Nung binasa ko ito sa message ko. Nagtaka ako. Nagsalubong ang dalawang makapal kong kilay na may pentel pen. Sabi ko, Bakit niya nasabi yun? Hala! eh hindi nga kame nag-uusap nito eh. Ano kayang klaseng ballpen ang naratrat nito at napakamisteryoso ng mga sinsasabi.
Ang tanong ko pa, Paanong concern ka? Ni-hindi ka nga naglilike sa mga picture namen "noon". Ni-hindi kita nakita nung anniversary namen na nagbigay ka man lang ng abuloy "noon" . Ni-hindi nga kita nakitang pumapakpak nung nakita mo sa news feed mo na umabot kame ng 6yrs "noon". At may pa sayang sayang ka pa? Wow. Taray. OhMyGee. Grabe. Saket sa Bangs. Kaloka. Imbyerna. Siguro. Maybe. Place your head on my beating heart. I'm thinking out loud..hahaha
(Habang nasa harap ng salamin) Hindi naman ako gwapo o supladong tao. Hindi naman talga malakas ang alindog ko para maraming humabol. Simpleng mamamayan lang ako na naninirahan sa Lungsod ng Pasay upang lasunin sila sa pag-ibig ko. Namimili lang talaga ako ng gusto kong maramdaman. Ganun lang. Kapag hindi ko talaga feel. Hindi ko na talaga itinutuloy. Kasi napahamak nako jan eh. (sabay babasain ko ng laway ang labi ko abot hanggang ilong)
Alam mo, Para kang general ng mga SAF eh. Wala ka naman talagang pake eh. Pasensya na ah. Hindi kita na-inform. Low-bat na yung pake ko. Hindi kita type. Charot!
Alam ko po na magFe-February ngayon. Wag naman sana tayong ganyan sa kapwa. Dahil sa bandang huli. Sa kakasalo naten ng mga relasyon nasira. Latak nalang talaga ang matitira saten. Dumi nalang yun. Wag na nating simutin pa. Si bitoy lang ang pwedeng sumimot ng mga duming natira.
Tanggapin na natin ang katotohanan na may mga taong magpapakilig lang saten tapos saka tayo iiwan. Parang ihi lang yan. Ihi ng broken hearted. May hinagpis.
Alam naman naten na posible sa isang relasyon ang masaktan. Mag-away kayo. Magsigawan kayo madalas. MAgpaluan kayo ng bote. Maglubluban kayo sa drum. Pero ang lokohin ka. Kailangan muna ng ibayong pag-aaral at pagtanggap ng lahat. Yung ang nangyayare samen ngayon.
Ako inaamin ko. Nagkakamali din ako. Nagkakamali ng desisyon sa buhay. Nagkakamali ng pagpili. Pero kung ang mali ay tatanggapin mo lagi. Talagang mali na talaga. Maari tayong masapak paminsan-minsan pero wag naman sanang araw-araw. Yung iba kasi willing victim.
Sana'y maging aral ito sa mga taong gustong magrebound. Please. Stop romanticizing the wrong things. Wala lang, maka english lang.
Saluhin naten ang taong ibinigay ng tamang oras, tamang panahon at tamang desisyon.
Hanggang sa muli. Paalam.
WOW STALKER! hahahah! Siya ba yung nagtetext?? xD
ReplyDeleteoo..baliw eh
ReplyDelete