Thursday, October 22, 2015

ALL WE NEED IS DISKARTE" EP1 BKA



“Iyakin man tayo, ngunit mayroon naman tayong pusong palaban” sambit ni Kapitan Diskarte sabay hithit ng yosing tobacco.

Sa isang lugar ng Probinsya Estrella. Ang probinsyang nakatala sa libro ng Pilipinas na sobrang napaka malas dahil sunod-sunod na giyera at delubyo ang mga nangyayari dito. At ito’y mayroong isang barangay na pinaninirahan ng mga taong kuwago. Ang kanilang pamumuhay roon ay halos katulad din ng pamumuhay ng pangkaraniwang tao. Ngunit mayroon silang tulungan sa kanilang bawat pangarap sa buhay. Lalo na sa barangay na kanilang tinitirhan.
Mababait ang mga taong kuwago na ito ngunit may pagkapilyo. Minsan mga bastos. Ngunit nagkakaisa sila.
Tuwing mag-gagabi sila lumalabas sa kanilang mga Pugad. Mas sanay kasi nilang idilat ang kanilang mga mata sa gabi. Kung saan man sila mapadpad sa iba’t ibang lugar, ang mas pinipili nilang kumilos na oras ay sa gabi.
Higit na makapangyarihan ang kanilang mga mata na kayang matanaw ang pinakamalayong bundok. Pati na rin ang loob ng suot ng tao. Nakikita rin nila.
Hindi nakapag aral ng elementarya sina Mel, gas at Bal. Si Mel ang panganay. Si Bal ang sumunod. At si gas naman ang bunso sa magkakapatid. Yan ang mga anak ni kapitan Diskarte. Binansagan sila ng kanila ama na “The Magi Brothers”. Walang malalim na kahulugan. Mukha lang daw silang Magi Noodles. Pero sabi ng iba, para din daw silang mga wise man. Mga wais na mga bata. Mautak. Si Kapitan Diskarte ang namumuno sa “Barangay Kuwago Ambisyoso”. Ang natatanging barangay sa siyudad na iyon na sobrang linis at ganda kahit mapadpad ka sa lugar na iyon ng gabi.
Ano mang gawin mong pag gulong-gulong sa kalsada ay sobrang linis ng kapaligiran. Walang alikabok. Walang kalat. Disiplinado ang lahat. Pu-pwede ka ngang pumasok sa trabaho ng gumugulong pero malinis pa rin ang uniforme mo pag pasok.
Ang lugar na kung saan mahina man ang ekonomiya nila ngunit kumpleto naman sila sa binibigay ng kalikasan.
Si kapitan Diskarte ay naging bihasa sa pamumuno sa barangay. Bumaba ang bilang ng krimen dahil sa pagiging mahigpit niya sa mga patakaran. Siya ang pinakamadiskarteng taong kuwago na kayang solusyonan ang anumang problema. Lalo na noong nadatnan niya ang lugar na puno ng karumal dumal na pangyayari. Hinahangaan siya ng lahat sa kaniyang napakagandang personalidad sa pamumuno. Maraming nagsasabi na malakas siya sa barangay ngunit mahina siya sa pamilya lalo na sa kaniyang mga anak.
Ang pinagtataka ng ilang residente doon kung bakit hindi niya napag-aral ang kaniyang mga anak ngunit magaling siyang mamuno sa barangay.
Kinapos man sa pera ang kapitan para pag aralin ang kaniyang tatlong batang kuwago. Pinalaki niya naman ito ng may mataas na ambisyon sa buhay. Ipinaramdam ng kapitan sa kaniyang mga anak kung gaano kasarap mabuhay ng hindi sumusunod sa kung ano ang iniuutos ng ibang tao. Ibigay ng kapitan ang klase ng buhay sa mga anak sa pagpapamalas ng galing sa pamumuno. Kasama rin ang kanilang asawa na si Nanay Erna. Ang selosang asawa ni kapitan.
Buntis ito ngayong magpapasko. At  nagkaroon siya ng hika noong nakipag usapan siya ng matagal sa mga pusa sa kabilang barangay.
Sa tagal ng pamumuhay ng mga anak ni kapitan sa barangay na iyon. Namulat sila na kailangan na nilang mabuhay mag isa ng hindi umaasa sa tulong ng kanilang mga magulang.
Oras ng hapunan. Habang kumakain ang kanilang ama. Ipinahayag ng mga anak ang kanilang tinatagong saloobin.
“Ama, kailangan na po namin maghanap ng trabaho. Gusto na po namin makatulong sa inyo at kay ina” sabi ni Mel.
Sumagot ang ama “Hindi maaari. Masyado pa kayong bata para mag hanapbuhay, dito na lamang kayo sa barangay at tumulong sa inyong ina.”
“Ngunit dumadami na po ang ating pamilya at may sakit pa si ina” Hinaing ni Mel.
“Hindi kayo ang masusunod. Ako ang ama ninyo. Kaya hindi pu-pwede ang gusto niyo” ulit ni Kapitan.
“Hahayaan nalang po ba namin ang sarili nameng ganito? Wala na po ba kaming mga pangarap na gustong maabot? Marami pa po kaming gustong gawin kaso pinipigilan niyo kame. Kailangan kami magiging malaya? Kailangan?“ Ang sagot ni Bal sa kaniyang ama ng malumanay. Malumanay pa yun.




Nag-isip ng malalim ang ama. Sumindi muli ng sigarilyo. Bumuga ng usok papalayo. Ipinikit ang kaniyang mga mata dahil alam niyang sa sarili niya, may pagkakamali rin siya noon sa kaniyang mga anak. At nagdesisyon siyang,
“Sige. Pumapayag na ako. Pinapayagan ko na kayong mag hanapbuhay. Pero siguraduhin niyo sa akin. Ipangako niyo sa akin na mag iingat kayo palagi. Tutal naturuan ko naman kayo kung paano mamuno sa sarili at maging madiskarte sa buhay“ Maluha luha ang ama.
“Alam niyo namang gusto ko din kayong protektahan baka maisahan kayo ng mga taong daga at mga insekto sa paligid”
Sumagot ang dalawang bata na napakasaya “Opo ama, mag-iingat po kami. Kayang kaya po namin yan. Yahoooo. Sa susunod na araw po, sisimulan na namen. Tay penge pera”
Kamot ulo ang Ama at bumunot ng pera.
Nagtaka si Kapitan kung bakit walang imik ang batang si Gas. Samantalang ito pa naman ang pinaka masipag at madiskarte pagdating sa mapagkakakitaan kaysa sa ibang magkakapatid.
Tanong ng ama : Oh my Gas, Bakit hindi ka nagsasalita diyan? Wala ka bang gustong sabihin samin?
“Mayroon po. Mas malupit pa po  kaysa sa mga pangarap ng mga kapatid ko.” Sagot ni Gas.
“Aba Wow. Ano yun, sabihin mo sakin, baka matulungan kita” ulit ni Kapitan. At tumingin sa ibang mga mga anak. “Yan si Gas. Mataas ang ambisyon sa buhay”.
Hirit ni Gas “Gusto ko rin pong maging katulad ninyo, gusto ko rin ng pamamahala. Ang mamuno. Gusto ko ring makatulong sa ibang tao”
Natuwa ang kapitan sa sinabi ni gas. Mga salita na ngayon lang narinig ng kaniyang ama”
Ang sabi ni Gas “Gusto ko pong maglagay ng Videokehan Competition sa barangay, kung pu-pwede lang po. Malaking kita rin po yun”
Biglang nalunok ng ama ang sigarilyong kaniyang hinihithit.
Nagtawanan sina Mel at Bal. Ngunit biglang huminhin ang tawa nung napatingin sa kanila ang kanilang ama.  
Wala ng naisagot ang ama ng mahaba pa. Kaya napa-oo nalang. “Sige okay yan..Pwede yan.” Lumingon sa malayo at napamura ng walang tunog.
Nang mawawala na ang sinag ng araw. Dumating naman si Mang Ping Guerero. Ang taga-linis ng barangay. Ang sabi ng iba galing siya sa mayamang pamilya ngunit nawalay sa kaniyang mga mahal sa buhay. Sinunod ang mga kagustuhan sa buhay.  Kaya ayun. Ang pangarap lang naman daw niya ay maging malinis ang kalye.
Ang sabi ni Mang Ping “Narinig ko yung mga pinag uusapan niyong mag aama ah. Nakakatawa kayong apat ah. Ang tataas ng mga pangarap niyo ah” Tawang tawa siya
“Sa malayo palang dinig ko na ang mga boses niyo. Ang iingay niyo, mga boss. At ano ba yang mga pangarap niyo. Wala ba sa inyo nagbabalak na maging katulad ko. Ha! Ha! Kung hindi niyo naitatanong. Naisusulat sa Manila Bulletin ang pangalan ko. Isang magaling na sweeper sa pilipinas noong panahong di pa uso ang mga teknolohiyang yan. ganyan ako kagaling. Yon ang naging award ko. Kaya kayo!? kung gusto niyo talaga yan….eeeeh diiii sige..Pero magsitabi kayo diyan. Maglilinis nako”




Winawalis ang mga kalat papunta sa mga tao.
Nagtawanan ang mga “The Magi Brothers.” Pati si Kapitan. Si Mang Ping kasi ang pinaka siraulo sa kalyeng iyon.
Umuwi na ang mga bata at si Kapitan at Mang Ping ay kumaen muna saglit sa tindahan ni Nakanam.

***********

Kinabukasan, gumising na ang tatlo para gawin na ang kanilang mga balak sa araw na din na yun. Isa lang ang CR ng kanilang tahanan kaya nanguna na kagad si Mel at pumila muna ang dalawa sa harap ng pinto. Nakaugalian na ng dalawa ang magkamot ng bayag pagkatapos gumising. Humihikab habang kumakamot. Nagtatanggal ng muta habang kumakamot.
Sabay naamoy nila ang niluluto ng kanilang ina. Amoy usok ng isda na tilapia.
Habang nanonood ng balita si Nanay Erna ay inihain nito ang masarap na breakfast ng tatlo. Napalingon ang ina. Sabi ni Nanay. “Oh kayo, Gas at Bal, kumaen na kayo, gising na ba ang kapatid niyo na si Mel?”
Sagot nila “Nasa CR ho, dinudukot pa po ang mabigat na granada este nauna na po sa CR, Nay”
Nakangiti sila habang pinapakinggan si Mel sa loob ng banyo.
Napansin ng ina “Ano bang makati diyan sa bayag niyo at kamot kayo ng kamot”
“Wala po, Nay. sobrang lamig lang po kasi ng kwarto kaya nilalabas namin ang lamig ” Sagot ng dalawa.
Ulit ni Nanay Erna “Kala ko kung ano nilalabas niyo eh. Magkapatid nga talaga kayo”
At kumaen muna ang dalawa. Pagtapos kumaen ni Gas. Inayos na niya ang kanyang mga gagamiting damit mamaya. Sumunod naman si Bal sa pag aayos.
Nagtanong ang katulong na si Aling Gina Jaculo. Ang anim na taon nilang naging katulong. Mula sanggol palang ang mga bata ay nasilayan na niya ang mga ito. Tanong nito “Sino ang tao sa CR? Bakit parang mabibiyak ang bowl ng CR. Ang mapagbirong babae ay nang alaska na naman.
Sumagot ang ina “Si Mel yun, umiire ng malakas? constipated kasi yun”
Gina Jaculo: “Ah ganun ba, Kala ko nabibiyak na yung mga tiles dun eh. hahaha Kakalinis ko pa naman nun. “
Tawanan ang lahat.



Nakita nilang lumabas na ng CR si Mel na namumula.
Sabi ni Gina “Oh Mel tapos ka na pala, push pa more hahaha “
At tinuro naman si Gas at bal. “Kayo naman dalawa, sumunod na kayo!”
Naligo na si Gas at sumunod naman si Bal.
Nang tapos ng magbihis ang tatlo. Sabay na silang tatlong nagmano sa kanilang nanay.
Ngayon palang nagtanong ang ina “Saan ba ang mga lakad niyo at bihis na bihis kayong tatlo. Gabi tayo lagi lumalabas diba!?”
Sagot ng tatlo
Mel: Maghahanap po ako ng trabaho.Nay.
Bal: Ako din po,Nay.
Gas: Tutulong naman po ako sa barangay Nanay Erna. Magdedecorate.
Sagot ng Ina “Totoo? Alam ba to ng ama niyo?”
Sabay sabay na sagot ng tatlo “Opo, nakapagpaalam na po kame kahapon.”
Tumango ang ina at sinabing
“Oh sige. Mag iingat kayo ah. Laging mag iingat” Ang huling sabi ng Ina.
Lumabas ng bahay.
Pumara na sila ng Jeep at sumakay sila doon. Sa mabilis na takbo ng sinasakyan nila. Tila tuwang tuwa sila sa pag uusap. Binanggit naman ni Mel na nangangamba siya sa sakit ng kanilang ina. Kaya mas kailangan niya daw ng malaking sahod. At gusto niya daw mapasaya niya ng husto ang kanyang mga magulang. Napahanga ng husto si Gas at Bal sa tapang ng kanilang kuya sa paghahanap ng trabaho at pag asenso sa buhay. Napasagot naman din si Bal, “Ako din naman, gusto ko namang guminhawa na ang buhay ng ating mga magulang” Kaya naghawak kamay ang dalawa na parang magtropa at tinuro ang tumingin sa kanilang bunso. Nangako sila na mas magpupursigi pa sa buhay at aalagaan ang kanilang bunsong kapatid.
Sambit ni Bal: “kaya kahit anumang mangyari Sige lang tayo ng sige sa lahat ah”
Sa kalagitnaan ng biyahe. Nakasabay nila si Ms. Everloo. Ang babaeng pinagpapantasyahan ng lahat. Minamanyak ng ilang lalaki. Ang babaeng birhen. Nagkawentuhan sila sa loob ng jeep.
“Ms. Everloo, sobra pong ganda ng suot niyo ngayon. Shet. Lalo po kayong gumanda. Nahulog na ata ang loob ko sa inyo” sabi ni Mel.
Napangiti na lamang ang dalaga.
“Ms. Everloo, talagang hindi ako makatulog, kayo po lagi kong iniisip. Punong puno na po ng tigyawat ang mga mukha ko. Full Pores na po sila” sabi ni Bal.
Hinampas na si Bal sa sinabi nitong biro. Tawang tawa sa mga sinasabi nito
“Ms. Everloo, isa lang po ang masasabi ko senyo, mahal ko na po ata kayo”
Niyakap nalang ng babae ang batang si gas. At kinurot kurot sa tuwa.
Pumasok na naman si Mel. “Kame din Ms. Everloo. Kurutin mo rin kame. Saktan mo kame“
Ang tatlong pilyo ay hindi maawat sa kalokohan. Todo pambobola sa magandang dalaga.
Ms. Everloo “Ang kukulit niyong tatlo, pupunta ako sa Gym. Kasama ko si Crayola. Gusto niyong sumama?”
“Gusto sana nga namen kaso, Naku si Crayola? delikado yun, wag ka masyadong magtitiwala dun,nanunuklaw yun.” Natatawang sabi ni Bal.
Sagot ni Ms. Everloo. “Hindi naman siguro, kayo talaga. Mabait kaya si Crayola. Sige na..dito na ako bababa. Ba-bye na”
Bumaba na si Ms. Everloo. At nag flying kiss ang tatlong pilyo. Nakangiti na lamang ang babae sa mga pinag-gagagawa nila.
Sumabat na ang driver
“Hoy kayo mgachikiting , Bayad na ba kayo? Nilalanse niyo na naman ako ah.” Nakatingin sa taas na mirror ang lalaki,
“Ay oo nga po pala, eto na po”




Bumaba na rin ang tatlo at sinamahan muna si Gas sa Barangay Hall. Pupuntahan ang kanilang tatay para humingi ng pamasahe. At para banggitin ang  videokehan competition.

ITUTULOY…..

No comments:

Post a Comment