Simula nung tinubuan ako ng kasing laki ng butil ng trigo na
tigyawat (medyo dikit dikit kasi siya) noong high school ako. Pinangarap ko ang
magkaroon ng collection ng sapatos. Ang gusto ko, ako ang lalaking version ni
Madam Imelda Marcos with matching salagubang ang hair style tapos sasayaw ako
ng si Felimon, si Felimon, namasol sa kadagatan.Nakakuha, nakakuha ug isdang
Tambasakan.
Ayun. Hehe. Pun Intended.
Ngunit sa kasamaang palad, palagi lagi, buwan buwan, walang
tumatagal na sapatos sa akin. Hindi ko alam kung mabaho lang talaga ang paa ko kaya
nagdi-divorce ang sapatos ko or pike ang paa ko sa paglalakad sa mga kalye.
Ambilis masira kasi. Mas matagal pa ata ang headset na binibili ko ng mabilasan
sa CD-R King eh. Joke lang ho. Hindi naman dahil fake or branded ang tatak ng
sapatos kaya nawawasak kundi sa paggamit ko lang talaga siguro.
OO, sige na, aaminin
ko na.
Dahil ngayong may pera ako, ang ganda pa naman ng pagkaka-print
ng payslip ko ngayong buwan. Kumikinang na siya eh. Ang lakas ng loob kong bumisita
sa pinaka-kilalang Mall sa Lungsod ng Pasay. Pakay ko talaga makipag-transaksyon
kay Mr. Henry Sy at Mr. Gokongwei. Mag
iinquire lang sana ako kung paano mag-invest ng pera. Kaso di ko sila makontak.
Charot.
Yung una talaga, nagdadalawang isip ako kung bibili ako ng
bagong sapatos o kotse, or bahay nalang sa tagaytay. Charot ulit. “Sapatos
nalang talaga para wala ng mahabang paliwanagan.”
Kasi naman kaseee, kapag wala akong pera, gusto kong bumili ng bumili. Kapag may pera, tipid na
tipid gumastos. Nagwe-wet dreams na nga yung wallet ko sa bulsa eh. Umiiyak na
sa sobrang higpit ng pagkaka-ipit ko.
Kung hindi niyo naitatanong, Pinalaki ako ng magulang ko na
hindi ako humahawak ng maruruming barya nagulat na nga lang ako nung biglang tipid
na tipid ako ngayon sa pera!. Charot na naman ulit. Hahahahaha last na talaga yun.
Every time na naghahanap ako ng may lalandiing sapatos. Palagi nalang nangyayari na ang tagal ng titig
ko sa isang bagay lalo na sa sapatos na gustong gusto kong bilhin. Inaamoy ko
pa. Alam mo yun!? Halos ingudngud ko yung mukha ko sa sapatos sa sobrang ganda ng
hawak ko. (Di ko pa sinosuot yan, groggy na yung itchura ko). Minolestiya ko
yung sapatos. I leave the shoes an awe-gasm. hahahahaha
Tinanong ko nga yung ale kung yung mothballs sa loob ng box
of shoes ba ay binebenta nila. Bigla ba naman akong pinandilatan ng mata. Syempre
di ako nagpatalo. Pinakita ko ang gums ko. Maine Mendoza lang?
Hindi dahil sa itchura ko. Hindi naman siguro dahil mukha akong
walang pera para makabili ng mothballs
kundi ang shunga ko lang talaga magtanong.
Ang totoo niyan, nagtatalo sa isipan ko ang “wala ba akong
sapat na pera sa mamahaling sapatos o baka masayang lang talaga?
Sinabi ko sa sarili ko na. Ngayon ko lang naman re-regaluhan
ang sarili ko. Puro nalang, siomai ang nireregalo ko sa sarili ko tuwing
saturday. Its time to make it change naman.
Pero Anong klase ang bibilhin kong sapatos.
Pang opisina ba? Pang basketball? Pang gala? Pang porma?
Ano?
Basta mimili nalang muna ako. Wait lang.
When I’m in the midst of it all, nakakita ako ng baby at
tatay sa store na rin na yun. Hawak ng ama ang kamay at paa ng baby. Kinikiskis
ng lalaki ang baba niya sa mukha ng baby. Tuwang tuwa naman ang baby sa
kaharutan ng tatay niya.
Kaya naisip ko, paano naman kung paghambingin ko ang kamay
at paa kung paano sila nagpa-function. Kuha? Ang writing at ang sapatos . Kasi
naisip ko. Kung isusulat ko ito ng wala man lang katorya torya, so ano yun? Nagsayang
lang ako ng internet.
Oooh Sige try ko.
(Habang tumitingin ako ng sapatos, sunod din ng sunod ang
sales lady sa akin, kung ano ang hahawakan ko. Pepresyuhan niya kagad ako sa
item na yun. Sabi niya pa nga “Best seller yan sir” and my reply is “So what?”
Joke. Di kaya bugaw to!?. Binitawan ko ang bag ko saglet sa upuan ng mga
customer at kinilatis ko ng mabuti ang sapatos. Hindi ko siya ipo-foreplay)
Ako pa naman kapag bibili ako ng sapatos. Gusto ko laging
palaging perfect at maganda ang pagkakatabas ng sapatos . Diba!? Diba!? Diba!?
Yung walang sira. Sobrang linis kung titignan.
Yan, ganyan. Ganyan din ang pagsusulat ko eh. Gusto ko pulido palagi
ang pagkakayari. Maganda. Walang sabit. Kaya ang resulta. Nai-stuck ako sa
paniniwalang dapat malupit ang malilikha ko. Im stuck on stupidity. Incorrect
Boy!
(Ambabango talaga ng amoy ng sapatos. Goodluck nalang talaga
sa kanya kapag pagmamay ari ko na siya at magsasama sila nang habang buhay ng mala
imburnal na paa ko. hahahaha)
Tapos naman. Swak din sa panlasa ko yung may dating kahit
tignan mo sa malayo ang sapatos . Yung tipong maka-masa ang design, ayoko ng simple
ang pinapahiwatig na desenyo. Dapat parang painting lang sa museum. Ayoko yung
tahimik ang art ng shoes.
Oh diba. Gaya din ng pagsusulat ko. Kaya wala akong
nasisimulan kasi gusto ko lagi yung may angas. May sampal sa maraming tao. Kala
ko kasi kapag simple lang, walang makakaintindi. (Ang yabang eh noh) Mali pala
ako. Ito ang malaking temptation ko sa pagbblog.
(Susuotin ko ang sapatos, ititingkayad ko. Titignan ang
likod ng sapatos sa mababang salamin)
Komportable akong suotin ang sapatos kapag sabay sa uso. Mabenta sa mata ko. Malapit sa
kabataan ang puso ng sapatos,(may ganun!?) tapos sobrang bigat ng timbang, ibang iba ang
dating. Talagang nakakalunod ang tama. Kapag wala pang nakakasuot nung ganung
sapatos, parang boring bilhin. Diba!?
Ganyan din ng pagsusulat ko. Pramis. Ayokong simulan kapag
medyo makaluma na ang impact nito. Kaya ang suma, maraming nasasayang na ideya
na naisip ko. Ive learned that I don’t
have to know the ending of a story when i start. Kapag sinimulan ko na
ang gawa saka ko ine explore more creative possibilities and it will make my
story stronger.
(Sabi ko kay ate: Te, pahawak muna saglet nito? Okay lang?) Kung
tutuusin nga, magdadala pa nga dapat ako ng push cart eh. Para talagakunyareng
marami akong bibilhin kaso wag nalang. Nawalan na ako ng gana.
Ang gusto kong sapatos ay yung makakasabay lang sa marami,
seriously medyo bida bida din talaga ako sa totoo lang dahil kala ko kapag patok,
ayos para sa mga pinag uusapan ngayon, dahil “in na in” ang style.
Ayun. Gaya din ng pagsusulat ko, minsan inaamin kong alipin
na ako ng mainstream. Nagsusulat nalang dahil sumasabay sa nakararami. Nakalimutan
ko na ang sarili ko. Kala ko kapag mabenta. Tatagal ng pangmatagalan. Hindi
pala. Parang loombands lang.
(Naalala ko noon, kapag nasa loob ako ng National Library sa
Kalaw,Ermita laging may misteryong bumabalot sa tiyan ko, natatae ako ng severe,
ngayon naman, hawak ko ang sapatos pero parang ganun din. Premonition ba ito? Pero
pipigilan ko to for the sake of shoes.)
Ituloy naten ang istorya. Kung palupitan lang. Ang trip kong
shoes ay Black talaga noon pa man. Matapang ang postura ng sapatos kapag ganun.
Gusto ko yung mapapa-wow kayo sa ganda.
Elegante tignan. Yung talagang pinaka. May tapang. Nandidibdib.
Gaya din ng pagsusulat ko, feeling ko ambabaw ng mga sulat
ko kapag medyo malambot ang istorya, Noon gusto ko walang makaka-abot. Sobrang
maling mali pala. Gusto ko rin yung ibang atake kapag inilakad ko ang takbo ng
mga character sa ikinukwento ko. Napapa-moon walk pa ako. At Chris Brown moves
kapag ganun. Mamahalin ang piyesa. Kaya kapag ganun, nalulunod ako sa ginagawa
kong kalokohan. Mas maganda na yung madadampian ko ng kaunti ang puso ng ibang
tao sa istorya ko. Kahit ganun nalang talaga.
(Kapag maganda ang sapatos, ang kasunod naman nito, maganda
ba ang presyo? Kapag dehado, bitawan kagad sa paa ng sales lady sabay walk out)
Joke
Pili ako ng pili ng sapatos. Kala mo ko babae eh. Suot dito. Suot doon. Naiirita na ata sa akin
ang sales lady. Balik dito balik doon. “May stuck po ba kayo neto?” hahaah malaman niyang Isa lang naman ang
bibilhin ko. haha Ang nais ko na sapatos ay tugma sa mga pananamit ko. Yun lang
ang hinahanap ko. Hindi po advantage card, ate! haha
Nung isinoot ko na. At yun na yung pinaka gusto ko. Di pa rin ako komportable. Bakit kaya?
Gaya din siguro ng pagsusulat ko, napakasigurista ko. Walang
tiwala sa sarili minsan. Ayaw kong tapusin ang nasimulan. Nagtatanong pa sa iba
bago magdesisyon, titignan pa sa iba kung ano ang mas maganda.
(Naalala ko yung mothballs, nakakita kasi ulit ako. pero
ayoko ng ulitin, di na masaya eh)
At eto na. Kapag napili ko na ang gusto ko. Excited na kagad
ipakita sa iba – ipagyabang sa iba ang sapatos ko, kasi bago ito at wala ang
iba. Ay wow. haha
Gaya din ng pagsusulat ko sa totoo lang, kapag sa gitna
palang ng pagsusulat ko. Alam kong maganda ang ending ng sinusulat ko. Parang
gusto ko ng ipakita at ipublish kagad sa internet. Diba parang sapatos lang din
talaga. Atat lungs ipangsimba kagad.
Pwede naman
magyabang, basta ba bangku ko ang inaangat ko.
(Nagtanong ulit ako kay ate, bakit kapag Jordan ang shoes,
walang nakalabas na dila ni Jordan. Charot lang.
(De joke, ito na po ang bibilhin ko. Pupunta na po ako sa
cashier, sambit ko sa ate)
At nang makauwi na.
Ang then ,kapag ginagamit ko na siya kasi nabili ko na.
Di ko alam kung paano gagamitin o sisimulan. Tingin ako ng
tingin ulit sa sapatos. Iwas na iwas sa putik kapag naglalakad. Because I walk
my shoes with endearment. Tinatamad ata akong humakbang, natatakot, kapag may
baha, ayaw kong isulong ang bago kong sapatos. Baka di tumagal.
Gaya din ng pagsusulat ko, hindi ko masimulan ang maayos
dahil ayaw kong magsimula sa draft.
Ito talaga yung pagsusulat ko eh. Ayaw kong harapin ang
problema at challenge.
Kaya minsan naman biglang nawawala ang sapatos–minsan nahuhulog, minsan tinatangay
ng alon,minsan nag iba ng daan. Posibleng mangyari diba.
Gaya din ng pagsusulat ko, dahil nga, bagsak ideya ang nasa
utak ko. Minsan name-mental block ako. Pramis. Sapatos na nawawala. Utak na
nawawala. Or lack of focus ito.
Sa lugar na kinalakihan ko, hindi ko maiwasang maikumpara
ang sapatos ko sa iba. Minsan kapag napunta sa ibang places, iba na ang naging
gusto ko, iniwan ko na ang sinimulan ko. Nagulo na.
Yan na yan diba. Gaya din ang pagsusulat ko, di mapigilan
tignan ko ang sulat ng iba. Naiiba na kagagustuhan ko. Nalilito na tuloy ako. Nahihilo. Nasan na ba
ako?
Mga ilang araw,
Makikita ko nalang na kung saan-saan nakatambak ang sapatos na
ginamit ko. Burara talaga ako eh. Walang pagmamahal sa gamit.
Gaya din ng pagsusulat ko . Ang gulo gulo ng topic. Kung
ano ang pumasok, yun na yun, maipasok lang ang magkatugma na naisip, sala-sabat,
nakalagay sa maling direksyon, Kaya ang ending, walang content.
Kaya ngayon.
Halos sarili ko lang talaga ang kalaban ko sa pagsusulat at sa sapatos na gusto kong bilhin. Ang
disiplina na kailangan ko ay kailangan din ng ilang manunulat. (Wag na kayong
magkaila) Mga katamaran, ayaw lumikha, walang gasolina na pampa-apoy, hindi
maitama ang pag aayos. Parang magkapatid na magkapatid talaga ang sapatos at
kung paano ako magsulat.
Kaya tignan niyo, pagtapos naman gamitin ang sapatos.
Tinatamad ng ayusin. Ang akala ko wala ng mali sa mga
itinatype ko, ayaw ng ulitin, ayaw ng remedyohan. Ang wakas, ipinagpapabukas nalang
ang unang gawa.
Ganyan ako magsulat. Kaya wala minsan natatapos.
So, to make amends, hindi ko na hahayaan ibalewala nalang
ang dream ko. Di ko na bibitawan ito. Gagamitin ko ng tama para magamit muli
ang lahat ng ito. I-aallow ko na rin ang sarili kong magkamali pa ng magkamali.
Sumulat.
Hayaan mo lang tumakbo ang istorya.
Tapusin.
Saka pagandahin.
Totoo ang Analogy mo sa sapatos at pagsusulat. Nakakaaliw ang pareho nilang kwento. At sa tingin ko ang material mo at sapatos mo pareho din kung sumipa! Sapul ang tinutumbok...
ReplyDeleteNatumbok mo din sir. Salamat......
ReplyDeleteSa totoo lang sir.. gusto ko pong maging writer sa mga gag or sitcom..pero di ko alam kung paano..di ko alam kung handa na ba ako o hinde..hehehe
Kapatid wala namang writer sa gag show at sitcom na naging magaling agad... dumaan lahat sa umpisa... hayaan mo pag may opening sasabihan kita.. pero kung ako sayo try ko na mag apply sa gusto mong show hanggat bata ka at wala ka pang obligasyon.. yung tipong kahit mareject material mo handang handa ka magutom hehe ...
ReplyDeleteSobra po akong na-amaze. Grabeeeeee. Sheeeeeet. d ko akalain sa gag po kayo..Sobra po akong nataranta na kinakabahan..Parang nagbago isip ko..Gusto ko pang magpraktis ng husto..Kapag kayo ang bumisita, buo n talaga ang blog..parang feeling ko "may laban ang mga sulat ko"..(walang halos echooos dir)..graaaaabeeeeee
Delete