Four juice for sun tow. Ang hirap kumilos. Slow motion ako.
Suking suki ako ng mga hospital sa MegaManila ngayong 2015 kahit
ayaw na ayaw na ko na sa kanila. Fuck!
Ang bata bata ko pa, kung ano anong droga ang pinapatikim nila sa akin, Nagmimistulang bahay
bakasyunan tuloy ang hospital. Visit ako ng Visit. Nakakasuka rin diba ng mga gamut, injection,
kuhanan ka ng dugo at kung ano ano pang syringes. (pero mas nakakasuka si Ex)
Talagang pudpod na pudpod na
ang healthcard ko sa kakagamit nito. Sa tuwing iaabot ko sa mga nurse ang card, may mantsa pa ng mga dugo. Charot.
Inaalagaan ko naman ang sarili ko pero bakit nangyayare sa
akin ito. Nag-iingat ako. Saan ako nagkulang?
Lagi akong naggi-gym. Check! Kumakaen ako ng tama. Check! Natutulog ako ng tama. Liar! haha
Tapos magkakaroon pa ko neto. Parang
ayaw talaga akong patabain, anoh?
Ang hirap gumalaw galaw at umupo.
Ganito ba ang epekto ng overthinking, sa pwet ko lumabas ang
resulta. Nagkaroon lang naman ako
ng malaking pigsa sa bandang baba ng pwetan. For the record, pang apat na itong
tumutubo. Ang sabi ng iba (hindi doctor), kailangan daw, hintayin ko munang manginog at magnana at ang next ko ay pisatin or pupukin ng baso na sa loob ng
butas papasok ang nana. Sounds scary kasi matabig lang ito ng bahagya, sobrang
saket na. Ngayon ngang sobrang kirot ng pigsa ko na sa tuwing maglalakad ako at
tatayo paano pa kaya kung hahampasin ngbonggang bongga. Ito ang feeling na parang may lalabas na panibagong muksa sa
pwet ko. Ang feeling na parang kinukurot ako ng kamay. Oo, kamay ng dinaussaur.
Kahit may pigsa. Sinubukan kong maglaba. Ang napala ko,
ngayon namimintig ang mga kamay ko. Nagka pilay ako dahil bida bida akong
makakapaglaba ako. Eh kasi akala ko kaya
ko. Huhu
Wish ko lang.
Sana lang talaga, hindi na siya ganung kasakit kung
palalabasin na ang nana. Sana behave na siya. Kapag lumabas ang nana, mag
NaeNae ako.
Ang hirap ng ganito.
Hindi ko tuloy mayakap ang Bebe ko. (aksent on the last
"Be"). Yow Angeline. Naiirita siya sa akin.
Cause, baby, now we got bad blood. Come on!
Ayaw niya akong yakapin.
Tingin niya yata sa akin mayroon akong malalang ketong.
Kaya gusto ko nalang laging naka Plakda sa kama dahil kapag
kumilos, masaket.
History muna to mga kapamilya, Alam niyo ba, Lahat ng naging pigsa ko, hindi ko na sila
pinapaabot ng stage 5. Pinipisa ko sila kagad sa abot ng aking makakaya.
Kumbaga sa mangga, pipit pa lang siya. Tatlong piso palang ang halaga niya sa
merkado ay pinipitas ko na siya sa puno. Ganun ako ka-excited sa bunga.
Ang hirap ng ganito.
Ang tagal mahinog. Ang tagal mag green. Ang tagal magberde.
Ang tagal labasan ng pigsa.
Naghanap na ako sa ibat ibang
palengke. Tinanong ko na ang tindera Huwats da Madjik Word? Para bumilis ang
paghinog, Tang ina, di niya daw alaaaam. Magsara na kayo.
Hindi talaga ako kaya ng tadhana at ang ginagamit niya saken
ay pigsa para manghina ako. Matapos lang to, hyper ulit ako. So la la labi me like you do...la la la labi
At isa pang nirereklamo ko.
Bakit hindi ako maintindihan ng mga drayber kung bakit
kalahati lang ang binabayad ko. Eh kalahati lang kasi naiuupo ko eh. Konting
pang unawa naman. Pakawalang Puso!
Gusto mo pa ba akong bumanat ng joke: Ano ang napisat na baboy sa kalye? edi PIGSA. nye!
Mas masakit pa to kaysa sa sakit na naranasan ko sa Pag-ibig.
Closing thought: Hindi pwedeng pigilan ang pagbabago at
sakit na dulot ng sugat. Hintayin mo munang maging hinog ang sugat saka mo ienjoy ang
crema ng sugat. Kapag ang sugat ay hindi mo ginamot ng tama, malaki ang chances
na maulit ulit (gaya ng pigsa). Parang pag-ibig at sugat.
Ang pigsa ay parang withdrawal, hindi porket naputok mo ay akala mo wala ng natira. baka may naiwan pa sa loob Parang pigsa, hindi porket
naputok mo na ay ligtas ka na.
At hindi lahat ng hinog masustansya.
Lumabas ka lang talagang nana ka. At sisigaw na akong “Whoah!
Touchdown Pigsa”
Lol. Can't help but laugh at this.. Pero may hugot..
ReplyDeleteAng pigsa ay indication na meron kang bacterial infection sa katawan. You either need to get a check up or do self medication ng by taking antibacterial medsfor 7 days. lol.. Gawain ko yan eh.. Your immune system is down probably due to so many puyat moments that you have. Pagaling ka na para mayakap ka na ni Bebe :) :)
Salamat dahil napatawa kita..Lagi npo kong vvsit sa blog mo..hindi na sa hospital..hahhhahahhah sabi nga daw po. may bacterial infection ako..pang apat na eh. walang week na hindi po ko puyat..muka na akong adik na ong bak..hahhhahhhahaaThaaaaaanks
ReplyDelete