Sobrang awang awa ako sa sarili kooo. Alam mo yun. Wala akong gana kumaen. Matamlay ako. Walang panlasa. Hirap kumilos.
Pero may gana pa rin akong magpapapogi sa kabilang banda. Hinawi ko lang ng bahagya ang buhok ko na parang nilipat ang pahina ng libro at binago nito ang aura ng araw ko. Ang sarap sa feeling kapag gwapong gwapo ako sa sarili ko. Eto nalang ang natitira kong alas eh. May sakit pako niyan.
Ganyan ang personalidad ko. Minsan si Enrique. Minsan ako.
Kasi kagabi. Kahit na marami pa akong gagawin sa work. Pinilit ko na kagad umuwi ng 6pm palang at matulog na kagad. Regalo ko na yun sa sarili ko. Ang makapaglaan ng oras para magkapag inhale at exhale. Ilapat ang mahahaba kong mga paa sa malalambot na kama. Masyadong laspag na laspag nako eh. Maginhawa na ko kapag nailabas ko yung malalading air na nasa katawan ko. At papasukin ang tunay na diwa ng pag-ibig. Pagod na yung utak ko magmahal at sawang sawa na yung puso ko kakaunawa. Binaliktad ko lang para kunyari may kaugnayan. hahaha
Mantakin mo kasi, nakasentro na yung buhay ko sa pagttrabaho. Hanggang pagtanda ko na to eh. Ganito nako. Ito na ang gagawin ko. Hindi ko na mai-balance ang tunay na buhay at buhay trabaho.
Kapag ayaw ko talaga sa isang bagay. Lalagnatin ako sa hindi malamang rason ng sakit. Tatamlayin ako. Kala ko nga lagnat laki lang to eh. Pero ganun pa rin ang size ng etits ko kasi eh. Eto pala ang sakit ng mga maalindog. haahah Gustuhin ko man kumain ng fries. Para lang akong kumakaen ng karton. Walang panlasa eh. Mahirap ipaglaban ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. Kahit ano pang pilit ng iba na imotivate ako sa trabaho. Sisilip at sisilip ka pa rin sa internet dahil dun ang mas masayang buhay kesa sa ginagawa ko ngayon.
Oo alam kong iba-iba ang role naten sa mundo. Iba-iba ang papel naten sa mundo. May wamport, wanhap, krosways, lentways na papel. Pero parang sa kalagayan ko. Parang ang dilim ng mundo ko ngayon. Sa simula pa lang alam ko na ang pinakamatagal na oras ng aking buhay ay ang gawin ang isang bagay na hindi ko naman gusto. Dahil sa pangangailangan kaya ko ginagawa ito. Para makaaahon ako. Ang pakiramdam na parang sinasayang ko lang ang malaking bahagi ng aking buhay sa isang bagay na hindi naman ako masaya.
Sa bawat minutong lumilipas, Sa bawat araw na dumadaan. Wala akong ibang hinihintay kundi ang pagkakataon kung kelan ako makakapag simula. Oo alam kong mahirap sa simula pero parang palabo ng palabo ang mga sitwasyon. Iniisip ko nalang na sana bumilis ang ikot nito at mapunta na saken ang pagkakataon. Pero makukuha ko din ito. Tiis lang.
No comments:
Post a Comment