"Huwag na huwag kang malulumbay o mababahala. Yan ang lagi kong sinasabi sayo noon pa lamang. Ikaw at ako ay iisa. Magkaparehas tayong dalawa. Pareho ng lakas na walang hangganan. Ang sinasabi mo sa akin ay iyon ka rin. Binalak kong sabihin sayo ang mga bagay na ito dahil binuksan mo ang mga mata mo sa isang bagay na ayaw nilang tanggapin at ayaw ng malamin sa kadahilanang iyon ang kinamulatan ng kanilang mga mata.
Ang nakalagay na mga Salita na iyong binabasa. Noon at hanggang ngayon ay unti-unting binabago at pinapalitan ng mga taong naghahahangad sa lupa ng sariling kaginhawaan at ayaw ng lumipad gaya ko. Ang kapangyarihan ko ay iyo.
Binabagabag ka ng takot kaya hindi mo mailakad ang iyong mga paa. Pagod at nangangawit, Ngunit sinasabi ko sayo.
Lahat ng hinahanap mo sa paligid mo ay nasa sayo na. Pinag-aralan mo itong mundo na ito ngunit nakaligtaan mong pakinggan ng lubusan ang sarili mong puso. Nasayang ang iyong mga oras sa laro ng buhay. Ang ibinigay ng mundong ito ay pawang kasinungalingan lang.
Ang tunay na mundo ay ang buhay mo. Walang katiyakan sa paligid mo. Pero kung titignan mo sa salamin ang iyong sarili, ito ay panghabangbuhay.
Hawakan mo ang iyong mga dibdib upang malaman mo kung bakit ka naglalakbay. Walang noon. At walang bukas. Kundi ngayon lang. Nabubuhay tayo sa bawat ngayon.
Huwag kang matakot kapag natigil ang iyong buhay. Iyon ang itinakda na nagawa mo na ang dapat mong gawin. Ano mang pangyayari.
Kaya ngayon, mabuhay ka. wag kang matakot sa pagbabago. Nangyayari ito upang may sumunod pa.
Huwag mong tangkain na baguin ang mundo ito. Sarili mo ang mundong ito. Magpasalamat ka ng marami kung marami ka ring nakikitang pusong tumitibok. Hanapin mo kung saan ka masaya. Kung saan ka masaya ang dahilan at "bakit" ng buhay mo. Huwag kang masyadong mag-alala. Hindi ka magugutom. Lumakad ka lang. Hindi ka manghihinina. Tumingala ka.
Ang pagkakamali na dinadasan mo ay daan para sa kaligayan na hinahanap mo. Hindi trabaho ang katapusan ng buhay. Hindi pera ang magpapaikot ng mundo. Hindi ang mas mataas sayo ang dapat na manaig. Dahil walang mas mataas sayo. Harapin mo ito. Kailangan mong matutunan ito. Lumakad ka pasulong. Makikita mo ang liwanag sa dilim. Nasa sayo na ang buhay. Ano mang balakid at unos o alon na kinakaharap mo ngayon. Matuto kang tumawa. Kung hindi mo kayang tawanan, hindi mo rin kayang mahalin ang iyong sarili. Bawat pader ay gawin mong pinto. Hindi ka nakakulong. Matututo kang gawing pagkakataon ang kalamidad. Hawakan mo ng maigi ang mga pangarap mo. Gamitin mo ang iyong pag-iisip upang utusan ang mga katawan mo. Ang ninanais mo ay makukuha mo. Kung hindi mo seseryosohin itong kunin Hindi mo makukuha ito. "
*Paano kaya kung ganyan ka serious si God saken personally. Paano kung isang gabi. Ganyan ang intrada niya saken. Syempre dapat prepared ako sa pagsagot.*
"God, alam mo, ang tagal kitang hinintay eh. Ang dami kong misscall sayo eh. Minsan nga missing in action ka eh. Pero ganun pa man. i lvoe you. Nakakatuwa na bumisita ka sa hacienda ko." "uhm yaya, timplahan mo nga kame ng malamig na malamig na juice at kuni mo sa ref yung ginawa kong grahem, mag madali ka, gawin mo yan sa loob ng 2 mins. Salamat." Oh bweno, balik po tayo sa nobela mo Papa God. Ay sorry po, speech po pala Sobra po akong naimpressed. Sa sobra pong lalim. Napatumbling po talaga ako. Ah wait, okay lang ba sayo na dito tayo mag-usap? or dun nalang sa garden namen. Kasi chismosa masyado yung katulong namen eh. Alam mo naman yan. Makakita lang ng mga kumikinang kinang na tulad mo. Magseselfie kagad yan. Tara po! Direcho na po tayo dun. Medyo madumi din po kasi yung mga muebles namen. Tinapaktapkan ng mga dogs. Nilagyan ko po ng "s' kasi apat na po ang aso namen. Nakakahiya naman po senyo diba. Ang puti puti po ng kasuotan niyo. Siguro parehas po kayo ng labandera ni Pope Francis. Charot.
*Syempre ako dapat, professional ako makipag usap. Yung medyo matured ng konti. Baka kasi magwalk out si God kung puro sabaw ang mga itatanong ko noh!*
Im so glad sa pagbisita niyo. Sobra akong overwhelmed dahil kabisado mo po ng maigi ang address ko. Pang masa ka po pala talaga. Natiis mo yung mga amoy ng mga kapitbahay namen na nadaan mo. Anyways, Natulala po talaga ako sa mga sinabi niyo. Kala ko nga po kukunin niyo na ako eh. Nagtataka ako kung bakit may nagsasalitang liwanag saken. Kala ko makikita ko na si Morgan Freeman eh. Englisero yun. Ubos ang white blood cells ko sa ilong.
Pero Huwag po muna ah. Huwag niyo po muan akong kunin. Mga 70 nalang. Katulad kay Ed Sheeran. Wala pa kasi akong baby. Wala pa rin akong maayos na career.
Kung nagmamadali po kayong umuwi pabalik sa heaven. Hihingi nalang po ako ng soft copy ng script ng mga sinabi niyo kanina. Ah yaya, abot mo nga saken yung usb ko jan.
Pero po Papa God, Thank u so muuuch. Sa daming nagrequest na makausap ka ng harap harapan. Ako ang mapalad. Salamat. Dahil mahal na mahal mo ako.
I love you Lord.
No comments:
Post a Comment