Kagabi ang lakas lakas ng tama ko. Sumanib saken ang kaluluwa ni Imelda Papin dahil damang dama ko ang mensahe saken ng kanta niyang
“Tutulungan kita, malimot mo siya, ibabalik ang dati mong sigla. Aking gagamutin, puso mong sinugatan, sugat na dulot ng salawahan”.
Iba yung palo saken eh. Para ba gang nang aakit ng paglalandi. Para bang may budget para saluhin ang kalungkutan. Hanggang sa nakahiga nako sa kama. Nagmumuni muni. Nakangiti pa rin bago matulog. Pero nasa isip ko parin ang mga linyang binitawan ni Imelda. Hoy Imelda tantanan mo ko ah. Tumatak talaga kasi sa akin ang “sugat na dulot ng salawahan”. Hay buhay. Ang buhay nga naman.
Tapos daw, nagddrive daw ako papunta sa Baguio dahil magbabakasyon kame ng mga anak ko. Dalawa ang baby ko eh. Babae at lalake. Nagkakantahan pa kame sa loob ng kotse. Tawa ng tawa ang dalawa kong anak dahil walang tono kumanta ang tatay nila. At nang nakadating na kame sa Baguio. Naghanap kagad sila ng Zoo. Yung puro hayup. Syempre. Ako hinanap ko kagad ang Dragon. Diba Chinese New Year ngayon. Wala talaga akong mahanap eh. Nakakita ang mga anak ko ng unggoy sabay tingin saken. Ano tingin ng mga anak ko saken. May similarities kame ng mga unggoy. Mga anak, before you "judge me" try this method called "asking". Kaya hinatak ko na sila. Sabi ko, wag na tayo dyan mga anak, hindi pa ko handang iexplain sa inyo kung ano ako dati. Hahaha Tara dun nalang tayo sa iba. Yung medyo hindi wild ang itchura. Nakakita sila ng birds at iba’t ibang hayop. Dahil pinalaki ko sa karangyaan ang mga anak ko. Gusto ba naman nila magpabili ng tigre. Hindi na ko nakatanggi ko. At binili ko sila ng tig iisang tigre. Binigyan ko naman sila ng instruction na gagamitin lang nila ang hayop na ito kapag inapi sila at ipalapa kagad sa tigre. Hahaha kahit bullying lang yan. Bitawan niyo kagad ang tali ah.
So habang nilalakad naman ang buong Zoo. Kanta pa rin ako ng kanta ng “Tutulungan kita”. Nakakatawa lang yung mga moment na yun at na-adopt din ng mga anak ko. Hawak ko ang mga kamay nila. Imbes na nursery rhyme ang song for the day namen. Si Imelda Papin nalang ang walang kasawa sawang kinakanta namen. Ang weird lang diba. Tinataas talaga namen ang boses kapag kakanta nang “IBABAlik ang dati mong sigla. Oh diba. Nakakagood vibes pa rin kahit na pang adult ang salita. Tapos may nagsuot daw saken ng costume ni Peter Pan. So, may tatlong tao na nagsuot saken. Pinagsamantalahan nila ako. Naging sex slave ako. Joke. Nagccheer ang maraming tao na lumipad na daw ako. Sabi ko “hindi po ko marunong lumipad” Hindi naman kasi ako pwedeng mag bida-bida, hindi naman ako si Jollibee. tinatawanan ko lang sila hanggang sa tinulak ako ng dalawa kong anak galing sa isang mataas na puno at akala ko malalaglag ako at doon na ko nakalipad. Whooooah! Puta ano to? Ayoko na. Dun nalang ako sa rides ng Star City. Mas masarap sa Surf Dance. Ayoko na. Nalulula ako kapag lumilipad. Nang lipad ako ng lipad nang may makita akong relos na napakabigat. So, dahil mataas ang intension ko sa mamahaling relos. Dinala ko ito sa paglalakbay ko. Sumigaw nalang ako na “kung kanino man tong relos na to. Bahala ka sa buhay mo, akin nalang to”. Nalibot ko na ata ang lahat ng Hot spot dito sa Pilipinas. Napansin ko ding may Billboard ako dito sa Metro Manila. Ang laki ng picture ko. Kita yung 7 na abs ko. Pang Bench Body. Hindi pa rin ako napapagod kakalipad. Ewan ko ba. masaya pala. Mas lalong nadadagdagan ang lakas ko na parang naglalaro ako sa isang video games na may mga dinadaanan akong mga coins signs. Tapos may lumapit naman na babae. Ang sabi niya, “Nasa sayo na lahat”. Hala sabi ko. Di pa ko si Daniel Padilla. Si Daniel Matsunaga nga di ko maachieve eh. Hanggang sa bigla kong naalala ang dalawa kong anak. At binalikan ko sila kung saan ko sila iniwan na Zoo. Nandun silang dalawa. Hay nakahinga din ako ng malalim nung nakita ko sila ulet. Tapos tuwang tuwa ang mga taong nanonood sa kanila dahil kinakanta ulit nila ang Imelda papin. Edi tapos na ang career ni Imelda at lumabas na ang score sa videoke. Niyakap ko naman ang dalawa kong baby dahil sobrang proud na proud ako sa kanilang dalawa. Biniro naman ako ng anak ko na “Daddy ikaw naman kumanta”. Ang sabi ko naman, nakakahiya anak, maraming tao. Pang banyo lang ang boses ko. Sa bahay nalang. At may biglang may kumanta galing sa malayo. Ang lakas ng tinig niya. Eksaherada ang intrada ng babae. Yun pala ang wife ko. Ang ganda niya sobra. Medyo emo nga lang. Ang violet violet ng lips niya. Kulot. Nakawhite na dress. At kumanta ng
“I've never seen a diamond in the flesh. I cut my teeth on wedding rings in the movies. And I'm not proud of my address. In the torn up town, no post code envy”
Ohh sabi ko. Di ba royal yun ni Lorde. Lapit kame ng mga anak ko. Sabay sabay kame sa Chorus. Pero wala ng katao tao sa paligid. Talagang natakot kame bigla. Pati yung mga nagbabantay sa Zoo nawala din. Pati mga hayup. Nawala. Kame nalang nandun. Pero kumakanta pa rin kame ng Loooorde royals.
At nagising nako sa malungkot na ending ng panaginip ko. Kala ko di na ko magigising dahil wala ng tao sa paligid. Pero 6:30 na. Late na kooooooh.
No comments:
Post a Comment