Kani-kanila lang. Pagkalambing-lambing.
May nakasabay akong babaeng tomboy sa bus. Gwapo siya na maganda kapag sa side view. Maganda naman siya tignan. Maayos manamit. Kaso ang problema nga lang. Parang sinasapian siya ng masamang espirito. Hindi siya mapakali.
Sobra.
Naaantala ang “Gwapo Tulog” ko knina sa bus. Kung pu-pwede lang talagang sakluban ko ng garbage bag yung ulo niya para lang manahimik siya, eh matagal ko ng ginawa.
Para Flawless Victory, Fatality na. Mortal Kombat lang ang peg. haha
Kala ko nga nung una, naiihi lang siya o naghahanda lang sa nalalapit na undas. Mga ritwal. Hindi pala ganun ang eksena niya. Naririnig ko sa mga boses niya.
"Naku, patay na naman ako sa boss ko neto, trapik na naman"
Naisip ko tuloy: “Ang OA naman neto, yun lang eh”.
Buti nalang tumahimik na siya at pwede na rin akong bumalik sa pag idlip.
Maya maya naman. Pagbaba ko na ng bus at sasakay na ako ng jeep. Ang tagal naman ng jeep maghintay ng pasahero sa sinasakyan ko.
At ang end. Late din ako katulad ni Ateng boyish.
Hawa-hawa lang eh. Domino effect ata to eh.
Di ko naman siya hinusgahan base sa gender niya. Nirerespeto ko ang mga katulad niya. Maganda nga siya eh. Nega lang talaga.
Sa mundong ating ginagalawan, napatunayan kong punong puno
ng negatibo ang ating paligid.
Minsan ang kaibigan natin. Minsan ang pamilya mo. Minsan ang
boss ko. Minsan ang driver na sinasakyan ko. Minsan ang kapitbahay mo naman. Minsan
ang equation sa math. Ang gulo gulo na talaga. Hindi natin alam ang takbo ng
isipan nila araw-araw. Sila lang ang nakakacontrol nun.
Hindi natin alam kung ano ang pinagdadasal nila araw araw.
Hindi natin alam ang tunay na nararamdaman o pinagdadaanan nila kung bakit ganuon
nalang ang nangyayari sa kanila. Ang alam lang natin, mag sstatus muna ang iba bago
mag duck walk kapag may earthquake. Urgh
Maraming nagtatanong kung bakit nangyayari ang hindi magandang
bagay sa mga mabubuting tao. Maraming nagtataka kung bakit nag iba ang ihip ng
hangin sa mga kaganapan noong masaya pa ako. Maraming nagtatanong kung bakit
nandito pa rin ako sa aking kinalalagyan ngayon. Maraming nagtatanong kung
bakit naglagay ng sabitan sa jeep pero ayaw magpasabit ng driver. Maraming
gumagamit ng internet pero karamihan sa facebook lang. Maraming tanong.
Maraming nagtataka. Ngunit ganunpaman, ang sarap pa rin mabuhay, diba!?
Ang hirap lang talagang ipaliwanag lahat ng nangyayari.
Minsan kung ano ang gusto natin ay kabaliktaran ang mga nangyayari.
However, isa lang din naman ang puno’t dulo ng lahat. Kung
paano tayo nagrereact sa lahat ng bagay ay yun ang nagiging resulta nito.
Kaya siguro para sa akin. Nagbibigay ng magandang meaning
ang bigat ng eroplano sa paglipad lipad niya, hindi yung pakpak niya. Ang
itinuturo nito. Ang problema o bigat ang
nagbigay ng kahulugan sa paglipad naten. Hindi ang mga pakpak.
Minsan iniisip ko na lamang, dapat ba kong magsasalita o
hindi nalang makiaalam sa mga negatibong tao?
Ang chika nga ni Mark twain “Never tell the truth to people
who are not worthy of it.”
Baka nga siguro. Tamang timing lang ang natatanging paraan
sa pakikipag usap sa mga negatibong tao.
Ako ay nananiniwala sa salitang “Ang lahat ng tao ay
lumilipad”.
Madalas lang natin tong naririnig ngunit para sa akin ay
mayroong malalim na kahulugan ito. Wala pa akong nakitang tao na ayaw maging
matagumpay sa buhay. Ayaw ng pagbabago. Ayaw ng pag asenso. Lahat ng tao ay may
inaasam sa buhay. Kahit nga pulubi, mas ninanais din niyang mapadpad sa iba’t
ibang lugar kung gugustuhin niya eh. Ang mga preso o bilanggo nga naghahangad
pa rin makalaya kahit papaano. Kaya kung ang lahat ay may kagustuhan at ang
lahat ng bagay ay nagbabago. Tila isa tayong dagat na iba-iba ang direksyon ng
hampas ng alon na kawangis ng ating mga kaisipan.
Maraming nagsasabi na
para daw akong nagsesermon sa blog.
Hindi po. Mali po your
honor. Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ay mas kailangan ko rin sa sarili ko.
Siguro minsan natatawanan ko lang ang problema dahil sa mga
karanasan, saka sinabi ko rin sa sarili
ko na dapat hindi dinadamdam ang lahat ng bagay. Tawanan kung kina-kailangan.
Bawal seryosohin.
*************
Marami akong napansin na mga negatibong tao kamakailan lang.
Katulad nalang na, sila yung laging nag aalala imbes na humanap ng solusyon, sila
yung hindi aware sa mga sinasabi niya sa ibang tao, sila yung masayang masaya
sa salitang “pero” at sila din yung di man lang excited sa susunod na
opportunity at marami pang iba pa.
Ilan lang to sa mga halimbawa ko. Marami pa. Sa pagkatao ko
din minsan. Meron din naman.
Aaminin kong isa rin ako minsan sa mga negative na nilalang
pero ginagawa ko ang aking mga makakaya para magawan ng paraan at maitama. Hindi
ako nagpapalusot oy.
Maikwento ko lang. Namaga ang almoranas ko sa pwet ng 3
days. Seryoso to. Imbes na sabihin ko sa sarili kong “sinusumpa ako ng mga
taong inisulto ko last week”. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na “pino-force
talaga ako na maging heathy ng mundong ito. Mapalad pa rin talaga ako. “
Kaya ako. Palagi kong dinidiligan ang aking huge brain ng “binhi ng positibo”. By focusing more and
more and more on the things I love.
Di nawawala sa akin yung appreciate lang ng appreciate sa
lahat ng bagay-bagay. Hinahanapan ko lagi ng positibong pananaw lahat ng bagay.
As in lahat. Nag upgrade na talaga ako.
Kapag dumating ang mga negatibong tao. Tina-try kong maging
busy sa ibang bagay. Ishini-shift ko kagad ang focus ko sa mga positive vibes.
Ganyan kasi thinking ko. Simple lang yan po. Katulad lang yan
kapag malandi ka. Malandi din lalapit sayo. Kapag negative ka. Negative din ang
lalapit sayo. Like attract like ikanga. Hanggang sa maubos sila.
I own my thoughts, I
own my emotions, I own my greatful life!
I just learn to go
with the flow. And resist nothing.
At lahat ng tao gustong maging masaya.
Natuto akong tanggapin ang katotohanan na ang mundo ay
binubuo ng negatibo at positibo na bagay. Nasa sa akin nalang talaga. Kung
malulungkot nalang ako bigla o magtatampo. Or haharapin para sumaya.
Kaya dapat. Imbes na ako ang iligaw nila, ako ang sirain
nila, ako ang itumba nila. Itinatago ko nalang ang intensyon ko sa totoong
buhay. Para naman di nila alam kung saan ako tutungo.
“Hindi pa po lahat nasabi
ko sa blog. Siguro mga 8% palang ang nasasabi ko tungkol sa pagkatao ko dito.”
Ang salitang “Positibo” naman. Sa unang salita niya ay may
katunog na “Pusit” kapag nirambol ay “Tipus”. Kailangan nateng pudpudin hanggang
sa magkatipus sa utak natin ang mga negatibong pag iisip upang makapasok naman ang
positibong visitor.
Sana malapit pa rin
ako sa topic noh. haha
Kung negative tayo mag isip. Negative tayo kumilos ang
bagsak Negative din ang magiging resulta ng ginagawa naten.
Ang salitang “Nega” pa naman ay kapag hindi mo
sinusolusyunan. At binaliktad mo ito, ang lalabas ay “agen”, again ulit. Try
again. Ulit ulit lang sa ganun. Walang katapusan.
Kailangan kong i-monitor palagi ang aking pag iisip at pag
uugali until I catch myself thinking or reacting negatively. Binabantayan ko
palagi. Muka nakong adik pero go lang.
Ang pagiging positibo ay kailangan hawakan ng husto at
isapuso. Hindi siya basta bastang pagkaen na kapag isinubo naten ay kusa nalang
siya matutunaw sa mga tiyan natin. Minsan kasi nawawala ang positive thoughts.
Kaya ako.
Tinigilan ko na ang manisi sa iba. Sinimulan kong gumawa.
Tinigilan ko na ang mentalidad na parang lagi akong aping-api.
Na parang lagi akong biktima palagi. Kumikilos na ako.
Tinigilan ko na ang parekla-reklamo. Humahanap na ako ng
paraan.
Hindi na rin ako nagpapa-apekto basta basta sa mga sinasabi
ng iba. Words lang yun. Tandaan. Ilagay kagad sa recycle bin tapos i-empty na
kung kinakailangan.
Isa pa palang negative belief na natutunan ko. Lately ko
lang narealize. Di ko pala kailangan pa ng back up plan. Diyan lang ako nagiging
negative eh. Sa pag-asang
“atlis kapag sumablay ako. May panoporta pa rin.”
I’ve learned that “I
don’t need to choose mistakes as an
option.”
Okay na rin yung ini-improve
ko ang sarili ko araw araw. Ano ba naman yung 1% sa isang araw. Edi sa isang
taong naka 3,778%. Di din biro yun ah. Atlis
na-reach ko rin ang 100%. Di na masama pakinggan. Magsulat ng 10minute a day. Pwede
na diba.
Minsan din natitisod ako dahil humuhingi ako ng payo sa
maling tao.
Therefore, kinaugalian ko na ang mag siyasat palagi.
Iniisip ko na kung yung goals ko ay na-achieve niya o may
kakayahan siyang payuhan ako sa ganung bagay. So I choose mentor wisely.
Hindi kasi ako basta basta kumikuha ng payo sa ibang tao. Natuto
na ako dati. Ako lang din ang nasisira. At
nasasaktan.
Maikli lang ang buhay. Gagamitin ko ng tama ‘to.
I just enjoy these moment now, because I know it dont last
forever.
Ang dami kong sinabi
noh? Kasalanan ’to ng ate sa bus eh. hahahaha
No comments:
Post a Comment