong nakakabastos na humor.
Wednesday, February 18, 2015
Monday, February 16, 2015
PALITAN NG PUTOK
Ito ang mga nagbabagang pinapaypayang balita ngayong gabi sa BaliTANGINA. Pasok!
Magandang gabi sa inyo. Ito ang mga kaganapan ngayong gabi lamang tungkol sa Palitan ng Putok sa magkakaibang pangyayari.
Sumiklab ang laban tungkol sa palitan ng firecracker sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kalalakihan sa may Carmona, Cavite dakong ala una ng gabi. Nag-iinuman ang mga kalalakihan nang biglang alakuhin ng isang lalaki ng labintador ang kasama nito sa murang halaga. Dali namang pinalitan ng watusis ang alok ng kasama niya sa magkaibang presyo. Sa naturang pangyayari, bagama’t walang nangyaring madugong ingkwentro. Nagkasundo silang ibato na lamang ang isang labintador at watusis sa dalawang couples sa luneta. Sinigaw nilang "may forever nga, bitin naman".
Hindi pa rin matukoy ng mga kasapi ni Jr. Inspector Rheymar Pinga kung saan nanggagaling ang sinasabi ng mga ilang asset ng pulis ng Tramo, Pasay na palitan ng putok ng dalawang lalaking nag-uusap lang sa kalye. Hindi nila ma-recognize kung sa bibig o kili kili ito nagmumula. Hindi pa rin makapagbigay ng tiyak ng konklusyon ang Inspector dahil sinabi pa nito na para kang tumambay ng dalawang buwan sa loob ng hindi binuhusang portalet kapag kausap mo ang mga suspek. Sa bibig na nahinga ang mga residente dahil sobrang nakakasulasok ang idinudulot nito. Dagdag pa ng menor de edad doon,malaking epidemya ng barangay nila ang sinasabing lalaking iyon at dapat na raw sunugin. Iginiit naman ng mga suspek ang bintang sa kanila at pinatunayan nilang wala silang amoy. Nasanay lang ang marami sa mahalimuyak na kapaligiran.
Dalawang highschool student ang inaresto matapos maaktuhang nagpapalitan ng putok sa loob ng comfort room. Itinago sa mga pangalang Ronald at Cris, kapwa 24-anyos, ang nasa kastigo na ng pulisya. Dito na inabutan na nakahubad ang dalawa at aktong nasa kalagitnaan ng pagtututot. Una raw lumabas ang katas ng isang lalaki at sumunod naman ang kay lalaki. Ayon sa mga kooperatiba, wala pa rin silang maibigay na konkretong ebidensya dahil nagsuot ang lalaki ng plastik na condom kahit mabaho ang jun jun nito at chinane ng babae ang laman ng kanyang bulaklak.
Ang resulta ng medico legal ay walang nabuong bata ngunit meron silang nakitang namumuong salagubang sa loob ng ari ng babae.
Payo ng ilang experto sa larangan ng pakikitagtalik, dapat may konting finesse. Wag masyadong umungol na parang aso.
At diyan po nagtatapos ang aking ulat BaliTANGINA patrol. Balik sayo. Pakyo.
Friday, February 13, 2015
THIS THING CALLED NO JOY IN MY HEART
Ang araw na ito. Biyernes ng trece at 6 hours bago magValentines day na. (eh ano ngayon). Hindi naman malas tong araw na ito. Sadyang tinamaan lang talaga ako ng sakit. Sore throat at headache. Punyemas.
Sobrang awang awa ako sa sarili kooo. Alam mo yun. Wala akong gana kumaen. Matamlay ako. Walang panlasa. Hirap kumilos.Baldado. Joke
Pero may gana pa rin akong magpapapogi sa kabilang banda. Hinawi ko lang ng bahagya ang buhok ko na parang nilipat ang pahina ng libro at binago nito ang aura ng araw ko. Ang sarap sa feeling kapag gwapong gwapo ako sa sarili ko. Eto nalang ang natitira kong alas eh. May sakit pako niyan.
Ganyan ang personalidad ko. Minsan si Enrique. Minsan ako.
Kasi kagabi. Kahit na marami pa akong gagawin sa work. Pinilit ko na kagad umuwi ng 6pm palang at matulog na kagad. Regalo ko na yun sa sarili ko. Ang makapaglaan ng oras para magkapag inhale at exhale. Ilapat ang mahahaba kong mga paa sa malalambot na kama. Masyadong laspag na laspag nako eh. Maginhawa na ko kapag nailabas ko yung malalading air na nasa katawan ko. At papasukin ang tunay na diwa ng pag-ibig. Pagod na yung utak ko magmahal at sawang sawa na yung puso ko kakaunawa. Binaliktad ko lang para kunyari may kaugnayan. hahaha
Mantakin mo kasi, nakasentro na yung buhay ko sa pagttrabaho. Hanggang pagtanda ko na to eh. Ganito nako. Ito na ang gagawin ko. Hindi ko na mai-balance ang tunay na buhay at buhay trabaho.
Kapag ayaw ko talaga sa isang bagay. Lalagnatin ako sa hindi malamang rason ng sakit. Tatamlayin ako. Kala ko nga lagnat laki lang to eh. Pero ganun pa rin ang size ng etits ko kasi eh. Eto pala ang sakit ng mga maalindog. haahah Gustuhin ko man kumain ng fries. Para lang akong kumakaen ng karton. Walang panlasa eh. Mahirap ipaglaban ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. Kahit ano pang pilit ng iba na imotivate ako sa trabaho. Sisilip at sisilip ka pa rin sa internet dahil dun ang mas masayang buhay kesa sa ginagawa ko ngayon.
Oo alam kong iba-iba ang role naten sa mundo. Iba-iba ang papel naten sa mundo. May wamport, wanhap, krosways, lentways na papel. Pero parang sa kalagayan ko. Parang ang dilim ng mundo ko ngayon. Sa simula pa lang alam ko na ang pinakamatagal na oras ng aking buhay ay ang gawin ang isang bagay na hindi ko naman gusto. Dahil sa pangangailangan kaya ko ginagawa ito. Para makaaahon ako. Ang pakiramdam na parang sinasayang ko lang ang malaking bahagi ng aking buhay sa isang bagay na hindi naman ako masaya.
Sa bawat minutong lumilipas, Sa bawat araw na dumadaan. Wala akong ibang hinihintay kundi ang pagkakataon kung kelan ako makakapag simula. Oo alam kong mahirap sa simula pero parang palabo ng palabo ang mga sitwasyon. Iniisip ko nalang na sana bumilis ang ikot nito at mapunta na saken ang pagkakataon. Pero makukuha ko din ito. Tiis lang.
Sobrang awang awa ako sa sarili kooo. Alam mo yun. Wala akong gana kumaen. Matamlay ako. Walang panlasa. Hirap kumilos.

Thursday, February 12, 2015
Sunday, February 8, 2015
A CONVERSATION WITH GOD
"Huwag na huwag kang malulumbay o mababahala. Yan ang lagi kong sinasabi sayo noon pa lamang. Ikaw at ako ay iisa. Magkaparehas tayong dalawa. Pareho ng lakas na walang hangganan. Ang sinasabi mo sa akin ay iyon ka rin. Binalak kong sabihin sayo ang mga bagay na ito dahil binuksan mo ang mga mata mo sa isang bagay na ayaw nilang tanggapin at ayaw ng malamin sa kadahilanang iyon ang kinamulatan ng kanilang mga mata.
Ang nakalagay na mga Salita na iyong binabasa. Noon at hanggang ngayon ay unti-unting binabago at pinapalitan ng mga taong naghahahangad sa lupa ng sariling kaginhawaan at ayaw ng lumipad gaya ko. Ang kapangyarihan ko ay iyo.
Binabagabag ka ng takot kaya hindi mo mailakad ang iyong mga paa. Pagod at nangangawit, Ngunit sinasabi ko sayo.
Lahat ng hinahanap mo sa paligid mo ay nasa sayo na. Pinag-aralan mo itong mundo na ito ngunit nakaligtaan mong pakinggan ng lubusan ang sarili mong puso. Nasayang ang iyong mga oras sa laro ng buhay. Ang ibinigay ng mundong ito ay pawang kasinungalingan lang.
Ang tunay na mundo ay ang buhay mo. Walang katiyakan sa paligid mo. Pero kung titignan mo sa salamin ang iyong sarili, ito ay panghabangbuhay.
Hawakan mo ang iyong mga dibdib upang malaman mo kung bakit ka naglalakbay. Walang noon. At walang bukas. Kundi ngayon lang. Nabubuhay tayo sa bawat ngayon.
Huwag kang matakot kapag natigil ang iyong buhay. Iyon ang itinakda na nagawa mo na ang dapat mong gawin. Ano mang pangyayari.
Kaya ngayon, mabuhay ka. wag kang matakot sa pagbabago. Nangyayari ito upang may sumunod pa.
Huwag mong tangkain na baguin ang mundo ito. Sarili mo ang mundong ito. Magpasalamat ka ng marami kung marami ka ring nakikitang pusong tumitibok. Hanapin mo kung saan ka masaya. Kung saan ka masaya ang dahilan at "bakit" ng buhay mo. Huwag kang masyadong mag-alala. Hindi ka magugutom. Lumakad ka lang. Hindi ka manghihinina. Tumingala ka.
Ang pagkakamali na dinadasan mo ay daan para sa kaligayan na hinahanap mo. Hindi trabaho ang katapusan ng buhay. Hindi pera ang magpapaikot ng mundo. Hindi ang mas mataas sayo ang dapat na manaig. Dahil walang mas mataas sayo. Harapin mo ito. Kailangan mong matutunan ito. Lumakad ka pasulong. Makikita mo ang liwanag sa dilim. Nasa sayo na ang buhay. Ano mang balakid at unos o alon na kinakaharap mo ngayon. Matuto kang tumawa. Kung hindi mo kayang tawanan, hindi mo rin kayang mahalin ang iyong sarili. Bawat pader ay gawin mong pinto. Hindi ka nakakulong. Matututo kang gawing pagkakataon ang kalamidad. Hawakan mo ng maigi ang mga pangarap mo. Gamitin mo ang iyong pag-iisip upang utusan ang mga katawan mo. Ang ninanais mo ay makukuha mo. Kung hindi mo seseryosohin itong kunin Hindi mo makukuha ito. "
*Paano kaya kung ganyan ka serious si God saken personally. Paano kung isang gabi. Ganyan ang intrada niya saken. Syempre dapat prepared ako sa pagsagot.*
"God, alam mo, ang tagal kitang hinintay eh. Ang dami kong misscall sayo eh. Minsan nga missing in action ka eh. Pero ganun pa man. i lvoe you. Nakakatuwa na bumisita ka sa hacienda ko." "uhm yaya, timplahan mo nga kame ng malamig na malamig na juice at kuni mo sa ref yung ginawa kong grahem, mag madali ka, gawin mo yan sa loob ng 2 mins. Salamat." Oh bweno, balik po tayo sa nobela mo Papa God. Ay sorry po, speech po pala Sobra po akong naimpressed. Sa sobra pong lalim. Napatumbling po talaga ako. Ah wait, okay lang ba sayo na dito tayo mag-usap? or dun nalang sa garden namen. Kasi chismosa masyado yung katulong namen eh. Alam mo naman yan. Makakita lang ng mga kumikinang kinang na tulad mo. Magseselfie kagad yan. Tara po! Direcho na po tayo dun. Medyo madumi din po kasi yung mga muebles namen. Tinapaktapkan ng mga dogs. Nilagyan ko po ng "s' kasi apat na po ang aso namen. Nakakahiya naman po senyo diba. Ang puti puti po ng kasuotan niyo. Siguro parehas po kayo ng labandera ni Pope Francis. Charot.
*Syempre ako dapat, professional ako makipag usap. Yung medyo matured ng konti. Baka kasi magwalk out si God kung puro sabaw ang mga itatanong ko noh!*
Im so glad sa pagbisita niyo. Sobra akong overwhelmed dahil kabisado mo po ng maigi ang address ko. Pang masa ka po pala talaga. Natiis mo yung mga amoy ng mga kapitbahay namen na nadaan mo. Anyways, Natulala po talaga ako sa mga sinabi niyo. Kala ko nga po kukunin niyo na ako eh. Nagtataka ako kung bakit may nagsasalitang liwanag saken. Kala ko makikita ko na si Morgan Freeman eh. Englisero yun. Ubos ang white blood cells ko sa ilong.
Pero Huwag po muna ah. Huwag niyo po muan akong kunin. Mga 70 nalang. Katulad kay Ed Sheeran. Wala pa kasi akong baby. Wala pa rin akong maayos na career.
Kung nagmamadali po kayong umuwi pabalik sa heaven. Hihingi nalang po ako ng soft copy ng script ng mga sinabi niyo kanina. Ah yaya, abot mo nga saken yung usb ko jan.
Pero po Papa God, Thank u so muuuch. Sa daming nagrequest na makausap ka ng harap harapan. Ako ang mapalad. Salamat. Dahil mahal na mahal mo ako.
I love you Lord.

Monday, February 2, 2015
A MESSAGE FROM CONCERN STALKER
Nung binasa ko ito sa message ko. Nagtaka ako. Nagsalubong ang dalawang makapal kong kilay na may pentel pen. Sabi ko, Bakit niya nasabi yun? Hala! eh hindi nga kame nag-uusap nito eh. Ano kayang klaseng ballpen ang naratrat nito at napakamisteryoso ng mga sinsasabi.
Ang tanong ko pa, Paanong concern ka? Ni-hindi ka nga naglilike sa mga picture namen "noon". Ni-hindi kita nakita nung anniversary namen na nagbigay ka man lang ng abuloy "noon" . Ni-hindi nga kita nakitang pumapakpak nung nakita mo sa news feed mo na umabot kame ng 6yrs "noon". At may pa sayang sayang ka pa? Wow. Taray. OhMyGee. Grabe. Saket sa Bangs. Kaloka. Imbyerna. Siguro. Maybe. Place your head on my beating heart. I'm thinking out loud..hahaha
(Habang nasa harap ng salamin) Hindi naman ako gwapo o supladong tao. Hindi naman talga malakas ang alindog ko para maraming humabol. Simpleng mamamayan lang ako na naninirahan sa Lungsod ng Pasay upang lasunin sila sa pag-ibig ko. Namimili lang talaga ako ng gusto kong maramdaman. Ganun lang. Kapag hindi ko talaga feel. Hindi ko na talaga itinutuloy. Kasi napahamak nako jan eh. (sabay babasain ko ng laway ang labi ko abot hanggang ilong)
Alam mo, Para kang general ng mga SAF eh. Wala ka naman talagang pake eh. Pasensya na ah. Hindi kita na-inform. Low-bat na yung pake ko. Hindi kita type. Charot!
Alam ko po na magFe-February ngayon. Wag naman sana tayong ganyan sa kapwa. Dahil sa bandang huli. Sa kakasalo naten ng mga relasyon nasira. Latak nalang talaga ang matitira saten. Dumi nalang yun. Wag na nating simutin pa. Si bitoy lang ang pwedeng sumimot ng mga duming natira.
Tanggapin na natin ang katotohanan na may mga taong magpapakilig lang saten tapos saka tayo iiwan. Parang ihi lang yan. Ihi ng broken hearted. May hinagpis.
Alam naman naten na posible sa isang relasyon ang masaktan. Mag-away kayo. Magsigawan kayo madalas. MAgpaluan kayo ng bote. Maglubluban kayo sa drum. Pero ang lokohin ka. Kailangan muna ng ibayong pag-aaral at pagtanggap ng lahat. Yung ang nangyayare samen ngayon.
Ako inaamin ko. Nagkakamali din ako. Nagkakamali ng desisyon sa buhay. Nagkakamali ng pagpili. Pero kung ang mali ay tatanggapin mo lagi. Talagang mali na talaga. Maari tayong masapak paminsan-minsan pero wag naman sanang araw-araw. Yung iba kasi willing victim.
Sana'y maging aral ito sa mga taong gustong magrebound. Please. Stop romanticizing the wrong things. Wala lang, maka english lang.
Saluhin naten ang taong ibinigay ng tamang oras, tamang panahon at tamang desisyon.
Hanggang sa muli. Paalam.
Subscribe to:
Posts (Atom)