Ate? Ano ulam niyo? Yan na naman? Wala na bang bago? Meron
ba kayong chopsuey? (wala po) Meron ba kayong Adobo? (wala rin po) Meron ba
kayong Bulalo? (ubos na po) Meron bang kahit na ano? (wala)
Shet! Meron ngang menu!
#PutangINAAAAA
Ganito ang buhay ko. Parang menu ng karinderya. Pare parehas
lang ang luto. Bagong init lang talaga ang iba. Iniba iba lang yung pwesto ng
pagkain. Ang suma. Ganun pa din.
Alam kong maraming nagugutom sa mundo. Para magreklamo ako ng ganito ganyan. Ikinumpara ko lang naman sa karinderya sa pamumuhay ko. Naappreciate ko ang bawat putaheng nakalapag lagi sa table
ko pero bakit ako nauumay na ko. Nagpapasalaamt pa rin naman ako sa lahat ng biyaya.
Seryoso. Walang halong Charo Santos. Tinanong ko muna ang
sarili ko kung isusulat ko ba muna ang nararamdaman ko o kumilos nalang. Alin
lang talaga sa dalawa. Nagdesisyon akong isulat muna. Sige gusto kong magsulat. Tutal
nasa trabaho lang din naman ako. Mamaya pa naman ang uwian eh.
So Nagblog ako.
May araw talaga na sobrang nakakatamad. Actually, araw-araw
nga talaga nangyayari ‘to saken eh. WTF Ang feeling na parang wala ng solusyon
sa lahat ng bagay. Hindi sa negastar ako. Nakakapayat lang talaga ng utak ang
maghapong nakababad sa computer. Pwe!
Nangangarap ako na sana may nakatitig sa akin sa itaas na sinasabing “Sana
maisip mo yan, Ben!. Mahahanap mo din ang hinahanap mo”. Ayokong mabuhay sa
sana. Pero sana. Sana lang. Mabago naman.
Ito ang araw na kahit na i-condisyon at ihanda ko ng husto
ang sarili ko kaninang umaga sa bagong pagsubok na paparating. Wala pa ring
nangyayare. #UKININAM
Hindi na nageextend ang kapasidad ko. Alam kong nasa sa akin pa rin ang kasagutan pero BAKEET di ko masolve.
Magkaiba akong gumising kanina at kahapon. Magkaibang oras.
Magkaibang pwesto sa kama. Magkaibang ruta sa pagpasok ngayon kesa kahapon kasi nagjeepney
ako kanina eh. So magkaiba ang sitwasyon.
Ang problema nga lang, ang ginagawa ko ang pare parehas sa trabaho.
Nakakalungkot din minsan. Ang moment na kapag naglalakad na
ako malapit sa opisina namen. Nasasabi ko sa sarili ko “Ito na naman ulit”.
Kaya pilit ko itinatattoo sa isip ko na “Makakagawa ako ng paraan para mabago
ang lahat.”
Minsan din ang internet nalang ang dapat dadamay saken. Ayaw pa minsan
makisama. Ang bagal kumonekta.
Nagtrabaho ako pero wala naman akong oras para sa sarili ko.
Kahit ilan beses ko pang kantahin ang positive song na “ The Time”. Wala pa rin
eh.
Aaaaayy….. had……the
time of my Liiiiiife
And I never felt this
way before
And I swear this is
truuuuuuue.
And I owe it all to
you. You! You! You! You! You! You!
DIRTY BITCH!
Gusto ko talagang maging parang sundalo na nakikipagbakbakan
sa bawat araw. Sunugan kung sunugan. Gyera kung gyera. Siguro nga kailangan ko
ng ilagay ang sarili ko sa isang battlefield.
Kaya pagbigyan niyo muna akong ilahad lahat ng mga kashitan ko sa bawat araw.
6:00am Gigising sa masakit na ulo dulot ng puyat kagabi
dahil sa overthinking. Ang end. Wala nangyare.
6:15am Saka palang akong magsisimulang kumilos. Kakamutin ko muna ang itlog ko.
6:25am Nagsisimula na akong maligo. Chechikin ko muna ang
dibdib ko kung umumbok na.
6:40am Tapos na akong maligo. At magdasal. Mahalimuyak na ko.
7:10am Tapos narin akong magdamit. Mag ayos ng bahay. At
aalis na ako ng bahay. Punyeta!
7:15am Nag aantay ng bus ng Jac Liner.
7:20am Nakasakay na ako. Sinuot ko na ang headset ko.
Magtutulog tulugan sana di masingil ng konduktor.
7:40am Nasa Carmona Cavite na ako. Susunduin na ako ng
service namen.
7:50am Nasa opisina na ako.
Nangyayari lahat ng ito ng payapa. Buti nalang walang aberya
masyado.
8:00am Simula na ng trabaho. Facebook. Tumblr. Lahat
iccheck. Kaloka.
11:45am Naghihintay na akong kumakaen. At pagtapos kumaen sa
labas. Iidlip ng konti.
1:00pm Balik ulit ng trabaho. Shitty feeling na bitin ang
tulog ko.
04:45pm Naghihintay ulit mag uwian. Yan ang kinaiinisan ko.
Laging naghihintay nalang.
Ngunit may isang unos. Hanggang hindi pa nauwi ang kupal
kong boss. Hindi pa ako uuwi.
5:00pm Tutunog ang alarm ng opis. Yung iba nag babalot na ng
gamit. Ako nagpapanggap pa na may ginagawa.
7:30pm Ang oras na saka palang ako makakauwi.
9:00pm Nasa bahay na ako. Maaga na yun kung tutuusin. Yung
natitira kong enerhiya. Hindi ko rin alam ang gagawin.
Gusto kong ipoint-out sa lahat na iyan ang buong araw ko. Dinamay
ko ang lahat para damay damay na. Walang pinagkaiba ang pamumuhay ko sa isang
estudyante. Walang pinagkaiba rin sa ibang manggagawa. May iba’t ibang kameng disposition
sa buhay. Pero isa isa lang ang NAIS namen. Ang maging masaya. NAISone!
Pare pareahas tayo.
Naboboring na ko. Nadidismaya na ko.
Sana may sneak peek din kapag naghihintay. Para man lang may
ideya ako kahit papano ang tunay na mangyayari. May preview kumbaga.
Minsan kinalulungkot ko kung bakit nandito pa rin ako. Kung
bakit wala pa rin akong nagagawa. May magawa man. Hindi pa rin ako satisfied. Bakit
ang laki ng hadlang sa mga dinadaanan ko. (Sa iba hinde, joke) Oo, alam kong
hindi madali makuha lahat ng mithiin sa buhay pero parang ang labo ng lahat ng
nangyayare.
Inaamin ko minsan na nalulungkot din ako sa tuwing nakikita
ko ang iba na nag aaral ulit.(Mga schoolmate ko dati) . Bigla ulit akong
sasagiin ni konsensya at ibubulong saken “Sana nag aaral ako ngayon”. Pero babawiin ko din sa
huli,kikilos nalang ako. Gagawin ko nalang ang lahat.
Sobrang madasalin akong tao.
Walang mali sa dasal, pero kumilos ko na talagang kumilos.
(sinasagot ko lang talaga ang sarili kong tanong eh)
Ang peklat ba ng kahapon ang magpapahinto o magpapatibay. Hindi
pwede.
Kung titignan ko kasi ang pamilya ko. Hindi ko kasi kayang
makita silang tutulungan pa ako. Kung ano mang mangyari. Pero kung titignan ko
naman ang sarili ko. Kaya ko naman. Alam kong sa sarili kong unstoppable ako eh.
YaBish
Sa pagtahak ko sa lambak ng anino ng kamatayan, The
tounge-na marami na akong napataob na problema ngayon pa ba ako hihinto. Nakakalimutan ko na palang tawanan ang biro ni
Tadhana. Nauutakan niya ko.
Isa akong Frustrated murder. Isang Frustrated na minumurder dahil di ako makagawa ng paraan.
Eventhough, feeling ko nagiging midget na ko sa lugmok sa
pag asa. Lalaban pa rin.
Mahahanap ko din ang sagot sa problema na to. Dahil alam
kong sa likod nito ay may kasagutang kalakip.
Ang dami kong pangarap sa buhay. Pangarap sa pamilya ko.
Ayokong magmadali dahil nakakdisgrasya ang overspeeding.
Itatawa ko nalang talaga muna to. Ooops
Hindi lahat ng tawa ibig sabihin masaya. Yung iba. Baliw
baliw na.
Ako rin ang sagot sa lahat.
But everyday above ground is a great day, remember that. Let's Drink
Isa itong 'rant post' hahaha (para ako lang).
ReplyDeleteBurnout ka lang marahil.... itagay na yan! :)
Tandaan, ang sabi ni Bob Ong (o di ko alam if s'ya nga ba lol), kung wala kang magagawa sa current situation mo, paniguradong walang ka rin magagawa kung saan mo gustong magtungo.
Lahat naman ay may lugar 'under the sun'. Hanapin mo ang sa iyo, kasi baka namamali ka lang ng pwesto :)
Ang sabi nga ni Mrs.Punk Rock Cielito:
ReplyDelete"kung minsan ang buhay ay kulang sa asim sobra sa alat
dagdagan mo man ng tubig ang sabaw ay di na pinangat
nag-eksperimento sa timpla't ito'y nagmistulang sinigang
nasobrahan din sa kulo't ang isda'y umahon at lulutang-lutang"
@Jep Buendia Nahirapan naman po ako sa payo ng bob ong! Kailangan talaga, kumilos na ako, its time to make a big change to my life. Patuloy ko pong hinahapa ang saken sir jep. Sa tulong ng blog na to, maiintindihan ko kung saan ako patungo.
ReplyDelete@Maria Seidel, sobrang lalim po. ang ibig sabihin po ba nito, minsan laging kulang, lagi tayong may hahanapin. Parang nauunawaan ko na. Kailangan ko talaga baguhin ang lahat kung gugustuhin ko.
Salamat po!
Do you need free Facebook Followers & Likes?
ReplyDeleteDid you know that you can get them ON AUTOPILOT & TOTALLY FREE by registering on Like 4 Like?