Wednesday, June 24, 2015

THE IRIS OF MY MIDLIFE CRISIS

Ang sarap sobra ng almusal ko, Pansit canton. Yan ang agahan ko today. I have a kilig-filled morning with my breakfast. Busog.

Pagbalik na pagbalik ko sa opisina,magttrabaho na sana ako. Nakabasa ako bigla ng hindi magandang text messages galing sa aking minamahal na girlfriend. Problema na paulit ulit nalang. Hindi na kame natapos dun. Bagay na ikinagalit ko kagad. Although, mababaw pero bakit ganun nalang talaga ako mag-react. Kanino ako nahawa. Paano lumala ito? Maninisi na naman ba ako?

Sa mga oras na to, malamang dapat kong sisihin lang ang sarili ko. Or kung hindi naman, matuto nalang sa pagkakamali. May factor na kasama ang boss ko. Maybe, hindi lahat siya ang dahilan ng pagkasira ko ngayon.

At ito na, pagtapos kong basahin ang messages, nagreact kagad ako sa hindi inaasahan pagkakataon sa message sa akin. Nainis. Nabwisit. Nagmahal. Nasaktan. Joke lang! Pagtapos ng lahat sinabi ko. I immediately ask myself, bakit ko nagawa yun? Bakit ang dali kong mabanas. Kala ko ba “subok” akong tao.

Kung titignan, okay din kasi active din yung positive konsensya ko. (Salamat dahil nanjan ka palagi. ) huhu

Sa maniwala kayo at sa hindi. Hangad ko ang maayos ang buhay ko. Maging tunay na lalaki. Lalaking dapat tularan. Gwapo. Maalindog. Hot. Sikat na Sikat. Pero paano ko magagawa iyon kung sa maliit na bagay ay umiinit na kagad ang ulo ko.




Paano nalang kung isa na akong tanyag na artista. At hindi ko nagustuhan ang tanong ng nag-iinterview sa akin. Oh diba. Magagalit kagad ako. Kunyare
Interviewer: Ben, ano pong masasabi niyo sa kumakalat na sex video niyo?
Ako: Punyeta, titi lang ang nakita niyo sa buong video, ako na kagad? Mga walang modo.

Ang bagay na ikasisira ng pagkatao ko, hindi lang ng imahe ko ay dapat ko ng ayusin.
Pinangarap ko maging magaling leader na may konting pagkaboss pero hindi tulad ng boss ko na mainitin ang ulo anytime, anywhere. Maikwento ko pa, minsan sinabay niya ako sa kotse niya, matatawa ka din sa pagkatao niya dahil ultimo traffic pinipilit niyang kontrolin. Sinabi niya “ Tignan mo to (yung kotse) imbes na dumirecho, lumiko pa. Pati tong nakaharang na kotse”. Makikita mo talaga siya na inis na inis at iling ng iling sa galit.Kung tutuusin, dapat talaga sa kanya nalang tong blog ko eh. Siya nalang lagi kong isinusulat eh. Dedicated lahat sa kanya to eh.  
Honestly, talagang apektado ako sa ganitong sitwasyon. OJT pa rin ako dito. On_Job Tang ina.

Minsan din, ako pa ang trip ng boss ko lkausap kapag umiinit ang ulo niya. Kaya sa tuwing nainit ang ulo niya nakahanda na ang kamao ko, nakabwelo na pa-uppercut sa mukha niya.
 “wag ka lang magkakamali sa akin, sir! Bibigwasan kita. Masisira kinabukasan mo”



Sa tuwing uuwi naman ako. Pinipilit kong huwag magalit sa nanay at girlfriend ko pero kapag galing ako sa kausap ko sa boss ko lahat ng yan ay sira. Sira ang plano.
Makimkim akong tao. Mahirap para sa kin to pero kakayanin kong harapin.
Kaya naglagay ako ng game plan sa buhay ko na nakatatak na sa bungo ko,saan man ako pumunta dapat control ko ang sarili ko. Mababago din ang lahat. Maitatama din ang lahat. Paisa-isa. Paunti unti may mababago.
Napapansin ko din, nawawala ang tamang tapang kapag umiinit na ang ulo. Nawawala na sa tama ang ipinaglalaban kapag mainit na ang ulo ko.

Ito pa ang isang scenario na umiinit kagad ang ulo ko
Kapag tayong mga lalake sumweldo tayo ng 18K (example lang)  at hindi mo nagastos yun meron kang tumatagingting na 18K na savings sa ATM mo. Malinis. Walang labis, Walang kulang. Pero kapag ang girlfriend ko ay iba ang meaning ng savings. Eto explain ko.

Ang scenario:
Friend nya: Uy, nakakita ako sa Forever21 ng guess bag! Tang ina, sobrang mura gurl. 12K lang yung bag, nag sale ng 50% off! Isipin mo gurl, from 24K ang bag ay naging 12K na lang, nakasave tayo ng 12K! panalo tayo dun”
Mga putang ina niyo. Savings mo mukha mo!
May times na iyakin ako. Iyakin dahil di ko masabi ang gusto kong sabihin. Maiparamdam ang gusto kong iparamdam. Kaya pumuputok sa mata ko ang luha. Kahit saan mo naman ako dalhin, dala ko naman ang bayag ko. May tapang ako. Dito lang talaga sa “mundo ng opisina” na to di ako makapalag.

Oras na.

Kailangan kong gamutin ang pagiging mainitin ang ulo ko bago pa lumalala ang lahat. Isa itong hakbang para sa pagbago ng character ng isang payaso. It’s my road to recovery.
Gaya nga ng pigsa ko noon, kahit na may sugat ako, pipilitin ko pa rin bumangot at lumaban. Kahit makirot. Lilipas din ang lahat. Keep moving lang.
Sa susunod na uminit ang ulo ko. Pipilitin ko nalang magreact ng mag iisip muna ako bago magsalita. Kasi minsan ang akala ko alam ko na lahat ng sasabihin niya kaya umiinit na kagad ako.
Ayokong pati ang mga magiging anak ko ay maapektuhan. Ako na mismo ang magrereseta sa sarili ko.
Kaya kung iisipin, ang blog ko sa kabuuan ay para sa akin. Dahil sa sarili ko magsisimula ang tagumpay. Alam kong karapatan mong mabasa ng may mapulot ka sa blog ko. Kung wala kang mapulot. Bukas ang pinto. Lumayas ka. Hudyo!

Maiba naman tayo. (Nakangiti) May isang bagay lang na hindi nagpapa init ng ulo ko. Kapag nagkiss na kame ng girlfriend ko. Yun na. Wala na galit ko nun. AYIE! Nawawala ang init at napapalitan ng nagsisigang mga laman.
Ngayon hindi ko masabi kong choice ko talaga ang magalit sa sobrang bilis ko magreact. Pero ayoko ng maulit to. Lagi kong ipagdarasal na maayos ko ang ugali ko na to. Ayoko na.

Maisingit ko lang,

May isang site akong napuntahan na naglalahad: "In life we have two major identity crises. The first, occurring in adolescence, is to establish an identity. You must get a sense of who you are. The second identity crisis is at midlife when you must give up who you think you are so you can become who you were meant to be. This transition is not easy and is greatly resisted. Midlife is ultimately about the search for true meaning in life. Whenever we ask about meaning we have asked a spiritual question. Midlife is an opportunity for an awakening into a deeper spirituality." - "What is Midlife?"

Connected ba? Tingin ko oo. Medyo din.

Sabi nila midlife daw it refers to the age from 40-50. Naglalaro lang sa ganung digits. At sinabi pa nila, yang mga yan, it is a normal part of maturing. You feel the need to have a change, sometimes a radical one. You question the meaning of life, the validity of decisions and the confusion on who you are, where youre going.
Eh sa edad ko na to, tinatanong ko na din ang meaning ng life eh. Pero di ako masyadong nakafocus dun. Focus ako sa pagdedefine ng buhay ko. Ang storya ng buhay ko.
Hindi pa ako umaabot sa edad na ganun. Hinaharap ko na ngayon ang lahat ng yan.
Pakiramdam ko , medyo nagmi-midlife "challenge" na ata ako. Ayoko talagang sabihing "crisis" ito kasi gusto kong i-psyche ang sarili ko na hindi ako papatalo sa ano man ang nangyayari sa akin ngayon.

Dahil sa masamang dulot ng init ng ulo

Minsan, sa sobrang bilis ng pangyayari at mga reaction,  sa sobrang bilis ng takbo ng panahon nakakalimutan ko nang huminto sandali para amuyin ang mga rosas. Inhale stop dila at exhale stop dila, Ang regalo para sa birthday na pupuntahan ko. Iniisip ko ang deadline ko bukas, magbayad ng upa sa bahay, Kailangan mag-grocery at pumunta ng mall, magbayad ng mga bills. Kaya tuloy kapag napatigil ako, at nagsabing, saan na nga ba ako?


As the old saying goes,
"Ang init ng ulo, napapawi nang kaunti matapos uminom ng alak.” 
(Pero iinit ulit sa kapag naalala ang ginastos)

No comments:

Post a Comment