Imbitado ka sa Birthday Celebration ko. Just celebrate good
times, come on!
Anyways-hi-waist. 41 Days pa naman bago ako magbirthday.
Wala naman ‘tong pinagkaiba sa birthday ng pangkaraniwang tao. Walang arte. Ang
araw na kung saan bawal akong magcomment ng negative, bawal akong magalit kasi
birthday ko,feel na feel ko ang birthday ko kapag malakas ang tugtugan na
bumabayo na ang bahay namen, masaya rin nung tumanda na ako, nauso na sa
katawan ko ang alak. Ang araw ng birthday ko kung saan uso na ang
notifications, hindi na uso ang regalo.
Nakatapat ang araw ng buhay ko sa gitna ng taon. Marahil ito
ang markang pula para mapagtanto ang nangalahating achievement ngayon taon. Magnilay
nilay na.
May pagkabaliw din ako ano?
Sumasagi ngayon sa aking isipan kung dapat bang magpakarelihiyoso
ako sa Facebook para lamang magkaroon ako ng papuri sa tao. Or kung hindi
naman, tadtarin ko sila ng makulit kong isipan sa pagpapatawa sa bawat status
ko. Or kung hindi naman, magdonate ako sa charity ng natitira kong pera para
may balik! Ewan ko lang sa arte kong to kung bibigyan ako ng award sa gawad urian 2015 para lang sa birthday ko.
Oops, Oops, Oops,
Mali yan. babalik pa rin ako kung ano ang una kong
minimithi. Hindi ko po gagawin yan. Go for goals pa rin.
*Kumaen muna ako ng Cream-O*
Huminto muna ako saglit. At nagtanong sa sarili, saan na nga
ba ako?
Hindi ganun kaengrande ako maghanda sa mga nagdaaang birthday
ko. Simpleng salo-salo lang masaya na ako. Ikanga ng mga matatanda, maitawid
lang ang kaarawan ko ay sapat na para magpasalamat sa buhay.
May isang bagay lang na tumapik ng kaisipan ko. Kung
titignan ko ang mga kasama ko dito sa opisina, marahil ang mindset nila sa
bawat araw ay ganito.
“Sana hindi pumasok si Boss ngayon”
“Naupload na kaya niya yung mga pics namen kagabi”
“Marami na namang gagawin ngayon, OT na naman asar”
“Sana makasabay ko si crush maya”
“Sana may sahod na”
Ilan lamang ito sa mga common na kataga ng mga empleyado
ngayon. Katulad ko, hindi ko rin maiiwasan isipan ang ilan dyan dahil parte pa
rin ako ng kumpanya. Ayoko lang naman na masira ang tatlong taon kong experiences sa pagiging Cad Operator.
Kaya naging topic ko itong every is my birthday ngayon dahil
may something motivated na bumabalot rito sa artikulo ko.
Nasanay kasi tayo sa bawat araw, may nakakahon na task para
sa araw lang na ito.
Ngunit, halimbawa kung gagawin ko na ifi-feel, ivisualize,
pumikit at isipan sa araw na ito ay birthday ko. At bukas ganun din. Panibagong
araw. Panibagong simula. Bagong pag-asa. Ito ang birthday ko na kung saan lahat
ay magbubunyi dahil sa akin. Ngunit para naman sa akin, bilang ganti,
ipaparamdam ko din na dapat akong umastang birthday ko talaga ngayon kahit punong
puno ng gawain sa trabaho at mga problema. Ano mang negative energy ang
sumalubong, birthday ko pa din.
Ang saya diba. Nabago ang lumang mentalidad ng positibong
pag-iisip. Pak ng Pak!
Wala naman ‘tong pinagkaiba sa mga nababasa natin sa
internet na “everyday is a new beginning, Everyday is a second chance, Everyday
is a blessings, and Everyday is a new opportunity. “
Tumpak. Check ng pulang bullpen.
Ang hina-highlight ko lang ngayon, Ang bawat araw ay may
kalakip na bagong cake, bagong greetings at bagong saya umulan man at umaraw.
Bumagyo man o lumindol. Ito ang birthday nateng may bagong gift na ibibigay sa
atin galing sa heaven 24/7. Nasa sa atin kung paano natin gagamitin. Kalimutan na
ang age. At ang oras na tumatakbo. Kung
ano ang gusto natin, ituloy natin. Ito ang araw na tyansa ko ng ifulfill ang
misyon ko dito sa mundo. Hindi ang trabaho ko. Pakinggan ang ating calling. Oh
syempre call eh.
Kalimutan na ang mga EX, malungkot na kahapon, negative
feelings, mga kaaway na nosi balasi, sino sino ba sila, mga nagsinungaling sa
atin, mga hindi naglike at comment, mga kabet na nagwasak ng tahanan,oh tukso
layuan mo ako, at mga taong walang pakundangan manlait. Hindi nila araw to, araw ko
to. Bukas at magpakailanman. Mel Changko!
So, wala na akong pake kung 41 days pa ang birthday ko.
Basta ngayong araw na ito. Hanggang matapos ‘tong taon na to. Araw-araw ay birthday
ko. Simpleng pag-kaen. Simpleng kasiyahan. Simpleng pamumuhay. Ngunit may
tone-toneladang ngiti at tawa na pagsasaluhan kung sino man ang makasalamuha
ko.
Kung birthday natin ngayon, may something na magandang
mangyayari. Bili now job lang ng bili now job ang cake ah. WHAAAT?
Today it's totally different. Magtiwala lang ako sa soul kong
makakamit ko ang goal ko.
I-enjoy ang buhay.
Try again pa.
Isipin natin kung gaano kasaya ang Panginoon ngayon na iniisip
nating birthday natin ngayon.
Malamang napapaNaeNae na Siya ngayon. Napapabreakdance ang mga Anghel sa langit at napapaheadbang ang mga santo.
Malamang napapaNaeNae na Siya ngayon. Napapabreakdance ang mga Anghel sa langit at napapaheadbang ang mga santo.
Huwag mo ng isipin ang mga demonyo, may balak lang sila sayo
pero undefeated ka pa rin hanggang huli.
Kung ano man ang masakit na nangyari kahapon ay tapos na yun.
Kaya ano mang hadlang sa buhay. Magcelebrate pa rin tayo.
Samahan niyo ko. Birthday natin ‘to.