Wednesday, October 28, 2015

KUNG MAKAKAPAGSALITA LANG SI "MILYA"


Ang sakit sakit naman ng trato mo sa akin. Minsan masaya ako sayo, ngunit kadalas palagi akong malungkot sa ginagawa mo sa akin. Naiirita ka ba sa akin!? Sabihin mo na ng mabilisan para hindi ako nagmumukhang tanga na naghihintay dito para sayo. Di mo pa ba ramdam. Ako ay isang mundong nagtatago. Madalas pa, kapag nakita kame ng ilang babae ay pinandidirian nila kame. Pero nilulunok din nila ang pride nila. Nagpapasalamat nalang ako sayo dahil hindi ako sa lalamunan lumalago. Tapos sasabihin mo sa akin. Minsan mo lang ako gagamitin. Kaya okay lang. Ang sasabihin mo “There’s no biggie on that”. Wow. Bakit? Ilang beses ba yun? "Once, twice, thrice? gaano ba kadalas ang minsan mo?" Kilala mo ako. Alam ko kung saan ako lulugar sa bahay ng mga bata. I claim my territory. I stand firm. Stand proudly sa mga taong handang balewalain ako. Kaya kabahan ka na.


Di mo ba alam na naghahanda ako ng taon taon para sayo. Sagrado ang tingin sa akin ng ilang pari at lalo na ng simbahan. Tapos ikaw. Kung makatapon ka. Sagad.


Di ko na alam kung sino ang pagbibigyan ko. Ikaw na mismong amo ko o siya na nagpapasaya sa akin. But for the most part. Ang alam ko lang. Ang mundo ay isang malaking fallopian tube. Maraming gustong pumutok, maaagawan ka. kaya payo ko sayo. Lumaban ka!. Nakikita mo ba ako ngayon!? Gutay-gutay na ang katawan ko sa kakaindak mo. Pati na ang kaluluwa ko, gutay-gutay na rin!. Sana naman gumamit ka ng plastik kung gagamitin mo ako. Takpan mo naman ko oh. Para di naman maantala ang trabaho mo. Hiyang hiya na ako sayo eh.


Pagtapos ng lahat. Ano? Ipupunas mo lang ako bigla pagkatapos mong gamitin. Sa ganito. Sa ganyan. Kung saan saan. Minsan sa kumot. Minsan sa tuwalya. At ang masakit pa minsan ay sa pader. Hindi kame langgam. May buhay din kame. Baka nakakalimot ka na kasi. Respetuhin mo naman ako. Marami na sana akong natulungang orphanage kung hindi ka pakialam ng pakialam sa buhay ko. Ni hindi mo nga magawang humingi ng patawad sa mga pinatay mong mga kasama ko. Di mo naman pala kaya kameng pag buo buuin. Maawa ka sa mga kasamang kong pinag interesahan mo para lang makuha mo ang gusto mo. Ano? Sagot. Ganun ganun nalang ang kalagayan nila. Naglaho nalang sila na parang bula. Natuyo nalang sila na parang elmer’s glue. Wala akong hinihingi sayo na malaki. Bakit? Umangal ba ako sayo nung pinag eexperimentuhan mo ko noon. Ginagawa mo akong clay minsan. Para makatulog ka. Paaalisin mo ako. Sana nagkakaintindihan tayo ah. Ang problema kasi sa'yo maaga kang magpalabas at ang problema naman sa'yo uli huli kang maglinis. Mahal mo ba talaga ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?
Kung may puso ka. Alam kong naiintindihan mo ako. Ang mga tala., mataas,mahirap maabot. Pero ipinapangako ko sayo bukas, mangangatog ang tuhod niyo  sa ginawa niyo sa amin. Mark my word.
At para wala ng mahabang essay pa. Simple lang naman ang hinihingi ko sayo boss. Kung hindi mo ako kayang marespeto bilang selula mo, respetuhin mo naman ako bilang anak. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao.


Di mo kasi nararanasan ang kalagayan namen ngayon. Sana magising ka na sa katotohanan. Ang buhay ay pag-ibig at ang kamatayan ay galit. Maaari ka pang makapagsimula ng New Day. A whole new beginning


Ito na ang pinaka huli ko. Hiling ko lang sana sayo bilang tao. MAgpakatao ka. Excited ka kapag parating ako diba? Tama ba?  Tapos papatayin mo lang pala ako. diba? Tama ba? Ngayon. Magbago ka na.
Pagdasal mo nalang ako na maging matapang ako sa trabaho ko para sayo. At para mabuhay sa mundong ‘to. Gagawin ko ang part ko. Gawin mo naman din ang part mo. Kapag kami namamatay. Di kame nagrereklamo sa inyo. O humihiling na ipalibing man lang sa sementeryo. Kasi sa loob ng bahay. Asahan mong magtatrabaho din ako ng maayos sa abot ng aking makakaya. We never settle. We never quit. Ulo at paa na may bentetres na kromosoma. Kaya wag kang masyadong magmadali. Ako ang mag aabono sa itlog. Tandaan mo yan. Kung nakalimutan man ng kasama mo ang pills. Wala akong pake. Wala akong pake. Inuulit ko. Wala akong pake.. Basta pahalagahan mo nalang ako sa paglabas ko. Hindi ako bobong estudyante na masarap palabasin.
Oo, inaamin ko, si milya lang kami. Pero maghanap ka ng gatas sa buong Pilipinas, si milya lang ang may buhay! si milya lang ang may buhay!
  


PLAYING "HILL CLIMB RACING" NA MAY SENSE




Most people in the world dream of riding and climbing. Especially me. Pero ang pagka-climb kasi ay di biro. Many people are simply afraid of climbing. Because some people may not even realize it and those fears make it much harder to climb for work or pleasure. But for now, ibang klaseng patakbo at climb ang gagawin ng ating mga daliri.
Maliit lang na bagay sa iba ang mga games sa mga android or phones. Right? Ano ba naman ang i-download mo ang 15mb na game sa phone kesa kumaen ng Angry Whopper sa Burger King diba. May mahihita ba tayo? Sa aking pananaw, hindi lang siya basta-basta game kundi ma-apply din natin sa totoong buhay. Naniniwala ka ba? Open minded ka ba sa games? Gusto mo bang palaguin natin ang games mo?
Halika at tuklasin.
Ang bawat pagmamaneho naten ay may kalakip na tapang at lakas ng loob. At ang pinakamahalaga ay  diskarte. Take note ha.
Ang Hill Climb Racing Game ay isang karera na kung saan punong-puno ng pagsubok at hill syempre. Yun lang naman.

Ito ang ilan sa mga na-experience kong lessons at techniques sa larong ‘to
1. Tandaan mo. Maraming struggle sa pagtungo sa hills. Dapat magaling kang makipag deal sa failures. Wag masyadong ma-frustrate kapag nahuhulog o nadadapa ang car na gamit mo. Isa itong hill racing. Okay?
2. Before the game magstart. Maglagay ka naman ng pabango. Para kahit papaano ay confident ka sa pagpapatakbo ng kotse mo. Sa larong ito. Marami kang gagawing back flip at gugulong gulong ka paminsan minsan kapag natisod ang kotse mo. Nararapat lamang na mabango ka kapag pinag-papawisan sa biyahe para mataas ang tingin mo sa sarili kung sakaling madisgrasya ka sa game.
3. Marunong ka dapat magtanong at mag-observe. Marami kang dapat lagpasan dito. Alam mo dapat kung kailan aangat at bababa. Kung kailan tataas at hihinto ang kotse mo. Reminder ulit: Malayo ang nararating ng taong nagtatanong para makapunta sa kanyang paroroonan.
4. Kung naguguluhan ka pa at beginner ka pa sa larong ‘to. Walang saysay ang inaral mong quadratic formula kung hindi mo susubukan. Try mo para manalo ka.
5. Ang pinakamahalaga ay ang “lakas ng loob”. Oo, sabihin mo ng game lang ‘to. Pero kailangan mo ring sumalampalataya sa sarili mo upang maitawid mo ang kotse mo sa bawat obstacles ng stage.
6. When playing the game, di naman kailangan dito na gwapo, maganda o matipuno ka. Magagamit mo ang pagiging ma-alindog at romantiko mo kapag madiskarte ka. Doon lang magiging attractive ang tao. Sa diskarte.
7. Dapat mabilis kang matuto. Quick learner ka kumbaga. Dapat ready ka sa pagbabago and you can adapt quickly. Kahit saan ka naman mapadpad na lugar. Matuto ka dapat mag-adjust at makibagay sa paligid mo.
8. Mahalaga ang Appearances kung saan tayo pupuntang lugar. Katulad sa hill climb game, alam mo dapat kung anong kotse ang dapat gamitin sa bawat stage o lugar na pipiliin mo. At sa ibang bagay naman, kung saan country tayo pupunta, dapat nababagay din ang suot nila sa pananamit naten. Nakadepende pa naman ang suot mo sa pagkatao mo. Malandi ka eh.
9. Magdagdag ng tires o fuel if necessary. Hindi ka superhero Oy.


10. Sabi nga nila, when in doubt, fake it til you make it. Kung di mo alam ang form ng dadaanan mo. Isipin mo nalang kunyari na nadaanan mo na to. Karamihan sa mga nadidisgrasya sa daan ay yung kabado magmaneho. Kumbagasa pelikula na may eksenang  hinahabol ng pulis ang magnanakaw na naka-kotse. Bakit kaya siya tuloy tuloy sa biyahe at matagal matigok?  Kasi kinukutuban niya o pinepeke niya ang sarili niya na malulusutan niya ang mga dadaaan niya.
11. Kung gusto mong maging attorney, magsuot ka ng damit na pang attorney. Kung gusto mong maging doktor, umasta kang parang doktor. Kung gusto mong maging isang magaling na driver. Kung gusto mong maging UFC fighter, magsuot ng pang fighter na damit. Umastang magaling na driver. Magsuot ng pang rider. Simple lang diba. Hawak mo ang phone mo. Try mo din minsan magsuot ng helmet para magmuka kang tanga minsan.
12. Mapapansin mong ibat ibang lugar ang pupuntahan mo sa larong hill climb. Lesson lang to na dapat mong i-appreciate ang bawat dadaanan mong problem sa mundong ito. Yan ang gintong aral.
13. Walang binatbat ang background experience kung marami kang resources. Kahit isang dosena pa ang  certificate mo o magna cum laude ka pa sa inyong unibersidad kung shushunga shunga ka naman sa road at wala kang dalang baon sa biyahe mo. Ang bagsak mo lang. Maliligaw ka lang talaga. Dapat marunong kang dumiskarte kapag naliligaw ka na. Be resourceful, use your creative experience, brim with confidence, and the world is yours. Kaya mo yan sis.
14. Tamang balanse ng pagpapatakbo ang kailangan. Tamang bilis. Maraming namamatay sa over speeding koya.
15. Age is meaningless. Hindi sinusukat ang paglalaro ng Hill Climb sa edad. Parang sa buhay. Kung 50 anyos ka na at gusto mo pa ring mag-aral at matuto. Ituloy mo. Why not? Gaya ‘to ng larong Hill climb. Makakatawid ka sa pupuntahan mo ng hindi kini-question ang edad mo.




16. Wag mong katakutan ang mga bagay na hindi mo alam. Walang nakakatakot sa mga unknown na bagay o places. Mas mabuti ng dapat sinisiyasat mong maigi ang mga ito. Lahat ng bagay ay nagstart sa bagay na hindi din nila alam at nung inapakan na nila ang gas. Tuloy tuloy na sila sa biyahe nila sa buhay.
17. Ang pinagtataka ko lang sa larong ito. Ang main character sa Hill Climb ay biyahe ng biyahe. Parang walang bahay. Siguro may malalim na hugot ang tao sa likod ng nagpapatakbo ng kotse. Siguro masalimuot ang nakaraan niya at ayaw na niyang bumalik pa sa kung saan siya nanggaling.
18. Bawal ang nakayuko sa paglalaro ng Hill Climb. Nakakasira ng pagmamaneho yan. Dapat ang tindig ng dibdib mo ay direcho. Maraming nadidisgraya kapag baluktot ang katawan at parang nahihiya sa ginagawa. Chest out Bitch.
19. Medyo i-headbang headbang mo naman ang ulo mo while playing the game. Sa paraang ito, mas nagiging cool ka sa pagpapatakbo ng kotse. Feel mo na trip na trip mo pa rin lundagan ang bawat balakid.
20. Sabayan mo din ng pagpapatugtog ng mga mabibilis at high bass music kapag naglalaro nito. Kanta kanta ka minsan ng “They see me rollin,They hatin, Patrolling they tryin to catch me ridin dirty.”
21. Mag invent ka ng konting strategy. Dapat medyo flirt ka kapag nagpapatakbo ng kotse. Tulad ng “Ay ang taray, kabog ang pagbagsak ko dun ah,” Nakakataas ng pwersa sa paglalaro yun brad.
22. Mahahalata mo na isa lang driver sa Hill climb. Patunay lang ito na dapat kumilos tayo mag isa. Walang tutulak sa atin na ibang tao para makaangat.
23. Minsan maging cheerleader ka sa sarili mo. Self support ka na matatapos mo ang race na tinatakbo mo. I-vocalize mo minsan ang sarili gaya ng “Go Ben, kaya mo yan.. Go! Go! Go!”. Mahalaga na pinupuri mo minsan ang sarili mo. Tawa tawa din minsan.
24. Walang nagtatagumpay ng hindi nagpa-practice. Kaya i-charge mo ng matagal ang phone mo. At simulan mo ng magpractice. Punyeta.
25. Hindi ina-allow ng android ang gamer na naka-simangot. Dapat kina-crack mo ang ngiti mo for positive mood.
26. Ang pinakamahalaga. Maging kumportable kapag hindi ka kumportable. Humanap ka ng magandang pwesto. Ako nga kapag naglalaro, kinakamot ko pa yung singit ko eh. A simple ritual to boost my confidence.
27. Kapag may nalagpasan kang  stage. Itaas mo naman ang mga kamay mo. Damhin mo ang pakiramdam na na-overcome mo ang malanding obstacle sa ng Hill Climb. Tulad ng track and field. Bawat tagumpay. Paturo sa itaas.
28. Matuto kang i-embrace na kagad na tapos mo na ang finish line. I-visualize mo na abot mo na ang dulo. Walang masama sa pagiging ambisyoso kapatid.
29. Kapag natapos mo na ang isang stage. Try mo minsan makipag handshake sa katabi mo o sa aso niyo. Sabihin mo i-congratulate ka naman. Makisama naman kamo sa achievement mo sa buhay.
30. Bandang huli. Magegets mo nalang na kapag nakalagpas ka na sa isang obstacle meron ulit itong kasunod. Ganyan ang buhay. Di natatapos ang pagsubok.
In conclusion. Once we believe in ourselves, malayo ang mararating natin. Kung gusto mong maging successful. Dadaan ka muna sa maraming trials, errors, struggle, obstacles at iba pa pang hadlang. Kung magppraktis at mag eensayo ka ng husto. Maglalagpasan ang bawat nakaharang sa dadaanan natin. Maubusan ka man ng gasolina atlis pinilit mo pa rin lampasan lahat ng ito.


Ganun lang.


Monday, October 26, 2015

NEGA siya. TIBO siya!

Kani-kanila lang. Pagkalambing-lambing.
May nakasabay akong babaeng tomboy sa bus. Gwapo siya na maganda kapag sa side view. Maganda naman siya tignan. Maayos manamit. Kaso ang problema nga lang. Parang sinasapian siya ng masamang espirito. Hindi siya mapakali.
Sobra.
Naaantala ang “Gwapo Tulog” ko knina sa bus. Kung pu-pwede lang talagang sakluban ko ng garbage bag yung ulo niya para lang manahimik siya, eh matagal ko ng ginawa.
Para Flawless Victory, Fatality na. Mortal Kombat lang ang peg. haha
Kala ko nga nung una, naiihi lang siya o naghahanda lang sa nalalapit na undas. Mga ritwal. Hindi pala ganun ang eksena niya. Naririnig ko sa mga boses niya.
 "Naku, patay na naman ako sa boss ko neto, trapik na naman"
Naisip ko tuloy: “Ang OA naman neto, yun lang eh”.
Buti nalang tumahimik na siya at pwede na rin akong bumalik sa pag idlip.
Maya maya naman. Pagbaba ko na ng bus at sasakay na ako ng jeep. Ang tagal naman ng jeep maghintay ng pasahero sa sinasakyan ko.
At ang end. Late din ako katulad ni Ateng boyish.
Hawa-hawa lang eh. Domino effect ata to eh.
Di ko naman siya hinusgahan base sa gender niya. Nirerespeto ko ang mga katulad niya. Maganda nga siya eh. Nega lang talaga.


Sa mundong ating ginagalawan, napatunayan kong punong puno ng negatibo ang ating paligid.
Minsan ang kaibigan natin. Minsan ang pamilya mo. Minsan ang boss ko. Minsan ang driver na sinasakyan ko. Minsan ang kapitbahay mo naman. Minsan ang equation sa math. Ang gulo gulo na talaga. Hindi natin alam ang takbo ng isipan nila araw-araw. Sila lang ang nakakacontrol nun.
Hindi natin alam kung ano ang pinagdadasal nila araw araw. Hindi natin alam ang tunay na nararamdaman o pinagdadaanan nila kung bakit ganuon nalang ang nangyayari sa kanila. Ang alam lang natin, mag sstatus muna ang iba bago mag duck walk kapag may earthquake. Urgh
Maraming nagtatanong kung bakit nangyayari ang hindi magandang bagay sa mga mabubuting tao. Maraming nagtataka kung bakit nag iba ang ihip ng hangin sa mga kaganapan noong masaya pa ako. Maraming nagtatanong kung bakit nandito pa rin ako sa aking kinalalagyan ngayon. Maraming nagtatanong kung bakit naglagay ng sabitan sa jeep pero ayaw magpasabit ng driver. Maraming gumagamit ng internet pero karamihan sa facebook lang. Maraming tanong. Maraming nagtataka. Ngunit ganunpaman, ang sarap pa rin mabuhay, diba!?
Ang hirap lang talagang ipaliwanag lahat ng nangyayari. Minsan kung ano ang gusto natin ay kabaliktaran ang mga nangyayari.
However, isa lang din naman ang puno’t dulo ng lahat. Kung paano tayo nagrereact sa lahat ng bagay ay yun ang nagiging resulta nito.
Kaya siguro para sa akin. Nagbibigay ng magandang meaning ang bigat ng eroplano sa paglipad lipad niya, hindi yung pakpak niya. Ang itinuturo nito. Ang problema o bigat  ang nagbigay ng kahulugan sa paglipad naten. Hindi ang mga pakpak.
Minsan iniisip ko na lamang, dapat ba kong magsasalita o hindi nalang makiaalam sa mga negatibong tao?
Ang chika nga ni Mark twain “Never tell the truth to people who are not worthy of it.”
Baka nga siguro. Tamang timing lang ang natatanging paraan sa pakikipag usap sa mga negatibong tao.
Ako ay nananiniwala sa salitang “Ang lahat ng tao ay lumilipad”.
Madalas lang natin tong naririnig ngunit para sa akin ay mayroong malalim na kahulugan ito. Wala pa akong nakitang tao na ayaw maging matagumpay sa buhay. Ayaw ng pagbabago. Ayaw ng pag asenso. Lahat ng tao ay may inaasam sa buhay. Kahit nga pulubi, mas ninanais din niyang mapadpad sa iba’t ibang lugar kung gugustuhin niya eh. Ang mga preso o bilanggo nga naghahangad pa rin makalaya kahit papaano. Kaya kung ang lahat ay may kagustuhan at ang lahat ng bagay ay nagbabago. Tila isa tayong dagat na iba-iba ang direksyon ng hampas ng alon na kawangis ng ating mga kaisipan.
Maraming nagsasabi na para daw akong nagsesermon sa blog.
Hindi po. Mali po your honor. Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ay mas kailangan ko rin sa sarili ko.
Siguro minsan natatawanan ko lang ang problema dahil sa mga karanasan, saka sinabi ko rin  sa sarili ko na dapat hindi dinadamdam ang lahat ng bagay. Tawanan kung kina-kailangan. Bawal seryosohin.
*************
Marami akong napansin na mga negatibong tao kamakailan lang. Katulad nalang na, sila yung laging nag aalala imbes na humanap ng solusyon, sila yung hindi aware sa mga sinasabi niya sa ibang tao, sila yung masayang masaya sa salitang “pero” at sila din yung di man lang excited sa susunod na opportunity at marami pang iba pa.
Ilan lang to sa mga halimbawa ko. Marami pa. Sa pagkatao ko din minsan. Meron din naman.
Aaminin kong isa rin ako minsan sa mga negative na nilalang pero ginagawa ko ang aking mga makakaya para magawan ng paraan at maitama. Hindi ako nagpapalusot oy.
Maikwento ko lang. Namaga ang almoranas ko sa pwet ng 3 days. Seryoso to. Imbes na sabihin ko sa sarili kong “sinusumpa ako ng mga taong inisulto ko last week”. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na “pino-force talaga ako na maging heathy ng mundong ito. Mapalad pa rin talaga ako. “



Kaya ako. Palagi kong dinidiligan ang aking huge brain  ng “binhi ng positibo”. By focusing more and more and more on the things I love.
Di nawawala sa akin yung appreciate lang ng appreciate sa lahat ng bagay-bagay. Hinahanapan ko lagi ng positibong pananaw lahat ng bagay. As in lahat. Nag upgrade na talaga ako.
Kapag dumating ang mga negatibong tao. Tina-try kong maging busy sa ibang bagay. Ishini-shift ko kagad ang focus ko sa mga positive vibes.
Ganyan kasi thinking ko. Simple lang yan po. Katulad lang yan kapag malandi ka. Malandi din lalapit sayo. Kapag negative ka. Negative din ang lalapit sayo. Like attract like ikanga. Hanggang sa maubos sila.
I own my thoughts,  I own my emotions, I own my greatful life!
I just  learn to go with the flow. And resist nothing.
At lahat ng tao gustong maging masaya.
Natuto akong tanggapin ang katotohanan na ang mundo ay binubuo ng negatibo at positibo na bagay. Nasa sa akin nalang talaga. Kung malulungkot nalang ako bigla o magtatampo. Or haharapin para sumaya.
Kaya dapat. Imbes na ako ang iligaw nila, ako ang sirain nila, ako ang itumba nila. Itinatago ko nalang ang intensyon ko sa totoong buhay. Para naman di nila alam kung saan ako tutungo.
“Hindi pa po lahat nasabi ko sa blog. Siguro mga 8% palang ang nasasabi ko tungkol sa pagkatao ko dito.”
Ang salitang “Positibo” naman. Sa unang salita niya ay may katunog na “Pusit” kapag nirambol ay “Tipus”. Kailangan nateng pudpudin hanggang sa magkatipus sa utak natin ang mga negatibong pag iisip upang makapasok naman ang positibong visitor.
 Sana malapit pa rin ako sa topic noh. haha
Kung negative tayo mag isip. Negative tayo kumilos ang bagsak Negative din ang magiging resulta ng ginagawa naten.
Ang salitang “Nega” pa naman ay kapag hindi mo sinusolusyunan. At binaliktad mo ito, ang lalabas ay “agen”, again ulit. Try again. Ulit ulit lang sa ganun. Walang katapusan.
Kailangan kong i-monitor palagi ang aking pag iisip at pag uugali until I catch myself thinking or reacting negatively. Binabantayan ko palagi. Muka nakong adik pero go lang.
Ang pagiging positibo ay kailangan hawakan ng husto at isapuso. Hindi siya basta bastang pagkaen na kapag isinubo naten ay kusa nalang siya matutunaw sa mga tiyan natin. Minsan kasi nawawala ang positive thoughts.
Kaya ako.
Tinigilan ko na ang manisi sa iba. Sinimulan kong  gumawa.
Tinigilan ko na ang mentalidad na parang lagi akong aping-api. Na parang lagi akong biktima palagi. Kumikilos na ako.
Tinigilan ko na ang parekla-reklamo. Humahanap na ako ng paraan.
Hindi na rin ako nagpapa-apekto basta basta sa mga sinasabi ng iba. Words lang yun. Tandaan. Ilagay kagad sa recycle bin tapos i-empty na kung kinakailangan.
Isa pa palang negative belief na natutunan ko. Lately ko lang narealize. Di ko pala kailangan pa ng back up plan. Diyan lang ako nagiging negative eh. Sa pag-asang
“atlis kapag sumablay ako. May panoporta pa rin.”
 I’ve learned that “I don’t need to choose mistakes  as an option.”
Okay na rin yung  ini-improve ko ang sarili ko araw araw. Ano ba naman yung 1% sa isang araw. Edi sa isang taong naka 3,778%.  Di din biro yun ah. Atlis na-reach ko rin ang 100%. Di na masama pakinggan. Magsulat ng 10minute a day. Pwede na diba.
Minsan din natitisod ako dahil humuhingi ako ng payo sa maling tao.
Therefore, kinaugalian ko na ang  mag siyasat palagi.
Iniisip ko na kung yung goals ko ay na-achieve niya o may kakayahan siyang payuhan ako sa ganung bagay. So I choose mentor wisely.
Hindi kasi ako basta basta kumikuha ng payo sa ibang tao. Natuto na ako dati.  Ako lang din ang nasisira. At nasasaktan.
Maikli lang ang buhay. Gagamitin ko ng tama ‘to.
I just enjoy these moment now, because I know it dont last forever.
Ang dami kong sinabi noh? Kasalanan ’to ng ate sa bus eh. hahahaha

PAHIMAS ka na!


Thursday, October 22, 2015

ALL WE NEED IS DISKARTE" EP1 BKA



“Iyakin man tayo, ngunit mayroon naman tayong pusong palaban” sambit ni Kapitan Diskarte sabay hithit ng yosing tobacco.

Sa isang lugar ng Probinsya Estrella. Ang probinsyang nakatala sa libro ng Pilipinas na sobrang napaka malas dahil sunod-sunod na giyera at delubyo ang mga nangyayari dito. At ito’y mayroong isang barangay na pinaninirahan ng mga taong kuwago. Ang kanilang pamumuhay roon ay halos katulad din ng pamumuhay ng pangkaraniwang tao. Ngunit mayroon silang tulungan sa kanilang bawat pangarap sa buhay. Lalo na sa barangay na kanilang tinitirhan.
Mababait ang mga taong kuwago na ito ngunit may pagkapilyo. Minsan mga bastos. Ngunit nagkakaisa sila.
Tuwing mag-gagabi sila lumalabas sa kanilang mga Pugad. Mas sanay kasi nilang idilat ang kanilang mga mata sa gabi. Kung saan man sila mapadpad sa iba’t ibang lugar, ang mas pinipili nilang kumilos na oras ay sa gabi.
Higit na makapangyarihan ang kanilang mga mata na kayang matanaw ang pinakamalayong bundok. Pati na rin ang loob ng suot ng tao. Nakikita rin nila.
Hindi nakapag aral ng elementarya sina Mel, gas at Bal. Si Mel ang panganay. Si Bal ang sumunod. At si gas naman ang bunso sa magkakapatid. Yan ang mga anak ni kapitan Diskarte. Binansagan sila ng kanila ama na “The Magi Brothers”. Walang malalim na kahulugan. Mukha lang daw silang Magi Noodles. Pero sabi ng iba, para din daw silang mga wise man. Mga wais na mga bata. Mautak. Si Kapitan Diskarte ang namumuno sa “Barangay Kuwago Ambisyoso”. Ang natatanging barangay sa siyudad na iyon na sobrang linis at ganda kahit mapadpad ka sa lugar na iyon ng gabi.
Ano mang gawin mong pag gulong-gulong sa kalsada ay sobrang linis ng kapaligiran. Walang alikabok. Walang kalat. Disiplinado ang lahat. Pu-pwede ka ngang pumasok sa trabaho ng gumugulong pero malinis pa rin ang uniforme mo pag pasok.
Ang lugar na kung saan mahina man ang ekonomiya nila ngunit kumpleto naman sila sa binibigay ng kalikasan.
Si kapitan Diskarte ay naging bihasa sa pamumuno sa barangay. Bumaba ang bilang ng krimen dahil sa pagiging mahigpit niya sa mga patakaran. Siya ang pinakamadiskarteng taong kuwago na kayang solusyonan ang anumang problema. Lalo na noong nadatnan niya ang lugar na puno ng karumal dumal na pangyayari. Hinahangaan siya ng lahat sa kaniyang napakagandang personalidad sa pamumuno. Maraming nagsasabi na malakas siya sa barangay ngunit mahina siya sa pamilya lalo na sa kaniyang mga anak.
Ang pinagtataka ng ilang residente doon kung bakit hindi niya napag-aral ang kaniyang mga anak ngunit magaling siyang mamuno sa barangay.
Kinapos man sa pera ang kapitan para pag aralin ang kaniyang tatlong batang kuwago. Pinalaki niya naman ito ng may mataas na ambisyon sa buhay. Ipinaramdam ng kapitan sa kaniyang mga anak kung gaano kasarap mabuhay ng hindi sumusunod sa kung ano ang iniuutos ng ibang tao. Ibigay ng kapitan ang klase ng buhay sa mga anak sa pagpapamalas ng galing sa pamumuno. Kasama rin ang kanilang asawa na si Nanay Erna. Ang selosang asawa ni kapitan.
Buntis ito ngayong magpapasko. At  nagkaroon siya ng hika noong nakipag usapan siya ng matagal sa mga pusa sa kabilang barangay.
Sa tagal ng pamumuhay ng mga anak ni kapitan sa barangay na iyon. Namulat sila na kailangan na nilang mabuhay mag isa ng hindi umaasa sa tulong ng kanilang mga magulang.
Oras ng hapunan. Habang kumakain ang kanilang ama. Ipinahayag ng mga anak ang kanilang tinatagong saloobin.
“Ama, kailangan na po namin maghanap ng trabaho. Gusto na po namin makatulong sa inyo at kay ina” sabi ni Mel.
Sumagot ang ama “Hindi maaari. Masyado pa kayong bata para mag hanapbuhay, dito na lamang kayo sa barangay at tumulong sa inyong ina.”
“Ngunit dumadami na po ang ating pamilya at may sakit pa si ina” Hinaing ni Mel.
“Hindi kayo ang masusunod. Ako ang ama ninyo. Kaya hindi pu-pwede ang gusto niyo” ulit ni Kapitan.
“Hahayaan nalang po ba namin ang sarili nameng ganito? Wala na po ba kaming mga pangarap na gustong maabot? Marami pa po kaming gustong gawin kaso pinipigilan niyo kame. Kailangan kami magiging malaya? Kailangan?“ Ang sagot ni Bal sa kaniyang ama ng malumanay. Malumanay pa yun.




Nag-isip ng malalim ang ama. Sumindi muli ng sigarilyo. Bumuga ng usok papalayo. Ipinikit ang kaniyang mga mata dahil alam niyang sa sarili niya, may pagkakamali rin siya noon sa kaniyang mga anak. At nagdesisyon siyang,
“Sige. Pumapayag na ako. Pinapayagan ko na kayong mag hanapbuhay. Pero siguraduhin niyo sa akin. Ipangako niyo sa akin na mag iingat kayo palagi. Tutal naturuan ko naman kayo kung paano mamuno sa sarili at maging madiskarte sa buhay“ Maluha luha ang ama.
“Alam niyo namang gusto ko din kayong protektahan baka maisahan kayo ng mga taong daga at mga insekto sa paligid”
Sumagot ang dalawang bata na napakasaya “Opo ama, mag-iingat po kami. Kayang kaya po namin yan. Yahoooo. Sa susunod na araw po, sisimulan na namen. Tay penge pera”
Kamot ulo ang Ama at bumunot ng pera.
Nagtaka si Kapitan kung bakit walang imik ang batang si Gas. Samantalang ito pa naman ang pinaka masipag at madiskarte pagdating sa mapagkakakitaan kaysa sa ibang magkakapatid.
Tanong ng ama : Oh my Gas, Bakit hindi ka nagsasalita diyan? Wala ka bang gustong sabihin samin?
“Mayroon po. Mas malupit pa po  kaysa sa mga pangarap ng mga kapatid ko.” Sagot ni Gas.
“Aba Wow. Ano yun, sabihin mo sakin, baka matulungan kita” ulit ni Kapitan. At tumingin sa ibang mga mga anak. “Yan si Gas. Mataas ang ambisyon sa buhay”.
Hirit ni Gas “Gusto ko rin pong maging katulad ninyo, gusto ko rin ng pamamahala. Ang mamuno. Gusto ko ring makatulong sa ibang tao”
Natuwa ang kapitan sa sinabi ni gas. Mga salita na ngayon lang narinig ng kaniyang ama”
Ang sabi ni Gas “Gusto ko pong maglagay ng Videokehan Competition sa barangay, kung pu-pwede lang po. Malaking kita rin po yun”
Biglang nalunok ng ama ang sigarilyong kaniyang hinihithit.
Nagtawanan sina Mel at Bal. Ngunit biglang huminhin ang tawa nung napatingin sa kanila ang kanilang ama.  
Wala ng naisagot ang ama ng mahaba pa. Kaya napa-oo nalang. “Sige okay yan..Pwede yan.” Lumingon sa malayo at napamura ng walang tunog.
Nang mawawala na ang sinag ng araw. Dumating naman si Mang Ping Guerero. Ang taga-linis ng barangay. Ang sabi ng iba galing siya sa mayamang pamilya ngunit nawalay sa kaniyang mga mahal sa buhay. Sinunod ang mga kagustuhan sa buhay.  Kaya ayun. Ang pangarap lang naman daw niya ay maging malinis ang kalye.
Ang sabi ni Mang Ping “Narinig ko yung mga pinag uusapan niyong mag aama ah. Nakakatawa kayong apat ah. Ang tataas ng mga pangarap niyo ah” Tawang tawa siya
“Sa malayo palang dinig ko na ang mga boses niyo. Ang iingay niyo, mga boss. At ano ba yang mga pangarap niyo. Wala ba sa inyo nagbabalak na maging katulad ko. Ha! Ha! Kung hindi niyo naitatanong. Naisusulat sa Manila Bulletin ang pangalan ko. Isang magaling na sweeper sa pilipinas noong panahong di pa uso ang mga teknolohiyang yan. ganyan ako kagaling. Yon ang naging award ko. Kaya kayo!? kung gusto niyo talaga yan….eeeeh diiii sige..Pero magsitabi kayo diyan. Maglilinis nako”




Winawalis ang mga kalat papunta sa mga tao.
Nagtawanan ang mga “The Magi Brothers.” Pati si Kapitan. Si Mang Ping kasi ang pinaka siraulo sa kalyeng iyon.
Umuwi na ang mga bata at si Kapitan at Mang Ping ay kumaen muna saglit sa tindahan ni Nakanam.

***********

Kinabukasan, gumising na ang tatlo para gawin na ang kanilang mga balak sa araw na din na yun. Isa lang ang CR ng kanilang tahanan kaya nanguna na kagad si Mel at pumila muna ang dalawa sa harap ng pinto. Nakaugalian na ng dalawa ang magkamot ng bayag pagkatapos gumising. Humihikab habang kumakamot. Nagtatanggal ng muta habang kumakamot.
Sabay naamoy nila ang niluluto ng kanilang ina. Amoy usok ng isda na tilapia.
Habang nanonood ng balita si Nanay Erna ay inihain nito ang masarap na breakfast ng tatlo. Napalingon ang ina. Sabi ni Nanay. “Oh kayo, Gas at Bal, kumaen na kayo, gising na ba ang kapatid niyo na si Mel?”
Sagot nila “Nasa CR ho, dinudukot pa po ang mabigat na granada este nauna na po sa CR, Nay”
Nakangiti sila habang pinapakinggan si Mel sa loob ng banyo.
Napansin ng ina “Ano bang makati diyan sa bayag niyo at kamot kayo ng kamot”
“Wala po, Nay. sobrang lamig lang po kasi ng kwarto kaya nilalabas namin ang lamig ” Sagot ng dalawa.
Ulit ni Nanay Erna “Kala ko kung ano nilalabas niyo eh. Magkapatid nga talaga kayo”
At kumaen muna ang dalawa. Pagtapos kumaen ni Gas. Inayos na niya ang kanyang mga gagamiting damit mamaya. Sumunod naman si Bal sa pag aayos.
Nagtanong ang katulong na si Aling Gina Jaculo. Ang anim na taon nilang naging katulong. Mula sanggol palang ang mga bata ay nasilayan na niya ang mga ito. Tanong nito “Sino ang tao sa CR? Bakit parang mabibiyak ang bowl ng CR. Ang mapagbirong babae ay nang alaska na naman.
Sumagot ang ina “Si Mel yun, umiire ng malakas? constipated kasi yun”
Gina Jaculo: “Ah ganun ba, Kala ko nabibiyak na yung mga tiles dun eh. hahaha Kakalinis ko pa naman nun. “
Tawanan ang lahat.



Nakita nilang lumabas na ng CR si Mel na namumula.
Sabi ni Gina “Oh Mel tapos ka na pala, push pa more hahaha “
At tinuro naman si Gas at bal. “Kayo naman dalawa, sumunod na kayo!”
Naligo na si Gas at sumunod naman si Bal.
Nang tapos ng magbihis ang tatlo. Sabay na silang tatlong nagmano sa kanilang nanay.
Ngayon palang nagtanong ang ina “Saan ba ang mga lakad niyo at bihis na bihis kayong tatlo. Gabi tayo lagi lumalabas diba!?”
Sagot ng tatlo
Mel: Maghahanap po ako ng trabaho.Nay.
Bal: Ako din po,Nay.
Gas: Tutulong naman po ako sa barangay Nanay Erna. Magdedecorate.
Sagot ng Ina “Totoo? Alam ba to ng ama niyo?”
Sabay sabay na sagot ng tatlo “Opo, nakapagpaalam na po kame kahapon.”
Tumango ang ina at sinabing
“Oh sige. Mag iingat kayo ah. Laging mag iingat” Ang huling sabi ng Ina.
Lumabas ng bahay.
Pumara na sila ng Jeep at sumakay sila doon. Sa mabilis na takbo ng sinasakyan nila. Tila tuwang tuwa sila sa pag uusap. Binanggit naman ni Mel na nangangamba siya sa sakit ng kanilang ina. Kaya mas kailangan niya daw ng malaking sahod. At gusto niya daw mapasaya niya ng husto ang kanyang mga magulang. Napahanga ng husto si Gas at Bal sa tapang ng kanilang kuya sa paghahanap ng trabaho at pag asenso sa buhay. Napasagot naman din si Bal, “Ako din naman, gusto ko namang guminhawa na ang buhay ng ating mga magulang” Kaya naghawak kamay ang dalawa na parang magtropa at tinuro ang tumingin sa kanilang bunso. Nangako sila na mas magpupursigi pa sa buhay at aalagaan ang kanilang bunsong kapatid.
Sambit ni Bal: “kaya kahit anumang mangyari Sige lang tayo ng sige sa lahat ah”
Sa kalagitnaan ng biyahe. Nakasabay nila si Ms. Everloo. Ang babaeng pinagpapantasyahan ng lahat. Minamanyak ng ilang lalaki. Ang babaeng birhen. Nagkawentuhan sila sa loob ng jeep.
“Ms. Everloo, sobra pong ganda ng suot niyo ngayon. Shet. Lalo po kayong gumanda. Nahulog na ata ang loob ko sa inyo” sabi ni Mel.
Napangiti na lamang ang dalaga.
“Ms. Everloo, talagang hindi ako makatulog, kayo po lagi kong iniisip. Punong puno na po ng tigyawat ang mga mukha ko. Full Pores na po sila” sabi ni Bal.
Hinampas na si Bal sa sinabi nitong biro. Tawang tawa sa mga sinasabi nito
“Ms. Everloo, isa lang po ang masasabi ko senyo, mahal ko na po ata kayo”
Niyakap nalang ng babae ang batang si gas. At kinurot kurot sa tuwa.
Pumasok na naman si Mel. “Kame din Ms. Everloo. Kurutin mo rin kame. Saktan mo kame“
Ang tatlong pilyo ay hindi maawat sa kalokohan. Todo pambobola sa magandang dalaga.
Ms. Everloo “Ang kukulit niyong tatlo, pupunta ako sa Gym. Kasama ko si Crayola. Gusto niyong sumama?”
“Gusto sana nga namen kaso, Naku si Crayola? delikado yun, wag ka masyadong magtitiwala dun,nanunuklaw yun.” Natatawang sabi ni Bal.
Sagot ni Ms. Everloo. “Hindi naman siguro, kayo talaga. Mabait kaya si Crayola. Sige na..dito na ako bababa. Ba-bye na”
Bumaba na si Ms. Everloo. At nag flying kiss ang tatlong pilyo. Nakangiti na lamang ang babae sa mga pinag-gagagawa nila.
Sumabat na ang driver
“Hoy kayo mgachikiting , Bayad na ba kayo? Nilalanse niyo na naman ako ah.” Nakatingin sa taas na mirror ang lalaki,
“Ay oo nga po pala, eto na po”




Bumaba na rin ang tatlo at sinamahan muna si Gas sa Barangay Hall. Pupuntahan ang kanilang tatay para humingi ng pamasahe. At para banggitin ang  videokehan competition.

ITUTULOY…..

Tuesday, October 13, 2015

THE RIGHTEOUS IN WRITE N’ SHOES




Simula nung tinubuan ako ng kasing laki ng butil ng trigo na tigyawat (medyo dikit dikit kasi siya) noong high school ako. Pinangarap ko ang magkaroon ng collection ng sapatos. Ang gusto ko, ako ang lalaking version ni Madam Imelda Marcos with matching salagubang ang hair style tapos sasayaw ako ng si Felimon, si Felimon, namasol sa kadagatan.Nakakuha, nakakuha ug isdang Tambasakan.
Ayun. Hehe. Pun Intended.
Ngunit sa kasamaang palad, palagi lagi, buwan buwan, walang tumatagal na sapatos sa akin. Hindi ko alam kung mabaho lang talaga ang paa ko kaya nagdi-divorce ang sapatos ko or pike ang paa ko sa paglalakad sa mga kalye. Ambilis masira kasi. Mas matagal pa ata ang headset na binibili ko ng mabilasan sa CD-R King eh. Joke lang ho. Hindi naman dahil fake or branded ang tatak ng sapatos kaya nawawasak kundi sa paggamit ko lang talaga siguro.
 OO, sige na, aaminin ko na.
Dahil ngayong may pera ako, ang ganda pa naman ng pagkaka-print ng payslip ko ngayong buwan. Kumikinang na siya eh. Ang lakas ng loob kong bumisita sa pinaka-kilalang Mall sa Lungsod ng Pasay. Pakay ko talaga makipag-transaksyon kay Mr. Henry Sy at Mr. Gokongwei.  Mag iinquire lang sana ako kung paano mag-invest ng pera. Kaso di ko sila makontak. Charot. 
Yung una talaga, nagdadalawang isip ako kung bibili ako ng bagong sapatos o kotse, or bahay nalang sa tagaytay. Charot ulit. “Sapatos nalang talaga para wala ng mahabang paliwanagan.”
Kasi naman kaseee, kapag wala akong pera, gusto kong  bumili ng bumili. Kapag may pera, tipid na tipid gumastos. Nagwe-wet dreams na nga yung wallet ko sa bulsa eh. Umiiyak na sa sobrang higpit ng pagkaka-ipit ko.
Kung hindi niyo naitatanong, Pinalaki ako ng magulang ko na hindi ako humahawak ng maruruming barya nagulat na nga lang ako nung biglang tipid na tipid ako ngayon sa pera!. Charot na naman ulit. Hahahahaha last na talaga yun.
Every time na naghahanap ako ng may lalandiing sapatos.  Palagi nalang nangyayari na ang tagal ng titig ko sa isang bagay lalo na sa sapatos na gustong gusto kong bilhin. Inaamoy ko pa. Alam mo yun!? Halos ingudngud ko yung mukha ko sa sapatos sa sobrang ganda ng hawak ko. (Di ko pa sinosuot yan, groggy na yung itchura ko). Minolestiya ko yung sapatos. I leave the shoes an awe-gasm. hahahahaha
Tinanong ko nga yung ale kung yung mothballs sa loob ng box of shoes ba ay binebenta nila. Bigla ba naman akong pinandilatan ng mata. Syempre di ako nagpatalo. Pinakita ko ang gums ko. Maine Mendoza lang?
Hindi dahil sa itchura ko. Hindi naman siguro dahil mukha akong walang pera  para makabili ng mothballs kundi ang shunga ko lang talaga magtanong.
Ang totoo niyan, nagtatalo sa isipan ko ang “wala ba akong sapat na pera sa mamahaling sapatos o baka masayang lang talaga?
Sinabi ko sa sarili ko na. Ngayon ko lang naman re-regaluhan ang sarili ko. Puro nalang, siomai ang nireregalo ko sa sarili ko tuwing saturday. Its time to make it change naman.
Pero Anong klase ang bibilhin kong sapatos.
Pang opisina ba? Pang basketball? Pang gala? Pang porma? Ano?
Basta mimili nalang muna ako. Wait lang.
When I’m in the midst of it all, nakakita ako ng baby at tatay sa store na rin na yun. Hawak ng ama ang kamay at paa ng baby. Kinikiskis ng lalaki ang baba niya sa mukha ng baby. Tuwang tuwa naman ang baby sa kaharutan ng tatay niya.
Kaya naisip ko, paano naman kung paghambingin ko ang kamay at paa kung paano sila nagpa-function. Kuha? Ang writing at ang sapatos . Kasi naisip ko. Kung isusulat ko ito ng wala man lang katorya torya, so ano yun? Nagsayang lang ako ng internet.
Oooh Sige try ko.
(Habang tumitingin ako ng sapatos, sunod din ng sunod ang sales lady sa akin, kung ano ang hahawakan ko. Pepresyuhan niya kagad ako sa item na yun. Sabi niya pa nga “Best seller yan sir” and my reply is “So what?” Joke. Di kaya bugaw to!?. Binitawan ko ang bag ko saglet sa upuan ng mga customer at kinilatis ko ng mabuti ang sapatos. Hindi ko siya ipo-foreplay)
Ako pa naman kapag bibili ako ng sapatos. Gusto ko laging palaging perfect at maganda ang pagkakatabas ng sapatos . Diba!? Diba!? Diba!? Yung walang sira. Sobrang linis kung titignan.
Yan, ganyan. Ganyan din ang pagsusulat ko eh. Gusto ko pulido palagi ang pagkakayari. Maganda. Walang sabit. Kaya ang resulta. Nai-stuck ako sa paniniwalang dapat malupit ang malilikha ko. Im stuck on stupidity. Incorrect Boy!
(Ambabango talaga ng amoy ng sapatos. Goodluck nalang talaga sa kanya kapag pagmamay ari ko na siya at magsasama sila nang habang buhay ng mala imburnal na paa ko. hahahaha)
Tapos naman. Swak din sa panlasa ko yung may dating kahit tignan mo sa malayo ang sapatos . Yung tipong maka-masa ang design, ayoko ng simple ang pinapahiwatig na desenyo. Dapat parang painting lang sa museum. Ayoko yung tahimik ang art ng shoes.
Oh diba. Gaya din ng pagsusulat ko. Kaya wala akong nasisimulan kasi gusto ko lagi yung may angas. May sampal sa maraming tao. Kala ko kasi kapag simple lang, walang makakaintindi. (Ang yabang eh noh) Mali pala ako. Ito ang malaking temptation ko sa pagbblog.
(Susuotin ko ang sapatos, ititingkayad ko. Titignan ang likod ng sapatos sa mababang salamin)
Komportable akong suotin ang sapatos kapag  sabay sa uso. Mabenta sa mata ko. Malapit sa kabataan ang puso ng sapatos,(may ganun!?) tapos  sobrang bigat ng timbang, ibang iba ang dating. Talagang nakakalunod ang tama. Kapag wala pang nakakasuot nung ganung sapatos, parang boring bilhin. Diba!?
Ganyan din ng pagsusulat ko. Pramis. Ayokong simulan kapag medyo makaluma na ang impact nito. Kaya ang suma, maraming nasasayang na ideya na naisip ko. Ive learned that I don’t  have to know the ending of a story when i start. Kapag sinimulan ko na ang gawa saka ko ine explore more creative possibilities and it will make my story stronger.
(Sabi ko kay ate: Te, pahawak muna saglet nito? Okay lang?) Kung tutuusin nga, magdadala pa nga dapat ako ng push cart eh. Para talagakunyareng marami akong bibilhin kaso wag nalang. Nawalan na ako ng gana.
Ang gusto kong sapatos ay yung makakasabay lang sa marami, seriously medyo bida bida din talaga ako sa totoo lang dahil kala ko kapag patok, ayos para sa mga pinag uusapan ngayon, dahil “in na in” ang style.
Ayun. Gaya din ng pagsusulat ko, minsan inaamin kong alipin na ako ng mainstream. Nagsusulat nalang dahil sumasabay sa nakararami. Nakalimutan ko na ang sarili ko. Kala ko kapag mabenta. Tatagal ng pangmatagalan. Hindi pala. Parang loombands lang.
(Naalala ko noon, kapag nasa loob ako ng National Library sa Kalaw,Ermita laging may misteryong bumabalot sa tiyan ko, natatae ako ng severe, ngayon naman, hawak ko ang sapatos pero parang ganun din. Premonition ba ito? Pero pipigilan ko to for the sake of shoes.)
Ituloy naten ang istorya. Kung palupitan lang. Ang trip kong shoes ay Black talaga noon pa man. Matapang ang postura ng sapatos kapag ganun. Gusto ko yung  mapapa-wow kayo sa ganda. Elegante tignan. Yung talagang pinaka. May tapang. Nandidibdib.
Gaya din ng pagsusulat ko, feeling ko ambabaw ng mga sulat ko kapag medyo malambot ang istorya, Noon gusto ko walang makaka-abot. Sobrang maling mali pala. Gusto ko rin yung ibang atake kapag inilakad ko ang takbo ng mga character sa ikinukwento ko. Napapa-moon walk pa ako. At Chris Brown moves kapag ganun. Mamahalin ang piyesa. Kaya kapag ganun, nalulunod ako sa ginagawa kong kalokohan. Mas maganda na yung madadampian ko ng kaunti ang puso ng ibang tao sa istorya ko. Kahit ganun nalang talaga.  
(Kapag maganda ang sapatos, ang kasunod naman nito, maganda ba ang presyo? Kapag dehado, bitawan kagad sa paa ng sales lady sabay walk out) Joke
Pili ako ng pili ng sapatos. Kala mo ko babae eh.  Suot dito. Suot doon. Naiirita na ata sa akin ang sales lady. Balik dito balik doon. “May stuck po ba kayo neto?”  hahaah malaman niyang Isa lang naman ang bibilhin ko. haha Ang nais ko na sapatos ay tugma sa mga pananamit ko. Yun lang ang hinahanap ko. Hindi po advantage card, ate! haha
Nung isinoot ko na.  At yun na yung pinaka gusto ko.  Di pa rin ako komportable. Bakit kaya?
Gaya din siguro ng pagsusulat ko, napakasigurista ko. Walang tiwala sa sarili minsan. Ayaw kong tapusin ang nasimulan. Nagtatanong pa sa iba bago magdesisyon, titignan pa sa iba kung ano ang mas maganda.
(Naalala ko yung mothballs, nakakita kasi ulit ako. pero ayoko ng ulitin, di na masaya eh)
At eto na. Kapag napili ko na ang gusto ko. Excited na kagad ipakita sa iba – ipagyabang sa iba ang sapatos ko, kasi bago ito at wala ang iba. Ay wow. haha
Gaya din ng pagsusulat ko sa totoo lang, kapag sa gitna palang ng pagsusulat ko. Alam kong maganda ang ending ng sinusulat ko. Parang gusto ko ng ipakita at ipublish kagad sa internet. Diba parang sapatos lang din talaga. Atat lungs ipangsimba kagad.
Pwede naman magyabang, basta ba bangku ko ang inaangat ko.
(Nagtanong ulit ako kay ate, bakit kapag Jordan ang shoes, walang nakalabas na dila ni Jordan. Charot lang.
(De joke, ito na po ang bibilhin ko. Pupunta na po ako sa cashier, sambit ko sa ate)
At nang makauwi na.

Ang then ,kapag ginagamit ko na siya kasi nabili ko na.
Di ko alam kung paano gagamitin o sisimulan. Tingin ako ng tingin ulit sa sapatos. Iwas na iwas sa putik kapag naglalakad. Because I walk my shoes with endearment. Tinatamad ata akong humakbang, natatakot, kapag may baha, ayaw kong isulong ang bago kong sapatos. Baka di tumagal.
Gaya din ng pagsusulat ko, hindi ko masimulan ang maayos dahil ayaw kong magsimula sa draft.
Ito talaga yung pagsusulat ko eh. Ayaw kong harapin ang problema at challenge.
Kaya minsan naman biglang nawawala  ang sapatos–minsan nahuhulog, minsan tinatangay ng alon,minsan nag iba ng daan. Posibleng mangyari diba.
Gaya din ng pagsusulat ko, dahil nga, bagsak ideya ang nasa utak ko. Minsan name-mental block ako. Pramis. Sapatos na nawawala. Utak na nawawala. Or lack of focus ito.
Sa lugar na kinalakihan ko, hindi ko maiwasang maikumpara ang sapatos ko sa iba. Minsan kapag napunta sa ibang places, iba na ang naging gusto ko, iniwan ko na ang sinimulan ko. Nagulo na.
Yan na yan diba. Gaya din ang pagsusulat ko, di mapigilan tignan ko ang sulat ng iba. Naiiba na kagagustuhan ko.  Nalilito na tuloy ako. Nahihilo. Nasan na ba ako?
Mga ilang araw,
Makikita ko nalang na kung saan-saan nakatambak ang sapatos na ginamit ko. Burara talaga ako eh. Walang pagmamahal sa gamit.  
Gaya din ng pagsusulat ko . Ang gulo gulo ng topic. Kung ano ang pumasok, yun na yun, maipasok lang ang magkatugma na naisip, sala-sabat, nakalagay sa maling direksyon, Kaya ang ending, walang content.
Kaya ngayon.
Halos sarili ko lang talaga ang kalaban ko sa pagsusulat  at sa sapatos na gusto kong bilhin. Ang disiplina na kailangan ko ay kailangan din ng ilang manunulat. (Wag na kayong magkaila) Mga katamaran, ayaw lumikha, walang gasolina na pampa-apoy, hindi maitama ang pag aayos. Parang magkapatid na magkapatid talaga ang sapatos at kung paano ako magsulat.




Kaya tignan niyo, pagtapos naman gamitin ang sapatos.
Tinatamad ng ayusin. Ang akala ko wala ng mali sa mga itinatype ko, ayaw ng ulitin, ayaw ng remedyohan. Ang wakas, ipinagpapabukas nalang ang unang gawa.

Ganyan ako magsulat. Kaya wala minsan natatapos.
So, to make amends, hindi ko na hahayaan ibalewala nalang ang dream ko. Di ko na bibitawan ito. Gagamitin ko ng tama para magamit muli ang lahat ng ito. I-aallow ko na rin ang sarili kong magkamali pa ng magkamali.

Sumulat.
Hayaan mo lang tumakbo ang istorya.
Tapusin.
Saka pagandahin.

Thursday, October 8, 2015

MAGPAKALALAKI EPISODE: NOON, BUKAS, GANERN



One Sunday night. Mayroong pagsubok na nagbabadya sa aming pamilya.
Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? mamimili ako, saglet!
Ang problema ng pamilya ay problema ng lahat ng miyembro.
Naglabas ng hinanakit ang aking kapatid tungkol sa kanyang butihing anak. Malumanay ang pag-uusap namen ni Ate Jorice sa Third Floor ng mansyon namen. Tila isang makabagdamdaming istorya na nag-uukit sa aming isip ng malaking tanong. “Ano ba talaga ang nangyayari? Saan tayo nagkulang? ” dandandaaaan! Nasabi kong nag-uukit sa aming isip para medyo may sense ang usapan namen.
Nakaupo sa tabi ni Ate si Benny. Ang batang wala pang kamuang muang sa walang hanggang havoc ng buhay. Nais kasi niya akong tulungan mag-ayos ng bahay kaya tumambay muna siya sa amin. Bigla namang kumatok si Benz. (Ang taong kupal,ay mali. Tao lang pala) . Takte kasi. Kala mo may kaaway kung kumatok yan. Talagang lagabog. Tatadyakan ko na sana siya palabas sa sobrang banas ko. Siya ang pinakamatanda sa amin. Ang ahead sa pamilya. Siya ang mas nakakaintindi ng mga life lessons. Bihasa sa lahat ng bagay. Siya talaga kasi ang takbuhan namen. Ang pinakamagaling.
Tuloy tuloy lang si ate sa kanyang pagku-kwento tungkol sa kanyang anak na nawawala ng landas. Naliligaw sa makamundong kalye. Sa pagpapatuloy ng salaysay ni ate. Sobra siyang nasasaktan sa mga ginagawa ng kanyang mga mahal sa buhay.
(Napakasakit kasing isipin na kung sino pa ang minahal natin ng sobra ay sila pa ang mas mananakit sa atin. Paminsan minsan.)
Ngayon, hawak ko naman ang Christmas light para ilagay sa Christmas Tree. Kanina ko pa balak gawin to, tinatamad lang talaga ako. Kasi October palang naman. Taeng tae na ko maglagay ng abubot.
Sa tuwing naglalagay naman ako ng Christmas balls doon, ang sarap magbigay ng hugotlines. Ang sarap magbigay ng payo sa ibang tao. Ewan ko kung bakit. Ganito ang  mga katagang  ang sarap bitawan eh
“Di niyo na kailangan magthank you, sinumbatan ko na kayo ng pagmamahal.”
Sa matagal na pagtunganga, sa wakas ,naisipan din ni Benz na tulungan ako sa pag-aabot at paglalagay ng Christmas light. Hinayupak to, puro kaen lang kasi inaatupag for the rest of his life.
Hindi naman ganun kahirap ang magdecorate kung tutuusin. Hindi na kailangan pa ng mahabang choreography para gumanda ang Christmas tree. Mas malaki pa ang drum namen dyan eh. Wala lang. Para lang masabi kong makabuluhan ang pagtambay nila sa amin. Pinatulong ko na rin sila. We are making a huge history. WHAT?
Malupit yang si Benz. Sobrang tahimik lang niyan kung bumanat. Yung tipong kapag kailangan lang humirit saka papasok. Sumasagot lang kapag tatanungin mo.Yung mga ganun tipo ng tao. Asteg mga repa! Ganyan na talaga si Benz, noon pa lamang. May pagka mysterious effect. Ibibigay niya ang mga impormasyon kung alam niya lang at naranasan niya ito. Minsan pa nga, kung hindi ka talaga deserve kausap, dedma ka dyan eh.
Sa matang namumugto at namumula dahil sa pag-iyak ng aking kapatid. Pati na tono ng pananalita ni ate ay hindi maikakaila ang sakit na nararamdaman niya kahit na tatlong lalaki kameng nakikinig sa kanya. Walang hiya siya magkwento. Kame lang naman ang walang ka-kwenta kwentang kausap niya buong gabi. Marahil ang sakit na nararamdaman niya, ay parang bulkang walang hinto sa pagputok. Mainit na. Masakit pa. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan kapag sinaktan ka ng dati mong asawa na pang iiwan at malaman mong napupunta lang sa katarantaduhan ang pinagpapagurang pera na ibinibigay mo sa iyong anak.
Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Nagpe-penetrate talaga sa puso ko. Harinawa makayanan ko to. Ang OA ko!
Hindi na nga nameng magawang ngumiti o mag-joke dahil talagang seryoso na ang mga sumusunod na kwento ni Ate. Ang palabiro kong ate ay ngayon naman dumadanas ng malubhang pagsubok. Kung titignan mo siya sa kanyang mukha. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dulot ng kanyang nalaman galing sa ibang tao tungkol sa kanyang anak.
Mahirap sabihing binata na ang kanyang anak/pamangkin ko para saktan pa. Yan ang tanong ng lahat. Pramis.
Naitanong ko naman kay ate. “Bakit naman po bumagsak si rj?
Ang sabi niya “Tinanong ko naman si rj ng personal, baka nga talaga meron siyang problemang kinakaharap kaya ayaw niyang sabihin. Nagtatanong tanong nga ako sa mga kaibigan niya, ano bang nangyayari kay rj?” Bihira lang umiyak ang ate ko. Kapag umiyak yan. Sobrang panget. Kadiri.
(Siya ang isang ina na gagawin ang lahat malaman lang ang tunay na dahilan ng pagkadapa ng kanyang anak.)
Marami palang naibagsak na mga subject si rj sa kanyang pagsisimula ng pag aaral sa kolehiyo. Ang balitang iyon ay ikinalungkot ng buong pamilya. Si mama, si kuya , ate mean at ako. Siguro nawala ang pag-asa nameng makakatapos pa siya. Dahil narin meron siyang ugali na parang siya lang ang dapat na nasusunod. Nasayang ang pera. Nasayang ang panahon. Ngunit kaming mga kapamilya niya ang tutulong upang matadyakan siya papalayo sa tamang daan sa tamang panahon.
Kailan kaya magbubukas sa kamalayan ang batang iyon?
Look back on my life, dati kapag nagkamali ako o natisod sa mga desisyon, hirap na hirap akong magsorry sa nagawa kong kasalanan, kaya ngayon sa mga susunod pa sa aking yapak. Ayokong turuan sila ng pagkamataas ng walang pagpapakumbaba. Lagi dapat nakaapak sa lupa at nakatingala.
Ang tunay na Estrella, mag pag galang sa kapwa na may konting kabastusan.
Malungkot. Sobra.
Itinuloy pa ni Ate: “Gusto ko ngang ipa-consellling si rj baka kako dun, mailabas niya ang tunay niyang nararamdaman doon .”
Gusto ko sanang isuggest ipadala nalang ang bata sa military. Para magtino. Naisip ko lang naman.
Wala akong maisagot kay ate tungkol doon.
Kasi kung babalikan ko ang aking nakaraan. Walang nagsabi sa akin kung paano ako lalakad. Ginabayan nalang ako ng mga aral ng pagkakamali ko. Ito ang naging compass ko para magbago. At ang mga sugat ko ang nagsilbing patunay na kailangan kong mas maging matibay sa pagharap sa bawat hamon ng buhay.
Hindi na napigilan ni Benny na ngumiti at sumabat sa usapan: “First and foremost..(ngiting demonyo) Halos ganyan din ako dati, Ang akala ko noon, kapag pumapasok ako sa isang unibersidad ay safe na ako, may maganda na akong kinabukasan, nagkamali nga ako noon. Sobrang sobra, hayuuuuup”
Nagulat kame na pumapasok pala siya sa eskwelahan. hahahaha
Sabay sambit ni Benz ng “Buti alam mo, ngayon,ano ka ngayon?”
Uminit ang butchi ni Benny sa nadinig na salita.
Siguro’y hindi nagets ni Benny ang pabirong bwelta ni Benz. Naunawaan ko siya, ang ibig sabihin niya lang naman, “ano ka na ngayon? Ay nangangahulugang malaki ang naitulungan sayo ng kahapon.
Getching mo na neng?
Minsan talaga kung hindi natin uunawain ang tanong at mapipikon na lamang. Talagang walang patutunguhan ang mensaheng ibinabato sa atin.
Noon pa man ay galit na sa isat isa ang dalawa. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon sobrang lalim pa rin ang alitan nila. Pero parang magkapatid na ang turing nila sa isat isa. ANG GULO.
Ngumiti na lamang si Benny at naghugas ng hamay para basain ang mukha. Baka sa sobrang init ng panahon ngayon kaya ganun.
At eto na, di na nag paawat si Benz at nagsabing “ Ang hirap kasi sayo, kala mo alam mo na lahat. Ang yabang mo, Wala ka pa ngang napapatunayan eh” Patungkol kay Benny.
Saisip ko “nako, magkakagulo to”
Buti tumahimik na ang bata.
Pinatigil na ni ate ang dalawa sa kanilang pagbabangayan. Siguro dahil nga nasa murang edad pa si Benny kaya hindi nalang pumalag sa paghahamon ni Benz.
Ang babaw lang naman ng pinag aawayan nila. ADIK!
Nakakatawa talaga tong dalawa mag away. Parehas lang naman sila.
“Ano ba? Kayo ba ang may problema dito? Parang kayo yung nasasaktan ah!? Pwede ba, patapusin niyo muna ako sa pagku-kwento ko at kayo naman, okay!? Pasigaw na pag awat ni ate sa dalawa.
Napailing nalang ako sa gulo ng dalawang iyon. Para nga talagang silang aso’t pusa kapag nagkalmutan. Anghel at demonyo kapag nagkasakitan.
Sa pagpapatuloy ng kwento ni ate, ang sabi niya ay “Sa mga sumunod pang mga araw, may nalaman pa ako tungkol kay rj. Sobra akong nasaktan.” Kung nakikita niyo lang itchura ni Ate, parang naninikip ang dibdib na biik. haha
Nalaman pala ni ate ang buong katotohanan. The whole truth but not a good excuse. Hindi lang pala grado sa pagaaral ang bagsak ang kanyang anak. Kundi sa tunay na kasarian. Awts
Lahat kami’y nagulat at nagtaka. Animoy’ sinasabi namin sa aming isipan na
 “Ha, seryoso ka ba, ate?
Kaming tatlo ay huminga ng malalim. Nagtinginan sa mga mata. Ang noon na biro ay nagkatotoo pala sa bata.
Nasabi ko rin “Ah, alam ko na to, ang pagiging badaf ng pamangkin ko” Ito na yun.
Sa pagkakaalam ko. Ang pinakadelikadong tao ay yung mga taong nagpapanggap na bakla. Like Joey De Leon, Janno Gibbs, Anjo Yllana, at Wally Bayola. Mga malupit sa scandal.
Noong una, parang ayokong magsalita. Ayokong umimik. BInalak ko na wag nalang magsalita pero hindi na ako pinigilan ng konsensya ko para magsalita.
Ito ang mga napapanood ko sa pelikula na nagiging totoo na sa realidad.
Naalala ko ang pelikula ni Dolphy at Roderick paulate na “MGA ANAK NI FACI-FICA FALAYFAY” na kung saan tawa ako ng tawa sa tuwing napapanood ko ito sa Cinema One dahil pinipilit ni mang Dolphy na maging tunay na lalaki ang kanyang anak na si Roderick habang nagkekendeng kendeng ito pageensayo sa pagpupulis.
Bagay na tinatawanan lang ng lahat. Pero idol ko pa din si Panchito. Buuuuseeeet!
Sa pagtutuloy ng kwento ko slash ate Charo.
Nagsalita ng malumanay si Benny. Siguro’y naisip niya na mayroon naman siyang karanasan na pwedeng ibahagi sa amin.
“Dati ang biro daw sa asawa mo ay bading ate jorice, eh tignan mo naman ngayon, gagong sanggano na. Paano magiging bading ang anak mo.” Ang ibig sabihin pala niya. Ikinukumpara niya ang asawa ni ate jorice sa kanyang anak. Na noong parehas ang tukso ng pagka-alanganin. Maaaring maging ganun din si rj kung gugugustuhin niya.ng magbago.
Maaaring kung ano ang tinuran natin sa bata ay mag ugat ito sa kanya. May posibilidad.
Kaya mga kids. Wag nating hayaan tinutukso tayo ng di maganda. Lumaban tayo sa bullying. Amen? Amen!
Ngunit di kame magsasawa ng wantusa magpangaral sa kanya. Patigasan ng ulo na ituuh.
Binanggit ko naman na “Siguro nga, Benny, bata ka pa, hindi mo pa naiintindihan ang nangyayaring ito.Hindi lahat ay pare parehas ng kwento”
Kahit alam ko sa sarili ko na may pinupunto siya. Ginulo ko nalang siya ng konti.
Ako ang tito ng pamangkin ko. Dapat akong magpakatito. Ang rule ay rule. Walang babale.
Bumanat na naman si Benz na nakaupo na lamang at nakatingin sa malayo, sa kwadradong bintana.
Parang si Jose Manalo kung gumanap talaga to eh.
Benz: “Wala pa yan,ako nga eh. When I was a young kitten (hahaha) joke, Dati nga ako, biniro din ako ng ganyan, pero hindi ako naging ganyan. Hindi ko sineryoso. pwede pang mabago yang batang yan.Wala naman dapat patunayan sa kasarian. Kung paano tayo nagsikap, yun ang pinakamahalaga.” Sabay tingin sa akin. “tama ba?”
Sabi ko” Ay wow, sabay tingin sa akin, parang alam ko na yung kasunod eh, ako ba tinutukoy mo? Ha? Ha? Hahaha Parang hindi ako nagsikap ah.
Nagtawanan ang lahat. Dahil nga sa katarantaduhan niyang tanong, So epic. No substance.
Tumayo na si Benz para sa lahat. Kapag umasta kala mo may dating.
Ang sabi niya “Kung ako tatanungin niyo, malaki pa ang pag-asa ng batang yan. Madadaanan din ng bata ang napagdaanan namen. Naging matibay din kame noon. “
Pinilit nalang namen na umoo at inudyukan ko si Benny na sumangayon nalang. Kaya umoo nalang kameng lahat. Para siguro matapos na ang lahat sa mga pinagsasasabi ni Benz. Matapos na ang walang kwentang kwento niya. Joke.
Pero may point naman siya. Ang panget niya lang talaga magdeliver ng lines. Lines? Movie?
Ang pa-pilosopong tanong ni Benny” Weh, totoo, bakit? Paano ka ba naging ganyan? Wala naman nabago sayo ah” hahaha

Natatawa sa pagsagot si Benz.
Benz: “Hinde seryoso. noon na gaya mo, punong puno rin ng basura tong isipan ko. Pinilit kong linisin at itapon ang nakalagay na basura sa aking isip at pinalitan ko ng bagong pananaw. Parang baso. “
Benny: Weh, Ganun lang yun? Walang ka-effort effort.
Benz: Oo, ganun lang, bakit gusto mo pa ng formula, para idiscuss naten? Tado ka pala eh. Pinag iinit mo ulo ko ah.
Tawanan ang lahat.

Pagtapos nitong magsalita. Inalok niya naman si ate ng isang sigarilyo. Hindi tumanggi si ate. At sumindi na silang dalawa. Sabay din ng pagsindi ng ilaw ng Christmas light.
Napakanta nalang ako ng
 “You just gotta igniiiiiiiite the liiiiiight and let it shiiiiiiine. Just own the niiiiight like the 4th of Julaaaaaaaaay. 'Cause, baby, you're a firewooooooork”
Lumayo at bumuga ng usok nalang sila.
Nagbigay ng katahimikan.
Ate: “Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya, kung palalayasin ko ba yang batang yan? Naguguluhan ako. Baka hindi na pag aralin siya ng tatay niya kung malamang bumagsak siya at naging alanganin.”
So naisip ko naman, diba gusto mong makita ang magaling mong asawa. Edi sabihin mong naging ganyan ang bata para makita mo siya. (Sa isip ko lang naman yun. )
Humihikab na si Benny. Kala ko may umutot. Hikab pala.
Dahil nga siguro anong oras na rin at wala ring tubig sa itaas puro lang hampas ng hangin na talagang nakakahalele sa tenga.
Kaya para hindi siya umalis sa usapan. Inalok namen siya kung may maisa-suggest ba siya.
Ang eksena parang sa inuman. Ayaw paalisin ang tao para uminom muli. HOY SHOT PA! HOOY!
Benny: Ayoko na, baka naman kapag nagkwento ako mabalewala lang. Saka kung nandyan yang si Benz. Nakakailang lang magkwento ng opinyon ko,” Nakangiti na pa-nguso kay Benz. hahaha
Di kame nagpatinag. Pinilit pa rin namen siya na magkwento nalang. Hahah
Kasi nga, nga-nga narin kame sa topic talaga.
Benny: Kung ako tatanungin,
Yaaaan nagkwento rin siya.
Patuloy niya “Ang nakikita ko kay ate jorice ay hopeless na siya. Kinakaen na siya ng sitwasyon. Kailangan siya ang kumontrol sa sitwasyon. Noon nga eh, kung hindi niyo naitatanong , kung saan saan din napupunta ang pera ko kapag nakakatanggap ako ng sahod sa tatay ko. Napupunta lamang doon sa lugar na kung saan walang kusina. Lahat ng lumalabas dun pawis na pawis. Pero kami hindi. Sa madaling salita, kahit saan man ako pumunta. Kung ano ang itinanim naten. May balik. May kabayaran. Masama man o mabuti.  Mali ang ibinigay ni ama”
Ha? Ang lalim nun ah. Pwede bang bagalan mo? At mas maiintindihan namen.
Ang ibig niya daw sabihin “Okay na nangyari ang lahat. Maaari pang itama ang kaganapan. Palitan ang itinanim sa bata. Maaari pang solusyunan. Maari pang gawan ng paraan. Kung gugustuhin lamang. Hindi pa huli ang lahat. SIMULAN NG TAMA”
Benz: Natuwa naman ako dun. Dati hugot ka lang ngayon kumo-quote na mga linya mo.

Sagot niya : YES OF COURSE.

Tawanan muli ang lahat.
“Ikaw Benz, paano mo natatawanan ang isang sitwasyon o problema.’ Ang sagot naman ni Benz kay Benny “Matuto ka kagad magpatawad para mahanapan mo kagad ng nakakatawang bagay. Ano mang bagay. Subok yan”

YAH I SEE! Sagot ko.

At ang sabi ko naman ulit “Siguro tama kayo. Tama kayo sa opinyon. Pero syempre. Ano pa rin ang mahalaga ay kung ano ang desisyon ni ate. Siya pa rin ang masusunod.”
Anyway, para naman makasingit ako sa usapan nila. Syempre magbida sa ulo ng balita.
“Siguro nga tama ka Benz. May punto ang mga sinabi mo. Kay Benny  ang daan palang ng mga karanasan natin ngunit si Benz ay bihasa at natuto na sa pagkakamali. Tama kayong parehas. “
Magkamukha pa naman kayo. Bagay kayo.
Wala ng natawa dahil korny na talaga.

Ang dito na natapos ang kwento ng katotohanan.
Kaya kung babalikan mo ang buong istorya: Kaming dalawa lang talaga ni ate ang nag-uusap dito sa bahay. Walang tao na “Benny at Benz”. Sila lang dalawa ang parte ng mga kasagutan. Si Benny ang Past. Ako naman ang kasalukuyan. At si Benz ang sasagot  sa future.
 Kung inyong napansin. Sobrang ginagabayan ako ng kahapon para sa bukas.  Ibinuod ko ang issue gamit ang noon at ang hinaharap.

So, Let’s be real for a sec, ang Problema ang nagbibigay meaning sa atin buhay. Kung wala neto. Malamang pare-parehas tayong sira ang ulo. Sino ba pa ang magtutulungan diba ang magpapamilya din, in the long run. Mahirap hulaan ang mangyayari bukas. Pero pwedeng kontrolin dahil sa ginawa naten ngayon.
Meaning is the new luxury. What matters most is how well we walk through the fire.
Salamat mga kapatid.