Saturday, June 27, 2015

LIFE IS A BEAUTIFUL GAME


Ito’y isa na namang kwento ng pasasalamat sa bawat hamon ng buhay ko.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Minsan dumarating ang mga malaking changes sa buhay ko ng hindi inaasahan. Minsan nga kahit paghandaan ko pa ng maigi ang paparating na problema ay talagang magbabago ng tuluyan. Anak ni Poncho Pilato ang tadhanang walang habas magdala ng magandang pagbabago at putonginamoy naman ang may dalang matinding unos, dagok, hagupit ng sanlibo't sang delubyo at hampas ng alon. Ang lapastangang pamumuhay na unti unti kong itinatayo. Salamat po palagi.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Kapag ang pagbabago ay medyo sintunado or malabo, naghihinay hinay lang ako. Kahit na feeling ko lagi na lang akong may dalang mischief. Kung kaya ko pang pumulot ng bato sa bawat dapa ko sa lupa. Pumupulot pa rin ako ng aral kahit sugat sugat na, matatawag ko pa ring matagumpay ang sarili ko dahil itinatatak ko sa kukote ko ang magandang aral na nakuha ko. Mahirap pero kinaya. And I’m happy & i know it clap my hands. Salamat po palagi.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
I live in a world where wrong is forced to be right. Ang mali ay pinapaganda pa para magmukhang tama. Todo deny pa ang iba (minsan ako) sa kasinungalingan at dedma nalang sa kinakatakutan. Saklap diba!? Sa bawat gumadagundong na pagsubok nakakatuwa dahil nagagawa ko pa ring ngumiti. Nakakaimbento pa rin ako ng Pantawid Libog Activity pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatawid-tawid! Salamat pa rin po palagi.
                     Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Sa mga kasalanan kong nagawa. Inaamin kong produkto lamang ito ng aking mapangahas na pagnanasa. Namumutawi mula sa kaibuturan ng aking pagkatao ang maselang kasiyahan mula sa lamang loob. Okay lang. Tuloy lang ako.Mesheye eh!
May malaki akong babaguhin sa sarili ko. (Weh?) Pero ako pa rin to. Mas triple pa ang gagawin kong lakas sa pagharap sa mapanghusgang mundo.
                      Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Sa bawat magagandang nangyayari at pinili kong mangyare. Hindi ko kinakalimutan pa ring magpasalamat. Titingala lang ako sa itaas at ivvisualize ang  mukhang anyong tao na may dalang nakakasilaw na liwanag, siya ay Diyos. mag-tenchu ako sa biyayang inihandog Nya.
Pero minsan (inaamin ko) kapag tumatalas ang  sungay ko , kumakapit nalang sa universe. Nakamit ko ang lahat ng mag-isa, feeling ko. Pero I just whisper a breath of "thank you" as a sign of my gratitude to the air so that whatever swayed the winds of good fortune my way would hear my appreciation and thankfulness. Hirap mag-english. Shet!
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
 Eventhough wala pa akong nagagawang pupukaw sa inyong kamalayan. Yung tipo ba na mapapa-duwal kayo to the max sa aking demonyong talata. Hindi titigil ang inyong lingkod sa pagsusulat or pagttype. Basta yun na yun. Bahala kayo kung saan kayo mas kumportable. Sulat or type! Salamat po palagi.
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Ipapatikim ko ang tamis ng tagumpay na nag-aagaw ang luto ng Diyos at likha ng tao. hehe
Kahit na salungat sa paniniwala ng iba na maganda ang buhay. Para sa akin ay tuloy ang buhay.
Tawagin man nila akong huwarang feeler sa pagpopost sa blog. Itutuloy ko pa ito. Ito kasi lahat ang humulma ng aking pagkatao. Salamat po palagi.
                     Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
Marami akong adhikain sa buhay lalo na ngayong taon. Nais ko pang bumuo at magpatakbo ng magandang pamilya. Taas-noong ipinagmamalaki kong magiging matagumpay akong tao. Tiwala ako sa sarili ko. Cross my heart! Ako na mismo ang magsasaksak sa baga ko ng mga binitawan kong kataga. 
Binibitbit ko ang panalangin at tapang sa bawat araw. Thank you, ho!
This year 2015, bago ako magbirthday. I am looking forward na maraming bagay ang marami pang mahahalaga at masasayang bagay na mangyayari pa. Kalahati palang ng taon masyado ng kaliwat kanan ang mga eksena sa paligid ligid. Pero wala naman sa akin yun, okay lang yun. kumbaga sa bilyar eh. Yun ang aking “preparasyon" lang para sa susunod pa na tira. Halos matatapos na ang taon. Umiinit na ang mga kamay ko sa pag grab ng magandang opportunity. Eto ang taon ko.

 Puso! Puso! Puso!

3 comments:

  1. Masaya dito sa page mo. Thank you ho :)

    ReplyDelete
  2. Ever try to automate your free bitcoin collections with a BTC FAUCET ROTATOR?

    ReplyDelete
  3. YoBit lets you to claim FREE COINS from over 100 unique crypto-currencies, you complete a captcha one time and claim as much as coins you want from the available offers.

    After you make about 20-30 claims, you complete the captcha and keep claiming.

    You can press CLAIM as many times as 30 times per one captcha.

    The coins will stored in your account, and you can convert them to Bitcoins or USD.

    ReplyDelete